Beware of the Class President

By JFstories

1.7M 99.5K 57.1K

FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na... More

INITIUM
...
CAPITULO 1 - Pervert
CAPITULO 2 - Zero
CAPITULO 3 - Boys
CAPITULO 4 - Alone
CAPITULO 5 - Oppression
CAPITULO 6 - Awakening
CAPITULO 7 - Speech Delay
CAPITULO 8 - Decoy
CAPITULO 10 - You
CAPITULO 11 - Unfolding
CAPITULO 12 - Body Contact
Capitulo 13 - Let's Go
CAPITULO 14 - Joyride
CAPITULO 15 - First Step
CAPITULO 16 - Incense
CAPITULO 17 - Fever
CAPITULO 18 - Nun
CAPITULO 19 - Luggage
CAPITULO 20 - Something/Someone
CAPITULO 21 - Rosary
CAPITULO 22 - Crushed
CAPITULO 23 - Imminent
CAPITULO 24 - Companions
CAPITULO 25 - Trip
CAPITULO 26 - Wake
CAPITULO 27 - Brave
CAPITULO 28 - Confidant
CAPITULO 29 - Seized
CAPITULO 30 - Taken Over
FINE TEMPORE UNUM
CAPITULO 31 - Ataraxia
CAPITULO 32 - Boyfriend

CAPITULO 9 - Depression

40.5K 2.9K 1.8K
By JFstories

CAPITULO 9


SINO IYONG KUMAUSAP SA AKIN KANINA?


Ate ni Laarni? Alam ko naman na hindi. Bakit gusto niyang guluhin ang isip ko? Ano ang mapapala niya?


Magtatagal pa ba ang pag-uusap namin at babalikan niya pa ba ako kung hindi dumating si El kanina?


Tinapik ko ang aking ulo. Bakit ba inisip ko na naman si El? Hindi pa ako sigurado tungkol sa kanya. Saka, iniiwasan niya ako. Siya pa talaga ang umiiwas. Pero ano ngayon kung iwasan niya ako? Hindi ko rin naman siya kaibigan para hindi ako makapakali sa pag-iwas niya. Sino ba siya?!


Nakauwi ako sa amin bandang 7:00 p.m. na. Sa pinto pa lang ay naririnig ko na ang komosyon. Malakas ang boses ni Tito Randy. "Ano bang kailangan kong gawin sa batang iyan, Karen?!" sigaw nito kay Mama. Nakauwi na rin pala si Mama.


Pagpasok ko sa pinto ay napatda ako. Magulo ang sala. Nakakalat ang mga gamit sa sahig. Si Tito Randy ay humihingal sa galit. Hinahagod naman ni Mama ang likod nito para pakalmahin.


Napatingin ako sa isa pang tao sa sala. Si Joachim. Madilim ang mukha niya at duguan ang gilid ng mga labi na tila may sumapak sa kanya. Basta na lang siyang tumalikod paalis sa sala.


Lalo namang nanggalaiti si Tito Randy. "Napakabastos talaga ng batang 'yan! Lumalaking bastos! Walang modo! Tarantado!"


"Randy, tama na. May problema lang ang anak mo. Intindihin mo."


"Karen, tinatanong ko ang batang 'yan kung ano ang problema niya? Sinasabi niya ba?! Hindi, di ba?! Kinikimkim niya! Kaya 'wag niya akong sisihin kung maubusan ako ng pasensiya sa kanya! Hindi ko siya pinag-aaral at pinapalamon para lang magkaganyan siya!"


Nang makita ako ni Mama ay sinenyasan niya ako na pumasok na sa kuwarto ko. Mabait si Tito Randy pero kapag galit ito ay walang sinasanto. Kahit pa nga mismo ang mga anak nito.


Nagmamadali ako na pumasok sa aking kuwarto. Hindi ko alam ang problema ni Tito Randy kay Joachim. Hindi naman ako nagtatanong. Ang alam ko lang, nitong mga nakaraan ay nag-aalala ang step-father ko kay Joachim.


May kumatok sa pinto. Pagbukas ko ay si Mama. May dala siyang tubig sa tumbler at sandwich. Isinara niya ang pinto at naupo sa tabi ko sa kama. "Kena, kainin mo ito kapag nagutom ka mamaya. Basta 'wag ka na lang muna maglalabas ng kuwarto mo dahil baka madamay ka sa init ng ulo ni Randy."


"Bakit galit si Tito Randy?"


"Iniisip niya na nagda-drugs si Joachim."


"Po?"


"Kasi nga ilang gabi ng hindi makatulog si Joachim. Nanlalalim na ang mga mata. Hindi rin nagkakakain. Parang laging may iniisip na malalim. Noong una, iniisip namin na baka may problema lang. Baka depressed sa college."


Iyon ang iniisip ni Tito Randy. Depressed si Joachim kaya hindi makatulog, hindi makakain nang maayos, at hindi makapag-focus.


"Tapos nakita kanina ng Tito Randy mo ang mga test papers ni Joachim basurahan, mga hindi nasagutan. Walang sagot maski isa na inuwi rito."


Kumuyom ang mga palad ko. Apektado na pati ang pag-aaral niya.


"Tinatanong naman si Joachim ng Tito Randy mo palagi kung ano ang problema. Hindi siya nasagot. Ayaw niya na sumagot."


Napahilamos si Mama ng palad sa kanyang mukha. Pati siya ay nai-stress dahil damay siya kapag hindi maganda ang mood ni Tito Randy.


"Ano bang magiging problema ni Joachim, Kena? Hindi naman siya nagkukulang sa pera. Sustentado silang dalawa ni Julian ng tiyahin nila na nasa abroad. Tinanong siya kung baka babae ang problema, kung may girlfriend ba siya sa university, pero hindi talaga siya nasagot. Napuno na ang Tito Randy mo, hayun kaya siya nasuntok."


Bago magpaalam si Mama ay binilinan niya ako ulit na wag nang lalabas ng kuwarto. Paglabas niya ay ipinakandado niya na sa akin ang lahat ng mga kandado ko sa pinto.


Naghintay ako ng ilang oras. Pagsapit ng 11:00 p.m. at matiyak na tulog na ang lahat ay saka ako lumabas. Sinipat ko ang madilim na hallway sa labas ng aking kuwarto. Ang bigat sa pakiramdam.


Alam ko na kasi. Alam ko na kaya naman mabilis ko nang maramdaman. Marami dito. Iba-iba.


Maingat ako na humakbang. Pinipigilan ko na tumingin kahit saan. Ang tinatahak ng aking mga paa ay papunta sa kuwarto sa dulo. Nagmamadali na ako dahil ayaw ko nang magtagal dito.


Kabado pa ako nang makarating sa tapat ng pakay na pinto. Nakahinga lang ako nang pagpihit sa doorknob ay hindi iyon naka-lock. O siguro ay nakalimutan dahil nga sa ang taong nasa loob ay palaging wala sa sarili at tulala.


Pagpasok ko sa kuwarto ay sumalubong sa akin ang malamlam na liwanag mula sa lampshade. Gininaw rin agad ako dahil sa lakas ng aircon. Pero may iba pang lamig na alam ko na hindi galing doon. Dahil meron dito...


Hinanap agad ng aking mga mata si Joachim. Nasa gitna siya ng kama at nakahiga. Itim na partnered pajama ang suot at wala siyang kumot. Nakapatong ang isa niyang braso sa noo. Nakapikit na siya pero hindi malalim ang tulog dahil magalaw ang kanyang mahahabang pilik-mata.


Malayo pa ako sa kanya ay naririnig ko na ang mahina at hirap na pag-ungol niya. Lumapit ako sa kanya. Sinipat ko siya nang maigi gamit ang dim light. Pawisan ang makinis niyang leeg kahit napakalamig ng paligid.


"Joachim, ano ba ang problema mo?" mahinang tanong ko.


Ang mga taong hindi palakibo, mukhang walang problema, at madalas ay cool lang sa mga bagay-bagay, sila pala itong may mga itinatagong mabigat na dinadala. Sinasarili nila. Iniipon sa dibdib hanggang sa hindi na nila kaya. Hanggang sa huli, sasabog na lang sila.


Ang mga taong ganoon ay nakakatakot na maiwang mag-isa.


Because the majority of them were vulnerable people... and were spiritually weak...


Just like Joachim.


Ang mga mata ko ay lumipat ng tingin sa sulok ng kuwarto. Doon sa parteng mailim. Naroon ang isang bulto. Kahit madilim ay nakikita ko ang mga mata nito. Nasa ilalim bandang lapag, dahil ang katawan nito ay nakabaliktad.


Napalunok ako at tinibayan ang loob. Ito ang dahilan kung bakit hirap makatulog si Joachim. Ito ang dahilan kung bakit napapaisip nang napapaisip ang lalaki. Kaya dinidibdib niya ang problema dahil may nanunulsol sa kanya. The reason why he fell into this state.


Demonic oppression. A spiritual attack from a demonic spirit. It could seek influence a person's thoughts, emotions, and even their actions. Ang problema mo ay mas palalalimin. Pag-iisipin ka nang pag-iisipin. Isang paraan para hikayatin ang mga tao na bitiwan ang buhay.


Alam ko kung ano iyon dahil may isang tao ako na kilalang-kilala ang nagpakita sa akin ng ganoong senaryo. Isa siyang taong hindi mo aakalaing gagawa ng isang mortal na kasalanan. Napakabuti niya, napakamasayahin, at higit sa lahat ay siya'y alagad ng Diyos. Pero nahulog siya sa depresyon dahil sa matinding problemang pinansiyal. Naubusan siya ng tiwala hanggang sa mawalan na ng pag-asa sa buhay.


Ang gabi-gabi niyang pag-iisip ay nagtulak sa kanya na bumitiw na. Ang taong iyon ay isang gabi'y nakita na lang namin ni Mama na nakabitin sa kisame ng aming bahay... wala nang buhay. Si Papa. Siya ang taong tinutukoy ko. Isang pastor na sumuko dahil sa problema.


Pikit-matang nahiga ako sa tabi ni Joachim. Bahala na bukas kapag nagising siya at maabutan niya ako, pero hindi ko siya iiwan sa magdamag na mag-isa. Sumiksik ako sa natutulog na lalaki at yumakap sa kanya.


Hindi ako nakatulog nang maayos dahil ang sakit sa dibdib ng pakiramdam na may kung ano sa paligid. May galit na nakamasid. Ang nilalang na traydor at hindi lumalaban ng patas. Mga kampon ni Satanas.


Natatakot ako pero pilit kong sinisikil ang takot. Hindi ako magpapadaig. Humigpit ang yakap ko kay Joachim nang maramdaman ko ang pagtagilid niya sa akin.


Tulog pa rin ang lalaki pero yumakap ang braso niya sa bewang ko. Payapa na ang paghinga niya kaysa kanina. Napalapit ako sa ilalim ng mabangong leeg niya. At nararamdaman ko na ngayon ang init ng katawan niya at ang tibok ng puso niya.


Nag-iinit ang pisngi sa hiya na napatingala ako sa kanya, para lang lalong mahiya dahil tumama sa aking noo ang mainit at mabangong hininga niya. Sukat ay muli akong napayuko sa leeg niya.


Hindi ako sanay na may katabi pero dalawang lalaki na ang nakatabi ko sa pagtulog. Ang isa pa ay kayakap ko ngayon. Iyong takot ko ay natabunan ng hiya!


Ah, bahala na. May dahilan naman ang lahat. Sa ngayon, kailangan ako ni Joachim. Kailangan ko rin siya dahil natatakot din ako. Tama, gagamitin muna namin ngayong magdamag ang isa't isa. Dahil doon ay mas lalo pa akong yumakap sa kanya.


Hindi iyon ang unang gabi. Nang sumunod na gabi, pagkatulog ng lahat, pumasok ulit ako sa kuwarto ni Joachim. Katulad nang nakaraan, pawisan siya at umuungol na naman.


Pagka-lock sa pinto ay tumabi ulit ako sa kanya. Katulad din kagabi, natulog kami na magkayakap sa magdamag. Ang kaibahan lang ngayon, nakalimutan ko na Lunes na pala bukas.


Naalimpungatan ako na hungkag ang pakiramdam. Pagmulat ko ay nawindang ako dahil wala na akong katabi sa kama. Nasaan si Joachim?!


Paglingon ko sa bintana ay malinawag na. Shit, inumaga na ako ng gising!


Bumukas ang pinto at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang pumasok si Joachim. Bagong ligo, nakahubad, at ang tanging saplot lang sa ibabang bahagi ng katawan ay puting tuwalya. Basa pa ang tumutulong buhok niya patungo sa malapad na dibdib at balikat niya!


Nang makita ako na nakaupo sa kama ay matamis na ngumiti ang mapupulang mga labi niya. "Gising ka na pala."


Napaalis agad ako sa kama sabay hanap sa sahig ng tsinelas ko na pambahay. Kahit hindi ako manalamin, batid ko na namumula ang buong mukha ko.


Ang lambing ng boses niya habang kinakausap ako. "Lumabas ka na habang busy pa ang mga nasa labas. Maligo ka na rin dahil anong oras na. May pasok ka pa."


Nagmamadali ako na pumunta sa pinto habang siya ay kumukuha ng naka-hanger na uniform polo sa closet niya. Umiwas ako ng tingin sa kanya pero ramdam ko ang mga mata niya na tinutudyo ako.


"Arhg!" Paharabas ako na lumabas ng kuwarto niya. Nasa labas na ako pero narinig ko pa ang tawa niya.



SABOG AKO NA PUMASOK.


Ni hindi ako nakapagsuklay sa pagmamadali. Late na ako. Namomroblema pa ako sa pag-uwi mamaya sa bahay. Paano ko haharapin si Joachim?!


Papasok ako sa gate nang matanaw si El na nakatayo sa gilid ng guardhouse. As usual, complete uniform siya. Malinis na polo, pants, at black shoes. Kalmado ang maamong mukha, pero malamig ang mga mata. Kaya lang ay bakit nga ba nandito pa siya sa labas? Bakit hindi pa siya pumapasok? May hinihintay ba siya?


Nang lumingon siya sa akin ay nahugot ko ang aking paghinga. Ayoko mang isipin na baka ako ang hinihintay niya, ay hindi ko maiwasan. Kasi bakit ganito siya makatingin sa akin?!


May sasabihin ba siya? Bakit nakatingin siya? Bakit ang tagal? Wala siyang kahit anong reaksyon nang ang paningin niya ay ibaling ulit sa iba. Na parang hindi ako nakita.


Napatanga ako. Ano iyon? Tuloy-tuloy na siyang naglakad papasok. Naalala niya ba na umiiwas siya sa akin kaya bigla siyang umalis? Bumangon na naman ang gigil sa dibdib ko.


Kasalanan ko ba na nasa labas pa rin siya kung kailan late ako? Saka, pakialam ko sa pag-iwas niya. Iwas nang iwas, as if hindi kami magkatabi sa upuan sa room. Hindi niya ba alam na para siyang tanga?!


Nanggagalaiti ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko. "LQ?"


Gulat na napalingon ako sa matangkad na lalaki na hindi ko matandaan kung kailan pa dumating. Napakabango nito kaya lang ay may humahalong amoy ng sigarilyo kahit ang aga-aga pa. 


Tiningala ko siya dahil hanggang balikat niya lang yata ako. Makakapal ang mga kilay niya, mahahaba ang pilik-mata, matangos ang ilong na may napakaliit na silver nostril piercing. Ang mapula naman niyang mga labi ay may subo-subo lollipop. Napanganga ako nang makilala siya. Si Kristian Vergara!


Siya Kristian Vergara o Kit. Katulad ni El na repeater din. Pero hindi nag-repeat dahil sa aksidente o sakit. Malamang dahil tinamad lang. May kaya rin ang mga magulang kaya ang lakas ng loob na magbulakbol. Guwapo sana kaya lang ay literal na estudyanteng delikwente.


Napasinghap ako nang bigla niya akong inakbayan. "Ano nga? May LQ kayo ni Salgado?"


Mabilis ko siyang itinulak nang makabawi ako. "Anong LQ ang pinagsasabi mo?!"


Ang mga mata sa liwanag ng araw ay mas naging mapupungay. "Kena ang pangalan mo, di ba? GF ka ni El."


Napahumindig ako sa sinabi niya. "Oo at hindi!" Nanakbo na ako papasok sa gate. Ayoko na magkaroon ng kinalaman sa mga estudyante na katulad niya. Masyado na akong maraming inaalala para dumagdag pa siya.


Kaya lang ay sumunod sa akin si Kit. Chill siya sa pagtakbo habang nakapamulsa. "Hoy, sinabi niya ba sa 'yo na secret on muna kayo?"


"Hindi kami, baliw ka ba?!"


"Noong nakaraan, bigla ka niyang hinatak palayo sa akin. Noong isa pang nakaraan, nakita ko kayo na sabay lumabas sa bodega. Saka, ngayon ko lang nakita na ganoon si El sa isang babae. Parang ingat na ingat pa nga sa 'yo ang gago. So, ano, itatanggi mo pa?"


"Itatanggi ko dahil hindi nga talaga!" Walang-wala akong balak mag-boyfriend, at mas lalong hindi ko ma-imagine na si El ang magiging unang boyfriend ko!


Lalampasan ko na ulit si Kit nang humarang siya sa daan. Nakasalaksak pa rin bibig niya ang lollipop. Kapag iiba ako ng daan, iiba rin siya para humarang. Para kaming nagpapatintero dito.


Napipikon na ako na tiningala siya. "Ang kulit ng lahi mo, ano?!"


"Hindi kita titigilan hangga't hindi mo inaamin na kayo."


Ano bang problema ng lalaking ito? Bakit nakikiusyoso siya kung may girlfriend nga o wala si El? Ano ba ang pakialam niya? Sa inis ko ay sinagot ko na lang tuloy siya sa gusto niyang marinig.


"Ano naman ngayon sa 'yo kung kami nga?!"


Nagulat din ako sa sinabi ko. Pero mas ikinagulat ko ang reaksyon niya na mula sa pagkagulat ay biglang dumilim.


Napalunok ako. Babawiin ko sana ang sinabi, kaya lang dahil sa pagpa-panic ay iba ang lumabas sa aking bibig. "Oo, GF nga ako ni El. So ano ngayon sa 'yo?! Anong gagawin mo?!"


Bakit ba iyon ang nasabi ko? Siguro kasi iyon na lang din ang paraan para tigilan niya ako. Nakangiwi ako at tatalikuran na siya nang magsalita siya.


"Ano kamong gagawin ko?"


"Ha?" Muli ako sa kanyang napatingala para lang matulala.


Ang kaninang madilim na ekspresyon ni Kit ay nabura. Napatanga ako nang ngumiti sa akin ang mapupulang mga labi niya. "Kena, ang gagawin ko... Aagawin kita!"


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

155K 5.8K 30
Dahil sa aksidenteng pagclick ni Klyde sa link na sinend ng kaibigan nito ay napasok siya sa isang group videocall at tumambad sa kanya ang mga lalak...
15.1M 357K 62
Sequel of Famous Meets Bad Girl: "I can admit, I'm a different person now than I was three years ago.." she said. She was intently looking at the man...
4.2K 121 27
Because of the series of killings that continue to shake a barangay. They likened the case to a similar crime where the perpetrator is a stranger who...
7M 283K 52
A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perhaps, a combination of reality and fantasy.