The Prostitute Wife Of the Ma...

By PenMelody

7.2K 342 123

COMPLETED: Giana Michellain Gwenn V. Ford is a talented, desirable, gifted daughter who ended up as an illite... More

Author's Note:
PROLOGUE
CHAPTER 1: Ex-husband
CHAPTER 2: Edge of a knife
CHAPTER 3: Naughtiness
CHAPTER 4: My Reliever
CHAPTER 5: Painful past
CHAPTER 6: Blessings & Regrets
CHAPTER 7: Doubt & Fears
CHAPTER 8: Escaping
CHAPTER 9: Peculiar I
CHAPTER 10: Peculiar II
CHAPTER 11: Peculiar III
CHAPTER 12: I miss you
CHAPTER 13: The Bait
CHAPTER 14: Saved by Strangers
CHAPTER 15: Betrayed
CHAPTER 16: Bounce Back To You
CHAPTER 17: Truth
CHAPTER 18: Malignant Escaped
CHAPTER 19: Agony I
CHAPTER 20: Agony II
CHAPTER 21: Gamble
CHAPTER 22: Saved By Strangers II
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28: 🔞 Brutal Content!
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33: 🔞 Brutal Content!
CHAPTER 35: 🔞 Sensitive Content!
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39: 🔞 Brutal Content!
CHAPTER 40: 🔞 Brutal Content!
CHAPTER 41:
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
AUTHOR'S LAST NOTE:

CHAPTER 34

80 5 3
By PenMelody

Mga ingay galing sa paligid ng bahay ang siyang pumukaw sa akin. “Good morning, Ate.” Malumanay na bosis galing sa harapan ko.

“Ah-huh?” Unti-unting idinilat ko ang mga mata ko. Laking gulat ko nalamang ng marinig ang malalakas na iyak mula sa labas ng bahay.

Mariin akong napatayo at kaagad na binigyan ako ng tubig ng isang batang lalaki. Isa sa mga pinakabatang pamangkin ko, maaring isa siya sa mga anak ni ate Clara.

“Ate, w-wala n-na si, t-tita e-esrel huhuhuhu.” Biglang pag-iyak nito sa harapan ko kaya't kaagad naman akong napatayo at napatakbo papunta sa kusina na kung saan makikita ko ang mga tao sa paligid na nag-iiyakan.

Bosis ni mama ang siyang nangunguna, na kahit sa kalayu-an ay maririnig mo ang malakas na paghagolhol niya.

“A-Ano ang problema?” Gulat na tanong ko sa mga malilit kong pamangkin na para bang nabigla nalamang sa nangyari.

“S-Si tita patay na po huhuhu,” sumbong ng isang bata sa akin.

Hahahaha. Oo nga pala. Kaya pala ang sarap ng tulog ko kagabi bahahaha.

“Huhu sino ang kriminal na gumawa sayo nito, Jessrel!?” Sigawan ni mama habang nababaliw na sa kakaiyak.

Paikot-ikot ang kaniyang ulo habang ang mga magugulo niyang buhok ay tumatakip na sa kung saang parte ng mukha niyang puno na ng pawis.

“Mamatay ka sana!” Wala paring pigil sa pag-iyak ang matandang bruha habang tinatahan ito ng paligid.

“Nakita ko po talaga si, Uncle Jonel. Tumatakbo palayo na wala sa sarili niya. Tinawag ko pa nga pangalan niya pero hindi na siya bumaling pa ng tingin. Puno kaya ng dugo ang katawan niya. Tapos..” Isang lalaki ang nagsaysay ng kaniyang nakita na sa tagal ng pagpapaliwanag niya sa iba't ibang tao sa paligid ay kaagad na lumaganap ang ganitong usapan.

Napa-smirk lamang akong nakatitig sa likuran. Samot-saring paliwanag ang mga naririnig ko mula sa paligid at mismo lahat sila itinuro ang lalaking tinabi ko kay ate ng mga gabing patay na ito.

Hinatulan ng rape ang lalaking naging suspek sa pagpatay. Malaki ang paniniwala nila na bago paman  pinatay ang biktima ay ginahasa pa ito ng nasabing kriminal dahil sa nakita nilang bahid dito.

Basi sa mga paliwanag ng iba ay dahil daw ito sa galit nadinadama nh lalaking iyon kay ate dahilan para maging ganito ka brutal ang nagawang pagpatay. Hindi raw kasi nagbabayad ng mga utang si ate.

Bukod sa ganoong pag-aakala ay karamihan sa kanila ay nagsasabi rin na dahil daw ang lalaking iyon ay matagal ng kriminal na nakatakas lang sa bilangguan.

Gusto kong tumawa, gusto kong humalakhak. Talaga ba? Galing nilang gumawa ng kwento. Kung sa bagay, may malakas na ebidensya naman.

Kaagad akong lumapit sa mga kapatid ko at tinitigan ang bangkay ni ate Jessrel na tinatakpan ng puting kumot.

Walang mga bata ang nag lakas loob na titigan ito dahil kahit ang mga kapulisan ay sumusuka at lumalayo.

“Ma'am, gagawin po namin ang lahat upang mahanap si Jonel Basindo, ang suspek sa pagpatay sa anak ninyo,” ani ng isang pulis na kung saan hawak na nila ang lahat ng mga nakita nila sa krimin at iba pang mga ebidensya.

“Sana mabulok siya sa impyerno!” Sigawan ni mama at kaagad ng lumisan ang mga pulis dala ang bangkay na nakita nila sa gitna ng kagubatan.

Gustong mamalakpak ng mga tainga at mga kamay ko. One down, five to go.

Napatingin ako sa paligid at kaagad na tumigil ang paningin ko kay ate clara.

Bang!... You next, Clara.

Ang mukha ko ay nanatiling blangko, walang reaksyon at gulat lang sa mga eksena. Expert ko ang mga emosyon ko, kaya kong mag-iba ng iba't ibang reaksyon sa loob lamang ng isang minuto.

Lumapit ako sa mga bata at niyakap ko nalamang si Taliyah at iba pang mga bata na kinakailangan ng malalim na atensyon at gabay.

Pinapunta ko ang mga bata sa loob ng kwarto at isa-isa silang pinatahan. Ilang oras kaming nanatiling walang imik doon at ng mga oras na lalabas na ako upang kumuha ng mga pagkain.

Napapigil ako bigla sa pintuan ng makita ko si Kuya, humahawak at naglalaro ng baraha kasama ang mga kumpare niya, tawang-tawa, aliw na aliw at puno ng sigla ang mga mata.

“Hahaha... O bro ikaw naman!” Masayang utos niya sa mga kalaban niya.

Napatingin ako sa kabilang banda ng bahay. Makikita ko si ate Linda na namahi habang kumakanta ng love song.

Sa dulo nito makikita ko si ate Becky at ate Clara na umaayos at nagpapaganda sa harapan ng salamin. Nguso ng nguso ang mga mukha at may pa-flirt pang nalalaman.

Wtf... May namatayan ba talaga ngayon sa bahay?

Napatungo akong tulala at nakasimangot papunta sa kusina. “Oy Giana ayos kalang?” nagtatakang tanong ni ate Becky sa akin.

Kaagad naman akong napatingin ng malumanay sa kaniya. “P-Po?” ikling tanong ko.

“Bakit ang lungkot ng mukha mo? Pare-pareho lang kayo nina mama. Tapusin niyo na ang mga drama niyo at maghugas kana ng pinggan!” Biglang binato niya sa mukha ko ang plastic na basong hawak niya at kaagad na napabalik tanaw sa ginagawa niya.

“O-Opo,” enosenteng sagot ko habang nakayuko at tuluyan ng tumungo ng kusina.

Mula sa kinatatayu-an ko sa kabilang parte ng kusina masisilayan ko si mama na nakaupo sa sahig habang dumuduyan na puno ng luha ang mga mata. Yakap-yakap ang litrato ni ate Jessrel.

“A-Anak ko?” Humahagolhol siya. “A-A-Anak ko! Huhuhu.” Sumikip bigla ang puso ko ng makita ang sitwasyon ni mama. Tanging siya lang ang dumama ng kay lalim sa naging kahinatnan ni ate.

Kahapon nagawa pa siyang itulak palayo ni ate. Lagi rin siyang sinisigawan at inuutosan ni ate na parang isang katulong ng bahay. Ngayon hindi na siya maitahan, at nag-iisang nalulumbay sa anak niyang pumanaw.

Walang pakialam ang paligid at tanging si mama lang ang nalulungkot.

Ipinikit ko nalamang ang mga mata ko at naghugas na ng mga plato.

Paumanhin... Ginagawa ko lang ang misyon ko sa buhay.

Ilang minuto na ang nakalipas.

“Ma?” Kaunting tawag ko sa pangalan niya habang sinusubukang lumapit upang mabigyan siya ng pagkain.

Mula kaninang alas sais hanggang alas dose ngayong hapon ay hindi parin siya kumakain at umaalis sa kinauupuan niya.

“Anong oras na po, kinakailangan niyo ng kumain.” Malumanay na umiling ang ulo niya habang tulalang nakatitig sa malayo.

Wala ng maibubuga, wala ng bosis, hinang-hina at namumutla ang mukha.

“Ma?”

“Iwan mo ako, Giana,” balewalang ani niya.

“Pero ma-”

“Sabing pabayaan mo ako! Hu! Huhuhu.” Biglang winasi niya ang inihanda kong pagkain kaya't tumama ito lahat sa mukha at damit ko.

Biglang nabitawan ko ang plato at kaagad itong nabasag sa lupa.

Mabilis akong lumuhod at kaagad na inisa-isa ang mga natapong pagkain. Hindi ko na nakita ang walis kung kaya't gamit ang mga kamay ko ay nilisan ko nalamang ang kalat sa sahig

“S-Sorry po.” Napayuko ako sa kaniya tsaka na umalis sa harapan nito.

Napaupo nalamang ako sa duyan, mismo sa labas ng bahay. Masarap ang hangin at ang lamig sa pakiramdam. I miss lucky.

Laking gulat ko ng biglang may bumato sa akin mula sa likuran ko.  “Giana! Gaga kaba ha!?” Biglang napabaling ako sa likuran at kaagad na napahawak sa ulo ko.

Bago ngalang ako nakapagpahinga at ito nanaman. Muling sigawan at pagkairita.

Isang baso pala ang ibinato niya sa akin. “Aray!” Biglang pagsigaw ko kay ate Clara.

Nasa pintuan sila ng bahay, nakapameywang na nakatingin ng masakit sa akin. Ano ba mga problema nila?

“O? May problema ba?” Malumanay na tanong ko sa kanila habang kalmadong tinititigan ang mga maiikli nilang kasuotan.

Saan punta nila?

“Pupunta kami ng party tapos hindi mo manlang iningatan 'yong basong pinahugasan ko sayo kanina? Do you know how much it cost!?” Napatingin ako sa basong ibinato niya sa akin.

Ito rin pala ang basong binato ni ate becky sa akin kanina. Doon palang mismo nagkaroon na ng crack ito eh. Tapos ako ba gagawing suspek ng babaing 'to? Tsk!

“Ah... S-Sorry.” Mabilis na lumapit si ate Clara saka na biglang sinabunotan pailalim ang buhok ko.

Bigla naman akong napahawak ng mahigpit sa buhok ko at binalanse ang sarili.

Sa biglang pagsabunot niya ay kaagad na umikot ang mundo ko. Sa tingin ko pati ang ulo ko ay humiwalay bigla sa leeg ko.

“Tama na!” Mabuti nalang talaga at kaagad siyang nailayo ni kuya Berting sa akin.

Ide sana bogbog sirado nanaman ako. Kinakailangan ko pa namang maging enosente, baka hindi ko mapigilan at makapatay kaagad akong tao.

Napakurot kilay at napatiyok mata nalang si ate Clara bago paman tuluyang umalis. Iniwanan pa nga ako ng malakas na tadyak ni ate Becky saka na sumama kay ate Clara.

Napatawa nalang ako at inayos ang ulo kong sumasakit. Grabe, ang laki ng problema nila sa akin.

“Huwag mo silang hayaan na ginaganyan ka!” saad ni Kuya Berting sa akin at kaagad na hinaplos ng malumanay ang buhok ko.

“Pabayaan niyo na po, Kuya.” Pekeng napahikbi naman ako kay Kuya habang mabait na inaayos ang buhok ko.

Kaunting napatingin ako sa mga kamay ni Kuya na ngayon ramdam ko ang pagtakbo ng maiiging haplos ng palad niya sa likuran papunta sa mga dibdib ko.

Paglalambing pa ba ito? Napaka chansingero.

Napatitig ako pataas sa mga mukha niya na ngayon ay nakakagat labi habang tinititigan ng malapitan ang mga dibdib ko.

Bigla akong napatayo saka na lumayo sa kaniya habang inaayos ang sarili saka na ngumiti muli.

“Meron pa oh.” Bigla niyang nilapit ang kamay niya sa likuran ng short ko at mabilis na inalis ang mga kaunting ilikabok na makikita dito.

“Ah Heheh. S-Salamat.” Tuluyan na akong umalis at tumago sa kwarto.

Ng makaupo sa higaan ay napahinga ako ng malalim at mariing napatingin sa bintana. Laking gulat ko ng makita si kuyang nakatitig sa akin at napakilay na naka-smirk.

Kumagat labi pa siya bago umalis. Hindi ata maganda ang kutob ko kay kuya. Nais niya atang mauna.

Pumunta ako ng kusina at hiananap si ate Linda dito. Napapigil ako ng tingin ng makita itong nagsasampay ng lalabhan sa likod ng bahay.

Mabilis akong lumapit sa kaniya at kaagad na napatingin ito sa akin.

“Ate, alam niyo ba kung saan pupunta sina ate Becky at ate Clara?” Napataas siya ng kilay.

“Bakit?”

“Nagmamadali kasi sila eh. May importante ba silang pupuntahan?”

“Pupunta sila ng party doon mismo sa mansyon ng Salvador. Mayroon kasing birthday party doon ngayon, kaarawan ata ng anak ng milyonaryo. Lahat daw ng tao imbetado.” Paliwanag ni ate Linda.

“Ah ganoon po ba? Eh bakit kayo po hindi pumunta?” Napaikot ang mata nito at napatingin ng mataray sa akin, kaya't napangiti ako sa kaniya.

“May mga anak na ako 'no! Walang babantay sa kanila dito.” Napatango ako sa kaniya.

“Anong oras po ba mag-uumpisa?” Napaisip si ate saka na nagkibit balikat.

“Mamayang alas otso ng gabi.” Biglang pagsagot ni kuya. Napalayo ako sa kaniya ng biglang lumapit ito ng siga sa akin.

Amoy alak ata siya. Hindi magandang asal nanaman maabot ko dito.

“Ahhh okay.” ikling sagot ko sa kaniya.

“Bakit, gusto mo bang sumama? Punta tayo doon mamayang gabi. Hatid kita.” Galak na pagyaya ni kuya at kaagad naman akong napangiti sa kaniya.

Kapag sasama ako sa kaniya mamayang gabi. Maaring magiging sagabal siya sa plano ko. F*ck paano 'to?

“S-Sure. Ah hehehe.” Hilaw na ngiti ko at saka naman siyang napatawa.

Mukhang iba ata gustong mangyari nito. Kala niya siguro maiisahan niya ako. Tingnan lang natin, malay niya ba naman talagang makakaisa siya.

*Alas Sais ng Gabi*

Alas Sais palamang ng gabi ay nakabihis na kami pareho ni kuya upang pumunta ng birthday party.

Simple lang ang suot ko, wala naman akong papagandahan doon eh. Isa pa wala naman akong balak na maglandi sa mga lalaki.

Ang hiniram ko na simpleng dress kay ate Linda na kulay dilaw ay ang isinuot ko. Syempre sa ilalim ng simpleng dress na ito nakatago ang tatlong maliliit na kutsilyo.

Leeg lang ang atake nito. Kinakailangan kong matapos ang laban sa loob lamang ng dalawang oras. Pagkatapos nito ay kaagad na akong uuwi.

Walang make-up, at tinali lang ng pataas ang buhok ko saka na umalis.

Tanging iniisip ko lamang. Ilan ba dapat ang papatayin ko ngayong gabi. Maaaring dalawa ang mapupugutan ko ng ulo pero takye, napaka epal kasi nitong lalaking 'to.

Marunong naman akong mag drive eh. Kahit ako na mag-isang pupunta doon.

Nakasakay kami sa simpleng motorsiklo at habang nakabukas ang mga paa ko sa likuran ni Kuya ay unti-unting nagnanakaw siya ng haplos sa mga mapuputing binti ko.

“Ang ganda mo parin talaga, Giana. Alam mo ba na mula pa noon, ikaw lang ang nagagandahan ko sa lahat ng kapatid natin. Ang ganda mo tapos ang sexy pa.” Napalanghap siya ng mainit na hangin habang nagnanakaw masid sa mga paa ko sa pamamagitan ng repleksyon ko sa side mirror.

“Kuya 'yong kamay mo.” Malumanay na saad ko sa kaniya habang inaalis ng maiigi ang mga palad niyang pinipisil ang mga paa ko.

“Pabayaan mo na. Hindi kapa nasanay.”

“Baka maaksidente po tayo. Tumingin po kayo ng insakto sa dinadaanan niyo.” Kaunting tumayo na ang mga balahibo ko sa buong katawan.

Nakakadiri ka naman kuya. P*yanğına! Kung nanaisin kanina pa kita pinatay. Pero sa tingin ko kasi hindi pa ang oras mo sa ngayon. Maghintay kalang, sa susunod nalang muna parte mo.

Pinabayaan ko nalang ang mga kamay niya hanggang makapunta kami ng mansyon.

Maraming mga tao dito at sa labas palamang ng gate ay makikita na ang mga kalalakihang nag-iinoman.

Insakto, iwan ko nalang muna si kuya dito.

“Kuya dito-”

“O sige na. Doon kana sa loob. Hanapin mo silang dalawa.” Napangiti ako sa kaniya saka na pumasok ng main door.

Libre at walang hinihinging invitation card. Grabe masyado naman atang mabait ang may-ari dito.

Lahat ata ng mga simpleng tao at kapit bahay ng mansyong ito ay imbetado. Kahit ang mga kabataan at chismosa sa bahay kanina ay naririto rin, tahimik na umuupo.

Hindi pa sila kumakain, kaya ang mga bata ay kawawang nakatunganga sa kay raming pagkain.

May kaunting mayayaman na bisita ngunit naka seperate ito sa mga mahihirap.

Napaikot ang paningin ko sa paligid. Saan na kaya ang mga bruha kong kapatid? Ayaw kong bumuhos ng oras sa walang kwenta.

Napabaling ako ng tingin ng biglang makunan ng pansin ko ang isang babaing mayaman.

Napatabingi ang ulo ko sa kaniya at napataas-baba akong napatango.

Parang hindi ako makapaniwala, isang himala ang aking nakita. Kambal ko ba ito? Mula ulo hanggang paa ay makikita ang pag kapareho ng mukha namin.

Sa balat, kulay ng buhok, at hugis ng mukha at katawan ay pareho. Tanging kulay lang ng mga mata niya ang naiiba at ang kaunting hugis ng bibig niya. Tapos lahat na ng parte ng mukha niya ay ako.

Am I dreaming?

“Giana!?” Biglang nakuha ang atensyon ko ng sumalubong sa paningin ko ang mukha ni ate Clara.

Napakurot kilay itong napatingin sa akin. “A-Ate?”

“Ano ginagawa mo dito? May right kabang pumasok?” Napataas kilay ako sa kaniya.

Like wtf... Nandito nga ang bruhang katulad niya dito sa loob, ako pa kayang may mukhang elegante?

“Lahat naman imbetado, Ate eh.” Sagot ko sa kaniya at kaagad naman siyang nag taas noo.

“Duhhh... Taga-dito kaba? Bisita kalang sa bahay hindi ba?” Napakagat labi nalamang akong napayuko.

Ang laki-laki ng bosis niya. Nakakainip.

“Everyone?” Biglang dumilim ang paligid at tanging ilaw na nasa harapan ng stage lang ang masisilayan.

Ang poging morenong birthday boy ang tumatayo rito. Nakasuot ito ng Casual white suit. Mayroong nakasabit na pulang rosas sa kaliwang bulsa niya banda sa dibdib niya.

“We won't start the celebration unless my childhood best friend has arrive.” He smiles genuinely and I saw how my sister flattered so high seeing him in the spotlight.

“Bakit hindi pa po ba nakadating si Mr. Charles?” Biglang napalingon ako ng tingin sa isang lalaking nagtanong sa birthday boy.

Mr. Charles?


Continue Reading

You'll Also Like

39.3K 649 30
🦇 Matured content {completed}
14.7M 325K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
1.8K 72 83
What will be your reaction if you found out that your boyfriend and your bestfriend had a secret affair? Will you break up with him or choose to forg...
46.1K 1.1K 66
I'm Slayer, the top assassin in the Black Society. I'm picky about who I work for, only taking on jobs that really grab me. After a rough past, I pro...