How To Be The Villain (Comple...

By Vis-beyan28

22.8K 859 31

Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the boo... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogo

Kabanata 35

319 14 0
By Vis-beyan28

______________________________________

Zamir Morin
______________________________________


"ANONG nangyayari, nay?"- tanong ko ng makarinig kami ng sigawan sa labas ng bahay.

"Loreto!"- nanginginig na sigaw ni nanay ng masilip ang nangyayari sa labas.

"Lumabas kayo diyan! Mga malas kayo sa aming lugar!"- narinig kong sigawan ng mga tao. Paulit-ulit at walang tigil.

"Loreto!"- muling sigaw ni nanay ng makarinig kami ng kalabog sa labas.

Marahas nilang kinakatok ang sira-sira naming pintuan.

"Sumpa kayo sa aming bayan! Umalis na kayo dito! "- sunod-sunod nilang kalabog. Pakiramdam ko pinapalibutan na nila ang maliit naming tahanan.

Nasa siyam na taong pa lamang ako ng mangyari yun kung kaya't wala akong kamalay-malay sa nangyayari.

"Anong nangyayari?!"- gulat na saad ni tatay ng makalabs siya ng kwarto.

"N-nilulusob na nila tayo loreto! Gumawa ka ng paraan!"- umiiyak na pagmamakaawa ni nanay habang mahigpit akong hinawakan sa kamay.

"Bakit nangyayari ito? Wala naman tayong ginawa?"- takot na wika ni tatay.

"Mga salot kayo sa lipunan! Lumabas kayo dito kung ayaw niyong sirain namin ang inyong tahanan!"- sigaw nila dahilan para mas lalong mapaiyak si nanay.

"Lalabas ako. Dito lang kayo."- kinakabahang saad ni tatay at naglakad patungong pinto.

"M-mag-iingat ka loreto!"- paalala ni nanay at lumuhod para mayakap niya ako.

Mahirap lamang ang pamilya namin. Walang kaya at madalas isang beses lang sa isang araw kami kumakain. Maswerte na yun para samin dahil parehong walang trabaho ang mga magulang ko.

Hindi ko alam kung bakit ayaw kami ng mga tao dito. Kapag lumalabas ako para makipaglaro ay ayaw nila sakin at tinataboy nila ako. Sinasabi nilang salot kami sa kanilang lugar.

Hindi ko sila maintindihan.

Wala naman kaming ginagawang mali. Dahil ba kumpara sa iba, kakaiba ang aking hitsura? Dahil ba may sakit si nanay at walang lunas? O dahil kami lang sa lugar ang may pinakamaliit na bahay?

Hindi ko alam.

"*Bag!*"

"L-loreto?"- tawag ni nanay ng makarinig ng malakas na ingay.

"Umalis kayo dito! Lumayas kayo sa lugar na to!"

"Mga salot! Lumayas kayo dito!"- patuloy nila sa sigaw.

"Huwag kang aalis. Dito ka lang "- bilin sakin ni nanay at dali-daling lumabas para tignan si tatay.

Ngunit sa gitna ng mga sigawan at pagkasira ng aming bakuran ay ang puno ng pighating sigaw ni nanay ang tanging naririnig ko sa oras na yun.

"Loreto!"- patuloy na sigaw ni nanay.

"Sirain ang bahay nila!"

"Loreto, gumising ka!"

Napaigtad ako ng masira ang aming pintuan. Nagsipasukan ang mga kalalakihang may hawak na sulo (torch) at mga balisong.

Nanatili ako dun nakatayo, tulala, at walang maintindihan habang pinagmamasdan si nanay sa labas na hawak-hawak si tatay na wala ng buhay.

"Sirain ang mga gamit nila!"- sigawan nila habang pinaghihiwa ang aming mga kagamitan.

Sinimulan din nilang sunugin ang aming sala kung saan duon din kami natutulog gabi-gabi

Habang pinagmamasdan ang gulong nangyayari, hindi ako umiyak. Tanging ang dibdib ko lamang na naninikip sa hindi malamang dahilan.

"Zamir!"- nag-aalalang sigaw ni nanay ng unti-unting kumalat ang apoy sa loob ng aming tahanan.

Sumisigaw siya habang umiiyak.

Hindi ko maintindihan. Bakit nila kami ginaganito? Mabait naman ang mga magulang ko. Wala kaming sinasaktan. Bakit? Bakit nila kami gustong paalisin?

"Zamir!"- sigaw ni nanay habang pilit na pumapasok saming tahanan.

"Umalis ka na diyan! Anak!"- iyak ni nanay.

"N-nay?"- nagtataka kong tanong at sinubukang maglakad patungong pintuan na patuloy sa pagtupok ng apoy.

"Kukunin ka ni nanay diyan! Manatili ka lang!"- sigaw nito habang pilit na pumapasok.

Ang mga kalalakihang pumasok kanina ay tila nawala na parang bula ng magulo at masira ang aming tahanan.

"Nay?"- wika ko ng sinubukan nitong dumaan sa apoy na pumapalibot sakin.

Ang mukha niya ay puno ng sakit habang sumisigaw at umiiyak.

"Arghh!"- napasalampak ito sa harapan ko habang ang paa nito ay namumula at dumudugo.

"Hngh, halika dito zamir."- nanghihinang tawag ni nanay sakin.

Lumapit naman ako sa kaniya at hinawakan siya sa mukha.

"B-bakit ka umiiyak, nay?"- tanong ko.

"Makinig kang mabuti sakin."- hinawakan niya ako sa balikat at tinitigan ako sa mata.

"W-wala na ang tatay mo..."- humikbi ito. "Pinatay ng mga demonyong yun ang t-tatay mo...k-kung kaya't kailangan mong makatakas dito. Tatakas ka dito."- nagpipigil niyang bulong.

"P-paano ka?"- inosente kong tanong.

"M-mamatay ako dito...kasama ng tatay mo."- tugon niya at tumulo ang luha. "Mangako ka sakin zamir."- hinawakan niya ako ng mahigpit. "A-alang-ala sakin at ng tatay mo, maging makapangyarihan ka. Magpalakas ka para walang sinuman ang magtatangkang kakalaban sayo. Hngh...mangako ka sakin, babalik ka dito at ipaghihiganti mo kami. Kailangan mong puksain ang mga taong tulad nila. Mga walang ginawa kundi manakit ng tao..."- puno ng pighating iyak nito.

"Mangako ka."- seryosong wika niya.

Wala akong maintindihan. Ngunit kahit ganun, kahit hindi ko alam, tumango ako sa kaniya.

"Umalis ka na dito! Takbo!"- sigaw niya at tinulak ako.

"Haaa....haa....p-pangako..."- hinihingal kong bulong habang mahigpit na nakakapit sa dibdib ko.

Nakaluhod ako sa sahig habang nakatulala at inaalala ang nangyari nuong bata ako.

"Nakakaawa kayong pagmasdan. Ngunit ako ay nasisiyahan! Anong pakiramdam ng muli niyong maalala ang bangungot niyong karanasan?"- narinig kong tawa nito habang umiikot pa sa harapan naming tatlo.

"Y-yael?"- tawag ko dito ng makita siyang nakaluhod at ang dalawang kamay ay nakalapat sa sahig.

Habol nito ang hininga at pinagpapawisan. Tila ang isip niya ay nasa iba dahil hindi ito makalma sa paghingal.

Si silas naman ay tahimik na nakasalampak sa sahig habang nakahawak ng mahigpit sa kaniyang espada. Para siyang nasa ibang dimensyon sa pagkatulala niya at patuloy na pagdaloy ng pawis niya.

"Hngh!"- napahawak ako saking ulo ng muling bumalik saking ala-ala ang nangyari.

"Zamir! Takbo!"

"Maghihiganti ka!"

"Iparanas mo sa kanila ang naranasan natin!"

"T-tumigil ka!"- malakas kong sigaw habang sinasabunutan ang buhok ko.

"Haaa...n-nay....ngh!"- napasigaw ako habang nakayuko na sa sahig ng mas lalong sumakit ang ulo ko.

"AAAAAGGGGHHHHHH!"

______________________________________

Vaughn Carson
______________________________________


"Hindi ka ba natatakot saking mga alaga?"- tanong ng gagamba este lalaking may kapangyarihang gagamba habang nakalambitin sa kaniyang sapot.

Sa kaniya ba nanggalingan yung sapot? Saan yun lumalabas? Sa kamay niya?

"Hindi ako takot sa gagamba, ginoo. Ngunit iyo namang nakikita ang mga kapwa ko estudyante, ayaw nila sa iyong alaga kung kaya't ako na ang nakikiusap na itigil mo na ito."- magalang kong suhestiyon.

"Ha! Ang dami mong dada! Bakit hindi ka makipaglaro sakin kung hindi ka takot?"- ngisi nito at bumaba siya sa kaniyang sapot.

Tumalon ito sa harapan ko dahilan para mas mamasdan ko ang dalawang gagambang paa sa kaniyang likuran. Itim yun, mahaba at may mga tinik-tinik. Habang ang anim na mata nito ay puro itim din.

Napalunok ako.

"Oh! Mukha ka atang nasindak? Ayaw mo ba saking hitsura?"- sumeryoso ang mukha nito.

"H-hindi naman sa ganun—"

"Pareho lang kayo ng mga taong pinatay ko. Ayaw saking hitsura!"- galit nitong singhal.

"Kaya kayong mga tao, hindi dapat mabuhay! Lahat kayo ay dapat mawala sa mundong ito!"- sigaw niya at mabilis na umatake.

Sa gulat ay hindi ko nasalag ang malakas nitong sipa. Kakaiba ang lakas nito kumpara sa ordinaryong tao.

Tumilapon ako palabas ng kastilyo at tumama ang likuran ko sa puno. Mabuti na lamang at hindi gaano naapektuhan ang puno.

"Ngh!"- napahawak ako saking tagiliran sa sakit.

"Mawawala ka sa mundong ito!"- tumatakbong sigaw nito at nagpakawala ng mga naglalakihang sapot.

Bilang depensa ay agad kong hinawakan ang lupa at gumawa ng malaking pader bilang panangga.

Ginamit ko ang mahika ko para tumaas ang lupang kinatatayuan ko dahilan para makita ko sa baba ang lalakeng mabilis sa pagtakbo.

Tinaas ko ang aking kamay at ginalaw yun dahilan para dahan-dahang magsilabasan ang mga ugat sa ilalim ng lupa. Kumapit ito sa kaniyang paa at natigil sa pagtakbo.

"Anong?! Ngh! Aarrrrghhh!"- inis nitong sigaw habang nagpupumiglas.

"Nasan na kayo!"- sigaw nito at wala pang isang minuto ay nagsilabasn ang mga alaga nitong gagamba.

Mabilis akong bumaba at gumawa ng butas pailalim sa lupa kung saan duon nagsihulugan ang mga gagamba.

"Anong ginagawa mo sa mga alaga ko?!"- sigaw nito ng makatakas sa mga ugat na ginawa ko.

"Papatayin kita!"- sigaw nito at muli akong sinugod gamit ang mga gagamba nitong paa.

Napadaing ako ng matusok ang dibdib ko sa matulis nitong paa.

Hinawakan ko yun ng mahigpit at sinubukan siyang itulak ngunit ngumisi lang ito

"Ipapakain kita sa mga kaibigan ko."- bulong niya at malakas akong sinipa dahilan para mahulog ako sa butas na ginawa ko.

Napasigaw ako ng isa-isang magsi-akyatan ang mga gagamba saking katawan.

Sinubukan kong magpumiglas ngunit dahil nakahiga ako sa sapot ay hindi ko kayang kumilos.

"Ano ng gagawin mo? Wala ka ng takas! Wala silbi yang mahika mo sa tulad ko! Bakit hindi ka humingi ng tulong? Ahahahaha!"- tawa nito habang nasa taas at pinagmamasdan ako.

Hindi. Hindi ako hihingi ng tulong. Kaya ko. Kaya kong manalo.

Ayokong may mapahamak na naman na iba ng dahil sakin. Ayokong mag-alala si maki.

Kailangan kong magkaroon ng silbi. Dun ko lang mapapatunayan na kaya ko din. Gaya ni yael. Kayo kong maipagtanggol ang iba.

"Hngh! Aaagghhhhh!"- nagsimulang yumanig ang lupa dahilan para magtaka ang lalake na nasa taas.

Sa isang iglap nagsilabasan ang mga naglalakihang ugat sa ilalim ko. Tumilapon ang ilang mga gagamba samantala nahulog ang lalake sa pwesto namin.

Nasira ang sapot na kinahihigahan ko dahil sa mga ugat na tumama dito.

Kinontrol ko ang ugat na pumulupot saking katawan para maitaas niya ako sa ere.

Tinaas ko ang kamay ko at muling niyanig ang lupa dahilan para bumiyak ito at unti-unting mahulog ang mga nabiyak na batong lupa.

"Hindi pa to tapos! Babalikan kita at sisiguraduhing papatayin kita!"- sigaw nito ng matabunan ito ng lupa kasama ang mga alaga nitong gagamba.

"Haaa...haaa...haaa..."- pagkababa ko sa lupa ay agad akong napahiga sa pagod.

Hinawakan ko ang dibdib kong dumudugo at pinunasan ang nuo kong pinagpapawisan.

Kayo na ang bahala sa pinuno nila yael. Ako'y kampante na makakaya niyo siyang talunin. Dahil malakas kayong dalawa ni silas.





~ vis-beyan28
MelancholyMe

Continue Reading

You'll Also Like

113K 7.5K 67
Jade Makalaba has been struggling since she was born due to her illness. Ang tanging hiling lang niya ay gumaling mula sa kanyang sakit at magkaroon...
38.5K 2.8K 31
Maila Oliveros is a smart and independent lady. She wanted to become an author just like her father but when Maila's father went missing, all of her...
249K 9.7K 60
(1/3) A nun was transmigrated as Princess Amelia Windsor. Never on her life she hoped and wishes to raise her children alone in the middle of a plac...
2.1M 81.1K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...