Her Asset

By Unnie_Corn0

2K 704 43

Amery Gem Thompson is a senior high school student in the ABM strand. She promised herself to focus on academ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Epilogue

Chapter 24

23 8 0
By Unnie_Corn0

Ngayon ay araw ng Linggo. Maaga akong nagising dahil pupunta kami ni Ivan sa church.

I wear a simple white dress and white sandals. I also put light makeup on my face.

Nang makuntento na ako ay bumaba na ako. 11:30 am ang usapan namin ni Ivan, pero 1:00 pm pa ang start ng service. Inagahan lang namin dahil sa labas kami kakain ng lunch.

Pansin ko ngang lagi akong pinapakain ni Ivan. Never talaga akong nagugutom kapag siya ang kasama ko.

"Anak, nariyan na ba si Ivan?" Pagkababa ko ay tinanong ako ni Mama.

"Papunta na po, Ma. Maaga pa naman po."

Tumango siya sa akin. "Sige, mag-iingat kayo, ah."

"Yes po. Lalabas na po ako para hintayin siya."

Paglabas ko ng gate ay sakto naman ang pagdating niya. Bumaba siya ng sasakyan, ang akala ko ay pagbubuksan niya ako ng pintuan, pero lumapit siya sa akin.

"Pagpapaalam muna kita kay Tita."

"Okay na, sinabi ko na sa kaniya.

"Pero gusto ko pa ring pagpaalam ka."

Wala na akong nagawa kung hindi ang samahan siya sa loob ng bahay.

"Ivan, nandito ka na pala." Nakita ni Mama si Ivan. Nagmano si Ivan kay Mama at bumeso.

"Aalis na po kami ni Amery, Tita. Iuuwi ko po siya before 5." Pagpapaalam ni Ivan.

"Sige, mag-iingat kayong dalawa."

Umalis na kaming dalawa ni Ivan pagkatapos niyang ipagpaalam ako.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Ivan.

"Hmmm, sa Mcdo na lang. May malapit na Mcdo sa church, 'di ba?"

"Alright, doon na lang tayo."

Nakarating na kami sa Mcdo. Mabuti nalang at walang masyadong tao ngayon.

Nang makapasok kami ay naghanap agad kami ng mauupuan namin bago mag-order.

"What do you want to eat, Amery?"

"McCrispy chicken fillet ala king, fries, and McFlurry."

"That's all?"

Tumango ako. "Yeah." Umalis na siya para mag order.

Pinagmamasdan ko siya habang nakapila siya. Hindi ko maiwasang mamangha sa kanya. Mula rito ay kitang kita ko pa rin siya, napansin ko rin ang mga babae na tumitingin sa kanya.

Hindi ko naman sila masisi dahil gwapo naman talaga si Ivan. Pero sorry na lang sila, ako ang nagustuhan, eh.

Dala ni Ivan ang order naming dalawa. Inilapag niya sa akin ang akin. Kinuha naman niya ang sa kanya.

"Thank you, Ivan."

"You're welcome."

"Napansin mo ba ang mga babaeng nakatingin sa 'yo kanina? Ang gwapo mo naman kasi."

"No, kahit anong tingin nila ay wala naman silang mapapala sa akin. Sa'yo lang naman ako. Ayaw ko sa iba, Amery."

"Hindi naman kita pinamimigay, ah."

Ngumiti siya sa akin at kinurot ang pisngi ko. "That's my girl."

Papunta na kami ngayon sa church dahil tapos na kaming kumain. 12:50 na pala.

Sakto lang kami, mabuti naman.

Nang makapasok kami sa church ay naramdaman ko ang familiar na feeling. Iba talaga ang pakiramdam kapag nandito ka.

Naghahanda pa lang sila sa para sa worship noong pumasok kami. Marami na rin ang tao sa loob ng church.

Nang magsimula na ang worship ay ipinikit ko agad ang mga mata ko at itinaas ko ang aking kanang kamay, ang kaliwang kamay ko ay inilagay ko sa aking dibdib.

Sumabay ako sa kanta upang purihin Siya.

Nakita ko rin si Ivan na sumasabay sa kanta at nakataas din ang kanyang kanang kamay.

Oh, to be loved by a man of God was such a blessing, indeed.

Natapos na ang worship. May nag share naman ng testimony nila, hindi ko maiwasang maiyak dahil doon. Sobrang babaw pa naman ng luha ko.

Hinagod lang ni Ivan ang likod nang mapansin niyang may luha sa mga mata ko.

"Are you okay?" Sobrang lambot ng boses niya.

"Hmm, I'm okay, Ivan." Pinunasan ko rin ang luha sa mga mata ko at kinalma ang sarili ko.

Pagkatapos ng testimony ay nag preach si Pastor.

Nakikinig lang ako kay Pastor nang hawakan ni Ivan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya, nakatingin lang ito kay Pastor at halatang nakikinig.

Nakinig ulit ako hanggang sa natapos si Pastor sa pag p-preach niya.

Bago natapos ang service ay nag offering muna at nag-pray.

"Thank you sa pagdala ulit sa akin sa church." Seryosong sabi ko sa kanya. Nasa mall kami ngayon, dumiretso kami rito after ng service.

"And I'm a glad na pumapayag ka sa akin."

"Gusto ko talagang maging born again christian, Ivan." Dito kasi mas nag develop ang faith ko kay God.

"Nag-struggle rin kasi ako sa faith ko dati. Pero noong narinig ko ang unang preach ni Pastor ay naging okay na ako. Bumalik yung faith ko, mas lalo pa ngang tumatag dahil sa pag c-church ko."

"Kahit anong mangyari, Amery, just trust Him. Hindi ka niya pababayaan, kahit talikuran ka pa ng lahat, Siya, hindi ka niya iiwanan."

Sumandal ako sa balikat ni Ivan at doon ko ipinikit ang mga mata ko. "Nagugutom ka na, noh?" Idinilat ko ang mga mata ko nang marinig ko siya.

"Paano mo nalaman?"

"Lagi ka naman kasing gutom, eh." Tumatawa pa talaga siya.

"Hoy! Grabe ka naman sa akin."

Hinampas ko siya nang bahagya sa braso pero hinuli niya ang kamay ko at hinawakan 'yon.

"Tara na."

Totoo naman ang sinabi niyang gutom ako. Totoo rin naman na gutom ako lagi.

Pumunta kami sa likod ng mall, sa SkyFall. Dito kami unang nagkita, dito rin kami nagkakilala.

Maraming binebentang pagkain dito, mas mura rin kumpara sa mga tinitinda sa loob ng mall.

"Gusto kong kumain ng fries sa potato corner."

Bumili naman agad si Ivan ng isang fries, hati kami rito.

Marami pa kaming kinain sa SkyFall. Nang mabusog kami ay nag-try kami ng mga laro rito.

Merong isho-shoot ang tatlong bola sa basket para makakuha ng teddy bear na prize.

Sinubukan ni Ivan 'yon. Unang try pa lang ay nanalo na siya. Pumalakpak pa ako ng manalo siya.

"Anong gusto mong prize?"

Pinili ko ang malaking teddy bear na kulay white.

"Thank you!"

Inilagay namin ang prize na nakuha ni Ivan sa kotse niya. Sa SkyFall din naman siya nag park kaya malapit lang.

Bumalik kami agad sa SkyFall para sumakay ng rides.

"Anong gusto mong sakyan?" Tinanong ko si Ivan habang nakapila kami para kumuha ng ticket.

"Kahit ano. Ikaw, ano bang gusto mo?"

"Vikings na muna."

Sumang-ayon agad siya sa sinabi ko at bumili ng ticket para sa aming dalawa.

Pareho naman kaming nag-ejoy dahil hindi kami takot sa extreme rides.

Last na sinakyan namin ang ferris wheel. Bigla kong naalala noong unang beses ko siyang nakasama sa ferris wheel na ito.

Ang tagal na rin pala non.

"Naalala mo ba noong sumakay tayo sa ferris wheel na ito, Amery?"

"Oo naman."

"Sobrang saya ko noong araw na 'yon. Hindi ko naman aakalain na makakasama kita noong araw na 'yon."

Pareho pala kami ng nararamdaman noong panahong iyon. Ang akala ko pa naman ay napipilitan lang siyang kasama ako noon.

"Kinikilig ka na pala sa akin noon, ah. Hindi ko ramdam, eh." Biniro ko pa siya.

"Hindi ko talaga ipinahalata sa'yo. Sinadya ko 'yon."

Tinawanan ko siya sa sinabi niya. Pagkatapos naming sumakay sa ferris wheel ay bumili kami ng pagkain at maiinom.

Napagod din kami sa mga nangyari kanina.

Gaya nang sinabi ni Ivan ay hinatid niya ako sa bahay before 5 pm. Pumasok pa siya sa bahay para ipaalam kay Mama na nakauwi na kami.

Gusto pa nga ni Mama na rooon na mag-dinner si Ivan, pero ang sabi ni Ivan ay uuwi na lang daw siya sa kanila para roon kumain. Nangako naman si Ivan na babawi siya sa susunod. Tumango na lang din si Mama.

Hinatid ko sa labas ng gate si Ivan at nagpasalamat ulit sa kanya.

Nagpahinga na rin ako pagkatapos, may pasok na naman kasi bukas.

Nandito kami ngayon sa cafeteria habang kumakain ng lunch. Pinag-uusapan namin ang tryouts sa basketball. Malapit na rin kasing magsimula ang intrams.

"Mamaya na raw ang start ng tryouts."

"Bakit biglaan? Ang akala ko ay sa susunod na araw pa?"

Tanong ni Fatima. Ang sabi kasi sa amin ay sa susunod na araw pa ang tryouts ng mga sasali sa sports, kaya naman nagtaka kami ngayon kung bakit biglaan ang tryouts.

"Ayan din ang sabi sa amin. Pero minamadali raw ang intrams dahil malapit na ang midterms. Magiging hassle raw kasi sa mga students 'yon."

Tama nga naman sila, mas mabuting agahan na ang intrams para may time pa for review.

"Don't worry, guys. Makakapasok naman kayo, noh. Ang gagaling niyo kaya!"

"Hindi ka na ba talaga sasali sa badminton, Amery? Tanong sa akin ni Laurence.

Umiling ako. "Hindi na, ang dami rin kasi ng ginagawa namin, baka hindi kayanin ng schedule ko. Mabuti nga at hindi na kami pinagtinda ngayong intrams."

Noong nakaraan kasi ay pinagtinda kaming mga ABM students sa intrams. Sobrang pagod ako noon dahil sumali rin ako sa sports. Inaway pa ako ni Claire.

"Oo nga, eh. Ang hassle kasi kung magtitinda pa kami." Sang-ayon sa akin ni Julianna.

Naputol ang kwentuhan namin noong time na. May klase na naman kami, mabuti na lang at busog ako kaya good mood na ako.

"Amery, hatid na kita."

Nilingon ko si Ivan nang hawakan niya ang braso ko.

"Huwag na, ayos lang naman ako, Ivan. Kasabay ko naman sina Julianna. Baka ma late ka rin pag hinatid mo pa ako."

"Tama na 'yan, Ivan. Ang clingy mo na, pre. Baka magsawa sa'yo niyan si Amery." Natawa nalang ako sa sinabi ni Laurence.

Wala nang nagawa si Ivan nang hilain na siya nina Kent para umalis.

Continue Reading

You'll Also Like

207K 10K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
733K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
24.5K 242 8
This is a notes of Fundamentals of Accountancy, Business and Management 1 subject for ABM students.