The Thousand Of Ways (Reclam...

By Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... More

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 24

17 4 0
By Bubblemiiint

Chapter 24

Akala ko madali ang pinasok na relasyon ko kay Terrence pero doon ako nagkakamali. Habang tumatagal kami mas lalo akong nasasaktan ng patago. Hindi ko pinapakita sa harapan ng mga kaibigan ko dahil ayokong malaman nilang mahina ako. Marami na akong naiyak na hindi nalalaman ni Terrence. Pilit kong tinatago hangga't makakaya ko pero habang tumatagal paunti unti na ako nadudurog.

Huling taon ko na sa pag aaral habang si Terrence ay nakagraduate na. Sa araw ng graduation niya ,hindi ako nabigyan ng pagkakataon para makita siya na nakasuot ng toga. Hindi ako ang babaeng nakasama niya sa araw ng mahalagang okasyon niya ,nanatili ako sa malayong habang pinapanood ko ang mumunting ngiti sa kanyang mga labi.

Si Ross ang umattend sa kanyang graduation na pinag usapan sila ng media.  Wala akong magawa kundi tanawin si Terrence dahil kahit gusto ko man umattend hindi ko magawa dahil sa harap ng publiko ,si Ross ang girlfriend niya.

Habang ako ay nakatago sa isang lugar na di ako pwedeng makita ng mga tao.

"I'm sorry Aifha ,"he hugged me tightly while talking to me.

Paulit ulit ko na naririnig ang salitang yon at nagsasawa na ang tenga ko sa mga binibitiwang salita niya. Sawa na ako sa sorry niya.

"Ayos lang Terrence ,"my voice cracked as I said the word I didn't want to come out ,"Masaya ako na nakita kong nakagradute ka na. Unti unti mo na natutupad ang mga pangarap mo."

Masaya ako sa kanya.

I see tears in his eyes. His eyes were full of tears that it was his fault that I couldn't attend his very special day. He touched my cheek in a careful way.

"Pero masaya sana kung ikaw ang kasama ko sa araw na yon ,"he bit his lips.

"Ayos lang ang mahalaga nandito ka sa tabi ko ,"pinilit kong ngumiti kahit sobrang masakit pa rin.

"Ipapangako ko sayo na sa araw ng graduation mo ako ang makakasama mo."Terrence said.

Dahil sa sinabi niya ay umasa ako. Umasa ako na siya ang makakasama ko sa mismong araw ng graduation ko. Nangako siya at alam kong hinding hindi niya ako bibiguin mula sa araw na 'to.

"Aattend ba ng graduation si Terrence?"napatigil ako sa ginagawa ko na bigla akong tinanong ni Erich.

Nag aasikaso na kami ng requirement dahil malapit na ang graduation na pinakahihintay namin. Masyado akong excited dahil sa daming pinagdaanan ko ay makakapagtapos na ako ng pag aaral. Na hindi sayang ang hirap at pagod na naranasan ko dahil paunti unti natutupad na ang tinatamasa kong pangarap.

"Sabi niya sa akin aattend siya ,"tipid na sabi ko ,"Hindi ako bibiguin ni Terrence dahil ito ang espesyal na araw ko."

Busy na masyado si Terrence sa hospital dahil nagreresidency na rin siya. Pero kahit ganon nagagawa niya pa rin ako kumustahin kahit marami na siyang ginagawa. Hindi na rin siya madalas pumupunta sa condo niya dahil kapag pagod na rin ay sa ospital na rin siya natutulog. Kaya palagi kong nililinis ang condo ni Terrence kahit minsan na lang siya pumapasok dito.

Madalas na rin magpunta si Tita Rhea sa condo at minsan kasama niya pa si Ross. Wala silang ginawa dito kundi insultuhin at ipamukha sa akin na hawak nila sa leeg si Terrence. Na eventually magagawa na rin akong iwan ni Terrence —na alam ko sa sarili ko na malabong mangyari yon.

Kahit ano pa ang kanilang sasabihin pilit akong nagbibingihan dahil ayokong lasunin nila ang utak ko.

"Sana nga Aifha na umattend si Terrence sa mismong araw ng graduation natin ,"malungkot na sabi ni Erich. Kita ko sa kanya ang lungkot at pagiging walang gana kapag pinag uusapan namin si Terrence.

Saksi siya sa mga araw na palagi akong nalulungkot kaya siguro ganito yung nararamdaman niya kapag pinag uusapan namin si Terrence.

Mailap na rin siya kapag nakakaharap niya  si Terrence. Tahimik lang siya at kapag kinakausap naman ni Terrence tipid lang ang kanyang sagot. Hindi katulad dati na sobrang daldal niya.

"Dito muna ako mananatili Aifha..."sabi ni Tita Lilian nang makapasok siya sa aking condo. Napaawang pa ang labi ko dahil hindi siya nagsabi na dadating pala siya ,"Oh my god! Super hot talaga sa manila!"

Pinaypayan niya ang kanyang sarili dahil mukhang init na init siya. Umupo siya sa maliit na sofa at doon muna pansamantalang nanatili. Sinarado ko na ang pinto at dahan dahan na ako lumapit kay Tita Lilian. Umupo ako sa kanyang tabi.

"Bakit niyo po pala naisipan pumunta dito Tita?"tanong ko sa kanya habang nakatingin ako.

Tumingin siya sa akin. Sa paraan ng kanyang titig parang may mali akong sa sinabi dahil nanimbang ang kanyang tingin.

"Bakit ganyan kayo makatingin sa akin?"I curiously asked.

Naging kalmado din naman ang tingin at nginitian ako ng tipid.

"I just want to congratulate you Aifha ,"she said with a big smile ,"Malapit na ang graduation mo kaya napag isip kong dito muna ako hanggang sa araw ng graduation mo."

Tumango na lang ako sa sinabi. Nakalimutan kong si Tita Lilian pala nangako sa akin na aattend siya ng kapag nakagraduate na ako.

"Salamat po kung ganon. Akala ko nga ho makakalimutan niyo po ako lalo na't masyado kayong busy sa resort ,"mahina akong natawa habang kagat ang labi.

Balita ko kasi na maraming mga turista ang nandoon at hindi na rin naman ako umaasa na dadating si Tita Lilian. Kaya nakakagulat na kahit gaano siya ka-busy pupunta siya ng manila para umattend ng espesyal na araw ko.

"Bakit ko naman kakalimutan ang pinaka espesyal na araw mo?"tumaas ang kanyang kilay ,"Busy ako pero kaya ko namang maglaan ng oras para sayo."

Hilaw akong napangiti. Sana ganyan rin si Terrence kahit gaano ka-busy siya sa ospital kaya niyang maglaan ng oras para sa akin.

"I can say your parents are proud in heaven Aifha ,"she mumbled while her eyes  twinkled ,"Nakakasiguro ako dahil nakikita ko ang dedikasyon mo para makapagtapos ng pag aaral. Matutuwa sila kung buhay pa sana sila."

Nakikita ko sa mga mata ni Tita Lilian ang lungkot. Kahit ilang taon na ang pagkamatay ng mga magulang ko parang nakakulong pa rin siya sa nakaraan. Na parang nagluluksa pa rin siya dahil sa pagkawala nila.

"Proud sila sa akin Tita ,"I proudly said with a smile on my lips ,"Kahit wala na silang dalawa ay tinupad ko ang pangarap nila sa akin. Ang makapagtapos ng pag aaral."

Masakit isipin ang lahat pero tinanggap ko na lang dahil wala akong magagawa kung yun ang nakatadhana sa kanilang dalawa. Ang tanging magagawa ko lang ay ipagpatuloy ang buhay ko.

Dito na nga muna pansamantalang nanatili si Tita Lilian habang hindi pa dumadating ang graduation ko. Minsan bumibisita sina Erich at Vinz dito kaya kahit papaano nawawala ang pagka bored ni Tita Lilian sa condo ko.

"Nako po Tita ,super bait po ni Aifha! Siya po madalas ang takbuhan ko kapag sobrang nahihirapan ako sa mga subject na hindi ko naiintindihan ,"rinig na rinig ko ang boses ni Erich habang kausap si Tita Lilian.

Ako nagpresintang nagluto ng tanghalian ngayon dahil masyado na akong walang ginagawa dito sa condo. Ayoko namang pati dito ay si Tita Lilian pa gagawa ng responsibilidad ko dito sa condo.

"Madalas pa nga po kapag quiz po siya ang kusang nagbibigay ng sagot ,"rinig ko ang hagikhik ni Erich na pati ako ay natawa pa.

"Oh...really?"nahihimigan ko sa boses ni Tita Lilian na interesado siya.

"Yes po Tita ,ayaw ko nga po tanggapin pero mapilit siya!"wow ,ang galing mag-imbento ng kwento ah?

Nagtuloy tuloy ang kanilang kwentuhan habang ako naman ay tinatapos ang hinahandang tanghalian ko. Nang matapos na ang luto ko ay hinain ko na sa kanilang harapan yung tanghalian namin.

"Wow Aifha ,Adobong Manok! talagang niluto mo ang favorite ko huh?"kumikinang ang mata ni Erich saka niya inamoy ang niluto ko na parang ngayon niya lang tinikman mga luto ko.

"Favorite din ni Tita Lilian yan ,wag mong angkinin yung favorite mo ,"pambabara ko kaya napatingin siya saka siya bumasangot ang mukha.

Narinig kong natawa ng nakakaloko si Tita Lilian.

"Oh s 'ya kumain muna tayo. Nagutom bigla ako at gusto ko na tikman ang niluto ng pamangkin ko ,"nangingiting saad ni Tita Lilian kaya umupo na rin ako sa tabi ni Erich para makakain na rin.

Nagtuloy tuloy ang kwentuhan nila ni Tita Lilian at Erich habang nasa kalagitnaan na kami ng kainan. Nakikinig lang ako sa kanila at minsan nasasali ako sa usapan nila. Ngayon ko lang talagang masasabing napaka daldal ni Erich dahil ang daming daming baon na kwento na parang ang daming nangyari sa buhay niya.

Pagsapit ng gabi ay doon lang naisipan ni Erich na umuwi na. Masyado siyang napasarap sa kwentuhan kay Tita Lilian at hindi niya namalayan na inabot na siya ng gabi.

Naging abala ako sa pag-aasikaso ng requirement ko kaya hindi ko masyadong naiisip si Terrence. Alam kong busy rin yon at ayoko magpa istorbo sa kanya. Palagi kong nakakasama sina Erich at Vinz kaya kahit papaano ay naiibsan ko ang kalungkutan ko kahit sandali.

Masaya ako na may totoo akong kaibigan na palagi nasa tabi ko. Hindi ako nagsisi na pumunta ng maynila para makapag aral. Nakilala ko sila at nagkaroon ako ng masayang memories na silang dalawa ang kasama ko.

Papasok na sana ako sa condo ko na matigil ako sa paglalakad na makita ko si Claude sa tapat ng condo ko. Kumunot ang noo ko at dahan dahan naglakad palapit sa kanya.

"Claude ,ano ginagawa mo dito?"kumunot ang aking noo habang tinitingnan ko siya.

Maayos ang kanyang suot at pati na rin ang kanyang buhok. Napansin ko may dala siyang bulaklak kaya doon natuon ang pansin ko.

"Kanina ka pa naghihintay dito?"tanong ko.

"Hindi naman ako katagal naghintay."umiling siya saka siya ngumiti ng tipid.

Tumango ako ng tipid. Ngayon ko lang nakita si Claude na bumisita ngayon dito at nag huli ko pa siyang nakita nung nagpatulong siya sa akin na magset ng magandang dinner para sa 1st anniversary nila ni Erich. At ngayon dalawang taon na sila going strong ng kaibigan ko.

"Pumasok ka muna—"

"Hindi na. Di rin naman ako magtatagal din."matamis niyang ngiti kaya kagat labi ko siyang tinitingnan.

"Okay..."

"I just want to give you this ,"sabi niya sa akin at binigay niya ang bulaklak na kanina pa sa kanyang bisig. Agad ko naman tinanggap yon kahit hindi ko alam kung para saan yon ,"Para kay Terrence ang bulaklak na yan. Pinapabigay niya sa akin at ibigay sayo bago siya umalis papuntang Canada."

Kumunot ang noo ko. Umalis siya?

"Canada? Bakit siya umalis?"mabagal na saad ko dahil hindi ko maproseso ang mga sinabi niya.

Bakit wala man lang siya pasabi sa akin na aalis pala siya?

"May emergency lang na pinuntahan siya doon and since ilang araw na rin naman ang graduation mo ay naisipan niya na bigyan ka ng bulaklak ,"saad niya na kinalaglag ng tingin ko.

Bakit hindi siya mismo ang nagbigay ng bulaklak kung sa kanya nga galing 'to.

"May posibilidad ba na aattend siya ng graduation ko?"sabi ko habang hindi pa rin tumitingin kay Claude.

Ilang araw na lang ang graduation ko.

"Hindi ako sigurado doon Aifha ,"sabi niya na kinabagsak ng balikat ko ,"May ilang araw pa naman at baka umattend din si Terrence."

Umangat ang tingin ko sa kanya. Nakangiti siya na parang pinapagaan niya ang loob ko. Hindi pa rin ako ngumingiti.

"May paninindigan si Terrence sa kanyang sinasabi Aifha kung ano ang pinangako niya sayo tutuparin niya. Kilala ko siya kaya sure akong pupunta siya sa graduation mo. Ikaw ang girlfriend kaya hindi niyang hahayaan na biguin ka niya."

Pinapabango niya ba sa akin ang kaibigan niya para mapanatag ang loob ko?

"Okay ,"tumango na lang ako at wala ng ibang sasabihin ,"Salamat sa bulaklak."

Ngumiti siya at nagpaalam din siya agad sa akin dahil kikitain niya pa si Erich kaya tumango na rin ako. Nang wala na sa harap ko si Claude ay doon ko lang napag isip na pumasok na sa condo.

Dumiretso na rin ako sa kwarto at inilapag  ko ang bulaklak sa study table ko. Hinaplos ko yon at pinatitigan. Masyadong maganda at napangiti na lang ako dahil paboritong bulaklak ko pa ang napili ni Terrence na ibigay  sa akin.

Sa kakatingin ko sa bulaklak napansin ko ang papel na nakatago sa mga bulaklak kaya agad ko rin yun kinuha para tingnan yon. Kumunot ang noo ko na napansin na sulat kamay ni Terrence kaya ko din binasa ang nakasulat doon.

Dear my love ,

I just want to congratulate you love ,my architect , My heart is so happy that you can finally graduate. I'm so proud of you because you were able to handle all the hardships you experienced as a student. I can see your suffering; that's why you deserve to go on stage wearing a toga. Your parents are also proud because you worked hard and never gave up. That's why I gave flowers to convey to you that even though I'm far away, I'm here to support you. I'm just going somewhere in Canada, so I'm leaving for a while. I can't promise that I'll be there for your graduation, but I'll try to make it because that's what I promised. I don't have the courage to tell you, so when this letter reaches you, I hope you will understand me. I love you, and I miss you.

- Dr. Terrence Allejo

Bigla na lang naglandasan ang luha sa mga mata ko. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang sulat na ginawa niya para sa akin. Kagat labi ako habang pinipigilan ko na himikbi .

"Bakit palagi mo na lang ako sinasaktan Terrence?"mahinang na hikbi na kumawala sa akin dahil hindi ko na kayang pigilan 'to .

Napaupo na lang ako sa aking kama para hayaan ang mga luha sa mga mata ko na lumandas sa pisngi. Nasasaktan ako.

Hanggang kailan ba ako magiging matibay?

Buong gabi lang ako umiyak at pigil pa yon dahil ayokong makaistorbo pa kay Tita Lilian. Ayoko na malaman pa ni Tita Lilian na umiiyak ako tuwing gabi. Nagpapasalamat ako na natigil lang ako sa pag iyak nang nakaramdam na ako ng antok.

Kaya pagkagising ko mugtong mugto ang aking mata. Inayos ko muna ang aking sarili bago lumabas ng kwarto ko. Mapapansin agad ni Tita Lilian ang itsura ko lalo na't magaling siya mangilatis ng tao.

Nang makita kong ayos na ako doon lang ako lumabas ng kwarto. Pagkalabas ko ay nakita ko na nga si Tita Lilian sa dining area na nag aasikaso ng agahan. Nang mapansin niya ako ay doon lang ako lumapit sa kanya.

"Kakagising mo lang?"tanong agad ni Tita Lilian nang makaupo na ako.

Tumango ako ,"Opo."

"Mabuti naman kung ganon. Sakto rin ang paggising mo dahil ngayon lang rin ako nagluto ng agahan natin.."sabi niya habang nagsasandok siya ng kanin sa plato ko.

"Mabuti nga po..."tipid akong ngumiti.

Nang matapos niya akong pagsandukan ng kanin ay sarili naman niya ang pinagsandukan. Kumuha na akong mga pagkain na nasa hapag.

"Aattend ba ng graduation si Terrence?"kakain na sana ako na bigla akong napatigil na lang ako sa bigla niyang pagtanong ,"Nagsabi kasi siya last time sa akin na aattend siya sa graduation."

Napaangat ako ng tingin kay Tita Lilian. Nagkakausap pala silang dalawa?

I sighed ,"Hindi ko po alam. Busy po siya ngayon baka hindi po s' ya makapunta."

Malabong umattend siya ng graduation ko dahil nasa Canada siya. Hindi ko mabatid kung kailan siya makakauwi ng pilipinas. Hindi ko pa siya nakakausap man lang at sa ngayon ayaw ko pa siyang makausap.

"He's busy."dagdag ko pa.

"Oo nga pala magdodoktor pala ang batang yon kaya hindi na ako magtataka kung busy talaga siya ,"pagsang ayon agad ni Tita Lilian habang ngumunguya na ng pagkain ,"But still ,need niya pa rin maghanap ng paraan para makaattend siya. Graduation mo yon at maganda na si Terrence ang makasama mo sa araw na yon."

Tipid akong tumango. Hindi na ako nagsalita dahil naubusan na ako ng salita. Pinagpatuloy ko na lang ang kinakain ko kahit hirap na hirap akong lumunok.

"He's p-promised me T-tita ,kaya inaasahan kong makakapunta siya kahit busy siya sa araw na yon."pilit akong ngumiti.

I convinced myself that Terrence could go. Even though it is unlikely that what I want will happen, I hope that on the day of my graduation, he will come with a smile on his face. I hope he will find a way to just see me.

But on the day of my graduation, Terrence disappointed me. I hope that he will come to me in the middle of my speech in front of people. But it was all over, no Terrence came on the day of my graduation. I just hope nothing happened. He broke the promise he made himself.

Nakatingin ako kay Erich na kasama niya ang pamilya at ang boyfriend niya si Claude. Magkayakap ang dalawa na parang matagal nang hindi nagkita. Titig na titig ako habang pinipigilan ko ang luha na nagbabadya.

Alam kong malabo na mangyari pero siguro ang tanga ko dahil umaasa pa rin ako kahit malinaw na hindi siya hahabol.

"Congrats Aifha!"Erich hugged me more when she got close to me ,"You're a cum laude in our batch!"

Ngumiti ako ,"Salamat. Ikaw rin congrats din dahil tapos na paghihirap mo!"

Natawa siya ng mahina at marahan niya pang hinampas ang balikat ko. Kasama niya si Claude at magkahawak pa sila ng kamay.

"Haynako ,sinabi mo pa!"she exclaimed ,"But anyway ,nasaan pala si Tita Lilian?"

"Nagpaalam sa akin na may pupuntahan siya kaya pinakawalan ko na since tapos naman ang graduation."sabi ko kay Erich. Si Tita Lilian ang kasama ko at siya rin ang nagsabit ng medalya sa stage ko at kita ko sa mga mata ni Tita na sobrang proud na proud siya sa natanggap ko.

"Nauna na pala si Tita..."she whispered ,"But anyway ,since ikaw naman pala mag isa dito bakit hindi ka na lang sumama samin? Nagpaplano ang pamilya ko na magdinner kasama si Claude and syempre ayoko namang iwan ka dito ayain na rin kita."

Agad akong umiling ,"Nako wag na Erich ,ayos lang ako. Diretso uwi rin naman ako after nito."

Biglang lumungkot ang mukha ni Erich dahil doon. Pilit akong ngumiti sa kanya para maipakita sa kanya na ayos lang ako na wala siyang dapat pag alala sa akin.

"Sure ka bang ayaw mo Aifha?"I can see her concern for me on her face ,"Welcome ka naman sa pamilya ko—"

"Salamat Erich pero ayokong makaistorbo sa inyo. Ayos lang ako wag kang mag alala."

Gusto ko muna mapag isa. Ayoko nang makaistorbo kahit sino.

"Okay ,I understand Aifha ,"she sighed heavily ,"Pero nandito lang ako kung kailangan mo ng kausap."

Tumango ako ng tipid. Kahit hindi ko sabihin kay Erich ay alam kong may bumabagabag sa isipan ko at hindi siya nakikielam doon. Binibigyan niya ako ng space para doon. Hindi niya ako pinipilit kung ayaw ko talaga.

Niyakap ako ulit ni Erich sa huling pagkakataon. Masaya ako na naging parte siya ng buhay ko. May tao na ako pinagkakatiwala at maiintindihan ako sa lahat ng bagay.

"Aifha ,"Claude called me as I looked Erich walking away to go back to her family after we finished talking ,"Are you okay?"

Hindi ko napigilan na tumingin kay Claude. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang pag aalala. Nakatitig lang siya at walang kurap yon. Walang gana ko siyang tinignan sa kanya mala abong mata niya.

"I'm okay."tipid na sagot ko.

"I know you're not ,"Claude said to me while not taking his eyes off me ,"Is this about Terrence?"

I sighed heavily ,"Alam mo Claude ,nung sinabi mong nasa ibang bansa si Terrence ,hindi na ako umasa pang makakahabol pa siya. Pero siguro naging tanga ako na baka posibleng humabol pa si Terrence sa graduation ko. Pinaasa ko lang yung sarili ko sa parteng yon."

At yon ang pinakamasakit sa akin. Na umaasa pa rin sa bagay na malabong mangyari.

"He broked his promised to me Claude ,"I chuckled ,"Pangalawang beses na niya sinira ang pangako niya at siguro sanayin ko na lang ang sarili ko sa bagay na yon."

Wala akong pagpipilian kundi tanggapin na lang yon. Na hindi sa lahat ng pagkakataon ay magagawang tuparin ni Terrence ang mga pinangako niya sa akin.

"Aifha—"

"Aalis na ako Claude. Alagaan mo si Erich ,panatilihin mo siyang pasayahin sa mismong araw ng graduation niya. Iparamdam mo sa kanya na mahalaga ang araw na 'to. Malaking bagay na yon para sa kaibigan ko."I smiled and tapped his shoulder.

Tumalikod na ako sa kanya at nagtuloy tuloy na maglakad. Araw ng graduation ko pero ako ang nagbubukod tanging hindi masaya.

Hindi ko ramdam ang kasiyahan ko sa araw na 'to. Ang bigat sa loob.

Masyado occupied ang utak ko sa daming naiisip ko na hindi ko namamalayan na dinala ako ng mga paa ko sa isang bar. Napatitig ako doon. Hindi ko pa naranasan na makapunta sa isang bar na ako lang mag isa. Pero siguro sa daming bumabagabag sa isip ko hindi ako dinala.

Walang pagdadalawang isip ko na pumasok sa bar. Pagkapasok ko masyadong madilim at rinig ko ang malakas na tugtugan na nangagaling sa loob ng bar. Binati ako ng isa siguro sa mga staff ng bar kaya tipid ko lang yun nginitian. Maraming mga tao ang nandidito at madalas puro lalaki na nakaupo sa table at mga naka business suit pa. Mukhang nag aaliw sila dito sa bar para pampatanggal siguro ng stress sa kanilang trabaho.

Hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin dahil dumiretso na ako banda sa counter na kung saan may bartender na nakaduty doon. Lumapit ako doon at nang mapansin ako ay agad niya ako binati at nginitian.

"Magandang gabi po ma'am ,"ngumiti siya sa akin habang labas ang dimple niya ,"May gusto po kayong inumin o ano."

"I want uh....hard drink pwede ba yon?"tanong ko na walang kasiguraduhan. Malay ko kung bakit yun ang nasabi ko. Kahit hindi ako sanay sa ganitong inumin ,ewan ko ba kung bakit ngayon gusto kong subukan.

"Uhm yes ma'am ,meron po kaming ganito."nangingiting saad ng isang bartender.

"S-sige ,isang bote lang..."sagot ko at ngumiti siya ng tipid. Umupo na ako sa counter at habang hinihintay ko ang alak na inorder gumagala ang mata ko sa kabuuan ng bar.

Masyadong maingay at hindi pa gaano sanay ang tainga ko sa lugar na 'to. Pero since nandito na ako ,susubukan ko sanayin ang sarili ko lalo na't ito na ang maging takbuhan ko kapag gusto ko mapag isa.

Masyadong masama ang loob ko ngayon kaya ito lang ang naiisip kong tanging paraan upang mabawasan kahit papaano ang hinanakit ko kay Terrence.

Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 227 53
FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's alway...
436K 24.1K 17
𝐒𝐡𝐢𝐯𝐚𝐧𝐲𝐚 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 𝐱 𝐑𝐮𝐝𝐫𝐚𝐤𝐬𝐡 𝐑𝐚𝐣𝐩𝐮𝐭 ~By 𝐊𝐚𝐣𝐮ꨄ︎...
1.5K 125 11
Owen Jezrell San Antonio. Siya ang pangarap ko. Word count: 20,000 - 22,000
14.9K 276 10
⚠️All art work and pictures are not mine.⚠️ Just a book were I write reader inserts for sexy men and women. Come in and join me with some tea and Cro...