My CHATMATE, My SOULMATE (boy...

By JAYtheKing

34.3K 967 149

Paano kung ang trip ng isang straight boy ay nauwi sa seryosohan? Paano kung umibig siya sa isang discreet ga... More

Introduction
Chapter 1 - Names and Interest
Chapter 2 - Turmoil Building
Chapter 3 - Chat
Chapter 4 - Bench
Chapter 5 - Good News
Chapter 6 - The List and his OOTD
Chapter 7 - Accident
Chapter 8 - Hi's
Chapter 10 - First Day
Chapter 11 - Party
Chapter 12 - The Car Accident ^^
Chapter 13 - CarlTian: Part 1
Chapter 14 - CarlTian: Part 2
Chapter 15 - Considered: First Date
Chapter 16 - Their First Text Thread
Chapter 17 - Lipat Bahay
Chapter 18 - Ang Pagtatapat ^^
Chapter 19 - Undercover
Chapter 21 -Papatunayan Ko
Chapter 22 - The Other Admirer
Not An Update But An Announcement

Chapter 9 - Heartbeat

1.1K 35 3
By JAYtheKing

Sean POV

                Today is Sunday, kakalabas ko lang ng ospital kahapon matapos akong maoperahan at maconfine ng isang araw. And guess what? Start na ng work naming as DJs bukas, siguro nafefeel niyo yung frustration sa pananalita ko nu? And to tell you the truth ayaw kong pumasok bukas! Kasi wala pa kaming naiisip na concept sa program naming. Kung hindi ba naman kasi ako naaksidente e mmm kung iisipin mo nga naman naaksidente man ako o hindi ay ganito parin ang sitwasyon. Nakakafrustrate lang ng bonggang bongga Hayyyy!

                "Uy! Best! Relax ka lang dyan" sita sa akin ni Carlo

                "Pano ako magrerelax best! Wala pa tayong naiisip na concept! Bukas nay un oh! At alas nuebe na ng gabi, do you think makakaisip pa tayo ng concept?"

                "Wag ka ngang OA best, may naisip na ako"

                "At ano yun?"

                "Siyempre, dahil bago palang tayo pwede tayong magpa open forum magtatanong sila sa atin ng kung ano ano para makilala nila tayo"

                "Pwede yan best, para sa first day natin, e paano sa second day? Nganga tayo?"

                "Hindi ko nga naisip yan best ha?" kumamot sa batok si Carlo

                "Diba? Ano kaya ang permanent na concept natin?"

                "Ting! May bright idea ako best!"

                "At ano naman yun?"

                "Diba best? Mahilig kang magpayo?"

                "Oo at?"

                "Tama yan during our first day sasabihin natin na kung sino ang mga may problema pwedeng magpa advice sa atin"

                "Hmmm! I like that best ah, pero hindi naman pwedeng puro payuhan ang mangyayare sa programa natin best"

                "Kaya mag iisip pa tayo best, wait lang chill"

                At pagkaraan ng islang minute ay biglang nagsalita si Carlo,

"What if best, mayroon tayong question for the day? Na kelangang sagutin ng mga listeners?"

"Pwede din best, kung 3 hours tayo on-air at 1 hour and thirty minutes tayo magsasalita? Paano ang division ng oras natin?"

"Pwedeng sa unang 30 minutes natin, that's between 6 to 6:30 a.m., pwedeng iraise na natin yung tanong of the day at pwede na tayo magsingit ng 1 or 2 na problemang papayuhan natin, tas sa pangalawang pag on-air natin, that's 7 to 7:30 a.m., dun natin babasahin yung mga sagot nila sa, tanong of the day at sa pangatlong pagkakataon na magsasalita tayo sa araw na yun, that's  8:30 to 9 a.m, tas magpapayo ulit tayo sa mga problema nila and then magbabasa pa tayo ng mga mga sagot nila sa ating tanong of the day at sa huli tayo ang sasagot sa tanong at finally magpapaalama at off-air na tayo" precise na pagkakasabi ni Carlo.

Infairness sa bestfriend ko ah? Alam na niya ang gagawin namin, pati oras allotted na! pero teka teka? Halos magkanda hilo hilo ako kakalakad dito hindi man lang niya sinabi na may plano na pala siya!

"Teka teka! May plano ka na pala bat hindi mo man lang sinabi sa akin?" pagalit kong sabi kay Carlo

"Kasalanan ko ba e hindi ka nagtatanong e" sarcastic niyang sagot

"Hayy! Ikaw talaga best!! Ano bang gagawin ko sa'yo?" imbes na sugurin ko siya ay tinanong ko nalang siya kasi alam kong matatalo ako kung ginawa ko yun, sa estado ba naman ng braso ko ngayon? Hehehe

"Magpasalamat ka nalang sa akin Best kasi maganda ang naisip kong concept natin"

Kung sabagay, maganda nga naman ang concept na naisip ni Carlo bukod sa hindi siya mahirap gawin ay precise pa yung mga time na inallot niya. Kaya,

"Sige na nga salamat best" pangiti kong tugon sa kanya

"You're welcome best, pero anong tawag natin sa tamabalan natin? Hindi naman pwedeng Tambalan kasi kay Christsuper at Nicolehyala  na yun, ayaw ko namang sabihin nilang manggagaya tayo"

"Mmm tama ka dyan best, what if? Ang magbestfriend sa radio?"

"Pwede pwede best! Maganda maganda!" pag approve niya sa naging suggestion ko

"Diba? Merun na tayong concept at merun nang itatawag sa atin, excited na ako para bukas!"

Nalift talaga ang spirit ko kasi kompleto na lahat lahat yung kaninang ayaw pumasok na ako ay nawala na at syiempre gusto ko ulit makita si Mark, gusto ko ngang itanong sa kanya "Kuya, why so pogi?" hahaha pero hindi ko gagawin yun hahaha isang akong dalagang pilipina/binatang pilipina Hahaha

"Wooh! Kunwari ka pa ee gusto mo lang makita yung si Mark eee ayiieeee! Style mo best! Bulok! Hahaha" pang aasar sa akin ni Carlo

"Ha? Tumigil ka nga dyan best! Hindi uy!"

"Kunwari ka pa best! Namumula kaya ng pisngi mo! Oh! Kinikilig ka pa dyan!" sh*t! namumula ang pisngi ko? Hindi pwede to!

"Ha? Ano ba best! Hindi ah! Tumgil ka nanga dyan!"

"Hindi ako titigil best okay?! Siguro type mo siya ano?"

"Ha? Ha? Uy! Hindi ah! Hindi ko siya gusto!" pag dedeny ko kahit alam ko na naman sa sarili ko na gusto ko siya. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa kanya? Ang gwapo niya, well built ang katawan, sweet, palangiti, magaang kasama, at sa tingin ko responsible, loyal, hardworking and mapagmahal. Hayyy! Kumbaga, nasa kanya na ang lahat!

Nasa sayo na ang lahat

Minamahal kita pagkat

Nasa sayo na ang lahat

Pati ang puso ko

Nasa gitna ako ng pag-iisip kay Mark, nang bigla akong nagulat ng tumawa si Carlo

 "Hahahahaha! Lagot ka best, natamaan ka na nga sa kanya, Hahahaha! Shemay best! Mayroon ka pang nalalamang, nasa iyo na ang lahat Hahahaha!"

"Shet! Nasabi ko ba yun ng malakas?" nahihiya kong tanong

"Oo best Hahaha parang ganito ka oh!"

At tumingala siya sa langit, at nagpuppy eyes na para bang may pinagpapacute-an siya sa taas at bumulong siya ng "Nasa kanya na ang lahat" at nagsimulang kumanta ng nasa sa'yo na ang lahat ni Daniel Padilla.

Oh my! Nakakahiya! Kung pwede ay ipapakakasya ko ang sarili ko ngayon sa picture frame sa sobrang kahihiyan!

"Hahahaha best, wag ka nang mahiya sa akin Hahahaha nakakatawa ka best, ganyan ka talaga kiligin ano? Hahahahaha Nyeta! Sakit na ng tyan ko Hahaha"

"Tumigil ka nga dyan!! Pinagtatawanan mo ko eee" at binigay ko na sa kanya ang the best kong panlaban sa tuwing inaasar niya ako, ang puppy eyes ko. Tumingin siya sa akin at agad niya akong niyakap,

"Bat ba kasi ang cute cute mo best pag ginagawa mo yan! Arghh! Sige na hindi kita aasarin ha?" kumawala ako sa yakap niya at sinabing,

"Mmmm Oo best, gusto ko si Mark" pag amin ko kay Carlo


**************************************** 

Mark POV

Halos isang araw na rin ng huli kong nakita si Sean, ang Angel ko. Sean pala ang pangalan niya, ang sarap pakinggan at ang sarap bigkasin, parang isang matamis na pagkain na ang sarap kainin. Hindi ko pa rin maalis sa isip ko na ako ang may kasalanan kung bakit naaksindente kahit na pinatawad na niya ako, feeling ko I have to make something para makabawi ako sa kanya. Sa buong maghapon kahapon ay mas lalo akong nahulog sa kanya, bukod sa panlabas niyang kaanyuan na sadyang maaakit ka ay nangingibabaw yung pagiging palatawa, mabait at mapagmahal niyang tao.

Hindi pa ako nagkaganito sa isang tao, sa mga past relationship ko hindi ako nakafeel ng ganito yung sobrang pagye-yearn at sobrang pagmamahal sa kanya. It sounds crazy kasi hindi ko pa naman siyang kilalang mabuti for me to feel like this towards him, pero hindi mo naman macocontrol ang puso mo e, "Once your heart beats for someone there's no way for you to escape it", ika nga nila. Kaya kahit na parehas kami ng sexualidad, wala na akong pakialam ngayon kasi Mahal ko siya.

Bukas, makikita ko na ulit siya.


******************************

End of Chapter 9! Hihi

                And let me wrap this baby up!

                Sa chapter na to, nalaman natin na gusto din pala ni Sean si Mark ahuh?? Merun pa siyang nalalamang nasa sayo na ang lahat!! Hahaha ang PagIbig nga naman ha? Hahaha Love let us do crazy things hahaha

                Paano kaya sasabihin nina Sean at Mark ang nararamdaman nila para sa isat isa?? Hahaha abangan niyo yan!! Hehehe siyempre marami pang adventures ang MARSEAN Loveteam, pakaabangan niyo yan guys!!

                And this baby has been wrapped up!! Wooh!

                Thank you sa support niyo guys!!! I really appreciate all your support!!

^_^

So comment, vote, add this to your library, and follow niyo ako guys :) hihihihi mwaaa

                And syiempre, this is your author saying, "KAPAG TUMIBOK ANG PUSO, SIYEMPRE TITIBOK YAN AHAHAHA SRSLY, KAPAG TUMIBOK ANG PUSO, WALA KANANG MAGAGAWA KUNDI SUNDIN ITO". Xoxo 

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 72.5K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
39.8K 2.4K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
997K 41.3K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
53.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...