Ferrer Series #2: Loving You...

By Hanse_Pen

56.2K 1K 30

Ferrer Series #2 Covered by: Acesu Graphics More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Epilogue

2.4K 47 0
By Hanse_Pen

Levana Hera Nyx's Point of View

Apat na buwan na simula noong na-kidnap ako. Nakulong si Mr. Lopez at masaya akong tahimik na ang buhay namin ngayon. Labis ang pag-aalala sa akin ni Levin noong nalaman niyang na-kidnap ako. Bakit daw wala siyang kaalam-alam na may nangyari na palang masama sa akin. Paano niya malalaman kung nasa school pa siya at pauwi pa lang ng bahay?

Pero kahit ganoon ay ayaw na kaming pabalikin ni Thunder sa dati naming bahay. Dahil nga gusto niya akong alagaan, maging ang baby namin.

Mas naging maalaga si Thunder sa akin ngayon, lalo na sa mga kinakain ko. Mas naging understanding siya at kahit madalas na inaaway ko ay siya pa rin ang madalas na manuyo. Hinahabaan niya ang pasensya niya dahil nga buntis ako. Masaya ako dahil doon.

Medyo malaki na rin ang tiyan ko, halatang-halata na buntis nga ako. Hindi pa namin nalalaman ang gender ni baby dahil wala kaming balak na magpa-ultrasound. Gusto kasi naming surprise na lang ang gender niya. May naka-ready na naman na name ni baby kung babae ba siya o lalaki. Ito rin kasi ang gusto ni Thunder, i-surprise na lang daw para exciting.

"Ate, ready kana?" Tanong ni Levin nang makapasok siya sa kuwarto namin.

Nasa kusina kasi si Thunder at nag-aayos ng mga dalahin namin. Ngayong araw ay pupunta kami sa bahay nina Tita Lexie at Tito Vhiel. Gusto raw kasi nilang maka-bonding kami.

"Oo, Levin. Ayos ka na rin ba?"

"Yeah, ikaw na nga lang ang hinihintay," aniya kaya tumango na lang ako. Nagsusungit na naman ang kapatid ko.

Sabay na kaming lumabas ni Levin at nakahanda na nga ang dadalhin. Simpleng family bonding lang na magaganap sa bakuran ng mga Ferrer.

"Baby, slow down. You might trip," paalala ni Thunder nang makitang medyo mabilis akong maglakad.

Napasimangot ako, hindi naman ako matatalisod. Kahit mabilis akong maglakad minsan ay sinisigurado kong magiging safe ako. Mahirap na at baka mawala sa amin si baby.

"Para namang hindi mo kilala itong asawa mo, Kuya. Matigas talaga ang ulo nito," sabat ni Levin. Sinamaan ko ito ng tingin, kakampi na naman siya kay Thunder. Ako ang ate niya pero mas sobrang close siya kay Thunder ngayon.

Asawa mo? Hindi pa naman ako asawa ni Thunder. Ni hindi niya nga ako inaaya ng kasal. Bagay na minsan ay napapaisip ako. Handa naman na akong pakasalan siya. Noong una nga ay siya ang atat na makasal kaming dalawa pero ngayon ay ewan ko na lang. Baka hindi niya na ako mahal dahil nabuntis niya na ako?

Pero hindi, alam at ramdam kong mahal ako ni Thunder. Siguro ay hindi pa ito ang tamang oras para makasal kaming dalawa. Maghihintay naman ako, hindi kami nagmamadali.

"Manahimik nga kayong dalawa. Tara na."

Tumawa lang ang dalawa dahil sa pagsusungit ko at dumiretso na kami sa kotse ni Thunder. Halos trenta minutos ang biyahe papunta sa bahay ng mga Ferrer at pagkarating namin doon ay kami na lang ang hinihintay. Si Storm ay bukod ang tirahan. Ang triplets at quadro ay dito pa rin nakatira sa kanilang mga magulang.

"Hello, sister-in-law. How are you? How's my pamangkin?" Masayang tanong ni Storm nang masalubong niya kami.

Agad niya akong hinila palayo kay Thunder at narinig ko pa ang pag-angal nito pero wala namang nagawa dahil malayo na kami ni Storm.

"Ayos lang naman ako, Storm. Medyo nahihirapan dahil lumalaki na itong tiyan ko. Maya-maya rin ang punta sa CR dahil naiihi ako pero masaya ako, sobrang saya."

"I'm happy for you too. You changed my brother a lot," aniya.

"Binago rin naman ako ni Thunder. Hindi ako dating ganito. Natatakot akong mahusgahan ng ibang tao dahil sa pananamit at itsura ko pero palagi niyang ipinapaalala sa akin na maganda ako."

Totoo iyon, simula noong anniversary ng mga magulang ni Thunder ay hindi na ako muling nagsuot ng mga nakasanayan kong kasuotan. Sinanay ako ni Thunder na huwag mahiya sa ibang tao. Hindi na ako katulad ng dati na manang magsuot. Naalagaan ko nang maayos ang sarili ko. Malayong-malayo sa Levana noon na parang matanda na. Hindi na rin kasi ako nagsusuot ng salamin. Safe na kami.

Nagkuwentuhan pa kaming dalawa habang papunta sa likod ng bahay nila. Naroon kasi ang buong Ferrer Family.

"Hi, Levana," nakangiting bati sa akin ni Tita Lexie at hinalikan pa ako sa pisnge. Tumango naman sa akin si Tito Vhiel at ngumiti pa.

Welcome na welcome din ang kapatid ko, lalo na sa quadruplets.

"Yow! Wazzup, Ate Levana!" Sigaw ni Uno at kinawayan ako. Nagluluto sila ni Tres ng barbeque, samantalagang si Dos ay nakaupo lang sa gilid at tinitignan ang barbeque na naluto na.

"Hey, Ate Levana!" Bati naman ni Tres. Si Dos ay tinignan lang ako tumango bago tumingin ulit sa lutong barbeque.

Nakita kong hinila na ng quadruplets ang kapatid ko kaya pinabayaan ko na lang.

"How are you, hija?" Tanong ni Tita Lexie nang makaupo kami.

"Ayos lang naman po, Tita."

"Pinapahirapan ka ba ni Thunder?" Tanong niya ulit at tinignan si Thunder na nasa aking tabi, nakasimangot pa ang loko.

"Hindi po, Tita. Sa katunayan po ay mas maging maalaga sa akin si Thunder. Palagi pong kami ni baby ang inuuna niya."

"Dapat lang, hija. Iyan ang first apo namin kaya dapat lang na alagaan mo sila, Thunder," wika ni Tita at tinignan si Thunder.

"Wife, sigurado namang inaalagaan ng anak natin ang asawa niya. You don't have to worry about them," sabat ni Tito Vhiel at inakbayan pa ang asawa.

"Love, first time lang nila maging magulang. We need to guide them," sagot ni Tita Lexie.

"They can handle themselves, Love."

"Mom, Dad, stop that away na po," saway ni Storm habang umiinom ng juice.

Nagpatuloy na lang kami sa kwentuhan at nang maluto ang barbeque ay agad na rin kaming kumain. Simpleng bonding lang talaga ang nangyari. Halos kulitan at tawanan lang ang maririnig sa bakuran ng mga Ferrer. Nakakatuwa silang lahat, lalo na si Uno at Tres na palaging ginugulo ang tulog ni Dos.

Hindi naman naa-out of place si Levin dahil kasundo niya na kaagad ang mga kapatid ni Thunder.

Masaya ako, sobrang saya at sana lang ay walang kapalit na sakit itong sayang nararamdaman ko ngayon.

"Baby, are you tired na?" Malambing na tanong ni Thunder at bahagyang hinalikan ang aking balikat.

"Hindi pa naman. Natutuwa ako ngayong araw. Nakasama natin ang pamilya mo. Kung narito lang siguro ang mga magulang ko at buhay pa sila ay mas lalo sigurong masaya."

"Baby, I'm sure they are happy too kasi nakikita nilang masaya ka rin. Binabantayan nila kayo ni Levin," aniya.

"Thunder, masaya akong nakilala kita. Masaya akong naging parte ka ng buhay ko. Mahal na mahal kita."

"Oh, baby. Trust me, mas mahal kita higit pa sa inaakala mo."

Halos gabi na nang matapos ang kasiyahan. Hindi na rin kami pinauwi dahil nga delikado na kung uuwi pa. Mabuti na lang ay may dinala akong damit, may pamalit ako at ganoon din si Levin.

"Storm, para saan ba itong blindfold na ito? Baka hinahanap na ako ni Thunder."

Pumunta kasi siya kanina sa kuwarto namin ni Thunder noong nagpapahinga ako. May inabot siyang blue dress sa akin at kitang-kita ang umbok ng tiyan ko. Matapos kong magbihis ay nilagyan niya ako ng make up sa mukha at inayos na rin ang buhok ko.

"Shhhh. Just wear it, Levana" sagot niya habang tinatali ang panyo sa aking mata.

"Baka mapahamak ako."

"Come on, Levana. Hindi naman kita ipapahamak, takot ko lang kay Thunder," aniya at itinayo ako.

Naramdaman kong hinila niya ako at inalalayan na maglakad. Ang isang kamay ko ay hawak niya at ang isa naman ay nasa maubok kong tiyan.

"Malapit na ba tayo, Storm?"

"Yes, wait a minute. Don't remove your blindfold," aniya nang tumigil kami.

Hindi ko alam kung nasaang parte na kami ng bahay niya pero sigurado akong nasa baba na kami dahil may hagdan kanina. Pahirapan pa ngang bumaba dahil kailangan akong alalayan.

"Storm, nasaan ka na ba?"

"Just wait a little longer, Levana!"

Wala na akong nagawa kundi hintayin siya at ilang minuto pa nga ay naramdaman ko na lang ang isang kamay na tinanggal ang blindfold na suot ko. Una ay madilim pa ang aking paningin at nang tumagal na ay nakita ko na ang buong paligid.

Maganda, sobrang ganda. Nagkalat ang petals sa buong paligid, may lights and lanterns, May table na nakaayos sa gitna. Hindi ko ma-explain pero sobrang ganda.

"Baby..." Tinig na nasa aking likuran at nang lingunin ko ito ay doon ko nakita si Thunder na nakaayos din.

"Thunder."

Ngumiti siya at hinawakan ang aking parehong kamay bago halikan. Hindi ko alam pero naiiyak ako.

"Two years ago, you applied as my secretary slash personal assistant. I was mesmerized by your beauty. It doesn't matter kung para kang manang manamit, hindi nag-aayos ng buhok at laging may suot na malaking salamin. Nahulog ako, baby. I love you despite on how you look. I was loving you, secretly."

"A-Ano? Ano bang sinasabi mo?"

"You heard it right, baby. Minahal kita nang pasekreto. I know, you're not used to such things so I'll just keep loving you in secret. You avoid me every time I try to approach you. I did everything just to get you to notice me and I did, you gave in to me when I kissed you in my office."

"H-Hindi ko iyon alam. Hindi ko alam na may gusto ka na pala sa akin mula noon pa. Wala akong alam."

"Because you were too innocent to notice my feeling for you, baby. The day I kissed you, I told myself that I will get you, I will make you mine no matter what and I did. Naging akin ka na ngayon. Noong araw na sinagot mo ako, that was one of the best day ever to the point na hinimatay pa ako."

Natawa ako dahil sa sinabi niya. Naalala ko noong araw na sinagot ko siya. Kinabahan ako dahil nga bigla na lang siyang hinimatay. Mabuti na lang ay nagising ulit siya at tinawanan ko pa pagkagising.

"Something happened. Nagparamdam iyong stalker mo and I decided to let you and Levin stay at my house because I was worried. We look like a husband and wife who live in the same house. Sobrang saya ko that time lalo na noong araw na you know."

Halos mamula ako nang maalala ang araw na may nangyari sa aming dalawa. Ang araw kung saan naibigay ko sa kaniya ang aking sarili at hindi ko aakalain na sa unang pag-iisa namin ay may mabubuo kaagad.

"Thunder naman."

"It was the best! After a week, you suddenly changed. Like sobrang bilis mong mairita and gusto mo palagi kang tulog. I was thinking na nabuntis kita but gusto kong marinig mismo sa bibig mo."

"Thunder."

"Something came up. You were kidnapped by your stalker, on my birthday. I was worried. I was angry to know that Mr. Lopez kidnapped you. He was one of the best business partners I had. Good thing nothing bad happened to you. I don't know what will happen to me if something bad happens to you."

Bigla siyang lumuhod, dahilan kung bakit napaawang ang bibig ko. May dinukot siya sa kaniyang bulsa at doon nga inilabas ang isang maliit na kahon at nang buksan ay doon nakapaloob ang isang magandang singsing. Silver ang kulay nito at may maliit na diamond.

"Baby, please allow me to be your partner forever. Please let's make a new chapter of our life. Will you marry me?"

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko aakalain na ngayon siya magpopropose sa akin.

"Baby?"

"Y-Yes, Thunder. Oo, magpapakasal ako sa iyo!"

Ngumiti siya at dahan-dahang isinuot sa akin ang singsing bago halikan. Tumayo siya at yumakap sa akin.

"Thank you, baby. Thank you for making me the happiest man tonight," he whispered.

"Mahal kita, Thunder. Sobrang mahal na mahal kita."

"I love you more, baby. I love you."

Sa panibagong yugto ng buhay namin ni Thunder ay sabay naming haharapin ang problemang darating. Handa na ako, handa na akong makasama siya habang buhay.

*****

Hanse_Pen


Continue Reading

You'll Also Like

123K 3K 38
Isang pagkakamali na pilit kinakalimutan. Pero paano kung sa pagdaan ng maraming taon ay imbes na matahimik ay mas lalo kang kinukurot ng iyong konse...
48.3M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
195K 3.8K 49
[COMPLETED] Almost every girl dreams of walking down the aisle as the man of her dreams stand on the edge of the aisle, waiting for her as they both...
7.8M 231K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...