The New Hot Professor Is My F...

By yoURgreateSt_fear

14K 386 7

Zarniah is a sweet best friend and a loving partner to his boyfriend. She didn't know that her best friend an... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 3

477 13 0
By yoURgreateSt_fear

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 3)

Clint Del Valle

Zarniah's POV

Nang uwian na lumabas na agad ako ng room namin. Malapit nako sa gate ng makita ko yung likod ng pamilyar na lalaki.

Napangiti naman ako ng may maisip na kalokohan.

Lumapit ako sa kinaroroonan niya.

"Yes Dad. I'll be there in 30 minutes. Pauwi nako."

Nang malapit na talaga ako sa kanya binangga ko siya ng malakas.

Tumilapon naman yung phone niya.

"Ayy sorry. Hindi ko sinasadya. Nakaharang ka kasi sa daan eh." Naka ngiting sabi ko sa kanya.

Hindi niya ko sinagot at yumuko nalang siya para kunin niya yung phone niya.

Seriously? Ang weird niya talaga. Wala man lang ka emo emosyon yung mukha niya.

Nang makuha na niya yung phone niya tiningnan niya lang ako sa blangkong expression.

"Sorry ulit ha? Hindi ko yun sinasadya."

Tanga mo pag naniwala ka HAHAHA.

Bahagya namang tumaas yung sulok ng labi niya. Yawa ang gwapo tingnan nun. Wait? What? Gwapo? Mali! Ang panget pala tingnan!

Tumalikod na siya sakin at nag umpisa ng mag lakad.

Abat! Tinalikuran nanaman ako? Aishhh!

Nag lakad nalang din ako papunta sa kotse ko. Naalala ko pala na may lakad pa kami nina Mommy.

Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot na yun pauwi.

Nang maka uwi nako nadatnan ko sina Mommy at Daddy sa Sofa na naka upo. Nakabihis na sila. Mukhang inaantay nila ako.

"Hi Mom. Hi Dad." Lumapit ako sa kanila at kiniss sila sa both cheeks.

"Ang aga naman ata Mom? Dad? Naka bihis na agad kayo?" Tanong ko sa kanila.

"6:00pm kasi yung time na napag usapan Niah." Sabi ni Daddy.

Kaya naman pala.

"Andun na sa taas yung damit mo. Nahanda kona. Mag bihis kana dun at pag ka tapos mo tawagin moko para maayusan kita."

Tumango naman ako kay Mommy at umakyat na ng kwarto ko.

Pag dating ko sa room ko nakita ko yung damit na susuotin ko na nakalapag sa kama ko. Para siyang cocktail na kulay red.

Nag half bath na muna ako at pag katapos nun ay nag bihis na. Tinawag ko naman si Mommy at umakyat siya dito sa room ko.

Inayusan naman agad ako ni Mommy. Nilagyan niya ako ng light make-up at yung curl ko na buhok pina straight niya. Pinalitan niya yung earrings ko at nilagyan ako ng necklace.

Pinasuot naman sakin ni Mommy yung kulay red din na sandal. Mukhang 3 inch yung haba nun. Ok na 'to.

"You look so pretty baby." Pambobola ni Mommy ng matapos na siyang eh retouch ako.

"Thank you Mom."

Ngumiti naman si Mommy sakin.

"Let's go? Nag aantay na yung Daddy mo sa baba."

Tumango naman ako at bumaba na kami ni Daddy.

"You look so gorgeous my princess." Naka ngiting pambobola din ni Daddy.

Nginitian ko naman si Daddy.

"Let's go? Your fiance is waiting for you."

Tumango nalang ako at sabay kaming tatlo na lumabas ng bahay at sumakay na sa kotse. Si Daddy yung nasa driver sit at katabi niya si Mommy. Ako naman nasa back sit.

*At The Restaurant*

Nang makarating na kami sa sinasabing restaurant bumaba na agad ako ng kotse.

Pumasok kami sa loob ng restaurant at konti lang yung tao. Siguro dahil sa pang mayaman lang talaga yung restaurant na 'to.

"Andiyan na nga sila." Nakangiting sabi ni Daddy.

Tumingin naman ako sa tinitingnan ni Daddy at nakita ko yung dalawang tao na naka upo. Siguro ka age lang sila ni Daddy at Mommy.

Lumapit naman kami sa kanila.

"Good evening partner." Bati ni Daddy sa lalaki.

Tumayo naman silang dalawa sa upuan nila.

"Good evening." Bati sa kanya pabalik nung ka partner niya.

Si Mommy naman nakipag beso beso dun sa kumare niya.

"Good evening po Tita,Tito." Naka ngiting bati ko naman sa kanila.

"Good evening iha. So, your Zarniah?"

"Ahh opo hehe."

"You look so gorgeous. Mana ka talaga sa Mommy mo." Ani nung babae.

"Ayy thank you po." Ano baaa. Lumalaki yung ulo ko eh HAHAHA.

Tumingin naman ako sa gawi ni Mommy at nakita kung naka ngiti siya ng malapad. Ayy? Gustong gusto talaga ni Mommy na sinasabihan siya ng maganda.

"BTW iha, I'm Ciara Del Valle. And this is my husband, Clifford Del Valle." Pag papakilala ni Tita Ciara.

Tumango nalang ulit ako at ngumiti.

"Have a sit." Naka ngiti namang alok nung lalaki.

Umupo naman kaming lima.

"Where's your son?" Tanong ni Daddy.

"Nag bathroom lang siya saglit." Sagot naman ni Tita Ciara.

"Ohh I see. Siguro let's take our orders muna habang inaantay natin siya." Suggest naman ni Mommy.

Nagsi tinginan naman sila sa menu nila kaya tumingin nadin ako sa menu para makapili ng ma oorder ko.

"Andito na pala siya." Sabi ni Tita Ciara. Naka takip yung menu sa mukha ko kaya binaba ko muna yun.

Nanlaki naman ako sa nakita ko. S-Seriously? Siya? Siya talaga? Wala na bang iba?

"Good evening Tita Zainah. Good evening Tito Zander." Naka ngiting bati niya sa Mommy at Daddy ko. Yawa ang kyut niya kapag ngumingiti. What?! Did I say that? No! Hindi siya kyut!

"Good evening iho." Nakangiting bati pabalik sa kanya ni Mommy at Daddy.

Bumaling naman siya sakin. Yung kaninang naka ngiti niyang mukha, ngayon wala ng ekspresyon. Napa irap nalang ako sa kanya. Ano naman kung hindi siya naka ngiti sakin?

"Zarniah iha. This is Clint Del Valle. Our one and only son and your future husband. Clint this is Zarniah Fortalejo. Your future wife." Pag papa kilala samin ni Tita Ciara.

Nag init naman yung mukha ko sa sinabi ni Tita Ciara.

"Hi Zarniah. Nice to meet you." Sabi niya na wala pading reaksyon yung mukha. Nilahad niya yung kamay niya sakin para makipag shake hands.

Tinitigan ko lang yung kamay niya. Should I accept it? Pero pag nakipag shake hands ako sa kanya it means na pumapayag ako na maging future wife niya. No way! Sa lalaking to? Eh hindi naman nag sasalita yan eh! I mean nag sasalita nga siya pero tipid naman. Eh pano nalang kung mag sama na kami sa iisang bahay? Mapapanis ata yung laway ko niyan dahil wala akong may makaka usap. Buti sana kung may butiki dun at yung butiki nalang yung kakausapin ko.

"Zarniah accept it. Nag aantay si Clint. Baka nangangalay na yung kamay niya sa kaka antay sa pakikipag shake hands sayo." Bulong ni Mommy sakin.

Tumingin ako kay Mommy at nginitian niya ako. Tumingin naman ako kay Clint at nakita kung wala pading expression yung mukha niya.

Umangat naman yung kamay ko at nakipag shake hands sa kanya. Ang lambot ng kamay grabe. Pero teka? Bat ako nakikipag shake hands sa kanya? May sarili atang utak yung kamay ko eh.

Binawi ko agad yung kamay ko sa kanya at umiwas ng tingin.

"I think the both of you need a time to know each other. Dito na muna kayong dalawa at ng makapag usap kayo." Naka ngiting sabi ni Tita Ciara.

What? Iiwan niyo kami dito? Ng kaming dalawa lang? Sino kakausapin ko dito? Yung plato?

"Tita hindi naman po yun kailangan eh." Singit ko naman.

"Kailangan yun baby. Nandun lang kami sa kabilang table. Pag balik namin dapat ok na kayo. Is that clear?" Hindi ko alam kung nang uutos ba si Momm dahil sa tono ng boses niya.

Nakita kung tumango si Clint kaya napilitan nalang din akong tumango. Wala narin naman akong may magagawa eh.

Umalis na sila ni Mommy at lumipat sa ibang table. Walang may nag sasalita sa aming dalawa.

"Ilang taon kana?" Nagulat naman ako sa biglang pag tanong niya.

"20." Walang ganang sagot ko.

Tumango tango naman siya at hindi na ulit nag salita. Kinain ko nalang yung in order ko kanina na lasagna.

Nahuli ko naman siyang naka titig sakin. Bahagya namang napataas yung kilay ko sa kanya.

"Bakit moko binangga kanina?" Tanong niya ulit.

"Hindi ko yun sinasadya."

"At sa tingin mo maniniwala ako?"

"Aba! Malay ko sayo kung maniniwala ka o hindi. Ikaw naman yung nauna eh."

"That was accident. Nag mamadali kasi ako kanina kaya hindi kita nakita."

"Accident? Hindi ka man lang nag sorry sakin." Inis na sabi ko.

"Binangga moko kanina. So, quits na tayo."

"Nag sorry ako kanina."

"Tumilapon naman yung phone ko."

"I don't care! Mag sorry ka sakin!"

"And why should I?"

"Dahil sumakit yung noo ko kanina! Muntik na akong mag ka bukol!"

"Ayoko." Pag mamatigas niya.

"Mag sorry ka sabi!"

"Ayoko!"

Ayaw mo ha? Inapakan ko yung paa niya sa ilalim ng mesa.

"Awww!" Reklamo nito. Agad niya naman akong tiningnan ng masama.

"Ano? Mag sosorry ka o hindi?"

"Bakit mo ginawa yun?"

Ayus to ah. Sinagot yung tanong ko ng tanong din.

"Ayaw mong mag sorry eh." Sabi ko sa mapang asar na tono.

"Mag sorry ka." Utos niya.

"Ayoko din nga."

"Sabing mag sorry ka. Masakit kaya yun!"

Nyenyenye. As if I care? Masakit din kaya noo ko kanina. Nag sorry ba siya? Hindi diba?

"Ayoko sabi! Bahala ka diy---"

"Ok na ba kayo?" Naka ngiting tanong ni Mommy. Andito na pala sila.

"Opo Mom. Ok na ok po kami. Ang saya niya ngang kausap eh." Nakangiting sabi ko.

"Talaga? Sounds good." Komento din ni Tita Ciara.

Tumingin ako kay Clint at nakita kung hindi maipinta yung mukha niya. HAHAHA. Buti nga sayo.

"Dahil ok nadin naman kayo it's time for us to say bye." Sabi ni Tito Clifford.

"Mauna na kami Mare." Sabi naman ni Tita Ciara.

"Sige Mare. Mag ingat kayo."

Tumango naman sina Tita Ciara at Tito Clifford.

"Bukas ka sakin sa school." Bulong ni Clint sakin.

Inirapan ko lang siya.

"Mauna na po kami Tita Zainah, Tito Zander." Paalam niya kina Mommy at Daddy.

Tinanguan naman siya ni Dad at nag lakad na sila palabas ng restaurant. Nung maka alis sila umalis nadin kami.

Continue Reading

You'll Also Like

504K 13.1K 36
Madaming nag sasabi na perfect na daw buhay ko, lagi nilang sinasabi na "Xandra ang perfect mo, perfect ng buhay ko at ang swerte mo" pero sa kabila...
96.2K 6.3K 48
❝ᴇⁱᵈᵉⁿ, ɪ'ᵐ ʲᵘˢᵗ ⁿᵒᵗ ⁱⁿᵗᵒ ʸᵒᵘ..❞ Two months after Eiden vanished from work, M/n , his unenthusiastic coworker was left with the work load and somehow...
194K 4.8K 62
What if your professor became your husband? And this man you have admired for a very long time? But he doesn't seem interested in you because he's a...