Amidst The Vying Psyches

By elluneily

618K 15.7K 9.4K

Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. Sh... More

cassette 381
Hiraya
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Wakas
Elluneily's Words
Playlist
steven & hiraya ༉‧₊˚✧ extra 01

Kabanata 21

12.3K 368 130
By elluneily

Serenity Hiraya

"Happy araw ng mga puso mga bebe ko!" Bati ni Violet bago nagkalat ng petals ng mga rosas sa classroom.

Tumabi ito sa amin.

"Happy Valentine's, bff ko!" Sumigaw pa siya na akala niya ay sobrang layo ko sa kanya.

She gave me a mini bouquet. But, instead of flowers or chocolates, the bouquet is full of matcha sweets.

Binigyan niya rin sila Cassandra na tuwang-tuwa naman sa mga chocolates.

"Bakit kay Hiraya bouquet tapos sa amin isa lang? Bias ka gano'n?"

"Hoy! May source kasi ako ng funds, omg kayo. Matcha KitKat nga lang ambag ko diyan sa bouquet ni Raya, hmp!" Tanggol ni Vi sa sarili.

"Huh? Edi kanino galing?" Nagtataka kong tanong.

Bumungisngis siya sabay sabing, "secret."

I rolled my eyes at her before she told us to go to the quadrangle. Sumama naman kaming tatlo sa kanya. Hinayaan namin siyang dalhin kami sa iba't ibang booth.

"What the hell?" I muttered when I saw a huge booth. Maraming babae ang nakapili rito.

"Fifty pesos, 1 kiss?" Basa ni Cassandra sa karatula nila.

Hinila kami roon ni Violet at nagulat kami nang makita ang Dynamics na nasa loob ng booth. Si Antonette lang ang nag-aayos ng mga bayad habang 'yung apat ay nakatayo sa gilid na maraming lipstick stains sa mukha.

Anong pakulo ng banda na 'to?

Ang pinakamaraming kiss stain sa mukha ay si Cameron na sinundan ni Iñigo. Si Alvarez ay tumatawa lang sa gilid habang pinapanood ang mga kasama.

"OMG, all this time akala ko sa akside ako mamamatay, sa selos pala," monologue ni Violet nang makita niyang hinalikan ng isang babae si Iñigo sa mukha.

Sinundan ito ng tilian ng mga babae kada may makakahalik sa pisngi ng isang member.

Lumapit kami roon at narinig ang pagrereklamo ng isang lalaki.

"Bakit hindi kasama si Antonette sa i-kikiss?"

Nandilim ang paningin ni Cameron bago nito inangat ang kanyang kamao.

"Baka ito gusto mong kamao ko ang humalik sa'yo, par?"

Tumawa lang si Ann sa sagot niya bago ito hinampas.

"Sorry, guys. Laway conscious ako, e. Ayaw kong naki-kiss ng ibang tao."

Nagulat na lang kami nang biglang pumila si Violet sa line kung nasaan si Iñigo bago nagbigay ng isang libo kay Antonette.

"One thousand, unlimited kisses. Bawal may ibang pumila kay Iñigo!"

I saw Iñigo smirked before wiping the lipstick marks on his cheeks.

"Okay lang sa akin."

Kasama kaming magkakaibigan sa tumili dahil sa sagot ni Iñigo. Mas lalo pang umingay ang paligid nang si Iñigo ang humalik sa pisngi ni Violet.

Nagmukhang kamatis ang kaibigan ko at nanghihinang napaupo sa gilid.

"OMG, mamamatay na ba ako?" She asked. Pati ang tainga niya ay namumula na rin. "Nasa heaven na ba ako?"

Iñigo just chuckled because of her actions before sitting beside her.

Nawala ang atensyon ko sa kanila nang nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Go, beh! Abot kamay mo na ang pangarap mo."

Napalingon ako sa kaibigan ni Angelica na inaayos ang buhok nito. Nakapila pala ang babae sa tapat ni Alvarez.

"Wala bang tawad, 'yan? Overcharged naman!" Reklamo ng isa pa nitong kaibigan.

"Wala! Kung namamahalan kayo edi sa iba kayo humalik," masungit na sagot ni Antonette.

"Huwag na kasi kayong magreklamo, inii-stress niyo ang baby ko, e." Pang-aasar ni Cameron.

"Cameron! Kadiri ka!"

Nagbayad ng 50 pesos si Angelica kay Ann bago ito tumabi kay Steven. Nanlaki ang mata niya bago umiling kay Ann. Sakto pang nagtama ang tingin namin kaya mas lalo siyang nataranta.

"I'm sorry, hindi ako kasali—"

"Isa lang! Tapos, okay na," pamimilit ni Ann.

Gets ko naman siya kasi sinusuportahan niya lang ang kaibigan pero hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

"Please, Ann. I don't want to," pakiusap ni Alvarez sa seryosong boses. "You know I'm already courting someone."

May bahid din ng inis sa boses nito pero hindi niya pinahahalata. Ayaw niya rin sigurong magkaroon ng problema lalo na't nasa iisang banda sila.

Antonette bit her lower lip before saying, "sorry."

"Boo! KJ naman pala ng Dynamics," pang-iinis ng isang kaibigan nila na nagpataas ng iritasyon ko.

"Okay lang, guys. Respect na lang," sagot nung Angelica sa mahinang boses.

"Sayang 50!" Sigaw ng kaibigan nilang lalaki bago itinulak nang malakas si Angelica na naging sanhi ng pagbangga niya kay Alvarez.

At dahil nga malapit pa sila sa isa't isa ay napayakap ito sa lalaki para hindi mawalan ng balanse.

The worst part was his lips touched his cheeks, almost near his lips.

Napaiwas ako ng tingin nang kumirot ang puso ko. Ayaw akong ipakita na sobrang apektado ako sa nangyari.

"What the hell is your problem?" Inis na bulyaw ni Alvarez sa lalaking kaibigan ni Angelica bago nag-walk out doon.

Mabilis kong hinila sila Vi palayo bago pa kami maabutan ni Alvarez. Ayokong maabutan niya ako dahil ayoko muna siyang kausapin.

Alam ko naman na wala siyang kasalanan pero hindi ko maiwasang mainis. Unti-unting nilalamon ng selos ang sistema ko.

Umikot-ikot kami sa iba't ibang booths. Ang pinakamalaki ay 'yung sa booth ng student council dahil sila ang may pinakamaraming funds para makapag-decorate nang maayos.

I was sipping on my cucumber melon juice when I felt someone beside me.

"Hirang..."

Umirap ako. Kahit kalmado na ako ay naiirita pa rin ako sa kanya.

"I'm sorry," I heard him whisper. "I already talked to them. I made it clear that I already have someone special for me."

I sighed. I know I'm irrational for being mad at him.

Inabutan ko siya ng tissue bago bumalik sa pag-inom ko sa juice.

"Oh, magpunas ka ng mukha mo."

He pouted. "Bakit ka nagagalit?"

Umiwas ako ng tingin dahil baka matunaw ako sa ka-cute-an niya.

"I'm not mad, just irritated."

Ngingiti-ngiti siyang kinuha ang tissue bago ipinunas sa mukha niya.

"Are you jealous?"

My head snapped at his direction when I heard it.

I scoffed. "Me? I'm not jealous."

"Bakit naiinis ka sa akin?" Pang-aasar niya.

"Hindi ako naiinis!" I rolled my eyes. "Wala na, naiinis na tuloy ako ngayon."

Hindi na niya napigilan ang tawa niya bago humilig sa balikat ko.

"Ah, you're so cute, my hirang." Tumawa muna siya bago naging seryoso ang tono. "I'm so sorry if that hurt you in any way. I didn't expect na gano'n ang mangyayari, sana nakaiwas ako kaagad."

"Hindi naman nga ako nagseselos. Gusto mo mag wedding booth pa kayo, e."

"Ayaw..." Ramdam ko ang pag-iling niya. "Pupunta lang ako sa wedding booth kapag ikaw ang kasama ko. And I want to assure you that I never and will never like to be kissed by anyone else. Gugustuhin ko lang 'pag ikaw."

I smiled inwardly. My heart is happy kasi hindi niya naman ako kailangan bigyan ng assurance pero ginawa niya pa rin.

Kinuha ko sa kanya ang tissue bago ako mismo ang nagpunas ng pisngi niya. Nakatingin lang siya sa akin habang ginagawa ko ito kaya hindi ko maiwasang mamula dahil sa paraan ng pagtitig niya.

"Ang ganda-ganda mo, hirang."

Diniinan ko ang pagpunas sa pisngi niya para takpan ang kilig ko. "Shut up."

Kinuha niya mula sa mesa ang inumin ko bago inayos ang straw nito at itinapat sa bibig ko. Habang ang kamay ko ay nasa mukha niya, siya naman ay pinapainom ako.

Pagkatapos ko siyang punasan ay natahimik kaming dalawa. Maya-maya ay huminga siya nang malalim habang nasa akin pa rin ang mata.

Minutes later, he scooted closer before putting his hand on my waist. Then, I felt him kissing my temple.

"Ikaw lang ang gugustuhin ko palagi, hirang."

⌗˚ , ᜊ₊˚ ໑

Recognition day was probably the best day of my grade 11. Finally, nagbunga ang lahat ng paghihirap ko sa isang buong taon.

Magkatabi kami ni Alvarez kahit sa recognition. Naka alphabetically arranged kasi ang seating arrangement. Kaso, kahit naka gano'n ay nasa bandang dulo pa rin kami dahil parehas kaming with Highest Honors. Kasama namin ang STEM at ang ABM.

Bukod sa mataas ang gen ave ko ngayong year ay kasama ko pa si Alvarez umakyat ng stage. Parehas kasi kami ng average; pero kung nangyari ito nung first day of school ay liliyab siguro ako sa galit dahil hindi ko tatanggapin na mas mataas siya sa akin.

But then, a lot of things changed; I changed.

I see things a lot more differently now.

I realized a lot of things, with the help of Steven and everyone around me. I feel like I'm starting to outgrow my mentality of basing my ability and worth on how I outperform other people and the constant urge to prove myself to others that I am the highest.

I realized that I don't need to be better than others to be the best. I don't have that need anymore to make other people feel inferior in some aspects just to prove to myself worthy.

Nang tawagin ang pangalan namin ay malakas ang palakpak ng mga tao, lalo na ang buong HUMSS Strand.

Pagkatapos ng ceremony ay kanya-kanya kaming picture. Nag-picture kaming isang buong section tapos mayroon ding by group. Syempre, hindi papahuli ang mga kaklase ko na hindi kami ma-picture-an.

Alam na rin nilang nililigawan ako ni Alvarez nang ilang buwan na. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kami tinitigilan sa pang-aasar.

"Slay! Congrats mga bebe ko!" Masiglang bati sa amin ni Violet pagbalik namin sa classroom.

Nandito kasi naiwan ang ibang gamit namin na hindi namin madala sa program kanina.

Malaki ang ngiti kong nag-aayos ng gamit habang katabi si dada.

"Saan mo gusto kumain, anak?" Tanong sa akin ni dada.

"Kahit saan lang po, okay lang naman sa akin."

Nagulat ako nang tawagin niya si Alvarez matapos nitong kausapin ang mommy niya.

"Saan kayo kakain ng mama mo, hijo?" Tanong niya rito. "Sasama kami ni Serenity."

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Dada! Nakakahiya po! Makikisama pa tayo sa celebration nila."

Tumawa ang dada ko na sinabayan ni Alvarez.

"Sige po, tito. Sasabihan ko lang po si mama."

Patakbo itong bumalik bago kinausap ang mommy niya.

Pinakalma ko ang sarili ko. Ngayon ko lang kasi ma-memeet ang mom niya. Wala kasing oras kanina dahil medyo late nagsimula ang recognition.

Nagpaalam ako sa mga kaibigan ko bago sumunod kay dada.

"Ma, si Hiraya." Pakilala sa akin ni Steven. "Hiraya, si mama."

"Hello, good afternoon po." I gave her a sweet smile despite being nervous.

"Good afternoon, Hiraya. Atty. Mariel Ocampo, Steven's mom."

Nanlaki ang mata ko.

"As in the lawyer-journalist Mariel Ocampo?"

Ngumiti siya sa akin. "You know me."

Sunod-sunod akong tumango. Oh my goodness, I can't believe I'm in front of one of the writer's I look up to.

"Yes, ma'am. I love your works, especially your Sa Lupang Hinihirang." I was talking about her documentary about street children which won a lot of awards.

"Goodness, that was the first I've ever written. Hindi ko alam na may nakakaalam pa pala no'n." She looks flustered. "Just call me tita."

I giggled. I love his mom. Pakiramdam ko ay magkakasundo kami.

"Uh, tita. This is my dada," pakilala ko kay dada.

"Ah, yes. I know your dad, hija. I worked with Flores Constructions before, I was their lawyer. Nandoon ka pa rin ba, Mr. Añasco?"

Tumawa ang ama ko. "I can't believe you still know me, Attorney. It's been years. Yes, personal assistant and secretary ni Engineer."

Nagkatinginan kami ni Alvarez. Doon palang ay alam ko ng walang magiging problema tungkol sa mga magulang namin.

Sabay-sabay kaming pumunta sa isang resto. Hinayaan nila kaming dalawa ni Steven na pumili ng dinner.

Sa gitna ng pag-kain namin, biglang tumayo si Steven bago tumakbo papunta sa entrance. Ilang sandali pa ay bumalik siya na may hawak na isang bouquet ng bulaklak.

"What..."

He smiled widely at me before handing the bouquet of tulips.

Si dada ang kumuha nito bago sinabing, "sige, sinasagot na kita."

I laughed at his joke before playfully hitting his arm.

"Dada, mahiya ka nga po." Namumula ang mukhang sabi ko.

"Joke lang." Inabot sa akin ni dada ang bulaklak.

Napangiti ako nang amuyin ko ang halimuyak ng bulaklak. Hindi ko alam kung saan at paano niya ito nakuha.

He also gave a flower to his mom that melted my heart. I'm too soft for his love.

"Pinalaki talaga kitang mabuti, anak. Tama 'yan, dapat alam mo kung paano tratuhin nang tama ang kababaihan." His mom looks so proud of him. "Ah, I can't wait to see what your babies will look like."

"Ma!" Saway ni Steven sa mama niya habang namumula ang tainga. "It's too early for that. Hindi ko pa nga girlfriend si Hiraya."

His mom laughed. "Good luck, son."

"Bakit hindi mo pa sinasagot?" Bulong ni dada.

"I feel like it's not the right time, yet."

Sumimangot ang tatay ko. "Sabihan mo ako kung kailan mo siya sasagutin para makapag-celebrate ako. I like that boy."

"Dada, may I remind you na ako ang nililigawan, ha?" I joked. "Don't worry dada, I like him to be my boyfriend, too."

Nang matapos kaming kumain ay hinayaan nila kaming maglakad-lakad sa gazeebo ng resto.

We sat on the swinging bench as we watched the breathtaking view of the lake.

He cleared his throat. "I have a gift for you."

I looked at him. "Again? It's too much already, okay na sa akin 'yung bulaklak."

Ngumuso siya. "I want to give you more, hirang."

I sighed. "Okay, but I have a gift for you, also."

Nagliwanag ang mata niya.

"Really?"

I nodded.

"Okay, ako muna..." May kinuha ito sa kanyang bulsa. "Close your eyes."

Sinunod ko naman siya. Pumikit ako bago naramdaman ang malamig na bagay sa aking daliri.

I was in awe the moment he let me open my eyes. I saw a gold bypass ring with a pink heart pendant on the end and white crystal leaves on the other. It perfectly fits my ring finger.

"Para saan 'to?"

He smiled.

"That's a promise ring. A promise that I will be your boyfriend. Tapos, gift ko rin siya sa'yo kasi you did well this year. That's also my congratulation gift, hirang."

Nag-init ang pisngi ko bago siya binigyan ng mahigpit na yakap.

"Thank you, Steven. Thank you for everything."

He laughed. "Everything for you, my hirang."

"Baka mahal 'to, ah?"

He kissed my temple.

"It's okay. Mas mahal naman kita."

I was frozen in place. My heart skipped a beat after hearing his words. Suddenly, I don't know how to function like a normal person. I can already feel it in his actions, but now that he said the exact words.

"I know what I feel for you... because I could learn every language in the world and be still at a loss for words, trying to describe how much I love you."

Kumalas ako sa yakap niya, nangingilid ang luha.

"You love me?"

Ngumiti siya.

"Sobra. Sobra-sobra, hirang."

I gave him a warm smile too before fishing out the cassette that had been in my pocket the whole day.

His mouth parted upon seeing the tape on my hand.

"I'm giving it back to you."

"D-Does this mean you love—"

I chuckled and leaned closer to him. I cupped his face before giving him a peck near his lips.

"3 words, 8 letters, 1 meaning. I love you, Steven. It's a yes."

Ah, finally, hindi na lang si Angelica ang naka-kiss sa kanya. 

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

elluneily 🌷🍰🎫

Continue Reading

You'll Also Like

878 86 16
Gusto kong mangumpisal, hindi tungkol sa mga kasalanan kundi sa pagsinta na gusto kong ialay.
16.3K 548 18
Cassette 381 Series #2 The moment Lyon Violet Marquez realized that her appearance did not pass the society's created beauty standards, she held onto...
589 59 47
daily dose of affirmation from a stranger... but with a twist. [I thought it was a fairytale spin-off] Date written: 08-07-22 Date published: 08/31/2...
3.3K 92 7
Zalaera Ayara Acosta suffered a lot from her father. She hates her life for not being able to have a protective father, because instead of having a f...