The Thousand Of Ways (Reclam...

By Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... More

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 19

26 4 0
By Bubblemiiint

Chapter 19

Terrence and I have not had an easy relationship, but we still remain strong even though we are busy with our own lives. I always spend a lot of time with him on weekends so at least we have quality time.

Kulang madalas ang naging tulog niya pero kahit ganon ay nagkakaroon siya ng pahinga kahit saglit. Palagi ko siya sinasabihan na wag masyadong pwersahin ang sarili niya para hindi siya manghina. Ako na rin ang nag-aasikaso sa kanya sa mga gamit na madalas niyang dalhin dahil para mabawasan ang mga gagawin niya.

Kahit sobrang hectic ang 4th year sa akin ay nagagawa ko pa rin asikasuhin si Terrence. Nag aalala na nga siya sa akin na baka sa kakaasikaso ko sa kanya ay baka makalimutan ko yung mga dapat kong ipasa sa mga professor ko.

Sinigurado ko na sa kanya agad na bago ko siya asikasuhin ay natapos ko na kaya wala siya dapat ikabahala.

"I miss you so much..."Terrence said before claiming my lips. Napangiti ako sa ginawa niya dahil ramdam ramdam ko talagang namiss niya ako.

"Halata nga..."natatawang sabi ko sa kanya habang ang mga braso ko ay nakakapit sa batok niya. Samantala siya ay nakahawak sa bewang ko ,"Ano gusto mong gawin natin?"

Nandito kaming dalawa sa condo niya dahil dito kami agad dumiretso. Pumunta pa kasi kaming dalawa sa coffee shop dahil pinakilala ko na si Vinz sa kanya ng maayos. Thankfully ,naging maayos naman ang pagkilala ko dahil mukhang nagustuhan naman ni Vinz si Terrence para sa akin.

"I just...want to cuddle with you?"he said then chuckled ,"I'm so busy in the past few weeks that I can't even reply or call you. But I'm here today to make up for the times I wasn't with you."

As I stared into his eyes, I felt that what he was saying was true because I know Terrence, what he says he fulfills with the spring of his will.

I smiled ,"Makasama lang kita Terrence ,ayos na ako."

Makasama ko lang siya ay malaking bagay na yon. Di ko hinahangad na ilabas niya ako o ano dahil mas gugustuhin ko pang nasa loob ng condo dahil mas kumportable ako kapag kaming dalawa lang ang magkasama.

Ngumiti siya ng tipid sa akin. Napatingin siya sa aking labi ng matagal kaya ako naman ay tumingin dahil sa paraan din ng pagkakatingin niya. Lalapitan na sana niya ang mukha niya upang halikan ako na mapatigil siya na may narinig kaming nagbell kaya napatingin kami sa pintuan.

Agad kaming nagtinginang dalawa na parehas na nakakunot ang aming noo.

"May inaasahan ka bang bisita ngayon?"I asked curiousity then he shooked his head.

Kung ganon ,sino ang nasa labas?

"Wait a minute love.."paalam niya ni Terrence sa akin saka siya naglakad patungo sa pintuan. Ako din ay sumunod din sa kanya para malaman kung sino ang nasa labas.

Pagkabukas pa lang ng pinto ni Terrence ay bumungad sa kanyang harapan ang pigura ni Ross. Napatigil din ako sa paglalakad at halos mapakurap ang mga mata ko na bigla na lang yumakap si Ross kay Terrence na halos makalingkis siya kaya biglang sumama ang timpla ng mukha ko.

Ano na naman ang pinunta niya dito?

"Stop hugging me ,"bahagyang lumayo na si Terrence kay Ross kaya nakita ko ang paglukot ng mukha niya ,"What's brings you here?"

She adjusted her posture and smiled at my boyfriend ,"Is that really the first thing you're going to say me?"she asked then Terrence did not speak ,"I guess ,you don't miss me."

Napairap na lang ako dahil sa sinabi niya. Lakas naman niya sabihin yon lalo na't nandito ako sa condo ni Terrence. How pathetic that bitch?!

"Sabihin mo na kung ano ang sadya mo dito dahil wala akong panahon para kausapin ka Ross."malamig na sabi ni Terrence.

"It's like..you didn't love me Terrence ,"she shrugged her shoulder then I still looking at her ,"Have you really been like that since that girl came into your life?"then she glanced at me.

"Shut up Ross. Kung wala ka naman palang magandang sasabihin pwede ka ng umalis.."hahawakan na sana ni Terrence ang braso ni Ross kaso hinawakan naman niya ang kamay ni Terrence.

"Di mo naman dapat yan gawin Terrence dahil aalis din naman ako ,"she said softly ,"Gusto ko sana ang paghawak mo sa braso ko kaya lang ayoko sa paraang pinapalayas mo ako sa lugar mo."

Wow ,nagawa pang magsalita ng ganon?

"Well ,that's why I came here to give you this invitation ,"she smiled sadly then gave Terrence an envelope that might have been an invitation card ,"Tita Rhea expects you to attend that party my dear.."

"Anong klaseng party 'to?"

"A business party Terrence. Tita Rhea wants to introduce you to her business partners so I hope you attend at least here."she said seriously while looking at him ,"And of course ,you should be the only one to attend, don't bring anyone with you. Even your girlfriend."

Tsaka tumingin si Ross sa akin na nakangisi sa akin kaya mas lalo lang ako nabanas sa mga paraan ng pagtingin niya na parang nang-aasar pa.

"Bakit di ko kailangan isama sa party si Aifha?"he asked.

"It's a business party Terrence, meaning to say rich people are there at that party. If you bring Aifha with you, she might be questioned. Maybe you don't like that people make fun of her because she's not like us, right?"

Minamaliit na naman ako ng babaeng to? Ano ba sa tingin niya sa akin sobrang hirap na tao na parang di ako nababagay kay Terrence. Ganon ba talaga tingin nila sa akin?

"Kaya kung ako sayo wag mo ng balakin isama si Aifha-mapapahiya ka lang at baka di pa magustuhan ni Tita Rhea na makita si Aifha. Alam mo namang di niya nagugustuhan ang girlfriend mo."

Napairap ako sa kawalan. Wala naman akong balak para sumama. Sinusuka nga ako bakit kailangan ko pang ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw sa akin?

Sumulyap sa akin si Ross ,"Tsaka hindi nababagay si Aifha sa ganoong party. Kaya kung pwede lang Aifha ay manahimik ka na lang sa condo mo okay?"

I sighed ,"Sino ba ang may sabi sayong sasama ako?"lumapit ako sa kanya kaya naramadaman ko ang kamay ni Terrence na nakahawak sa pala-pulsuhan ko ,"Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan Ross hindi ako. Alam ko naman kung saan ako lulugar kaya di mo ako kailangan pagsabihan sa kung ano ang pwede kong gawin dahil may sarili akong isip at desisyon!"

Di naman ako umaasa dahil alam ko naman na hinding hindi ako magugustuhan pa na makita ni Tita Rhea. Baka ako pa ang maging dahilan para magkagulo.

"So sana mapanatag na ang loob mo okay?"I tried to smile ,"Masyado ka nang maraming dinaldal dito kaya pwede ka nang umalis dahil tapos na ang sadya mo kay Terrence."

Magsasalita pa sana siya ulit nang bigla kong hinawakan ang braso niya para lumabas na siya sa condo ni Terrence. Pabalyang binitawan ko siya kaya nakita kong nasaktan siya.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya tinaasan ko siya ng kilay ,"Hindi mo naman ang condo 'to kaya wala kang karapatan para palayasin mo ako! This is Terrence condo!"

"I don't care at all."sagot ko sa kanya ,"Wala ng kailangan sayo si Terrence kaya pwede ka ng makaalis."

"Aalis lang ako dito kung si Terrence ang magsasabi sa akin-"

"You can leave now ,"malamig na sabi ni Terrence kaya napatingin sa kanya si Ross ,"Tapos na ang sadya mo. Wala na tayong dapat pang pag usapan so umalis ka na."

When Terrence said that, I saw in Ross's face that she couldn't believe it. She looked at me and I just smirked at her so she got even more annoyed with me.

"Bye!"paalam ko sabay sarado ng pintuan.

Napasuklay ko na lang ang buhok ko gamit ang daliri ko dahil sa sobrang stress. Kung kailan ngayon kami magkakasama ni Terrence saka pa may party pa siyang pupuntahan?!

Tumingin na ako kay Terrence at nahuli ko siya na nakatitig sa akin. Siguro iniisip niya na di ko siya makakasama ngayon dahil may pupuntahan siyang party.

"Love-"

"Ano?"I said annoyed.

"Are you mad at me?"he asked gently.

"I don't know Terrence ,"I replied ,seriously ,"Wala akong karapatan para magalit sayo. Kaya kung gusto mong umattend ng party-pumunta ka na. Hayaan mo na lang ako tutal yun naman ang papel ko diba? Ang maghintay at magtiis kung kailan ka pwedeng makasama."

He was silent at what I said. I don't know why that came out of my mouth, I was just so annoyed that when he would have time for me, he would suddenly go to a party!

Hindi ba ako pwedeng humilig man lang?

"Look Aifha ,di ko pwedeng biguhin si Mommy tungkol sa event na 'to ,"he explained ,"Inaasahan ako ni Mommy doon at hindi naman kita pwedeng isama dahil alam ko magagalit lang si Mom sayo."

Yeah ,wala naman akong magagawa.

"Okay ,"I sighed heavily ,"I'll go ahead for now ,pagod na ako."

Naglakad na ako dahil sa pagod na nararamdaman ko. Hinawakan pa bahagya ni Terrence ang aking pala-pulsuhan nang inalis ko yon sa pagkakahawak niya saka ako nagpatuloy maglakad hanggang sa nakapasok na ako sa kwarto niya.

Wala akong karapatan na diktahan siya sa desisyon niyang magpunta. Ayos lang sa akin dahil yun naman palagi ang gawin diba? Ang intindihin siya sa lahat ng bagay.

Ayoko na muna makipagtalo.

Nakakulong lang ako sa kwarto niya at di siya pinapansin. Pag pinapansin naman niya ako ay umiiwas ako sa kanya kahit ano ang gawin niya kaya ang ending di na niya ako dinisturbo. Mas tatahimik pa buhay ko kapag di ko muna maramdaman ang presensya niya.

"Aalis na ako love ,"he said so I stopped reading book. I felt him closer to me and gently kiss the top of my head.

Lumingon ako sa kanya at nakita ko nga na nakasuot na siya ng formal attire na mas bumagay sa kanya. Nalalanghap ko rin ang matapang na pabango niya kaya mariin din ako napapapikit.

"Take care."sagot ko sa kanya saka ako umiwas ng tingin.

"Uuwi din agad ako ,"he assured me then I didn't respond. Nakatingin ulit ako sa librong binabasa ko para di ko na ulit matignan pa si Terrence.

He sighed heavily before turning to leave the room. When I heard the door close ,I dropped the book I was holding.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang inaakto ko sa kanya. Siguro gusto ko lang talaga siya makasama ng matagal kaya ganun na lang ang inaasal ko sa kanya ngayon.

Itinabi ko na ang libro sa ilalim ng kama dahil nakakaramdam na ako ng antok. Kulang din ang tulog ko kaya nasisiguro ko na baka kinabukasan pa ako magigising.

Kinabukasan ay nagising ako kaya napakunot ang noo ko na maramdaman na wala akong katabi sa kama. Bumangon na ako para sana makalabas na ng kwarto dahil baka nasa kusina lang si Terrence para magluto ng agahan dahil yon naman palagi niya ginagawa kapag siya ang unang nagigising.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko nga si Terrence na nakaupo sa dining area habang tulalang kumakain. Kahit pagkurap ng mga mata niya ay di gumagalaw. Kumunot ang noo ko. Ano ang problema nito at mukhang wala sa sarili?

Lumapit na ako doon para sana makakain na rin. Sa tapat niya ako umupo at ganon pa rin ang reaksyon niya parang....di niya ako napapansin dito.

"Bakit di mo ako hinintay man lang para sana sabay tayo kumain?"pagbasag ko sa katahimikan ng mundo niya kaya nakita ko na ang pagkurap ang kanyang mata. Nanlaki ang mata niya na parang ngayon niya lang ako napansin ,"What's wrong with you? May nangyari ba?"

Agad siya umiling ,"N-nothing love."

I sighed ,"Pwede mo sa akin sabihin ang bumabagabag sa isipan mo. Baka makatulong ako."

"I'm okay love ,"he assured ,chuckled ,"Di ka na ba galit sa akin?"

Napaisip ako. Galit pa rin ba ako sa kanya? Di ko alam kung anong oras siya nakauwi dahil maaga ako natulog.

"Uhm.. hindi na siguro ,"nagkibit balikat ako habang kumakain na ako ng hotdog ,"You know ,intindihin mo na lang siguro ang ugali ko Terrence. Madalas kasi...di ko nacocontrol yung emosyon ko kaya kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ko. I'm sorry."

He smiled then he held my hand softly. I smiled too while looking his handsome look.

"I'll understand Love ,"he mumbled ,"I love you so much Aifha, I will never tired of telling you how much I love you. I hope that when we come we will have a problem, I hope you don't let me go right away."

When I looked at him in his eyes ,I saw pain and fear that I might let him go suddenly. I could feel my hand tightening while he was talking to me.

"Di kita bibitiwan ,"I assured him ,"Hangga't nandito ako sa tabi mo wala ka dapat ikatakot. Simula nang maging tayo handang handa ako sa paparating na problema sa relasyon natin. Mananatili lang ako sa tabi mo Terrence ,hindi kita iiwan. I promise."

Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Lilian na pinapapunta ako sa restaurant na paborito niyang puntahan dito sa Manila. Gusto na niya kasi makilala si Terrence ng personal kaya gulat ako na mabalitaan na nasa Maynila na pala siya! Kaya sinabi ko na kay Terrence na gusto na siyang makilala ng Tita ko kaya nakita ko ang pagkislap ng kanyang mata nang sinabi niya.

Di pa ako tapos sa sasabihin ko na bigla na lang niya ako talikuran dahil dumiretso na siya sa banyo sa kwarto niya!

Bigla ba naman akong iniwan dito!

"Iniwan mo talaga ako!"malakas na sabi ko sa kanya at naririnig ko ang tawa niya sa loob ng banyo!

Ganon ba siya ka-excite na makilala si Tita Lilian at bigla bigla na lang niya ako talikuran?!

"I'm glad to meet you here Tita ,"magalang na sabi ni Terrence nang magsimula na kaming umupo sa reservation seat na hinanda ni Tita Lilian para saming tatlo.

"It's nice to meet you hijo ,"she smiled while took a sip of juice ,"You know ,kating kati na talaga akong makilala ka simula nung nalaman ko na may boyfriend na pala ang pamangkin ko. But unfortunately ,naging abala ako sa resort kaya di ako makabisita man lang sa Manila. Pero ngayon na nakilala kita sa personal masaya ako."

He smiled ,"Malaking bagay po sa akin na gusto niyo ho ako makilala."

"Yes of course ,"she said calmly ,"Napag alaman ko rin na isa ka palang Allejo. Masyadong sikat ang Allejo dito sa Manila lalo na sa bussiness world? I know na ang mga magulang mo ay parehas na surgeon doctor na nagmamay-ari ng isang private ospital dito sa manila. But you know what ,mas sikat ang pamilya mo sa larangan sa negosyo."

Sabi sa akin noon ni Terrence na isa din negosyante si Tito Eros. Isang pharmaceutical company ang negosyo ng pamilya nila at sikat sila sa larangan ng negosyo lalo na sa mga gamot. Ibang ibang lahi pa nga daw ang gusto mag invest para sa company lang nila. Kaya hindi ka-taka taka na magiging sikat ang pamilya ni Terrence tungkol dito.

"Of course Tita ,"he chuckled.

"Wala ka bang balak ipamahala ang negosyo niyo?"she asked then I stopped eating then looking at her.

Di ako makasabay sa pinag uusapan nila dahil tungkol sa negosyo ang topic nila!

"Uhm hindi ko pa po alam kay Dad ,"he answered politely ,"I'm still a under intership this year. Siguro po kapag naging doctor po ako ng tuluyan baka po ipamahala ko rin po since ako lang ang anak nila."

Di ko alam na balak niya pala patakbuhin ang negosyo ni Tito Eros? Solong anak pala siya kaya di na talaga ako magtataka kung pagdating ng panahon siya na ang papalit kay Tito Eros.

"That's good to know!"maligayang saad ni Tita Lilian.

Naiba na ang topic na pinag uusapan nila at napunta na sa akin kaya doon lang ako nakasali sa usapan. Though ,kinakamusta lang ako ni Tita sa nakalipas na buwan at sinasagot ko naman ng maayos. Masyadong madaldal ngayon si Tita Lilian at di siya nauubusan ng salita!

"Mabuti at maayos ang kalagayan mo hija ,"she mumbled ,"Palagi talaga kitang iniisip kapag nakakauwi na ako sa probinsya! Di pa kasi ako sanay na naiwan ka dito sa Manila parang di mo pa kayang mag isa."

"Nako po ,wag po kayong mag alala sa akin. Paunti-unti naman po nasasanay po ako lalo na't nandito naman sa tabi ko si Terrence ,"sabay ako napalingon sa kanya at nahuli kong nakatingin siya sa akin ,"Actually ,masyado po ako nag eenjoy dito sa Manila at mukhang tama ho ang desisyon niyo na dito niyo ako sa manila pinag aral."

Noon ,ayoko talaga na umapak ako sa Manila dahil di ko gusto ang lugar na yon. Kahit na balak noon ni Daddy na manirahan kami sa maynila ay ako lang ang pumigil dahil mas gugustuhin ko pa na manatili kami sa Romblon dahil doon sa kinasanayan kong lugar ay ramdam ko anng payapa. Kung sa maynila ako maninirahan di ko mararamdaman ang kapayapaan dahil talamak ang gulo sa lugar na yon.

Pero simula na mamatay ang magulang ko pinilit ko ang sarili ko na mamuhay sa Maynila ng mag isa dahil dito ang kapalaran ko na kung saan di ko kailangan manatili sa isang lugar. Na kailangan ko mag explore para maranasan ang hirap ng buhay. Kailangan ko maging independent para matuto na tumayo sa sarili kong mga paa.

And because of that ,I met people who have become a part of my life. I met Erich who was my companion in all the problems I was going through, Vinz who was always there when he knew I was sad and of course Terrence who I didn't think was the reason why I fell in love.

"I am grateful that Tita Lilian was with us earlier ,"tumigil sa paglalakad si Terrence saka niya ako nilingon ,"Nakakatuwang isipin na boto siya sa akin!"

Ramdam ko ang kasiyahan sa mukha ni Terrence dahil sa mga sinabi niya. Tipid akong ngumiti sa kanya dahil sa kasiyahan na nararamdaman niya. Pasalamat pa rin ako na boto si Tita Lilian para kay Terrence dahil kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

Akala ko kasi di niya magugustuhan si Terrence para sa akin—natatakot kasi akong baka di niya magustuhan dahil sa sobrang sikat ng pamilya niya. Akala ko magiging mahirap sa akin na sabihin sa kanya na mabuting tao si Terrence.

Mabuti at mali ang naiisip ko.

"Masaya ako na tanggap ka ni Tita Lilian ,"ngumiti ako ng tipid ,"Sobrang saya ako na pinakita ni Tita Lilian ang sarili niya sayo. You know ,ayoko lang maranasan mo yung naranasan ko nung pinakilala mo ako kay Tita Rhea na sa una lang naging mabait sa akin."

Napawi ang ngiti niya sa huling sinabi ko at napalitan yun ng pag alala. Habang tinitignan ko sila kanina napapaisip lang ako kung nagustuhan talaga ako ni Tita Rhea para sa anak niya ganun din kaya ang mangyayari sa amin?

"What are you thinking?"

"Naisip ko lang na ang swerte mo dahil nagustuhan ka agad ni Tita Lilian ,"I sighed heavily ,"Kung nagustuhan kaya ako ni Tita Rhea para sayo sa tingin mo ganun din kaya kaming dalawa katulad ng pag uusap niyo ni Tita?"

"Yeah of course. My mom is a good person Aifha. I can't really change her behavior because..her standard are really high when it comes to the woman I like ,"he said seriously while looking at me ,"Dumating lang sa punto na di ka pasok sa standard niya para sa akin kaya ganun na lang ka-ayaw sayo."

I nodded my head. Naiintindihan ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ay may taong gusto akong makilala ng lubusan. Naiintindihan ko na hindi ko mababago ang ugali ng isang tao para lang magustuhan lang ako.

Hindi naman ako pinanganak dito sa mundo para may taong magustuhan sa buong pagkatao ko.

Napatingin ako na biglang haplusin ni Terrence ang pisngi ko ,"I love you so much Aifha ,even if my mom doesn't like you, I will do my best to make our relationship strong. Even if it's hard, I can do it just for you."

Nangingilid ang aking luha sa mga binibitiwan niyang salita. Hindi ko alam kung bakit sobrang emosyonal ko kahit ang simple lang naman ang salita niya.

"Wag mo akong iiwan Terrence ,"I bit my lower lip ,"Di ako papayag na mangyari ang kinakatakutan ko. Kahit may tumututol sa ating relasyon sana wag mo ako basta bastang iiwanan."

Natatakot ako na siya pa ang unang mang-iwan sa akin pagdating ng panahon. At yon ang ayokong mangyari samin!

"I promise ,hindi kita iiwan kahit anong mangyari."

"May tiwala ako sayo Terrence."I tried to smile ,"Sana wag mong sirain ang binigay kong tiwala sayo. Gusto kong kapag may dinadala kang problema sabihin mo sa akin para matulungan kita. We're a partner right? Kaya gusto ko wala tayo maging problema."

Pero yun siguro ang pagkakamali ko sa buhay ko na agad akong nagtiwala kay Terrence. Di ko inaasahan na dadating sa punto na magsisikreto sa akin si Terrence na hindi ko nalalaman dahil akala ko ayos lang kami at nagkakaintindihan kami sa relasyon namin.

Di ko inaasahan na magagawa niya sa akin na saktan ng tuluyan na kahit kailan ay di ko inisip na kaya niyang gawin sa akin yon na mas lalong nagpasakit sa aking puso.

Continue Reading

You'll Also Like

13.9K 302 38
she walked out of the classroom,tears streaming down her cheeks he didn't notice he didn't care that was what she thought lowercaps intended might ha...
14.8K 274 10
⚠️All art work and pictures are not mine.⚠️ Just a book were I write reader inserts for sexy men and women. Come in and join me with some tea and Cro...
13.1K 960 56
(n.) 'someone who loves darkness & nights' An insomniac detective stressing over life and a mute girl occupying the orphanage behind, the simple enco...
3.4M 143K 60
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...