The Only Girl In Section D (O...

writestudy

627 48 3

Isang babaeng nag ngangalang Amethyst Jean Serrano na nag-aaral sa University High School. Siya ay palaging l... Еще

The Only Girl In Section D
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 6

32 4 0
writestudy

Amethyst's POV

Linggo ngayon at kagigising kolang. Tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa taas ng pinto. 7:20 na pala. Kaya pumunta na ako sa banyo para maligo.

Wala akong pupuntahan ngayon ah hindi rin ako papasok sa skwelahan, linggo kaya ngayon mag-isip nga kayo.

Hindi kase ako naligo kahapon kaya naligo ako ng maaga ngayon. Chrr!

Eto lang talaga ang routine ko araw araw, hindi gaya ni ano na aabutin pa dalawang araw bago maligo hehe.

Aso koyan.

Nung matapos na akong maligo ay nagpalit na ako at bumaba na.

Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig at nadatnan ko si kuya na nag aayos ng mga plato sa lamesa. Si mama naman ay nagluluto.

Bumaling ang tingin ko kay kuya at tinignan lang ako nito ng masama.

Agang-aga lalabas na naman ang kanyang pagka dragon. Tsk tsk.

"Oh nak gising kana pala kain na tayo."nakangiting saad ni mama at nginitian kolang ito.

Umupo na ako nang mailapag ni mama ang mga ulam sa lamesa.

Si mama narin ang naglagay ng pagkain ko sa plato. Nung una nagtaka ako kase ngayon lang niya ginawa saken to pero nawala rin saglit.

Susubo na sana ako nang biglang may sinabi si kuya na ikinagulat ko.

"Makikipag date kaba?"

Kunot noo akong tumingin kay kuya. Ngayon ay seryoso itong nakatingin saakin.

Saan na naman niya nakuha yung chismis nayan?

"Tsk. Titignan monalang ba ako? I'm asking you. Answer my question."

"Anak."saad ni mama kay kuya.

"Naligo lang ako makikipagdate na?"saad ko na nakakunot ang noo.

"Okay."saad nito at tinuloy nang kumain.

Kakain narin sana ako ulit pero may tinanong na naman ito.

"Boyfriend meron ka?"

Pareho kaming tumingin ni mama kay kuya.

Lasing ba to?

"Kuya, wala"

"Good."

"Bakit ba kase, kung makapagtanong ka daig mopa manliligaw ah."saad ko at umiba naman ang ekspresyon ng mukha ni kuya.

"Wala lang, bake kase may nanliligaw na sayo sa mga bago mong kaklase. Im just worried, baka bigla ka nalang kaseng maging malandi."saad nito at tumngin saakin at tumawa ito ng napakalakas.

Tinignan ko si mama na puno ng pagtataka. Nagkibit balikat lang ito saakin.

Ang weird niya ngayon.

"Ikaw kuya may girlfriend kanaba?"saad ko at bigla nalang siyang tumigil sa pagtawa at nag-ubo ubohan naman si mama na nakangiti.

Hmmm parang may naaamoy ako ah.

Tinignan ko si kuya ngayon na namumutla ang mukha at hindi mapakali.

Tumatawa naman si mama habang umiiling.

"Ehem im done eating."saad ni kuya at umalis na ito at dumiretso sa taas.

Daya non a hindi pa sinasagot ang tanong ko.

"Ma may gifriend na si kuya?"tanong ko kay mama.

"Hahaha oo nak matagal na." Sabi ko nangaba ehh kaya pala hindi mapakali si kuya may gf na pala ang dragon.

Paano kaya lumandi si kuya? Paano nagkaroon ng gf? Tsk tsk. Pumapagibig na pala ang dragon HAHAHA.

Paano naman ako na single parin hanggang ngayon? Sad na tuloy ako jusko. Paano ba naman kase kapag magkagusto ako sa isang tao hindi ako gusto pero kapag yung taong gusto ako hindi ko naman gusto.

Eh pa'no nayan habang buhay na talaga 'kong single oh my gadd. Paano ako magkakaanak nito? Paano ko matutupad ang pangarap kong mag-alaga ng bata na galing saakin?

Mag-ampon nalang siguro ako no o di kaya magiging yaya nalang ng mga bata. Kahit ma stress ka kakaalaga may pera ka naman diba.

Pero mag-aral muna tayo ngayon mamaya nayang jowa jowa kineme nayan sasaktan din naman tayo at paiiyakin niyan.

I-enjoy ko muna ang single life era ko at kakain ng ice cream buong araw. Oh di kaya araw-araw hahahahah.

Tapos na 'kong kumain kaya nagligpit na ako ng pinagkainan namin at nilagay iyon sa lababo at tsaka hinugasan.

Masipag ang kaibigan niyo!

Pagkatapos kong maghugas ay nagpahinga muna ako saglit at uminom ng tubig. Napatingin ako sa sala nang marinig itong nag-riring.

"Maaaaa! May tumatawag!" Tawag ko kay mama.

"Nak! Pakisagot muna, nagtutupi kase ako ng damit! Salamat!"

Napailing nalang ako at kamot ulo akong pumunta sa sala at sinagot ang tumatawag sa telepono.

"Hello?" Walang sumasagot sa kabilang linya kaya naman ay inulit kopa ito pero wala paring sumasagot.

Ibababa ko na sana ang telepono nang   nagsalita ito. Lalaki ang boses nito at halatang kasing edad lang siguro ni mama base sa boses nito.

Dinikit ko ulit ang telepono sa tenga ko at pinakinggan ang susunod na sasabihin nito.

"Hello?"

"A-ah  h-hello? Anak kaba ni Olivia Serrano?"

"O-opo bakit po?" Bahagya itong natigilan at rinig ko ang iyak nito sa kabilang linya dahilan ng pagkakunot ng noo ko.

Hala sinagot kolang naman ang tanong nito a bakit umiyak?

"A-nak-"kumunot ang noo ko dahil hindi ko ito masyadong marinig dahil sa sigaw ni mama kaya nilayo ko muna ang telepono sa tenga ko.

"Anak! Tapos kana ba diyan?! Tulungan mona 'ko dito sa mga tinupi ko dalian mo!"

"Cge ma!"

Dinikit ko ulit ang telepono sa tenga ko at humingi ng paumanhin at tsaka ito binaba.

Parang naging bastos ako don a.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay nadatnan ko doon si mama na tinutupi lahat ng mga damit ko.

Lumapit ako doon at tinulungan siya. Medjo nahihiya pa'ko kase yung mga ibang damit ko ay ang baho na dahil matagal nang nastock sa aparador ko kaya pasimple ko itong kinuha at nilagay sa isang sulok para ilaba mamaya o kaya next year chrr.

Wala akong balak maglaba ngayon kase naglaba naman ako kahapon, pang school ngalang.

"Nga pala, sino yung tumawag. Ang tagal niyong nag-usap a."tanong niya habang nagtutupi.

Bumuntong hininga naman ako at tumayo tsaka binuksan ang aparador.

"Hindi ko kilala, tinanong lang niya  na nanay moba si Olivia Serrano? Tapos umo-o ako at ayun umiyak na."

Biglang natigilan si mama at mukang may iniisip. Kumunot ang noo ko at tinignan ako nito.

"Lalaki ba yun?"nagtaka ako sa tanong nito kaya kumunot ang noo ko.

"O-oo base sa boses niya mukang magkasing edad kayo o parang mas matanda yun?"

"H-hindi ba niya nabanggit ang pangalan niya?"

"Hindi naman ma... ang weird nga niya eh. May sinabi pa siya nung huli pero hindi kona iyon narrinig ng maayos."

Hindi na siya nagsalita at tinuloy nalang ang pagtutupi. Napansin kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya mula nung nabanggit ko yun.

Kilala kaya niya yung tumawag?

Hindi ko nalang pinansin 'yon at nilagay nalang ang mga damit ko sa aparador. Medj maalikabok kaya pinunasan ko muna bago nilagay ang mga damit.

Nang matapos na kami ni mama ay dumiretso na 'ko sa sala para manood ng tv. Pagbukas ko ng tv ay hindi kona ka agad nagustuhan ang palabas kaya pinatay ko nalang.

Pagtalikod ko ay dumaan si kuya harapan ko papunta sa labas habang may kausap sa cellphone.

Kumunot ang noo ko dahil hindi manlang ako nito tinignan. Sinawalang bahala ko nalang ito at umakyat sa taas papunta sa kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto at biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko ito. Nagtaka ako nang mabasa ang nag text sa 'kin.

Unknown number,nang pindutin ko ito ay biglang kumunot ang noo ko dahil sa text nito.

:Unknown Number
'Sa wakas, nakausap narin kita'

Medjo kinilabutan ako doon sa text niya kaya hindi ko nalang iyon tinext.
Hindi kaya siya yung kausap ko kanina sa telepono?

Pero paano niya nakuha yung number ko?












Enjoy Reading!
The Only Girl In Section D.

Продолжить чтение

Вам также понравится

My baby girl Irin jahan Anye

Подростковая литература

426K 12.1K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
639K 57.2K 35
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...
Dance Prodigy (ii) dance-99

Подростковая литература

595K 15.8K 54
(Book Two) At the age of ten, 'Eden-Rose' is now a world renowned name. Watch as she juggles between her growing fame and her personnel life. Dance...
387K 10K 32
Princess Marie, a renowned troublemaker of Paris has entered the Ton. Marriage, children and any prospect of love have always been a 𝘥𝘦𝘵𝘦𝘴𝘵𝘦𝘧...