The Thousand Of Ways (Reclam...

נכתב על ידי Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... עוד

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 18

24 4 0
נכתב על ידי Bubblemiiint

Chapter 18

"I'm tired na!"napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit na ng ulo ko. Di ko na kayang tapusin yung plates na ginagawa ko kaya dumiretso na ako sa kama ko para magpahinga ako.

It's almost 1AM in the morning at hanggang ngayon ay di pa rin ako natutulog dahil ginagawa kong plates. Balak ko pa naman sana tapusin pero talagang masakit na ang ulo ko kaya baka bukas ko na lang ipagpatuloy.

Ako lang ang mag isa dito sa condo ko dahil isang araw nang di natutulog si Terrence dito. Masyado siyang busy ngayon dahil sa internship kaya kahit makipagkita siya sa akin ng sandali ay di na niya magawa.

Naiintindihan ko naman dahil last year na niya to at sa susunod na taon ay ga-graduate na siya kaya tiisin ko na lang ang pagiging busy niya.

Unti unti na ako inaantok kaya di ko na nilabanan dahil gusto ko na rin matulog dahil pagod na rin ako sa araw na 'to.

"Bakit ganyan ang itsura mo?"napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Erich kaya nilingon ko siya. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka ,"Wala ka bang tulog? Mukhang puyat na puyat ka?"

"Halata ba sa mukha ko?"tanong ko sa kanya kaya tumabi siya sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko na parang sinusuri niya ,"Ano ba ginagawa mo?"

"Chinecheck ka lang! Para kasing...kailangan mo magpahinga..."she mumbled ,"Ano ba nangyayari sayo?"

I sighed before answering her ,"Wala lang 'to. Kulang pa kasi tulog kaya ganito. Tsaka magdamag ko din kasi iniisip si Terrence di pa kasi siya nagpapakita sa akin!"

"Alam mo sisigla ka lang kapag nakita mo na si Terrence!"sambit niya na may halong paninigurado ,"Tanging si Terrence lang ang cause of strength mo!"

Di ko mapigilan na mapairap sa kanya. Ang lakas ng tama!

"Manahimik ka nga! Mabuti pa ibili mo na lang muna ako ng tubig para may magawa ka naman sa akin..."peke akong ngumiti kaya napangiwi siya dahil doon.

"Inutusan mo pa ako—"sasagot pa sana siya na bigla ko na lang siya tinulak ng mahina para ibili na niya ako ng tubig. Ngumiti ako sa kanya kaya nakita ko ang pag irap niya ,"Fine ,fine! Wag kang aalis diyan. Hintayin mo ako!"

I nodded my head before she walk out. Nandito ako sa soccer field dahil gusto ko muna tumambay dito. Tinignan ko ang cellphone ko umaasa na baka may message na sa akin si Terrence but still wala pa rin.

Papatayin ko na sana ang cellphone ko na biglang tumunog naman kaya agad ko tinignan at halos mapangiti ako na makita ang pangalan ng taong hinihintay ko.

My love called me!

I immediately answer his call. I put my phone to my ear so I could hear his voice.

"Hello..."I couldn't help but smile when I heard his voice that I wanted to hear

"Hi love..."I said ,smiling.

"How are you?"he asked then I heard his sighed heavily ,"Ayos ka lang ba habang wala ako?"

I bit my lower lip ,"Ayos lang. How about you? Maayos lang ba ang tulog mo?"

Di siya nakasagot sa sinabi ko kaya nakaramdam ako ng pag alala na baka pinapabayaan niya ang sarili niya habang di ko siya nakakasama!

"Hey ,are you alright?"I asked.

"Yeah ,yeah I'm okay ,"he chuckled ,"Di maayos ang tulog ko dahil dami kong ginawa. But don't worry ayos lang ako wala ka dapat ikabahala."

"Okay ,"I sighed ,"But anyway ,I missed you so much.. Kailan ka ba uuwi? Sobrang miss na miss kita at gusto kong makasama na kita."

Kung noon ,mas clingy siya sa akin—ngayon ako naman ang mas clingy sa kanya. Ewan ko ba feeling ko kapag di ko nakakasama si Terrence parang di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakikita.

Baka tama nga ang sinabi sa akin ni Erich sa akin. Na baka cause of strength ko si Terrence kaya ganito yung nararamdaman ko ngayon.

"You want to see me?"he asked me carefully then I pouted my lips.

"Yah. I just want to see you."I answered while playing my finger.

Kahit sandali lang....gusto lang kita makita at makasama.

"Okay. Sabihin mo lang sa akin kung ano ang oras nang uwian mo para puntahan kita diyan."pagkasabi niya nun ay mas lalong lumapad ang aking ngiti.

"Okay ,see you later.."I smiled.

Kaya nung binaba na ni Terrence ang tawag ay di pa rin mawala ang ngiti sa aking labi. Hindi na ako makapag hintay na makita ko ulit siya. Mukhang...yung bigat na naramdaman ko kanina parang nawala dahil sa isang tawag niya!

"Iniwan lang kita sandali dito ngumingiti ka na diyan ,"napalingon ako na makitang nasa harapan ko na pala si Erich habang may dalang tubig ,"Oh tubig!"

I accepted the bottle water ,"Thanks."

Umupo siya sa tabi ko at pinagmasdan na naman ang mukha ko. Tinignan ko siya at tinaasan ko siya ng aking kilay.

"Anong dahilan bakit ka ngumingiti diyan?"mapanuring tanong ni Erich sa akin ,"Pwede mo naman sabihin sa akin para di na ako nag iisip pa dito!"

"Terrence called me! And guess what? Siya ang maghahatid sa akin pauwi!"I giggled.

I saw her grin when I told her that. I'm still smiling today because I really can't wait to be with Terrence again!

"Kaya pala....sobrang saya mo dahil tinawagan ka na pala ni Terrence ,"she said ,smirking her lips ,"Mabuti naman kung ganon dahil kahit papaano nawala yung bigat ng nararamdaman mo. Sabi ko sayo e si Terrence lang ang sagot para sumigla ka!"

Di na ako kumibo doon dahil totoo naman! Parang nawala bigla at naging masigla na agad ako. Ganito siguro kapag ilang araw mo na hindi nakikita o nakakasama ang taong mahal mo. Na parang di talaga kumpleto ang araw mo.

I sighed heavily. I'm a crazy right now.

Kaya nang uwian ko na at hindi nga ako binigo ni Terrence dahil siya nga ang makakasabay ko sa uwian. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil doon at sobrang miss na miss ko ang amoy niya dahil sinisinghot singhot ko pa. Naputol lang na may kasama pala ako lumabas ng campus at si Erich yon. Nakataas ang kilay niya na parang naaalibadbaran siya na nakita niya kaming magkayakap ni Terrence.

"Ang hirap naman pala maging thirdwheel dito ,"sabi niya habang nakatingin siya sa aming dalawa ,"Nakakasura pala kayong tignan. Di ko keri!"

Kaya parehas kaming natawa ni Terrence dahil doon. Kulang lang siguro 'to sa lambing ni Claude kaya ganito mga pinagsasabi niya ngayon.

"Kulang ka lang sa lambing ih ,"I giggled as Terence hands traveled around my waist ,"But anyway ,since nandito ka rin naman sumabay ka na samin ni Terrence umuwi. Wag ka ng magcommute dahil nandito naman kami."

"Hindi ba nakakahiya sa inyo?"she asked carefully ,"Baka may pupuntahan pa kayong dalawa tapos gusto niyo pa ako ihatid pauwi—baka nakakaistorbo ako sa inyo.."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Terrence. Kahit makapal ang mukha ni Erich sa akin ay tiklop naman siya pagdating kay Terrence dahil nagiging mahiyain bigla siya. Feeling niya kasi masyadong mataas na tao si Terrence kaya nagiging mahiyain bigla siya . Kaya kahit inaaya ko siya na sumabay sa amin talagang tumatanggi siya at gumagawa pa ng dahilan para di lang siya makasabay umuwi.

"Ayos lang Erich. Wala naman na kami pupuntahan ngayon dahil diretso uwi din kami ,"I smiled to her ,"Tsaka... kaibigan kita kaya gusto ko lang safe kang makauwi sa inyo. Tsaka mahirap magcommute baka matagalan ka pa."

Bumuntong hininga siya at parang pinag iisipan niya ng maayos kung papayag ba siya o hindi. Kung ayaw naman niya di ko naman siya pipilitin —ang akin lang ay gusto ko lang siya ihatid pauwi sa unang pagkakataon.

"Come with us Erich. I will take your home ,"Terrence spoke then she glanced at him ,"It's too late ,maybe your parents are looking for you."

"Sige na nga! Baka di niyo pa ako tantanan kapag di ako pumayag!"she pouted her lips then we both chuckled.

Kaya napagdesisyonan na naming kailangan na namin umalis dito sa campus. Pinagbuksan ako ni Terrence para makapasok na ng kotse —nasa front seat ako nakaupo habang si Erich ay nasa backseat. Nasa loob na rin si Terrence kaya sinisimulan na namin paandarin.

Tahimik lang kami habang nasa biyahe na gustong gusto ko naman. Nilingon ko si Erich sa mirror sa harap ko na busy sa cellphone niya na mukhang may ka-chat pa. Naputol lang ang tingin ko na marahan hinawakan ni Terrence ang aking kamay habang isa niyang kamay ay nasa manibela niya.

Lihim akong napangiti. Hilig niya talaga hawakan ang kamay ko pag magkasama kami and ayos lang sa akin dahil kumportable naman ako doon. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin kaya nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa mga labi niya dahil sa ginawa ko.

Kahit di siya tumingin alam kong kinikilig tong katabi ko!

Nakarating na kami sa tapat ng bahay ni Erich kaya tinigil ni Terrence ang kotse niya. Lumingon ako kay Erich na sinusuot na niya yung bag niya tsaka mga bitbit ng mga gamit niya pa.

"Thank you Aifha and Terrence sa paghatid sa akin pauwi!"maligayang sabi niya kaya tipid ako ngumiti ,"Sige na bababa na ako maraming salamat ulit! Ingat kayo pauwi!"

Agad na bumaba si Erich sa sasakyan ni Terrence. Nang makalabas na siya ay kumaway ulit siya sa huling pagkakataon kaya kumaway na rin ako sa kanya. Hinintay ko muna si Erich na makapasok sa kanyang bahay bago ako lumingon kay Terrence na mariin nakatitig sa akin.

"Thank you at pinagbigyan mo akong ihatid ko pauwi si Erich...."I mumbled.

He smiled me ,"Always welcome. You know ,mahalaga na rin si Erich sa akin dahil bestfriend mo siya at ayoko namang nagcocommute si Erich lalo na't kapag gabi na."

"Umuwi na tayo masyadong gabi na..."tumingin ako sa paligid ,"Ipagluluto kita ng dinner pagkauwi natin."

Since ngayon nandito na siya at deserve ko naman siguro na paglutuan siya. And beside ,pagod na rin siya ngayon kaya sa condo na lang kami magdidinner.

"Okay ,miss ko na rin ang mga luto mo..."he said then I chuckled softly. Sinimulan na nga niya paandarin ang sasakyan niya para tuluyan na kami makauwi sa condo.

Sobrang saya ako na nandito na si Terrence. Alam kong mas magiging mahirap ang schedule niya pero pipilitin kong kayanin para sa aming dalawa. Dahil sa mahal ko siya.

Terrence and I went home. I already cooked our dinner and all he does is stare at what I'm doing. I cooked Adobong Sitaw that he liked and he even ate some rice with it. After we finished eating, we both rested in my room, we did nothing but cuddle all night long until we fell asleep.

On the next day ,tinulungan ako ni Terrence na maglinis ng condo ko since mamaya pa naman daw ang alis niya kaya may oras siya para tulungan ako sa paglilinis.

"Wala naman gaanong kalat condo mo love...mukhang kakalinis lang..."sabi ni Terrence habang pinupunasan niya yung bintana ng kwarto ko.

Tumingin ako sa kanya dahil busy ako naglilinis ng banyo dahil di na malinis ang sahig at kailangan na linisin dahil isang buwan na rin ako di naglilinis dito sa condo ko.

"Meron yan! May mga ali-alikabok yan di mo lang napapansin!"sabi ko sa kanya ,"Tsaka kailangan malinis yan ha pag nakita ko may dumi pa yan humanda ka sa akin!"

"Opo..."he whispered.

Pinagpatuloy ko na ulit ang paglilinis ganon rin si Terrence na pinupunasan ang bintana sa kwarto. Nang matapos kaming maglinis ni Terrence sa kwarto ko ay napagdesisyonan muna naming magpahinga dahil napagod kaming dalawa kakalinis sa kwarto ko.

Si Terrence ay nasa kusina at alam ko magluluto na siya ng tanghalian kaya hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin. Ako naman ay nakaupo sa sofa habang nagtitipa ng reply kay Tita Lilian. One of these day ay pupunta ulit si Tita Lilian dito sa manila dahil may party siyang dadaluhan. Pero bago muna yon ay bibisita muna siya dito sa condo ko para kamustahin ako dahil ilang buwan rin siya di bumibisita sa condo ko.

"Sino tinetext mo?"napalingon ako na marinig ko ang boses ni Terrence. Nasa kusina pa rin siya habang abala siya sa kanyang pagluluto.

"Si Tita Lilian lang ,"sagot ko sa kanya ,"Nagtext lang sa akin na bibisita siya dito sa condo."

"Oh really?"

"Yeah ,hindi ko pa alam kung kailan pero sana kapag nandito na si Tita sana wala kang ginagawa para maipakilala na kita..."I shrugged my shoulder.

Alam na ni Tita Lilian na may boyfriend na ako at gusto na niya maipakilala ko sa kanya kapag nakabisita na siya ulit sa manila. Gusto niya kasi makilala ng maayos kung karapat dapat bang tanggapin sa pamilya namin.

Although ,di naman gaano ka-strict si Tita Lilian sa akin tungkol sa pagboboyfriend ko basta lang ay first priority ko ang pag aaral which is lagi ko naman ginagawa at iniisip.

"Tingnan ko..."tipid na sagot na lang saka siya bumalik ang tingin sa pagluluto.

Hinayaan ko na lang si Terrence bagkus ay ililibang ko muna sarili ko sa pagcecellphone habang di pa tapos ang kanyang niluluto.

Nang sa wakas ay naluto na ang tanghalian ay ako na mismo ang tumungo sa dining area para umupo. Si Terrence na ang nagsandok ng aming kakainin—palagi naman niya to ginagawa kaya kahit di ko na siya sabihan ay kusa niyang gagawin.

After our lunch , Terrence said goodbye to me because he and Claude had something important to go to today so I let him go because he might be late because Claude is impatient person.

Kaya nang makaalis na siya sa condo ko ay tumungo na muna ako sa kwarto ko upang magpahinga na sana. Di pa man ako nakakahiga may biglang tumatawag sa phone ko kaya dali dali kong tinignan kung sino ang tumatawag.

Bahagya kumunot ang noo ko na mapansin unknown number ang nakalagay.

Sino ang tumatawag?

Wala na akong choice kundi sagutin ang tawag na 'to.

"Hello ,who's this?"seryosong saad ko habang nakakunot ang noo ko.

"Hi my dear Aifha ,"narinig ko ang pamilyar na boses. Her voice is soft.

"Ross?"

"Yes ,it's me. Kumusta ka?"tanong niya na nagpalito sa aking isipan.

Saan niya naman nalaman ang number ko?

"Paano mo nalaman ang number ko?"tanong ko habang nagpipigil ako ng emosyon dito. Alam kong binubuwisit na naman niya ako dahil halata naman sa paraan ng boses niya.

"Di na mahalaga kung saan ko nalaman ,"she mumbled ,"Gusto ko lang sabihin sayo na humanda ka na.."

"What?"I asked confused. What is she saying?

I heard her giggled while I was talking to her on the phone which annoyed me even more because she was really giving me a headache!

"Malalaman mo din soon ,"she giggled again ,"But for now ,di ko muna sasabihin sayo. I just want to surprise to you! At sisiguraduhin ko ito ang pangyayari na sa tingin kong magugustuhan mo!"

After she said ,she ended the call. I closed my eyes for a moment because of Ross words that I couldn't understand.

Anong ibig niyang sabihin? Anong kailangan kong paghandaan?

המשך קריאה

You'll Also Like

81.8K 2K 38
Y/n, Han Y/n. A 19 year old sweet, bubbly girl. Her Father is a famous business man and her brother Han Jisung, heart rob of his collage. What happe...
31.9K 619 13
Hey guys this is my first story so pls don't judge any way Y/N is a strange girl that's because she's a monster she has 3 friends Arachnid,Grills and...
1.2M 28.5K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
36.8K 1.3K 28
They are the most-sought hot magnates in town with their oozing sex appeal, connections, social and political status and wealth. What most does not d...