My Heart Heard Your Voice

By Abakadazzzzz

3.2K 64 15

Misty has possessed a highly unique talent since the day she was born that neither she nor anyone else - poss... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Epilogue
Author's Note

Chapter 21

51 1 0
By Abakadazzzzz

Kiervy's POV


Ang tagal ko ng naiinggit sa kanila ng mga kapatid niya kapag naglalaro sila nung uno cards kaya naman yun agad ang hiniling ko sa kaniya kaso——nagkakadayaan eh. Ayaw niya magpatalo. Pfft.


"Akala mo hindi ko napapansin?" Napatigil ako at kunot-noong tumingin sa kaniya.


"Ang alin?"


"Kanina mo pa ako pinagbibigyan kasi alam mong mabigat ang dibdib ko hindi ba? Hindi ba?"


Nahalata niya ako.


"H-hindi ah." Umiwas talaga ako ng tingin at hinawakan ang balikat niya para ilayo sa akin dahil naiilang ako at ang bilis na rin ng tibok ng puso ko potah. Mauuna pa ata akong mawala kesa sa sarili kong katawan dahil kay Misty.



"Kiervy,"


"Hmm? May problema ba?" Kailangan ko na siyang patulugin dahil nahihiya na ako. Nababaliw na talaga ako. Ang lala ko na eh wala pa namang gamot dito. Kahit ilang gamot pa ang ilagay sa katawan ko, hindi mawawala 'tong nararamdaman ko. Alam ko yun.


"Gusto ko lang sabihin na masaya akong may ganito akong kakayahan."


Napangiti agad ako sa sinabi niya.


Hindi ko masabing natutuwa ako dahil napunta ako sa ganitong sitwasyon pero nagpapasalamat ako ng konti dahil nakilala ko si Misty. Nakilala ko yung babae na naging liwanag ko sa napakadilim na mundo na meron ako.


Sumunod agad ako papunta sa photography club pagkatapos namin makausap ang President ng Adelaide. Anak niya pala si Katelyn. Pamilyar silang dalawa sa akin.


"Haines, may kailangan akong sabihin sayo." Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa kanilang dalawa at doon ko nalaman lahat.


Doon ko nalaman ang nangyari kay Misty dati.


"Nakalimutan mo na ba, Misty? Those things ruined you nung high school and you want to ruin your life again for them?"


"Haines, come on."


"Alam ba ni Tita 'to?"


"Hindi. Ayoko sabihin."


"Kasi mapapagalitan ka? Misty, you promised us na hindi mo na ulit papansinin ang mga naririnig mo because of what happened to you before. Akala namin ay tototohanin mo but now, Kiervy is a ghost, right?"


"Oo. And I am helping him to find his body."


Ayokong nagmamakaawa ng ganito si Misty dahil nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil willing siyang gawin ang mga bagay na 'to to the point na posibleng mag-suffer siya sa dating nakasakit sa kaniya para lang matulungan ako.

"Haines!! Walang nasisira dito! I am not ruining myself!"


"Yes you are! You are being normal na Misty! You have your friends! Everyone can talked to you now! They wanted to be friends with you! And you're gonna throw all of this because of him?? Because of that ghost na alam naman natin pareho na walang madudulot sa buhay mo! They will just ask for your help and when you helped them, wala na! Hindi na sila babalik!"

Itatapon niya ang normal na niyang buhay ngayon para lang matulungan ako.


At mas luminaw lang sa akin ang lahat nang marinig ang usapan nila ng mother niya.


That's my sign. Yun lang ang kailangan ko para tuluyang bitawan si Misty.


Masasaktan ko lang siya kung mananatili pa ako sa tabi niya ng matagal dahil tama si Haines, aalis din naman ako.


Hindi ko man lang narealize na, masasaktan ko siya. Posibleng maibalik ko yung past niya na ayaw na niyang alalahanin pa. Pero para sa akin, hindi niya inisip na posible yun.



Umakyat agad ako sa kwarto niya at nagsulat sa sticky notes dahil full moon naman at kaya kong magsulat.



Ang bigat ng dibdib ko. Ayokong umalis. Ayokong umalis sa tabi niya pero kailangan. Hindi naman para lang sa akin 'to. Para kay Misty 'to na walang ibang ginawa kundi ang tulungan ako.


Kaso mahirap pala talagang iwanan ang taong ayaw mo pang bitawan 'no? Kasi nakita ko nalang ang sarili ko na nasa harapan ni Misty.


Umuwi ulit ako sa itinuturing kong tahanan sa mga oras na 'to.


Alam kong masama dahil naka-depende na ako kay Misty pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.


"Misty," limang araw akong hindi nagparamdam sa kaniya. At sa limang araw na yun, madalas ko siyang pinapanood at sumusunod sa kaniya tuwing pauwi siya dahil madalas ay mag-isa siya.


Bakit ba gustong-gusto niyang mag-isa?


"Anong gagawin ko?" Naguguluhan na tanong ko sa kaniya dahil gulong-gulo na talaga ako sa kailangan kong gawin. Hindi ko na alam kung paano pa ba ako makakabalik sa katawan ko. Wala na akong maisip na paraan.


"Isa lang. Isa lang ang kailangan mong gawin, Kiervy." Napunta sa kaniya ang atensiyon ko. Pansin ko ang pagkuyom ng kamao niya.


"Ano yun?"


"Manatili sa tabi ko."

Ginusto kong tumaya sa isang bagay na kahit ako, hindi ko sigurado kung magiging maayos ba pero dahil kay Misty naman, ginawa ko.


Susugal ako.


Ipinaliwanag ko kay Misty ang dapat na gagawin ko kaso nagbati din agad kami. Hindi ko matiis eh. Hindi ko siya magawang matiis.


"Hello, everyone." Napangiwi ako nang makita yung Aeron na magpe-perform ata dito sa Adelaide. Hindi ko siya gusto. Hindi ko sila gusto lahat. Naiinis ako sa kanila. "I'm going to play a song for this wonderful event. I hope you will like it." Wala pa siyang nasisimulan ay hindi ko na gusto kaya 'wag na siya magsalita.


Rinig ko ang tili ng mga kababaihan sa paligid ko pero as long as hindi si Misty ang sumisigaw, mananatiling kalmado ako.


Kasi kung sisigaw siya, magseselos talaga ako ng malala. Dadamdamin ko yun at baka yun pa ang ikamatay ko.


"Sus. Puro ngiti naman umay. Hindi naman maganda ang boses." Totoo naman ang sinasabi ko pero sinaway agad ako ni Misty.


"Hoy bad ka."


"Nagsasabi lang naman ako ng opinyon ko."


"Ang pangit ng opinyon mo."


"Mas pangit ang boses niya." Masama talaga ang loob ko. Bakit pinapakanta yan eh hindi ko naman maintindihan ang boses niya.


Sa mga opinyon na sinasabi ko, hindi ko alam kung makakapunta pa ba ako sa langit pagkatapos nito.


Bilog ang buwan kaya sa playground ako dumiretso. Hindi ko naman magawang sumakay sa swing kasi baka may matakot pa ako tapos masaktan pa edi kasalanan ko. 


Minsan naman kasi walang ginagawa ang mga katulad ko pero kasalanan pa namin kapag nakikita kami ng mga tao. As if ginusto naman namin na makita nila kami.


"Kiervy," napangiti agad ako nang marinig ang hoses ni Misty kaya naglakad ako papalapit sa kaniya. "Hoy! 'Wag mo sabihin na hindi ka dumiretso dito aba??"


"Ang sungit mo naman. Ano yan?" Nakangiwing tanong ko nang abutan niya ako ng sumbrelo na pambabae.


Napapansin ko talagang pinagti-tripan niya ako madalas.


"Para malaman ko kung nasan ka."


"Pambabae na naman?"


"Bibili na ako ng panlalaki next time. Suotin mo na 'to kasi gusto ko na mag-swing."


"Ay wow may utusan." Nakangiwing sabi ko pero natawa siya kaya nawala ang inis ko. Hay nako Kiervy. Malala ka na talaga at pabor naman. "Hindi ka ba nilalamig kapag nahahawakan kita?"


"Nilalamig." Oh tingnan niyo. Baliw ata si Misty?


"Eh bakit gusto mong tinutulak pa kita dito? Baka magkasakit ka." Rinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya nakuha na nun ang atensiyon ko. "Ano?"


"Wala namang kaso sa akin yun tsaka I assure you na hindi ako magkakasakit. Hindi mo naman siguro ako bibigyan ng sakit hindi ba?" Natawa agad ako doon.

"Hindi naman kita sasaktan."


"Alam ko. Kaya nga magkaibigan tayo eh. Kasi alam kong hindi mo ako sasaktan."


"Kaibigan mo ako?"


"Oo. Kaya 'wag ka na ulit aalis nang hindi nagpapaalam ng maayos sa akin. Magagalit na talaga ako ng sobra sayo."


Magkaibigan daw kami. Na-friendzone na ba agad ako? Magtatanong palang sana ako kung ano ba talaga kami kaso friend lang daw.


Olats.


Nagtagal kami dito at naitanong ko na rin sa kaniya yung tungkol sa sinabi ni Haines. Biglang naging malinaw sa akin ang lahat. Makakalimutan ko na siya pagkatapos ng lahat ng 'to samantalang siya, nandoon pa rin. Maalala niya pa rin lahat.


Parang ang unfair naman ata nun?


Kaya nakaisip agad ako ng isang bagay na magiging solusyon ko kapag nangyari yun.


"Promise me something, Misty." Diretso kong sabi kaya lumingon agad siya sa akin.


"Ano?"


"Kapag bumalik na ako sa katawan ko, introduce yourself to me. Gusto pa rin kitang makilala." Gusto ko pa rin siyang makasama. Kung gusto niya magkaibigan kami, okay lang. Sige, okay na ako doon.


As long na parte pa rin siya ng buhay ko, ayos lang sa akin.


Inaasahan ko naman na kakausapin ulit siya ni Haines pero ayos naman na mag-usap lang sila 'wag lang talagang tumulong 'to si Haines sa akin.


"Hoy ayoko siyang katulong." Reklamo ko agad kay Misty. Ito na nga lang ang time namin para sa isa't-isa sasali pa si Haines. Sinong matutuwa doon?


Ang childish alam ko, pero nagseselos talaga ako kay Haines dahil meron siya ng wala ako! Buhay siya. Ngayon lang ako nainggit sa isang tao.


"Mas okay yung marami ang tutulong."


"Pero hindi kasama si Haines. Ayoko."


"Ano bang problema? Matalino naman si Haines. Mas malaki ang posibleng maitulong niya once na masabi na natin sa kaniya ang mga information na nakuha natin." Aanhin ko naman ang matalino? Matalino rin naman ako kaya okay na kaming dalawa lang.


BAKIT ISASALI PA SIYA??


"Pero Misty,"


"He can protect our secrets, Kiervy." Wala na akong nagawa dahil sa sinabi niya. Hay nako. Hindi naman ako ganito. Pakiramdam ko ako yung tipo ng tao na hindi basta basta pinapatahimik ng ganito.


Pero kay Misty. Hay nako.


"Mukhang ayaw sa akin ng kaibigan mo?"



Buti alam niya.


Ipinaliwanag na ni Misty sa kaniya ang mga impormasyon na nakuha namin so far at buong page-explain niya ay nakasimangot ako. Nagtatampo ako at gusto kong suyuin niya ako kaso hindi niya naman gagawin yun. Ano pa bang inaasahan ko eh walang puso si Misty?


"Yun palang kasi ang memories na bumabalik sa kaniya. So far, wala pa ulit kaming nakikita and he's already fading, Haines." Dahan-dahan nawala ang inis ko dahil sa emosyon na ipinapakita ni Misty habang sinasabi kay Haines ang mga impormasyon na 'to. "He need his body. Kailangan niyang bumalik sa katawan niya as soon as possible. Kung hindi, mawawala na siya dito and all his memories, mawawala."


Ayokong nakikita siyang ganon. Masiyadong importante sa kaniya ang pagtulong sa akin at kahit gustong-gusto ko ang ideya na yun, may parte sa akin na nalulungkot.


"Okay. Magtatanong ako sa mga kilala kong professor around here if they know a name Kiervy. Babalitaan kita." Sumimangot ako agad nang guluhin niya ang buhok ni Misty.


Nakakainis.


At mas lalo lang akong nainis dahil hindi lang si Haines ang lalaking lumalapit at kumakausap sa kaniya. Meron pang isa.


"Hey, sabi ko na nga ba at ikaw ang nakita ko eh." Tamad akong tumingin kay Aeron na nakangiti ngayon habang nakatingin kay Misty. "Ikaw lang mag-isa?"


Hindi ba obvious??


"Ah yung pangit ang boses pala 'to eh." Nakasimangot na sabi ko. Nagsasabi lang naman ako ng totoo.


At talagang sasama pa siya sa amin.


"Ako lang din mag-isa. Is it okay ba kung sumama nalang ako sayo? I mean, we're friends, right? Is it weird ba?"


Oo, pre. Ang weird pre kaya 'wag na pre.


Lalakasan ko na ang loob ko at magrereklamo kay Misty dahil hindi ako natutuwa sa posibleng mangyari.


"Huwag na, Misty. Ang tahimik na ng buhay natin dito eh."


"If you don't like the ide----"


"No. It's fine. Tara." LUH!!


"Hoy anong trip mo sa buhay? Hindi ka naman friendly." Inis kong sabi dahil hindi naman talaga siya friendly!! Kailan pa siya naging friendly?? Wala akong naalala!!


Pero syempre nawala rin ang inis ko nang umalis siya dahil doon sa kaibigan niya.


Sige go!! Umalis ka na at kailangan ko pa atang magpasalamat sa kaibigan mo sa hospital hehe.


"Tara na Kiervy." Yaya ni Misty kaya ngumiti agad ako. Finally!! Alone time!!


Kaso...


"Teka," ramdam ko ang pagbigat ng kung ano sa dibdib ko kaya hindi agad ako nakalakad. Nanikip ang dibdib ko kaya nahawakan ko agad 'to.


Napatingin pa ako sa kamay ko at nakitang unti-unti na akong lumalabo.


Nauubos na ang oras ko.


"May problema ba?" Nag-angat agad ako ng tingin kay Misty at kita ko ang pag-aalala sa mga mata niya kaya sinubukan kong itago ang sakit na nararamdaman ko.


"Wala. Kinabahan ka naman agad, Nagbibiro lang ako." Kunwaring nagbibiro na sabi ko at hinigpitan ang hawak sa dibdib ko. "Hoy joke lang."


"Hindi ko gusto ang biro mo." Galit na sabi niya at iniwan pa ako. Mabuti nalang at nakahabol ako.


Kaso hindi na niya ako kinausap kaya alam kong nasaktan talaga siya sa ginawa ko. Sana pala hindi ko na ipinahalata na nasaktan ako kanina para hindi siya nagtanong.


Kaya naman nag-isip ako ng pwede kong ipangsuyo sa kaniya at dito ko naisipan mag-isip sa kwarto niya.


"Ano bang hilig ni Misty?" Tanong ko sa sarili ko at hindi sinasadyang mapatingin sa gitara sa tabi.


Kaya ko ba yun?


Subukan ko nga mamaya.



Nung gumawa si Misty ng assignment ay sinubukan ko ng gamitin ang gitara at may isang kanta akong ginustong tugtugin.


Hindi ko na tinapos ang kanta nang makita na nakikinig na siya. Effective ba ang panunuyo na ginawa ko??


"Bati na ba tayo?" Tanong ko sa kaniya.


"Nakakainis ka." Pfft. Bati na kami hehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 57.2K 46
유♥웃 Dear, Killer Una sa lahat, gusto ko magpasalamat sa pinadala mong love letter. Alam mo bang, tumatalon ang puso ko sa KABA? Nanginginig ang mga k...
73.4K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...
3.5K 363 22
After getting assassinated on her flight to Madrid, Amari finds herself trapped inside the realm of the Underworld with a powerful king forcefully tu...
40.2K 1.1K 20
Sofia Russell Angeles na mahal na mahal ang kanyang mag-ama. Pero paano pag isang araw ay bigla na lang siyang ipagtabuyan ng kaniyang anak. Paano ni...