Dopamine Rush

By imaginator_t1eo

2.7K 90 11

"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa... More

i.
PROLOGUE.
ii.
iii.
1- IF THE SHOE DOESN'T FIT, DON'T WEAR IT.
2- EH?
3- THE CHAOS HAS ARRIVED.
4- DISTURBING PEACE JUST TO MAKE A MESS.
5- DEFYING CUPID.
6- THE PROCESS; LOVE IN PROGRESS.
7- SWEETEST TACHYCARDIA.
8- TRIAL AND ERROR.
9- HARD LAUNCH.
10- DOPAMINE RUSH.
11- BITTERSWEET.
12- 365 DAYS OF US.
13- PILLAR OF STRENGTH.
14- COMING HOME.
16- ALGIA: In a World of Hurt
17- SILENT SCREAMS, LOUD PAIN.
18- PAINFUL FINALE.
19- MAKE ME REGRET.
20 - AGAINST THE ODDS.
21- LOVE: THE SECOND TIME AROUND.
22 - WHEN DREAMS BECOME A PERSON.
23 - TO DREAM AGAIN.
24 - WHEN TIME DISAGREES..
25 - IN THE MIDST OF HIS HECTIC LIFE.
26- WHY DOES IT HAS TO BE ME?
27 - JOSH.

15 - THAWED.

23 1 0
By imaginator_t1eo


Kinaumagahan, bago ko pa man iminulat ang mga mata ko ay nakangiti na ako. Tulad ng nakasanayan ko, alas kwatro pa lang ay nakaligo na ako. Agad akong pumasok sa kwarto ni Carlo. Umupo ako sa swivel chair nito at saka tahimik na pinagmasdan ang natutulog nitong mukha. Mula sa magulo nitong buhok, pababa sa makinis niyang noo at sa makapal ngunit maayos niyang kilay.

"Hay, walang kupas.." Iling ko.

Napangiti ako nang mapadpad ang tingin sa nakapikit niyang mga mata, pababa sa matangos nitong ilong, at sa makikinis niyang mga pisngi. Ngunit unti-unting nabura ang ngiti ko ng dumako ang mga mata ko sa mapupulang labi nito. Bahagya iyong naka-awang na tila ba inaakit ako't iniimbitahan. Wala sa sariling napalunok ako.

Ngunit bigla akong natauhan nang unti-unting umangat ang gilid ng labi ng lalaki. Nag-init ang pisngi ko't napamura na lang ako sa isip ko dahil sa labis na kahihiyan. Nang ibalik ko ang tingin sa mga mata niya, nakadilat na siya.

"Do it, Iz." He smirk, teasing me as he lick his lip. "I don't mind."

"Unfortunately, I'm not here for that." I said, faking a smile.

"Why are you here this early? Last night, I was begging you to sleep beside me but you refused." He said raising one of his eyebrows. "And now you're staring at me without my permission. How rude of yo-"

Naputol ang sinasabi nito nang bigla akong tumayo at dumukwang para dampihan ng halik ang kanyang pisngi.

"Good morning, chief." Malambing kong bulong ko sa tainga niya at saka bumalik sa upuan.

Agad nitong itinago ang kanyang pagngiti at mas piniling panindigan ang pagtatampong nararamdaman.

"You think you can bribe me with that?" Masungit nitong tanong at saka ngumisi, nang-aasar. "Bakit gising ka na agad? Hindi ka ba nakatulog ng maayos? Mabuti naman."

"Actually, nakatulog ako kaagad kaya ang sarap ng tulog ko kagabi." Pang-aasar ko pabalik at saka nginitian siya ng matamis. "Ikaw, chief? Nakatulog ka ba ng maayos?"

Tiningnan ako nito ng masama.

"Seriously.." He tsked. Padabog itong bumangon. "How can I sleep knowing that you're staying in the room next to mine?! How dare you sleep so soundly.. you're heartless."

"I've travelled 12 hours straight just to see you and surprise you, and you're calling me heartless?!" Galit ko kunwaring sagot.

"Hey, why are you raising your voice? I'm the one who's angry here!" Pakikipagtalo nito.

"Ah you're shouting at me?!" Pakikipagtaasan ko ng boses.

Pareho kaming natahimik. Bahagyang nanlaki ang singkit nitong mga mata at saka napakurap ng magkasunod.

"Of course not." Malumanay nitong sabi at saka hinila ako pahiga sa loob ng comforter at saka ako yinakap. "Alam mo kasi Iz, masyado pang maaga at wala talaga akong maayos na tulog. I think it's best if we just cuddle instead."

"Wala ka bang pasok?" Tanong ko.

"Wala." Sagot nito at saka hinila ang kamay ko para gawing unan ang braso ko. Pagkatapos ay sumiksik ito sa leeg ko't yumakap ng mahigpit. "You're really here. I'm glad that last night wasn't just a dream or else I wouldn't want  to wake up."

Hindi ko napansin na nakatulog din pala ako uli. Dahan-dahan akong bumangon upang pagbuksan ang kanina pang nag-do-doorbell sa labas.

"Hi, good.." Natigilan ako ng tumambad sa harap ko ang isang napakagandang babae. Parehong biglang panandaliang nawala ang malawak naming mga ngiti. "..morning."

"Good morning." She smiled elegantly.

ganda..

Hindi ko napigilang patago siyang pagmasdan at hangaan. Mula sa expensive niyang pananamit, sa elegante niyang kilos, at classy niyang aura. Napakaganda din ng kutis niyang maputi at makinis. Ang mahaba niyang buhok na kulay brown ay bagay na bagay sakanya. Maging ang make up na soot niya ay mas lalo sakanyang nagpaganda.

Bigla tuloy akong na-insecure sa itsura ko.

"Uh, hi." Simple kong pagngiti.

Napadpad sa mapupula at makapal niyang labi ang mga mata ko, nang muli itong magsalita.

"I am looking for Carlo, can I come in? Or can you please tell him that I am here?" Mahinhin nitong pakiusap.

Pinigilan kong ikunot ang noo ko sa narinig.

Carlo?

"May I know who are you?" I asked politely.

"Oh, I'm Selene. I'm from St. Luke's as well." She extended her arm for a shake hand, and a warm smile was painted on her angelic face. "And you? Are you his sister? If I remember it correctly, he said he's only child."

"Yes he is." I smiled and extended my arm, shaking her hand. "I'm Yllizandra. I'm his girlfriend."

Bigla itong napatingin saakin at bahagyang natigilan. In an instant, her expression turns into something else. Naging peke ang kanyang pagngiti at agad na binitawan ang kamay ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsuri niya saakin from my head down to my toes.

"Ikaw pala ang girlfriend niya." She smiled, but it appeared more of a smirk to me. Hinawi nito ang buhok niya at saka ngumiti. I didn't expect that a lady as angelic as her can perfectly faked a sweet smile. "Hindi ka naman pala sobrang ganda tulad ng kinikwento niya."

Awtomatikong nabura ang ngiti ko. Binabawi ko na lahat ng magagandang sinabi ko tungkol sakanya.

Looks can be really deceiving.

Hindi ko na nagawang sumagot nang biglang dumating si Carlo.

"Sino yan, Iz?" Tanong nito.

"Carlo! Hi, It's me!" Masiglang sabat ng kausap ko mula sa labas ng gate at bahagya pa akong hinawi.

"Selene." Ngiti nito at saka bumaling saakin. "Iz, you didn't let her in?"

"You didn't tell me about her. How can I ask her in if she's a total stranger." Nakangiti kong sagot habang nakatingin sa nagpapa-cute na si Selene bago seryosong bumaling kay Carlo. "Magkakilala pala kayo."

Tumawa ang lalaki at saka yumapos saakin at humalik sa pisngi.

"Come in, Selene." He smiled. "This is my girlfriend, Iz."

"After three years, I've met the girl behind the story." Selene smiled sweetly. "But she doesn't know about me, I'm hurt. You didn't introduce me to your girlfriend, Carlo."

"Carlo? You call him Carlo, huh." Nakangiti kong sabat habang nakatingin ng masama sa lalaki. "Can you please refrain yourself from calling him Carlo."

He raised his eyebrows as he placed his hand on my waist, pulling me close to him.

Napatingin ako sa babae ng muli itong magsalita.

"What's the matter? It's his name. Carlo.." She answered then grinned, then look at Carlo. "I like it."

"Well, I don't." Ngiti ko rin pabalik.

Bigla itong napatingin saakin at saka mala-anghel na ngumiti, "Mas gusto mo ba kung tatawagin ko siyang babe? Mas okay ba 'yon sayo, Iz?"

Seems like she knows her way in getting into my nerves.

"Selene.." Saway ni Carlo.

"Come on, I'm just joking." Tawa nito.

Not funny.

"Maiwan ko na muna kayong dalawa." Inis kong inalis ang kamay ni Carlo sa bewang ko at saka ngumiti. "Excuse me."

The irony of having an angelic face and a bitchy attitude.

Dalawang oras na ang lumipas pero hindi pa rin humuhupa ang inis ko. Mas lalo lang itong nadadagdagan sa bawat minutong lumilipas na nasa baba pa rin si Carlo. I decided to focus on my laptop instead to divert my attention. Tiningnan ko ang oras nang biglang pumasok si Carlo sa kwarto. At inis na napangisi.

Seriously? Three hours..

Pinagpatuloy ko ang ginagawa at piniling huwag siyang pansinin. Dumiretso siya sa banyo at nakaligo na ito paglabas. I decided to ignore him the whole time.

Hindi na ito nakatiis. Tumayo ito mula sa kama, pagkatapos ay lumapit sa tabi ko at umupo sa lamesa. He crossed his arms against his chest before asking me, "So how long have you decided to ignore me, Iz?"

Looks like he doesn't have a plan on giving further details about Selene and their existing friendship.

"You have a friend pala 'no?" Tanong ko, ginagaya ang kaartehan ng babaeng iyon. Pansamantala kong itinigil ang ginagawa upang tumingala at tingnan siya. "Selene.."

He chuckled.

Ibinalik ko ang tingin sa ginagawa at saka malamig na nagsalita, "You think it's funny?"

Natigil ito sa pagtawa, finally getting the signal that I'm mad and I'm not in the mood to laugh. He sighed.

"Iz, I don't have time to talk about Selene or anything because there's something that I've been dying to do." Seryoso nitong sagot, habang unti-unting isinasara ang laptop sa harap ko. Then, he leaned towards my ear and whispered, "Can I just do it already?"

Hairs on the back of my neck stand up.

Nakahinga ako ng maluwag nang muli niyang ilayo ang mukha saakin. Ibinaling ko sa nakangisi niyang mukha ang aking tingin. No, actually, I glared at him.

Kung ayaw niyang pag-usapan ang babaeng iyon, wala na kaming dapat pag-usapan.

"Don't talk to me, then." Seryoso kong sabi at saka muling binuksan ang laptop ngunit muli niyang hinawakan ang screen nito at isinara. Pagkatapos ay hinawi palayo ang laptop ko. Sinubukan ko itong agawin but he pinned my palm against the table.

Inis kong tiningnan ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng likod ng kamay ko.

"Who said I want talking?" Seryoso din nitong tanong at saka hinawakan ang pisngi ko't ipinaharap sakanya upang salubungin ang mga labi niya.

Without warning, his mouth is on mine. My eyes widen in surprise. Before I knew it, his lips were moving in a sweet and passionate kiss. I think I forgot to breathe, my heart raced, and I can't even close my eyes. It's been long since the last time I got kissed, this is making me nervous.

After all, It's my first.. after a long time.

Unti-unti niyang inilayo ang kanyang mukha. He looked at me with so much love, passion, and longing. Erasing my worries away and slowly melting my irritation. He gently caress my cheek.

"Close your eyes, Iz." He whispered as he started to trace my eyebrow with his thumb and gently touch the outer canthus of my eye. Then, he placed his hand on my jawline and gently rub my lower lip with his thumb. "We've waited for this. Three years, Iz.. Three years."

My heart continue to pound hard and fast against my chest as his face started to tilt, leaning in, and reaching for my lips. Slowly, I close my eyes completely giving in to the tenderness of his lips. His palm slowly move from my jawline to the back of my head, holding me in place, as he deepened the kiss.

I can feel the hunger in his breathing, the overflowing passion in every motion, and the longing in his touch.

Long distance relationship got me cold and my insides had froze. In the warmness of his mouth..

I thawed.

_________________________________________

"Thank you so much, Doc!" I smiled cheerfully towards Doctor Charles Ramirez- the chairman of Asian Hospital and Medical Center.

I'm expecting to get my salary but I got more than just the money. The chairman just hired me in AHMC.

"I'll see you at the hospital next week, Nurse Iz." He smiled back. "Make sure to stop by Jacob's room before you leave. He's really sad that you're leaving."

"Yes, Doc. Ako na pong bahala." I waved goodbye before leaving his office.

Paglabas ko ay nabungaran ko ang isang magandang babae sa labas.

"Welcome back, Nurse Yna!" Nakangiti kong bati at saka yinakap ang five years private nurse ni Jacob.

"Thank you, Nurse Iz." She chuckled as she hug me back. Then she hold my hand after pulling away. "Jacob's not eating properly. Maybe you should feed him first. Ikaw na din ang mag-inject sakanya bago ka umalis."

Nakangiti nitong inabot saakin ang medicine tray bago pumasok sa opisina ng Doktor. Kinuha ko ito sa saka napabuntong-hiningang kumatok bago tuluyang pumasok sa silid. Nadatnan ko itong abalang nagsusulat ng kung ano sa isang papel.

"Hi Jacob." Nakangiti kong bati sa napakagwapong batang lalaki.

Nagliwanag ang mukha nito nang makita ako.

"Nurse Iz!" Masigla nitong bati at saka ako binigyan ng isang mahigpit na yakap.

Agad ko naman itong yinakap pabalik. Sa loob ng dalawang buwan na pananatili at pagtatrabaho ko ay napamahal na ako sa batang ito. Napakaganda ng pagtrato saakin ng mga tao rito.

"Balita ko, hindi ka daw kumakain ng maayos." Panimula ko at saka hinaplos ang buhok nito. "You promised to stay well, right?"

He pouted.

"Yes. I promised to stay well so that I can grow up and become a man. Until then, I can marry you." Seryoso nitong sagot.

I chuckled.

"You know you can't marry me." Natatawang kurot ko sa magkabila niyang pisngi. "Kapag binata ka na, matanda na ako non."

"Age doesn't matter." Hirit nito na mas ikinatawa ko.

"In cases like this, it does." Tawa ko. "Sino ba nagturo sa'yo ng mga 'yan?"

"You don't want to marry me, Nurse Iz?" He pouted.

"I can't." Kurot ko sa pisngi niya.

He sighed.

"Okay, I won't insist. I'll just ask my cousin to marry you instead." Biglang nagliwanag ang mukha nito. "He's really cool and handsome. Well, he can be really rude and naughty at times.. but he's kind. He's same age as yours."

"I have a boyfriend, Jacob." Tawa ko.

"But you're not married yet." He grinned, exposing his tiny teeth and his healthy gums.

I laughed, patting his head.

"Stay well, okay? Don't ever make your parents sad and terrified." Halik ko sa pisngi niya. "Also, don't give nurse Yna a hard time okay? Be a good boy."

Tumango naman ito.

"Promise me that you'll visit if you have time, okay?" Yakap nito sa leeg ko.

"I will." I said and kiss him goodbye.

"I'll miss you, nurse Iz." He whispered.

I will surely miss this little survivor as well.

Malungkot akong lumabas ng bahay ngunit isang sorpresa ang sumalubong saakin sa labas ng gate dahilan upang makalimutan ko ang lungkot sa dibdib ko. It was Carlo whose looking so cool with his shades on, hands inside his pocket, while comfortably sitting on the hood of his car. He really look good in his white button down shirt, with three unbuttoned buttons.

Sa tuwa ay patakbo akong yumakap sa leeg niya. Awtomatikong pumulupot ang kabila nitong braso baywang ko. Bahagya akong lumayo upang kausapin siya.

"Anong ginagawa mo dito?! Akala ko nasa ospital ka!" Masaya kong bulalas. Agad kong pinatakan ng halik ang pisngi niya ng ituro niya iyon. "Bakit nandito ka?"

Hinigpitan nito ang yakap sa bewang ko upang hinilahin ako palapit para magtapat ang tenga ko at ang labi nito.

"Iuuwi na kita." Malambing nitong bulong sa tenga ko bago mag-iwan ng isang mabilis na halik sa mga labi ko.

Hindi na kami kumain sa labas dahil bago pa man siya umalis ng bahay ay nagluto na siya. Habang kumakain ay masaya kong kwinento sakanya ang magandang balita.

"Congratulations, Iz." He smiled, cupping my face. "I'm happy for you.."

He's smiling but his eyes doesn't want to cooperate, betraying how he truly feels. Those eyes.. hindi iyon tumututol sa mga mangyayari ngunit hindi rin iyon sumasang-ayon. They looked drained and tired.

Pagkatapos maligo at magpalit ng pangtulog ay lumabas ako ng kwarto ko at tahimik na pumasok sa kwarto ni Carlo. Dahan-dahan akong umakyat sa kama at saka pumasok sa kumot niya para tabihan siya. Ginawa kong unan ang braso niya bago yumakap ng mahigpit sa katawan niya.

"I miss you.." Bulong ko nang magising siya.

Inayos nito ang higa niya't yumakap pabalik, pagkatapos ay hinalikan ako sa noo, "I love you."

"Carlo.. Tulog ka na ba?" Basag ko sa katahimikan.

"Kanina pa, Iz." Antok nitong sagot na ikinatawa ko.

Natawa na din ito.

"Next week na magsisimula ang trabaho ko, pero two weeks pa naman bago ako lilipat sa apartment ko sa Muntinlupa e." Panimula ko, umaasang mapapagaan ko ang loob nito. "Nagpalipat ako ng night shift for one week para dito pa rin ako uuwi at sabay tayong mag-breakfast at mag-dinner."

"Pasensya na sa naging reaksyon ko kanina, Iz." He sighed. "Pagod na pagod lang talaga ako at maraming iniisip."

Yinakap ko siya ng mas mahigpit at isiniksik ang sarili sa leeg niya.

"Andito lang ako, ha?" I said, rubbing his back.

His hug tightened, "Buti na lang nandyan ka, Iz."

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa sinimulan ko ng harapin ang hamon ng sarili kong reyalidad.

"Sa wakas, makakaihi na rin!" Bulalas ni Nurse Lea at patakbong pumunta sa banyo.

"Bili na kami ng pagkain!" Sigaw sakanya ni Nurse Joyce.

"1 AM pa lang.. Alas sais pa ang out natin." Nakabusangot namang sabi ni Nurse Rosie.

Patungo na kami sa canteen para kumain nang bigla akong makatanggap ng tawag mula kay Carlo.

[Iz..] Bungad nito.

"Anong problema? Bakit gising ka pa?" Tanong ko.

[Nandito ako sa labas.] Sabi nito pagkatapos ay bumuntong-hininga. [Iz, payakap.]

Pinatay ko na ang tawag at bumuntong hininga bago lumabas ng ospital. Nadatnan ko itong nakasandal sa kotse niya. Agad ko itong sinalubong ng mainit na yakap.

"Nahihirapan na ako sa med school, Iz." He whispered.

Sa loob ng isang linggo, pangatlong beses niya ng ginawa ito. Hirap na hirap na ito pero mas nahihirapan ang loob ko dahil ito lang ang magagawa ko para sakanya. Hindi ko alam ang dapat sabihin, hindi ko rin kasi sigurado kung makakatulong ba ang ano mang sasabihin ko. Kaya naman ay hinigpitan ko na lang ang pagyakap ko.

_________________________________________

Lumipas ang mga araw, buwan at parang kailan lang.. mahigit tatlong taon na ako sa Asian Hospital and Medical Center. Alam kong mahirap ang reyalidad, pero hindi ko inasahang ganito pala kahirap.

Carlo suffered with series of mental breakdowns. Naging mainitin ang ulo nito at laging tahimik. May mga times na hindi niya ako kinakausap, may mga panahon naman na kailangan ko siyang laging kausapin. Pero mas marami ang mga gabing bigla na lang siyang kakatok sa labas ng apartment ko o kaya naman ay magigising na lang ako tuwing hating gabi dahil pupunta ito sa kwarto ko at biglaang yayakap saakin habang umiiyak.

I can't do anything but to suffer with him even though I am silently fighting with emotional battles as well. It was a tough years for the both of us- for my life as a nurse and his life as a future doctor and most especially, for our life as a couple.

I often question myself, Am I really in a relationship? Hindi ko na siya maramdaman. Parang ako na lang.

"Happy birthday, Doc." Malambing kong yakap sa leeg nito at saka binigyan ng mabilis na halik sa labi.

To sum it up, we survived that challenging phase of our life as a couple. Carlo survived the battle that he encountered and months ago, he received his M.D degree and will soon start his residency.

"You're late, Nurse Iz." Pagsusuplado nito at saka kinabig ako palapit. He's ready to claim my lips when Lirah purposely interrupt our kiss to tease his friend.

"Iz! Namiss kita!!" Hila nito saakin mula kay Carlo para yakapin ako. "Pumayat ka ah, pero mas lalo kang gumaganda."

Lirah and Ken got engaged and a month from now, they'll going to fly to United Kingdom to work there, kaya ito na ata ang huling bonding namin. Si tita Carla naman lumipad na ng Canada two months after her son got his M.D degree. Si Avril naman, madalas ay nasa Iba't ibang sulok ng Pilipinas dahil sa trabaho niya.

Honestly, I feel like I'm being left alone. Buti na lang at nandito si Carlo. Siya na lang ang meron ako.

Napasinghap ako nang bigla akong hilahin ni Carlo. And without further ado, he brushed his lips against mine. I placed my arms around his neck as I kiss him back. But before I even tasted the bitterness of the liquor in his mouth, he pulled away from the kiss the moment he heard Selene's voice, calling him downstairs.

"Ihahatid ko lang si Selene." Paalam nito at kaagad na pumihit paalis ngunit muling lumingon ng pigilan ko ang braso niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"She's drunk." He smiled.

"She's with Doc Deo, right?" I asked. "Marami namang pwedeng maghatid sakanya d'yan di ba?"

"Marami na ang nainom ng mga 'yon." He answered. Pumasok ito sa loob ng kwarto at kinuha ang hoodie at ang susi ng sasakyan.

Sumandal ako sa pader habang pinapanood itong maghanda para umalis.

"Ikaw din naman, ah." I insisted.

"I can manage, Iz." He smiled and kissed my cheek goodbye. "You have nothing to worry."

Wala nga ba akong dapat ipag-alala?

Pagka-alis niya ay siya ring pag-alis ko. Mas pinili kong umuwi sa apartment ko kaysa maghintay sa bahay niya at mag-isip ng kung ano-ano.

kailan pa sila naging ganito kalapit sa isa't isa. Are they best friends now?

I told him that something happened in the hospital so I need to stay there until morning.

"Happy birthday, Nurse Iz!" Sabay-sabay na bati saakin nina Rosie, Lea, at Joyce.

"Thank you." Yakap ko sakanila.

"Anong ginagawa mo rito? Di ba day-off mo ngayon?!" Bulalas ni Nurse Rosie.

"May kinuha lang ako sa locker ko, paalis na din naman ako." Ngiti ko.

Hindi na ako nagtagal para hindi maka-abala sa duty nila, at isa pa, balak kong surpresahin si Carlo. Ang alam niya ay gagamitin ko ang tatlong araw kong day-off para umuwi kanila Mama. Pero ang totoo, balak kong mag-stay lang sa bahay niya.

Chief: Happy birthday, Iz. I love you. See you after three days.

"How about see you later?" Nakangiti kong bulong at saka pumasok sa elevator.

Nagsimulang sumara ang pinto nito nang biglang may nagmamadaling kamay na humarang dito dahilan para muli itong bumukas. At tumambad sa harap ko ang pamilyar nitong mukha.

"Nurse Iz.." Bati nito at saka pumasok sa loob. In a second, the elevator was filled with her vanilla-scented perfume.

I hate vanilla. so much.

"Doc. Selene." I smiled, politely.

"It's been a while." Sagot nito.

Ngumiti na lang ako. In this case, I decided to stay silent. I believe this is the best choice dahil ayaw ko din naman siyang kausapin.

"Akala ko hiwalay na kayo ni Carlo.." Biglang sabi nito.

Alam niya talaga kung paano kukunin ang atensyon ko.

"Pardon?" Malumanay kong tanong.

"I mean, hindi na kasi kita nakikita tuwing pumupunta ako sa bahay niya kaya inakala kong hiwalay na kayo. But I guess, hindi pa. Mukhang nagka-problema lang kayong dalawa." She smiled apologetically.

Humarap ako at saka seryosong tumingin sakanya.

"Doctora Garcia, may gusto ka ba sa boyfriend ko?" Diretso kong tanong.

Humarap din ito sa akin.

"Yes. I like him, Nurse." Diretso din nitong sagot.

"You can like him as hard as you want. But let me just remind you, Carlo is my boyfriend." Matigas kong sabi. "Don't cross the line. He's off limits. Watch out for your boundaries. Know your place, Selene."

She stepped closer.

"Gusto ko lang sabihing aagawin ko sayo ang boyfriend mo, Iz." Ngisi nito. "Actually, matagal ko ng ginagawa. I started five years ago. Pasensya na at hindi ko kaagad nasabi sa'yo."

Kuhang-kuha niya talaga ang inis ko.

"You think you can steal him away from me?" Kalmado ngunit galit kong sagot. "Think again, Selene."

Maarte itong tumawa.

"You think I can't? Now think of this, Iz. He ran to me when he's sad and he asked me to come when he badly needs comfort. It's either he cooked for me or he buy me food." Seryoso nitong saad.

"He's nice to everyone." Madiin kong tugon. "Sa tingin mo may gusto siya sa'yo?"

"Sa tingin mo wala?" Ngisi niya. Mas lumawak ang pag-ngisi nito nang matigilan ako. "Masyado kang matalino para hindi mapansin ang mga pagbabago, Iz. Alam mo kung anong nakakatakot sa woman instinct? Bihira itong magkamali."

Biglang bumukas ang elevator at dumami ang tao, dali-dali akong lumabas bago pa ito sumara. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko na kayang makausap pa si Selene.

"What do you want from me, Selene?!" Inis kong agaw sa braso ko nang hawakan niya ito para pigilan ako.

"Your boyfriend." Palaban nitong sagot. "Ayoko nang may kaagaw, Iz."

I laughed sarcastically.

"Masyado mo naman atang inaangkin ang hindi naman iyo, Selene." I said. "Just a gentle reminder.. You and Carlo are just friends."

Pinagtawanan niya ako dahilan para lubos akong mainsulto.

"Friends?" She smiled sweetly at me. "But friends.. don't kiss, Iz."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan ko.

"What?" Seryoso kong tanong.

"We kissed." Seryoso niya ding sagot.

"You're lying." Madiin kong sagot. Hindi gustong paniwalaan ang kasinungalingang lumalabas sa mga labi nito.

"Go ask him." Panghahamon nito at saka ako iniwan doon na gulong-gulo.

At sa kauna-unahang pakakataon ay bigla akong nakaramdam ng matinding takot.

Continue Reading

You'll Also Like

11.5M 297K 23
Alexander Vintalli is one of the most ruthless mafias of America. His name is feared all over America. The way people fear him and the way he has his...
3.9M 162K 62
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
319K 4.4K 31
Rajveer is not in love with Prachi and wants to take revenge from her . He knows she is a virgin and is very peculiar that nobody touches her. Prachi...
1M 78.1K 39
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...