Oops I Forgot the Protection!

By pingaynism

70.4K 2.2K 617

(Rated 15+) Ang BET kung sino ang mag moan talo! Paano kapag sinabi niyang, "Oops, I forgot the protection!"... More

P r o l o g u e
O o p s 1
O o p s 2
O o p s 3
O o p s 4
O o p s 5
O o p s 6
O o p s 7
O o p s 8
O o p s 9
O o p s 10
O o p s 11
O o p s 12
O o p s 13
O o p s 14
O o p s 15
O o p s 16
O o p s 17
O o p s 18
O o p s 19
F o r g o t 20
F o r g o t 21
F o r g o t 22
F o r g o t 23
F o r g o t 24
F o r g o t 25
F o r g o t 26
p r o t e c t i o n 27
p r o t e c t i o n 28
p r o t e c t i o n 29
p r o t e c t i o n 30
p r o t e c t i o n 31
p r o t e c t i o n 32
p r o t e c t i o n 33
p r o t e c t i o n 34
p r o t e c t i o n 35
p r o t e c t i o n 36
p r o t e c t i o n 38
p r o t e c t i o n 39
p r o t e c t i o n 40
O I F T P 41
O I F T P 42
O I F T P 43
O I F T P 44
O I F T P 45
O I F T P 46
O I F T P 47
O I F T P 48
O I F T P 49
O I F T P 50
L A S T

p r o t e c t i o n 37

754 35 14
By pingaynism

"H-Hoy, MISS SE—Steph, okay ka lang?"

natauhan naman ako kaya napatingin ako sa kanya. Hinawakan niya ako sa braso at ilang sandali pa ay napahawak siya sa noo ko.

"May sinat ka." Ang sabi niya kaya agad niyang binuhay ang makina at hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Ayos lang naman ako," mahina kong sabi.

"Hindi kita dadalhin sa Hospital, hindi naman malala, sa condo nalang." Sabi niya and he smiled at me with an assurance.

Napaiwas na naman ako ng tingin, tae, bakit bumibilis ang pintig ng puso ko? Kumawala ako ng hininga at tumingin nalang sa labas, umuulan pala kaya nilalamig ako.

Nagpark si Josiah sa rooftop, malapit kasi 'dun ang condo unit namin, para na rin hindi kami mabasa.

Lalabas na sana ako ng kotse pero pinigilan niya ako, una siyang bumubaba at pinagbuksan niya ako, hindi pa ako lumabas dahil nakakapagtaka, hindi naman siya ganito dati, ay—oo, pero nakangisi siya—pero ngayon iba na ang aura niya, bumabait ba si Josiah? Tae, mukhang di bagay sa mukha niya!

"May sinat ka kaya,"

Di ko na siya pinatapos dahil bumaba na ako.

"Hindi ka pa rin nagbabago ano?" komento niya kaya tiningnan ko siya—bakit puro nalang ako tingin? Napipe ba ako?

"Maldita ka pa rin at snob." Nakangiti siya inalalayan niya ako.

"Wag mo nga akong alalayan." Reklamo ko.

"Steph naman, nag-aalala ako sa baby natin." Sagot niya kaya napaisip na naman ako.

Baby natin? Nagbago na ba ang isip niya? Natin? Anak namin?

Pagkatapos ba nito—pagkatapos ba ng pagbubuntis ko kukunin niya ang bata?

"Nagspa-space out ka na naman Stephanie." Komento niya nang mapansin niya akong nakatunganga.

"Tara na nga!" sigaw ko, umiling lang siya saka niya ako sinundan.

Pagkapasok namin ni Josiah sa condo unit namin ay nabigla ako dahil marami na namang mga paperbags sa living room, hindi ba matatapos ang pagbibili ng mga baby stuffs? Sino ba kasi ang pasimuno nito?

"Suportado talaga tayo." Ang nasabi ni Josiah saka niya tinabihan ang mga paper bags sa couch, binuksan niya ang mga ito at mga gamit pambata nga, hindi na ako nagtataka.

"Sa kusina lang ako." Pagpapaalam ko.

"Magluluto ka ba? Hindi ka naman marunong magluto e."

Aba tae, ano 'yun, insulto o nagsasabi ng totoo? Nagmamagandang-loob na nga ako tapos ito siya, nang-aasar.

"Para sa ikauunlad ito ng bansa natin Josiah, magluluto ako." Ano nga bang silbi ko?

Teka, bakit parang pinoportray ko na ang magiging misis!?!

"Sige nga, ano ang kaya mong lutuin?" he crossed his arms wearing his silly face.

"Noodles." Sagot ko saka umiwas ng tingin, hinarap ko na ang flat stove at mag-uumpisa na sa pagluluto.

"Hay naku, Steph, 'wag mo na pahirapan ang sarili mo, ako na ang magluluto." Pag-alok niya sabay agaw sa pwesto ko.

"Umupo ka nalang diyan." Sabi niya sa akin kaya napasimangot ako pero umupo rin naman.

"Saan ka ba natutong magluto?" tanong ko.

"Tinuruan ako ni Kyungsoo." Sagot niya pero di niya ako tiningnan. Si Kyungsoo—ang kwago niyang bestfriend na bumalik na sa ibang bansa.

"So naging kayo?"

Mabilis niya akong nilingon, "Magkaibigan lang kami." Sabi niya saka niya ako nginitian.

"Kaibigan lang ba?"

"Selos ka?"

"H-Hindi ah!" sigaw ko.

"Okay." Simpleng sagot niya.

"Bakit nasaniban ka ng kabaitan ngayon Josiah?" tanong ko, hindi naman kasi siya ganito dati, tamad 'yan, laging nang-aasar, pala-tawa at 'nung mga nakaraang araw ang cold niya sa akin.

"Kasi buntis ka, I played my role of being a husband."

Then, I felt something in my heart, bakit ganito? Parang gusto kong mabuntis nalang ako palagi?



"Pupunta kayo dito?" tanong ni Josiah, tapos na siyang magluto at may biglang tumawag sa kanya, hindi na siya nagsalita pa habang binigyan niya ako ng pagkain dahil ang atensyon niya ay sa phone niya.

Napatingin naman ako sa kanya habang hinuhubad ang apron niya at nilagay sa katapat kong upuan.

"Wag, busy ako." Sabi niya sa kabilang linya.

"Aba gago, nasa labas na kayo!?" bulalas niya at pagkasabi niya 'nun ay bumukas ang pinto at nakita ko ang kabarkada niya. Taeness overload, andito na naman sila.

"Hi Stephanie!" bati nila sa akin at umupo sila bitbit nila ang pinggan at kutsara.

"Mga PG talaga." Komento ni Josiah sabay bigay sa kanila ng pagkain.

"Teka, bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila, kumakain lang 'yung iba tapos si Chase napatingin sa akin.

"Nag upload kasi si Josiah sa IG niya, nagluluto siya kaya pumunta na kami dito." Sagot niya at kumain na.

So nagshare pala si Josiah? Matingnan nga.

Now cooking for my future wife.

"Boset, pakibigay nga ng kutsilyo at sasaksakin ko na si Josiah." Sabi ko kaya tumawa naman sila.

"Ang hard naman ng FUTURE WIFE mo Jothiah!" komento ni Skyler

"Isa ka pang bulol ka e." sabi ko kaya napasimangot nalang siya sa akin.

"Oy, kalma baka lumabas ang baby ng di oras." Sabi naman ni Levi, hay naku si Levi talaga, ang pinaka peste sa barkada  nila e.

"Kumain na nga lang kayo, tapos umuwi na kayo ah!" sabi ni Josiah tapos sinapak niya isa-isa ang barkada niya ng sandok.

"Naku~ alam na dis, dadagdagan mo ba Josiah?" tanong ni Levi saka niya ako kinindatan.

Namutla naman ako dahil sa sinabi niya, hindi ako namula, pumuti ako kasi parang baka nga? Aish, bakit ang green ko na!?

Tumawa naman sila, "HAHAHAHAHAHAHAHA!" ahh, okay?

"Manuod tayo ng movie!" pagyaya ni Nathan nang matapos na siyang kumain.

"Wala ba kayong movie sa bahay niyo? 'Dun ka nalang." Sabi ni Josiah.

"Naku~ push pa 'yan Josiah pero di kami aalis dito." Nakangiting sabi ni Chase, himala at ngumiti na ang isang 'to.

"Magtanungan nalang tayo." Sabi naman ni Skyler.

"Ang boring niyan." –Levi

"Mathaya kaya!" –tapos ngumisi si Skyler na parang may iniisip.

"O-Oy, basta hindi ako kasali diyan ah!" sabi ko,

"Playing thafe!" komento ni Skyler

"Dapat kasali lahat." –Chase

"O sige, basta pagkatapos nito ay umalis na kayo ah." –Josiah

"Oo naman, para makarami kayo." –Skyler

Di ko na mapigilan at sinapak ko na si Skyler, hindi naman siya nagreklamo.

"Amazona talaga itong misis mo." –Nathan

"Misis ka diyan!" sabi ko kaya natahimik naman sila.

"S-Sige na maglaro na tayo." Sabi ko nalang at tumayo na sila at pumunta na sa living room.

"Josiah, magpapakasal ba kayo kapag nagkaanak na kayo?"

"Josiah, hindi mo ba iiwan si Steph, for the rest of your life, say yes, say yes, cause we need to know."

"Ano ang ipapangalan niyo sa baby?"

"Teka, bakit ang dami ng tanong?" reklamo ni Josiah, hindi pa nga siya umuupo at bumungad na ang maraming tanong.

"Ready na kasi kami, tapos nakasulat na sa phone namin ang tanong namin!"

"Walang thrill, laro tayo ng 'WHAT IF'." Sigaw ni Levi

"Ano 'yan?" di ko alam 'yan, sorry ang cheap kasi.

"Sige!" pagsang-ayon nila kaya ako lang hindi sigurado kung sasali pa ba ako.

Umupo kami sa sahig at pabilog kami.

Ako-Skyler-Levi-Josiah-Nathan-Chase-Ako ulit. (Pabilog nga kasi)

"Kunin niyo na ang phone niyo." Utos ni Chase, kinuha ko naman ang sa akin.

"Magtype kayo ng question na naguumpisa sa 'WHAT IF' then ipass sa right side, 2 times." –Levi

"Tapos?" mukhang masaya ito!

"Kapag may nakuha ka ng phone na hindi sayo, sasagutin mo ito then ipass mo na dapat babalik sayo ang phone mo."—Nathan

"Tapos?"

"Nasaiyo na ang phone mo at nasagutan na ang tanong mo. Babasahin ang question then ang sasagot ay ang katabi mo gamit 'yung sagot niya sa sarili niyang tanong."

Ah gets ko na.

"Sige!!!!!!" sigaw ni Levi at nagtype na sila.

Nagtype na rin ako.

"What if, mamamatay si Levi ngayon din?"

"Pass, sa right!" sigaw ni Chase

two times kaya ang phone ko ay napunta kay,

Ako-Skyler-[Levi]-Josiah-Nathan-Chase-Ako ulit

Nareceive ko naman ang phone ni Nathan.

"What if, nagkagusto ka na kay Josiah, anong gagawin mo?"

Sinagot ko naman tapos nabalik na ulit sa akin ang phone ko. Since si Levi ang nakatanggap ng phone ko nabasa ko ang sagot niya, "Wala ng magandang mangyayari sa mundong ito." Kapal talaga e.

"Sige Steph, basahin mo 'yung tanong tapos si Chase sasagot dahil katabi mo siya."

Humarap ako kay Chase, "Chase, what if mamamatay si Levi ngayon din?"

Tumawa naman si Chase dahil alam kong magiging random ang sagot nito, kasi ang sagot ng tanong niya ay hindi naman talaga ang sagot sa tanong ko.

"Magpaparty ako!" sagot niya saka tumawa sila except kay Levi na nanlumo.

Si Chase na naman at tatanungin niya si [Ako-Skyler-Levi-Josiah-(Nathan)-Chase-Ako ulit]

"Nathan, what if ikaw ang magiging presidente ng bansa natin?"

"Magiging masaya ako"—Nathan ('Yun ang sinagot ko kaya natahimik muna ako saglit.)

Puga, random nga ang mga sagot!

"Josiah, what if, nagkagusto ka na kay Josiah, anong gagawin mo?"—Nathan (Bali 'yun ang tanong sa phone ni Nathan)

"Magbibigti ako." –Josiah

"Levi, what if?" –Josiah

Anong klaseng tanong 'yan?

"Papaputol ako ng ulo."—Levi

"Skyler, what if ang mukha mo ay magiging kasing gwapo ko?" –Levi

"Magiging alien din ako." –Skyler

Humarap na si Skyler sa akin, tatanungin niya ako tapos ang sasagutin ko ay gamit 'yung sagot ng tanong ko.

"Theph, what if, kukunin ng alien thi Jothia?" –Skyler

Tiningnan ko ang sagot sa tanong ko saka ko ito binasa, "Wala ng magandang mangyayari sa mundong ito."

Aba pucha!?!?

Tumawa naman sila pagkatapos, "Nice one Levi!" si Levi kasi ang sumagot 'nun!

Grabe parang planado?

(Guys, sana ma gets niyo ang WHAT IF, haha masaya 'yan laruin!)


Ito 'yung totoo. Tanong 'yan namin at may tamang sagot 'yan, ang kaso nga lang pinapasa-pasa kaya naging random pero ang mga sagot diyan ay tama talaga! Naipasa ito two times kaya si Levi ang nakasagot sa tanong ko.


[Ako]-Skyler-[Levi]-Josiah-Nathan-Chase-Ako ulit

Steph: "What if, mamamatay si Levi ngayon din?"

Sagot: "Wala ng magandang mangyayari sa mundong ito."—Sagot ni Levi


Ako-[Skyler]-Levi-Josiah-Nathan-[Chase]-Ako ulit

Chase: "What if ikaw ang magiging presidente ng bansa natin?"

Sagot: "Magpaparty ako!"—sagot ni Skyler


Ako-[Skyler]-Levi-[Josiah]-Nathan-Chase-Ako ulit

Skyler: "What if, kukunin ng alien si Josiah?"

Sagot: "Magiging alien din ako"—sagot ni Josiah


Ako-Skyler-[Levi]-Josiah-[Nathan]-Chase-Ako ulit

Levi: "What if ang mukha mo ay magiging kasing gwapo ko?"

Sagot: "Papaputol ako ng ulo."—sagot ni Nathan


Ako-Skyler-Levi-[Josiah]-Nathan-[Chase]-Ako ulit

Josiah: "What if?"

Sagot: "Magbibigti ako."—sagot ni Chase


Ako-Skyler-Levi-Josiah-[Nathan]-Chase-[Ako ulit]

Nathan: "What if, nagkagusto ka na kay Josiah, anong gagawin mo?"

Sagot: "Magiging masaya ako"—sagot ko


At siguro, seryoso ako sa sagot ko. (Gets niyo ba ang WHAT If? Ang labo kong magexplain haha)

Gabi na pala kaya pinalayas na namin sila.

"Bye~" sabay nilang sabi, hanggang pintuan nalang kami ni Josiah, tinatamad na kaming bumaba e.

"Hoy Josiah, 'wag mo munang dagdagan 'yan ha." Nakangising sabi ni Levi kaya binatukan ko na siya.

Sinara na namin ang pinto, nakakatuwa pala ang WHAT IF, pero sana hindi mapansin ni Josiah 'yung sagot sa tanong ni Nathan, medyo nahihiya ako, akala ko kasi hindi na babasahin.

Dali-dali akong umakyat pero natigilan ako,

"Magiging masaya pala ha." Sabi niya kaya nilingon ko siya, binalewala ko nalang at patakbo akong pumunta sa room ko, isasara ko na sana pero pinigilan ito ni Josiah.

"Josiah ano ba, matutulog na ako." Matigas kong sabi.

"Magiging masaya ka pala?" pang-aasar niya, tinulak ko nang malakas ang pinto kaya naclose ito at agad ko namang nilock 'yun.

Kumakatok siya pero hindi ko siya pinagbuksan. Kinakabahan na naman ako alam kong nagbibiro siya ngayon, nang-aasar na naman kasi siya at alam kong wala talagang kaseryo-seryoso sa katawan si Josiah!

"Steph naman." Reklamo niya

"Bawal kang pumasok."

Tumigil naman siya sa pagkakatok.

"May sasabihin ako sa'yo."

"Edi sabihin mo na." sagot ko at napaupo ako sa sahig, sinandal ko ang ulo ko sa pintuan.

"Ayokong may ibang lalaki na lumalapit sa'yo."

Natigilan naman ako, ibig sabihin ba 'nun,

"Steph, I like you, noon pa, pero ayaw mo namang maniwala."

"Naku naman e, alam kong hindi ka sasagot, siguro tulog ka na."

"Good night Miss S-E-X."


Hindi ko alam pero napapangiti ako, parang sumaya ako bigla kasi akala ko—ako lang 'yung may gusto, siya rin pala.

Oo na, bakit hindi pa ako aamin? Simula't sapul, gusto ko na si Josiah! Aish! Nakakagago!


(Shems ma meeeen~, malapit na itong matatapos! Yey!)

Continue Reading

You'll Also Like

59.7K 2K 22
The half wolf, half vampire.
4.5K 1.6K 31
COMPLETED!! Please read, vote and support my first story! A Nurse Student An Idol Trixie is a Nurse Student from Pampanga who decided to study in Man...
2.1K 61 6
WOLF SERIES 1: A Deadly Alpha Meet His Luna by @MemoriesBack Phoebe Selena Rayburn's Story. ••••• Ang Manunulat ng Istoryang ito ay binigyan ako ng P...
7.4K 144 23
SEDUCING MY GAY BEST FRIEND (completed) START:Nov 24,2020 END:Nov 30,2020