Ang Alalay Kong Astig! ( Publ...

Von Sweetmagnolia

26.6M 621K 144K

Blake Monteverde is a living proof that prince does still exist. He is the ideal boyfriend every teenage girl... Mehr

ANG ALALAY KONG ASTIG
[1] MAY POGI SA KALSADA
[2] THE ASSIGNMENT
[3] HI KLASMEYT!
[4] ANG BAGUHAN
[5] TROPA
[6] BAGONG ALIPIN
[7] CALL OF DUTY
[8] BOY OR GIRL
[10] PATIENCE 101
[11] WHO'S THE BOSS?
[12] DRAMA QUEEN
[13] WARM WELCOME
[14] MORE DO'S & DON'TS
[15] IKAW SI SUPERGIRL
[16] TRUE HEART
[17] DATE CRASHER
[18] MY FULL-TIME SERVANT
[19] THREE IS A CROWD
[20] KISSPIRIN
[21] THE CHOICE AND THE CHOICES
[22] THE COLD MAN AND THE OLD MAN
[23] YOUNG HUSBAND-TO-BE
[24] ADJUSTMENT DAY
[25] THE SET-UP DATE
[26] ONE STEP FORWARD, ONE STEP BACKWARD
[27] BACK TO EARTH
[28] I AM ALEX
[29] IT'S NOT OVER
[30] OLD BLAKE, NEW MAYA (ALEX)
[31] PUSH THE LIMITS
[32] I SURRENDER
[33] BECAUSE I LOVE YOU
[34] CROSSROADS
[35] A LOVE TO WAIT FOR
[36] LIKE A REPLAY
[37] THE RISE OF THE RIVALS
[38] CHANCE TO BET
[39] GUT INSTINCT
[40] LIGHTS FADING OUT...
[41] SHOW MUST GO ON
[42] EDGE OF TRIALS
[43] I WILL REMEMBER YOU
[44] RUN TO YOU
[45] HEART TALKS LOUDER (FINAL)
EPILOGUE

[9] ATTACK OF THE ENEMIES

501K 11.9K 2.2K
Von Sweetmagnolia

                                                          *****

Sa isang tahimik at mapunong parte ng UP Campus, nakasandal at nakaupo sa lilim ng isang malaking puno si Blake. Tahimik at seryoso itong nagbabasa ng libro. Kaharap nito si Alex na noon ay nakaupo rin sa ilalim ng isang katabing puno.

Hawak-hawak ni Alex ang isang makapal na libro. Kung hindi gaanong pagmamasdan, aakalain mong seryoso ito sa pagbabasa at pag-aaral habang may subo-subong lollipop. Subalit sa hati ng makapal na libro ay nakaipit doon ang isang pocketbook size na compilation ng mga filipino jokes at iyun ang siyang totoong binabasa ng dalaga.

Napatingin si Blake sa babaeng animo’y seryosong-seryoso sa binabasa. Pumasok sa isipan niya ang nadiskubre sa karaoke bar. Napagisip-isip niyang maaring nagkakamali siya sa akala na gusto nitong maging leader ng barkadahan nila. Ngunit nagtataka naman siya kung ano ang totoong motibo nito sa pakikipagbarkada sa kanila.

 “Maya, may gusto ka ba sa akin?” diretsong tanong niya.

 “Wala,” kaswal na sagot ng babae habang nanatiling nakabaling ang atensyon sa libro.

 “Then, may gusto ka ba sa isa sa mga barkada ko?”

 “Wala…”

 “May nakaaway ba dati ang mga katropa ko na kamag-anak mo at gusto mo kaming gantihan?”

  “Wala…”

 “Kung ganu’y anong intention mo sa pakikipagkaibigan mo sa amin?”

 “Gusto ko lang….”

Hindi pa rin tumitingin sa kanya ang kausap. At halatang wala sa loob nito ang pagsasagot.

“You said you’re a girl. Then why do you want to hang out with boys?”

“Mas exciting kumpara sa mga babae…”

Napaisip ulit siya hanggang sa marealize ang mga disadvantages ng pagkakaroon ng kabarkadang babae.

“Okay, now that I know your real sexual preference. Magdadagdag ako ng rules para sayo.”

“Okay," walang reklamong sagot ng kausap.

“We have to think of our images pag kasama ka namin. Baka akalain ng mga tao na babae ka ng isa sa amin which is not good. Therefore whenever you’re with us, hindi ka pwede magpaganda. You can’t wear a dress. Hindi ka pwede mag makeup, you’re not allowed to do any girly things…” sabay tingin niya sa hindi nakikinig ng mabuti na kausap. “…in short ni katiting ay hindi pwedeng sumagi sa isipan ng makakakita na girlfriend ka ng isa sa mga barkada. So just keep wearing just like what you’re wearing now and keep acting boyish."

“No problem,” sagot nito habang nakatingin pa rin sa binabasa at tatawa-tawa.

“Maya nababaliw ka na ba?” hindi na makatiis na tanong niya.

“Bakit?" saka lamang ito tumingin sa kanya.

“Kanina ka pa kasi pangiti-ngiti dyan.”

“Masama ba kung napapangiti ako sa binabasa ko?”

“Masama. You’re holding a calculus book. May nakakatawa ba sa librong iyan?”

Natigilan bigla sa pagbabasa si Alex at kaagad na tiningnan niya ang cover ng librong hawak. Ngek mali! Calculus nga!

Ngumisi si Blake at nagdududang tiningnan ang babae. “Wait a minute,” naghihinalang sambit niya sabay tayo at lapit. Walang pasabing hinablot niya ang hawak na libro ng kasama. “You’re not actually reading this calculus book,right?”

“Ibalik mo yan!”

Itinapon ni Alex ang nakasubong lollipop at nagmamadaling nakipag-agawan sa libro. Subalit bago pa man niya ito mabawi, nakita na ni Blake ang nakaipit dito.

"So you were secretly reading this," sambit ng lalaki na noon ay hindi alam kung matatawa o maiinis.

“Bakit mo ba pinakikialaman ang binabasa ko? Magbasa ka rin diyan ng kahit anong gusto mo. Kahit ubusin mo pang basahin ang mga libro sa lahat ng library dito, hindi kita pakikialaman!”

“You are really something Maya. May exam tayo later at imbes na mag-aral ka, ito ang binabasa mo. Tapos sasabihin mo sa akin na kasalanan ko kung bumagsak ka!”

“Okay, okay hindi mo na kasalanan. Akin na yan," biglang hinahong sabi ni Alex.

“No! Hindi ko to ibabalik sayo. Mag-aral ka muna.”

Nag-uumpisa na namang mapikon si Alex kaya't nanggigigil na nakipag-agawan ulit siya sa libro. “Akin na sabi!”

Determinado siyang mabawi ito subalit sa bawat pagdukwang niya ay mabilis itong naiilayo ni Blake. Itinaas nito ang kamay na may hawak ng libro. Ilang beses siyang napapatalon para abutin ito habang ngingisi-ngisi lamang ang lalaki.

“So the rumor is true…”

Natigilan ang dalawa sa pag-aagawan. Sabay silang napatingin sa isang babaeng nakahalukipkip at nakataas ang isang kilay habang pinagmamasdan ang kanilang ginagawa.

Agad na kumawala si Blake sa kulitan. “M-Marianne…”

Si Marianne ay ex-girlfriend niya. Nakarelasyon niya ito sa loob ng maiksing panahon bago niya ligawan si Sophia. Nagkalapit sila nito nang maging kaklase niya ito sa isang subject noong freshmen sila. Mahigit isang taon na silang hiwalay ngunit aminado itong mahal pa rin siya. Nananatili pa rin ito sa masugid nitong paghahabol at pagbabantay. Pinapakialaman pa rin nito ang bawat galaw at kilos niya sa loob ng campus.

“Rumor? What rumor?”kunot noong tanong niya.

Balewala kay Alex ang pagsulpot ng babae. Sa halip ay sinamantala niya ang pagkakataon upang bawiin ang libro. Mabilis at ngingiti-ngiti niya itong ibinalik sa bag.

“That you’re going around the campus these days with a certain girl. Sino siya Blake? Siya ba ang flavor of the month mo?” sarkastikong ika ni Marianne sabay tapon nito ng tingin mula ulo hanggang paa kay Alex.

 “You’re being funny Marianne. Do you seriously think that I’ll date this type of woman?”natatawang sabi ni Blake.

“Ayoko ring maniwala pero malay ko kung nagbago ka na ng taste.”

Naiiritang dinampot ni Blake ang kanyang bag at pinasalo ito kay Alex. Pagkuway irritable siyang lumapit sa kasama. “See! Ito na nga ba ang sinasabi ko!” singhal niya sabay talikod at lakad papalayo.

“Tingnan mo tong bastos na lalaking to. Hoy hintayin mo ako! Kung naiinsulto ka pwes mas kinikilabutan ako!” sigaw ni Alex sa naninising lalaki.

Nagmamadaling dinampot ni Alex ang sariling bag para sundan ang nag-walk out na lalaki. Subalit hindi pa man siya nakakahakbang, lumapit sa kanya si Marianne. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang braso at pinandilatan siya ng mga mata.

“Don’t ever think of flirting with Blake kung ayaw mong sugurin ka ng buong sorority ko! That guy is mine.”

Natawa siya banta ng estudyante. Tinanggal niya ang kamay nito sa kanyang braso at mahinahong bumulong. “Miss, huwag kayong mag-alala inyong-inyo si Blake. Gusto niyo i-giftwrap ko pa siya at i-deliver sa inyo ng may kasamang dedication card," sabay tapik niya sa balikat nito.“Relaks lang at huwag niyo akong pagselosan. Isipin mo na lang na isa lang akong hamak na alalay ng boyfriend ng bayan,okay?"

Kinindatan niya ang hindi makasagot na kausap at saka mabilis na tumakbo upang habulin ang binabantayang lalaki.

                                                                ------

Pagkatapos ng klase ay nagkayayaan ulit ang magbabarkada na lumabas. Pinagmaneho ulit ni Alex ang kanyang amu-amuhan patungo sa isang bar. Pagdating nila sa lugar ay naunang bumaba ng sasakyan si Blake. Diretso agad ito sa loob ng bar at hinayaan lamang siya na iparada mag-isa ang kotse.

Kalmadong lumabas ng kotse si Alex. Hindi agad siya sumunod sa loob ng bar, sa halip ay tumayo’t sumandal muna siya sa pinto ng kotse upang magpahangin ng ilang sandali. Nakarinig siya ng mga pagkaluskos. Iginala niya ang mga paningin at nakita niya ang limang mga babaeng teenagers naglalakad papalapit sa kanya. Kasama dito ang babaeng iniwasan ni Blake sa disco.

Pinaligiran siya ng mga babae at tinaasan siya ng mga kilay.

“Heto na naman po kami,” bulong niya sa sarili.

“My god! Siya ba ang sinasabi mong babae, Christine?” ngingisi-ngising sabi ng isa.

“Yap! Isn’t it unbelievable that Blake chose her over me?” maarteng sagot ng babae.

“Hoy babae! Layuan mo si Blake coz he belongs to Christine!” banta naman sa kanya ng isa pa habang dinuduru-duro siya. 

Natatawa at napapailing na lamang siya. Sasagutin niya ba ang mga ito o tatahimik na lamang?

“Mga Miss… bakit ba ako ang nilalapitan niyo? Bakit hindi si Blake ang puntahan niyo at suyuin, hindi yung ako ang susugurin ninyo. Kahit pa awayin niyo ako ng paulit-ulit, wala naman akong magagawa para magustuhan kayo ni Blake."

Lumapit sa kanya si Christine.

"We're approaching you dahil mang-aagaw ka!" sabay sampal nito sa kanya.

Napanganga siya sa ginawa ng babae sabay hawak sa kanyang pisngi. Hindi siya makapaniwalang nasampal siya ng isang hamak na teenager!

Nagtitimping napakagat siya sa kanyang labi. Hindi niya pwedeng patulan ang babae kung kaya't sarkastikong pinagsabihan niya na lamang ito. “Miss sa susunod kasi huwag kayong basta-basta na lang pumapatol sa playboy kung ayaw niyo pala ng nasasaktan."

“Look who’s talking? Di ba pinatulan mo rin siya?!” mataray na sagot ni Christine.

Nakita niyang umangat ulit ang kamay ng babae. Magtatangka na naman itong manampal subalit bago pa man dumapo ang palad nito sa kanyang mukha, mabilis na pinigilan niya ang paglapit ng kamay nito. Nanggigigil na hinawakan niya ito ng mahigpit at seryosong tinitigan sa mga mata.

“Miss, huwag mong sagarin ang pasensiya ko dahil pag ako hindi nakapagpigil siguradong mababalian ka ng buto. Kung ako sa inyo, pumasok na lang kayo sa loob ng bar at doon magmakaawa ka kay Blake baka sakaling pansinin ka niya ulit."

Dahan-dahang ibinaba niya ang kamay ng babae. Pansamantalang natahimik ito kaya't akala niya ay tinablan ito ng pananakot niya. Humakbang siya upang sumunod na sa grupo nina Blake. Ngunit laking gulat niya nang bigla na lang siyang hinablot ni Christine sa buhok.

“Ahhhh! Mang-aagaw! Bitch!”

“A-Aray!”

Sinubukan niyang tanggalin ang sumasabunot sa kanyang mga kamay ngunit bago pa man niya ito magawa ay sinugod siya ng mga kasamahan ng babae.

Pinagtulung-tulungan siya ng grupo. May kumakalmot. May nananabunot. May sumasampal. May nangangabayo. Di siya nanlaban sa halip ay hinahayaan niya na lamang na mapagod ang mga ito at kusang tumigil. Maximum tolerance ika nga. Subalit parang walang kapaguran ang mga babae at nang maramdaman niyang sobra na ang pananakit ng mga ito ay hindi niya rin napigilan ang sarili.

“Tama na!"

Isa-isa niyang pinagpipisil ng madiin ang mga umaatakeng kamay. Natigilan ang mga babae nang masaktan sa ginawa niya at dahil pikon na pikon na siya, di sinasadyang napagtutulak niya ang mga ito. Napahandusay ang mga babae. Galit na galit na pinandilatan niya ang mga ito.

“Magsitigil kayo! Dahil lang sa isang lalaki nagkakaganito kayo! Hindi ba kayo nahihiya?!”

Biglang natakot ang mga babae. Nahirapan ang mga itong tumayo sa lakas ng pagkakatulak niya. Nang dumaing ang mga ito sa sakit, bigla siyang nakonsensiya. Isa-isa niya itong tinulungang makatayo.

Matapos tumulong, paulit-ulit siyang huminga ng malalim. Nagpagpag siya ng damit. Inayos ng kaunti ang kanyang buhok at mahinahong iniwan ang nagsitahimik na mga babae. Naglakad siya papuntang kalsada at walang pasabing sumakay ng taxi. Gusto niyang tumawa ng malakas sa nangyari. Hindi siya makapaniwala sa mga nararanasan sa mga sandaling ito.

Natatawa siya sa kanyang sarili. Pakiramdamdam niya ay unti-unting bumababa ang dignidad niya bilang pulis. Hindi ito ang inaasahan niya sa trabaho. Halos magpakamatay siya sa mga training tapos ganito kababaw na mga bagay lamang ang nangyayari sa kanya. Nasaan ang excitement? Nasaan ang thrill? Nasaan ang pinapangarap at hinahanap-hanap niyang mga laban?

Kakausapin niya ang opisina. Mamanmanan niya si Blake Monteverde sa sariling pamamaraan at kung hindi siya papayagan ay bibitawan niya ang assignment...kahit na suspendihin pa siya.

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

15.5M 320K 43
The final book of ASTIG SERIES... Married life of extraordinary couple Blake and Alex Monteverde with additional spice from their naughty cutie daugh...
12.6K 824 108
COLLECTION OF THOUGHTS Here are the poems and prose about love and life. Read, understand, imagine and enjoy! Language: Taglish
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
46K 1.8K 82
" The more you hate the more you love ". Eh naniniwala ka ba naman diyan. Ako kasi hindi, dahil once na hate mo na ang isang tao hate mo na yun at hi...