AT MY LOWEST ( Ongoing )

By heir_05

4.6K 93 29

Experiences, lessons, heartbreak, and grief are all part of life. But when will I be able to live without suf... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16

CHAPTER 8

215 5 3
By heir_05

Nagising ako noong nakaramdam ako ng kiliti sa taenga ko. Inis ko itong tinabig habang nakapikit at sinubsob ang mukha sa unan. Maya maya ay nagpatuloy na naman ito kaya inis akong dumilat at bumungad sa akin ang lalaking nagpipigil ng kaniyang ngiti.

"Finally, you're awake!", tumaas ang isang kilay nito sa akin.

Padabog akong umupo mula sa pagkakahiga. Niyakap ko ang binti ko at yumuko sa tuhod ko, inaantok pa.

"Aga-aga, may peste.", naiiritang bulong ko.

"Get up now.", wika nito.

Inangat ko ang ulo ko at sinamaan ito ng tingin.

"Kung ganito ang laging bubungad sa akin tuwing umaga, mas gugustuhin ko pang hindi nalang gumising.", mahina itong natawa at napailing nalang.

Ako lang ba or madalas na siyang napapangiti ngayon?

"Get yourself ready. You still have work to do.", saad nito at tumayo.

Shit! Oo nga pala. Agad akong bumangon at pumasok sa bathroom. Napahinto ako sa pagpupunas ng buhok ko nang may mapansin sa sarili ko sa malawak na salamin. Agad kong tinignan ang kaliwang kamay ko at nakita ang isang singsing na nakasuot doon.

"Saan galing 'to?", tanong ko sa sarili ko habang tinatanggal ito at pinakatitigan.

There was something engraved inside it.

LUCAS 08-16-20

"Don't tell me this is a wedding ring.", hindi halatang ready sila ah.

Nagmadali akong nagbihis. Sinuot ko ulit 'yung damit na suot ko kahapon noong pumunta rito dahil malinis naman na.

Lumabas ako at nakitang nag-aayos si Lucas ng necktie niya. Tinignan ko ang kamay nito at nakita ang kapares ng singsing na suot ko.

"You put this ring on me?", bumaling ito sa kamay kong may suot na wedding ring. Tumango ito at inangat ang tingin sa akin.

"Always wear that ring.", ani nito at tinapunan ako ng tingin.

"No, I can't. Your employees and other people will see that we have the same ring.... Baka malaman pa nila na ako ang asawa mo na peke.", napairap ako sa hangin. Nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita habang nagsisimula na mag-ayos ng sarili ko.

“I don't know how to explain it to them once they know the truth. They might even think, 'Paano naging sila? Siguro nilandi no'n si Sir'”, I imitated how those 'marites' spoke.

Natawa naman ito sa sinabi ko. Masyado na 'ata siyang masaya sa'kin. Humarap ito sa akin at nagsalita.

“Don't think about what they will say. You know yourself better than they do.”, may point naman siya pero hindi naman maiiwasan ang judgments ng ibang tao.

“Besides, you don't even have to explain it to them.”, I just nodded at what he said and took my things.

“I'm leaving.”, paalam ko dahil dadaan pa ako sa condo ko para magpalit ng corporate attire.

Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo. Napapikit naman ako sa ginawa nito. Kailangan ba 'yon?

Nakakawala ka ng angas, pre.

“Take care, hon!”, napatango nalang ako sa kaniya at lumabas na sa kwarto.

Nadaanan ko pa nga si Ma'am Lauren sa sala at sinabing mag-breakfast daw muna ako pero tumanggi ako dahil papasok pa ako. Pagkadaan sa condo ay dumeretso na ako sa kompanya at nagsimula ng magtrabaho.

“Here's your coffee, Sir.”, I said as I put down his coffee.

“I'm moving into your condo tonight. All my stuff is ready. I'll just drop by the house later to pick it up, and then I'll go straight to your place.”, wika nito habang nakatutok ang mata sa laptop.

“Ha?! Wait, hindi pa ako nakakapag-ayos sa condo.”, nabigla naman ako, bakit agad-agad?!

“Let me help you, then.”, he said casually.

“Huwag na, Sir.”, I refused, but he insisted.

Nauna na ako umuwi sa kaniya pagtapos ng working hours. Binilisan ko ang pag-aayos sa closet at nagtira ng kalahating espasyo para sa mga gamit ni Sir Lucas.

Agad kong binuksan ang pinto ng may nag-door bell. Bumungad sa akin si Lucas na may dalang mga maleta. Tinulungan ko itong ipasok lahat. Inabot na kami ng hating gabi sa pag-aayos.

Pabagsak akong nahiga sa kama at niyakap ang isang unan. Hindi ko namalayang nakatulog na'ko dala ng pagod.

Kinabukasan ay nagising ako noong tumunog ang alarm ko, inabot ko ito at kinapa gamit ang kamay ko habang nakapikit. Pinatay ko ito at nag-inat ng katawan.

Umupo ako at ginala ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Tumayo ako at inayos ang pinaghigaan ko. Pumasok na ako sa bathroom para maligo at mag-ayos.

Nagulat ako noong nakita ko si Sir Lucas na nagsu-suot ng white polo niya. Hindi ko maiwasang mapatingin sa katawan nito. Gwapo siya at ang ganda rin ng hubog ng katawan.

“How's your sleep?”, napalunok ako at agad na umiwas ng tingin noong magsalita ito. Mamaya makita pa ako nitong nakatingin at isiping pinagnanasahan ko pa siya. Hindi naman.

Bigla kong napagtantong nakasuot lang pala ako ng bathrobe noong naupo ako sa vanity chair at naharap sa salamin. Nakalimutan kong may kasama na pala ako rito sa condo.

“Ah..Okay naman.”, nakita ko ang repleksyon nito sa salamin na dumako ang paningin nito sa akin. Bigla akong nabalot ng hiya nang bigla itong mag-iwas ng tingin nang makita ang suot ko.

“Oh, I see.”, wika nito at nagpatuloy sa pagbibihis.

Kusang lumapit ang mga paa ko palapit rito nang makitang magt-tie ito. Kinuha ko ang necktie sa kamay niya at inayos ito sa polo niya. Nakita ko ang paggalaw ng lalamunan nito habang mariin na nakatitig sa akin.

Napatigil ako sa ginagawa ko noong hawakan ako nito sa beywang. Napatikhim ako at nagpatuloy sa ginagawa ko na parang hindi naapektuhan sa paghawak niya.

“Okay na.”, agad akong lumayo sa kaniya. Umupo akong muli sa vanity chair at nagsimula nang mag-ayos ng sarili.

“Thanks, hon!”, lumapit ito sa akin. Hinalikan nito ang ulo ko kahit nakatalikod ako sa kaniya at nakaharap ako sa salamin.

“I've already prepared breakfast. Just go to the kitchen when you're done.”, napatango nalang ako rito.

Nakahinga ako nang maluwag noong lumabas na ito. Napahawak ako sa pisngi kong nag-iinit at namumula. Ang aga aga naman kasi, bakit naman gano'n.

“You know how to cook.”, napahanga ako nang makitang may nakahanda na nga na pagkain sa table.

“Yeah.”, kaswal na sagot nito.

“The woman you'll marry will be so lucky to have you as her husband.”, I smiled at him.

I won't deny it, but he is really ideal. He's good-looking, tall, and rich, and I could say that he also cares about his future wife because of the treatment he shows me even though it's just the two of us, even though we're not really married.

It's just that, masama ugali niya. Pero malay ko naman baka may tinatago rin 'tong kabaitan.

“You are lucky, then.”, he looked at me as the corner of his lips rose up.

Napaismid naman ako sa sinabi nito. Bukod pala sa masama ang ugali niya, masyado rin siyang mahangin.

“As if naman na pakasalan kita.”, napairap ako rito at umupo na.

“We are already married, hon.”, tinaasan pa ako nito ng kilay at pinapigilan ang pagsilay ng ngiti niya sa labi, halatang nang-aasar.

“Fake lang 'yon, duhh!”, maarteng tugon ko rito.

Kumain na lang ako at hindi ito pinansin. Nababanas lang ako, pinuri mo na nga tapos ang hangin pa.




“Hoy, balita? tahimik mo ngayon ah.”, napalingon ako kay Louise noong lumapit ito habang naglalakad ako papunta sa bakanteng lamesa sa loob ng cafeteria.

“Ano'ng ginagawa mo rito?”, tanong ko.

“Malamang kakain, ano ba ginagawa sa cafeteria, mamasyal?”, pilosopong sagot nito.

“Malay ko ba. Tinalo mo pa kaya si dora, kung saan-saan punta nang punta.”, pag-irap ko habang binubuksan ang binili kong pagkain.

“Grabe. So, ano na?”, tanong nito at umupo sa harap ko.

“Wala, busy lang ako sa mga ginagawa ko.”, sagot ko habang kumakain.

Ayokong sabihin sa kaniya ang nangyayari sa ganap sa buhay ko ngayon. Napag-usapan na rin kasi namin ni Lucas na huwag na namin ipaalam kahit sa mga kaibigan namin.

Tinignan ko ito nang tumango-tango lang ito at uminom.

“Anyare sa'yo?”, balik tanong ko rito.

“Naiirita ako.”, kunot noong sagot nito, iritado.

“Bakit?”,

“Ang kulit. Akala ko hindi na magk-krus landas namin no'n, akala ko lang pala. Lagi akong pinupuntahan tapos ngayon alam na rin condo ko. Hindi ko alam kung ano na gagawin ko.”, kwento nito na problemadong-problemado, nakapangalumbaba pa.

“E'di sabihin mong tigilan kana kung ayaw mo naman talaga sa kaniya.”, sabi ko naman.

“Siz, ilang beses ko na sinabi. Pero ayaw talaga akong tantanan.”, hindi ko alam kung maaawa ba ako sa kaniya o matatawa dahil parang mangiyak-ngiyak na hindi alam ang gagawin.

“E'di—”, napahinto ako sa pagsasalita nang dali-dali itong nagtago sa ilalim ng lamesa.

“Itago mo'ko, pls. May peste.”, natatawa ko itong tinakpan nang makita ang dahilan kung bakit ito nagtatago.

Inayos ko ang sarili ko noong lumapit sa akin si Sir Czek. Kaswal lang akong kumain na parang wala akong tinatago sa ilalim.

“Hi!”, ngumiti ito sa akin paglapit.

“Hello po, sir! May need po ba kayo or gusto niyo po bang makausap si Sir Lucas?”, umiling ito.

“Nope. Ahmm...Nakita mo ba si ano..”, hindi nito matuloy ang sasabihin.

“Sino po?”, tanong ko ulit. Gusto kong matawa kay Louise na tinutusok-tusok ako sa ilalim pero pinipigilan ko.

“The Head of Marketing Department, Miss Forteza, did you see her?”, kumapit na si Louise sa binti ko nang marinig ang boses nito na hinahanap siya.

“Oh, Si Ms. Forteza...Kalalabas lang po niya rito, hindi po ba kayo nagkasalubong?”, maang-maangan ko.

“Nope. Okay, thank you!”, nagmadali agad itong lumabas ng cafeteria.

Nakahinga nang maluwag si Louise nang makaalis na si Sir Czek. Nagpagpag ito ng damit pagkatayo at nagmadaling kinuha ang gamit niya.

“Tsngjna talaga, alis na ako baka bumalik pa.”, natatawa nalang ako sa kaniya.

“May utang ka sa'kin, siz. Libre mo lang ako food, okay na sa akin 'yon.”, dagdag ko, pang-aasar sa kaniya.

“You still have my card, buy whatever you want.”, wika nito at umalis na.

Perks of having a rich kid friend.




———————————————————————
Enjoy reading!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 98.1K 39
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
1.1M 28K 45
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
313K 25.3K 15
MY Creditor Side Story ပါ။ Parallel Universe သဘောမျိုးပြန်ပြီး Creation လုပ်ထားတာမို့ main story နဲ့ မသက်ဆိုင်ပဲ အရင် character ကို ရသအသစ် တစ်မျိုးနဲ...
1.6M 73.8K 76
မာဗာရစ် + ခွန်းညီလွန်းရန် ( 8.9.2023)