Forbidden Pleasure

By SenyoritaAnji

565K 9.5K 930

WARNING: SPG | R18 | MATURED CONTENT REVISED VERSION *** How can you love a person when it was already owned... More

Forbidden Pleasure
PRE-ORDERING ANNOUNCEMENT
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Author's Final Note

Chapter 2

16.5K 297 18
By SenyoritaAnji

"Even though we were never supposed to be together, I can't be with anyone else, no matter the consequences."
— Nicole Gulla

CHAPTER 2

Nanatili ako sa aking kinatatayuan. As a maid of honor, I need to stay within arm's reach of the bride. Baka sakaling may kinakailangan kagaya ng tissue, body pin and iba pa.

After saying their vows, lumapit ang isang batang lalaki dala ang unan na pinaglagyan ng wedding ring. Agad naman akong humakbang palapit at tinanggap ang unan na hugis puso. Inabot din sa 'kin ni Ate ang kanyang bouquet.

Kinuha ni Isaiah ang singsing. I choose to look away. Ayokong magtagpo ang paningin naming dalawa. Seeing him would only take me back to my past, and I don't like it.

Humarap sila sa isa't-isa. My sister is smiling while Isaiah isn't. Blanko ang mukha nito at walang emosyon ang mababakas sa kanyang mga mata. 'Di ba dapat ay masaya siya sa araw na 'to?

"Though we have heard the vows, which have shared by the bride and groom, words, once spoken, are carried away on the wind. Therefore, the wedding ring is a visible symbol of the promises that have been made."

Kinuha ni Isaiah ang kanang kamay ni Ate Resha. He placed the ring on my sister's finger. "Resha, receive this ring as a sign of my love and fidelity. That I will love you today, tomorrow, and forever."

Like what you're seeing, Sam? Dahil sa kalandian mo, nahulog ka sa maling tao. You can't just blame the alcohol for losing your hymen. It's your fault. I thought.

Ganoon din ang ginawa ni Ate. Kinuha niya ang singsing sa unan at sinuot kay Isaiah. I took my step back to my place and watched them.

Sabay na nagpalakpakan ang lahat nang maglapat ang mga labi nila. I forced myself to smile and clapped my hands as I shouted 'congratulations'.

Tinawag ang maid of honor at best man para pumirma sa marriage contract as witnesses. Lumapit naman kami ni Bryle.

Matapos ng pirmahan ay nagdesisyon silang kumuha ng litrato. I forced myself to smile and nodded my head.

Pumwesto kami sa malaking flatform ng simbahan kasama ang mga magulang ko at mga tita at tito ni Isaiah. Nakakapagtakang wala ang parents nito. They should be here, right? I mean, they are the groom's parents, they should be here.

"Stop frowning, Sam. We're taking a picture. Smile," mahinang sita sa akin ni Mommy.

Tumikhim ako bago ngumiti sa camera. The cameraman counted 1 to 3 and the camera flashed. Gustuhin ko mang ipikit ang aking mata dahil sa pagkasilaw, ngunit pinigilan ko 'yun. Nasasanay naman akong indahin ang silaw ng mga flash ng camera dahil nga sa dati akong model. During booksigning din sa labas ng bansa, 'di maiiwasan ang mga nakakasilaw ma flashes ng camera na nakakairita

"Sam!" Ate called me. "Let's take a picture together."

Napilitan akong ngumiti at hinawakan ang aking gown upang maglakad. Pumagilid naman sila mommy at si daddy ay inalalayan ako para makalapit sa puwesto ni ate. I saw Isaiah took a step back. Nginitian ko naman ito bago ako nakalapit nang tuluyan kay ate.

She immediately wrapped her right arm on my waist. She smiled towards the camera, and so do I. Pinilit kong paabutin ang ngiti sa aking mga mata. I'm good at faking it.

"Complete family naman!" my sister exclaimed.

Mahina akong natawa sa pagiging hyper ni Ate. Nakangiti namang umakyat ng flatform si mommy at daddy. Napakamot ako sa aking batok at inilibot ang aking paningin. I can feel someone's staring at me.

Dumapo ang paningin ko kay Isaiah na katabi si Bryle na nagsasalita. I guess they are talking? But why is he staring at me?

"Sam?" pukaw ni ate sa atensiyon ko.

Mabilis akong napabaling dito at doon ko napagtantong nakapwesto na sila mommy at daddy. I held my sister's hand and squeezed it lightly as I look at the cameraman. Ramdam kong nagtataka si Ate sa inaakto ko ngunit nagpatay-malisya ako.

The cameraman counted again from 1 to 3. We give our smiles. After the camera flashed, aalis na sana ako ng flatform nang pigilan ako ni Ate sa pamamagitan ng paghigpit ng hawak sa aking kamay.

"Last na 'to. With maid of honor and best man sana? And Isaiah of course." Kiming ngiti ni Ate.

I took a deep breath as I nodded my head. Tinawag naman ang atensiyon ni Bryle at Isaiah na nag-uusap upang umakyat dito sa pwesto namin ni ate.

Isaiah went to my sister's left side since I'm on her right side. Sinundan naman ni Bryle si Isaiah at pumwesto sa kanan ng groom. My sister let go of my hands as her husband placed his arms on her waist. I bit my lower lip to hide the sadness that is creeping in my eyes. Ayokong may makabasa ng nararamdaman ko. So instead of looking at his wrapped hands on my sister's waist, I choose to look at the camera ang show my tight smile.

"One, two, three," the cameraman counted and a flash followed.

"Ate," mahina kong tawag dito. "Bababa na ako. You both should take a picture together."

"Okay." She smiled happily.

Nilapitan naman ako ni Bryle. He offered his hands in front of me with a wide smile on his face. "May I?"

"Dance with you?" nakangiti kong gatong.

He chuckled. "Nice try, Sam."

"Thanks, Bryle." I chuckled too as I accepted his hand.

Inalalayan niya ako hanggang makababa ako ng flatform. Nang makababa na ako ay saka lang namin binitiwan ang kamay ng isa't-isa.

"Your hands are soft," he said.

"I take that as a compliment. Thank you." I smiled.

"Uhm..." Kinamot nito ang kanyang batok na tila ba'y nahihiya sa kung ano man ang kanyang sasabihin. "Can I get your number? Aayain sana kitang mag-coffee during our free time?"

I smiled and lend my hand. "Phone."

Agad naman nitong hinugot sa bulsa ang kanyang cellphone at inilagay sa nakalahad kong kamay. I smiled and typed my mobile number on his phone.

"Here." Inabot ko ito pabalik sa kanya, sakto ring pagdating ni Adele sa aking tabi.

"Hoy, ano 'yan?" Malisyosa niya kaming tinignan ni Bryle.

Bryle let out a soft chuckle as he pointed Isaiah and my sister's direction. "I have to go. Sunod na lang kayo sa reception."

I nodded my head and showed him my tight smile. "Okay."

"Thanks, by the way," he said as he waved his phone. I guess that thank you was for the mobile number.

I mouthed 'welcome' and smiled again.

Siniko ako ni Adele at piningkitan ng mata. "What was that, Sam? Kakauwi mo pa lang, nakabingwit ka na."

Mahina akong natawa. "Siraulo."

"Huwag na kaya tayo pumunta sa reception," nakasimangot na sambit nito.

Ngumisi ako at inakbayan siya. "Kailan ka ba sisipag ha, Adele? It's been five years since I left pero ang tamad mo pa rin. Bridesmaid ka pa naman. Dapat nandoon ka."

Yumakap siya sa bewang ko. "Na-miss talaga kita, bruha ka. Pagkatapos nung nawala ka bigla sa bar, nabalitaan ko na lang na palipad ka na ng Japan kinabukasan. Dapat nagtatampo ako, e."

I chuckled. "Kung nagtatampo ka, bakit yakap mo ako?"

"Tampo pa rin ako sa 'yo, pero na-miss kita kaya payakap muna." ani nito.

"Sam!" rinig kong tawag ni Mommy.

"Po?" Humiwalay ako sa yakap ni Adele at nagpaalam bago nilapitan si mommy. "Bakit, Mom?"

"Here's the schedule..." She handed me a small notebook. "Nandiyan ang oras kung kailan ang cake slicing. You need to feed the bride and the groom. Hindi ko pinakain ang ate mo baka hindi magkasya ang gown, sayang naman. And then you'll still help your sister for the take off."

Sa bawat sinasabi nito, tango lang ako ng tango. Really? Feed the bride and groom? Can't they just do it themselves? "Yes, Mom."

"Kailan ba ang sa 'yo, nak?" biglang tanong niya na kinagulat ko.

"Po?" nagtataka kong balik tanong. Kailan ang alin?

"When are you getting married? Anak, you're already twenty-eight and you're not getting any younger. Kasi ang ate mo, kasado na. And everyone is already expecting a child from them. What about you? Hindi mo man lang ba ipapakilala ang boyfriend mo? I still want to see my grandchildren running around the mansion."

Hilaw akong napangiti at kinamot ang aking batok. "Mommy, naman. Kakarating ko lang galing abroad tapos 'yan ang pambungad niyong tanong. I don't have a boyfriend, Mom. And not planning to have one."

Tumaas ang kanang kilay ni mommy. "You don't have a boyfriend? Why?"

Napahigpit ang kapit ko sa maliit na notebook na hawak ko. "Kasi wala pang nagkakamali?"

"Oh, silly." Nilakbay ni mommy ang distansiya namin at hinawakan ang aking pisngi. "You're beautiful, Sam. Makakahanap ka ng taong para sa 'yo."

"I don't need a man, Mom. Focus muna ako sa trabaho..." and Kai. I wanted to add.

"You're already successful, hija. Asikasuhin mo naman ang buhay pag-ibig, 'nak. Ayokong tumanda kang dalaga. Dalawa lang kayo ng ate mo at gusto ng apo mula sa inyong dalawa."

I didn't reply. Nginitian ko lang siya at sakto namang tinawag kami ni Daddy. I don't have that close relationship with my parents. I'm not a daddy's girl nor moms. I'm nobody's. Mas malapit pa ang loob ko kay ate kaysa sa kanila. Siya ang nakasama ko sa bahay for how many years while mom and dad are on the other country for business.

--

Natataranta kong hinanap ang phone kong kanina pa tumutunog. I just texted James a while ago. Sasabay ako ngayon kay Adele. May kotse na, e. Yaman.

Otomatiko akong napangiti nang makita ko ang nakarehistrong pangalan ng tumatawag.

"Hello?"

"Mama, doko ni iru no?" bakas ang pag-aalala sa boses nito na mas lalong ikinangiti ko. [translation: Mommy, where are you?]

Doon na lumabas ang tunay kong ngiti.

'Mama wa ibento ni sanka shite imasu. Watashi wa atode ie ni kaerima," I answered [translation: Mommy is attending an event. I'll be home later.]

"Anata ga inakute sabishīdesu." [translation: I miss you.]

My smile reached my eyes. My son never fails to make me smile. "Watashi mo anata ga inakute sabishī. Anata ni nanika katte hoshī?" [translation: I miss you, too. Want me to buy something for you?]

"Chokorētokēki o kudasai? Ashitemasu." [translation: Chocolate cake, please? I love you, mommy.]

Ngumiti ako ng malapad. I bet he's now pouting. Gosh, how I miss my son. "Okay. I love you too, baby."

"Inghat ka, mommy."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Beibī, a-anata ga itta koto o kurikaeshite moraemasu ka?" [translation: Can you repeat what you said, baby?]

"Inghat ka, po."

Gusto kong maluha sa narinig ngunit pinili kong ngumiti nang malapad. At last, narinig ko na rin ang anak kong magsalita sa 'king kinalakihang lengwahe. And damn, nakakatuwa.

Nagpaalam na ako sa kanya at binaba ang tawag. Malapad ang ngiti ko hanggang makarating kami ng venue ng padadausan ng reception.

As we stepped out of the car, Adele asked me, "Sino 'yung kausap mo at parang masaya ka?"

Nilingon ko siya at nginitian. "Nothing. Just someone special."

Napapantastikuhan niya akong tinitigan. "Nothing tapos someone special? Seriously, Sam? 'Yan ba ang magiging resulta kapag nanggagaling sa labas ng bansa? Sayang, nagpaplano pa naman akong mangibang bansa. Kaso 'wag na lang pala. Baka maging baliw ako kagaya mo."

Umiling nalang ako sa sinabi niya at naglakad papasok sa loob ng hotel. I feel like I'm really a useless maid of honor. Dapat ako ang nauuna dito. Ako ang dapat na nakikipag-coordinate sa lahat. I have a lot of things to do as a maid of honor pero anong ginagawa ko ngayon?

Nagkibit-balikat na lang ako sa sariling iniisip. Nakita ko naman ang bride at groom na paakyat sa mini flatform. Nakita ko rin ang mesa kung saan nakaupo sila mommy at daddy kasama ang mga uncles ko at ang aking lolo kaya dumiretso ako dito.

"Sam, is that you?" ani ni uncle Raul nang makalapit ako sa pwesto nila. I bowed my head slightly bago ako umupo sa isang bakanteng upuan katabi ng pinsan kong lalaki at kaharap si Mommy. Sa pagkakaalam ko, Uncle Raul is now the city mayor of Cebu.

I smiled and nodded my head. "Opo, uncle. Kamusta na po kayo?"

"Oh my gosh! You look more beautiful now, hija," puri sa akin ni Aunty Linda; uncle Raul's wife.

"Hindi naman po." Kinamot ko ang aking batok. "Naninibago lang po kayo."

"Sino ba namang hindi? Hindi ka namin nakita ng ilang taon. Akala ko nga ay may asawa ka na." Malisyosa ako nitong tinignan. "O meron naman talaga?"

Mahina akong natawa kay Aunty Linda. "Wala po. I have none."

"Really? Bulag naman yata ang mga lalaking hindi makakakita sa kagandahan mo. Look at your sister right now..." She gestured the flatform were my sister and her husband is at. "She's now married and soon will have children. Kailan ba ang sa 'yo?"

Kailan ba ang sa 'yo?

Really? Parang alam ko na ang takbo ng usapan. Ngumiti lang ako at tinignan ang bagong mag-asawa sa entablado. Pinatunog ko ang aking wine glass gamit ang hawak kong kutsara.

"Kiss!" I shouted; the crowd followed.

Kita ko ang pamumula ng mukha ni ate, dahil na rin siguro sa spotlight na nakatutok sa pwesto nila. Nilingon niya si Isaiah na walang emosyong nakatitig... sa 'kin? Why?

Mukhang hindi nakikinig si Isaiah kaya mas nilakasan ko pa ang sigaw ko.

"Kiss!" I shouted once again and that caught his attention. Mariin niya akong tinitigan bago bumaling kay Ate at walang sabi-sabing pinaglapat ang kanilang mga labi na ikinatili ng mga nandirito.

I forced myself to smile. I'm so sorry, Kai. Mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Dinilat ko ang mga mata ko at tinunga ang wine na hawak ko. I have my alcohol tolerance high so I don't need to worry about being drunk.

Gumuhit ang mapait nitong lasa sa aking lalamunan na ikinangiwi ko. Wew. This alcohol is strong. But I'm stronger. Pero wine 'to, e. Bakit napakapait?

Nag-bottoms up ako at tinaas ang wine glass na wala ng laman. "Toast for the happy couple!"

Nagtawanan ang lahat kaya nakitawa na rin ako. I didn't know na ganito ako ka-masokista.

Tumayo ako nang tinawag ako ng host upang magbigay ng speech para sa bagong mag-asawa. Kinuha ko ang microphone na inabot sa akin ng host nang makaakyat ako ng mini flatform.

"Hey there, Ate and kuya Isaiah..." I started. "First and foremost, congratulations to the both of you. Stay strong lang. Huwag sana kayo matibag ng kung ano mang uri at klase ng tukso. Ate, sorry for leaving you years ago. Alam kong alam mo naman ang rason ko." Ngunit kalahati lang doon ang alam mo. I smiled at her and she mouthed 'it's okay'. "So, yeah. I'm thankful I have you as my sister. Thank you for being always there when no one did. Thank you for being my diary to keep my secrets and my shoulders to cry on. I love you so much, Ate."

She nodded as she carefully wiped her tears to avoid ruining her make up. Now it's Isaiah's turn.

"Kuya Isaiah, take care of my sister. Huwag mo siyang iwanan kagaya ng ginawa ko. Don't hurt her. Either physically or emotionally. Ako ang makakalaban mo," I said and laughed nonchalantly. "So, ayun. Sana marami pa ang taon na lilipas na magkasama kayo. Thank you for loving my sister. That's all. Welcome to the family."

Lumapit ako sa pwesto nila at mabilis namang tumayo si Ate upang yakapin ako. I smiled and hugged her back. "I love you so much, Sis."

"I love you too, Ate." I slightly tapped her back para aluhin siya kasi alam kong any moment, iiyak na naman siya.

Sa aming dalawa, si ate ang pinakasensitibo at emosyonal.

Nauna akong kumalas sa yakapan naming magkapatid at bumaling sa asawa niya. "Congratulations again, Kuya." I extended my right hand.

Tinignan niya muna ang mukha ko at bumaba ito sa kamay ko. Saka niya pa lang tinanggap ang pakikipagkamay ko. His touch sends an unidentified feeling and makes me shiver. He still has this effect on me.

Nginitian ko ulit siya bago ko binawi ang aking kamay. Bumaling ako kay ate at pinaupo siya. Sumunod naman ito. I glanced at my wristwatch as I walked down the flatform. Alas tres na ng hapon. I need to be home at five. Bibili pa ako ng chocolate cake na ni-request ni Kai.

Bumalik ako sa mesa namin at umupo ako sa aking inupan kanina. Hinarap ko si mommy na ngayon ay masayang nakikinig sa nagbibigay ng speech para sa bagong kasal

"Mommy," I called her. Nagbaba naman ito ng tingin sa pwesto ko na may pagtatanong sa mata. "I need to be home before five."

"You still need to help your sister for the take-off, Hija."

"But I have to make plates and scan some blue prints, Mom." Humina ang boses ko.

"You'll stay, Alexis," sabat ni Lolo sa usapan namin ni mommy, and he called me using my second name. It only means one thing. My Lolo's words are final. "Spend your week with us. Ipagpaliban mo muna ang trabaho mo."

"Thats true, Sam," segunda ni Aunty Luna; my mother's sister. "You need to rest. Don't stress yourself over your work. Tatanda ka ng maaga niyan."

Umiling ako sa desisyon nila. "Hindi po 'yun pwede. Malaki-laki rin po ang magiging angat ng suweldo ko sa proyektong ito."

"Magkano ba ang suweldo at nang mabayaran ko para maigugol mo ang oras mo sa pamilya," sabat ni daddy.

"Daddy naman," nakasimangot kong sambit.

Aunty Linda chuckled. "You really love your work."

Tumango ako at ngumiti. "Opo. 'Yun na po kasi ang naging pangkabuhayan ko simula nang tumira ako ng Japan. Hindi ko ginalaw ang perang pinapadala nila mommy sa akin dahil gusto kong mamuhay na sariling kita ang binibili sa pangkain ko sa araw-araw."

Ngumiti si Mommy. "I'm so proud of you, Sam. Pero bakit ayaw mon mag-asawa─"

"Hahatiran ko po muna sila ng pagkain. Sabi niya po kasi ni Ate nagugutom na siya. Excuse me po," I cut mom. I know it's being disrespectful but I just want to avoid the topic.

Agad akong tumayo at yumuko muna nang bahagya bago nilisan ang mesa. Bakit kailangan nila akong pilitin mag-asawa? Kung meron mang taong para sa 'kin, I'm sure darating 'yun.

Kumuha ako ng ulam sa buffet sa gilid at kanin. Isang subo lang sa kanila. Hindi naman siguro malakas kumain si Isaiah.

The thought of Isaiah makes me shake my head. Hindi ko lubos maisip na sa loob ng ilang taon, his effect on me is still there. Parang mas lalo ko tuloy siyang na-miss. I never thought too na matutuloy ang kasalan nilang dalawa. It's funny to think that I ran away from them five years ago not to witness their marriage and now, ako pa mismo ang pumirma sa kontrata bilang witness. Ang ganda naman yata ng kapalaran ko.

Naglakad ako paakyat sa flatform at lumapit sa pwesto nila. My sister smiled when she saw me while Isaiah is listening to the person who is now talking.

"Kain ka po, Ate. Nasabihan ako ni mommy na hindi ka kumain kaninag umaga," saad ko at binigay sa kanya ang aking sinandok kanina.

She nodded. Tinanggap niya ang nilahad kong plato. Tinuro niya naman si Isaiah sa tabi niya, sinasabing bigyan din ito.

She's the bride. She should be the one to do that. A part of my head whispered.

"Ate, ikaw na lang. Share na lang kayo," mahinang sambit ko.

Susubuan ang bride at groom, who?

Hindi naman umangal si ate at kinalabit si Isaiah at iniumang ang kutsarang may lamang pagkain. Wala namang imik si Isaiah na tinanggap ang pagkain. Pilit akong ngumiti sa kanila nang tignan ako ni Isaiah.

"Ate, magpapaalam na sana ako. May importante pa po kasi akong gagawin."

"What? Ang aga pa, ah?" nagtataka nitong tanong.

Agad na nag-function ang utak ko sa paghahanap ng lusot. "Kasi bibili pa ako ng ticket pabalik ng Japan."

"Next week na. I still want to talk to you. Marami tayong dapat i-catch up," nakabusangot na sambit nito.

I smiled. "Ayaw man kitang makitang nakasimangot, Ate, but I still need to buy my ticket, pronto. My project is waiting for me."

Sige pa, Sam. Magsinungaling ka pa. Bawal ka na sa langit niyan.

"Hindi ko na ba mababago ang isip mo?"

"Hindi na, Ate." I smiled again. "Mababago lang kung matagal pa ang magiging flight ko. But I'm really in a hurry. So next time na lang."

"Sige na nga. Basta sa pagbalik mo, bring Kai." She mouthed the last two words. Tumango naman ako sa sinabi niya.

Sa loob ng limang taon, I mastered the art of lying and pretending. 'Yan ang naituro sa akin ng pagiging independent. You need to smile even if the world keeps pulling you down. You need to lie and pretend that everything's okay. Even if it isn't.

Muli ko siyang nginitian at yumuko ako nang konti bago tumalikod. As I took two steps, I heard Isaiah talk.

"Have we met before?"

Parang napugto ang aking hininga. Hindi niya ako pwedeng maalala. Agad akong humarap sa kanila at sunod-sunod na umiling.

"Uhm, no. We haven't, Kuya." I gulped. "This is the first time we've encountered each other since I wasn't able to attend your engagement party five years ago, remember?"

Nakita ko namang tumango si Ate at tinignan si Isaiah. "Oo nga, Ice. That's impossible."

Sige, Ate. Pagtakpan mo pa ako. Kaya mahal kita, e.

"Nothing." Umiling ito. "You just looked so familiar to me."

Nakahinga ako ng maluwag. Parang feeling ko ay natanggalan na ng tinik ang puso ko sa kaba na baka ay maalala niya ako.

"Maybe you just saw my picture on the mansion. That's why I looked familiar to you." I smiled nervously.

Tumango ito at hinilot ang kanyang sintido.

END OF CHAPTER 2

Continue Reading

You'll Also Like

3M 77.3K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
24.9K 430 31
UNDER MAJOR REVISION WARNING: MATURE CONTENT! //R-18// In order to save her brother's life from illness, Alexa Madrigal decided to enter of where...
64.4K 587 11
[Aviator's Series #01] (THIS IS AN INCOMPLETE CHAPTERS. THE COMPLETE VERSION IS AVAILABLE IN DREAME @GORGEOUSYOOO) Synopsis I was so young when I dec...
8.6M 173K 59
[Filipino Book] He owned her heart and soul. She gave everything to the man she loved. Radleigh Montemayor is a notorious playboy and a fucker. Any s...