Lips Of A Warrior (De Silva S...

By Gianna1014

1.4M 93.9K 52.4K

Ito ang karugtong nang naiwan sa Racing Hearts (De Silva Series #5) Sana magustuhan po ninyo. Labyu! More

Umpisa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Epilogue Part I
Epilogue Part II

Chapter 52

36.6K 2.1K 1.1K
By Gianna1014

I asked on IG and Twitter if they wanted another chap or a 2-part Epilogue of Yale’s pov. Karamihan po sa sumagot ay ‘both’, kaya ito na po ang additional chapter at ang last pov ni Deanne. Thank you for participating to that poll.

Thank you so much for showing your support for this story. Yale is one of the best heroes I’ve ever created. Even myself was surprised from the outcome of his character. This is one of the best parts of writing a novel. Discovering and exploring other’s lives and telling you what I’ve seen or imagined. On the upcoming Epilogues, we will deep-dive into his life and the Montevistas.

The next novel I decided to write is ‘Mark My Skin.’ Jandro who is the male lead, is part of my TOUCH Series’ Lion Heart. But if you would ask me, who will be the next De Silva to be written, it’s Nick. (To tell you frankly, I’m excited to start that story but I felt like I also need to breathe for a while.) I’ve been receiving love notes for Jandro. Thank you for that. It means, his character left memories with you and still curious about him.

Thank you for always reading my novels. But can I have a request? Please… be humble to one another. I don’t have loads of restrictions when it comes to my novels for as long as it will not ruin the reputations of the characters, the story and me--as the author. I want to let you be inspired from what I created. But learning about quarrels to some of you is breaking me. Saddened me. Before, someone said, it was a safe haven to be with my readers, because there was no issue at all. Can we rebirth that ‘safe haven’ for all of us?

Please, be humble to one another. We all have problems. Sometimes, it’s not easy to face one. But meeting a humbled person, online and in real world, could make a difference. Words are very powerful. Use it wisely. And always remember this: 

“GOD is opposed to the proud. But He gives grace to the humble.”

And Proverbs 18:21 says, “The tongue has the power of life and death, and those who love it will eat its fruit.”

Be humble. I’ll look forward to that. 

(I’m sorry for the long letter. I’m still sad while writing this. Or maybe not anymore when I post this up online. I don’t know. Thank you for reading.)

---

“The LORD is gracious and compassionate, slow to anger and rich in love. The LORD is good to all; he has compassion on all he has made.” – Psalms 145:8-9

--

Chapter 52

Deanne 

Looking back, it never occurred to me that a Montevista man would step into my family. Kaaway o hadlang sila sa paningin namin. Pinagkainterisan lang para kuhanan ng impormasyon nang mabali ang kanilang maiitim na plano. But a Montevista man stepped into my life and changed me inside. Like some fearless warrior who infiltrated my whole plan and owned me instead. He fought harder and fiercer. He was wounded. He was knocked down but stood up again. He was an antifragile human example for me. He became stronger after being tortured inside. He was a good warrior.

Naging opisyal nang parte ng The Paradise Hotel and Casino si Tito Dale. Yale agreed the thirty-percent shares for a Montejo. While he was still the major owner. He took Rock’s shares. Leonard and their mother, Rosalinda Montevista, still has their own shares in the company. Though, Yale took all the works of managing it, he didn’t want to take the sole ownership. What a good man I have with me. I cannot still believe that he is mine.

I avoided the media. Alam nilang kasal ako kay Yale Montevista. Pero dahil halos ma-bankrupt ang hotel, interisado silang halukayin ang estado ng asawa ko, at pamilya ko. They assumed; the De Silvas helped him to rebuild himself in the business world. Kaya naging matunog ulit ang The Paradise sa publiko. Daddy didn’t want to entertain the reporters. Tito Dale insisted that he really wanted to invest in his hotel. Maybe, kailangan ko pang palakasin ang loob ng asawa ko. Na may tiwala sa kakayahan niya si Tito Dale. Tinalikuran niya lang dati ang pagma-manage noon dahil sa akin. But now that we’re together, siya na ulit ang hahawak ng negosyo.

In-inform niya kay Leonard ang pagbili ni Tito Dale. Napag-usapan nilang dalawang magkapatid na huwag na munang ipaalam sa mama nila. Gusto nila itong ipatingin sa espesyalista. 

I made some groceries and preparations for our house blessing. We are moving in together. Yale asked my parents. Para siyang namanhikan ulit pero nag-iisa na. Alam ng parents ko ang kalagayan ng mama niya. Kung… maghahanap si dad ng kamag anak ay tatawagan ni Yale si Tito Fausto at Tita Nancy sa Zambales. Nang sa gan’on ay maging pormal ang lahat. Pero hindi na kailangan. I could feel their newborn trust to him. 

“Sa tingin mo hijo, may balak pang bumalik ang Mr. Matsumoto na ‘yan?” I heard dad asked him when we were in the office, kung saan pinag-uusapan ang reopening ng The Paradise Hotel and Casino. Pagkatapos nang mabusising preparasyon, pag-hire ng mga tauhan at dobleng trabahong ginawa ni Yale, sa wakas ay nagkakaroon na ng bunga.

Tiningnan ko si Yale na hindi inaalis ang atensyon kay dad. Nandito rin sina Tito Dale, Ninang Jam July, Mommy at maging sina Dylan at Ruth. Full support sa pagbubukas ulit ng hotel ni Yale. 

Sinulyapan niya ako. “Maaari po, dad. Magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya nahahanap ang anak niyang babae.”

“Lalapitan pa kaya niya kayo kung bumalik siya rito sa atin?”

“Ngayong dissolve na po ang Blue Rose Gang, wala na siyang dahilan pa para lapitan kami. Ang kapangyarihan at yaman lang po ni Don Leon Salviejo ang gusto ni Mr. Matsumoto.  At kung tama po ang hinala ko, may malubhang sakit itong pinuno ng Yakuza, kaya pursigido siyang mahanap ang nag-iisa niyang anak. Hindi ko po alam kung nahihirapan siyang mahanap. O maaaring wala na. ‘Wag po kayong mag-aalala, dad, ligtas po ang mag-ina ko at ang buong pamilya.”

Dad smiled and looked so satisfied with his answer. 

“That’s good to hear, hijo.” And then nodded once at him. 

I picked up their coffees and brought down on each of them. Dad sighed contentedly and talked to Tito Dale. My husband murmured his thanks and took my hand. Pinaupo niya ako sa tabi niya bago sumimsim sa kanyang mainit na kape. Nginitian ko siya. Inayos ko ang bahagyang nagulong kwelyo ng polo niya. Kinuha niya ang kamay ko ulit at pinagsalikop. Hindi na ako umalis sa kanyang tabi. 

When I looked at my mother, she was smiling at us. Sa tabi niya si dad, kausap ang mag-asawang Montejo pero ang mata ay nasa amin ni Yale. Wala akong ibang masagot kundi ang ngumiti rin pabalik. 

I’m in love with my life. Any moment, para akong lobo na sasabog sa sobrang saya. Ang sarap sa pakiramdam pagkatapos mong malagpasan ang isang matinding laban sa buhay. Hindi ko na iniisip kung, bakit nangyari ito o sino ang gumawa nito. Ang mahalaga ay ang mga taong nanatili at nagmamahal sa akin. 

Though, hindi rito natatapos ang problema namin, hindi na ako nangangamba.

“Let’s go to Peyton.” Aya ni Dylan kay Yale. 

Nagkatinginan kami ni Ruth at ngumiti. Sinang-ayunan iyon ni Yale. Sina Mom ay nakitawa lang. 

“May mga asawa na kayo. At si Ruth ay hindi pwede roon,” paalala ni dad kay Dylan. 

“Sasamahan ko po si Ruth, dad.”

Yale pulled my hand with an obvious protest. “Pa’no ako, love?”

“Hindi ka namin lalasingin, Yale. Good boy na ‘ko.” 

Sinaway ni Ruth ang asawa at sinabing ‘wag magpasaway. Nakangisi pa kasi ito.

“Mabuti naman. Dalawa ang paparating aalagaan mo kaya mag-practice ka na.”

Dylan possessively encircled his arm around Ruth’s round belly. “S’yempre. Para handa na rin ako sa susunod na mga baby namin.”

“Dylan!” Ruth’s scandalized tone. 

Tumawa ako at umiling. Gano’n din sina Mom at Ninang Jam July. Pareho nila kaming pinapanood na parang mga batang nagkukulitan lang. 

“Just kidding, babe. Sabihin mo lang sa akin kung ilan ang gusto mong anak natin, palagi akong nakahanda.” he winked at her. Siniko naman siya ni Ruth sa tyan. 

Napalitan ng tawa at birong hirit ni Dylan ang opisina. 

“Maaga ko kayong susunduin, love.” He whispered in my ear.

“Okay.” I sweetly smiled. Hindi ko mapigilan.

“Or… ‘wag na kaya akong sumama?”

“Bakit?”

“Wala ka.”

“It’s okay. Sa susunod, sasama ako.” 

Nangyari iyon nang pumunta si Mommy at Joaquin kina Ruth. 

He kissed me before we left his car. Petyon was jampacked that Friday night. Mula pagbaba ng sasakyan hanggang pag-upo namin sa couch ng second floor ay hindi binibitawan ni Yale ang kamay ko. Pirmeng nakahawak. Dylan called Ruth to inform that we safely arrived. Kinantyawan siya ni Nick na under sa asawa, pero nginisihan lang iyon ng kambal ko. He looked like; he was too in love with his pregnant wife. Tha look of the man, na kahit kantyawan ay natutuwa pa. 

“Kada minuto ka mag-text niyan kay Ruth?” Nick was grinning. 

Dylan grinned as well. “I miss her.” katatapos lang niyang patayin ang cellphone. 

Anton ordered drinks for all of us. 

“Parang hindi ko na makilala si kuya magmula nang maging sila ni ate Ruth. Para kang… sinapian ng ibang mas mabait na kaluluwa.”

Pinalo ko sa braso si Dean dahil sa kalokohang sinabi nito. 

“Papayagan mo bang mag-Peyton si ate Ruth after niyang manganak, kuya Dylan?”

“Depende. Kapag hindi kami hinanap ng kambal namin.”

Ngumuso si Yandrei. At sinegundahan ang kanyang naunang tanong.

“Baka may friend siyang gustong mag-Peyton minsan.”

“Sina Esther at Walter ba? O ‘yung mga kaibigan niya sa TV Station?”

“Why not. The more, the merrier! O kaya isama mo na ‘yung dating kanang kamay ng Lolo Leon niya.”

“Si Hector?”

“Uhm.”

Tumaas ang kilay ko. Nagkatinginan kami ni Yale. Maraming tao sa bar pero dahil nasa exclusive and medyo private area kami sa second floor ay hindi naman crowded. Some of our friends were there. Nakiinom at nakikwentuhan. Si Yale ay hindi masyadong sanay sa mga kakilala namin. Nakikipagkausap siya pero matipid. Probably, nasanay siyang palaging mag-isa o malapit lang na kaibigan ang kinakausap, Like, Alexander. Kaya medyo mailap siya sa ibang tao. Pero hindi sa mga De Silva, na ngayon ay kapamilya na rin niya.

“This is where I first saw you…” 

Hindi ko alam kung tama ang dinig ko. “Huh?” nilapit ko sa labi niya ang tainga ko. 

Hinapit niya ako sa baywang. I could smell his drinks from his breath. Hindi lasing pero mas dumoble ang lambing. 

“Na-love at first sight ako sa ‘yo. Nineteen years old ka no’n.”

Nagsitayuan sina Anton, Dean at Nick para lumapit sa railings, at may tinuturo sa baba o sa dance floor. Si Dylan ay kausap si Red at Yandrei, parang matandang nagbibigay ng payo. Wala si Cameron. At si Dulce ay tinititigan ang straw na hinahalo sa kanyang pineapple juice. Dahil lumuwag ang pwesto, halos nagkaroon din kami ng privacy ni Yale. 

“Ikaw ‘yong…” nanghihinala kong salita at angat ng tingin sa kanya. 

I caught his grinning lips. Uminom ito sa bote. May tiningnan siyang couch sa kabila. 

“I left you there, asleep.”

“That was you!” 

“Ayoko sanang iwan ka pero… wala akong karapatan na hawakan o kausapin ka man lang. But I knew then, that I was already in love with you.” he looked at me and caught my lips for a brief kiss. 

My lips parted and I was really shocked. “You mean, matagal na tayong nagkita?”

He grinned and nodded. 

“Matagal mo na ‘kong kilala?”

“Gusto na kitang ligawan pero… wala pa akong lakas ng loob. Kilala ang dad sa business world. Saka, wala pa akong napapatunayan sa mundo para umakyat ako ng ligaw sa ‘yo.”

“Nagpadala ka ng bulaklak o chocolate sa akin noon?” maraming nagpapadala niyan sa akin noon pero madalas ay hindi ko tinitingnan kung kanino nanggagaling. 

“I didn’t send any.”

Ngumuso ako. Hindi ko na dinugtong na baka may posibilidad na siya ang maging first boyfriend ko. Pero iba ang sitwasyon noon at ngayon. Maaaring hindi ko rin siya pansinin dahil kay Grey. But there was no regret anymore. Now, we are happily married and we have a son. Ang nangyari noon ang naging daan para maging kami ngayon at habangbuhay pa.

“You’re my only dream woman, Deanne. I love you then and now.” he whispered again.

Tila may kumikiliti sa tiyan ko. Nangingiti siya habang nakatingin sa malikot na ilaw sa kisame. Nabibingi ang puso ko sa nalamang… nineteen pa lang ako, mahal na niya ako. At hanggang ngayon… may anak na kami at mag-asawa… hindi pa rin siya nagbabago. Ano ba ‘yan! Mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya. 

Hinalikan ko siya sa pisngi. Tinitigan niya ako. Hanggang ganoon lang kami at ayaw kong sumobra dahil kasama ko ang mga kapatid ko’t pinsan. Lalo na kay Dulce at Yandrei. Para sa akin, mga baby girl ko pa sila. Kahit mukhang may crush itong si Yandrei kay Hector Fronteras. Well, crush lang naman. 

Hindi kami masyadong nagpagabi. Sinundo namin si Joaquin kina Ruth. Pagpasok namin sa kwarto, sinumulan niya akong halikan sa leeg, pababa sa balikat, habang binaba niya ang zipper sa likod ko. Bumagsak sa sahig ang suot kong dress. Pinagsaklob niya ang kamay sa ibabaw ng dibdib ko. I was so aroused. Inabot ko ang batok niya at lumingon para hulihin ang kanyang labi. 

The kiss turned into wild and hungry. Inihiga niya ako sa kama. The next thing I knew, we were both fully naked, sweating and he was thrusting inside me. I screamed his name over and over again until I came and hugged him tightly. Gumagalaw pa rin ang balakang niya at bumibilis ang abante. After he spilled everything inside me, binagsak niya ang katawan sa ibabaw ko. Hingal at panay ang bulong na mahal na mahal niya ako. 

Ilang beses naming inulit iyon. Pagkagising sa umaga, nagsiping kami ulit. He didn’t want to leave me alone. Si Yale ay ayaw na iniiwan akong mag-isa sa kama. Kaya sabay kaming naliligo at lalabas ng kwarto. Ang anak naming si Joaquin ay gising na kasama sina Mae at Vee. 

Iba talaga ang pakiramdam at view sa buhay kapag may sarili kang tahanan. Mas buo ang pagiging asawa at ina ko. May kalayaan akong lutuan at asikasuhin ang mag-ama ko. Mayroon akong desisyon sa disenyo ng bahay at nasa akin ang pagpapalakad. I guess, malaking responsibilidad ang kalakip ng pagkakaroon ng sariling pamilya. Pero hindi ako natatakot doon. Mas masaya pa akong harapin ang responsibilidad at titulo ko bilang Mrs. Deanne de Silva - Montevista. 

Our house blessing was simple and yet very memorable. Kumpleto ang buong pamilya ko. Nagpaunlak din sina Alex at Bianca, kasama ang cute na cute nilang anak na si Eloise. Na agad kinagiliwan nina mom at auntie ko. I saw my son looking at her. Nang buhatin ito ni Alex para ipakilala sa kanyang unica hija ay inabot niya ang maliit na kamay ni Eloise para i-shakehands. Nakagiliwan ng mga matatanda ang ganoong eksena at tinawanan ko naman. 

Tyro, Jena and his parents came, too. Pinasundo ni Yale sa Corcuera sina Pepita, Melona at kani-kanilang pamilya. Na-miss ni Joaquin sina Lorilyn at Jorge. Kaya napuno ng batian, mahabang kwentuhan at tawanan ang bahay namin. Hindi ko inaasahan ang ganitong resulta. Dahil ang una ko lang na plano ay makasama at makita ang mga mahal ko sa buhay sa bendisyon ng magiging tahanan namin nina Yale at Joaquin. 

Ang sarili kong pamilya. 

Tito Fausto and Tita Nancy arrived that evening. Hindi pumunta si mama Rosalinda, pero sakay ng taxi, humabol si Manang Soledad. 

“Hindi pwedeng, hindi ko kayo batiin na mag-asawa. Kahit saglit lang.” sabi niya matapos namin siyang salabungin ni Yale. 

“Ang mama po?”

Nakaabrisyete ako sa asawa ko. “Pupuntahan po namin siya mamaya pagkatapos ng celebration.” Dagdag ko. Naghanda rin ako ng pagkain para sa mansyon ng Montevista. 

“Mabuti naman ang mama mo, hijo. Madalas nasa kwarto lang at nagpapahinga.”

Hindi na ulit nagtanong si Yale pagkatapos niyang sulyapan ako. 

On time dumating ang Pari. Mabilis lang ang bendisyon at pagkatapos ay sinimulan na ang handaan. Hindi nagtagal ang Pari sa bahay at umalis din. Hinatid namin siya ni Yale sa gate nang magpaalam na ito. Pagkatapos ay inasikaso ko ang mga bisita namin. 

May pagkakataon na napapatitig ako sa mga taong dumating. Nagsama-sama silang mga nagmamahal at malalapit sa akin. Walang mataas, walang mababa. Walang naiiwan, wala ring nauuna. Lahat ay magkakasamang masasaya.

Ito ang buhay na pinangarap ko noong bata pa ako. Nagkamali rin ako sa desisyon sa buhay. Pero ang pinakaimportante, ay may natutunan at handang magsimula ulit.

At kapag tinitigan ko ang nakangiti at tumatawang mukha ni Yale, napakaswerte kong tao at minahal ako ng isang tulad niya. Palagi ko iyong naiisip. Kaya nga, handang handa akong harapin ang buhay basta kasama ko siya.

Pinahatid ni Yale sina Pepita sa hotel para roon magpahinga. Tatlong araw sila rito sa manila. We didn’t let them pay for everything. Pambawi na rin sa mga araw na hindi namin sila nakamusta. Pero sina Tito Fausto ay bumyahe ulit pauwi. 

Pagkaalis ng ibang bisita, pinuntahan ko sa opisina ni Yale ang pamilya. Nagdala ako ng kape. Pagpasok ko, naabutan kong tahimik ang lahat. Lalo na si Yale na nakatayo at halukipkip. I thought then, may problema. Medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil kanina lang ay ang saya-saya ng lahat. Ngayon, anong nangyari?

They looked at me. Binaba ko ang tray sa working table na may computer monitor. Umuusok ang mainit na kape. Pumipintig nang mabilis ang puso ko. My husband stared at me and took my hand. He sighed. 

“What’s wrong, love?” I murmured and intertwined our fingers. 

“May sinabi si Ruth.” 

“Hmm?” I looked at her. “What is it?”

Tumikhim si Dylan. Sinulyapan ang asawa at tumango. Then, Ruth smiled. 

“May… iniwan si lolo leon para kay Yale, ate.”

I looked at my family. Hindi sila kumikibo kundi nakikinig lang. 

Then, Ruth continued, that Napoleon Salviejo left a big amount of money for Yale Montevista. 

“Dahil siya ang panganay ni Fidel Montevista. It was stated on his letter he left to me, na ibigay iyon sa kanya, pagkatapos niyang mabuo ang kanyang pamilya. He deserves it. Naniniwala ang lolo leon na… malaki ang parte ni Fidel Montevista sa Blue Rose. Hindi man naging maayos ang huli nilang pagkikita, tini-treasure niya ang pagkakaibigan nilang dalawa. Hindi masusukat ng pera o anumang halaga ang pinagsamahan nila, gusto pa rin niyang ibahagi sa anak ni Fidel ang tagumpay at nagawa ng Blue Rose. At sana… ay maniwala ang pamilya Montevista… na hindi niya pinagtangkaan ang buhay nito kahit minsan. Though, he exiled himself in the island for years, he stayed loyal and honest until his last breath.” Ruth’s voiced quivered. Dylan held her hand and squeezed. 

“Bakit kailangan pa niyang… gawin ‘yan? Ruth, mas malaki ang kasalanan namin kay Don Leon. Bakit… bakit siya pa ang mag-iiwan ng gan’yan sa amin?” 

Tiningnan ko ang kamay ni Yale. 

“Simple lang. Kayo ay pamilya niya. At mahal kayo ni lolo.”

Yale gasped and held my hand tightly. Nag-angat ako ng tingin sa kanya, at ngumiti. Pinatong ko ang isang kamay sa kanyang balikat at dumikit sa kanya. Letting him know that it’s fine and I’m here with him. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya at nata-touch din sa ginawa ni Don Leon. Napahiling ako na sana ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap ngayon. 

Sometimes, life is unfair. But I believe our Creator is wise and just. 

“S-Salamat…” Yale almost murmured. At that moment, hindi ko alam kung para kanino ang pasasalamat niyang iyon. Sandali akong na-curious pero pagkatapos ng ilang sandali ay niyakap niya ako at mahina itong humikbi. 

My whole family tapped his shoulder and consoled him. 

Mayroon pa akong isang bagay na minahal sa kanya, hindi siya nahihiyang ipakita ang kahinaan niya. 

“Life is not always fun. If you only get what you want, you’ll get weak. Your life-battery will die eventually. A pinch of hurt, stress, fear or any problem are okay. If you face them properly, not letting them control your mind, you’ll end up stronger than before. You’ll learn. You’ll understand. Knowledge in life is not from school but from the experience itself.” Dad said to us. Bago sila umuwi, kinausap niya kaming mag-asawa. 

Tiningnan ko si Yale, tahimik siyang nakikinig sa kanya. Nakikinig din naman ako. Pero palagi ko siyang sinusulyapan. I got worried but right now, not anymore. He’ll get it. 

“Dad, nahihiya po ako kay Ruth. Sa lolo niya. Bulag kami sa nagdaang panahon.” He confessed. 

Dad sighed. “Son, you don’t have the control of your life. But you have the console of your attitude. Learn from your past.”

Para sa akin, hindi kahinaan o pagkatalo ang pagtanggap ni Yale sa pinamana sa kanya ni Don Leon. Parang nakahinga nang maluwang si Ruth nang tanggapin niya. Ginamit niya iyon para sa improvement pa ng The Paradise Hotel and Casino. At sa The Paradise Island. Ang dalawang giant property na pinundar ni papa Fidel. It was after all, his legacy to his sons. 

Pinuntahan namin sa mansyon si mama Rosalinda. Pero hindi niya kami hinarap. Ang sabi ni Manang Soledad ay bumalik kami ulit sa ibang araw. 

Bumalik kami kinabukasan, pero ganoon pa rin ang nangyari.

Pagsampa namin sa sasakyan, hinawakan ni Yale ang kamay ko at dinala sa kanyang labi. Matamis ko siyang nginitian. Pero malungkot ang mata niya. 

“I’m sorry, love.”

Nagsalubong ang kilay ko. “Oh, para saan ‘yan?”

Tiningnan niya ang mansyon nila. “Kay mama. Alam kong nahihirapan ka.”

I pinched his nose. “It’s okay with me. Hindi naman agad-agad ay matatanggap ako ng mama mo. O kahit si Joaquin. May proseso pa ring pagdadaanan.”

“Pakiramdam ko, mas nahihirapan ka sa panig ko kaysa ako sa pamilya mo.”

“Hindi, ah! Nariyan sina Tito Fausto at Tita Nancy na tanggap ako. Ikaw lang ang nag-iisip nang gan’yan, love.”

“Mamahalin mo pa rin kaya ako kung… hindi na magbago si mama?”

Kunwari ay nag-isip ako. “Hmm… siguro.”

He leaned forward and became nervous. “Siguro?”

“Hm.”

He reached my face by his hand. “Kung gano’n, hindi kita pakakawalan para hindi magbago ang isip mo.”

Natawa ako. “Hindi magbabago ang puso ko sa ‘yo, love. Kahit ilang beses mo pa akong tanungin o kahit ilang beses pa akong tabuyin ni mama, mamahalin pa rin kita. Walang makakapagpabago ng love ko sa ‘yo. Ever!” I copied Yandrei’s cheerful tone. 

Tinitigan niya ako nang matagal. Sa kilig ko sa kanya, inabot ko ang labi niya at hinalikan nang malalim. Those intense kisses turned into something hot and wild after he bit my tongue and glided his inside my mouth. Hindi na niya napigilan ang sariling dumaing sa gitna ng halikan namin. 

“I love you.”

I licked my lips and smiled. “I love you, too.” 

“I love you.”

“I love you, too.”

“I love you.”

I chuckled. “I love you, too!”

He stared at me and gave me his smiling eyes. “I love you so much.”

Through his eyes, through mine, well, I did my best to tell him how much I adore, respect and love him so much. He was a good listener and he was watching me all the time. Hindi na ako magugulat na kahit sa pagtulog ay tinitigan niya ako. He is everything I needed. He is enough.

Nag-iisip ako nang nakakatuwa habang nagmamaneho siya. Each establishment we passed by seems like they were soldiers that giving respect to their mighty king. We are king and queen in our own kingdom. And we have our own battle in life.

Dylan fell in love with our ex-cousin. I fell in love with our enemy and the son of gang's member. Many people would be surprised to our chosen lives but who cares, right? Wala silang ideya sa tunay na nangyayari sa mga buhay namin. The world couldn't see what we really are inside. And they don't need to know that. Natutuwa akong isipin na... gustong gusto ko ang view ng buhay namin ngayon.

Pagkauwi sa bahay, sinalubong kami ni Joaquin. Binuhat niya ang anak namin at umupo kami sa tabi ng swimming pool. Pinuntahan kami ni Vee kung ano ang gusto naming kainin. Tinanong ko siya pero ako ang pinapili niya. Kaya pagkaalis ni Vee ay pino ko siyang kinurot sa tagiliran. He chuckled and pulled me to sit down beside him. Pinagsalikop niya ang mga kamay namin. 

“Why, baby? Pupunta tayo kina grandpa sa kanila,”

Nagtanong si Joaquin kung kailan kami aalis ulit. I think, naiinip ito dahil wala sina mommy at daddy. Tuwing linggo ay nasa mansyon kami. Kumpleto ang mga kapatid ko. At nadagdagan pa.

“Miss ko na po maglaro. Pero sabi ni Uncle Dean, malapit na raw po akong mag-school.”

“Yes, baby. Naghahanap na kami ng papa mo ng school para sa ‘yo. Are you excited?”

“Yes, mama!”

Yale combed his bangs and kissed his forehead. “Don’t grow up so fast, son.”

I giggled. Medyo nakasimangot ang mukha ni Yale. 

“Baka years from now, lolo ka na, love.”

Mas lalo siyang sumimangot. “Gusto ko pa siyang buhatin at yakapin nang ganito kahigpit.” Niyakap niya ito nang mahigpit. 

“Papa!” Joaquin giggled.

“You’re still my baby.” Kunwaring himutok ni Yale sa anak. Kiniliti niya ito at nagkatuwaan. Nang mapagod ay sinandal ni Joaquin ang ulo sa dibdib niya at humikab. 

Tinitigan namin ang tahimik at kumikislap na tubig sa pool. Stars were peacefully and radiantly aligned from above. The wind was cold and calm, both combinations were nice. May ilang malalayong tunog ng sasakyan pero tolerable. Para kaming nasa gitna ng malayong probinsya at hindi maabot o magambala ng mga tao. I just love how he chose this house for us. Safe and full of love.

Yale turned to me and kissed my temple. Yumakap ako sa kanyang braso. Pinatong ko ang ulo sa kanyang balikat at lumabi. 

“Love,”

“Hmm?” he kissed my hair. “Yes, love?”

“Kailangan natin ng bumili ng bagong crib.”

“Crib? C-Crib?!”

I nodded and giggled. 

“Deanne,” 

Hindi ko pinansin ay tawag niyang tila may banta o inis. Imbes ay tinaas ko ang kamay at nag-v sign. 

“Dalawang crib, love.”

He stiffened. So, when I looked up at him, I smiled and winked.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5K 277 20
Author's Note 🔞: This story contains explicit and mature content. Readers who are sensitive to these contents may or may not continue. THIS IS A WOR...
1.6M 23.8K 58
Rouchless Possessive Series #1
1.6M 26.3K 40
When you thought you had the best night of your life but then the reality wakes you up. He doesn't love you. "I love you." She said. "I'm sorry" He r...
1.7M 29.7K 35
Pihikan ang puso ng dalagang si Christina Asuncion nang magkrus ang landas nila ng guwapo at enigmatikong si Heros Peñafranco. Ang ikatlo sa Peñafran...