The Thousand Of Ways (Reclam...

Oleh Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... Lebih Banyak

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 20

31 4 0
Oleh Bubblemiiint

Chapter 20

"Aifha!"sigaw na mariin ni Terrence sa akim habang paalis na ako sa restaurant na pinuntahan niya at sinundan ko ,"Let me explain!"

Hinawakan niya ang aking kamay na di na ako makapagtimpi hinarap ko at walang pag alinlangan na sinampal ko siya ng malakas. Nakita ko ang pagtulala niya dahil sa pagkakasampal ko sa kanya. Di ko napigilan na luha na tumulo sa aking mga mata dahil sa mga nalalaman ko ngayon!

"Ano pang kailangan mong ipaliwanag sakin Terrence ha!"pasigaw na sabi ko habang tinitignan ko siya habang umiiyak ako ,"Kitang kita na ng dalawang mga mata ko kaya pwede ba wag mo na akong gawing tanga!"

Yes, I saw on the news that Terrence and Ross were together in a famous hotel where they were interviewed by a reporter and Ross answered many questions and one of them was their status with Terrence that almost broke the glass I was carrying because of what I found out.

"Di kita ginagawang tanga! Kaya nga magpapaliwanag ako sayo..."lalapit sana si Terrence sa akin para hawakan ang kamay ko na bigla akong umatras.

"Don't come near me..."nanginginig na sabi ko ,"Hanggang kailan mo itatago sa akin to? Wala akong kaalam-alam na may relasyon pala kayo ni Ross!"

Wala akong kaa-alam alam na ginagago na pala niya ako! Ito ba ang pinagkakaalabahan niya sa mga nakalipas na buwan kaya madalang ko na lang siya makasama dahil dito?

"Bakit...."napapaos na sabi ko ,"Bakit mo ako niloko? Bakit ganito? Ano bang naging kulang ko para ganituhin mo ako?"

Hindi ko alam kung bakit di ko tanggap na kaya akong saktan ng ganito ni Terrence. Masyadong masakit na parang mamamatay ako sa mga nalalaman ko. Pinagkatiwala ko siya sa pagmamahal ko pero ganito ang isusukli niya.

"Di kita niloloko Aifha ,"he tried explaining himself ,"Please ,allow me to explain my side."

"Bakit pa Terrence? Ano pa bang silbe ang pagpapaliwanag mo may magbabago ba?"I cried loud ,"Masakit na sa akin na nagawa mo ilihim sa akin to! Tell me right now ,did you love me?"

"I did Aifha ,"he bit his lips ,"I love you.."

Umiling ako. Hindi ako naniniwala sa sinabi niya dahil kung talagang mahal niya ako ay di niya ako magagawang saktan ng ganito. Di niya ako magagawang paiyakin ng ganito dahil sobrang masakit na dahil kay Ross pa nanggaling ang katagang yon..

"Pero bakit mo nagawa sa akin to?"I asked ,"Kailan mo pa tinago 'to sa akin?"

Yumuko siya ng mariin ,"4 months."

Nang sabihin niya yun parang nawalan ako ng pag asang huminga dahil sa mga nalaman ko pa. Mas lalo akong nasaktan dahil apat na buwan na pala niyang nililihim sa akin 'to na di ko namamalayan!

"Pero Aifha ako na nagsasabi sayo di kita niloloko! Ross is my acting girlfriend! Wala namamagitan samin! Kung ano man yung narinig mo-pagpapanggap lang yon!"he mumbled ,"Please ,forgive me."

"Bakit....anong dahilan kung bakit kayo nagpapanggap ng ex girlfriend mo?"nangunot ang noo ko pero nandoon pa rin ang galit ko sa kanya.

"D-dumating sa pilipinas ang mga magulang ni Ross. Walang alam na hiwalay na kaming dalawa at di na ako makapag isip kaya pumayag na ako sa gustong mangyari ni Ross!"dahilan niya.

Halos matawa na ako dahil sa pesteng dahilan niya. Nang dahil lang doon pumayag siya di man lang ba niya ako inisip kung magugustuhan ko ba mga desisyon!

"Your decision is so very fucked up ,Terrence!"galit na galit na ako sa kanya pero mas lalo niya lang dinagdagan ,"Hindi mo ako iniisip sa kung ano ang magiging reaksyon ko? Sa tingin mo ba sasaya ako sa desisyon mo gayong si Ross ang puno't dulo? May sarili kang isip Terrence ,bakit pumapayag ka agad gayong alam mo naman na pinagseselosan ko si Ross!"

Siya ang nakakaalam kung gaano ako selos na selos sa babaeng yon! Kaya minsan nga nagagawa niyang lumayo sa babaeng yon dahil hindi ako kumportable kapag nasa paligid ko si Ross! Tapos ngayon ,malalaman ko na lang na mag girlfriend sila in public!

"Ako ang tunay girlfriend mo pero sa mata ng maraming tao girlfriend mo si Ross ,"malamig na sabi ko at kahit gusto kong umiyak ay di ko na magawa dahil sa halong halong emosyon ko ,"Ano Terrence? ako na lang ba palaging mag aadjust sa relasyon natin para mas lalong magtagal 'to?"

"Aifha..."

"Di ko alam kung matatanggap ko 'to dahil ang totoo di ko kayang tanggapin ang desisyon mo! Ang sakit lang sa akin na nagtiwala ako na di mo ako sasaktan pero in the end....magagawa mo lang din pala akong saktan!"

He promised me..... I trusted him...

Ganito ba magmahal may kapalit talagang sakit? Sobrang sakit na tipong gusto ko na lang bumalik sa panahong walang Ross na gumulo sa buhay naming dalawa!

May sasabihin pa sana si Terrence sa akin na di ko na pinatapos dahil agad na akong umalis sa harapan niya. Sobrang sakit sa puso kaya mas mabuting wag muna ako makipagkita sa kanya dahil nasasakan lang ako kahit ano pa ang dahilan niya!

"Aifha...."alo sa akin ni Erich nang dinamayan niya ako sa kakaiyak ko.

Humagulhol ako sa kwarto ko dahil hanggang ngayon ay di ko magawang makalimutan lahat ng mga nalaman ko kay Terrence. Di ko magawang maging masaya dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko at gusto ko may taong dadamay sa akin. Kahit dito man lang...

Mugtong mugto na ang mata ko kaya di ako maiwan- iwan ni Erich dito dahil baka mas lalo lang bumigat ang nararamdaman ko. Dalawang araw na siya sa condo ko at wala siyang ginawa kundi ang damayan ako sa problema ko.

Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako ng mahigpit kaya medyo kumalma ako dahil sa paraan ng pagkakayakap niya . It feels like she makes me feel that she will never leave me and that she's always by my side if I need someone to lean on.

"I'm here Aifha ,"Erich whispered to my ear ,"Hindi kita iiwan..."

And then I sleep peacefully beside her. Sa dalawang araw na nandito siya di ko nagawa makatulog ng maayos dahil napupunta lang sa hagulhol ang lahat. Ngayon nagawa ko makatulog ng maayos dahil sa mga sinabi niya sa akin na nagpagaan ng kalooban

"You okay?"tanong sa akin ni Erich habang abala siya sa pagsasaayos ng kakainin namin ,"Sana ay ayos ka na."

I smiled ,"Ayos na ako. Salamat."

Totoo na ayos na ang pakiramdam ko. Para bang binuhos ko na kagabi ang natitira kong iyak kaya nasasabi kong ayos na ang pakiramdam ko. Although ,sobrang laki talaga ng pasasalamat ko kay Erich dahil hindi niya talaga ako iniwan bagkus sinamahan niya pa ako sa buong dalawang araw na hindi ako ayos.

"I'm worried about you ,"she said then sat across from me as she finished preparing the food ,"Kaya hindi kita maiwan-iwan ng basta basta dito dahil sa kalagayan mo! Ngayon lang kita nakitang umiiyak ng ganon nang dahil lang sa lalaki!"

Yumuko ako. Di ko na itatanggi ang sinabi dahil totoo naman talaga yon. Di ko rin naman inaasahan na ganun na lang ako umiyak para kay Terrence! Masyado kasing masakit na tipong di ko kakayanin kapag di ko nailabas ang hinanakit na nasa loob ko.

Hanggang ngayon ay di ko pa rin kinakausap si Terrence kahit panay siya tawag at text sa akin. Mas pinipili kong magkulong sa kwarto para ilabas lahat ng bigat na nararamdaman ko.

Hindi ko pa rin tanggap na ganun ganun lang siya pumayag. Masakit pa rin.

She sighed ,"Nakita ko sa balita ang tungkol kina Terrence at Ross...kaya ba umiyak ka dahil sa balita na yon?"

Di ko napigilan na lumingon sa kanya. So she knew?

"Erich-"

"Aksidenteng napatingin lang ako sa telebisyon namin at kahit ako din naman ay di ako makapaniwala sa nakita ko!"agap niya ,"Ikaw ang inisip ko nung oras na yon dahil alam ko kapag nalaman mo baka sumabog ka."

Natahimik ako. Totoo ang sinabi niya dahil sumabog talaga ako nung narinig ko ang balitang yon lalo na't dumagdag pa ang post ni Ross na mas lalong kinagalit ko dahil nagawa niya pang i-post si Terrence on social media na magkasama kaya di ko napigilan na puntahan sila kung saan restaurant sila naka-stay!

"You know I feel betrayed Erich ,"I chuckled softly ,"Di ko inaasahan na magagawa sa akin ni Terrence yon dahil kilalang kilala ko siya hindi niya ugaling magsinungaling sa akin. Napakahonest niya at lahat ng ginagawa niya sa buhay ay sinasabi niya sa akin! Ultimo kahit saan siya magpunta sinasabi niya kaya panatag ako na wala siyang ililihim sa akin!"

Pero doon lang ako nagkamali. Isang beses siya nagsinungaling pero sobrang bigat na parang ayaw kong tanggapin.

"Siguro may mabigat siyang rason para gawin ang bagay na yon kahit labag sa kalooban niya?"sabi niya na nagpakunot ng aking noo ,"Di ko lang alam kung ano yon pero masasabi kong may mabigat siyang rason kung bakit pumayag agad siya sa set up nila ni Ross."

"At ano naman yon?"

She slowly shooked her head ,"Yon ang alamin mo. Alam mo na ikaw lang ang nakakakilala kay Terrence. Ikaw lang ang makakasagot ng mga bumabagabag sa isipan mo."

Mabagal akong tumango sa sinabi ni Erich. Di ko alam kung sapat na rason ang sinabi niya pero...ramdam ko sa mga mata niya nang malaman ko yon parang gumuho ang mundo niya dahil nakikita ko ang takot sa mukha niya na baka bigla ko na lang siya iniwan.

Kaya ko ba siyang iwan?

Pagtapos ng agahan ay napagdesisyonan ko na pauwiin na si Erich dahil alam kong hinahanap na rin siya ng magulang niya. Ayos na pakiramdam ko at sa tingin ko ay kailangan na niya umuwi dahil alam ko naman ay may ginagawa pa siya at ayoko na ulit makaistorbo sa kanya.

Wala na rin naman nagawa si Erich kundi pumayag dahil paulit ulit ko na rin naman sinabi sa akin na ayos na ako at wala na siya dapat ikabahala. Gusto ko na umuwi na siya para makapagpahinga na at gawin ang bagay na napostponed nang dahil sa akin.

Nang makaalis na si Erich sa condo ko ay bumalik ulit ako sa kwarto at lumapit ako sa mga plates ko na hanggang ngayon ay di ko pa rin natatapos. Bumuntong hininga ako bago ko kinuha mga drawing materials para ipagpatuloy ang di ko natapos.

Tapos na ang pag iyak ko at kailangan ko na tapusin ang dapat kong tapusin. Mas mahalaga sa akin na matapos 'to. Saka ko na iisipin ang problema naming dalawa ni Terrence.

Habang abala ako sa plates ko ay hindi ko napansin na umiilaw ang cellphone ko. Kaya kinuha ko yon at tinignan at nakita ko ang pangalan ni Terrence.

Terrence Allejo:

Please talk to me love :((

I sighed heavily before I put my cellphone to my side table. Dahil sa dalawang araw kong pag eemote di ko napansin na marami na palang text sa akin si Terrence at nadagdagan lang ngayon. Di ko pa alam kung kaya ko makipag usap sa kanya noon.

Di niya ako pinupuntahan sa condo ko kahit alam naman niya passcode ko pero sa text naman niya ako ginugulo. Wala pa sa isip ko na makipag ayos sa kanya dahil masyadong masakit pa lahat sa akin ngayon.

Bigyan niya muna ako ng oras.

Para maiwasan ko si Terrence ay maaga ako nagising para umalis sa condo ko. Kahit nahihirapan akong mag-commute ay tiniis ko dahil hanggang ngayon ay wala pa sa isip kong kausapin siya. Nang makarating na ako ng Dream High ay nagkasalubong kami si Vinz kaya nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"Nandito ka na pala ,"mabagal na saad niya habang pinatitigan niya ako ng maiigi mulo ulo hanggang paa ,"Sinundo ka ba ni Terrence?"

"Hindi.."I honestly said.

Nakita kong bigla siyang napatahimik dahil sa sinagot ko. Totoo naman kaya bakit ko itatanggi? Tsaka alam niya kaya ang tungkol kay Terrence kaya ganun na lang siya magtanong kung kasama ko ba si Terrence papunta dito sa Dream High.

Sa tingin ko naman alam niya dahil kilala ang mga Allejo kaya malabong hindi malaman ni Vinz lalo na't may social media na para makasagip ng balita.

"G-gusto mo bang ihatid kita sa room mo?"masuyong tanong sa akin ni Vinz.

I smiled ,"Kung wala ka ng iba pang gagawin pwede naman."

He smiled and nodded. Naglakad na nga kaming pareho para ihatid na niya ako sa first class ko. Tahimik lang kami at walang gusto magsalita isa sa amin pero paminsa'y minsan tinititigan ko siya at seryoso lang siya.

"Sinabi sa akin ni Erich na dalawang araw siya ang nag-stay sa condo mo ,"pagsisimula niya na kinatigil ko sa paglalakad ,tinignan ko siya at tumigil din siya at hinarap niya ako ,"I know the reason why Erich spent two days in your condo."

I bit my lower lip.

"I also know that you and Terrence are not doing well today because of a news that I also did not expect ,"dugtong niya pa ,"I'm not in a position to judge Terrence right away because I don't know him well enough to be angry with him, but I don't agree with what he did to you because I know it hurts you."

Kita ko ang pag igting ng kanyang panga dahil sa mga sinabi niya. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako doon.

"You're my bestfriend Aifha ,"his expression change because I saw concern for me in his eyes ,"Ayoko lang na nakikita kitang nasasaktan o umiiyak nang dahil lang sa lalaki. Ayoko na...may taong nananakit sayo dahil simula nung bata tayo di ko hinahayaan na umiiyak ka sa ibang tao. Kaya sobrang nasasaktan ako nung sinabi sa akin ni Erich na todo iyak ka para kay Terrence dahil sa nalaman mo."

Nakatitig ako habang pinipigilan ko ang pagluha dahil kahit magpanggap akong ayos ay hindi tatalab pagdating sa kaibigan kong alam lahat tungkol sa akin.

"Kilala ko ang buong pagkatao mo Aifha. Kahit sabihin mo sa akin na ayos ka alam mo na hindi dahil kaya mo itago ang nararamdaman mo dahil ayaw mo na makadagdag problema sa ibang tao ,"he muttered ,"Nandito lang ako para sayo kung kinakailangan mo ako."

I smiled politely ,"Thank you for always be my side."

Masaya ako na nandito sa tabi ko si Vinz kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya. Kuntento na ako na may kaibigan ako na palagi nandyan para sa akin sa oras na malungkot ako.

Nasa tapat na nga ako ng room kaya agas din nagpaalam sa akin si Vinz na mauna na kaya ngumiti lang ako sa kanya. Bago siya tumalikod para makaalis niya sinabi niya pa na sabay na kami sa breaktime kaya tumango ako.

Naging normal ang klase kahit na nararamdaman kong pinagmamasdan ako ni Erich. Siguro hanggang ngayon ay iniisip niya pa rin na di ako ayos kahit na pumasok ako. Ayoko lang na mas mag alala pa siya kahit sa loob ko ay apektado pa rin ako.

"Siguradong ayos ka lang ba?"tanong ni Erich nang kalalabas namin sa room. Breaktime ngayon at nangako ako kay Vinz na makikipagkita sa kanya.

Hinarap ko siya at saka ko nginitian ,"I'm already fine Erich. Hindi ka dapat mag alala sa akin dahil ayos na ako."

She sighed ,"Iniisip lang kita dahil alam ko masakit pa rin sayo yon. Di ko kasi kayang nakikitang ganun ka na nasasaktan ka dahil kay Terrence."

"Well ,siguro di sa lahat ng pagkakataon ay maayos ang relasyon naming dalawa ni Terrence ,"I bit my lower lip ,"Dadating talaga sa punto na masasaktan ako sa paparating namin na problema at siguro ito nga ang mabigat na problema binigay sa aming dalawa."

Wala perpektong relasyon at lahat ay nagkakaroon ng problema. Depende na lang siguro sa taong nagmamahalan kung kakayanin nila ang mga parating na problema haharapin nila.

"Nasaktan ako sa nangyari pero hindi ibig sabihin nun ganon na lang ako kadaling bumitaw sa relasyon namin ,"sabi ko at nananatili lang nakatitig sa akin si Erich habang nakikinig ,"Mag-iisang taon na kami at ayoko namang sayangin ang lahat nang dahil lang sa nalaman ko."

"Bibigyan mo siya ng chance?"she asked me.

"Maybe?"I chuckled a bit ,"Mahal ko siya at hindi ako yung taong bibitaw ng ganon lang. May rason si Terrence sa mga nagawa niya sa akin kaya siguro bibigyan ko siya ng chance para patunayan sa akin na kahit ganon ako pa rin ang mahal niya. Na ako pa rin ang babaeng laman ng puso at isipan niya."

Ganon siguro kapag nagmamahal ,kahit sobrang nasasaktan ka ng taong mahal mo handa kang magpatawad para lang manatili lang sa tabi mo. Siguro tanga na ako dahil kahit sobrang sakit ng ginawa sa akin ni Terrence ay magagawa ko pa rin siya tanggapin dahil mahal ko siya.

Kaya ko siguro magtanga-tangahan sa kanya at tanggapin siya para lang di siya mapunta kay Ross.

"Hindi ko inaasahan na kasama mo pala si Erich..."saad ni Vinz nang magsimula na kaming pumwesto sa napili namin.

"Haler ,talagang ako talaga makakasama ni Aifha dahil sabay naman talaga kami nagbebreaktime ,"umismid si Erich kaya mariin na napatawa si Vinz ,"Parang gusto mo kayong dalawa lang ang magsasabay ah!"

"Wala akong sinabi ganyan!"he defended himself ,"Akala ko kasi absent ka..."

"At bakit naman ako aabsent?"tumaas ang kilay ni Erich. Salit salitan ko silang tinitignan dahil parang di nila ako napapansin dito ,"Hoy kung aabsent man ako may sakit ako o may emergency noh!"

"Ganon ba? Mabuti naman kung ganon last time kasi di ka daw pumasok dahil nagcelebrate daw kayo ng boyfriend mo ng monthsary niyo..."sabi pa ni Vinz kaya bahagyang napakurap pa ang mata ko. What the hell?

"What the...hell?"I saw her shocked in her eyes ,"Sinong chismosa na naman nagsabi niyan sayo?"

"Classmate mo.."

Palihim akong natawa sa dalawa kong kasama. Para talaga silang mga isip bata..

"Alam mo Vinz wag ka agad magpaniwala sa mga classmate ko okay? Madaming chismosa na architect student kaya kung ano man yung nalalaman mo wag mo agad paniwalaan. Ang bilis mo agad maniwala sa mga sabi sabi..."

Tumango na lang si Vinz at napagdesisyonan na tumayo para maka-order na ng pagkain. Habang nasa counter si Vinz inusisa ko si Erich tungkol sa sinabi ni Vinz. Tinanong ko kung totoo yon at di naman tumanggi siya dahil talagang nagcelebrate talaga sila ni Claude ng monthsary at nagawa pang umabsent para doon.

Kilig na kilig pa siya habang kinukwento niya kung paano yung paghahanda na ginawa ni Claude para sa monthsary nila. Binigyan daw siya ng mamahaling necklace na nagustuhan naman niya kaya ngiting ngiti siya habang kinukwento niya sa akin ang bagay na yon.

"Bakit hindi mo sinabi kay Vinz ang totoo?"tanong ko sa kanya na may halong kuryoso.

"Trip ko lang di sabihin."tamad na sagot niya ,"Ayokong malaman niya na si Claude ang boyfriend ko noh lalo na't kaibigan pa ni Terrence yon! Tsaka masyadong protective si Vinz —sayo pa nga over protective na paano pa kaya sa akin diba?"

She's right. Masyadong over protective si Vinz lalo na't sa mga kaibigan niyang mga babae. Kaya mas mabuting di na lang niya sabihin ang totoo tutal hindi pa naman namemeet ni Vinz si Claude.

Naputol lang ang pagkukwentuhan namin ni Erich nang dumating na si Vinz na may bitbit ng tray at tumabi na sa akin umupo. Nagsimula na kami kumain na may halong kwentuhan at kahit papaano ay nawala yung iniisip ko dahil sa mga kaibigan ko ka nandito.

Nang matapos na ang klase ay nagpaalam na sa akin si Erich na mauuna na dahil may importante pa daw siyang pupuntahan kaya nagpaalam na rin ako pero habang naghihintay ako ng sasakyan ay sumulpot sa aking harapan ang kotse ni Vinz dahil nakita ko ang pigura niya doon.

I saw that he was looking at me with a smile on his lips. I was still staring at him and I didn't want to move just because I saw him in front of me. I didn't notice that he was waving so my eyes blinked.

"May hinihintay ka ba dyan?"he asked me while the smile still did not disappear from his lips ,"Sumabay ka na sa akin hatid na kita pauwi dahil alam ko walang maghahatid sayo."

My eyes blinked again. Kanina pa ba niya ako nakikitang naghihintay dito?

"Okay..."bulong ko bago ako maglakad palapit sa kanyang sasakyan Siya na mismo nagbukas para makapasok din agad ako. Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat sa kanya.

Habang nasa biyahe ay nananatili akong tahimik. Inaalala ko lang ang mga masasaya naming alaala ni Terrence nung panahong wala pa kaming gaanong problema. Nakakamiss din pala.

"Tahimik ka ,"nabaling ang tingin ko nung narinig kong nagsalita si Vinz ,"May bumabagabag pa sa isipan mo?"

I smiled ,"Nothing. Iniisip ko lang si Terrence."

Tumango siya at hindi na muli pang nagsalita bagkus ay nagfocus na lang siya sa pagmamaneho.

"Hindi lang talaga ako nasasanay kapag di kaming ayos dalawa. Na parang kahit anong gawin ko para mawaglit man lang siya sa isipan ko ay siya pa rin naiiisip ko ,"sabi ko sa kanya ,"Hindi ako sanay na di kami maayos."

Di ako sanay kapag ganito kami na parang malayo sa isa't isa.

Nakita ko na lumingon sa akin si Vinz ,"Magiging maayos din ang relasyon niyong dalawa. Magtiwala ka kay Terrence yon lang ang ma-aadvice ko sayo."

I bit my lower lip.

"I lost my trust."I said honestly.

Inaamin ko nang malaman ko yon bigla ako nawalan ng tiwala sa kanya. Na kaya na niyang magsinungaling sa akin para lang di ako masaktan. Na kaya niyang itago sa akin yon para siguro sa ikabubuti ko na alam kong di magiging maayos sa akin.

He held my hand ,"Give him another chance Aifha. Walang masama kung bibigyan mo siya ng pagkakataon ulit. Naniniwala ako na magiging maayos ang relasyon niyo. Wag ka lang paghinaan ng loob."

Tumango ako at hindi na muli pang magsalita.

Nang maihatid na ako ni Vinz ay nagpasalamat ako sa kanya kaya nakita ko na naman ang ngiti sa kanyang mga labi. Hinintay ko na makaalis na siya bago ako pumasok sa building kung saan nakatira ako.

Pumasok na ako sa elevator at ilang minuto lang ay nakarating na rin ako sa second floor na kung saan nandoon ang condo unit ko. Habang naglalakad ako patungo sa condo ko ay napatigil ako nang may taong nakaabang sa condo ko—nakatayo at nakita kong may dala pang bulaklak.

Bakit nandito siya?

Nang nakalapit na ako sa condo ko ay nakita ko na lumingon siya sa gawi ko at umayos siya ng pagkakatayo at nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi.

"Aifha ,"he called me ,"Kanina pa kita hinihintay makauwi."

Nang marinig ko ang kanyang boses ay nakaramdam ako ng pangungulila dahil ilang araw ko na rin siya hindi nakakasama dahil sa problema naming dalawa.

"Flowers for you ,"he said then I looked at the flower that looked so expensive ,"I hope you like it."

Casual lang ang suot niya at mukhang kakauwi niya rin galing sa internship niya. Nakikita ko rin sa kanyang mga mata ang pagod pero parang ayaw niya pa magpahinga dahil nandito siya sa tapat ng condo ko na naghihintay.

I accepted his flower and I looked at him. Kita ko ang saya sa mukha niya na tinanggap ko ang bulaklak na binili niya. Hindi ko alam kung bakit naghihintay siya dito sa labas ng condo unit ko gayong alam naman niya ang passcode ko.

Napapaisip ako kung ilang oras na siya naghihintay dito?

"Galing ka sa ospital sana pinagpahinga mo na lang muna sarili mo kaysa hinintay ako..."I said coldly.

Napawi ang ngiti niya pero nananatili pa rin akong seryoso.

"Gusto lang kita makausap kahit sandali lang.."

Tumaas ang kilay ko ,"Tungkol saan naman pag-uusapan natin?"

Although ,alam ko naman kung ano ang pag uusapan naming dalawa.

"About our problem Aifha ,"he seriously said ,"About us. Gusto ko pag usapan natin lahat. Gusto kong ipaliwanag ang side ko para maintindihan mo kung bakit kailangan kong gawin yon."

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

401K 25.1K 21
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ~By ๐Š๐š๐ฃ๐ฎ๊จ„๏ธŽ...
315K 8.2K 18
โprincess, you're mine. you're my ๐“…๐“‡๐‘œ๐“…๐‘’๐“‡๐“‰๐“Žโž taehyung said as he kissed her โ‹†โœง-- โœง *โ‹†* โœง * โ‹†* โœง * โ‹†* โœง--โ‹†โœง โžœ mafia au โžœ older!taehyung x under...
11.3K 281 18
"I sigh really wanting to still protect my heart but Nika was stealing it" Hailey Bueckers is Paiges Bueckers little sister. She was going to go to I...
41.4K 2.7K 42
COMPLETED Captivating Woman Prequel Trurth Then Dare A group of college friends who played a game called 'truth then dare'. Because of this game thei...