Her Asset

By Unnie_Corn0

2.2K 707 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 25

30 8 0
By Unnie_Corn0

Nakaupo ako ngayon sa bench. Nandito ako ngayon malapit sa gym ng campus. Hinihintay ko si Ivan dahil ngayon ang tryouts nila para sa gaganapin na intrams.

Mayroon kami laging vacant time. Malapit na rin kasi midterms. Naghahanda na lang kami para sa intrams at midterms.

Natapos agad ang tryouts. Nakita ko na si Ivan kasama sina Laurence na lumabas galing sa gym.

Pawisan pa si Ivan nang makita ko. Pero mas nakaragdag pa 'yon sa appeal niya. Hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya.

Unfair.

"Amery, kanina ka pa naghihintay?" 

"Hindi naman."

Nagpaalam agad sina Laurence na mauuna na. "Iwan na namin kayo. Alam naman naming gusto niyo ng bebe time." Kahit kailan talaga itong Laurence, lagi na lang nang-aasar.

"Kumusta ang tryouts?"

Humarap ako kay Ivan at nagtanong nang makaalis na sina Laurence kasama si Kent.

"Maayos lang, Amery. Nakapasok kami nila Laurence at Kent." 

"Sabi sa 'yo makakapasok kayo, eh. Ang gagaling niyo kaya." 

Ngumiti siya sa akin. Binigay niya ang panyo sa akin. Nagtataka ko naman siyang tinignan?

"Anong gagawin ko diyan?" 

"Pwede mo bang punasan ang pawis ko, Amery? Masakit ng katawan ko. Parang hindi ko na maigalaw ang kamay ko." 

"Maraming makakakita, Ivan!" 

Marami pa namang students ngayon kaya nakakahiya.

"Tara, sa garden tayo."

Nagpahatak na lang ako sa kanya para pumunta sa garden ng campus. Madalas kasing walang tao rito. Kung may tao man ay kaunti lang.

Nang makapunta kami sa garden ay kinuha ko sa kanya ang panyo na hawak niya.

Yumuko pa siya para pantayan ako. Pinunasan ko ang pawis sa mukha niya. Nakatitig lang siya habang ginagawa ko sa kanya 'yon. 

Ingat na ingat ako sa pagpunas sa kanya. Ang kinis ng mukha niya at maputi rin. 

"Okay na."

Binigay ko sa kanya ang panyo pagkatapos kong punasan ang mukha niya. Pero hindi niya kinuha ang kanyang panyo.

"Dito pa." 

Nakangiti niyang sabi sa akin. Tinuturo niya ang leeg niyang pawisan din. Napalunok ako ng laway nang dampian ko ng panyo ang kanyang leeg.

Umaabuso ata itong lalakeng 'to. 

"Ayan, okay na." 

Umayos siya ng tayo. Kinuha ang panyo sa akin. 

"Come here." Lumapit ako sa kanya.

Yumuko siya bigla kaya napaatras ako. Mabilis niya namang nahuli ang bewang ko para pigilan ang pagkahulog ko.

Pinunasan niya ang noo ko ng kanyang panyo.

"Pinagpawisan ka rin, eh. Namumula ka pa. Kinikilig ka ba sa akin?" 

"Hindi no! Mainit lang kaya ako pinagpapawisan!" 

Aba! Kung makaasar itong lalakeng 'to parang hindi nanliligaw.

"Tara na nga." Niyaya ko na siya dahil namumula na talaga ako.

"Where?"

"Nagugutom ako."

Tumawa siya. "Kailan ba hindi?"

Pabiro ko siyang pinalo sa braso. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Ah, gano'n?"

"Biro lang." Tumawa siya at inakbayan ako. "Tara na nga."

Pumunta kami sa labas ng campus para bumili ng pagkain. Nakahilera ang mga nagtitinda rito. Malabo talagang gutumin ka.

Bumili kami ng pagkain ni Ivan. Binilhan na rin namin ang mga kaibigan namin ng pagkain. Pagkatapos bumili ay pinuntahan na namin sila.

"Guys! Libre yan ni Ivan." 

Inilapag ko ang pagkain sa mesa. Natuwa naman agad sila dahil may pagkain. Nagpasalamat din sila kay Ivan.

Kumpleto kami ngayon. Kasama rin namin si Mila. Naging kaibigan na rin namin siya. We're now 9.

"Malapit na ang intrams, ah."

Nilingon ko si Migs nang marinig ko itong nagsalita.

"Yes, sa susunod na araw na."

"ABM students, pero suportahan ay STEM students!"

Natawa kaming lahat sa sinabi ni Mila. 

Pagkatapos kumain ay umuwi na rin kami. Wala na kaming pasok. Dismissed na rin ang klasi sa lahat ng strand. Hinatid na ako ni Ivan pauwi.

~

~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh~Woohh

~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap~Clap

"GO STEM!"

"GO ABM!"

"GO HUMSS!"

"GO TVL!"

Hiyawan at palakpakan ang namayani sa buong gymnasium. Lahat sila may sariling hiyaw. Lahat sila ay may sinusuportahan. Nakaupo kami ngayon sa bench. 

Kasama ko sina Julianna, Fatima, Mila, Migs, at Keith

Nagsimula na ang intramurals. May sumayaw pa para sa intermission number. Hinanap ng mata ko si Ivan. Pero hindi ko siya makita. kanina ko pa siya hinahanap pero wala pa siya. 

Nag-aalala na ako. Nandito na ang mga kasama niya. Nandoon na rin sina Laurence at Kent. 

Bakit hindi nila kasama si Ivan?

"Sandali lang. May pupuntahan lang ako." 

Nag-paalam ako sa mga kaibigan ko. Hahanapin ko lang si Ivan. Narinig ko pang tinanong nila ako kung saan ako pupunta, pero hindi ko na sila sinagot at nilingon. 

Pinuntahan ko sina Laurence para tanungin sa kanila si  Ivan.

"Nakita niyo ba si Ivan? Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita." 

"Huli ko siyang nakita sa room. Kasama niya si Claire. Pero huwag kang mag-selos, Amery, ah. Alam ko namang loyal si Ivan sa 'yo. Pinag-uusapan lang siguro yung project nila. Ipapasa na kasi 'yon after ng intrams."

Mahabang sabi ni Laurence. Nagpasalamat ako sa kanya at nagpaalam. Pupuntahan ko si Ivan.

Nang makarating sa room nila ay nandoon nga si Ivan...kasama si Claire.

Hindi ako lumapit at nakinig lang sa usapan. Alam kong mali ito, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Claire, pinag-usapan na natin 'to, hindi ba?"

"Pero Ivan, bakit si Amery pa? Bakit hindi na lang ako? Alam mo namang gustong-gusto kita."

"Claire, please lang. I don't like you, Claire. At hindi kita magugustuhan. Si Amery lang talaga, Claire. I'm sorry."

"Wala ka namang mapapala sa babaeng 'yon, Ivan! Bakit? Sa tingin mo ba gusto ka niya? May pag-asa ka ba sa kanya? Baka nililigawan mo siya tapos hindi ka naman pala sasagutin. Eh ako? Gusto kita, Ivan! Kaya sa akin ka na lang, please!"

Anong ginagawa mo, Claire? Obsessed talaga siya kay Ivan. Ako ang nahihiya sa ginagawa niya.

"Claire, hindi mo kailangang magmakaawa para mahalin ka ng isang lalake. Kung mahal ka talaga niya, kahit hindi mo siya kailangang pilitin para mahalin ka niya. Ilang beses kong sinabi sa'yo na si Amery ang gusto ko. I love her, Claire. And you can't do anything about it."

May humaplos sa puso ko nang marinig ko ang sinabi ni Ivan.

"I'm really sorry, Claire. Someday, mahahanap mo rin ang para sa 'yo."

"Ikaw lang ang gusto ko, Ivan!"

Umiiyak na si Claire sa harap niya. Mukhang prolemado na rin si Ivan dahil sa pag iyak niya.

"Please, stop crying, Claire." 

Pinunasan ni Claire ang mga luha niya. Tumalikod siya kay Ivan at parang aalis na. Pero hindi natuloy ang kanyang pag-alis nang makita niya ako.

Kita ko ang gulat sa mga mata niya. Nagulat din si Ivan nang makita ako.

"Anong ginagawa mo rito, Amery?!" Halata sa boses ni Claire na galit sjya.

"Amery?" Gulat pa ring tanong niya. Para siyang nakakita ng multo.

"Hinahanap ko lang si Ivan." Mahinahon lang ang boses ko.

"Amery, kasama ko lang si Claire kasi-"

"Shh, I know." Pinutol ko ang sinabi ni Ivan. Lumapit siya sa akin.

"Let's go, magsisimula na ang laban niyo." 

Sumunod agad siya sa akin. Iniwan namin si Claire sa classroom. Nilingon ko siyang muli, nakita ko ang nag-a-apoy niyang mga mata sa akin. Pula rin ang mga mata niya, marahil ay dahil sa pag-iyak nito kaya namumula ang kanyang mga mata.

"Narinig mo ang usapan namin?" Tanong ni Ivan habang naglalakad. 

"Yes, I'm sorry, Ivan."

"It's okay, Amery."

"Claire really likes you, huh?" 

"Yes, and I like you, Amery."

"I like you, too, Ivan." 

Sa wakas ay nasabi ko na ang nararamdaman ko. I know, hindi ito ang perpekto na oras para sabihin ang nararamdaman ko, pero hindi ko na kayang kimkimin sa puso ko.

Natigilan si Ivan sa paglalakad. Nanlaki ang singkit niyang mga mata.

"You like me, too?" 

"Yes." Tumango ako habang sinasabi 'yon.

"Pero hindi pa kita sinasagot, ah."

"It's okay, I can wait until you are ready."

"Let's go, start na ng game niyo. Galingan mo, ah."

"Well, my girl said that she likes me too. A reason para ganahan ako lalo."

Nakarating na kami sa gym. Magsisimula na ang laban. Pumunta na si Ivan sa mga kasama niya.

"Sinundo mo naman pala si Ivan, Amery."

"Kaya pala bigla na lang nagpapaalam."

Tinawanan ko lang ang mga sinabi nila. Hindi na ako nagsalita. Aasarin lang nila ako.

Nagsimula na ang laban. STEM vs. HUMSS. Bukas lalaban ang ABM at TVL.

Ang daming nag-c-cheer sa STEM. Marami kasing gwapo roon. Pero walang tatalo sa STEM ko.

Naririnig ko rin ang iba na sinisigaw ang pangalan ni Ivan. Ang daming nagkakagusto sa kanya. Ang swerte ko naman at na crush back ako.

"Go, Ivan!"

Hindi ako nagpatalo. Sumigaw din ako. Sa rami ng mga sumisigaw ay parang narinig ako ni Ivan sa sumigaw. Lumingon ito sa akin, pagkatapos ay nginitian at kinindatan pa ako. 

Tumingin tuloy ang iilang mga students sa gawi ko. Nahiya ako kaya yumuko ako nang bahagya.

Habang nanonood ng laban ay nakita ko si Ivan at ganado siyang mag laro. Bawat shoot niya sa bola ay pumapasok sa ring. Ang smooth din ng galaw nito.

Hiyawan ang maririnig sa buong gymnasium. Ang galing ng mga STEM. Tambak din ngayon ang mga HUMSS. Hindi naman sa pagiging biased, pero si Ivan talaga ang nagdala.

Walang mintis kapag nag-shoot na siya. 

Dapat ko ba siyang sabihan ng 'I like you' kapag maglalaro na siya para ganado siyang mag-laro?

Natapos ang laro at nanalo ang STEM. Palakpakan at hiyawan ang natanggap nila.

"Ang galing mo, Ivan!"

"Akin ka na lang, Ivan!"

"Ang swerte ni Amery sa 'yo!" 

Nagulat pa ako nang marinig ko ang pangalan ko. Pero mas nagulat ako nang marinig ko ang sinabi ni Ivan.

"Mas swerte ako sa kanya!"

Humiyaw nang malakas ang mga tao. Pinalo pa ako sa braso ni Fatima. Kinikilig ito panigurado.

"Sana all may Ivan!"

Tumawa na lang ako sa mga sumisigaw. Idadaan na lang sa tawa ang hiyang nararamdaman.

Lumapit si Ivan sa akin. Kumuha ako ng panyo at pinunasan ang pawis niya. 

"Ang galing mo kanina, Ivan!" 

"Para sa'yo iyon, Amery."

"Thank you." Sabi ni Ivan pagkatapos ko siyang punasan ng pawis.

"Here, inom ka muna, for sure napagod ka kanina." 

"Nawawala naman 'pag nakikita kita."

"Ilan nakain mong mais, pre?" Biniro ko siya na ikinasimangot ng mukha niya.

"Pasalamat ka at mahal kita."

"Thank you!" Inasar ko ulit siya.

"Yakapin mo na lang ako para mawala ang pagod ko."

"Maraming tao, Ivan!" 

Napaisip din siya sa sinabi ko. Bumuntong hininga siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan.

"Recharge lang ako, ah?"

Hindi ako sumagot. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. Tanda na pumapayag ako sa sinabi niya.

Continue Reading

You'll Also Like

489 213 103
a short story in which each chapter is eight words long.
542K 6.6K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...
2.6M 94K 30
Dawn, a girl in her early twenties living in a poor neighborhood with her sick mother and teenage brother. Her father has abandoned them for a rich w...
Alexandra Rose By <3

Teen Fiction

272K 8.2K 45
It's been ten years since the Stones family lost their little girl. In those ten years, Alexandra Rose has grown up with an abusive foster father wh...