𝗠𝗚𝗔 𝗧𝗨𝗟𝗔

Galing kay MissNDpain

51.8K 458 104

"Sa likod ng bawat tula ay may nakatagong kwento ng mga salita" Collection of MissNDpain's poems (▰◕◡◕▰) Higit pa

MGA TULA
MGA TULA
[ 𝗧𝗮𝗴𝗮𝗹𝗼𝗴 ]
ARAW AT BUWAN
SARILI'Y MAHALIN
KASAYSAYAN
KADENA NG PANGAKO
KAIBAHAN
KALSADA NG DISTANSYA
DAPIT-HAPON
ALITAPTAP NG PAG-ASA
SAPLOT NG HAPLOS
KALABIT NG KAMATAYAN
HILING SA BULALAKAW
ROSAS NG KASIGURADUHAN
SARILING SAPOT
TALI NG MANIKA
PINTOR NG BAHAGHARI
ANG PANGHABANG-BUHAY NA PAKSA NG SAWING MAY-AKDA
LIHAM NG TAGLAGAS
KWENTO NG MANLALAKBAY
ANG HULING PAKIUSAP SA AKING UNANG PANGUNGUSAP
LIHIM NG TAGSIBOL
GINOONG BERDE NG SETYEMBRE
SI UNA, ANG PANGHULI
ANG NAPUNDING ILAW NG ALITAPTAP
[ 𝗘𝗻𝗴𝗹𝗶𝘀𝗵 ]
'YOU' ROSE
PICK A STAR
AT LAST
REALITY-LIKE NIGHTMARE
FLAWED MOON
4 MYSELF X MYSELF

ANG BULONG NG SIMOY NG PAG-IBIG

59 1 0
Galing kay MissNDpain

──────────────────── ✦ ✾ ✿
ANG BULONG NG SIMOY NG PAG-IBIG
✿ ✾✦ ────────────────────


Sa aking bokabularyo, pag-ibig ay 'di numero uno
Siguro, sa isang punto, oo, ngunit karugtong nito'y maraming 'pero'
Ito'y 'di bago, 'di natamasa ang salitang 'sigurado'
Damdaming peke at totoo, pinaglalaruan ang mga tao


"Mahal kita," maaari mo 'yong marinig 'pag ika'y inibig
Pagmartsa ng kakaibang pintig, gumagawa ng isang himig
Mga paru-parong nagkakagulo, dulot ng nakakakiliting pahiwatig
Ganito raw ang pakiramdam 'pag sumibol ang tinatawag nilang pag-ibig


Ako'y 'di naghahanap sapagkat kuntento sa paghihintay
Sa bangka ng tadhana ako'y sasakay, sa anod ako'y sasabay
Lunurin man ng panahon, daliri ng bituin ma'y sumablay
Malabong imahe ng taong 'yon, patuloy kong isasabuhay


Kung sa huli'y walang naghihintay sa dulo ng pulang sinulid
Marahil ito'y sadyang patid kaya walang sinuman ang nakakatawid
Ngayo'y makinig sa hangin at dinggin ang nais nitong ipabatid
Pag-ibig na aking sambit, isang mensahe ang ihahatid


"Hayaan ang pusong lumihis sa kaibig-ibig na landas ng daigdig, hindi man nito matagpuan ang katugmang pintig,"
ito ang bulong ng simoy ng pag-ibig.

Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

6.5K 382 54
A part of the whole. A collection of random thoughts and poems. March 24-May 18, 2021
3.7K 91 59
Mga likhang para sa kanya, mga tagong salita na kailanman ay hindi niya makikita. Hahanapin ngunit hindi matatagpuan, nais basahin ngunit nakakubli s...
2.4K 594 98
Naguguluhan ka ba sa mga bagay bagay? Ito ay para sa mga taong naguguluhan at bulag sa sinasabi nating KATOTOHANAN (Tula, hugot, katotohanan)
163K 1.6K 200
Isang salita noon, isang haiku na ngayon. Haiku noon, haiku pa rin ngayon. (Koleksiyon ng mga 'haiku' sa Wikang Filipino.) -D. Cover by: "Kai" (ang b...