DIFFERENT

Od mayonnai_se

29.7K 1.8K 146

I'm Tariana Reyes, destined to be her. Více

PROLOGUE:
Chapter 1:
Chapter 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 10:
CHAPTER 11:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
A/N: #1
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:

CHAPTER 12:

728 45 3
Od mayonnai_se

"Ang bantot naman ng pangalan mo. Otet?”

Hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti matapos kong marinig ang pagka-usap ni liit kay Kei. Uminom ako ng tubig at muling bumalik sa tabi ng dalawa. Kasalukuyan silang naka-upo sa sofa. Si Kei ay deretso lang ang likod habang takot na naka-tingin sa kung saan. Takot na lingunin ang masungit na mukha ni liit. Kung maka-tanong naman kasi ‘tong si liit ay para bang may ginawang kasalanan si Kei sa kaniya.

“Kei ang pangalan niya. ‘Yun lang ang tawag sa kaniya,” ako na ang sumagot para kay Kei dahil mukha siyang natuod sa puwesto niya.

Kanina nung pabalik na kami sa apartment, naka-salubong namin ang balyenang Ina niya na galit na galit. May hawak pa ngang itak na balak ipukpok kay Kei. Malas niya lang dahil kasama ako ng Anak niya kaya imbes na si Kei ang mapuruhan, siya ang napuruhan. Malakas ko lang naman siyang sinipa, hindi ko rin naman in-e-expect na kakayanin ng lakas ko ang balyenang tulad niya. Magagalit pa nga sana siya kung hindi ko lang siya sinabuyan ng dalawampung gintong barya. Mabuti na lang talaga at mukha siyang pera.

Hindi ko na rin naman inaalala kung puntiryahin siya ng mga kawatan na naka-kita. Marami-rami rin kasi ang naka-kita nang nangyari. Kaya imbes na ako ang nakawan nila, malamang na mas pipiliin na lang nila ang balyenang ‘yun. Kung ang matabang tulad niya ay walang kahirap-hirap kong napa-tilapon, sila pa kaya na patpatin?

Hindi rin naman magawa ni Kei na matuwa dahil ang masungit at malakas na bunganga ni liit ang bumungad sa kaniya. Kesyo sino raw siya at bakit ko siya kasama. Ang pangit niya raw at baho.

Grabeng bata, ‘di ba? Wala naman sa karakter niya ang ganiyan. Ewan ko ba kung ano nangyari sa kaniya.

“Hmp. Buti pa ang pangalan ko, maganda.”

“Hindi nga namin alam ang pangalan mo,” sagot ko tsaka pinatong ang palad ko sa ulo niya.

Hindi ko alam pero gustong-gusto kong hawakan ang malambot niyang buhok. Katakha-takha nga kasi hindi naman siya naliligo tapos malambot pa rin ang buhok niya. Lahat ba ng nilalang sa mundong ‘to ay ganito?

Takha kong tiningnan si liit matapos niyang kuhanin ng kamay ko at tanggalin sa pagkakapatong sa ulo ni Kei. Kahit si Kei napa-lingon kay liit dahil sa ginawa nito.

“Sadie ang pangalan ko. Mas maganda naman kumpara sa pangalan niyan,” mataray na sabi nito habang naka-tingin sa akin nang masama. Natawa naman ako at marahang hinila ang ulo niya papunta sa akin. Pinatong ko ‘yun sa dibdib ko.

“Itong batang ire, nag-se-selos ka ba kay Kei?” natatawang tanong ko. Mabilis siyang umalis sa pagkaka-higa sa akin at umiling-iling.

Hindi ko alam kung ano bang kinakagalit niya. Pero pakiramdam ko dahil ‘yun sa nakita niyang paghawak ko sa kamay ni Kei habang naglalakad kami papunta sa apartment namin. Mukha nga siyang galit nung makita niya kami.

Ilang oras kaming tumambay sa sala dahil hindi matapos-tapos ang sagutan nang dalawa. Sa hindi malamang dahilan biglang tumapang si Kei habang nakikipag-sagutan kay liit. Hindi pa sana sila titigil kung hindi lang sila pinatigil ni Tanda na ang pangalan ay si Yugo. Kilala ko naman talaga sila dahil nga nasa libro sila. Hindi ko lang sila tinatawag sa mga pangalan nila dahil mas gusto ko ang liit at Tanda.

“Anong plano mo?” agad na tanong ni Tanda matapos niyang bumalik. Hinatid muna ang dalawang bata sa kaniya-kaniya nilang kwarto.

“Kailangan na nating umalis sa lugar na ‘to, Tanda. May mga Slave akong binili at hindi sila maaaring tumagal sa lugar na ‘to.”

“Dadalhin mo sila sa Commoner Area?” tanong niya.

“‘Yun ang plano ko. Alam mo Tanda, nitong mga nakaraang araw. Sa hindi malamang dahilan, nagiging malambot ang puso ko sa mga tao,” wala sa sariling sabi ko habang naka-tingin sa kisame.

Naroon siya sa katapat kong sofa naka-upo, ako naman ay nandito sa kabilang sofa habang naka-higa at naka-tingin sa itim na kisame. Hindi rin naman ako takot na mag-sabi nang kung ano-ano dahil nga hindi naman niya malalaman na hindi bilang Mistress Eve ang sasabihin ko.

“Kahit ako hindi ko maiwasan ang mag-takha sa pinapakita mong kabaitan. Hindi ka ganoon kasama ngunit hindi ka rin naman mabait na Mistress. ‘Yun ang sabi-sabi na umiikot sa buong Realm. Sinasabi nila na wala kang pakialam sa mga nasa paligid mo, hindi mo ugali na makialam sa kahit na sino. Pero kilala ka rin naman dahil sa pagiging matapang at bukas mong tao.”

Ngumiti ako at tumango-tango. Kahit alam kong si Mistress Eve ang tinutukoy niya, hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang dati kong buhay. Marami talaga kaming pagkaka-pareho ni Mistress Eve.

“Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako maka-paniwala na pinalaya mo ako mula sa kulungan na ‘yun. Alam kong hindi mo pa ako kilala pero bakit ang pinili mo? Marami sa mga kasama ko roon ang mas malakas kaysa saakin,” nahihimigan ng pagka-dismaya ang boses niya.

Dahan-dahan kong inayos ang pagkaka-upo ko at tumingin kay Tanda. Kung hindi ako nagkakamali, talaga ngang pinagdududahan niya ang sarili niya simula nang kunin ko siya. Hindi siya masyadong pala-salita nang kunin ko siya. Madalas lang.

“Sagutin mo nga ang tanong ko, Yugo. Bakit hindi ikaw?”

Inangat niya ang tingin sa akin at tinitigan ako ng may pag-ta-takha.

Ngumisi ako at isinandal ang ulo ko sa palad ko at tinitigan siya, “Alam mo. Wala akong pakialam kung hindi ikaw ang pinaka-malakas sa kasalukuyan. Gusto ko lang na maging tapat ka sa akin, maging mapagkakatiwalaan. Kung ang pagiging malakas ang batayan mo, puwes ako, tutulungan kita sa gusto mo dahil hindi rin naman ako papayag na hanggang diyan lang ang maaabot niyo ni Sadie at Kei. Tandaan mo na hindi ko kayo kinuha para mag-silbi sa akin. Sa totoo lang tinanggap ko kayo dahil kailangan ko kayo, para maging maayos ang landas na tatahakin ko.”

Si Yugo. Isa siyang klase ng nilalang na alam ang tama at mali. Nakagawa siya ng kasalanan dahil sa kagustuhan niyang iligtas at protektahan ang sarili. Ngunit dahil isang malaking tao ang napatay niya, kinulong siya nang hindi dumaan sa paglilitis. Ngunit kahit na ganito ang nakaraan niya, isa pa rin siyang mabuting tao na merong tuwid na paniniwala. Sa tulong ng isang tulad niya, hindi ako mawawala sa sarili at sa tamang landas. Ano naman kung kumpara kay Sadie, mas mahina siya? Hindi ko rin naman siya hahayaan na maging huli. Hangga't abot ng limitasyon niya, gagawin ko ang lahat para lumakas siya. Hindi man siya tulad ng dalawa na may malakas na kapangyarihan, mahalaga pa rin siya sa akin ngayon. Gusto ko rin naman makaranas ng father figure kahit pa-paano. Kahit ngayon lang.

Isa si Yugo sa nakakuha ng interes ko sa libro dahil sa matuwid niyang paniniwala na hindi niya magawang sundin dahil sa limitasyon ng kalayaan niya. Hawak siya ni Yvano, isang malakas at masamang Villainess ng istorya. Wala siyang lakas ng loob na bumaligtad dito dahil ayon sa kaniya, malaki ang utang na loob niya rito. Kailangan niyang ibalik ang utang na loob na ‘yun sa pamamagitan ng pagiging tapat at pagsunod sa lahat ng kagustuhan nito. Gusto ko ang kaisipan niya. Ang katulad niya dapat ang binibigyan ng pagkilala. Hahahaha.

Kaya ang pagkakaroon ng Yugo sa tabi ko ay malaking lamang na. Ang isang matalino at mabuting nilalang na katulad niya ay makakatulong sa akin para mapanatili ang katibayan at kalinisan ng isip ko. Kailangan ko ng limitasyon at alam kong siya lang ang makakatulong sa akin dahil kilala ko na sila ni Sadie. Bilang kapalit, tutulungan ko siya na maging isa sa pinaka-malakas.

“Tandaan mo, Yugo. Ikaw na ang Tatay sa pamilya mo at kami ang mga Anak na kailangan mong intindihin sa araw-araw. Kung iniisip mo na magiging walang kuwenta ka, puwes h‘wag mo nang ituloy. Isipin mo na lang na mahirap ang magbantay at magsaway ng dalawang bata at isang matigas ang ulo,” naka-ngiting sabi ko. Iniwas ko ang tingin sa kaniya, “Kailangan mo nang matulog, Yugo. Hindi pa tuluyang nakaka-balik ang enerhiya mo.”

Hindi tuluyang naibalik ng gamot na naibigay ko sa kanila ang enerhiya nila. Natulungan sila nito na maibalik ang maayos nilang pisikal na anyo at ang loob-loob nilang napuruhan. Ngunit ang enerhiya nila ay hindi agad na naibalik. Ang limampung porsyente lang ang naibalik sa kanila kaya kailangan muna nila na bumawi sa tulog.

Hindi ko nilingon si Yugo matapos ko siyang maramdaman na tumayo, “Salamat sa 'yo, Mistress Eve. H‘wag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat upang maging mas kapaki-pakinabang sa ‘yo.”

Matapos kong maramdaman na naglakad na siya paalis, nilingon ko siya at sinundan ng tingin hanggang sa maka-pasok siya sa loob ng kwarto niya. Ngumiti ako at umayos ng upo. Kumpara sa kanilang dalawa, kahit na kulang pa ang enerhiya ko, hindi ko pa rin magawang maka-tulog. Kailangan siguro na sobrang pagod ang katawan ni Mistress Eve bago ako maka-tulog.

Tungkol naman sa mga slave na binili ko. Maayos naman ang lagay nila. Mayroon akong abandonadong lugar na pinagdalhan sa kanila. Sinigurado ko rin naman na marami silang pagkain sa lugar na ‘yun at sinigurado ko rin naman na maayos pa rin ang lugar na ‘yun para tulugan nila. Hindi ko naman kasi sila maaaring dalhin sa lugar na ‘to dahil masyado silang marami at baka isipin pa ng mga tao na nag-ampon ako ng maraming bata. Binili ko lang naman sila at planong tulungan sa pamamagitan ng ibang matatandang babae at lalaki na nabili ko.

Wala sa plano ko ang alagaan ang mga batang ‘yun kaya mas magandang mayroong mga katulad nila na mag-ba-bantay sa mga bata. Hindi rin naman masama na mag-invest ako ng pera sa kanila lalo na't alam kong nakakatulong ako.

Ang plano ko bukas bago magising ang tatlo ay ang pagbebenta sa sampung dyamante na nakuha namin. Kailangan ko ng pera para makapag-bayad sa kukuhanin kong Mage. Kukuha ako ng magaling na Blacksmith sa Noble City upang matulungan ako sa pagpapatayo ng isang maganda, maayos at matibay na gusali para sa tutuluyan ng mga batang ‘yon. Alam ko kung gaano ka-mukhang pera ang mga Blacksmith sa Noble City. Hindi rin naman lugi sa akin dahil sila naman na ang bahala sa paghahanap ng mga kagamitan na gagamitin.

Pero dahil nagbago ang isip ko. Dalawampu’t lima nalang ang ipagbibili ko para abot isang milyong gol coins ang pera ko. Whahahaha.

Maaari akong rumenta ng isang Blacksmith sa halagang 20,000 gold coins. Ang balak ko ay dalawampung Blacksmith ang rentahan para hindi na abutin ng isang linggo ang gagawing gusali. Hindi normal ang Blacksmith ng mga nasa Noble City kaya doon ko balak kumuha. Ang Blacksmith sa Noble City ay mayroong kakayahan, bumuo ng mga kagamitan sa loob lang ng iilang araw kaya malaki ang bayad sa kanila. Ang mga Blacksmith ay mga nagpapanday na mayroong unextraordinary powers. Sulit ang bayad sa kanila lalo na kung sobrang bilis nila trumabaho.

Hindi na rin kami maaaring tumagal dito sa Slave Area. Kailangan na naminh umalis dahil nakuha ko na ang ilan sa atensiyon ng mga tao. Hindi na rin ako mag-ta-takha kung sa mga oras na ‘to sikat na ang pangalan ko sa Commoner Area hanggang sa maka-abot na sa lahat ng kaharian. Imposible naman kasi na sa dami ng mga Commoners kanina, walang nakakilala sa akin sa katagalan lalo na't wala naman akong suot na balabal. Hindi naman kasi ako kilala rito sa Slave Area dahil sarado sa mga balita ang mga narito. Sa Commoner naman, sa kanila naman nanggagaling ang mga sabihin nating Audience sa social media. Ganern.

Pero ayos lang hangga't mabuti naman ang kumakalat. Sana lang pagiging mabuti ko ang ipakalat, hindi ang ginawa kong pang-a-ano doon sa matanda. Psh. O baka mag-iba na naman ang kuwento, gawin nila akong isang masamang babae na balak bumili ng mga tao para pahirapan. Hays. Aba, malay ko. Marami akong what if noh.

Lumipas ang ilang oras at tulala lang ako.

Umaga na kaya pinili ko na lang bumangon at mag-luto. Dahil nga praning ako, sinilip ko muna kung bukas ba ang bintana at kung may naka-pasok bang hindi normal na hayop at lumilipas.

Mas pinili kong mag-luto ng madadaling pagkain dahil tinatamad pa rin akong kumilos. Siguro kapag naka-ligo ako bigla akong sipagin dahil sa lamig ng tubig. Ang lamig kasi ng tubig talaga rito. Pinadaan muna yata sa yelo bago padaanin sa gripo. Geez.

Matapos kong mag-luto at kumain na rin ako. Pagkatapos ay nag-hugas na rin at tinabi ang pagkain para hindi dapuan ng malalaking insekto. Sayang naman kung pag-uwi ko rito mamaya, malaman ko na lang na hindi pa kumakain ang tatlo. Joke. Alam ko naman na marunong mag-luto si Yugo dahil matanda na siya at minsan na siyang nagkaroon ng Asawa. Hindi ko nga lang alam kung paanong nawala ang Asawa niyang ‘yun. Bitin din kasi si Author, kulang-kulang ang mga info na binigay.

Dumeretso ako sa kwarto para maligo at mag-bihis. Ang puting bestida na nilabhan ko kahapon ang sinuot ko ngayon dahil kailangan kong maging presintable habang kausap ang mga Blacksmith. Hindi ko rin kinalimutan ang balabal dahil maliban sa Blacksmith, wala na akong balak magpakita sa iba.

Gaya ng plano, bitbit ko ang isang bag ng dyamante. Dumaan ako sa bintana upang sa likod dumaan, dahil wala akong plano na magpakita sa mga tao sa labas ng ganito ang suot. Mukha akong weirdo noh. Hindi rin naman ako nag-aalala kay Kei dahil kasama naman niya ang dalawa at siguradong hindi naman siya guguluhin ng Ina niya. Binalaan ko siya kahapon bago namin siya iwan kasama ang pera. Kaya kung hindi siya susunod sa usapan, hindi ako mag-da-dalawang isip na katayin siya ng parang hayop.

Tutal na-miss ko rin naman ang ganoong klase ng pagpapahirap sa katulad niyang nilalang.

Plano ko na sa Sentro ibenta ang mga dyamante. Nung una naisip ko na sa Noble City pero mahihirapan lang ako dahil may mga kawal na naka-paligid sa lugar na ‘yun. Baka mag-takha sila kung saan ko nakuha ang mga kayamanan na ‘to at baka magkagulo pa ng wala sa oras. Sa Sentro mas gamay ko ang mga tao dahil walang nakakalat na guwardya doon at madali lang silang kontrolin. Ako na lang din ang bahala na mag-hanap ng ibang alahasan. Hindi ko maaaring isama si Yugo dahil hindi pa naibabalik ang enerhiya niya. Hays.

Madali akong naka-labas ng Border Line ng Slave at Commoner Area. Malamang dahil may alam akong mga daanan palabas at papasok na wala gaanong bantay at wala gaanong tao na mga naka-tambay.

Pinili ko na lang din na maglakad-lakad muna sa Commoner Area. Hindi ko na rin pinansin ang mga taong weird na naka-tingin sa ‘kin. Gusto ko lang naman maki-balita tungkol sa akin kung meron man talaga. Grabe naman kung wala, ibig sabihin lang no‘n, hindi masyadong pala-labas ang Mistress Eve. Mag-ta-takha pa ba dapat ako? Hmp.

Napa-tigil ako sa paglalakad at piniling makipila sa isang karinderya. Marami ang naka-pila at puros nag-uusap at syempre narinig ko ang pangalan ko.

“Si Remon? Buti nga sa kaniya! Pero paanong nando‘n ang Mistress na sinasabi niyo? ‘Di ba nawawala raw ‘yun?”

“Baka naman peke lang ‘yan?”

“Hindi! ‘Yung amo ng kapatid ko doon din nanggaling! Kasama siya kaya nakita niya raw talaga ‘yung magandang Mistress ng mga McKenzie!”

“Eh, anong ginagawa niya ro‘n?”

“Binili raw niya lahat ng bata! Halos lahat daw ng mga nasa Slave Market binili niya!”

“Baka OA lang ‘yang kapatid mo? Alam mo ang malaman na nasa Slave Area ang Mistress, imposible na. ‘Yang pagbili pa kaya sa lahat ng mga nasa Slave Market? Ano namang gagawin niya ro‘n eh alam naman ng lahat na hindi siya malapit sa mga tao. Wala siyang pakialam sa mga tao!”

“Tama. Naalala ko nung may balita dati na noong nasa party sila, merong Maid ang naka-tapon ng pagkain sa Juice niya! Wala raw siyang pakialam no'n, nilagpasan lang niya ‘yung naka-tapon tapos wala raw sinabi na kahit na ano!”

“Kahit ‘yung minsan siyang bumisita rito? Naabutan nila na may pamilyang inaalipusta pero siya wala man lang siyang pakialam! Buti pa ‘yung Ina niya, si Madame!”

“Baka naman kasi gano'n lang ‘yung tao? Wala talagang pakialam sa kahit na sino at saan.”

“Baka rin naman gusto niyong um-order na? Mahaba pa ang pila oh!”

•••••

A/N: Sobrang sorry sa mga typo, paki-intindi na lang po muna. Thank youu for reading this part and don't forget to vote!! 💋

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

29.3K 70 15
ACT NO. 3815 AN ACT REVISING THE PENAL CODE AND OTHER PENAL LAWS (December 8, 1930) Preliminary Article This law shall be known as "The Revised Penal...
134K 3.6K 63
"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love m...
665K 14.5K 40
Hindi pa man siya umabot ng isang linggo sa trabaho niya bilang sekretarya ng C.E.O ay fired na agad siya dahil hindi niya natimpla ang kape nito bag...
AmAnak Od zilyonaryo

Literatura faktu

79.2K 458 60
Usapang ama at anak. Father and son, ika nga.