DIFFERENT

By mayonnai_se

29.5K 1.8K 146

I'm Tariana Reyes, destined to be her. More

PROLOGUE:
Chapter 1:
Chapter 2:
CHAPTER 3:
CHAPTER 4:
CHAPTER 5:
CHAPTER 6:
CHAPTER 7:
CHAPTER 8:
CHAPTER 9:
CHAPTER 11:
CHAPTER 12:
CHAPTER 13:
CHAPTER 14:
CHAPTER 15:
CHAPTER 16:
CHAPTER 17:
CHAPTER 18:
CHAPTER 19:
CHAPTER 20:
A/N: #1
CHAPTER 21:
CHAPTER 22:
CHAPTER 23:
CHAPTER 24:
CHAPTER 25:
CHAPTER 26:
CHAPTER 27:
CHAPTER 28:
CHAPTER 29:
CHAPTER 30:
CHAPTER 31:
CHAPTER 32:
CHAPTER 33:
CHAPTER 34:
CHAPTER 35:
CHAPTER 36:
CHAPTER 37:

CHAPTER 10:

781 51 4
By mayonnai_se

“Hayy. Kahit araw-araw pa akong magbuhat ng ganito kabigat, basta mga dyamante ang nasa loob, hindi ako mapapagod.”

Ngumuso ang kaharap kong si liit, “Buti sana kung ikaw lang magbubuhat ng mga ‘yan! ‘Yung malaking supot pa talaga binihay mo sa'kin! Ang hirap kaya buhatin!”

Pinag-krus ko ang mga kamay ko at hindi pinansin ang sinabi ng batang maliit. Mas magandang bigyan ng pansin ang mga supot ng dyamante na nakuha namin. Marami-rami rin ang mga ‘to kaya balak namin ni Tanda na isang supot muna ang ibebenta namin. Hahatiin namin sa tatlong supot para kaniya-kaniya kami ng bitbit at hindi naman masyadong agaw pansin sa iba.

Madaling araw na nang makarating kami rito sa bahay na tinutuluyan ko. Ang maarteng bata nag-inarte pa kung bakit ang liit daw ng bahay na kinuha ko. Akala mo kung sinong maka-angal eh nagtagal nga sa loob ng kulungan. Kung alam lang niya na puwede pa siyang magtagal ng dalawang buwan sa loob ng impyerno na ‘yun kung hindi ko sila kinuha. Tsk. Tsk. Tsk.

Balak ko rin na pagpahingahin sila ngayong araw dahil alam kong physically and mentally tired sila. Ikaw ba naman ang in a blink of time biglang nakalaya dahil sa isang magandang babae na tulad ko? Malamang talaga na magiging lutang at hindi makapaniwala sila pagkatapos.

“Ibebenta natin ‘to bukas. Puwede na kayong magpahinga ngayon. Gumising kayo kahit anong gusto niyong oras. Kahit pa bukas na kayo bumangon ayos lang. Pero bago ‘yun, kumain muna kayo. Ako na ang bahala rito. Kumain na kayo do'n,” litanya ko.

“Paano ka?” tanong ni Tanda.

“Hindi ako mortal. Kaya kahit hindi ako matulog ayos lang. Hindi rin naman ako nagugutom dahil hanggang ngayon busog pa rin ako.”

Totoo.

Hindi ko kinakailangan ng tulog dahil hindi talaga ako inaantok. ‘Yun din ang dahilan kung bakit sa gabi ang training ko nung nasa Fairy Kingdom pa ako. Minsan pinipilit ko dahil hindi ako sanay. Pero after 3 to 4 hours nagigising lang din talaga ako. Kaya ang lagay, after 3 to 4 days na lang din ako natutulog. Binalanse ko talaga sa oras ng tulog ko. Hehehehe.

Pumunta na silang dalawa sa kusina at naiwan naman ako rito sa sala.

Masyado rin akong napagod ngayong araw kaya ipipilit ko ring matulog mamaya kahit hindi naman ako inaantok. Gusto ko lang bawiin ang sakit ng kawatan ko ngayon. Kailangan ko ring bawiin ang enerhiya na nawala saakin. Hindi ko rin alam kung paano ko mababawi ‘yun lalo na't nandito ako sa Human Realm. Mas manipis at sigurado akong sobrang tagal bago ko mabawi ang limampung porsyente ng enerhiya na nawala saakin.

Pero may mga paraan naman ako. Meron akong naalala na nabanggit sa libro na merong mga immortal mage ang nagbebenta ng mga potion na maaaring makatulong sa mga tulad kong immortal na nawalan ng enerhiya sa katawan. Isa sa mga dahilan kaya kailangan ko ng pera. Mahal ang ganoong klase ng gamot. Sa pagkakaalam ko 25,000 gold coins isa. Limampung porsyente lang din ng enerhiya ang maaari mong mabawi sa ganoong kamahal na potion. Kaya paano kung pitumpung limang porsyente ang nawala sa'yo? Bibili ka rin ng potion na mas mataas ang enerhiya na meron.

Kailangan ko rin naman ng gano'n dahil tatlo kaming mga hindi normal. Kinakailangan kong magtago ng mga gano'n incase of emergency. Pagkatapos naming ibenta ang unang batch, maghahanap na kaagad kami ng ganoong klase ng tindahan.

Ano na nga ba ang plano ko ngayon?

Bumuntong-hininga ako tsaka ako umupo sa isa sa mga sofa. Hindi ko mapigilan ang mapatitig sa kisame ng bahay. Hindi ako nakakaramdam ng pagod pero nakakaramdam naman ako ng pagkatamad. Tinatamad akong mabuhay. Kaagad.

Grabe naman kasi ‘tong unextraordinary life ni Mistress Eve. Kahit na tanggap ko na buhay ko na ‘to, hindi ko pa rin maiwasan ang mapatanong sa sarili ko kung totoo ba ang lahat ng ‘to? Out of nowhere ko kasing naiisip kung bakit ako pa? Tulad ngayon.

Hindi ko na naman maramdaman na totoo ang lahat ng mga nangyayari. Mag-aapat na linggo na ako sa mundong ‘to. Ibigsabihin mag-i-isang buwan. Hindi ko inaasahan na aabot ako ng isang buwan. Hindi rin naman ako papayag na hindi ako mabubuhay ng matagal dito. Isa lang naman kasi ang ibigsabihin no'n. Na mahina ako. And hindi naman ako papayag na maging mahina ako. Kahit kailan hindi ko matatanggap na maramdaman ko na naman ang pakiramdam ng mahina.

Pero legit talaga.

Ano talaga kayang dahilan kung bakit ako nandito?

Mission ba ‘to? O talagang ako lang ang malas na pinili ng tadhana?

Pero syempre lahat naman siguro ng tao ganito ang maiisip ‘di ba? Bakit sila? Bakit hindi na lang ang iba?

Mahirap naman talaga kasi intindihin ang bagay na ‘to. Isang araw nabubuhay ka lang na parang normal, may binasa, at pagkasakay ng bus may nakitang hindi normal na batang babae. At biglang nagkaroon ng aksidente. Tapos biglang napunta ako rito. Sobrang nakaka-takot pakinggan na para bang sinadya ang pagkamatay ko.

Gusto ko tuloy hanapin ang batang babae na ‘yun para tanungin kung may kinalaman ba siya at kung anong ibigsabihin ng mga nangyayari?

Bakit ako pa? Sa rami ng naaksidente nung mga oras na ‘yun?

Mahirap ang buhay ni Mistress Eve.

Hindi siya lumaki kasama ang Ina at Ama niya. Laging wala ang dalawa. Tuwing magkakasama naman sila parang walang pakialam ang dalawa dahil pareho silang nag-aaway palagi. Pero kung papipiliin si Mistress Eve. Ang Ama niya ang pipiliin niya dahil close niya ito kahit madalas na wala ito sa bahay nila at madalas na hindi siya pansinin nito kapag galit dahil sa Ina. Mas naiintindihan ni Mistress Eve ang Ama niya kaysa ang Ina niya dahil simula maliit pa lang siya alam na niyang hindi siya totoong Anak ng Madame. Kaya kahit kailan hindi niya ito tinuturing na Ina dahil hindi rin naman siya nito tinuring na Anak.

Isa pa. Ang kasama niyang Ina ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng problema ang buhay niya. Ito ang may dahilan kung bakit siya nawalan ng Ama, ito ang dahilan kung bakit hindi maganda ang tingin sakaniya ng mga tao, ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng engagement, at ito rin ang nag-iwan ng dahilan kung bakit siya sumunod sa kamatayan ng Ina. Lahat ng mga illegal na gawain na iniwan ng Ina ay sakaniya isinisi matapos nitong mamatay dahil sa sakit. Siya pa ang sinisi ng lahat kung bakit namatay ang Madame.

Kaya sinong tanga ang gugustuhing mabuhay sa buhay na meron siya?

Kung mahina ang loob, pag-iisip at pisikal na lakas ng napunta rito. Malamang na mag-p-panic na siya at hindi makakapag-isip ng maayos. Hindi katulad ko na panic noong una pero mabilis ding na-realize ang mga nangyari. Hindi ko rin naman matanggap ang mga nangyari pero ano namang magagawa no'n? Hindi naman ako makakabalik sa dati kong buhay dahil malamang na patay na ako. Baka nga mas kailangan ko pang magpasalamat dahil sa bagong buhay na ‘to.

Hindi ko rin naman alam kung bakit parang ang bilis kong natanggap.

Siguro dahil hindi na rin naman ako masaya sa buhay na meron ako roon. Gumigising lang naman akong normal, gumigising para mag-aral at makapasa, gumigising para gumawa ng trabaho, gumigising para matulog ulit pagsapit ng gabi. Wala rin naman akong naiwang pamilya maliban sa ibang kamag-anak na hindi ko naman gano'n kalapit dahil may sari-sarili silang mga buhay. Kaya siguro ganoon na lang kabilis saakin na tanggapin ng mga nangyayari. Dahil wala naman akong naiwan na pamilya, na mahahalagang tao, na mahahalagang bagay.

Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ang mag-isip ng konkretong plano kung paano ko maisasagawa ng tama lahat ng gusto kong gawin. Walang imposible dahil nag-e-exist ang kapangyarihan dito. May mga advantage akong nakukuha dahil siya si Mistress Eve. Kung isang normal na tao siguro ang nasapian ko, baka hindi ganito kadali para saakin ang lahat. Pero dahil si Mistress Eve ang katawang ‘to, malaking advantage saakin ang lahat.

Mas mabuti na rin siguro talaga na narito ako. Mas magkakaroon ng thrill ang buhay ko. Lahat ng gusto kong gawin, magagawa ko. Kahit ang pumatay maaari dahil hindi naman illegal ang pagpatay rito. Maliban na lang siguro sa ibang part ng Human Realm.

Ipinakit ko ang mga mata ko. At sa hindi inaasahan, mabilis akong nakatulog habang naka-upo.

Paggising ko, umaga na.

Naroon din sina Tanda at Bata, may mga unan at kumot. Hindi ko alam kung bakit mas pinili nilang matulog sa sala kaysa matulog sa mga kwarto na meron dito? Dahil ba gaya-gaya sila o dahil meron silang pakialam sa'kin? O baka dahil hindi sila makatulog sa mga kwarto nila dahil hindi sila nakapagtanong saakin kung saan sila puwedeng matulog?

Sa palagay ko nakatulog ako ng apat na oras. Ganoon ako kagaling tumantya. Wala rin naman kasing orasan dito sa tinutuluyan namin. Wala akong balak bumili dahil wala naman akong pake sa oras.

Marami akong planong gawin ngayong araw. Isa na ro'n ang paglabas para maglibot, para makibalita. Gusto ko lang malaman kung may matabil ang dila na hindi sumunod sa usapan. Pero bago ako umalis, magluluto muna ako ng pagkain ng dalawa. Hindi ko alam kung anong oras sila magigising pero mas maganda kung gigising sila ng may pagkain na. Para naman maisip nila na napakabuti kong amo sakanila kahit ganito lang muna ang tinutuluyan namin.

Mas maganda naman kasi na sa ganito muna kami mamamalagi para hindi masyadong makahatak ng atensiyon. Kapag naging gold coins na lahat ng pera nanin, tsaka kami lilipat sa mas maayos at mas malaking tirahan. Kailangan din naman namin no'n dahil hindi lang naman silang dalawang ang makakasama ko. May dalawa pa kami na kailangang hanapin, pero wala sila rito. Pareho silang nasa palasyo. Palasyo ng McKenzie.

Dahil nga karamihan sa mga sangkap na narito ay pareho lang sa Earth mas pinili ko na lang lutuin ang mga pagkain na alam ko. Adobo at menudo. Nagsaing na lang din ako ng kanin para mabusog naman sila.

“Ay gago!”

Napahawak ako sa kanang dibdib ko matapos kong magulat sa isang insekto. Insekto na kasing laki ng daga! Pagtalikod ko bigla ko na lang nakita na palabas na ng bintana ng kusina.

Lumapit ako sa bukas na bintana, sinarado dahil baka may iba pang kakaibang ‘insekto’ ang pumasok. Pambihira. Dapat pala laging sarado ang mga bintana rito sa bahay para naman ligtas sa mga ganoong klase ng hayup. Paano pala kung delikadong hayop ang pumasok? Edi nadale kami ng walang kalaban-laban? Pero hindi naman kami mamamatay. Pero kahit na! Grabeng gulat ang dinulot sa'kin ng lintek.

Dahil nga naiinis ako. Kumain na lang ako para mawala ang inis. Food is my comfort. Kain lang ako nang kain noon lalo na kapag sobrang galit ako. Nilalabas ko ang galit ko sa pag-nguya. Kaya nga isang beses, nung may dumali sa pagkain ko, nabugbog ko pagkatapos. Sa pagkakaalala ko no'n na-hospital ang baliw ako ang pinagbayad. Mabuti na lang kaibigan ko ‘yung Doctor na gumamot at siya pa may-ari nung Hospital kaya walang binayad ang kupal.

Hindi naman talaga kaibigan dahil siya lang naman ang tumuturing saaking kaibigan. Marami akong mga kakilala na kung ituring ako ay kaibigan, pero hindi naman ako gano'n sakanila dahil hindi ko gusto na ma-attached sa kahit na sino dahil delikado ang buhay ko. Maaari silang masama sa gulo ko, o maaari rin naman na isa silang traydor na may plano saakin.

Ganoon ako ka-praning mag-isip noon.

What if madamay sila tapos mamatay?

What if tirahin sila tapos hindi ko sila kayang tulungan?

What if?

So many what if‘s.

Pero bakit ba napunta sa usapang nakaraan. Dapat hindi ko na-m-miss ang nakaraan.

Bagong buhay na ang meron ako ngayon kaya bagong ako naman ngayon. May kapangyarihan at lakas na ako para protektahan ang kahit na sino. Ayos lang kahit minsan lumamang na saakin ang awa. Tulad ngayon. May dalawa na akong kasama na kailangang protektahan. Si Tanda na mas matanda saakin pero mas mahina naman saakin. Pero kaya namang i-improve dahil talentadong nilalang siya. At si liit naman na natural ang pagiging malakas dahil galing siya sa ‘maharlikang’ pamilya sa ibang Realm.

Pareho sila na simula sa araw na ‘to, kargo ko na. Hindi puwedeng saktan dahil mananakit ako pabalik, mas malala nga lang, inaabot hanggang kamatayan.

Pagkatapos kong kumain, malamang ako na rin ang naghugas. Hindi puwedeng tambakan ang lababo ng dumi dahil baka kung anong hayop ang dumapo. Kapag nga may nakita akong bagay sa Sentro na puwedeng ipang-patay sa mga peste na ‘to, bibili na kaagad ako. Ayaw ko pa naman sa mga hayop na mga peste kung itinuturing. Pero syempre maliban kay liit, tinanggap ko nga eh.

Matapos kong mag-ayos dito sa kusina, dumeretso ako sa kwarto para maligo at magbihis. Wala pa talaga akong mga sapat na gamit pero may ilan naman akong nabili na mga damit na komportableng suotin. Dahil nga medyo modern na ang mundong ‘to, nauso na ang mga pants at shirts. Kaya ‘yun na lang ang sinuot ko. Hindi na rin ako nag-suot ng balabal dahil ang weird ko naman. Nung pumunta kasi ako sa Sentro feeling ko ako ang pinaka-weird na taong nakilala nila kaya hindi ko na siya sinuot ulit nung umuwi ako bago dumeretso sa Black Arena.

Feeling ko kasi cool ako sa balabal. Pero dahil wrong place pala ang pinag-suotan ko, wala rin, nagmukha pa akong weird na mysterious. Pero cool pa rin naman ako dahil nagawa kong takutin ang mangangalahas sa Sentro.

Pagkalabas ko ng apartment, ingay ng mga tao ang bumungad saakin. Dahil nga hindi kagandahan ang gusto kong apartment, dito ako sa slave area kumukha ng apartment. Dito nakatira ang mga tao rito sa Human Realm na kinokonsidera bilang mga alipin dahil karamihan sa mga naka-tira rito ay sobrang hirap at walang choice kundi ang ibenta ang mga Anak nila o mga sarili nila sa mga mas mayayaman sakanila.

Saludo ako sa mga magulang na mas pinipiling ibenta ang sarili upang may maipangkain ang mga Anak. Pero nakakaawa pa rin ang mga naiiwang mga bata dahil mag-isa na lang sila. Mawawalan sila ng magulang. May saglit na sarap dahil makakakain sila pero pagkatapos ng ilang buwan, mawawala din naman ang pera. Balik na naman sila sa hirap dahil wala na naman silang makain. Ang ending mas mahihirapan na sila sa pagkakataon na ‘yun dahil wala na silang magulang na gagawa ng paraan upang may maipakain sila.

Sa mga magulang naman na pinipiling ibenta ang mga Anak para sa sariling luho, nakakadiri sila.

“Otet bumalik ka rito! Walang hiyang bata ka!”

Napatigil ako sa paglalakad at nilingon ang sumigaw. Paglingon ko may nakita akong batang lalaki na tumatakbo, tumingin ito saakin at nilagpasan ako. Sunod kong tiningnan ang isang matabang babae na merong malaking pamalo. Kaya naman pala lumuluha ang bata nung tingnan ko ang mata.

Hindi na naka-abot sa puwesto ko ang mataba dahil bigla na lang siyang huminto at hiningal. Nilapitan siya nung isa sa mga marites naka-upo sa gilid.

“Ano na naman bang ginawa ni Otet?”

“Ang gago! Tinapon ang langis ko! Wala nang ginawang tama!”

“Makapag-salita ka naman sa alaga mo. Halos lahat nga ng gawain niyo sa bahay siya na gumagawa,” natatawang singit nung isang babae na may hawak na sinampay.

Tinarayan ng mataba ang babae habang hinihingal ito at naka-hawak sa bandang dibdib niya, “Pakialamera ka. Ano naman!? Dapat lang para naman may pakinabang ang batang ‘yon!”

Napa-iling na lang ako tsaka ako nagpatuloy sa paglalakad. Hindi na pinakinggan ang kung anong mga kabaliwan ng tatlo.

Ngayon ko lang sila na-encounter. Hindi naman kasi ako nag-stay nang matagal dito sa apartment. Lagi rin naman akong umaalis. Nung nakaraang araw lang din naman ako napunta rito kaya ngayon lang ako nagkaroon ng oras na lumabas bilang normal na tao.

“Ate, wala na po ba ‘yung matabang Nanay ko?”

Continue Reading

You'll Also Like

DIFFERENT By argie

Non-Fiction

29.5K 1.8K 39
I'm Tariana Reyes, destined to be her.
247 60 18
Marami ang nagsasabi na kapag lumagpas ng limang taon ang relasyon ay swerte nyo ng dalawa, pero may darating at darating na pagsubok pagsumapit ang...
94 31 6
If you are looking for something to read. Here is some list that you must read! Some of them are still on-going. Let's support these Authors!
71.1K 3.1K 19
A story about a girl who will cross paths with four gorgeous girls that will falls in love with her.