That Dangerous Girl Is Mine

By MsAuthorney

18.1K 561 5

"I still love him even he hurt me" Plagiarism is a crime so dont copy my story.. __MsAuthorney__ Started: Jan... More

♥️That Dangerous Girl Is Mine♥️
♥️Chapter 1♥️
♥️Chapter 2♥️
♥️Chapter 3♥️
♥️Chapter 4♥️
♥️Chapter 5♥️
♥️Chapter 6♥️
♥️Chapter 7♥️
♥️Chapter 8♥️
♥️Chapter 9♥️
♥️Chapter 10♥️
♥️Chapter 11♥️
♥️Chapter 12♥️
♥️Chapter 13♥️
♥️Chapter 14♥️
♥️Chapter 15♥️
♥️Chapter 16♥️
♥️Chapter 17♥️
♥️Chapter 18♥️
♥️Chapter 19♥️
♥️Chapter 20♥️
♥️Chapter 21♥️
♥️Chapter 22♥️
♥️Chapter 23♥️
♥️Chapter 24♥️
♥️Chapter 25♥️
♥️Chapter 27♥️
♥️Chapter 28♥️
♥️Chapter 29♥️
♥️Chapter 30♥️
♥️Chapter 31♥️
♥️Chapter 32♥️
♥️Chapter 33♥️
♥️Chapter 34♥️
♥️Chapter 35♥️
♥️Chapter 36♥️
♥️Chapter 37♥️
♥️Chapter 38♥️
♥️Chapter 39♥️
♥️Chapter 40♥️
♥️Chapter 41♥️
♥️Chapter 42♥️
♥️Chapter 43♥️
♥️Chapter 44♥️
♥️Chapter 45♥️
♥️Chapter 46♥️
♥️Chapter 47♥️
♥️Chapter 48 (Special Chapter)♥️

♥️Chapter 26♥️

265 12 0
By MsAuthorney

Nandito ako sa labas ng kwarto ni Dad habang tinitingnan ko siya sa loob, isang linggo na pero wala paring malay si Daddy

"Bitawan niyo nga ako gusto ko makita si Dominique" kaya agad akong napalingon si Betina na pinipigilan ng mga tao ko

"Huwag kang mag iskandalo dito" ako at masama siyang tiningnan

"Gusto ko lang makita si Dominique, miss na miss ko na siya" saad niya

"Hayaan niyo muna siya" utos ko

"Dominique anong nangyari sayo? Sino ang may gawa nito sayo?" siya na kunwaring umiiyak habang nakadungaw sa may pinto

"Ano ba stop acting hindi bagay sayo, nakakainis ka lalong tingnan" at inirapan ko siya

"Nagkaganiyan na nga ang Daddy mo, ganiyan pa rin ang ugali mo" siya

"Mas maganda pa naman ugali ko kaysa sa ugali mo" ako

"Wala kang respeto" siya

"Mas wala kang respeto at walang modo" ako

"You b*tch" hahablutin niya sana ang buhok ko ng mahawakan ko ito sa braso

"Ikaw ang b*tch Betina" ako

"Paggising ng Daddy mo isusumbong kita" siya

"Hay naku Betina tumigil ka na nga hindi ka naman mahal ng Daddy ko" ako

"Mahal ako ni Dominque" sigaw niya

"No Betina tumigil ka ng mangarap hindi ka makakahuthut ng pera sa Daddy ko" sigaw ko rin

"Alam ko naman yun at buti nga sa kaniya" tumalikod na ito at nag fliphair pa pero hinila ko ang braso niya pabalik

"Alam kung may kinalaman ang Daddy mo dito Betina mga mandurugas at mga magnanakaw kayo" ako

"Wala kang ebidensiya Danica" at ngumisi siya

"Hindi na kailangan ng ebidensiya pa Betina dahil kayo lang naman ang may balak ng masama sa buhay namin" ako

"Hindi lang kami Danica marami kami" siya at binawi ang kamay niya tsaka na naglakad paalis

Pumasok ulit sa isip ko ang sinabi ni Nico na pati si Mr. Ivan Montero ay nais rin na mapatay si Daddy

"Kailangan ko makausap si Andrew, bantayan niyo ng mabuti si Daddy" ako at umalis na rin

Habang nag dadrive ako ay nakakaramdam ako ng kaba parang may hindi magandang mangyayari ngayon, pagkarating ko sa University ay pinark ko kaagad ang kotse ko, nang makita ko ang kotse ni Andrew papasok at pagka park niya ay bumaba ito tsaka pumunta sa kabilang side may bumaba na babae

"Andrew with Betina?" ako, parang sinasaksak ang puso ko ng ilang ulit

Naglakad na sila habang nakahawak si Andrew sa bewang nito parang wala siyang girl friend kung umasta ngayon, bumaba na ako at sinundan sila kung saan ang punta ng dalawang ito

"Dan, hows Tito?" si Leonel na nakasalubong ko

Hindi ko siya kinibo hanggang sa nandito na nga ako sa hide out nila pumasok sila sa loob kaya pumasok rin ako pero hindi ko nagustuhan ang nakita ko, naghahalikan sila habang naka kandong si Betina paharap kay Andrew

"Akala ko hindi na kita makukuha Andrew" malanding sabi niya

"Im already yours Betina" sagot naman niya at naghalikan ulit

"Wow amazing, napaka gandang palabas" ako at pumalakpak na ikinalingon ng dalawa

"Danica" si Andrew na agad niyang ikinatayo

"Kaya pala may kakaiba sayo at isang linggo kitang hindi nakikita, iba na pala tinatrabaho mo" ako gusto kung ingudngud ang mukha ni Betina

"Sabihin mo na lang kaya ang totoo sa kaniya Andrew, ito na yung oras huwag mo ng patagalin pa" si Betina at kumapit sa braso ng kumag na to

"Ano bang sasabihin na hindi naman talaga ako mahal ni Andrew, na parte lang to ng plano" saad ko habang nakatingin kay Andrew na parang wala lang sa kaniya

"Correct napaka talino mo talaga hindi ka naman pala talaga bobo" si Betina

"Huwag kang magsalita sumasama ang amoy ng hangin Betina, masiyado ka na kasing malansa" saad ko na pilit pinapakalma ang puso ko sumasakit na naman siya

"Kawawa ka naman Danica" at tsaka siya tumawa

"Napaka landi mo talaga no mag pa check ka na sa Doctor humingi ka ng gamot sa sobrang kati" ako

"Ano sa pakiramdam ang nakita mo?" siya

Sa sobrang galit ko ay agad kung sinugod si Betina at sinakal ko siya gusto ko na siyang patayin ngayon mismo para mabawasan na ang peste sa mundo

"Papatayin kita" saad ko

"Hindi ako makahinga, bitawan mo ako" si Betina na hinahawakan ang kamay ko

"Stop" si Andrew at hinila ang braso ko palayo sabay tulak sakin

"Are you okay?" tanong niya kay Betina, wow caring masiyado

"Im okay dont worry about me" maarte niyang sabi

"Mga gago kayo" galit na galit kung saad sa kanilang dalawa at pinipigilan na hindi maiyak

"Tumigil ka na pwede Danica, hindi kita mahal okay at totoong plano lang ang lahat para mapa ibig ka, nag tagumpay nga ako" siya at ngumisi pa, hindi ko napigilan ang kamay ko nasampal ko siya ng dalawang beses sa mukha

"Magaling napaibig mo nga ako ng husto at sobrang mahal na mahal kita, ang laki kung tanga no pero mabuti na yung sinabi mo at malinaw na ang lahat isa ka na sa kaaway ko ngayon pagsisisihan mong sinaktan mo ako" ako at tinalikuran ko na siya

Paglabas ko ng pinto ay nakita ko si Leonel pero nilampasan ko lang siya ulit, sumasakit na naman ang dibdib ko at hilong hilo rin ako kasabay ng pag agos ng luha sa mga mata ko

"Kalma Danica, kalma lang" saad ko sa sarili, palagi nalang sumasakit ang dibdib ko

Hanggang sa narating ko ang kotse ko pero nanghihina na ang tuhod ko, sobrang nahihilo na talaga ako at sumisikip lalo ang dibdib ko

"Ahhhh ang sakit" sigaw ko habang umiiyak at napahawak sa kotse

"Danica, Danica" alam kung si Leonel ang nasa harap ko pero malabo siya dahil sa luha at hilo ko

"Sumisikip ang dibdib ko at nahihilo ako" mahina kung sabi habang umiiyak

Bigla nalang akong nawalan ng balanse  pero nahawakan niya ako agad at niyakap ng mahigpit

"Danica" tawag niya sakin pero nanlabo na ang mata ko gusto kung matulog

Nagising ako dahil sa pagkalam ng tiyan ko at pagbukas ko ng mata puting kisame na naman ang tumambad sa akin, nasa hospital na naman ako

"Thanks God buti naman at gising ka na" si Leonel

"Gutom na ako" ako at biglang tumunog ang tiyan ko

"What do you want to eat?" nakangiti niyang tanong pero malungkot ang mga mata niya

"Gusto ko ng dalawang large size ng fries, then 1 bucket ng chicken then burger tapos ng sundae pwede ba?" ako bigla kasi akong natakam sa ganun

"Okay dito ka lang magpahinga ka na muna babalik lang ako agad" siya at lumabas na

Naupo ako sa hospital bed at pumasok na naman sa isip ko yung nangyari kanina bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko, galit na galit ako sa kaniya

"Napakasama mo, gag* ka" saad ko

Pinatong ko  ang mukha sa tuhod ko at doon lalong umiyak, pagkaraan ng ilang minuto ay bumalik rin agad si Leonel

"Im back" si Leonel na kinaangat ng ulo ko

Biglang nag ningning ang mga mata ko ng makita ko ang mga dala dala niya at agad na pinunasan ang mga luha ko

"Umiyak ka ba?" tanong niya ng makalapit sa akin

"Hindi tumawa tapos naiyak nalang bigla ganun" pilosopo kung sagot

"Baliw, oh ito na yung gusto mo kumain ka ng marami" at inayos niya nga ang mesa tsaka nilapag ang mga pagkain

"Thank you" nakangiti kung sabi

"Huwag ka munang magalaw tatalian ko lang ang buhok mo" siya at tinalian nga ang buhok ko

"Thank you ulit" saad ko at agad na nilantakan ang chicken, ang sarap

"Hey dahan dahan naman baka mabilaukan ka" saway niya sakin

Napatingin ako kay Leonel na nakaupo sa side ko, ang cute ng pisnge niya ang tambok tambok kaya agad kung pinisil ang pisnge niya

"Ahh aray aray ang sakit" reklamo niya sakin

"Ang cute ng pisnge mo" saad ko

"Ahh tama na bitaw na" siya kaya ayun binitawan ko na

"Hala namula na yung pisnge mo" ako

"Ang sakit naman" at hinimas himas niya ang pisnge niya

"Sorry" ako

"May sasabihin ako sayo Dan" seryuso ang tono niya

"Ano yun?" ako na buzy lang sa pagkain

"Ubusin mo muna yan, tsaka ko sasabihin" siya

"Ngayon na kasi" ako

"Ubusin mo muna yan huwag ka ng makulit" siya

"Oo na sige na" ako

Habang kumakain ako ay napalingon ako kay Leonel pinapanood niya akong kumain, hala baka gutom na rin siya

"You want?" alok ko ng isang chicken

"No para yan sayo, okay lang ako" siya

"Okay"

Hanggang sa naubos ko na nga lahat ng binili niya at ang sarap sa pakiramdam busog na busog ako

"Ano nga pala sasabihin mo?" tanong ko sa kaniya na kina seryuso ulit ng mukha niya

"Youre pregnant Dan, 2 weeks pregnant" bigla niyang sabi na ikinatigil ko

"Huh?" ako na hindi masink in sa isip ang sinabi niya

"Buntis ka Dan" pag uulit niya pa

Doon na naman nag unahan ang mga luha ko sa pag tulo, nag bunga ang nagyari sa amin ni Andrew pero wala na akong magagawa kasi ginusto ko rin naman iyon

"Hey stop crying masama yan sa baby" pagpapatahan niya sa akin at niyakap ako

"Hindi ko mapigilan" sagot ko at yumakap din sa kaniya

"Si Andrew ba ang ama?" tanong niya kaya tumango ako

"Oo ang gag*ng yun malamang, siya lang naman ang nakauna sakin" ako

"Tama na sa pag iyak ha papangit si baby" at ngumiti siya pero hinampas ko siya

"Sira ulo ka" at inirapan ko siya

"Ipapa alam mo ba sa kaniya?" tanong niya

"Hindi hindi ko sasabihin, niloko at sinaktan niya ako"

"But his the father" dagdag niya pa

"Wala akong pakialam" ako

"Eh kay tito at sa mga kuya mo, ipapaalam mo ba?" siya, napa isip ako bigla ano kaya magiging reaction nila pag nalaman nilang butis ako

"Hindi na muna ngayon, pag okay na ang lahat at pag naka ganti na ako"

"Dan alalahanin mo ang batang nasa sinapupunan mo" paalala niya sakin

"Alam ko yun pero nandito na ako itutuloy ko na to" saad ko

"Hndi ko alam kung maitatago ko pa sa kanila ang mga tungkol sayo" siya na may halong pag aalala ang mukha

"Please Leonel huwag mo munang sabihin sa kanila" ako

"Sige kung yan ang gusto mo pero hindi ko alam kung hanggang kailan" siya

"Thank you" saad ko

"Thank you saan?" siya

"Dahil nandiyan ka para sakin" ako at tiningnan ko siya sa mga mata

"Walang anuman at isa pa hindi pa rin nawawala yung pagmamahal na nararamdamn ko para sayo hanggang ngayon nandito ka pa rin sa puso ko" saad niya na ikinatahimik ko

Natahimik kaming dalawa at naputol iyon nang may kumatok sa pinto tsaka pumasok ang isang Doktor

"Kamusta po ang pakiramdam mo Ms. Ventura?" tanong nito

"Maayos na po ako" saad ko

"Congrats sainyong dalawa in advance" nakangiti niyang sabi at tumingin din kay Leonel, luh akala niya siguro ito ang ama

"Salamat po" sagot naman ng isang to

"By the way nandito na sa reseta ang vitamins na kailangan mong inumin para kay baby" sabi ng Doktor

"Thank you po" ako

"And kumain ka palagi ng mga masustansiyang pagkain tsaka mag exercise rin, huwag masiyadong magpaka stress and isa pa huwag na muna kayong magano yung alam niyo na pag mga 3 months na siguro pwede na pero dahan dahan lang" dagdag pa ni Dok na ikinapula ng pisnge ko at itong isa gusto ng tumawa, sarap batukan

"Opo Dok" sabay pa naming sagot

"Sige po alis na po ako" at umalis na nga ito

"Aray ko naman" reklamo niya ng ibato ko sakaniya yung lalagyan ng prutas

"Chee assuming ka hindi naman ikaw yung ama ng anak ko" pag tataray ko sa kaniya

"Ano naman" at tumawa pa ito na lalo ko lang kinainis

"Tumgil ka nga sa pagtawa nakakainis yang mukha mo" ako

"Basta yung mga bilin ni Dok huwag mong kalimutan tigas pa naman ng ulo mo" siya

Hindi ko siya sinagot at itinaas ko lang ang middle finger ko, na ikinasama ng tingin niya sakin

"Hoy putulin ko yang daliri mo eh" siya

"Putulin ko rin yang ano mo" saad ko

"Oy huwag sayang ng mga magiging lahi ko Dan" confident niyang sabi

"Sira ulo" ako

Continue Reading

You'll Also Like

10.7K 136 85
description of book is explained within the title, however later along imagines based upon the characters of the vampire diaries are included. Update...
30.1K 1.1K 60
Book 1 of between us series May belles lived her entire life in the small town of Beverly where she lives and breathes, day and night for the only t...
101K 2.6K 24
Blဖတ်တဲ့သဲလေးတွေအတွက်အဆင်ပြေပါတယ်နော်ဇာတ်‌‌ေကာင်‌‌ေတွကmafiaတွေဖြစ်တဲ့အတွက်ရိုင်းစိုင်းတဲ့အပြုအမူတွေပါ ပါတယ် အဲ့အတွက်အဆင်ပြေမှဖတ်‌ဖို့အကြံပေးပါတယ် ပုံ...
1.1K 114 16
"ඔව් ඔහු අයිති ඇයටයි....💕" මට සුලඟ මුමුණන්නාක් සේ ඇසිණි......💨 2nd ff...Hope you enjoy..... BORHAE💜 Koya_love💙