Always? Always!

By Pijei_bi

78.5K 3.7K 440

- More

DISCLAIMER
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34

Chapter 5

2.1K 93 23
By Pijei_bi

If you happen to read any typos or poor/wrong grammar, please pardon me and understand that I'm not a perfect writer po. hehe. Thank you 🫶

"Himala ata at wala yung mga alaga mo sa katawan ngayon?" salubong sa akin ni Sandra paglapit ko sa kanya referring to my bruises.

"Wala pa kasi yung tatay ko. Pero mamaya ay darating na yon." I answered her.

"Kaya pala. Ikaw na muna mag drive. Masakit ulo ko." She said bago binato sa akin ang susi at pumasok na sa sasakyan.

"By the way, dumating sina Kuya Sander. Hinahanap ka." napatingin ako sa kanya.

"When?"

"Yesterday. He surprised me and congratulated me for passing in BU."

Tumango ako sa sinabi nito. Sana all may kapatid.

Kuya Sander is like my brother as well. Kung paano siya kay Sandra ay ganon din siya sa akin. Same to her parents.

"Sino kasama?" I asked.

"Si ate Kylie and kuya Nash."

Tumango akong muli. Ate Kylie is Kuya Sander's girlfriend, while Nash is Ate Kylie's Brother. Again, I am not the type of person na basta basta tatawaging ate or kuya ang isang tao.

Sa mga closed people lang ako gumagalang. Unless they're old enough to call them tita, tito or lola and lolo.

You can't blame me! I don't usually socialize, so, yeah.

"Kuya Nash said he has a surprise to the both of us, but I don't know what is it." dagdag pa nito.

Kala ko ba masakit ulo niya? Bakit ang daldal pa rin.

"Hindi na surprise pag sinabi." I said na nagpabusangot sa kanya.

Minutes had passed ng makarating kami sa BU. Paglabas namin sa kotse ay binato ko pabalik sa kanya yung susi na hindi niya nasalo kaya tinarayan ako. Hinayaan ko lang ito at naglakad na.

"Hindi ako papasok mamaya sa Café." saad nito ng mahabol niya ako.

"Why?"

"May family dinner kami. Actually pinapasama ka nila. Sama ka." she answered pero umiling ako.

"Pass. Ayokong mag absent sa work."

"Gusto kang makita nila kuya."

"Next time nalang siguro. Pwede din sa Friday. Off yon." I said.

"Sige sige. Sa sunday pa naman balik nila kuya sa Cebu."

Tumango ako.

"Nakapagpaalam ka na ba kay Ma'am Rhima?" tanong ko dito pagkapasok namin sa elevator.

Yes, gawa na. Kaya di na kami mapapagod sa mga hagdan.

"Yes. Maaga akong umalis kanina at dumaan don para makapagpaalam." muli akong tumango at hindi na siya sinagot pang muli.

Pagkarating namin sa room ay nandoon na rin si Aliah na nakikipagdaldalan sa iba naming mga kaklase pero ng makita kami ay kaagad itong kumaway at lumapit sa amin.

"Good morning." masiglang bati nito sa amin. Aga-aga ang sigla.

Tinanguan ko lang siya saka na umupo.

"Good morning. Ganda ng umaga ha?" bati din ni Sandra sa kanya.

"Of course. By the way, hindi papasok ngayon si ate sa atin pero may ipapagawa ata siya. Magp-pre test daw tayo." she informed us.

"Bakit?" tanong ni Sandra

"May pinapaayos sa kanya ang dean ka-"

"Hindi. Bakit siya magpapa-test I mean?" putol nito sa kausap.

Napailing ako sa tanong niya.

"Gaga. Syempre para malaman niya kung ano yung laman ng utak natin." Sagot naman nito.

"Sus. Ikaw, puro lalaki laman ng utak mo. Hindi ba alam ng kapatid mo yon?" saad ni Sandra.

"Tanga. Di mo sure."

"Sure ako. Kita ko laman ng messanger mo kahapon, puro lalaki. Pare-pareho pa ng nickname. Baby amputa. Kaya pala ang losyang mo dami mo ng anak." pang-aasar nito kaya binatukan siya ng isa.

Ganyan na yan mula kahapon. Nagulat nalang ako ganyan na silang mag-usap na akala mo sobrang tagal na nilang magkaibigan.

"Foul na yan. Sino ba kasi nagsabing tignan mo messanger ko?"

"E sinong tanga ba kasi ang mang-iiwan ng phone tapos nakabukas pa yung messanger?" sagot nito.

"Che! Bahala ka nga." Pagsuko ni Aliah na ikinatawa ng isa.

"Bakit ba kasi kayo yung naging kaibigan ko?" bulong nito pero dinig naman namin.

"Tanga talaga nito. Ikaw yung lumapit samin e." Sandra said.

Napailing ako sa mga sagutan nila.

Nagtuloy tuloy lang sila mag-asaran hanggang sa dumating na ang prof namin sa MathWorld na nagbigay lang din ng pre-test saka na umalis kaagad.

Sa ikalawang subject namin which is USelf, ay ganoon din pero mas nahirapan ako dito dahil may mga philosophers pa sa tanong. Kahinaan ko ang tao kapag ganitong usapan sa school, but luckily, nasagot ko naman halos lahat.

Lunch time na and nasa cafeteria kaming tatlo. Nasa pila pa ang dalawa kaya nagulat nalang ako ng biglang may tumabi sa akin.

It was her.

Napatingin ako sa gilid niya pero wala siyang kasama. Nang tumingin ko sa pila ay doon ko nakita yung kambal na lagi din niyang kasama.

"Hi." Bati nito sa akin na bahagya pang nakangiti.

Tumango lang ako sa kanya bilang pagbati pero narinig ko itong suminghal.

"Where's your respect, Kio? You're suppose to greet me when you see me. I mean, us. Your professors." saad nito.

Hindi ko siya nasagot ng dumating ang mga kasama ko pati yung kambal na propesora.

"Mainit, Kio." Paalala sa akin ni Sandra pagkabigay niya ng food ko kaya tumango ako at humarap sa kambal.

"Afternoon po, mga Miss." bati ko sa kanila na ikinagulat nilang lahat lalo na yung katabi ko.

"Why are you greeting them?" tanong nito.

"You just said I must greet professors when I see them." I answered her na ikinasama ng tingin nito sa akin.

Kita kong ngumisi ang dalawang prosesor at tumawa naman yung dalawa ko pang kasama.

"And you haven't greet me yet." matigas na saad nito sa akin.

I just shrugged my shoulder na ikinasama lalo ng tingin niya sa akin.

Napatingin ako sa isa pang kasama ng mga propesora dahil hindi ko ito agad napansin kanina.

Nakatingin lang ito ng daretso sa akin na para bang sinusuri nito ang mukha ko.

She's beautiful. I must admit. Like me, she has light brown eyes.

"Ay. Siya nga pala si Lennon. Pinsan nila Miss Peizen at Miss Faiza. Dito din siya nag-aaral pero grade 10 palang siya." pakilala ni Aliah dun sa babae.

Right, may high school din ang BU pero hindi kami dito nag high school ni Sandra dahil wala pa kaming pake non sa school at kahit saang school lang namin balak mag-aral.

"Pinakilala ko na kanina si Sandra." saad nito sa akin kaya tumango ako.

"Lennon, si Kio. Kaibigan ko din." Saad nito dun sa babae na ikinatango din niya.

Dinig kong suminghal yung katabi ko kaya napatingin ako dito pero inikutan niya lang ako ng mata.

Napatingin kaming lahat ng biglang tumayo si Lennon at lumapit sa akin.

"Nice meeting you po, ate Kio." saad nito bago ako yakapin na nagpagulat sa akin pati na ng mga kasama namin.

"L-Lennon." tawag sa kanya ni Aliah pero hindi ito pinansin ng isa.

Humiwalay ito sa yakap saka ngumiti sa akin.

"You're so pretty po." saad niya.

"T-Thanks. You too." I answered her.

Kinabahan ako bigla and I know why is that pero isinawalang bahala ko nalang.

Bumalik na ito sa kanyang upuan at nagsimulang kumain.

Kita ko ang pagtataka sa mukha nilang lahat lalo na sa mga pinsan nito na ngayo'y nakatingin sa akin.

Maging ang katabi ko ay nakatingin pa rin sa akin ng masama na akala mo kakatayin na ako. Problema ba niya?

Hindi ko na sila pinansin at nag-umpisa ng kumain nang may maramdaman akong sumipa sa paa ko. Tinignan ko ang salarin at nakitang si Sandra ito saka niya tinuro ang pagkain na nasa harapan ko.

"Mainit" she mouthed without sound kaya tumango na lang ako dito.

Wala namang nakapansin non kaya hinayaan ko nalang. Kaunti ko pang hinihipan ang pagkain ko bago ko ito isubo hanggang sa matapos kaming lahat.

"Nga pala, Lennon, bakit bigla mo nalang niyakap si Kio? Aba! Ako ngang nakakasama mo hindi mo niyayakap, tapos siya na kakikita mo lang, niyakap mo na agad?" reklamo ni Aliah sa kanya.

"Nothing. She just looked like someone I know." sagot nito.

"Sus. Baka crush mo lang siy- ouch! Ate naman! Ang sakit." reklamo nito ng sipain siya ng kapatid niya.

"shut up." sagot lang ng isa na ikinabusangot niya at ikinatawa ni Sandra.

I tsked which I think she heard kaya tumingin ito sa akin at inikutan pa ako ng mata. Tusukin ko yan e.

Tumingin ito sa oras saka na niyaya ang mga kasama.

"By the way, go to my office later before our time schedule, Miss Martin." saad nito bago naglakad paalis.

"Let's go, Lennon." Yaya ni Miss Faiza sa kanya na ngayo'y nakatingin pa rin sa akin.

She sighed before standing up at nagpaalam pa sa akin bago sinundan yung tatlo.

"Wahhh! Ang daya. Bakit si Kio niyakap ni Lennon, samantalang ako kanina, parang wala man lang siyang nakita." maktol ni Sandra pagkaalis nila.

"Gaga. Wag kang parang tanga diyan. Di naman talaga nangyayakap yon. That's why we're shocked when she hugged Kio and that she's a fond of her?" wika ni Aliah.

"Ano bang meron sayo at halos nabibighani lahat ng nakakakita sayo?" parang tangang tanong sa akin ni Sandra.

I just shrugged my shoulder.

"Meron siyang ganda na wala ka." Sabat ni Aliah na ikinasama ng tingin ng isa.

"Tanga, parang siya meron."

"Meron naman talaga."

"San banda? Di ko makita."

Biglang hinila ni Aliah ang mukha ni Sandra at sapilitang pinaharap ito sa kanya.

"ito oh, kita mo na?" saad nito habang tinuturo pa ang mukha.

Tinabig naman ni Sandra ang kamay ni Aliah "Wala akong makita." saad nito bago sinuri ang buong kabuoang katawan.

"Kahit saang parte ng katawan mo wala akong makitang kagandahan." dagdag pa nito kaya binatukan siya ni Aliah.

"Malabo lang mata mo. Bulag." saad nito.

"Kahit sampong salamin pa ang isuot ko, wala akong gandang makikita sayo." asar pa nitong muli.

"Ewan ko sayo"

Sa ikalawang pagkakataon sa araw na ito, talo nanaman sa asaran si Aliah kaya ang isa, tawa ng tawa. Napailing na lang ako sa dalawa dahil sa kakulitan nila.

"Hoy, maganda." natatawang tawag sa akin ni Aliah.

"magta-time na. Tara na. Pupunta ka pa kay ate." yaya niya.

Sabay sabay na kaming tumayo at pumasok sa elevator. Kahit siksikan ay pumasok na kami dahil ang dami na rin ng mga paparating pa na estudyante.

Since sa top floor ako pupunta ay ako na lang mag-isa ang naiwan pero bago magsarado ang pinto ay narinig ko pang nagsalita si Aliah.

"Hoy, wag mong halayan ate ko ha. Magpapahalay talaga yon- Aray ko. Tang ina nito."

"Tangina mo rin. Yung bibig mo, parang di professor ate mo." Sandra said to her na ikinatawa nilang dalawa.

Yung dalawang yon talaga.

Pagkarating ko sa office ay kaagad akong kumatok. I entered the room after I heard her low "come in".

Pagpasok ko ay nakita ko siyang busy mag type sa kanyang laptop. Hindi din ito tumingin man lang sa akin kaya tumayo ako sa harap niya.

Hindi ako nagsalita dahil mukhang busy talaga ito. Okay lang naman kahit hanggang mamaya ako dito nakatayo dahil siya din naman ang next subject namin. A minute had passed ng tumaas na ang tingin nito.

"You really won't greet me, huh?" Mataray na tanong saad nito sa akin.

"You're busy." sagot ko dito.

"Doesn't mean you won't greet me na. I still can hear you, you know."

I just rolled my eyes at her bago siya tanongin kung anong kailangan niya.

Inabot niya sa akin yung mga test paper na nasa tabi lang ng laptop niya.

"Here. Distribute it to your classmates and answer it. Watch your classmates and tell them I don't want anyone to know that they just searched on internet."

Tumango ako dito.

"Collect them after and bring them back here."

Tumango ako ulit.

"That's all?"

"Yes. Go and start answering."

Tumalikod na ako upang umalis ng magsalita ulit ito.

"And oh... Avoid flirting too. I'm watching you." she said na nagpataas ng kilay ko. Pinagsasabi nito?

"I am not like you." I said saka na lumabas. Narinig ko pa itong tinawag ako pero hindi ko na siya pinansin.

Kung makapagbanta, e siya nga itong nakikipag flirt. Tsk.

"Ikaw na mag distribute, tinatamad ako. Pakisabi bawal daw mag search sa internet." Saad ko kay Aliah ng inabot ko sa kanya yung mga test paper.

"Ikaw inutusan, sakin mo papagawa." reklamo niya pero tumayo rin naman at pinamigay yung mga papel.

"Bawal daw magsearch sa internet. Bagsak daw kayo agad pag nalaman ni Ate na nag search kayo. Kita niyo yang apat na sulok na yan? May nakatago siyang mata jan, kaya wag niyo ng subukan mag search. CCTV yon sa past life niya." natatawang hayag ni Aliah sa mga kaklasi ko.

Tong babaeng to, hilig lokohin kapatid niya pag wala ito.

Binatukan ko ito ng makabalik siya sa tabi ko.

"Bakit ba?" tanong nito sa akin.

"Sumbong kita sa ate mo." I said to her reason para manlaki ang mata niya

"To naman, di mabiro. Hoy guys, joke lang yung sinabi ko kay ate ha? Pero bawal talaga mag search." sigaw nito sa mga kaklase ko kaya tinawanan siya.

Napailing ako dito bago nag-umpisang magsagot.

"Tanga mo, bawal nga mag search tapos mangongopya ka?" dinig kong saad ni Sandra kay Aliah.

"At least di ako gumamit ng internet." sagot pa ng isa.

"Tumahimik ka. Kapatid ka ba talaga ni Ma'am ha?"

"Hindi. Ampon lang siya."

"Oh? Kaya pala matalino si Ma'am, tapos ikaw bobo."

"Tangina nito. Parang di kaibigan." bulong niya saka humarap sa akin.

"No." agad kong sabi bago pa siya magsalita.

Ngumuso ito bago nagsagot mag-isa.

We're not masungit sa mga sagot ha. Nakaugalian lang talaga namin ni Sandra na walang kopyahan kapag ganitong pre-test to let us know kung ano na ang meron sa utak namin.

"I'll wait you nalang sa parking." saad ni Sandra saakin bago ako pumasok ng elevator, sakto kasing pataas ito.

Tumango ako sa kanya bago ito magsara. Si Aliah, hindi ko alam kung nasaan na. Nauna kasi siyang umalis sa amin.

"Afternoon." I greet Azaleah pagpasok ko na ikinagulat niya.

"Ow, Hi." she softly said saka ngumiti.

"Here's our test papers."

Instead na kunin niya ito ay may iniabot siyang papel sa akin.

"Here's the answer sheet, check it for me. I can't have a time to check them later."

Tsk. Hindi man lang naki-usap. Literal na utos.

Tumalikod ako sa kanya saka naghanap ng pwesto. Pinili ko nalang umupo sa sahig sa harap ng centered table. May sofa naman pero trip kong umupo sa sahig.

"Why are you sitting on the floor? Sit on the sofa." utos nito ng makita ako.

"I'm comfortable here." sagot ko dito.

Tumayo siya at inabot sa akin ang throw pillow na inuupuan niya.

"Use this then."

Para hindi na humaba ang usapan ay kinuha ko nalang ito at ginamit.

Bumalik na siya sa kanyang inuupuan kaya nagsimula na akong magcheck. I can sense than she's looking at me pero hinayaan ko nalang siya.

Nakaka-apat pa lang ako ng biglang bumukas ang pintuan.

"Don't you know how to knock?" mataray na tanong ni Azaleah sa kapatid.

"Hehe. Sorry." saad nito bago tumingin sa akin.

"Pinapasabi ni Sandra mauna na raw siya. Need na daw niya umalis. Sakin ka nalang sumabay."

Oh right. I forgot her.

"No need. Magc-commute nalang ako. You can go now."

"Okay lang. Di naman ako nagmamadali. Mahirap yung sakayan sa labas. Sabay nalang kit-"

"I'll take her home. You can go now, Aliah." biglang sabat nung isa kaya pareho kaming napatingin sa kanya.

"okay." agarang saad nito saka na umalis.

What the? Iiwan talaga ako sa ate niya?

Tumingin ako dito at kita sa mukha niya ang pagkasiya. I just rolled my eyes at her na ikinailing niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pagc-check ng mga papers.

Hindi naman ako sasabay sa kanya. Magcommute lang ako mamaya. Maaga pa naman. Makakahabol pa ako sa work ko.

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
28.5M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
764K 16.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
1.9M 94.7K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...