The Thousand Of Ways (Reclam...

By Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... More

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28

Chapter 27

8 4 0
By Bubblemiiint

Chapter 27

Pagkarating namin agad sa ospital ay dali dali kami tumungo ni Terrence sa nurse station para tanungin kung nasaan ang si Tita Rhea. Agad naman sinabi ng nurse na nakaassign kung nasaan si Tita Rhea kaya dali dali kami umalis doon. Nasa fourth floor pa ang kwarto ni Tita Rhea kaya nandito kami ngayong dalawa ni Terrence sa loob ng elevator.

Lumingon ako sa kanya at bakas sa mukha niya ang pag alala dahil halos di siya mapakali at hindi alam ang gagawin. Magkahawak kami ng kamay at ramdam ko rin na namamawis na ang kamay niya pero hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko.

Dahil sa reaksyon ni Terrence hindi ko rin maiwasan na mag alala kay Tita Rhea. Kahit ganun ang pagtrato niya sa akin - nag aalala pa rin ako sa kung anong naging kalagayan niya.

Is she okay?

Nang mabuksan na ang elevator hindi na nagsayang pa ng panahon si Terrence ay dali dali na kaming lumabas sa elevator. Nagawa na nga namin tumakbo para mapuntahan na si Terrence. Napatigil lang kami sa pagtatakbo na makita namin si Ross na nakaupo sa bench at bakas sa mukha niya ang pag alala.

Nang aksidente mapatingin si Ross banda kay Terrence ay napatayo siya sa kanyang kinauupuan. Nabigla ako na bumitiw na si Terrence sa pagkakahawak niya at agad siyang tumakbo papalapit kay Ross. Napaawang ang labi ko na makitang niyakap ni Terrence si Ross ng umiiyak.

Napatulala na lang ako sa aking nakita.

"Where's my mom?"umalis sa pagkakayakap si Terrence at nakita ko pinunasan ni Ross ang kanyang luha sa kanyang pisngi ,"Is she okay?"

"H-hindi pa lumalabas ang doktor..."nangangatal ang boses ni Ross habang nakatingin siya kay Terrence. Aksidente napatingin si Ross sa akin at nakita ko ang gulat sa kanyang mata. Nagulat na lang ako sa ginawa niya na yumakap siya ng mahigpit kay Terrence ,"I'm afraid Terrence......h-hindi ko alam gagawin ko nung makita ang nangyari kay Tita...."

Nananatili lang ako nakatayo habang magkayakap ang dalawa. Wala akong lakas ng loob para lumapit sa kanya. Hindi ko alam ang aking gagawin sa oras na 'to dahil kahit mismong paa ko kusa na lang hindi gumagalaw.

"Hush Ross ,my mom is fine okay? Don't worry.."Terrence hugged Ross even more who was still crying in his chest. Because of that, I was able to move my foot back to get away from the two of them.

Hindi ko kayang makita ang ganitong sitwasyon....

Umatras ako ng umatras papalayo sa kanila hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa pisngi ko. Hindi na ako nagsayang pa ng panahon kundi tumakas sa kanila.

Hanggang sa nakapasok na ako sa elevator at sumisikip ang dibdib ko sa nakikita ko. Sana di na lang ako nagpumilit na sumama pa kung ito lang masasaksihan ko.

Umalis na ako sa ospital at nagtaxi na lang ako pauwi. Nagchat na ako sa Terrence na nauna na ako-dinahilan ko na lang na biglang sumama ang pakiramdam ko kaya umalis ako. Na totoo hindi ko kayang makitang magkasama silang dalawa.

Kinabukasan ,pumunta sa condo ko si Terrence at bakas sa kanyang mukha ang pagod dahil sa mapupungay niyang mga mata. Pinagpahinga ko muna sa kwarto ko si Terrence dahil sigurado akong hindi pa yon nakakatulog simula na tumungo siya sa ospital.

Saka ko na itanong kung ano ang kalagayan ni Tita Rhea kapag nagising na siya.

Pagkagising niya ay saktong naghahanda ako ng hapunan. Yumakap siya sa aking likuran habang hinihintay na maluto ang naisipan kong dinner. Nararamdaman ko ang hininga na tumatama sa aking leeg.

Lumingon ako sa kanya at napangiti ako na gulo gulo ang kanyang buhok. Talagang kakagising niya talaga dahil ganitong ganito itsura niya kapag nagigising siya.

"Kumain muna tayong dalawa.."nangingiting saad ko kaya parang batang tumatango si Terrence.

Umalis na siya sa pagkakayakap sa akin bagkus tinulungan niya ako sa kusina para malagay na ang nailuto kong dinner sa hapag at syempre para makapagsimula na rin kumain.

Nagsimula na kaming kumain at di ako sanay na tahimik kami. Napapalingon ako at nakikita kong parang ang lalim ng iniisip niya.

"How was Tita Rhea? is she okay?"hindi ko napigilan pang tanungin siya-dahil doon napatingin siya sa akin at hinihintay ko ang magiging sagot.

"Fine ,"he replied ,"May nakain lang siyang pagkain kung saan may allergy siya kaya ganun na lang ang nangyari."

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Mabuti naman at ganun lang nangyari! Masyadong nag alala ako ng tuluyan sa nangyari kay Tita Rhea!

"About what happened last night ,I'm sorry kung nagkaroon bigla ng emergency,"he mumbled ,"Mukhang nasira pa ata yung anniversary natin."

I smiled ,"Ayos lang yon. Naiintindihan kita."

Kahit ako naman sa kalagayan niya ganun rin naman ang gagawin ko. Mas mahalaga ang pamilya sa kahit anong mangyari kaya naiintindihan ko si Terrence.

Pagkatapos ng pag uusap na yon nagpatuloy ns kaming kumaing dalawa. Agad na rin nagpaalam sa akin si Terrence dahil kailangan niya pang bumisita sa ospital. Aniya ,babawi na lang siya sa susunod dahil hinahanap siya ni Tita Rhea sa ospital. Bago siya umalis sa aking condo ay mariin niyang hinalikan ang aking labi na inabot pa ng limang minuto.

Pinatigil ko na siya dahil baka iba na ang mangyari kapag pinagpatuloy pa namin yung ginagawa namin. Na baka hindi na siya makaalis sa condo ko bagkus ikulong ko na lang siya at mas pipiliin kong gustuhin ang nangyaring halikan.

"Ang sakit ng paa ko!"pasigaw na saad ni Erich nang makapasok na siya sa aking condo.

Galing siya sa kanyang trabaho dahil naka formal attire pa ang gaga. Nakatingin lang ako sa kanya habang humihigop ako ng kapeng iniinom ko. Nagulat din ako na wala siyang pasabi na dito pala siya didiretso sa aking condo.

"Oo nga pala Aifha ,dito muna ako matutulog. Medyo malapit kasi yung condo mo sa kumpanyang pinasukan ko kaya dito muna ako mag oovernight dahil alam mo naman magdadalawang sakay pa ako kapag dumiretso na ako sa bahay!"lumingon siya sa akin habang nakaupo na siya sa sofa.

Mabuti na lang pala at gising ako ganitong oras. Bigla bigla na lang din kasi 'to pumapasok si Erich sa condo ko lalo na't alam niya yung passcode ko kaya malayang malaya siya nakakapasok dito kahit di na siya magchat sa akin.

Tumango ako sa kanya saka ko pinagpatuloy ang paghihigop ng kape ko. Dumadaldal na naman ulit si Erich sa akin sa mga ganap sa buhay niya ngayon. Hanggang sa wala na siyang masabi sa akin kaya ako naman ang pinadaldal niya. Nasabi ko sa kanya na nasa ospital si Tita Rhea at nakita ko ang gulat sa kanyang mata.

"Really?"she widened her eyes ,still shocked ,"OMG! buti di pa siya natuluyan."

"Erich...."I glared at her. Nakita ko na nag peace sign siya dahil sa sinabi niya.

Alam kong kumukulo ang loob ni Erich kay Tita Rhea nang dahil sa pagtrato niya sa akin kaya di ko masisisi kung yun ang lumabas sa bibig niya.

"Ano ba nangyari sa kanya?"mas lalo siyang lumapit sa akin na parang curious na curious siya dahil kumukunot pa ang noo niya.

Sinabi ko sa kanya ang lahat lahat ng detalye at kalmado lang siyang nakikinig. Maayos naman ang kalagayan ngayon ni Tita Rhea kaya gumaan na kahit papaano ang kalooban ko lalo na kay Terrence.

"At talagang mismong anniversary niyo pa nangyari yon ah?"ngumisi siya kaya kumunot ang noo ko.

Bakit parang may pinapahiwatig siya sa mga sinasabi niya?

"Oo ,medyo nasira yung anniversary namin dahil doon dahil nag alala kaming dalawa ni Terrence sa kanya."

Tumango siya at kita ko pa rin ang ngisi sa kanyang mukha na hindi ko alam bakit ganun yung nakikita ko sa kanya.

Bumuntong hininga siya ,"Tama nga naman ,mas mahalagang buhay na tao ang unahin kaysa sa ibang bagay."ngumiti siya sa akin ,"Nag enjoy ka naman sa anniversary na hinanda sayo ni Terrence?"

Sumilay agad ang ngiti ko ,"Oo ,nag enjoy ako."

"Mabuti naman kung ganon. Akala ko pati yon makalimutan ni Terrence. Hindi ko na talaga siya papansinin forever kapag hindi niya ipaghanda yung anniversary niyo!"

Natawa ako ng bahagya doon. Kahit gaano pa ka-busy si Terrence di naman niya nakakalimutan mga espesyal na araw naming dalawa. Nagagawa niya paraan ang lahat para i-celebrate namin yung mahahalagang okasyon naming dalawa.

Except na lang nung graduation ko. Di talaga siya nakaattend dahil sa isang emergency.

Yumakap ng mahigpit sa akin si Erich kaya gumanti rin ako ng yakap sa kanya. Miss na miss ko na rin ang babaeng 'to! Kaya maganda rin na dito muna siya magsleep over!

Katabi ko si Erich sa higaan kaya halos nakayakap na siya sa akin na parang ayaw na niya ako pakawalan. Ipinikit ko na lang ang aking mata para dalawin na rin ako ng antok.

Pagkagising ko ay napansin kong wala na si Erich sa aking tabi. Sigurado ako na umalis na yon pagkagising ko kaya napilitan ako bumangon para makapaghanda na ng almusal ko. Paglabas ko ay nakita ko na may nakahanda na ng almusal sa lamesa kaya alam ko si Erich ang nagluto ng pagkain.

Lumapit ako sa lamesa at nakita ko may maliit na papel na nakalagay doon kaya tinignan at binasa ko.

Hi Aifha! Naghanda na ako ng makakain mo para kapag nagising ka na meron ng pagkain ang nakahanda sayo! Thank you so much sa pagpapatuloy sa akin! I love you bff!

- Erich maganda.

Napangiti ako at umupo na rin para makapagsimula na ako kumain. Hindi rin naman nagtagal ay natapos na ako kumain kaya bumalik na ako sa kwarto para doon magkulong.

Bandang hapon ,napagdesisyonan ko na magtungo sa supermarket para bumili ng groceries. Wala na ako masyadong stock at kailangan ko na bumili para wala na akong iisipin pa. Ilang oras ako nanatili sa supermarket bago ako napagdesisyonang umuwi. Nagpatulong pa nga ako sa guard para bitbitin ang iba dahil naparami yung pagbili ko at hindi ko naman kayang dalhin dahil mahigit nasa limang malaking plastic yon.

"Maraming salamat po Mang Raul.."pagpapasalamat ko sa kanya nang mailapag niya yung ibang plastik.

Ngumiti siya ,"Walang anuman hija ,kapag may kailangan ka wag kang mag atubiling lumapit sa akin."

Umalis din naman siya agad kaya napabuntong hininga na lang ako ng malalim. Inasikaso ko muna yung mga pinamili kong groceries. Habang nag aasikaso ako ay nagulat na lang ako na may biglang humalik sa aking leeg na nagbibigay sa aking kuryente. Nakayakap siya ng mahigpit sa akin kaya napatigil ako sa pag aasikaso ng mga pinamili ko.

"Nakauwi ka na pala ,di ka man lang nagsabi sa akin na ngayon ka pala uuwi..."tugon ko sa kanya.

Hinintay ko na may sasabihin siya sa akin pero wala akong narinig. Nakayakap siya sa akin ar mariin niyang hinahalik-halikan ang aking leeg. Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa nararamdaman ko bigla.

"I miss you so much...."Terrence said while kissing my neck.

Di na ako nakatugon bagkus panay buntong hininga na lang ako. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at mariin niya akong pinaharap. Nakita ko ang pagod sa kanyang mata at mukhang wala pa siyang gaanong tulog.

Nakatitig lang siya sa akin kaya napatitig rin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin na madalas kong makita sa kanya noon. Kahit pagod na siya nagagawa niya pa rin ipakita yung ngiti niya.

"I love you-"hindi ko na natuloy ang dapat kong sasabihin sa kanya na bigla na lang niya ako siniil ng halik. Nakahawak na siya sa aking bewang habang hinahalikan na niya ako.

Gumanti na rin ako ng halik kaya naging agresibo si Terrence sa halikan namin. Nakahawak na ako sa kanyang batok habang nagsisimula na kami maglakad na sigurado ako sa kwarto na kami patungo.

Hanggang sa nakapasok na kami sa kwarto...

"Gusto kong bumisita kay Tita Rhea.."napatigil na lang si Terrence na laruin ang buhok ko na bigla akong magsalita. We were both naked and only a blanket was covering our naked bodies. I was lying on Terrence shoulder while he was playing with my hair.

Katatapos lang namin at sobrang pagod na pagod ako dahil sa ginawa namin. It's almost 3AM in the morning at hindi pa rin kami inaantok.

Tumingin ako sa kanya at nahuli ko rin siyang nakatitig sa akin. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang labi ko kaya umangat ang kilay ko dahil doon.

"Sure ka bang gusto mo siyang bisitahin?"he asked then I nodded slowly.

"Gusto ko lang i-check kung ayos na ba siya. Kahit ganun sa akin si Tita Rhea gusto ko siyang bisitahin.."I bit my lower lip while looking at him.

He sighed ,"Okay. Pupuntahan natin si Mom but for now ,magpahinga muna tayo. Masyado kitang napagod ngayong araw. Kailangan mo magpahinga para mabawi mo lakas mo. Matulog na tayo."

Tumango ako sa kanya kaya niyakap niya ako ng mahigpit. Pinikit ko na mata ko habang nakahawak ang kamay ko sa matitipunong dibdib ni Terrence.

Bago kami pumunta ni Terrence sa ospital para bisitahin si Tita Rhea ay nagluto ako ng putahe na sa tingin ko magugustuhan niya. Hindi ako sure kung magugustuhan niyang bisitahin ko siya pero kahit ganon pupunta pa rin ako para kumustahin siya.

Pagkarating ni Terrence ay agad na ako kumapit sa braso niya para makaalis na sa condo. Tahimik lang nagmamaneho si Terrence habang ako ay minsan pa ay napapasulyap ako sa kanya. Mabilis din naman kaming nakarating ni Terrence sa ospital kaya nung patungo na kaming dalawa ni Terrence kay Tita Rhea nakaramdam ako ng kaba.

Napalingon ng bahagya si Terrence sa akin ,"Ayos ka lang ba?"

Pilit akong ngumiti ,"Ayos lang ako."

Ngumiti siya sa akin at marahan niyang pinatakan ako ng halik sa noo. Masyadong kinakabahan ako kung ano ba magiging reaction ni Tita Rhea kapag nakita niya ako.

Sana man lang maging mabait naman siya sa akin kahit ngayon lang.

Nang makapasok na kaming dalawa sa kwarto ay nakita ko na lumingon si Tita Rhea kung sino man pumasok. Nakahiga siya sa kama at nakasuot siya ng hospital gown. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Tita Rhea nang makita niya si Terrence.

"Bumalik ka anak—"di na natuloy ang sasabihin ni Tita Rhea nang dumako ang tingin niya sa akin. Yung ngiti niya sa mga labi ay bigla na lang napawi at napalitan ng pagtataka ,"Anong ginagawa niya dito?"

"Gusto ka niyang bisitahin ,"tipid na sagot ni Terrence. Naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko kaya napakagat ako ng labi ,"Alam kong hindi ka pa kumakain mom kaya nagluto si Aifha nang lunch mo ngayon."

Inabot ni Terrence yung niluto ko na putahe kay Tita Rhea. Tumingin siya doon at nakita kong tinanggap niya. Tinignan niya doon at umangat ang kilay niya dahil doon.

"Favorite dish ang niluto ni Aifha kaya sana magustuhan niyo ang pinag effortan niya." Terrence said.

Hindi na kumibo pa si Tita Rhea bagkus pinagtuunan niya na lang pansin yung pagkain na dala ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil doon dahil akala ko hindi niya tatanggapin yon.

Naramdaman ko na lang na napabitaw ng kamay si Terrence sa akin nang mapansin na may tumatawag sa kanya. Tumingin siya sa akin at nagpaalam na lalabas muna para sagutin lang ang tawag kaya tumango ako. Bago siya umalis ay hinalikan niya pa pisngi ko.

Nang makaalis na si Terrence sa kwarto ko ay nakatingin lang ako kay Tita Rhea na hindi ko mabasa ang kanyang iniisip patungkol sa akin.

"Sa tingin mo ba na magugustuhan kita para sa anak ko nang dahil lang sa pagkain na niluto mo?"saad ni Tita Rhea kaya napakurap ako dahil doon ,"Inaasahan mo bang lalambot ang puso ko nang dahil sa favorite dish na pinag effortan mo?"

"Bumisita po ako sa inyo dahil nag alala ako ,hindi po ako bumisita para magpakitang gilas sa inyo."

Di ako umaasang magugustuhan niya ako at alam ko namang hindi niya ako gusto na makatuluyan ko ang anak niya. Wala na akong magagawa doon dahil yon ang gusto niya.

"Sana di mo na lang ako binisita Aifha ,wala ka namang mapapala sa akin.."she said seriously ,"Di ko kailangan ng pagbisita mo. Mas gugustuhin ko pang si Ross ang bumisita sa akin kaysa na ikaw."

Nanatiling ganun pa rin ang emosyon ko. Di na ako nasasaktan sa pagkukumpara naman niya kay Ross sa akin. Nasanay na ang puso ko na ganun ang pagtrato niya sa akin. Na mas deserve makatuluyan ni Ross si Terrence ,na mas angat si Ross kaysa sa akin.

"Hindi naman po ako magtatagal Tita Rhea. Gusto ko lang kayo bisitahin para kumustahin kayo. Alam ko naman na ayaw niyo ako makasama ng matagal at tanggap ko yon. Nandito ako dahil nag aalala ako sa nangyari sayo."

Nag aalala pa rin ako sa inyo kahit iba na ang pagtrato mo sa akin..

"Ito lang ang ipinunta ko Tita Rhea. Gusto ko one of these day ay makalabas na kayo ng ospital. Magpagaling po kayo."

Pagkatapos kong sabihin yon ay lumabas na ako ng kwarto niya. Wala si Terrence sa labas ng kwarto ni Tita Rhea kaya baka bumaba yon. Hinawakan ko nang bahagya ang dibdib ko. Siguro nga kailangan ko sanayin ang sarili ko na kahit anong kabutihan ang gawin ko ay hindi pa rin maaappreciate ni Tita Rhea ang ginagawa ko. Dahil para sa kanya walang Aifha ang nag eexist sa harap niya.

Di na ako aasa na magugustuhan niya ako para sa anak niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 148K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
1.1M 28.2K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.6M 98.7K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
29.5K 432 11
This is a Demonxoc love story. Basically this is Scooby Doo and Kiss Rock an Roll Mysery only I'm adding a new Character. No hate plz! This is my fir...