Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 33

22 7 0
By Unnie_Corn0

Ngayong araw ang aming first day of school bilang college student. Nakakapanibago lang talaga. Parang dati lang ay sa senior high school building pa kami. Ngayon ay sa Accounting building na kami.

Nandito ako ngayon sa classroom namin. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Nakahinga ako nang maluwag dahil kasama ko pa rin sila.

Sama-sama kaming maghihirap sa accountancy.

"Amery, naaalala mo pa ba ang mga previous lessons natin sa Fabm?" Nilingon ko si Fatima nang tanungin niya ako.

"Noong bakasyon ay nakalimutan ko na. Pero pinag-aralan ko ulit. Baka kasi bigla silang magtanong ngayon, nakakahiya naman kung wala akong masagot."

"Bulungan mo na lang kami kapag tinawag kami mamaya."

Baliw talaga 'tong si Julianna. Lagi kasi naming ginagawa 'yon noong senior high school pa lang kami. 

Umayos kami ng upo nang pumasok ang prof namin. Mukha itong istrikto na prof. Inilapag niya ang mga gamit niya sa mesa. Humarap ito sa amin nagpakilala.

"Good morning, class. I am your adviser for this whole semester. My name is Elma Martinez. But you can call me Ma'am El. "

"Good morning, Ma'am El."

Sabay-sabay naming bati sa kanya. Ngumiti naman siya sa amin. Well, kapag ngumingiti si Ma'am El ay hindi siya nagmumukhang strict na Teacher. 

"I will call you one by one to introduce yourself."

Isa-isang tinawag ang mga classmates ko. Isa-isa rin silang nagpakilala. May mga kakilala na ako sa kanila. Pero may mga bago rin akong classmates.

Meron ding transferee sa school. Isa na rito ang pinagkakaguluhan sa room na ito. Gwapo nga ito. Halata sa mukha niya na meron siyang lahi.

"Good morning, everyone. My name is Christoff Nam. I'm half Filipino and half Korean."

"Ang gwapo niya."

"Crush ko na siya."

"Feel ko bagay kaming dalawa."

Sikat na agad siya sa room namin. Wow!

Kaya naman pala maputi ito. Singkit din ang mga mata niya. Gwapo siya. Pero mas gwapo boyfriend ko.

Miss ko na ang isang 'yon. 

Nang tinawag ako ng teacher namin ay tumayo na ako. Hindi naman ako masyadong nahihiya dahil kilala ko ang iba kong kasama. 

"Hi everyone. I'm Amery Gem Thompson. I hope we'll survive this semester together."

Pagkatapos ng introduction namin ay nagbigay lang ng mga libro ang prof namin. Babasahin daw namin iyon. Next meeting naman ay recitation.

Wala man lang bang lesson? Recitation na agad?

Mas mahirap nga ang college. Hindi pala ito biro. First day of class pa lang ngayon pero ang bigat na sa feeling.

Pumunta kami sa café para magkalaman ang aming tiyan. At syempre para makita ko na ang boyfriend ko.

Nang makarating kami ron ay nandoon na sila. Ang lilinis nilang tignan sa mga uniform nila. Well, mga med students sila kaya hindi na ako magtataka.

"Good morning, baby. How's your morning?" Tanong ni Ivan pagkaupo ko sa tabi niya.

"May binigay agad silang libro na babasahin. Parang pagod na agad ako. Ikaw?"

Parang bata akong nagsumbong sa kanya. Pero si Ivan ay gwapo pa rin. Mas mahirap ang course nila. Pero siya pa itong mas fresh sa amin.

"I'm good, baby. Ikaw ang inaalala ko. Baka hindi ka na naman niyan kakain at matutulog nang maayos."

"Hindi naman." Bulong ko.

Guilty talaga ako sa sinabi niya. Dahil totoo ito. Kapag maraming ginagawa ay hindi ako nakakakain at nakakatulog nang maayos.

Nag-order na kami ng lunch. Nang makuha na namin ang pagkain ay nagsimula na kaming kumain.

Nang susubo na sana ako ng pagkain ko ay biglang hinawakan ni Ivan ang buhok ko. May hawak itong pantali ng buhok. Itinali niya ang buhok ko para hindi ako mahirapang kumain.

Sweet.

"Thank you, Ivan."

"You're welcome, baby."

Nagsimula na kaming kumain. Sa sobrang gutom ko ay subo lang ako nang subo. Muntikan pa akong mabulunan. Naging alisto naman si Ivan at pinainom ako ng tubig.

"Be careful, baby."

Uminom ako ng tubig na bigay ni Ivan. Nang maging okay na ako ay nagsimula na ulit akong kumain. Pero naging mahinahon na ako. Ayaw ko namang mabulunan.

Pumasok na kami sa classroom pagkatapos naming kumain. Last subject na lang naman ang papasukan namin. Dalawang oras lang ang time niya sa amin. 

Marami talagang vacant kapag college ka na. Pero kahit maraming vacant ay marami pa ring ginagawa.

Katulad ngayon. May ipinapagawang activity ang prof namin. By pair ito. Pero hindi kami ang pipili ng pair. Kung hindi ang prof namin. Sana naman ay may maka-pair ako sa mga kaibigan ko.

"Amery and Christoff."

Bakit naman transferee pa ang partner ko? Nakakailang naman kasi na makipag-usap. Hindi naman kayo close. 

"Sayang iba ang partner ni crush."

"Bakit hindi na lang ako ang naging partner niya?"

"Sa akin mo na lang i-partner, Ma'am."

Sige ibigay ko na sa inyo. 

Pero mukhang maaasahan naman si Christoff. Mukhang hindi naman ako mahihirapan na kausapin siya.

"That's all class. You can use your free time to do your activity. Good bye."

Umalis na ng classroom si Ma'am. Lumapit si Christoff sa akin. Hindi na pala ako mahihirapan na mag-isip kung paano ko siya ia-approach.

"Amery, do you want to do the activity now?"

Tumango ako. "Yeah, sure. Sa library na natin gawin. Malakas din kasi ang signal doon."

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko na gagawa kami ng activity sa library. Kinuha ko ang mga gamit ko at naglakad na. Alam ko naman kasi na hindi pa familiar si Christoff sa university dahil transferee siya. 

Nang makapasok sa library ay naghanap agad kami ng pwesto. Sakto at marami pa ang bakanteng upuan. Kadalasan kasi ay punuan talaga rito.

Umupo na kaming dalawa. Inilapag ko na rin ang mga gamit na kailangan. Naglapag din ng mga gamit si Christoff. Halata naman sa amin na ilang kami sa isa't-isa.

"Ahmm, I know na ngayon lang tayo nagkakilala pero gusto kong mawala ang pagiging awkward natin para matapos natin nang maaga yung activity."

"Sure, mabait naman ako. Hindi naman ako nangangain ng tao, Amery."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Marunong din pala siyang magsalita ng tagalog.

"Let's start." Tumango siya.

Sinimulan na naming gawin ang activity. Matalino naman siya kaya hindi ako nahirapan. Madali lang din naman ang activity na ipinagawa ng prof namin. Kaya natapos din namin agad ito.

"Tapos na rin." 

Masaya ako dahil may oras pa ako mamayang gabi para magbasa ng libro dahil may recitation pa bukas.

"Salamat, Christoff."

Tumango siya sa akin. "Thank you, Amery." 

At dahil tapos na rin naman ang klase ay humiwalay na ako sa kanya.
Nag-message rin ako kay Ivan na uuwi na ako. Mamaya pa kasi ang uwi nila.

Amery:

Mauuna na ako sa 'yo, Ivan. Take care!

Wala pa akong natanggap na mensahe kay Ivan. Nandito na ako ngayon sa bahay pero hindi pa siya nag-reply sa message ko. Busy nga siguro siya.

Pagkatapos kong aralin ang libro na ibinigay ng aming Prof ay chineck ko kaagad ang phone ko. Baka sakaling may reply na si Ivan sa message ko.

Pero nang tignan ko ito ay wala pa rin siyang reply. Kaya naghilamos na lang ako para matulog na.

Habang naghihilamos ako ay iniisip ko pa rin si Ivan. Nag-aalala ako sa kanya.

Nang matapos na akong maghilamos ay nagbihis na ako. Pinatay ko na rin ang ilaw ng kwarto ko. Humiga na ako sa kama, handa na akong matulog nang biglang nag-ring ang phone ko.

Sinagot ko agad ang tawag nang makita kong si Ivan ang tumatawag sa akin.

"Hello? Ivan? Bakit hindi ka nag-reply sa akin? Nag-aalala na ako sa 'yo. Ayos ka lang ba?"

Inulan ko agad siya ng mga tanong.

"I'm sorry, baby. I wasn't able to reply to your message. Sunod-sunod kasi ang mga ipininagawa sa amin kanina. Pinagbawalan din kaming gumamit ng phone."

"It's okay, Ivan. Nag-alala lang talaga ako sa 'yo. Akala ko kung napano ka na."

"By the way. Kumain ka na ba?"

"Yes, kanina pa ako nag-dinner. Ikaw?"

"Yes. Matutulog ka na ba?"

"Yeah."

"Alright. Good night, baby. Susunduin kita bukas."

"Good night, Ivan."

Pinatay ko na ang tawag. Nakahinga rin ako nang maluwag dahil tumawag na si Ivan. Makakatulog na ako nang maayos.

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 82 36
| This story is dedicated to those who can't move on and and still longing for their past. | Reign Andrea Bernabe Alcazar is still in grief after lo...
70.4K 236 11
As the title says
990K 88K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
158K 949 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...