The Thousand Of Ways (Reclam...

By Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... More

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 15

16 4 0
By Bubblemiiint

The two weeks vacation in Romblon is ended. Pero kahit maiksing panahon lang yon ay sinulit ko ang pansamantalang pananatili ko sa Diva Resort. Doon ako nagcelebrate ng pasko at bagong taon kaya masasabi kong naging masaya naman dahil nakasama ko si Tita Lilian.

Nang makauwi na ako ng Manila ay inaasahan kong si Terrence ang susundo sa akin sa airport kaya ngumiti at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Sobrang miss na miss ko na siya dahil mahigit dalawang linggo kami hindi nagkikita at puro text at tawag lang ang nagagawa namin.

And finally nandito na siya at kasama ko pa ngayon!

"Miss na miss kita..."nangingiting sabi ko sa kanya. Di ko pa rin pinuputol ang yakapan namin ,"Ako ba namimiss mo?"

He smiled to me and kissed my forehead ,"I really really miss you."

Lumawak ang ngiti ko. Mahirap din sa akin na mahigit dalawang linggo kaming nagkalayo dahil ever since na nakilala ko siya ay palagi akong nasasanay sa presensya niya. Although busy naman talaga siya sa buhay niya dahil nag aaral nga pero nagagawa ko naman siya bisitahin sa condo niya kung gugustuhin ko. Pero iba kasi nung pumunta ako ng Romblon talagang nagkalayo kami at siya naman ay wala sa pilipinas.

"I think kailangan na natin umalis dito ,"umalis siya sa pagkakayakap sa akin pero ang mga mata niya ay nakatitig pa rin ,"Nagluto ako ng favorite filipino food mo sa condo ko kaya kailangan na natin umuwi agad para matikman mo ulit yung favorite mo."

My eyes widened. Really? pinaglutuan niya ako?

"Tamang tama nagugutom na rin ako!"I giggled ,"Di ko tatanggihan ang niluto mo! You know ,mas ginaganahan ako kapag ikaw ang nagluluto!"

He smiled again. He took my duffelbag so all I did was hold on to his arms as we left to the airport. Nakasakay na kaming dalawa sa kotse niya kaya sinimulan na niya paandarin yon para makarating agad kami sa kanyang condo.

Nang makarating na nga kaming dalawa sa condo niya ay nakita ko nga ang dalawang filipino dish na hinanda niya para sa akin. Naamoy ko pa lang ay takam na takam na ako. Nauna na akong pumwesto sa hapag kainan dahil si Terrence ay nilagay niya muna ang mga gamit ko sa sofa niya.

"Faster na! nagugutom na ako!"pagmamadali ko sa kanya habang nakatingin ako sa hinanda niyang mga pagkain.

"Wait!"sigaw niya kaya kagat labi ako habang hinihintay siya.

Nang tumungo na nga siya sa dining area ay siya na ang nagsandok ng kanin ko kaya ngiting ngiti ako habang pinagmamasdan siya kung paano niya ako pagsilbihan. Husband material si Terrence talaga kaya ang swerte ko naman kung sakali siya yung makakatuluyan ko talaga dahil may alam siya sa ano mang gawaing bahay.

Although ,may alam ako sa mga gawaing bahay pero mas maganda kasi kapag yung lalaking may alam talaga sa gawaing bahay. Sa kasalukuyang panahon ,madalang ka na lang makakakita ng ganung klaseng lalaki na may alam sa mga gawain bahay. Madalas kasi babae ang gumagawa ng kahit anong gawaing bahay at ang mga lalaki hindi mo maasahan lalo na kung laki ito sa marangyang buhay.

Kaya kapag nakikita ko si Terrence na ganito ay naiisip ko na kahit isa siyang mayaman ay kahit papano naturuan siya ng mga gawain bahay. Siguro nasa tao lang yon kung gustong matutunan ang ibang bagay.

"Baka matunaw ako sa mga titig mo ,"natauhan na lang ako na biglang magsalita si Terrence sa harapan ko kaya natawa na lang ako mg mahina ,"Kumain ka na."

I nodded my head. Pagkatapos niya akong pagsandukan ay yung sarili naman niya ang pinagsilbihan. Nang matapos ay dumiretso na siya sa pwesto kung saan magkatapat kami. Nagsimula na akong kumain at nagbigay ako ng feedback sa niluto niya. Masarap siya magluto at di nakakagulat yon dahil ilang beses na niya ako pinaglutuan na di naman ako binigo.

"Kung di ka lang talaga doctor kinukuha mo iisipin ko talaga chef ang natapos mo ,"sabi ko sa kanya habang pinagpapatuloy ko ang kinakain ko ,"Pano ba naman kasi galawan professional na yung pagluluto mo."

He chuckled ,"Binobola mo ata ako e."

Agad akong umiling sa sinabi niya ,"Hindi kaya! Nagsasabi ako ng totoo! Talagang to the highest level na ang talento mo sa pagluluto!"

Ngumiti lang siya sa akin. Alam ko naman na hobby niya talaga ang magluto at ni minsan talaga ay di pumasok sa isipan niya na kunin ang course na related sa pagluluto.

"Natuto lang ako kay Manang Sol nung nandoon pa ako nakatira sa mansyon palagi akong nasa kusina kapag nagluluto na siya ng makakain namin ,"kwento niya sa akin ,"Habang pinapanood ko siya kung paano magluto ay nasasabi kong madali kaya nung nakatungtong na ako ng teenager talagang nagpaturo talaga ako sa kanya kung paano magluto kaya ito ang resulta naging instant chef ako ng mga pamilya ko kapag may okasyon!"

Madali lang naman matuto kung paano magluto pero depende pa rin sa tao yun kung gusto nila matutunan ang bagay.

Pinagpatuloy na namin ang kinakain namin habang patuloy kaming nagkukwentuhan. Marami pa siyang naikwento sa akin habang nasa States siya. Ako naman ay nakikinig dahil naeenjoy naman ako sa mga pinagsasabi niya sa akin.

Nang ako naman ang tinanong niya kung kumusta ang pag uwi ko sa Romblon sinabi ko naman ang naranasan ko. Di ko lang sinabi sa kanya na aksidente kami nagkita ni Ross don-alam ko naman si Ross ang dahilan kung bakit minsan ay nag aaway kami ni Terrence. Ayoko nang ikwento sa kanya ang sagutan namin ni Ross sa Diva Resort. Mas mabuting di ko na ikwento yon dahil alam ko kapag sinabi ko pa sa kanya baka mag alala lang siya.

Alam kong napaka walang kwenta si Ross kaya di ko na nga siya pinagtuunan ng pansin dahil wala siyang kwentang tao.

"Can you sleep here in my condo?"napatigil ako sa pag iisip ko na biglang magsalita si Terrence sa harapan ko. Napakurap pa ang mata ko dahil sa hinihiling niya sa akin.

Bakit niya naman naisipan na hilingin sa akin yon?

Although sa dalawang buwan na magkarelasyon kami ay ni minsan ay di pa ako natutulog dito sa kanyang condo. Madalas lang ako bumisita dito kapag may libreng oras and pagtapos nun ay bumabalik din agad ako sa condo ko para doon na magpahinga.

"At ano naman ang naisipan mo kung bakit gusto mo ako matulog dito?"hindi ko napigilan na taasan siya ng kilay. Nakita ko na lang na napahawak siya sa kanyang batok na parang nag iisip siya ng pwede niyang dahilan kung bakit gusto niya ako matulog dito.

Well ,di naman ako tatanggi kung gusto naman niya. Sino ba naman tatanggi kung makakasama mo matulog sa isang lugar ang isang Terrence Allejo?

"Uhm because I really really missed you?"hindi niyang siguradong sabi niya at napakamot ulit siya ng batok dahil biglang namula ang kanyang pisngi kaya di ko napigilan na matawa dahil sa inaakto niya ,"Wag mo na nga ako tawanan.."

"Sorry di ko sinasadyang matawa ,"I covered my mouth to hide my laughed ,"Di ko lang inaasahan na yan ang magiging dahilan mo."

"Totoo naman kasi! miss na miss kita!"naiiritang sabi niya kaya mas lalo ko siyang iniinis.

Masarap pala asarin ang isang Terrence Allejo.

Madalas ko talaga asarin lalo na't sa mga simpleng bagay na di naman niya talaga ginagawa. Kaya minsan naiirita siya sa akin dahil kapag inaasar ko siya di ko na talaga siya tinitigilan.

"Kung ayaw mo di naman kita pipilitin. Di naman kita pinupwersa."sabi niya pa kaya mas lalo akong namangha sa kanya.

I smiled ,"Sino ba nagsabing ayaw ko?"

Mas lalo siyang napatitig sa sinabi ko. Lumapit ako sa kanya para hawakan ang kanyang malambot na kamay.

"Payag ako."

Wala namang masama diba?

So we both slept together. We did nothing but hug each other all night. We did nothing but that. So when I woke up the next morning, Terrence and I had breakfast together. He prepared our breakfast because he woke up earlier than me.

"May gagawin ka ba mamaya love?"napatigil ako sa kinakain kong toasted bread na biglang magsalita si Terrence.

"Wala naman akong gagawin bakit?"sabi ko sa kanya.

He pursed his lips before he spoke ,"Gusto ko kasi makilala ng magulang ko."

Napaawang labi ko dahil sa sinabi niya. Ipapakilala niya ako sa magulang? Totoo ba 'to? Di ba ako nananaginip?

"They want to meet you love ,especially to my mom."he mumbled.

Really? gusto ako makilala ng mommy ni Terrence?

"Ayaw ko pa sana makilala mo ang magulang ko dahil kilala ko sila malaki - ang expectation nila pagdating sa mga nagugustuhan ko ,"he sighed heavily ,"Pero mapilit kasi sila at gusto ka nila makilala."

"Ano ka ba! Ayos lang sa akin Love!"masiglang sabi ko habang di ko inaalis ang mga ngiti sa mga labi ko ,"Gusto ko rin naman makilala ang mga magulang mo! S'yempre girlfriend mo ako kaya karapatan nila para makilala nila ang nagugustuhan mo!"

He smiled softly. Kahit nakakaba dahil di ko pa naman gaano kakilala ang magulang ni Terrence ay gusto ko pa rin sila makilala ng lubusan bilang girlfriend ng anak nila.

"Payag ako!"I agreed immediately.

"Sure ka?"he asked me again then I nodded ,"Okay. Tatawagan ko si Mommy tungkol dito para makapaghanda siya ng dinner mamayang gabi para maipakilala na kita sa kanilang dalawa."

Tumango ulit ako habang nakangiti pa rin. Excited na akong makilala sila dahil ito talaga ang pinakahihintay kong pagkakataon para mameet ko sila!

I can't wait to meet his parents!

Pero akala ko magiging madali ang makilala ko ang mga magulang ni Terrence. Doon ako nagkakamali dahil tama nga ang sabi niya sa akin kanina.

"I didn't expect hija na twenty one ka pa lang!"natatawang sabi niya habang nakikipag usap siya sa akin ngayon ,"Di ko lang inaasahan na magkakagirlfriend ang anak ko ng mas bata sa kanya ng limang taon!"

Natahimik ako doon. Wala naman masama sa mga sinabi niya dahil totoo naman na mas matanda sa akin si Terrence ng limang taon pero bakas sa tono ng pananalita niya na parang hindi niya nagugustuhan na magkaroon ng kasintahan si Terrence ng mas bata.

O talagang praning ako kaya ko 'to naiisip?

"Di ko lang din po inaasahan na ganun po ang agwat ng edad namin. Wala naman po masama doon diba?"tanong ko sa kanya kaya napaisip siya.

She smiled ,"Wala namang masama."

Ngumiti ulit ako dahil sa sinabi niya.

"Uhm nasaan nga pala ang parents mo hija?"tanong niya pa kaya napatigil ako sa kinakain ko ,"And gusto ko lang din alamin kung ano ang job nila kung pwede lang malaman."

I sighed heavily before answer her ,"My parents are died Tita Rhea. Cause of car accident kinamatay nila."nakita ko ang gulat sa kanyang mga mata nang sabihin ko yon ,"Well uhm...isa pong architect ang mommy ko po samantala po ang daddy ko po ay isang business man po. May resort po siya sa Romblon kaya ngayon wala na po ang dad ko yung kapatid niya po pansamantala ang namamahala sa resort niya."

"Condolence hija ,"she clicked her tongue.

I nodded my head. Di pa rin talaga ako sanay na maging topic ang magulang ko. Kapag naaalala ko lang nalulungkot bigla ako.

"Aifha tama ba ako?"napalingon ako na magsalita ang Daddy ni Terrence ,"Kinagagalak kitang makilala. Di ko inaasahan na magkakaroon pa ng girlfriend si Terrence lalo na't puro pag aaral ang inaatupag niya."

Natawa ako ng mahina. Di ko nga din alam bakit nagawa ni Terrence na ligawan ako kahit na ang totoo ay pag aaral ang inaatupag niya.

"Kaya pala minsan na pala siya bumisita dito sa amin nang dahil pala sayo?"he chuckled while looking at me ,"Pero masasabi kong bagay kayo."

Natuwa ako sa sinabi ni Tito Eros. It means gusto niya ako para sa kanyang anak.

"Busy naman po talaga ako Dad ,"sabat ni Terrence kaya halos tumaas ang kilay ni Tito Eros na parang hindi siya naniniwala sa sinasabi ng anak niya ,"Kapag may libreng oras talagang binibisita ko si Aifha sa condo niya dahil magkatabi lang yung unit namin."

"Kung yan ang sabi mo anak..."nagkibit balikat na lang si Tito Eros pero parang di talaga siya maniniwala.

"Whatever Dad ,"Terrence sighed.

"Pero anak wag mo sanang pabayaan ang pag aaral mo. Next year na ang internship mo kaya sana pagbutihin mo pa lalo ang ginagawa mo sa field na napili mo ,"sabi ni Tita Rhea kaya parehas kaming napalingon ni Terrence ,"You know ,nandito lang kami ng Daddy mo para suportahan ka sa kahit ano ang gusto mo."

"Thank you mom."

"At para sa'yo naman hija sana maintindihan mo si Terrence dahil talagang busy talaga siya sa buhay niya ,"she said while looking at me ,"Palagi siyang busy kaya sana habaan mo ang pasensya."

"Palagi ko naman po naiintindihan ,"sabi ko sa kanya. Alam naman ni Terrence yun dahil sinabi ko na kahit gaano siya kabusy palagi ko siyang naiintindihan ,"Hindi naman po talaga biro ang pinasok niyang field but still sumugal pa rin po ako kahit alam ko magiging busy po siya."

Napag usapan na namin to dahil talagang dadating sa punto na di kami magkakaroon ng quality time kapag dumating na magiging busy na siya sa pag aaral.

Pagkatapos nun ay nagpatuloy na kami kumain at masasabi kong masarap ang dish na hinanda nila. Di ako familiar sa hinanda nilang pagkain pero nagustuhan ko. Pero sa kalagitnaan oras ng dinner ay napatigil ako na marinig ko ang boses na pamilyar sa akin.

"Hello Tita ,Tito!"pamilyar na boses ang narinig ko kaya parang nahirapan ako lumunok ng pagkain. Pagkalingon ko ay nakita ko na nga ang babaeng kinaiinisan ko kaya napapikit ako ng mariin.

It's Ross! At ano ang ginagawa niya dito!"

"Hindi niyo man lang sinabi sa akin na may dinner palang nagaganap dito!"sabi ni Ross palapit siya kay Tita Rhea saka siya humalik sa pisngi ,"Buti pala bumisita ako dito Tita!"

Nakatingin lang ako sa kanya habang umupo siya sa tabi ni Tita Rhea. Wala bakas sa gulat nang tingnan ko si Tita Rhea dahil nakita ko ang pagkamangha ng kanyang mata habang nakatingin kay Ross.

"What are you doing here Ross?"baritonong boses ni Terrence kaya di ko maiwasan na tumingin sa katabi ko. Kita ko ang pag igting ng kanyang panga habang masama ang titig kay Ross.

Tumingin si Ross sa kanya habang may ngisi sa kanyang mga labi kaya ,"Bakit masama bang bumisita dito Terrence? Atsaka ilang buwan na akong di bumibisita dito sa mansyon buti nga nagawa ko pang pumunta dito! Tsaka sakto din naman ang pagbisita ko dahil may nagaganap pala ditong meet the parent!"

Naramdaman ko na lang ang paghawak sa akin ng mahigpit ni Terrence sa kamay ko kaya napatingin ako doon.

"Ngayon nakabisita ka na ,pwede ka ng umalis dito. Leave the mansion!"sabi ni Terrence kaya di ko alam kung seryoso ba siya sa sinasabi niya.

"Hey Terrence ,wag mo ngang paalisin si Ross sa mansyon. Kadadating lang ng tao dito pinapaalis mo agad!"pagtatanggol ni Tita Rhea kaya hindi makapaniwalang tinignan ni Terrence ang kanyang ina ,"Sana alam mo ang respeto lalo na't sa harap ka pa ng pagkain."

"Walang magandang gagawin si Ross dito mom!"pamimilit pa ni Terrence habang mariin niya pinikit ang kanyang mga mata ,"Alam ko ang pakay niya dito kaya paalisin mo siya!"

"No ,di ko siya papaalisin dito ,"matigas na sabi ni Tita Rhea kaya nakita ko ang frustration sa mukha ni Terrence ,"Ngayon na nga lang makakabisita si Ross dito sa mansyon ganyan pa ang naging trato mo sa kanya! Di ko alam ang tunay na dahilan kung bakit nagkahiwalay kayo pero sana irespeto mo pa rin si Ross katulad ng pagrespeto mo kay Aifha."

Di na kumibo si Terrence dahil sa sinabi ng kanyang ina. Ramdam ko ang galit sa mga mata ni Terrence na tumingin ulit siya kay Ross. Tumingin ako at nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Ross na parang natutuwa pa siyang nagtatalo pa sa harapan sina Tita Rhea at Terrence nang dahil sa kanya.

"Well Tita ,simula na magkahiwalay kami ng anak mo nawalan na siya ng respeto sa akin ,"she said sadly ,"Kaya di ko siya masisisi kung ganyan ang trato niya sa akin ngayon. Kahit nung....kami pa ay ganyan na siya sa akin di ko lang sinasabi sa inyo dahil ayoko pa magkaroon pa ng gulo sa pagitan niyong magpapamilya."

Kumunot ang noo ko. Ano naman pinagsasabi ng babaeng 'to? Talagang si Terrence pa ang binabaliktad niya ngayon?
Siya na nga ang unang nagloko ,napapavictim pa siya!

"Totoo ba yon Terrence?"agad lumingon si Tita Rhea kay Terrence na parang di siya makapaniwala.

Naniwala naman agad siya?

"Bullshit that woman..."pabulong na sabi ni Terrence.

"Answer me Terrence! Yan ba ang dahilan ng paghihiwalay niyo?"Tita Rhea asked him again.

"Naniwala naman po kayo sa sinasabi niya?"kalmado na ang tono ng pananalita ni Terrence ,"Kung yan ang gusto niyong paniwalaan - wala akong magagawa. Wala naman ginagawa ang babaeng yan kundi sirain ang buhay ko."

Nakita ko na tumayo na si Terrence pero di niya pa rin inaalis ang pagkakahawak niya sa akin sa kamay ko. Napansin ko napatingin si Ross sa kamay namin na magkahawak kaya nakita ko sa kanyang mga mata ang galit.

"Kung ayaw niyo paalisin si Ross ,ako na lang ang aalis ,"he said coldly ,"And beside ,napaka insensitive niyo pagdating kay Aifha. Alam niyong nandito ang girlfriend ko gusto niyo pang manatili dito si Ross? Sana alam niyo kung masasaktan ba ang girlfriend ko lalo na't nandito ang ex girlfriend ko! Mukhang.....nakalimutan niyo na may kasama ako dito."

Halos di makapagsalita si Tita Rhea sa mga sinabi ng anak niya. Yumuko ako dahil di naging maganda ang pagkikita ng mag iina nang dahil sa pagdating ni Ross sa mansyon nila.

"Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin Terrence? Parang wala tayong pinagsamahan sa tono ng pananalita mo? Ano bang ginawa ko sayo?"painosenteng tanong niya pa na akala mo aping api siya.

"Shut up."malamig na sabi ni Terrence ,"You know what you did to me why I treat you like this. Don't be stupid Ross."

Doon hindi kumibo si Ross. Nakatingin lang si Tita Rhea sa anak niya parang biglang nawalan siya ng pwede maibatong salita laban sa anak niya.

"Umuwi na tayo..."sabi sa akin ni Terrence kaya agad ako napatayo. Magsasalita pa sana ako na bigla na niya ako hinila kaya wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Nakaalis na kami sa mansyon kaya kahit sa loob ng sasakyan niya ay walang gustong magsalita sa amin. Na para bang naghihintayan lang kami kung sino ang unang magsalita. Habang nasa biyahe ay pinagmamasdan ko si Terrence habang seryoso siya nakatitig sa kalsada.

Di ko inaasahan na magkakaroon ng pagtatalo ang mommy niya. Akala ko magiging madali ang pagpapakilala sa akin ni Terrence bilang girlfriend niya. Nagkakamali pala ako.

"I'm sorry for what happened love. I didn't mean to ruin this night ,"he said seriously then he held my hand tightly ,"Ayoko lang na maramdaman mo na mas close sila ni Mommy at ni Ross."

"Ayos lang. Di ko naman dinibdib yung pagtatanggol ng Mommy mo kay Ross.."sabi ko sa kanya at tipid ko siyang nginitian.

Di ko maaalis kung mas close si Tita Rhea kay Ross dahil matagal naman na sila magkakilala nun kaya alam ko di mawawala ang closeness nila kahit hiwalay na sila ni Terrence.

"Gusto niya si Ross para sa akin kaya ganun na lang niya kung ipagtanggol niya sa akin si Ross sa harapan ko dahil parang anak na niya kung ituring niya ,"he gritted his teeth while looking at me ,"Kaya ayoko muna kita ipakilala sa magulang ko dahil alam ko ito ang mangyayari Aifha. Di ako naniniwala sakto ang pagdating ni Ross sa mansyon dahil alam ko sinabi na ni Mommy yon sa kanya kaya nandoon siya para guluhin ang dinner."

"Magkasundong magkasundo ang dalawang yon Aifha kaya alam ko na magkasabwat yon.."he sighed heavily ,"Ang totoo niyan sa pinapakita ni Mommy sayong kabutihan alam kong pakitang tao lang yon. Dahil alam ko hanggang ngayon ay si Ross pa rin ang gusto niya para sa akin. Na parang di siya tatanggap ng ibang babae kung hindi si Ross yon. So if you think Mommy will like you - I'm telling you she really doesn't like you for me because the only woman she'll ever accept in my life is Ross."

At yon ang masakit na narinig ko. Bakit di niya ako magustuhan para kay Terrence? Ano ang mali ko para di niya ako tanggapin?

"Kaya pasensya na kung ganon na lang kung i-trato ka ni Mommy. Di man niya diretsong sabihin yon sa harapan mong di ka niya gusto -nakikita ko sa mga mata niya na di ka niya kayang pakisamahan."he apologized me again.

Ngumiti ako ng tipid ,"Ayos lang. Di ko naman pipilitin ang isang tao kung ayaw sa akin. Saka nandito ka naman sa tabi ko diba?"

"Oo naman love. Kahit anong mangyari pagtatanggol kita."

Sana nga Terrence ,sana maipagtanggol mo kung sakaling dadating sa punto na makatanggap ako ng isang masakit na salita sa Mommy mo. Sana magawa mo ang bagay na yon.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 115K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. ๐Ÿ”ฅ** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...
15.2K 227 53
FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she's being desolate, and also, she's alway...
13.1K 960 56
(n.) 'someone who loves darkness & nights' An insomniac detective stressing over life and a mute girl occupying the orphanage behind, the simple enco...
31.9K 619 13
Hey guys this is my first story so pls don't judge any way Y/N is a strange girl that's because she's a monster she has 3 friends Arachnid,Grills and...