Chapter 15

308 11 0
                                    

The New Hot Professor Is My Future Husband: (Chapter 15)

Clint's POV

Nang makaalis na kami ay sa bahay nila Niah ang deretso namin. Niah is so gorgeous. Hindi maalis yung tingin ko sa kanya. I admit it. I like her. I don't know how but I just realized one day that I like her. Gusto ko araw araw ko siyang nakikita. Gusto ko palagi kaming mag kasama.

"Mommmyyyy!!! Daddyyy ayokoooo huhu!"

Sigaw ni Niah. Pagkarating namin sa bahay nila, may Van na sa labas ng gate nila. Yung laman daw non ay mga damit namin ni Niah dahil sa bahay na pinagawa na nila kami titira.

"Baby sige na. Nag hihintay si Clint."

"Mom ayaaaww!"

Natawa ako sa mukha ni Niah. Bigla kasi siyang nag pa cute sa Mommy niya.

"Stop it Niah. You'll go with Clint." Daddy Zander said.

"No Dad! Ayokong umalis dito. Ayaw niyo na ba sakin? Hindi niyo na po ba ako love?''

Nagpapa kyut talaga siya HAHHAAHA.

"Pfttt HAHAHAHA." hindi kona mapigilan eh. Natatawa na talaga ako.

Nilingon naman ako ni Niah.

"Why are you laughing?" Taas kilay niyang tanong sakin.

Umiling naman ako habang nag pipigil parin ng tawa.

Inirapan niya naman ako.

"C'mon baby. Tara na sa Van. Ngayon na yung honeymoon niyo. Sa Palawan ang venue. Kami na ang bahala sa mga damit niyo."

"Mommy." Nag papa kyut parin si Niah.

"No Niah. Hindi mo ako madadala diyan. Go na."

Ngumuso naman si Niah.

Hinatid na siya ni Mommy Zainah sa Van na sasakyan daw namin papuntang Palawan.

"Clint take care of Niah ha?"

"Sure Mommy."

"Thank you. 1 week lang naman kayo dun."

Tumango naman ako.

"Ingat kayo."

Nginitian ko si Mommy Zainah at sumakay narin sa Van.

Nang maka pasok ako naka nguso parin si Niah.

Natawa nalang ulit ako.

Maaga kaming nakarating sa Palawan. Sobrang namangha talaga si Niah sa ganda nito. Parang hindi lang nag paawa kanina sa parents niya na wag siyang paalisin sa bahay nila eh.

Nandito kami ngayon sa cottage na kinuha ng mga parents namin. Lahat talaga naka plano na. May mga damit narin kami dito. Ang malala dahil isang kwarto lang ang laman ng cottage. Hindi ko alam kung pano kami nito mamaya pag natulog na kami. Siguro sa sahig nalang ako matutulog.

"Clint pasyal tayo?" Naka ngiti at excited na pag aya ni Niah sakin.

Napapa ngiti talaga ako pag naka ngiti din siya.

"Woy Clint! Tulala ka diyan? Sobrang ganda ko no? HAHAHA." Humagalpak siya ng tawa.

"Oo. Sobrang ganda mo." Naka titig parin ako sa kanya.

Bigla namang namula yung mukha niya. She's always blushing.

"Heh! Bolero! Tara na kasi. Mamasyal tayo." Sabi niya habang naka iwas ng tingin sakin.

The New Hot Professor Is My Future HusbandWhere stories live. Discover now