He's In Trouble

By WISENCHEZ_

1.6K 90 10

And when they thought she got it all, she, who is a combination of sweetness and spice, turned out to be very... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41

Kabanata 33

16 1 0
By WISENCHEZ_


Sports Festival

Pagkatapos ng ilang araw ay dumating na rin ang araw na hinihintay ng lahat. Sports fest. Nang mabalitaan kong may kasaling archery sa mga sports ay hindi na ako nag alinlangan pa at nagpalista na agad. dalawang araw lang din ang naging ensayo namin.

"For sure Kairous would be on his knees after seeing you in those."

Napangiti ako nang masilayan ang sariling repleksyon sa malaking salamin na nasa harapan ko ngayon habang nasa likuran ko naman si Ena, pinapanood ako.

Kaninang umaga ay ginanap ang palaro para sa tennis, badminton, at chess. Ngayong hapon naman ay volleyball at archery. dalawang araw lang ang Sports Fest at bukas naman ang basketball. I don't know why pero mostly sa mga schools dito, priority ang sport na basketball.

"Hindi ba Oa?" tanong ko kay Ena.

Ang sabi kasi sakin ay blue ang kulay ng school para sa school's fest kaya

heto ako, nakasuot ng itim na jumpsuit na may blue na vest para sa outer at itim din na boots.

"You look great. Congrats T, pumapangalawa ka na sa ganda ko. "

"Tsk."

Nasa sa amin na kung anong style pero dapat ay may touch ng kung anong kulay ang nakaassign sa school niyo, which is sa amin nga ay blue. Tinali ko ang buhok ko sa Isang mataas na ponytail tsaka sumabay na kay Ena sa pagbaba kung saan naabutan namin sina Erik at Kai.

"Yeah, yeah, she looks like she just came out of a fairytale, but do spare me with it." si Ena nang makitang hindi manlang nakapagsalita si kairous at nakatitig lang sakin.

Natawa lang kami habang may binulong naman itong si Erik sa kanya kaya mukhang namula siya. eh?

"Well, since may kanya- kanyang sundo naman tayo... see you in a while?" nagpaalam na kami sa isa't-isa. "Best of luck, T!"

"You too, Ena." Kung ako ay sumali sa archery, siya naman ay isa sa mga players ng girls volleyball. She is afterall, Serena, the team captain.

Matapos magpaalam kay tita ay nag kanya- kanya na kami. Syempre sumbay siya kay Erik habang ako naman ay kay Kairous.

Habang nasa daan kami ay nagtataka ako kung bakit ang tahimik nalang niya bigla. "You okay?"

He didn't answer me but instead, he pulled the car over the street. "Hey, what's wrong?" I worried.

I leaned forward so I could feel his neck and forehead to check if he's okay. He seems fine, hindi naman siya mainit.

Bumalik na ako sa maayos na pagkakaupo ngunit ganon nalang ang gulat ko nang mabilis niyang inalis ang seatbelt niya at dumungkaw para halikan ako. He grabbed me on the back of my neck and leaned forward to kiss me more. It was so good that I couldn't help but to let out a bit of sound.

Sandali siyang natigilan at tumitig sakin "Damn it, I want more.." at hinalikan niya pa ako ulit.

Hindi tulad noong mga nauna, masyadong intense itong halik niya ngayon. Lalo namang umiinit ang pakiramdam ko habang nararamdaman ang paggalaw ng dila niya sa labi ko na parang may kung ano itong sinisisid doon. Hanggang sa unti-unting bumaba ang mga halik niya sa panga ko at leeg.

I'm not sure but, is this about my suit?

"Kai.." hindi ko alam kung anong meron sa sinabi ko at lalo pa siyang naging agresibo sa paghalik na parang sabik na sabik siya rito. By far, parang ito na ata ang pinakamatagal niyang naging paghalik sakin.

Kung hindi pa nag ring ang phone ko ay hindi pa matitigil ang kung ano man itong nasimulan namin. Napahinto kami at nagkatinginan sa isa't-isa kaya parang bigla akong nakaramdam ng hiya.

Sinagot ko ang tawag, napasandal naman siya sa inuupuan niya at nasa taas na ang tingin. "Hello, Ena?"

"Where the hell are you two?? Hindi ko na kayo nakitang nakasunod samin!" Mukhang nasa school na siya base sa naririnig kong ingay sa background noise ng tawag.

"N-nagutom ako kaya bumili muna kami ng pagkain. M-may gusto ka ba?"

Lalo pa akong na-awkwardan sa kakabulol ko, pero mukhang hindi naman niya napansin iyon.

"Don't bother. dalian niyo nalang at maya-maya ay magsisimula na, mauuna kayo samin!" Saad pa niya.

"Okay." Pinatay ko na ang tawag at humarap kay Kairous. Awtomatiko naman siyang lumingon sakin. "We should get going, hinahanap na nila tayo." Pagkasabi ko nun ay agad naman niyang pinaandar ang sasakyan, ako naman ay tinuon na lang sa labas ang tingin. Napapapikit ako sa t'wing naaalala ko ang nangyari kanina. Tila ba ramdam ko pa rin ang bawat pagdampi ng labi niya sa labi at leeg ko. Huminga ako ng malalim, at pilit na pinapakalma ang sarili.

"Are you okay?" Nabigla ako nang kausapin niya ako kaya agad akong napalingon sa kanya. Sa akala ko hanggang sa makarating kami mamaya ay hindi na siya magsasalita pa.

"How can I? God, kairous!" hindi makapaniwalang wika ko. "That was the first step of fu-!" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig siyang tumawa.

"Baby, we just kissed." natatawa siya habang napapailing.

"Yeah, you kissed my neck." Natigilan siya nang sabihin ko yun kaya napatingin ako sa kanya. "And we're not even together yet."

Nakangiti pa rin siya pero mas seryoso na ngayon. "You don't really have to worry, because even if we're not I already committed myself to you." He then reached out for my hand. "You smell so good."

***

Nasa isang canopy kami at kasama ko ang mga kapwa ko players sa archery. Karamihan sa mga ito ay mula pa sa iba't ibang school. Bale sa Isang school ay may tatlong players para sa first, second, and third round. Kung sino ang may pinakalamang ang siyang panalo. Sa kaso namin ay dalawa kaming babae at Isang lalaki, at ako ang na assigned para sa huling round.

"Tiara, go get your bow and arrow. Five minutes nalang."

Nilapitan ako ni Stacey, Isa sa makakasama ko at siyang unang maglalaro samin. Tama rin at malakas na umugong ang Isang boses mula sa speaker, announcement na maya-maya lang ay magsisimula na.

Kinuha ko ang nakahandang bow at mga arrow para sakin. Nang sabihan kaming pumunta na sa field ay uminom na muna ako ng tubig bago sumunod.

"Good luck." Napalingon ako sa aking likuran at nakita roon ang Isang pamilyar na lalaki. hindi ko nga lang maalala kung saan ko siya nakita.

"Thanks. Sayo rin." Gaya ko ay may hawak din siyang bow kaya tiyak akong kasali rin siya. Ngumiti lang siya at tumako tsaka na umalis.

Sumunod narin ako agad nang makitang naroon na ang dalawang kasama ko. sinenyasan nila akong lumapit na.

Bago magsimula ay pinaalala muna sa amin ang mga dapat lang at hindi dapat gawin sa paglalaro. Suporta para sa mga kasama at pagtanggap sa kung ano man ang magiging resulta ng laro.

Dito sa football field isasagawa ang aming laro at mula rito sa kinatatayuan namin ay kitang- kita ko ang napakaraming estudyanteng manonood. Nasa mga upuang pahagdan sila at mahigpit na ipinagbawal ang pumwesto sa likod ng mga target board. Mayroong mga target sa malapit at iyong mga malalayo ay sa mas matataas na puntos.

Mauunang maglaro si Stacey kaya umupo muna kami ng isa ko pang kasama sa pinakaunang hagdan kung saan uupo ang mga mahuhuling players. Ganon din ang ginawa ng iba pa naming kasama at pinanood ang unang laro.

Mayroong limang eskwelahan na maglalaban- laban. Unang sasalang ang player ng Hidalgo International School na babae, panay ang lingon nito sa mga nanonood na parang kinakabahan, pinapaikot pa nito ang dalawang kamay at panay ang buntong hininga.

"KAYA MO YAN SABRINA!"

"GO IDOL!!"

"SABRINA! SABRINA! SABRINA!!"

Ngumiti ito sa mga sumusuporta at bumaling na sa harap. Anim na board ang kailangan patamaan at bawat board na matamaan niya ay lilipat siya sa susunod na target niya pagkatapos. Sa bawat paglipat ng board ay lalo itong lumalayo kaya lalong humihirap.

Muling pinakalma ng babae ang sarili bago pinakawalan ang hawak na pana. Natahimik ang paligid at hinintay ang pagtama ng pana. kita sa mukha ng babae ang pagkadismaya matapos tumama sa dulo ng board ang pinakawalang arrow.

"Ayos lang yan! Bawi lang!"

"Bawi lang ate!"

"Galingan mo pa, Sabrina!"

Muling pag cheer sa kanya ng mga ito.

Sumunod namang naghanda ang pangalawang player.

"Let's go Villiars, Let's go!!"

"10 POINTS NA YAN!"

"GO ELLE, GALINGAN MOO!!"

Tumama ang pana malapit sa target,

Siyam na puntos.

"IBANG KLASE!"

"ANG GALING!!"

Nakangiting kumindat ito sa mga sumusuporta bago lumingon sa nauna sa kanya, iyong Sabrina.

nginisihan niya ito na mukhang kinainis naman nito.

Ang pangatlong player ay mula sa Olive Hill University. Nakakuha ito ng pitong puntos habang ang pang apat naman ay mula sa St. Augustine College na naka apat na puntos. Pang huli ay ang O'nell University, at si Stacey nga ang unang maglalaro samin.

"GO STACEY!"

Sabay kaming nag cheer sa kanya. lumingon siya samin at ngumisi bago taas noong binitawan ang pana.

"GALING!!"

"NICE ONE, STACEY!"

Kani- kabila ang mga papuri at pagsuporta mula sa mga kamag-aral namin matapos niyang makakuha ng sampung puntos.

"Tiara, Iñigo.. " napalingon kami sa tumawag samin. "Good luck sa inyo."

tsaka napangiti. "Thanks!" sabay kami.

Sumunod ay lumipat na sila sa sunod na target at mas malayo na ito ngunit hindi pa ang pinakamalayo.

Muli ay ang player na naman ng Hidalgo International School ang maglalaro, iyong Sabrina. Bumunot siya muli ng isa pang pana at sa pagkakataong ito ay tinantya nang mabuti bago ito pakawalan.

"YOWNNN!!"

"NICEE!"

"GANYAN NGA ATE, GANYAN NGA!"

Nagkagulo ang mga taga suporta nito nang makakuha ang babae ng sampung puntos kaya mukhang nabawian naman ito ng loob. Kasunod niya muli ang player ng Villiar Academy na mukhang hindi nito kasundo. Nakakuha naman ito ng

pitong puntos kaya mukhang inis ito.

Nang ang Olive Hill University naman ang sumunod ay nakakuha ito ng walong puntos. Bagama't mataas ang nakuha ay mukhang nadismaya pa rin ito.

Walong puntos rin ang nakuha ng St. Augustine School, at kasunod na ulit si Stacey. Walang kahirap- hirap siyang nakakuha ng siyam na puntos. Sa pagkakataong ito ay lamang na kami at malaki ang tyansang manalo kami sa round na ito dahil masyadong magaling si Stacey.

"O'NELL UNIVERSITY WINS FIRST ROUND!!"

Sa huli ay tama nga ako at si Stacey ang nanalo. Nakakuha siya ng total of 54 points, sa Hidalgo International School ay 46, 45 para sa Villiars, 51 points sa Olive Hill University, samantalang 39 points naman sa St. Augustine.

Padabog na umupo ang player ng Villiars, mukhang hindi nasayahan sa nakuhang puntos. samantalang ang player naman ng Hidalgo International na mukhang hindi niya kasundo ay taas noong tumingin sa kanya.

"Good luck." Sabi ko nang tumayo na si Iñigo. Pinapawisan na siya kanina pa at mukhang nagsisimula nang kabahan.

"Don't try too much, Iñigo."

Kakalapit lang ni Stacey pero tinarayan na agad siya nito. Hindi naman siya nito pinansin at inirapan lang at umalis na. Umupo siya sa tabi ko. "Good luck." bahagya akong napangiti. "Mhmm- mhmm. congrats."

Pareho lang din ang mangyayari mga susunod na round dahil katulad kanina ay magsisimula lang din sa malapit na target hanggang sa palayo nang palayo.

Mabilis lang ang naging laban sa second round. Panalo naman ang Olive Hill University, hindi man nanalo si Iñigo ay naka pangalawa naman siya sa nakuha niyang 45 points.

Nang bumalik sa pwesto namin si Iñigo ay tumayo na ako, kasabay ng mga makakalaban ko sa round na ito. "Good luck, girl." si Iñigo. yes, he's gay. Is it obvious just by one or two glance? No. Sa tingin ko nga ay walang ibang nakakaalam bukod samin ni Stacey na nakasama niyang mag practice.

"GO, TIARA!!"

"WAAAAH!! TIARA GALINGAN MO!!"

"GO, COZ! YOU CAN DO IT!"

Agad akong napabaling sa bandang taas ng field. Nasa kabilang side pala ang mga ito kaya naman pala hindi ko sila nakita man lang kanina, Akala ko nakalimutan na nilang sumali ako.

Magkatabing nakaupo si Jean at Aya. Habang nasa kanan naman ni Jean si Ena na katabi si Erik, samantalang nasa kaliwa ni Aya si Kairous. Panay ang tili ng mga ito, lalo na si Aya. si Kairous naman... ano nga bang ginagawa niya?

Tiningnan ko pang mabuti ang ginagawa niya at napagtantong wala naman. Nakaupo lang siya at nakatingin sa- eh? nag flying kiss, parang baliw.

Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa laro at dalawang players na pala ang nakakuha na ng puntos.

"Tiara, focus!" rinig kong sigaw ni Stacey sa pwesto namin. nahiya tuloy ako kaya mas lalo nang nag concentrate. Nasa pangatlong player na ang magre release ng pana kaya naghanda na ako.

"Sino ba ang tinitingnan mo dun?"

nabigla ako nang kausapin ako ng katabi kong player. actually hindi ko naman siya katabi pero siya ang pinakamalapit sa pwesto ko. Nakilala ko naman agad siya, iyong kumausap din sakin kanina na mukhang pamilyar sakin. kilala niya ba ako?

"Hulaan ko, hindi mo'ko naaalala ano?"

Umiling ako. "Sino ka ba?"

"Okay lang, hindi rin naman maganda ang unang encounter natin."

Dahil sa sinabi niya ay Lalo tuloy akong naintriga. Magtatanong pa sana ako Pero bumunot na siya ng arrow at tinantya muna ito bago pakawalan. A perfect shot. 10 points. lalong naging maingay ang mga nanonood, at napansin kong kahit ang ibang mga estudyante ay sumusuporta sa kanya, maging sa School namin.

Bumuntong hininga muna ako bago bumunot ng sarili kong arrow. Nakita ko pang lumingon siya sakin at pinapanood ako ngayon pero ang focus ko ay nasa ginagawa ko na. Pinakawalan ko agad ang pana ng makita kong tama na ang tantya ko.

Napabaling muli ako sa pwesto nila nang maka sampung puntos din ako. Taas noo akong tumingin kay Ena, ngunit inismiras lang niya ako. Sunod akong tumingin kay Kairous at ngayon ay nakangisi na ito. tinaasan ko siya ng kilay, nagyayabang. May sinasabi siya kaya binasa ko kung ano ito. I love you. Gustohin ko mang biruin siyang patay na patay na naman siya sakin ay naglalaro pa ako, baka ma disqualify pa'ko, papatayin ako ni Stacey.

Ilang minuto na ang nakalilipas nang magsimula kami at ito na ang pinakahuli at siya ring pinaka mahirap. kung tutuusin ay wala pa naman akong sablay, sa limang magkasunod na round ay nakakuha ako ng tig sasampung puntos pero hindi magawang magbunyi pa dahil magkapareho lang kami ng score nitong katabi ko. masyado siyang nagiging mahigpit na kalaban, tsk.

"Please don't make this personal."

Napansin niya siguro ang panay Kong paglingon sa kanya kaya nagsalita na siya. bagaman alam ko ang ibig niyang sabihin ay nag maang- maangan pa rin ako. "What? Of course not, I'm not like that."

I meant that. he's good but let's just see..

Siya na ang sunod. Pinanood Kong mabuti kong pano niya tantyahin ang pana niya, tho we're not the same pero palagi rin niyang Nahihit ang bullseye. Lalo ko pa siyang pinanood. Nang may mapansin sa pag ayos niya ay agad akong napatingin sa ilalim. Kung kanina ay puro ingay lang ng paligid ang maririnig ngayon naman ay tila walang tao rito sa sobrang tahimik.

Muli akong nag-angat ng tingin sa pwesto nila Ena at agad kong nakita ang malungkot na tingin ni Aya, maging ni Jean. Sa sandaling ito alam kong unti-unti nang pinakawalan ng katabi ko ang pana niya at..

"9 POINTS!"

"ANG GALING!!"

"SURE WIN NA PHERN!"

Kairous is now grinning from ear to ear. As if he already knew what I was thinking.

"TEN POINTS, TIARA!"

"GOOD LUCK, TIARA!"

Sa dinami- rami ng mga sumisigaw ay tila sila lang ang naririnig ko. Nakatayo ang dalawa habang itong pinsan ko naman ay tatawa-tawang nakaupo lang. Naiiling nalang ako, masaya ako sa ginagawang pagsuporta nila sakin.. pero siguro mas matutuwa ako pag si Kairous ang marinig kong mag cheer pero syempre, napaka imposible nun.

Sa pagkakataong ito ay mas lalo ko pang inayos ang pag tantya ko. parang bigla akong nalungkot sa iniisip. Nagpakawala ako ng malalim na hininga, huli na'to kaya hindi dapat ako magpaapekto.

Bago ko pa man pakawalan ang hawak kong pana ay narinig ko ang boses na kanina ko pa hinihintay. Hindi kasing baliw gaya ng mga kaibigan ko pero nakakabigla, nakakapanibago at.. nakakabaliw.

"Go, Baby!"

Yon lang. dalawang salita na nakapagpatibok ng mabilis ng puso ko. Sobrang bilis na di ko namalayang napahinto na pala ako, nakababa na rin ang pana ko at langya, nakangiti na naman ako.

"OYYYY"

"YIEEEE, SANA ALL!"

"OMG, AYAN ANG REWARD NA GUSTO KO!"

"SHOCKS, MAY NANALO NA!"

"Tiara, focus!!" nakabalik lang nag diwa ko nang marinig kong muli ang boses ni Stacey. Inayos ko na ulit ang sarili at muling tinutok ang pana ko. Nahihirapan akong tantyahin ito nang maayos dahil sa nag humaharintadong dibdib ko. Hindi pa nakakatulong na sa gilid ng mata ko ay nakikita ko siyang nakatayo kasama sina Aya at Jean.

Unti-unti kong pinakawalan ang pana at ganon nalang ang bilis ng pagkawala ng mga ingay sa paligid. Palapit nang palapit ito sa board at..

"EVERYONE CAN YOU BELIEVE WHAT JUST HAPPEND?? INCREDIBLE! LADIES AND GENTLEMEN, A HISTORY FOR THE SPORT OF ARCHERY BETWEEN THESE FIVE WONDERFUL SCHOOLS JUST HAPPENED! WOW, A PERFECT 60 POINTS, EVERYONE!"

Matapos inanunsyo ang nanalo ay tuluyan nang nagkagulo ang mga estudyanteng nanonood. Champion ang kami, 2nd ang Olive Hill University, Hidalgo International 3rd, 4th ang Villiars, at panghuli ang St. Augustine.

Mabilis na nagsibabaan ang mga nanonood at pumagitna sa field. Nakita ko mula sa pwesto namin ay lumapit sakin sina Stacey at Iñigo.

"Lucky." bagama't iyon ang binungad sakin ni Stacey ay yumakap pa rin ito sakin. "Congrats." pabulong na aniya pa.

"Congrats to us."

Sunod na yumakap si Iñigo. "Galing mo!"

"Ahem." Agad siyang napabitaw sa yakap matapos marinig ang boses na yon. natawa nalang ako dahil nakilala ko rin agad kung sino ito.

Nandato na pala sa tabi namin sina Ena, Erik, Aya, Jean, at syempre, ang muntik nang makapag patalo sakin, tsk.

"What's with that look?"

Ang kanina ay nakangiwing mukha ko ay nakangiti na ngayon. Umiling ako, natatawa.

"Crazy."

Narinig ko ang sinabi niya pero inismiras ko lang siya.

"Congrats, T. I never had a doubt on you." Unang yumakap sakin si Ena.

"Thanks, Ena."

"Congrats, cousin."

Umakto pang yayakap sakin si Erik pero humarang na agad ang pinsan ko. "May kairous ka na." pero natawa lang kami sa kanya pareho.

"Congratss bff! Ako lang naman ang number one cheer leader mo." si Aya.

"Agreed. pero mukhang hindi yata ikaw ang best." napatingin si Jean sa katabi, kay Kairous at napangiti. "Congrats, T."

"Thank you sa inyo." senserong wika ko.

Tumikhim si Ena kaya tiningnan ko kung saan siya nakatingin, sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko run si Kairous.

"Aren't you gonna hug me?" Nakangising biro ko.

"You pretty little brat." Ang ngisi ko ay napalitan ng malumanay na ngiti nang yakapin niya ako. "Congrats, baby."

Continue Reading

You'll Also Like

17.9K 380 12
Arranged Marriage To Campus Nerd She My Wife.......Not involved "LOVE" .....We Not "LOVE" each other.... I hate Her Because Of Her The woman I love...
10.3K 742 75
Nagmahal, Nasaktan, Naging Bitter 'yan si Scarlet Dahlia Xiang, she turns into a bitter woman because of her past. He is Blue Kaizen Macwill, the hea...
36.2K 1.5K 42
(FCHMOG.) CHILDHOOD BEST FRIEND TO LOVERS? FIGHTING INTO FALLING? HATERS BECAME LOVERS. THE MORE YOU HATE, THE MORE YOU LOVE. Unedited. START: Aug 30...
203K 4.9K 64
This story is about a girl (Lee Yeonghun) who got secretly married to her long time secret crush (Kim Myungsoo). For some reasons,she was forced to m...