Dazed

By CallMeHanne

124 7 0

Precinto Uno Chronicles #1 Dinaig pa ni Detective Alexander de Gracia at Detective River Aguas ang pagiging a... More

Chapter 1: Say her name.
Chapter 2: Salungat
Chapter 3: Langis; tubig.
Chapter 5: Hassle

Chapter 4: Mga Bunga

11 0 0
By CallMeHanne

Her side.

"San Martin Police Department. Itaas ang kamay," utos ko sabay diin ng nguso ng baril sa batok ni Dean Diaz. Ramdam ko ang kaba at paninigas ng katawan niya. Dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang mga kamay.

"Pano niyo nalamang ako si Dean Diaz?" tanong niya na siya ring patunay sa lahat ng mga hinala ko.

"Hindi ko sinabing alam ko yun," sagot ko. Napatingin ako kay Alexander. Tsk. "Detective," tawag ko sa kanya. Ngunit nakatingin lamang siya sa akin na may blangkong ekspresyon.

Alam ko ang ibig sabihin nun. Gusto niyang arestuhin si Ortega. Pero hindi maaari. 'Wag muna. Umalingawngaw ang katahimikan. Natuod ang lahat.

Sa isang iglap, biglang tumakbo si Ortega at akmang susundan ito ni Alexander.

"Detective!" muli kong tawag ngunit sinamantala ito ng mga kasamahan ni Dean Diaz at sabay-sabay silang tumakbo sa aking gawi.

Alam kong hindi kami pinahihintulutang magpalabas ng bala hangga't maaari ngunit kinabit ko ang gatilyo at nagpalabas ng tatlong warning shot. Napayuko ang lahat maliban kay Ortega na nagpatuloy lamang na tumakbo sa may likod ng building at kay Alexander na nakatitig sa akin.

Pumasok ang aming backup at si Alexander ay nakatingin pa rin sa akin... nangungusap ang mga mata. Siguro'y humihingi ng patawad. Ngunit lalo lamang lumalim ang galit ko sa kanya.

●●●

Nang makalabas mula sa presinto nung gabing 'yon ay agad kong hinabol si de Gracia saka walang anu-ano'y nagbato ng suntok. Tumama ang kamao ko sa bibig niya at natumba siya sa lupa. Tumulo ang dugo sa sulok ng kanyang bibig.

"River!"

"Aguas!"

'Di ko pinansin ang mga palahaw ng squad member at superior officer ko, bagkus ay madiin kong hinawakan ang kwelyo ni de Gracia at tumingin sa mga mata niya na puno ng kung anong emosyong hindi ko matukoy.

Ang kapal ng mukha. 

"Alam kong simula nung unang araw natin dito ay hindi na tayo magkasundo," gigil kong sabi. "Pero hindi ko naman inakalang iiwan mo akong nakatali ang mga kamay sa isang buy bust operation." At hindi lang 'yon! Kung hindi siya tumatanggap ng suhol mula sa mga motorista, sana'y hindi siya nakilala ng babaeng 'yun. 

Dalawang pares ng mga kamay ang nagtanggal ng hawak ko mula sa kanya.

"Tama na!" sigaw ni Sergeant Lara. "Ano ba talagang nangyari?" Narinig nga nila ang usapan kanina sa intercomms na suot namin pero maingat si Ortega. Hindi niya ipinakilala ang sarili niya.

Maski sa pananalita niya kanina, hindi mo matukoy sa pakikinig lang ang tungkulin niya sa transaksyong 'yun. Andun nga siya pero parang... parang multo.

Tinignan ko si de Gracia. Napatitig siya sa akin saka pinunasan ang dumurugo niyang bibig.

"Andun si Ortega kanina," sabi niya.

"Ano?" agad na sagot ng Sergeant. "Bakit hindi mo sinabi sa briefing? At wala 'yun sa report mo!" Napatahimik si de Gracia. Nakatingin lamang sa lupa habang nilalaro and dila sa maliit na hiwa sa sulok ng kanyang labi.

Malamang ay nagdadalawang-isip na sabihin ang totoong nangyari. Muli kong ikinuyom ang kamao ko. Nang mukhang ayaw na niyang magsalita ay pinangunahan ko na.

"Hindi niya rin sinabi kanina na nung nagkatutukan ng baril, tumakas si Ortega at nagtangka siyang sundan ito, habang nakatali ang mga kamay ko kay Dean Diaz at sa mga alipores niya."

"Lex, iiwan mo si River sa gitna ng isang shootout?" 'di makapaniwalang sabi ni Nuri. Hindi nakaimik si de Gracia. Umalingawngaw ang katahimikan at nang umihip ang hangin ay halos magulantang kami.

"Oo naman," sabi ko, 'di sinasadyang nabasag ang boses. Saka ko lang rin napagtanto na bukod sa galit na nararamdaman ko, andiyan rin ang takot. Binalot ako ng kahihiyan at galit sa sarili. Mga mahihina lang ang umiiyak. Hindi ako mahina. Tumikhim ako.

"Hindi ako magfa-file ng official complaint kasi kahit papano'y pinapahalagahan ko na nasa iisang squad tayo," sabi ko kay de Gracia, "Pero kung maaari, Sarge, 'wag niyo na kaming bigyan ng iisang assignment," sabi ko kay Sergeant Lara.

"Magandang gabi," paalam ko sa hangin.

Pagkagising ko kinabukasa'y napasapo ako sa aking noo. Totoo nga ang sinasabi nilang nasa huli nga ang pagsisisi. Muling bumalik sa isip ko ang mga pangyayari kagabi. Dumagsa na parang alon ang mga emosyong naramdaman ko.

Takot. Galit. Lungkot. Syempre bumalik rin sa isipan ko ang lahat ng mga sinabi ko. Agad akong napaupo mula sa aking pagkakahiga.

Gagi! Pano kung matangggal ako sa trabaho?!

Teka lang, kalma ka lang, River. Wala pa namang nasisante sa pagiging pulis dahil sa pagsusuntukan, 'di ba? Tama. Dahil normal lang 'yun. Tama. Pero hindi lang kasi 'yun ang problema. Inutusan ko 'rin ang sergeant kagabi.

Pero kung maaari, Sarge, 'wag niyo na kaming bigyan ng iisang assignment.

Parang sasabog na sa kaba ang dibdib ko. Agad akong naligo, nagbihis at nagsipilyo; saka dumaan na rin sa Dunkin para bumili ng peace offering sa aking superior officer.

"Sarge, good morning po," sabi ko sabay dahan-dahang inilapag sa mesa katabi ang gabundok na manila folders, ang isang dosenang donuts na binili ko.

Sa gitna ng komosyon sa loob ng Presinto Uno, sa kabila ng mga parokyanong naghahangad ng hustisya, tinignan lang ako ni Sergeant Lara na para bang pinag-iisipan niya kung anong parusa ang ibibigay niya sa akin.

Babalatan niya ba ako ng buhay? O isa-isang bubunutin ang ngipin ko na walang anesthesia? O paulit-ulit na dudurugin ang hinliliit ko sa paa? Napalunok ako.

"Uy, good morning, sexy," biglang singit ni Nuri sabay bukas sa box. Agad kong pinalo ang kamay niya saka tinulak ang box papalapit kay Sergeant Lara. Sumimangot si Nuri saka umalis. "Grabe naman, nanghihingi lang—" rinig kong reklamo niya. Muli akong napatingin sa sergeant ko.

"Detective Aguas, samahan mo 'ko sa briefing room." Ayan na nga, mukhang kailangan ko nang magpaalam sa lahat ng mga ambisyon ko sa buhay.

"Hindi ko nagustuhan ang inasal mo kagabi, detective," bungad niya sa aking pagpasok. Sinarado ko ang pintuan saka umupo sa tapat ng Sergeant. "Ganon na lang ba kalaki ang galit niyo sa isa't isa at nawawala na lang ang respeto niyo sa 'kin?"

"I have no excuses, Sergeant," madamdamin kong sabi. "Tatanggapin ko ho ang kahit anong parusa—"

"Nire-require ko kayo ni de Gracia na pumunta sa couples' therapy sa loob ng tatlong buwan." Natahimik ako. "At simula bukas, partners na kayo ni de Gracia sa lahat ng assignments na ibibigay ko. Kasi inutusan mo 'kong wag gawin 'yun kagabi," tuloy ni Sergeant Hen sabay kindat.

"Pano kung bigyan niyo na lang po ako ng sanction?" alok ko. Nagulat ako ng tumawa nang pagkalakas-lakas ang Sergeant. Nasira ko ata siya.

"No, of course, not!" bulyaw niya sabay punas sa gilid ng mga mata. "Isa ka sa mga pinakamagaling kong detective, magkakagulo ang presinto pag wala ka..."

Naramdaman ko namang uminit ang mga pisngi ko. Pambihira. Siguro sinasabi niya lang yung para mapapayag ako pero magsisinungaling ako kung di ko aamining kinilig ako sa sinabi ng Sergeant, na siyang hinahangaan ko.

"...kayo ni de Gracia." Napabusangot ako sa dinugtong niya. "Kaya pano na lang kung magtulungan kayo? Siguradong mas marami kayong maisasarang kaso." Kinagat ko na lang ang dila ko. Pano kung ayaw ko?

"Well, kung pagkatapos ng tatlong buwan ay 'di pa rin kayo magkasundo, itatali ko kayong dalawa sa isa't isa at ililibing ng buhay," sabi niya na may nakakakilabot na ngiti. Nagsitayuan ang balahibo ko. Napatingin siya sa 'kin.

"Nagbibiro lang ako," sabi niya sabay hampas nang mahina. Pero sa totoo lang ay hindi ko alam kung maniniwala ako sa kanya.

"Ang totoo, kung hindi pa 'rin kayo magkasundo pagkatapos ng tatlong buwan ay ililipat ko kayo sa magkaibang units. Ilalagay kita sa cyber crime at sa special victims naman si de Gracia. Tutal ay sira naman na ang squad dahil sa pagbabangayan niyo." Muli akong napalunok. Ang daming pinaparating ng mga litanya niya. Hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Well, detective. Marami pa akong gagawin. Ang laking abala ng away niyo ni de Gracia. Mga bwisit kayo," ngingiti-ngiti niyang sabi.

Continue Reading

You'll Also Like

259K 3.7K 30
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
180K 20.3K 55
#Book-2 of Hidden Marriage Series. πŸ”₯❀️ This book is the continuation/sequel of the first book "Hidden Marriage - Amazing Husband." If you guys have...
1M 47.8K 28
1950s. ***Story contains mature scenes and Hindi phrases in initial chapters which are not translated in english*** Abhigyan Singh, a Sarpanch of the...
1M 97.7K 40
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐀 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 π‘πšπ­π‘π¨π«πž π†πžπ§'𝐬 π‹π¨π―πž π’πšπ πš π’πžπ«π’πžπ¬ ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...