The Orange Project [Gen L Soc...

fleurdelishe

25.8K 287 710

Josefina Melendrez, a scholar architecture student works for Mark Ellis Atkinson, the popular senator's son s... Еще

#TheOrangeProject
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 35
Acknowledgement
OST
Artworks

Chapter 34

430 5 21
fleurdelishe

Ilang linggo na rin ang nakalipas simula noong nangyaring sunog sa aming bahay. Hindi ko pa rin alam kung saan nanggaling ito.

Sa totoo lang, ayaw ko nang alalahanin pa ito. Basta ang alam ko ay kailangan ako ni Kahel ngayon. Nasunog lang naman ang parte ng kanyang katawan at hanggang ngayon ay nasa ospital pa rin siya at walang malay.

"Miss Melendrez, ano ang iyong ginagawa sa mga oras na nangyari ang sunog?" Kanina pa ako tinatanong ng isang officer dito sa loob ng police station.

Ano nga ba ang ginagawa ko sa mga oras na iyon?

Alam kong kasama ko si Kahel.

Oo. Magkatabi kami sa upuan sa aming maliit na sala. Nag-uusap kami... at may ginagawa kami.

"Miss Melendrez, kailangan lang naming malaman ang katotohanan," sabi ulit ng officer na nakaupo sa aking harapan.

Nakatitig sa akin ang mga mata ng matandang lalaki at alam kong hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko ngayon dahil sa pagkunot ng noo at pagbuga niya ng hangin.

Kanina pa ako nakaupo dito sa maliit na kwarto na walang ibang laman kung hindi ang mesa at upuan sa gitna. Ganito pala ang pakiramdam ng mga taong pinagbibintangan sa isang bagay na hindi naman nila ginawa.

Ano ba sa tingin nila ang nangyari? Na sinunog ko ang sarili naming bahay? Para ano? Para maging ulila kami at mabaon sa utang? Paano namin ngayon babayaran ang bahay na 'yon? Hindi nga namin mabayaran ang renta namin kada buwan.

Saan kami kukuha ng pera para makabangon muli?

"Miss Melendrez, hindi ka ba talaga magsasalita? Isang oras na tayong nandito," reklamo pa ng officer sa harap ko.

Ano ba ang gusto nilang marinig? Na ako ang sumunog sa bahay?

Lecheng buhay naman ito. Puro kamalasan nalang ba ang ang mangyayari sa akin?

Una, naaksidente ako at nawalan ng tatay. Nabulag pa ang aking nanay. Nawalan na ako ng scholarship. Tapos ngayong agaw-buhay ang kaisa-isang lalaking mahal ko, hindi pa nila ako papayagang makita siya dahil may ginawa silang restraining order laban sa akin.

Restraining order! Nakakatawa hindi ba?

Plinano raw ng aming pamilya na patayin si Kahel. Para saan?

Kung hindi ba naman siraulo ang mga tao dito...

May kumatok sa pintuan at pumasok sa loob ng silid. "Sir, mukhang hindi naman magsasalita 'yan. Tapusin na natin 'tong interrogation."

Tumayo na rin ang officer sa aking harapan. "Makakaalis ka na, Miss Melendrez."

Hindi ako tumayo sa aking kinauupuan. May narinig ako pero ayaw gumalaw ng aking katawan. Gusto ko nalang manatili dito. Buti pa dito sa loob tahimik at walang tao. Walang makakakita sa akin. Walang mag-aakusa ng kung anu-anong kabaliwan.

"Sir, may sayad ata 'yan," pabulong na sabi ng kakapasok na officer.

Rinig na rinig ko ito dahil sa sobrang tahimik ng silid. Pero nasanay na ako.

Nitong mga nakaraang araw ay naging manhid na ang aking puso. Siguro kahit na saktan nila ako ngayon ay hindi ko ito mararamdaman. Kahit pa ano ang sabihin o gawin nila, hindi ito mapapalitan ng sakit na dinulot sa akin ng nangyari kay Kahel.

"Kunin niyo na 'yan," sabi ulit ng officer kaya nabasag ang agam-agam ko.

"Fina? Tara na?" Malumanay na boses ng isang babae ang aking narinig habang ramdam ko ang mga kamay niya sa aking balikat. Tinulungan niya akong tumayo kaya napahawak na rin ako sa kamay niya dahil pakiramdam ko ay matutumba ako kapag wala akong hawak.

"I have to take her later with me," isang boses pa ng lalaki sa aking likuran ang nakapukaw ng aking atensiyon pero nanatili akong nakatingin sa baba habang naglalakad na kami palabas ng silid sa police station.

"Jalen, I don't think that's a good idea. Baka mas lalong mastress si Fina," sagot naman ni Koleen sa aking tabi.

"I know, but, she has to be there. Otherwise, our plan won't work," pagpilit pa ni dok.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Koleen. "Okay, fine. But, look after her... for Kell."

"Of course."

#

Hindi ko alam kung paano ako nakasakay sa kotse ni Dok Jale. Basta ang alam ko ay makalipas ang isang oras na traffic ay nakarating rin kami sa pamilyar na mansion ng mga Atkinson.

"Fina, let's go," binuksan ni dok ang pintuan ng kotse para makalabas ako.

Tahimik kong sinundan ang lalaki papasok sa mansion at nang makarating kami sa sala ay may narinig akong boses na nagsasalita mula roon.

"I hope we're not too late," panimulang bati ng kasama kong lalaki na siya namang nakakuha ng atensiyon ng ilang mga taong nakaupo sa sala.

Una kong napansin ang mag-asawang Atkinson na nakaupo sa gitna ng sofa. Kasama rin dito ang kanilang anak na babae.

"This is a closed meeting of the family members involved for the reading of the last will and testament of your grandfather," sambit ng isang hindi pamilyar na mukha sa akin.

"Exactly. Please proceed, General Maxwell," sagot ni Dok Jale.

Tumikhim ang matandang lalaking nagsasalita sa gitna ng kwarto na namukhaan kong tatay ni Logan. "I direct my executor to pay from my estate all debts and expenses of my last illness and funeral and the expenses of the administration of my estate."

"I give, devise, and bequeath to my grandchildren, JALE ENRICO ATKINSON, MARK ELLIS ATKINSON AND LIANNE TRISHA ATKINSON, the following: The Sanctuary Rehabilitation Center and The Pro-LOVE Foundation, including all assets associated therewith; my three automobiles; and 30 million pesos in cash."

"I give, devise, and bequeath to my friend, ALFONSO MELENDREZ and his family members the following: Atkinson Manor Estate, including the house and all land associated therewith; and 10 million pesos in cash."

"I designate the Chief of the Philippine National Police, General Raymond Maxwell as the sole executor of this Last Will and Testament. In witness whereof, I have hereunto set my hand this 1st of July, 2023 in Quezon City, Philippines."

"What? That's it?" Pasigaw na reklamo ng senador.

"That is all that's written," kalmadong sagot naman ni Gen. Maxwell habang inaayos ang kanyang salamin sa kanyang mata.

Umiling nang paulit-ulit si Senator Jorge habang tumatayo na sa kanyang silya. "That can't be right. Someone tampered that."

"Yes, and you were the one who tried to hide it, dad. Am I right?" Mariing sambit ni Dok Jale habang nakatingin sa kanyang ama na nakatayo sa kabilang gilid ng kwarto.

Nanlilisik ang mga mata ng senador habang papalapit na kay Jale at walang pasubali nitong sinampal ang mukha ng kanyang anak. "You good-for-nothing! You're behind all of these."

"Jorge!" Napasigaw ang asawa ng senador at tumakbo papalapit sa mag-ama. "Stop this! Our son is still in coma."

"And you! This is all your fault!" Biglang nabaling ang galit ng senador sa akin sabay hablot ng aking braso at parang gustong baliin ito.

Buti nalang at wala akong maramdaman ngayon kaya kahit gaano kahigpit ang hawak niya sa akin ay hindi ako makasigaw. Nakita ko ang pamumula ng aking braso pero tahimik lang ako sa aking kinatatayuan.

"Let go of her!" Sumigaw si dok at lumapit sa akin para tanggalin ang kamay ng senador na pilit na nakakapit sa aking braso.

"Jorge, you need to calm down if you don't want to be arrested," sabi pa ni Gen. Maxwell.

"What the hell is going on?" Nalilitong tanong ng senador nang may pumasok na mga naka-unipormeng lalaki sa sala habang pilit na kinukuha ang mga kamay ng senador para posasan ito.

"Just doing what has been done long time ago. Putting you behind bars," simpleng sagot ni dok na nasa tabi ko pa rin.

"You can't do this to me. I'm your father," sumisigaw pa rin ang senador at nagpupumiglas sa harap ng mga pulis.

"You may be our father on paper, but you were never a father to us," narinig ko ang boses ng kanilang anak na babae.

Umiling ng paulit-ulit ang senador habang humahalakhak. "You can't arrest me. What are your charges?"

"Officer Santiago, please do the honors," sabi ni Jale sa isang officer.

"We're arresting you for graft and corruption, and for the recent destruction of the Melendrez family's property by fire."

"Do you have any proof? I will have to speak to my lawyer. You can't do this to me. This is absurd," humihiyaw na sumbat ng senador.

"You have the right to remain silent, senator. But for now, you will stay in the cell," huling salita ni General Maxwell sa senador.

#

"Makulimlim ang araw na 'yon. Nasa harap ako ng isang malaking bahay na tinawag kong palasyo dahil ito ang pangarap kong bahay. Kakagaling ko lang sa eskwela at sinundo ako ni tatay gamit ang tricycle niya. Tumigil kami sa harap ng palasyo habang nakatingin ako kay tatay na busy sa pagguhit sa isang pahina ng notebook na binigay ko sa kanya.

Sabi pa niya, "Balang araw, magkakaroon din tayo ng ganyang bahay, anak."

Nakangiti lang ako habang pinapanood ko si tatay na mabilis ang pagkumpas sa lapis na pinahiram ko sa kanya. Pangarap kasi niyang maging arkitekto pero hindi siya nakatuntong ng kolehiyo dahil sa kahirapan sa buhay.

Sabi ko naman, "Tay, ako nalang ang magpapagawa ng palasyo natin."

Ilang minuto pa ang lumipas at natapos rin ni tatay ang guhit ng palasyo. Tinaas niya ang papel para ipakita sa akin. Kuhang-kuha niya ang itsura ng palasyo kasama pa ang malaking gate na nakaharang sa harap namin.

"Ang ganda po," sambit ko habang hindi maalis ang ngiti sa aking labi.

"Tara na, anak, bago pa tayo maabutan ng ula-"

Isang malakas na alingawngaw ang nakabingi sa aking tainga habang naramdaman ko ang paglipad ng aking katawan. Ilang segundo akong nakalutang hanggang sa bumagsak ako sa malamig na lupa.

Kadiliman ang bumalot sa aking paningin. Pati ang pandinig ko ay napalitan ng katahimikan.

Ano ang nangyari? Ano ang nangyayari?

"Fina? Anak! Gising!"

Boses ni tatay ang nakapagbalik sa aking kaluluwa. Pagbukas ko ng aking mga mata, tagaktak ang dugo mula sa mukha ni tatay habang nakatingin siya sa akin. "Tay?"

"Kaya mo bang tumayo, anak?" Mahina ang boses ni tatay pero rinig ko ito.

Tumango ako habang inaalalayan ako ni tatay na umupo mula sa kinahihigaan kong sahig.

"Tulong!"

Napatingin kami ni tatay sa may-ari ng boses. Mula sa aming kinaroroonan ay nakita ko ang isang puting kotseng nakawasak sa aming maliit na tricycle. Isang matandang lalaki ang kumakaway mula sa loob ng kotse.

"Anak, dito ka lang. Babalik ako," pagkasabi ni tatay ay tumayo na siya at lumapit sa kotse kung nasaan ang humihingi ng saklolo.

Nakahiga pa rin ako sa sahig ngunit hindi ko maramdaman ang aking katawan. Parang may nakapatong na malaking bagay sa aking dibdib kaya hindi ako makahinga nang maayos.

Napatingin ulit ako sa direksiyon kung nasaan ang kotse. Ilang metro lang ang layo nito mula sa aking puwesto kaya nakita ko ang isang lalaking naglalakad na ngayon patungo sa kinaroroonan ko. Hindi ko lang masyadong makita ang kanyang mukha dahil sa unti-unting paglabo ng aking paningin.

"Tay?"

Pinilit kong buhatin ang aking sarili pero sadyang mahina ang aking katawan kaya nanatili nalang ako sa aking posisyon.

Maya't maya pa ay nagliyab ang kotse hanggang sa mabalot ito ng matingkad na kahel.  "Tay!" Paulit-ulit akong sumigaw para hanapin si tatay pero hindi siya nagpakita.

Buhos ng ulan mula sa kalangitan ang nakagpatay ng sindi ng apoy sa kotse kasabay nito ay ang pagkamatay ng aking minamahal na tatay.

"Fina, okay ka lang?"

Pagmulat ko ng aking mga mata, nasa loob ako ng isang kwarto kung saan may nakaupong babae sa aking harapan. Nakaupo rin ako sa isang malambot na sofa habang ramdam ko ang pawis mula sa aking katawan.

"Fina?"

Napatingin ako sa lalaking tumawag ulit ng aking pangalan. Nakatayo si Dok Jale sa gilid ko habang nakatingin sa akin na may pag-alala sa kanyang mukha.

"How was it?"

Huminga ako nang malalim habang pinipilit kong ibalik ang aking sarili sa kasalukuyan. Doon ko lang naalala na nandito ako ngayon sa isang facility na tinatawag nilang "The Sanctuary" na pag-aari rin ng mga Atkinson. Dinala ako dito ni Dok Jale para daw matulungan ako sa aking kondisyon.

"Fina, gusto mo bang ikwento sa amin kung ano ang iyong nakita?" Tanong ng babaeng doktor sa akin.

Tinikom ko ang aking bibig kahit na gusto kong magsalita. Walang ibang lumabas sa akin kung hindi ang mga luhang naipon simula pa noon.

Ang masakit na alaalang paulit-ulit na bumibisita sa akin sa tuwing ako'y matutulog ay ang siyang totoong nangyari sa araw na iyon... at ang dahilan kung bakit nakakakita ako ng mga kulay sa isang tao.

Ngunit, ang dating makulay kong mundo ay napalitan na ng kadiliman...

🍊

Продолжить чтение

Вам также понравится

Endless | Warmth 1 | Completed

Любовные романы

86.6K 1.3K 40
She works as a reporter and never imagined that she would get to know this well-known person. He is a well-known car racer who is adored by all. She...
Unconditional Love (Under Series) Mayomae

Художественная проза

494 74 22
Genesis Madrigal, mula sa pamilya Monroe at Madrigal. Anak ng Donya at Don. Namumuhay bilang isang prinsesa. Gayunman, bakit pakiramdam niya ay isa s...
ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY iirxsh

Любовные романы

107K 1.4K 68
COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Employee in a Cooperative Company. As she en...
58.7K 1.2K 32
They say love comes when you least expect it and that you find it from the most unexpected places. This is certainly true in the case of Ryven Rhys...