Lost in your eyes

By Shininginwrites

149 61 30

Lhirfa Agoncillio, simple woman with many anger issues and trust issues. For her, men have no contribution to... More

Disclaimer
Prologue
Lost 2
Lost 3
Lost 4
Lost 5
Lost 6
Lost 7
Lost 8

Lost 1

12 5 0
By Shininginwrites


Chapter 1

Lhirfa's P.O.V

“Ok class, ito na ang huling gagawin niyo. Tandaan niyo malaking factor sa grade niyo ‘to kaya ayusin niyo, may three weeks kayo para dito.” announce ng Prof namin.

Hindi naman ganon kahirap ang performance task namin, pero mahirap maging kagroup ‘tong mga kaklase ko. Mga pabigat na nga sa bahay, pabigat pa sa groupings.

“Nakikinig ba kayo?!” sigaw ni Prof. “Natatandaan niyo naman siguro na kahit isang bagsak lang ang meron kayo ay hindi kayo mag mo-moving up,” at iyon ang dahilan kaya natatakot ako ngayon. Ayaw kong bumagsak!

Binigyan kami ng time para mag decide kung ano ang gagawin namin, pwedeng acting, debate, or poetry. Kaso lahat ay may twist, kaya mahirap. Nasa isang side kami ng classroom kasama ang mga kagroupmates ko, kagroup ko rin pala ang pinsan ko kaya ayos lang. Pero kagroup ko rin ang president namin, ang galing talaga niya walang ginagawa.

“So anong gagawin natin?” tanong ko. Ako na ang nagsimula dahil kung mananahimik ako for sure na wala kaming magagawa.

“Acting na lang tayo,” suggestion ni Warn.

Mahirap ang acting, may dalawang phase na binigay si Prof. It’s either acting na may kanta or acting na about religion, if about religion make sure raw na gagawa kami ng scene about catholic and muslim.

“Alam mo ba gagawin sa acting?” tanong ni Trina dahilan kung bakit natahimik si Warn.

Ayan ang mahirap sa kanila, gusto nilang gawin kahit hindi nila alam kung ano  ‘yon. Hindi man lang nila inisip na kami ‘yong mahihirapan na gumawa, kasi alam naman namin na wala silang gagawin!

“Hoy Trolly, ano? Ikaw leader, wala kang plano?” napunta sa akin ang atensyon niya, nakakabwisit.

Siya itong leader pero ayaw niyang kumilos, nakaupo lang siya at nakikipag daldalan sa iba. Nakakainis lang, palagi kaming ganito. Ang lumalabas ay nakadepende kami sakanya.

“Kaya niyo na ‘yan,” wtf?

“Sawayin mo naman sila,” saad ni Trina. Ang ingay kasi ng mga kagroup namin.

Sobrang init, hindi ako makahinga.

Nilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko para tignan kung normal pa ba ang tibok ng puso ko, lately kasi napapansin ko na palagi akong pagod at...sobrang hina nga pulso ko. I’m too sensitive, ilang beses na akong nag overthink na what if may sakit ako sa puso, nakakainis bakit kasi ang hina niya.

Hindi ko maramdaman ang tibok kaya chineck ko ang pulso ko, pero ang t*nga hindi ko maramdaman.

“Ayacinth, check mo nga pulso ko,” tawag ko sa kagroup ko. Close kami, isa siya sa friend ko here.  Mabait siya, pero palaging tahimik.

“Hindi ko ramdam.”

“Rainy, tignan mo nga,” inilagay ni Rainy ang kamay niya sa pulso ko.

“Mahina pero mabilis,” saad niya na tinanguan ko lang.

Inutusan ko silang mag survey na lang, at kung anong maraming sagot ay ayon ang gagawin namin. Hindi na ako nag vote, kahit naman hindi ako mag vote ay sure na isa ako sa gagawa.

“Acting,” saad ni Trolly.

“Tanungin mo sila kung bakit acting,” utos ko. Siya ang leader pero inuutusan ko siya, bossy man pero no choice.

“Hoy Kyle, bakit acting ang pinili mo?” pagkakarinig kong tanong ni Trolly.

“Ah? Eh kasi sabi nito,” sagot ni Kyle sabay turo kay Milan. Ayan na naman, nagtuturuan na naman sila!

“Ha? Eh bakit nakinig ka sakanya?” tanong ni Trina.

‘Yong iba namin kamember na kaibigan din namin ay tahimik lang, okay lang ako sa kanila dahil maaasahan sila pero itong mga lalaking ‘to? Parang mga hindi nag grade 2!

“T*nga ka ba?” I'm rude, and I'm aware of it.

“Lhirfa, easy ka lang,” awat sakin ni Mark.

“Paano? Matatapos ba tayo sa ginagawa niyo? Umayos nga kayo, palibhasa wala kayong pake kung mahihila niyo grade namin,” sigaw ko sakanila, naiiyak na ako. Nakakainis, nakakabwisit.

Sinubukan kong abutin 'yong pamaypay kay Trolly, hindi na ako makahinga. Pero inilayo niya sa akin 'yon, ang sakit sa dibdib siguro dala na rin ng init.

Napansin ata nila na kanina pa ako nakahawak sa dibdib ko, kita ko sa mata ng mga kaibigan ko ang pag-aalala.

“Okay lang ‘yan, pag inatake ka dadalhin ka namin sa clinic,” pabirong saad ni Trolly.

Pathetic right? Nagawa pa niyang nagbiro.

Hindi ko na pinansin dahil baka mamatay ako ng maaga kung papatulan ko pa.

NATAPOS ang classes na puro sakit lang sa ulo ang nakuha ko, tumahik lang ang section namin noong ang magtuturo na sa amin ay ‘yong terror Prof namin. Literal na tahimik, pano ba naman pag nag-ingay papadilaan ang white board kaya sinong hindi matatahimik?

Nandito ako sa hallway nagpapalipas ng oras, marami lang students dito sa school. 3pm pa lang, masyado pang maaga.

I decided na pumunta na lang ng library, doon tahimik. Magbabasa na lang ako, they know how much i love books. Mahilig akong magbasa, lalo na mga fictional. Nangarap din akong maging writer, nakakahiya man sabihin pero... I’m trying to write my first novel right now. Naging hobby ko na ang pagsusulat ng mga tula at istorya, nagagamit ko ang mga natutunan ko rito sa school sa pagsulat.

Wala akong ibang gusto kundi isulat lahat ng nararamdaman ko.

Umupo ako sa dulong bahagi ng library, sa parteng hindi masyadong pinupuntahan ng mga student. Sa parteng ito kasi, ang mga libro ay tungkol sa pag-ibig.

Mag-isa lang ako dito, tahimik akong makakapagbasa.

Habang nagbabasa ako, ramdam ko na may nakatingin sakin. Hinanap ko kung sino ang nakatingin sa akin, ngunit wala naman. Ako lang ang tao dito, pero may isang lalaking nagbabasa roon sa table na ‘di kalayuan sa pwesto ko.

Nakayuko siya, tinitigan kong mabuti. Muntik na akong mapasigaw nung tumunghay siya dahilan ng pagtama ng mata naming dalawa. May kalayuan siya, but i can see how beautiful his eyes clearly.

Ngumiti siya sa akin, isang kakaibang ngiti na ngayon ko pa lang nakikita sa tanang buhay ko. Isang ngiti na walang bahid ng kalungkutan, sinasabi ng ngiti niya na masaya siya.

Parang naalala ko kung sino siya, nakita ko na siya somewhere. Uhmmm, ah oo...siya ‘yong palaging kasama ni Kuya Klydie. Magkakaibigan ata sila, kasama 'yong isa pang lalaki na mukhang inosente.

“Ryujin, ano? Let’s go?” napaiwas ako nang tingin nang dumating ang kung sino. Parang kilala ko ang boses na ‘yon, sabi ko na nga ba. Hindi ako nagkakamali, si Kuya Klydie!

Nakita niya bang nagkatitigan kami ng bestie niya? Omg!

Tatayo na sana ako para hindi na niya ako mapansin, dahan dahan akong naglakad at...

“Oh? Lhirfa? ikaw pala,” napatigil ako sa paglalakad at lumingon, ngumiti ako para hindi halatang tatakas. “Uuwi ka na?” he asked.

“Ah oo Kuya! Bye!” mahinang saad ko, sapat lang para marinig niya. Tumakbo na ako palabas pagkatapos magpaalam, nakakahiya sa lalaki! Alam kong alam niyang tinitigan ko siya, wait? Gaano ko ba siya katagal natitigan? Kahiya!

Uuwi na lang ako, oo makauwi na lang. Ano kayang ulam sa bahay? Lord maawa ka sa akin, ayaw ko na ng itlog. Baka magising akong isang araw na isa na akong itlog, deja vu malala ‘yon.

Sumakay ako ng tricycle, nakakatamad maglakad ngayon. Baka kung anong kamalasan nanaman makuha ko sa daan.

“Mama, nandito na po ako.”

“Magbihis ka na, may pagkain diyan sa ref. Magluto ka na lang,” busy si mama. Nanonood ng kdrama, nihindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Dumeretso ako sa kwarto ko, muntik pa akong madulas sa hagdan. Bakit ba kasi basa roon, malamang ay naglaro na naman ng tubig si Crystie.

Simple lang naman ang buhay namin, okay lang kahit wala si papa. Minsan pumupunta dito si papa, close kami pero naiilang ako sa kaniya. Average lang ang estado ng pamilya namin, hindi mahirap hindi mayaman.

Call center agent si mama, naka nightshift siya kaya matutulog ako na wala siya at magigising na matutulog pa lang siya. Independent woman si mama, kinaya niya na siya lang. Mga lalaki nga naman.

Nagbihis ako pagkatapos ay humiga na sa kama, 4pm pa lang kaya matutulog na muna ako. Pagod ako kakaisip kung ano ang gagawin namin ng group ko. Daily routine ko na ‘to, matutulog pagkauwi dahil pagod sa school. Isang taon na lang at gagraduate na kami ng senior highschool. College’s waiting, more stress is coming.

Ipinikit ko ang mga mata ko pero imbis na lamunin ng antok ay lalo lang akong nahiya, pati ba naman sa pagpikit ko nakikita ko pa rin ang mga mata niya? Ano bang meron sa kaniya? Nihindi ko nga siya kilala, pero bakit ba kasi ang ganda ng mata niya? ‘Yong ngiti niya, parang nang-aakit! Hindi ko siya gusto! Attractive lang.

Ha? Ano? Ako naattract sa lalaki? It can’t be!

‘Yong mata niyang kulay itim, may lahi kaya siya? Naka contact lenses? What if itanong ko kay Kuya Klydie? Pero hindi, hindi pwede. Masyadong mahahalata na interested ako, ano?! Hindi, hindi ako interesado sa kaniya promise!

Parang mababaliw ako...his eyes is so different than other’s eyes. Nakikita ko ang dilim ng kalangitan sa mga mata niya, idagdag pa ang ngiti niya na nagdadagdag kislap sa mata niya na parang bituin sa langit.

Naalipungatan ako sa pagkakatulog. Nakatulog pala ako sa sobrang pag-iisip. Anong oras na ba? Kinuha ko ang cellphone ko at eight na pala ng gabi, malamang ay nakaalis na si mama para magtrabaho. At siguradong tulog na si Crystie.

Nakaramdam ako ng gutom, hindi pa pala ako kumakain.

Pagbaba ko sa hagdan ay may biglang kumatok, gabi na pero may bisita pa rin? Wala naman akong alam na may bisita pala kami? Sino na man kaya ‘to?

Dumeretso ako sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok, nang buksan ko ito ay laking gulat nang bumungad si Hanni. Friend ko. Halos isang buwan na kaming walang pansinan dahil sa hindi pagkakaunawaan. Walang away sa pagitan namin, pero mayroong ilangan na nagaganap.

Gabi na pero bakit nandito siya?

“Uhmm, hi?” bati niya sakin, nakangiti siya pero kita ko sa mata niya ang lungkot. ”May kasama ka ba?”

“Okay ka lang?” i asked and she nodded. Hindj ko man aminin pero nag-aalala ako sa kaniya.

Magkaklase kami at malapit lang din ang bahay niya rito pero hindi kami nagpapansinan, may maliit na problema pero ‘di namin nasulusyunan kaya umabot ng isang buwan.

Mapride ako pero wala akong galit sa kaniya. Mali siya kaya itinama ko, but i think I’m too harsh. Parehas kaming mali, pero okay na. Okay na ‘yon.

“Pwedeng dito muna ako?” tanong niya. ”Sige, pasok ka.”

Pinapasok ko siya. Dumeretso kami dito sa sala, inalok ko siya ng makakain, pero tumanggi siya.

Malala nga ata ang problema niya. I know her, hindi niya tatanggihan ang pagkain.

Umupo ako sa tabi niya, “Anong nangyari?” tanong ko.

“Nag-aaway na naman sila,” unti-unti siya umiyak. “Ayaw kong makita na nasisira na ang pamilya namin, hindi nila sinabi pero nalaman ko pa rin.”

Ramdam ko ‘yong sakit, kasi naranasan ko rin ‘yon dati. Tumahimik na lang ako, she need space. Kailangan niya lang ng oras para mag sink in sa isip niya ang lahat, masakit isipin pero kailangan tanggapin. Well we can‘t escape reality.

Niyaya ko siyang pumunta ng dining area, gutom na ako pake niyo ba? Tsaka, I'm sure na gagaan pakiramdam niya pag natikman niya ang adobo ni mama. Amoy pa lang mabubusog ka na.

“Ang sarap,” ang kapal, nauna pa siyang kumain kaysa sa akin. “Pwedeng magbalot?”

“Kapal ng mukha mo!” tinawanan niya lang ako.

I think okay na siya ngayon.

“Alam mo ba? Noong mga panahon na wala tayong pansinan, narealize ko na mali 'yong ginawa ko,” pag o-open niya sa topic na ‘yon.

“Mali naman kasi talaga ‘yon, kung may reklamo ka sabihin mo agad. Hindi ‘yong ipopost mo pa sa social media, walang mabuting dulot ‘yon,” i can say that we’re really okay right now.

“At least nagbago na ako,” i smiled at her, sana nga natuto na siya.

Nagkaroon kami ng misunderstanding dahil sa isang post niya sa social media, hindi naman kasi pwede lahat ipopost na lang. Nagreklamo siya about sa kapitbahay namin na gabi na nagpapatugtog pa rin, tapos naka speaker pa.

Ang mali lang niya ay nagpost agad siya nang hindi man lang iniisip na what if makita ‘yon ng kapitbahay namin. Siguradong malaking gulo ‘yon. Pinagsabihan ko siya, pero masyadong harsh ata ang mga salitang nabitawan ko.

This is me and my hurtful words against the world.

Sinabihan ko siya ng ‘respect kasi’ tapos nakita ko ‘yong new post niya na naglalaman ng ‘Edi ako na aalang respeto’ na talagang ikinainit ng dugo ko. Hindi ako galit, I'm just offended. She's sensitive but I'm more sensitive and they aware of it.

Itinama ko lang siya pero bakit ako pa ang mali? Bakit ba kasi ganyan ang humor ng mga tao ngayon? Konting problema at pag may nawawala ipopost agad sa social media. Imbis na ayusin at hanapin ang mga nawawala mas inuuna pang magpost.

Ano bang meron sa social media? Matutulungan ba tayo niyan na masulusyunan ang problema? Mahahanap ba niyan ang mga nawawala?

I know makakatulong ‘yon sa paghahanap, pero imagine? Nawala lang ‘yong suklay ipinopost na agad ng mga kabataan sa socmed. Kung nakakatulong talaga ‘yang pagpopost na ‘yan sige magpopost na rin ako, baka sakaling matulungan akong mahanap si the one.

“Tulala ka? Bagong boylet?”

Tulala lang, lalaki na agad ang nasa isip? Lason ’yan, lason!

“G*ga!” binato ko siya ng tissue na agad niyang inilagan.

“Basta okay na tayo ha? Natuto na ako, promise!”

“It’s okay,” masaya ako na okay na kami. “Sometimes you need someone to realize something.”

Marami kaming kwento sa isa't isa, how i miss this kind of treatment. Halos namumuro siya ng hampas sa akin ngayon, masakit ha!

“Sige na, uuwi na ako!” paalam niya. “Thankyou!”

Inabot na kami ng alas nuebe sa pag dadaldalan. Bumalik ako sa kwarto nang nakangiti, nabawasan na ako ng problema.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag open ng epbidatcom, baka may chika sa akin si Kairy. Chismosa pa naman ang ahas na ‘yon, parang si Hanni na makajuice.

Inopen ko ang mga gc namin, puro bardagulan lang nila tungkol sa performance task namin. Bahala sila, bukas ko na sila poproblemahin. Inopen ko ang message ni Kairy, may sinend siya sa aking picture.

Kai-mandag:
Look bhie, ang gwapo ni Klydie, ehe.

Parang naririnig ko ang tawa niyang may halong kilig, cringe!

Tinignan ko ‘yong picture, si Kuya Klydie kasama ang tropa niya. Someone caught my attention, mas matangkad siya kay Kuya. Palagi ko silang nakikitang magkakasama pero never akong nakipag interact sa kanila, over my dead body!

Baka iniisip niyong kapatid ko si Kuya Klydie! Hindi ah! Kuya ang tawag ko sa kaniya dahil mas matanda siya ng isang taon, nagpapaka Kuya rin siya sa akin. Protective siya masyado, ang cool niya para saakin. Kaya siguro baliw na baliw si Kairy sa kaniya, he's a walking greenflag.

Sana nga kapatid ko na lang siya.

Hindi ko na nireplyan si Kaimandag, moment niya na ‘yon para mag day dream. Oo, ganon siya kainlove. Nag d-daydream sa gabi, hindi ako relate! Para sa akin nakakadiring mainlove.

Nag scroll down pa ako, nakikita ko na naman ang mga post nilang walang sense. Parang mas may sense pa ‘yong chika ng mga kapitbahay namin.

Mga karaniwang post na nakikita ko ay...

“Tara drs, tapos paki mahal na rin ako ng tama.”

Ano bang utak meron ang mga kabataan ngayon? Naghahanap ng ka dare relationship in short ‘drs’ tas sasabihing mahalin ng tama? Wtf! May ganon ba? Walang ganon! Hindi ka makakahanap ng seryosong relasyon kung ganyan perspective niyo sa buhay!

Habang nag s-scroll ay may biglang nag pop, may nag send lang pala ng friend request. Tinignan ko kung sino at...

‘Ryujin Yton’ sent you friend request.

Stalk muna bago confirm. Pinindot ko ang profile at shit! Famous siya tapos ia-add niya ang kagaya kong nobody?

Ang weird, kilala ko ba ‘to? Nakatalikod siya sa profile niya habang nakasukbit ang bag niya aa balikat niya. With caption na ‘Waiting fir my right one’,  ‘yong comment section puno ng malalanding maliparot.

Inaccept ko siya, ngayon lang may nag add sakin na ganon.

Matutulog na sana ako pagkatapos kong iset ang sampo kong alarm, nang mapag-isipan kong buksan anv messenger ko. Hindi ko alam, pero parang excited ako na ewan, weird.

Pagkaopen ko ay bumungad ang isang unexpected message.

Ryujin Yton:
Thanks sa pag accept, goodnight!

Ha? Sino ba kasi siya? Parang narinig ko na ang pangalan niya, hindi ko lang maalala. Baka crush niya ako? Tsk, assuming! Baka friendly lang, oo tama friendly lang.

Nag react na lang ako ng heart, inaantok na ako kaya hindi ko na rereplyan. Basta kung sino man siya...

Hindi ako interesado.

Continue Reading

You'll Also Like

475K 13.6K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
17M 652K 64
Bitmiş nefesi, biraz kırılgan sesi, Mavilikleri buz tutmuş, Elleri nasırlı, Gözleri gözlerime kenetli; "İyi ki girdin hayatıma." Diyor. Ellerim eller...
60.2K 1.8K 25
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
842K 74.5K 37
𝙏𝙪𝙣𝙚 𝙠𝙮𝙖 𝙠𝙖𝙧 𝙙𝙖𝙡𝙖 , 𝙈𝙖𝙧 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙢𝙞𝙩 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞 𝙃𝙤 𝙜𝙖𝙮𝙞 𝙢𝙖𝙞...... ♡ 𝙏𝙀𝙍𝙄 𝘿𝙀𝙀𝙒𝘼𝙉𝙄 ♡ Shashwat Rajva...