That Dangerous Girl Is Mine

By MsAuthorney

13.5K 518 5

"I still love him even he hurt me" Plagiarism is a crime so dont copy my story.. __MsAuthorney__ Started: Jan... More

♥️That Dangerous Girl Is Mine♥️
♥️Chapter 1♥️
♥️Chapter 2♥️
♥️Chapter 3♥️
♥️Chapter 4♥️
♥️Chapter 5♥️
♥️Chapter 6♥️
♥️Chapter 7♥️
♥️Chapter 8♥️
♥️Chapter 9♥️
♥️Chapter 10♥️
♥️Chapter 11♥️
♥️Chapter 12♥️
♥️Chapter 13♥️
♥️Chapter 14♥️
♥️Chapter 15♥️
♥️Chapter 16♥️
♥️Chapter 17♥️
♥️Chapter 18♥️
♥️Chapter 19♥️
♥️Chapter 20♥️
♥️Chapter 21♥️
♥️Chapter 22♥️
♥️Chapter 23♥️
♥️Chapter 24♥️
♥️Chapter 25♥️
♥️Chapter 26♥️
♥️Chapter 28♥️
♥️Chapter 29♥️
♥️Chapter 30♥️
♥️Chapter 31♥️
♥️Chapter 32♥️
♥️Chapter 33♥️
♥️Chapter 34♥️
♥️Chapter 35♥️
♥️Chapter 36♥️
♥️Chapter 37♥️
♥️Chapter 38♥️
♥️Chapter 39♥️
♥️Chapter 40♥️
♥️Chapter 41♥️
♥️Chapter 42♥️
♥️Chapter 43♥️
♥️Chapter 44♥️
♥️Chapter 45♥️
♥️Chapter 46♥️
♥️Chapter 47♥️
♥️Chapter 48 (Special Chapter)♥️

♥️Chapter 27♥️

214 8 0
By MsAuthorney

Pagkalabas namin sa hospital ay dinala ako ni Leonel dito sa park pinagsuot niya lang ako ng hoddy para na rin daw sa safety ko

"Bumalik na tayo kay Daddy" ako

"Mag relax ka muna kahit saglit lang, ma si-stress ka na naman pag naka balik na tayo dun" siya

Sumandal ako sa upuan at napahawak sa tiyan ko, may mga masasayang pamilya ang naglalakad lakad ngayon dito hapon na din naman kasi

"Hoy bakit ka na naman umiiyak?" siya, di ko pala namalayan na umiiyak na naman ako

"Naalala ko lang ang Mommy ko at mga nangyayari sa buhay ko, sa totoo lang pagod na din naman ako na palagi nalang may gulo at away pero ito na yung buhay ko" saad ko

"Huwag ka ngang umiyak kasi" at hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko

Napatingin ako sa kaniya na lalo ko lang kinaiyak ng sobra, sana si Andrew ang kasama ko ngayon at nandito sa tabi ko pero hindi niya ako mahal

"Ang tapang tapang mong tao kaya huwag ka ng umiyak" siya

"Nababawasan na ata ako ng tapang Leonel" sagot ko at napa buntong hininga siya

"Gusto mong si Andrew ang nasa tabi mo diba?" siya

"Pero wala eh nag mahal ako ng hindi naman ako mahal" saad ko

"Ako nalang kasi ulit" bigla niyang sabi

"Sira ulo ka" ako

"Biro lang naman" siya at tinawanan ako

"Hindi magandang joke" ako at hinampas ang kamay niya

"Aray mapanakit ka" siya

"Ikaw ang mapanakit, sinaktan mo nga ako noon diba" ako at inirapan siya

"Oo na, oo na tara na nga baka saan pa mapunta ang usapan na to" siya at hinila na ang kamay ko

Habang naglalakad kami ay napansin ko ang puting kotse na nasa malayo pamilyar yung kotse sa akin pero hindi ko nalang pinag tuonan pa ng pansin ulit. After 10 minutes ay narating na namin ang hospital at meron na namang mga media

"May media na naman" saad ni Leonel

"Ms. Ventura aalalayan ka po namin papasok" saad ng tao ni Dad

Lumabas na nga ako sa kotse ganun din si Leonel na agad na lumapit sakin at pumasok na nga kami sa loob

"Dan" nag aalalang si kuya Deon at agad akung niyakap kaya ayun napa iyak na naman ako

"Kuya" at isinubsob ko sa dibdib ni kuya ang mukha ko

"Gag* yang si Andrew sinaktan ka niya at pinaglaruan pa" galit na galit na sabi ni kuya Dylan

"Pag nakita ko talaga siya bubugbogin ko siya ng paulit ulit" kuya Denver

"Tama na sa pag iyak girl" sina Marga habang hinahaplos ang likod ko

"Oo nga at tingnan mo ang itsura mo namumutla ka" si Jerry

"Huwag mong pabayaan ang sarili mo" si Lara

"Dan huwag ka ng umiyak" Zoey

"Tama na Dan, mamayang 7 pm haharap tayo sa media okay" si kuya at tumango lang ako

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Dad at naupo sa tabi ng kama niya, wala pa rin siyang malay

"Dad gumising ka na diyan, gaganti pa tayo sa kanila pag babayarin natin sila" kausap ko kay Daddy

"Dan kumain ka na muna" si Leonel at pumasok

"Sina kuya?"

"Umuwi na muna sila, dadalhan ka nalang daw ng damit" saad niya

"Sina Marga umuwi na rin ba?"

"Yeah hinatid na ng mga loko" siya

Nilapag niya sa table ang mga pagkain at natakam agad ako ng maamoy ko ang adobo

"Adobo" saad ko at lumapit kay Leonel tsaka inamoy amoy ito

"Kumain ka na" saad niya pero bigla nalang akong natakam ng ice cream

"Leonel" pagtawag ko sa kaniya

"Hmm?"

"Ahm pwede mo ba akong bilhan ng ice cream?" ako

"Sige, ano bang flavor?" siya

"Cookies and cream yung nasa baso" saad ko

"Ano pa cravings mo?" siya

"Wala na yun lang" saad ko

"Okay I'll be back kumain ka na ha" siya

After a minute ay bumalik na nga siya tapos na akong kumain ng dinner at nilalantakan ko na tong Ice cream, kumakain na rin siya nang mapunta na naman ang tingin ko sa pisnge niya

"Ahh aray" siya dahil pinisil ko ang pisnge niya

"Ang cute ng pisnge mo eh" saad ko

"Sumusobra ka na" saad niya

"Sorry" at agad akong naluha, ganito ba pag buntis nagiging moody

"Oo na ito na pisilin mo nalang ulit ang pisnge ko huwag ka lang umiyak" napilitan niyang sabi sakin

"Talaga?" ako

"Yeah" siya

Pagkarating nina kuya ay nag bihis ako agad, sumama rin si Leonel saamin at dumiretso nga kami dito sa company ni Dad, dito kami haharap sa media

"Maupo na po kayo" saad ng secretary ni Dad

Naka upo na nga kami at maraming media ang nandito ngayon para malaman ang kalagayan ni Daddy at kung ano ano pa, pagkaraan nga ng ilang minuto ay nagsimula na nga ito

"Magandang gabi po sa lahat na naririto ngayong gabi, ako po si Deon Jace Ventura panganay na anak ni Dominique Ventura" si kuya Deon

"Ako si Denver Lucas Ventura pangalawang anak" kuya Denver

"Ako si Dylan Cyrus Ventura pangatlong anak ni Daddy

"Ako naman si Danica Marie Ventura bunsong anak ni Dad" saad ko naman

"Magandang gabi rin po sainyo mga anak ni Mr. Dominique Ventura, kamusta po ang kalagayan ni Mr. Dominique Ventura ngayon?" tanong nitong isang reporter

"Still unconcious pa rin si Daddy at hindi pa siya nagigising simula ng nangyari yun" sagot ni kuya Deon

"Ano po bang nararamdaman niyo sa nangyari sa Daddy niyo?"

"Nalulungkot po dahil hindi namin inaasahan na mangyayari yun sa kanya at nagagalit sa taong gumawa nito sa kaniya" kuya Dylan

"May lead na po ba kayo kung sino ang may gawa nito?"

"Hindi pa namin sigurado kung sino ang may gawa pero alam kung may isang tao ang sobrang galit na galit sa daddy ko lalong lalo na sakin" ako ang sumagot kaya napatingin sina kuya sa akin

"Maaari mo ba siyang pangalanan?"

"Hindi ko siya papangalanan sa ngayon pero may kutob akong siya talaga ang may gawa nun" ako

"Ano po ba ang nakikita niyong rason kung bakit nagawa niya ito sa Daddy niyo?"

"Dahil sa pagkagahaman niya sa pera dati siyang nag invest ng pera sa company namin at nalaman ni Dad na ninanakawan siya nito ng pera" kuya Denver

"At nitong nakaraan lang din yung isang pinagkakatiwalaan kung empleyado sa company ko ay tauhan niya at mahigit 10 billion pesos ang ninakaw nila sakin" ako

"Ano po ang masasabi niyo sa taong iyon?"

"Magtago ka na dahil pag nakumpirma namin na ikaw nga ang may gawa nito kami mismong mag kakapatid ang maghahanap sayo at pag babayarin ka sa kasalanan mo samin" ako

"Lahat gagawin namin mahanap ka lang kung nasaan ka man, hindi kami natatakot sayo" kuya Denver

"Maraming salamat po sainyo at pumayag kayo na humarap dito sa amin ngayon" yung reporter

"Tara na" sina kuya at tumayo na nga kami

"Maraming salamat po" yung ibang mga reporter

Naglakad na nga kami palabas ng company nang mapunta sa may taas bg building ang tingin ko isang lalaki ang msy hawak na baril at nakatutok ito sa pwesto namin

"Dapa" sigaw ko bigla at kasabay ng pagputok ng baril

Buti nalang naka dapa kami agad at nailagan yung bala, agad kung kinuha ang baril ko at kinasa ito

"Where are you going?" tanong ni Leonel

"Papatayin ko siya" ako

"Dito ka lang hayaan mong mga tao nalang natin ang mag hunting sa kaniya" si kuya Deon at hinawakan ang braso ko

"Hayaan mo ng mga tao natin ang humabol dun" kuya Dylan

"Lets go, lets go andito na ang van" Leonel

Pag tigil ng van ay agad kung binawi ang braso ko kay kuya at tumakbo ako palayo

"Danica" rinig kung tawag nila sakin pero hindi ko na sila nilingon pa

Pagkapasok ko sa hotel na kung saan na dun yung lalaking bumaril sa pwesto namin kanina ay dumiretso na ako sa taas

"Nasaan siya?" tanong ko kay Gino na naka a ang sakin

"Nasa 10th floor po Ms. Ventura"

"Tara" ako at umakayat na nga kami

May naririnig akung putukan sa taas kaya dali dali na akong umakyat hanggang sa 10th floor

"Hoy tarantado ka" saad ko ng makita ang lalaking naka sumbrero palayo

Pinaputokan niya ang pwesto namin at buti nalang nakatago ako agad dahil muntik matamaan ang tiyan ko

"Okay ka lang Ms. Ventura?" Gino

"Oo Gino, habulin niyo bilis" utos ko

"Opo" at sinundan na nga nila ito

Huminga ako ng malalim at napahawak sa tiyan ko tsaka ito hinaplos, muntik na kanina

"Sorry baby muntik ka ng matamaan sorry sorry" at hinaplos ko ang tiyan ko ng ilang ulit

Tumakbo na ako ulit kung nasaan sila at naabutan ko sila sa rooftop napapalibutan ang lalaki

"Ibaba mo ang baril mo" saad ng tao ni Dad pero wala lang itong narinig

Tumingin tingin siya sa paligid nag hahanap ata ng malulusutan para takasan kami

"Wala ka ng takas" si Gino

"Tanggalin mo ang sumbrero mo" utos ko

"Sino ka para utusan ako?" sagot nito

"Ako si Danica Ventura" saad ko

"Alam ko" sagot nito

"Huwag mo ng sayangin ang oras namin, sino nag utos sayo?" ako

"Ayukong sabihin" siya

"Hindi ako nakikipag biruan sayo" gigil kung saad

"Ganun din naman ako" sagot nito sakin

Tututukan ko sana siya ng baril pero binaril niya ako at tinamaan ako sa braso, narinig ko nalang ang sunod sunod na putok ng baril at patay na yung lalaki

"Ahh" daing ko habang nakahawak sa kaliwang braso ko

"Ms. Ventura" Gino

"Dan" napalingon ako sa tumawag sakin sina kuya at Leonel

"Sh*t may tama ka" si Kuya Deon

"Linisin niyo yan" kuya Dylan

"Tara na Danica" kuya Dylan at inalalayan na ako

Bumaba na nga kami sa ground floor at agad na sumakay sa van pabalik ng hospital

"Buti nalang at sa braso lang yung tama mo Dan" galit na sabi ni kuya Deon

"Tigas kasi ng ulo mo, pano kung mas malala pa ang tama mo hindi namin kakayanin na pati ikaw" kuya Denver

"Hindi naman ah, okay naman ako" ako

"Mag mamatigas ka pa talaga Danica" kuya Denver

Napairap nalang ako sa hangin, pagkarating namin sa hospital ay agad na pinatanggal ko ang bala at pinalinis ang sugat

"Okay na siya Ms. Ventura buti nalang at hindi tumagos sa buto"

"Thanks po" sagot namin ni Leonel siya kasama ko dito

"Yung gamot inumin mo sa tamang oras para gumaling agad, alis na po ako" at lumabas na nga ito

"Leonel muntik ng matamaan yung tiyan ko kanina" ako

"What?"

"Pero naiwas ko naman agad" ako

"Kahit na naiwas mo, muntik na yung buhay niyong dalawa" nag aalala niyang sabi

"Ang mahalaga ngayon ay okay ako at ang baby" ako at hinawakan ang tiyan ko

"Mag iingat ka alalahanin mo ang anak mo" siya na ikinatango ko

"Pagkatapos ng kaguluhan na to, magpapa opera ako, aalagaan at iingatan ko ang baby ko" ako

"Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako palagi para sayo Dan" si Leonel na ikinangiti ko

Alam ko bumabawi siya sakin, ginagawa niya iyon at nakikita ko naman lahat ng efforts niya, bumukas ang pinto at pumasok sina kuya

"Dan how are you?" Kuya Denver

"Okay na ako kuya" sagot ko

"Im sorry kanina, nag aalala lang kami sayo ayaw namin na pati ikaw" kuya Deon

"Alam ko naman yun kuya pero ayuko na wala akong gawin" ako

"Pero please Dan ingatan mo palagi ang sarili mo" kuya Deon

"Yes kuya promise" at niyakap niya nga ako

"Kuya ang baho mo" ako at bigla siyang tinulak

"Anong mabaho?" kunot noo niyang sabi

"Basta ang baho mo" ako

"Ang bango kaya" siya

"Nagpalit ka ba ng perfume kuya?, hindi ko gusto ang amoy niya balik mo yung dati" saad ko

"Ang bango niya kaya para maiba naman" siya

"Ayy basta kuya ang pangit ng amoy, ayuko sa amoy masakit masiyado sa ilong" tsaka ako lumabas ng kwarto at iniwan sila

Paglabas ko ay huminga ako ng malalim muntik na akong madulas kanina bwesit na pabango yun

Continue Reading

You'll Also Like

122K 1.3K 31
This is my first story so understand my wrong grammar and so on.. Sana po magustuhan nyo.. salamat!!
9.5K 311 34
Isang ordinaryong probinsyana si Armella Santos na dumayo sa isang syudad upang magtrabaho bilang katulong sa isang mansion na pag-aari ng isang bina...
28.7K 1.2K 47
If chance was put into your favour, would you use it? Lee Jeno. Probably one of the prettiest people in the uni, no, in the world, the galaxy. No oth...
1.5K 65 23
HE'S STIFF SHE'S JOLLY HE'S COLD SHE'S SWEET PAANO MAGTATAGPO ANG DALAWANG TAONG MAGKAIBA ANG KINAGAGALAWANG MUNDO? DALAWANG PUSO DALAWANG TAO Discl...