The Thousand Of Ways (Reclam...

By Bubblemiiint

1K 238 0

A COLLABORATION SERIES [COMPLETED] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her lov... More

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue I
Epilogue II
Epilogue III

Chapter 21

19 5 0
By Bubblemiiint

Chapter 21

After that night ,naging maayos ulit kami ni Terrence. Sinabi niya sa akin ang lahat lahat kung bakit niya nagawa ang bagay na yon. Nagulat ako na kayang gawin ni Tita Rhea ang bagay na yon kahit alam naman niyang may girlfriend na ang kanyang anak.

Sa unang pagkakataon ay nakita ko na kung paano umiyak si Terrence. Panay siya hingi ng tawad sa akin dahil sa mga desisyon niya na alam niyang masasaktan lang ako kapag nalaman ko. Wala s'yang choice kundi tanggapin yun kahit labag man sa kanyang kalooban dahil nandoon din ang magulang ni Ross na walang ka-alam alam na matagal na silang hiwalay.

Buong puso kong tinanggap at pinatawad si Terrence dahil sa tingin ko ay talagang di niya naman ginusto ang nangyari. Malapit ang pamilya ni Terrence sa mga magulang ni Ross kaya malaki ang utang na loob niya lalo na't ka- business partner pa pala ito ni Tito Hernan.

Pero sa sarili ko ay patuloy pa rin akong masasaktan dahil unti unti na mababawasan ang pagsasama namin in public dahil alam ng mga tao ay magkarelasyon pa sila ni Ross. Habang ako ay maghihintay lang kung kailan ako magiging free si Terrence. Maghihintay kung kailan niya ako bibigyan ng oras.

Ako ang tunay na girlfriend pero sa nakikita ko sa aking sarili-parang ako pa ang nagmumukhang naninira ng relasyon nila.

"Hatid na kita love ,"aya sa akin ni Terrence nang makalabas na kami sa aking condo. Nakahawak siya sa aking kamay habang patuloy kami maglakad patungo sa elevator.

Mariin ko s' yang tinignan ,"Hindi mo na ako kailangan ihatid pa."

Ang ngiti sa kanyang mga labi ay kusang nawala dahil sa aking sinabi. Tumigil kami sa paglalakad at mariin niya akong tinititigan na parang may mali sa mga sinabi ko.

"Why?"

I sighed then shrugged my shoulder ,"Hindi na tayo pwedeng magsabay pang pumasok. Alam mo naman na sa paningin ng mga tao ay girlfriend ka ni Ross. Kilala ka ng mga tao dahil sikat ang pamilya mo. Kapag nakita ka baka mag usisa pa sila kung bakit mo akong kasama."

I swallowed hard because of what I was saying. Even though I wanted to be with him when I got to Dream High, it wasn't possible because his name was heard there because they were still being talked about.

At sobrang nasasaktan ako kapag pinag uusapan sila na bagay na bagay sila.

"Love-"

"I'm okay love. Hindi mo na kailangan bumawi sa akin dahil ayos lang sa akin. ,"I smiled a bit ,"Mahirap para sa akin pero kakayanin ko naman siguro. Panatag ako na ako pa rin naman."

He smiled softly. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay. Nananatili pa akong nakatitig sa kanya na parang ayaw ko putulin.

"Ikaw naman palagi.."

Nagkasundo na nga kaming dalawa ni Terrence sa sinabi ko. Di ako sumakay sa sasakyan niya dahil nagcommute ako. Nauna na ako sa kanya dahil hinintay niya pa ako bago siya sumakay sa sasakyan niya.

Pagkarating ko ng Dream High ay dumiretso na agad ako sa loob para makapasok na dahil konting oras na lang ay magsisimula na ang klase. Habol ang hininga ko na makarating ako sa first class-agad akong binati ni Erich na nakikipagdaldalan pa sa isa naming kaklase. Bumalik din siya agad sa upuan niya dahil dumating na ang prof namin.

Naging normal naman ang klase kaya wala naman espesyal. Nang sumapit ang breaktime ay kasabay ko si Erich. Di na rin ako makatanggi sa kanya kahit wala akong gana pa kumain.

"So binigyan mo talaga ng chance si Terrence?"pagsisimula ni Erich habang kumakain na siya ng inorder niya ,"Matunog pa rin ang pangalan niya dito Aifha! Pinag uusapan pa rin silang dalawa dito!"

"Yeah ,"I sighed heavily ,"Alam ko naman."

"At ayos lang sayo na pinag uusapan siya dito? I mean silang dalawa ng ex niya?"pabulong na sabi niya na banggitin ang huling salita.

"Ayos lang. Napag usapan na naming dalawa ang set up namin kaya maayos na."ngumiti ako sa kanya saka ako nagpatuloy kumain.

Di ko magawang lunukin ang kinakain ko dahil parang hindi talaga ako handa sabihin kay Erich ang bagay na 'to. Hindi ko kayang sabihin sa kanya dahil maisip niyang tanga ako para ganun ko na lang patawarin si Terrence.

Di ko kaya..

"Okay ka lang?"hinawakan ni Erich ang aking kamay at napatigil ako sa iniisip ko. Tinignan ko siya at kita ko ang kanyang pagkunot ng aking noo ,"Nakikita ko sa mga mata mo ang lungkot. Sabihin mo sa akin tanggap mo ba talaga o hindi?"

Di ako sumagot sa tanong niya. Dahil ang totoo ,hindi ko matatanggap dahil sino ba ang matinong tao ang agad itong matatanggap?

"I don't know. Feeling ko wala akong karapatan para masaktan ,"I replied ,"Wala akong karapatan magalit dahil sa mata ng tao ay magkarelasyon sila."

"Aifha..."she called me ,"Girlfriend ka niya! Bakit tinatanggap mo yung ganitong set up? Mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo."

"Wala akong choice Erich ,"halos pabulong na sabi ko ,"Ayokong hiwalayan ko siya ng ganon ganon lang! Nagkasundo na kaming dalawa dito Erich."

"Inaalala lang kita. Kaibigan kita kaya kahit di mo sabihin sa akin alam kong nasasaktan ka!"she sighed heavily ,"Hindi ko alam kung bakit umabot sa ganito ang lahat. Hindi ko alam ang dahilan ni Terrence bakit nagawa niya 'to."

Habang tinitignan ko si Erich para mas nasaktan siya kaysa sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit kahit ganito na ginawa sa akin ni Terrence ay nagawa ko pa rin magpatawad.

"It's a mutual decision Erich. Maiintindihan mo din ako balang araw kung bakit napatawad ko din agad si Terrence ,"sabi ko sa kanya na may halong pag alala pa rin sa kanyang mga mukha ,"Magiging okay din ang relasyon namin."

She nodded then I smiled.

Sana ay mas maging maayos ang relasyon naming dalawa kahit walang kasiguraduhan.

"Akala ko kapag nalaman mo ang balita tungkol samin ni Terrence ay hihiwalayan mo agad. Doon pala ako nagkamali."saad ni Ross nang makasalubong kami sa isang grocery store.

Wala na kasi akong stock kaya naisip kong pumunta ng supermarket para bumili ng stock food. Saktong nakasalubong ko si Ross kaya nagkatinginan pa kaming dalawa.

"Bakit? umasa ka ba na maghihiwalay kaming dalawa?"I asked her while my brow furrowed ,"Para sabihin ko sayo wala akong balak na makipaghiwalay kay Terrence. Pinaliwanag niya sa akin ang lahat kaya kung sa tingin mo hihiwalayan ko siya pwes wag ka ng umasa pa."

Tumawa siya ng mahina na parang may nakakatawa sa sinabi ko. Tumaas ang kilay ko dahil sa mga inasta niya.

"Nakakatawa lang na ikaw ang tunay na girlfriend ni Terrence pero sa paningin ng tao ay kami pa ring dalawa ,"she chuckled ,"Nagmumukha kang naninira ng relasyon saming dalawa."

I smirked ,"Mababaw lang naman sa akin yon. Hindi ko naman iniiyakan yon dahil napakaliit lang ng bagay ang pag broadcast mo on national tv na kayo ng boyfriend ko. Sana nilubos lubos mo na yung tipong....di ko makakalimutan."

Hindi ako natatakot sa kanya. Kaya ko siyang lagpasan kung kaya ko. Di ako nagpapatalo kaya kung gusto niya ng laro ay pwede ko siyang sabayan.

"Ang lakas talaga ng loob mo ah ,"napakla siyang natawa pero kalaunan ay naging seryoso ang kanyang mukha ,"Habang nandito ako Aifha hinding hindi mo mararanasan maging masaya. Gagawin ko na ang pagkakataon na 'to para mabawi ko na si Terrence. Magiging sakin din ang lalaking pinakamamahal mo."

"Let's see Ross. Tingnan natin kung matutupad nga ang gusto mo."I replied to her ,"Pero ito lang ang masasabi ko sayo. Di ako basta't basta mabibitawan ni Terrence dahil mahal na mahal niya ako. Wala siyang nararamdaman sayo kaya kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa parte lang ng palabas yon. Dahil ang totoo ako ang tunay na mahal ni Terrence. Sa akin pa rin siya uuwi ,sa akin lang."

Madilim ko siyang tinignan bago ko siya lagpasan. Wala na akong panahon pa para makausap ko siya. Sapat na sa akin ang pinag usapan namin na walang ka-kwenta kwenta.

Pagkarating ko sa condo ay nagulat ako na nakita ko si Terrence na mukhang kakauwi niya lang galing sa ospital. Ngumiti siya sa akin nang makita niya ako tumayo siya sa kanyang kinauupuan para lapitan ako. Kinuha niya yung mga dala kong binili ko sa supermarket kanina. Ibinigay ko din naman sa kanya dahil kanina pa rin talaga ako nabibigatan sa dala ko.

"Bumili ka pala ng stock food mo. Pagkarating ko dito sa condo mo hindi kita nakita kaya nagtext ako sayo pero mukhang di mo ata nakita..."pagsisimula ni Terrence habang nilagay niya muna pansamantala yung mga binili ko sa lamesa.

"Di ako nagbukas ng phone ko kaya hindi ko makita message mo sa akin..."sabi ko sa kanya. Hindi ako nagbukas ng phone ko dahil abala ako sa pamimili ng pwede kong maging stock food.

Mariin ko siyang tinignan. Bakas sa kanya ang puyat dahil halata sa kanyang mga mata. Ilang araw na siyang puyat dahil hindi agad siya nakakatulog ng maayos.

Lumapit ako sa kanya saka ko hinawakan ang braso niya. Napatigil siya sa ginagawa niyang pagtatanggal ng mga pinamili ko sa mga paper bag.

"Why?"he asked ,eyebrow furrowed.

"Nothing ,"I smiled ,"Iniisip ko lang kung pinagpahinga mo na lang ang sarili mo kaysa hinintay ako dito. Mas mapapanatag pa ako kung nagpapahinga ka sa condo mo. Ilang araw ka ng walang maayos na tulog."

Ngumiti siya sa akin at marahan niyang pinataong ang kamay niya sa palad ko na nakahawak sa kanyang braso.

"Don't worry about me Aifha ,I'm okay."he assured me ,his eyes blinked a second ,"Dumiretso talaga ako dito sa condo mo para makasama kita ng matagal."

"R-really?"nauutal na sabi ko habang hindi ko pinuputol ang titig sa kanya.

He sighed and nodded ,"Yes ilang araw na akong masyadong nagpapakabusy sa pag aaral. Oras naman para makasama kita ngayon. Pwede ba yon?"

A smile appeared on my lips. His smile grew wider and he held my hand tightly while staring at me.

"Pero baka kailangan mo talaga ng pahinga-"I was cut off when he suddenly kissed me on the lips so I was stunned for a few seconds.

"Ikaw lang ang pahinga ko ,"he said huskily ,"Kaya nandito ako sa tabi mo dahil ikaw ang pahinga ko."

Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko talaga inaasahan na yun ang sasabihin ni Terrence! Hindi ako prepared kaya iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya dahil ayokong malaman niya na naaapektuhan ako sa mga sinabi niya.

"Okay..."I sighed and glanced at him again.

He pulled me close to him then hugged me tightly. I just let him do what he was doing because even inside I wanted it so much. I miss feeling his presence. That he makes me feel that he is still here by my side.

Tinulungan nga ako ni Terrence na ayusin ang pinamili ko. Siya ang nagsasaayos ng mga pagkain na de-lata sa lalagyanan doon-habang ako ay naglalagay ng mga frozen food ,prutas ,milk at mga palaman sa refrigerator ko. Pansin kong marami akong napamiling pagkain dito kaya di ko na nailagay yung ibang mga pagkain ko kaya nang mapansin ni Terrence yon ay siya na ang nagsabi na yung ibang mga pinamili ko ay ilagay sa refrigerator n'ya since konti lang laman ng ref niya dahil di pa daw siya nakakapamili ng stock food.

Nang matapos niya akong tulungan ay doon lang siya nakaramdam ng pagod at pansin ko na rin na antok na antok na siya kaya inaya ko na siya matulog muna dito pansamantala sa kwarto ko para makapagpahinga na. Pagkarating pa lang namin sa kama ay bigla na lang siya nakatulog sa aking tabi.

Pinaglalaruan ko na rin ang hibla ng buhok niya dahil mas nakakatulog siya ng maayos pag ginaganito ko ang buhok niya.

"Hmm ,sleep well love..."I whispered then kissed his forehead.

Akala ko masosolo ko na si Terrence ngayon since free day niya pero doon ako nagkamali dahil tumawag si Tita Rhea kay Terrence para sa small celebration nang Mr. Mendez-ang tatay ni Ross. Kahit gusto ko sabihin sa kanya na huwag pumunta ay hindi naman maaari dahil alam ng tatay ni Ross ay sila pa rin hanggang ngayon.

Nahihirapan ako sa set up na ganito dahil hindi talaga ako sanay. Na parang may kahati ako sa atensyon ni Terrence kaya hindi ko magawa siyang makasamang matagal dahil sa ganitong set up!

"Ayos lang ba talaga sayo 'to?"tanong sa akin ni Terrence nang matapos na siyang ayusin ang sarili niya. Simple lang ang kanyang suot na damit - na nagpadagdag sa kanyang kagwapuhan. Kahit ano naman ang kanyang suot ay bagay sa kanya dahil sobrang attractive niya.

Sa bahay ng mga Mendez ang small celebration kaya hindi na ako magtataka kung nandoon din si Ross. Nagpapanggap sila sa mga tao at pati sa pamilya ni Ross.

"Pwede naman ako hindi pumunta-"

"Pumunta ka na doon. Ayos lang ako ,"I forced a smile at him to say that I was fine with him leaving ,"Ineexpect ka ni Tita Rhea na pumunta doon. Wag mo siyang paasahin."

Kahit ganon ang pagtrato sa akin ni Tita Rhea ,ayoko namang paasahin siya ni Terrence doon. Kahit ayaw niya sa akin mas pipiliin kong makasama ni Terrence ang ina niya.

"And beside nandoon si Mr. Mendez kaya sigurado akong inaasahan ka din niya sa pagdating mo doon."

Iniwas ko na ang aking tingin dahil ramdam ko na malapit na akong maiyak dito. Ayokong malaman niya na umiiyak ako dahil alam ko hindi ko na siya makukumbinsidi pumunta doon kapag nalaman niya pa.

"How about you?"he asked so I gasped and bit my lip and thought for a moment.

Paano nga ba ako?

Hindi ko din alam ang sagot.

I sighed ,"I'm fine Terrence."I smiled then I caressed his muscular chest ,"Wala ka dapat ikabahala sa akin dahil magiging maayos lang ako. Hindi man madali ang ganitong set up natin siguro paunti-unti ay masasanay rin ako."

Masasanay rin siguro ako na baka mawalan ka na ng oras sa akin.

"I'm sorry if you're having a hard time with this set up for both of us. I didn't like the situation but I couldn't do anything Aifha."he cupped my face while I could see him with tears in his eyes ,"I love you."

"I love you too."I whispered.

He smiled ,"Babawi ako sayo Aifha ,pinapangako ko sayo yan. Matapos lang itong pagpapanggap namin ni Ross -buong oras ko ibibigay ko sayo. Gagawin ko ang makakaya ko para matapos itong kalokohan na 'to."

Tumingin lang ako sa kanya at tipid na tumango. Umaasa ako na sana matapos na 'tong kalbaryo namin dahil kakasimula pa lang ay parehas na kaming nahihirapan. Parehas naming hindi gusto itong set up. Sana nga.

"Sana nga matapos na ito ,"I said calmy ,"Sana ay malagpasan natin to at di ako kaagad susuko."

Ngumiti siya ng tipid sa akin saka siya lumapit upang yakapin ako ng mahigpit. Gumanti na ako ng yakap dahil kahit dito man lang ay maramdaman ko na nandito pa siya sa akin. Na maramdaman ko na nasa paligid ko lang siya.

Dahil hindi ko makakayanan kung dumating man ang panahon na ako na mismo ang susuko sa ganitong relasyon namin. Ayokong dumating na mangyari ang iniisip ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 92.4K 46
|𝐑𝐨𝐬𝐞𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐂𝐢𝐠𝐚𝐫𝐞𝐭𝐭𝐞𝐬 - 𝐈| She was someone who likes to be in her shell and He was someone who likes to break all the shells. "Jun...
821K 8.2K 67
𝐢𝐧𝐜𝐥𝐮𝐝𝐞𝐬 𝐚𝐥𝐥 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐛𝐨𝐲𝐬 ✦ .  ⁺   . ✦ .  ⁺   . ✦ don't forget to vote, share and comment. 🤍
Illicit Sky By 🍷

General Fiction

26.2K 1.3K 69
(GRIEGO COUSINS #1) ongoing Seven years after his mother's tragic death, Angelus Griego's father, Simon Griego, made a life-changing decision to mar...
8.7K 107 18
This is my first story please don't hate me, sorry for any spelling or grammar mistakes. And yes ik it's cringe 😅💀 -> the cover picture and charact...