Wild Heart (Eastwood Universi...

By waurdltsj

467K 13.3K 2.4K

Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical... More

Wild Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Author's Note
Special Chapter - Sidra's

Chapter 30

10.2K 249 45
By waurdltsj

6am na ng umaga ng magising ako para mag ayos ng sarili dahil uuwi na din kami ng lunch. Kinabukasan kasi ay may pasok na namin for the second semester. Kahit papano naman ay nag enjoy ako habang kasama ko sila dito. Somewhat, nakalimutan ko saglit 'yung mga pangamba at takot na haharapin namin pag uwi at nakapag relax din kahit na ang dami nangyari sa outing na 'to.

Pansamantala kaming nandito sa living room, nanonood dito sa TV habang hinihintay sila Adira na mag ayos ng sarili. Kanina pa nga 'yong gising, hindi ko alam kung bakit nag aayos pa din siya ng sarili sa haba ng oras.

Maya maya ay nakaramdam ako ng mayroon na umupo sa aking tabi dito sa sofa. Lumingon ako doon at nakita si Sidra na nakangiting nakatingin sa akin at mukhang fresh na fresh pa siya sa lagay na 'to.

"Morning, love." Bati nito at hinalikan saglit ang gilid ng aking ulo. Nginitian ko lang naman ito at nag good morning din.

"Sa akin ka na sumabay. Let's go straight to my penthouse," malumanay na saad nito na ikinatingin ko sa kaniya ng may pagtataka.

"May penthouse ka?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam na may penthouse pala siya. Alam ko kasi dalawa lang tinitirhan niya, 'yung condo at 'yung rest house niya.

Tumango ito ng may ngiti sa akin, "Yeah. I just bought it last week." Kibit balikat na saad nito, "I want the both of us to see it for the first time."

"Agang aga ito makikita ko." Rinig namin na angil ni Soleil sa aking tabi. Napalingon dito si Sidra ng seryoso nang marinig ang boses ng kapatid. As per Soleil, she uncomfortably shifts where she is sitting.

Napabuntong hininga si Sidra, "Did you already apologize, Leil?" Ngumuso ang kapatid nito at yumuko. Nagtataka ko lang naman pinakinggan at pinanood kung paano mag usap ang dalawa. Ang cute nilang tingnan ngayon parang hindi mga basagulera.

"How can I apologize if you're here?" May pagkairita at hiya na singhal nito sa kapatid kaya maang na tiningnan ito ni Sidra.

"Me, being here, is not a hindrance for you to apologize to Dione." Malumanay na saad nito at tiningnan ng mataman si Soleil. Nagulat naman ako sa sinabi nito at naguguluhan na tiningnan si Sidra.

"Me? Bakit kailangan mag apologize?" Tanong ko. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nitong isa bago magsalita.

"I'm sorry for what I said that night, Dione. It is very low of me to ask that considering that I know you are hurt on what's going on. Nakalimutan kong i-respect ka as my sister's girlfriend and as a person so... I'm very sorry." Malungkot na pahayag nito. Imbes na sumagot dito ay tumingin ako kay Sidra at kinunutan ito ng noo.

"Did you ask her to apologize?"

"No, no! I just ask for her help! Nahihiya kasi ako," usal nito kaya tiningnan ko siya ng may pagkagulat at pagtataka.

"Nahihiya ka? Seryoso?" Nang aasar kong tanong dito kaya sinimangutan ako nito that made my girlfriend laugh.

"Hoy! Sa ating dalawa, ikaw lang naman ang walang hiya!" Singhal nito, na akala mo ay hindi nag sorry kanina.

"Hey—"

"Hoy ka din! Kung makasigaw ka akala mo hindi ka nag sorry ngayon lang! E kung hindi ko tanggapin sorry mo?" Pagbabanta ko kaya naman masama ang loob na umiwas ito ng tingin.

"Really? Soleil apologized? For what?" Rinig namin na sabi ni Felicity, na ngayon ay pababa ng hagdan habang naka shades. Nasa likod nito si Miss Costales, who is looking at the student, whipped and in love.

Naknampucha. Delikado si Ma'am.

"E-E ano naman k-kung mag apologize ako? First time ba 'yon?" Naiinis na singhal ni Soleil ng tabihan siya ni Adira, na kakadating lang din.

"Actually, yes. I've never heard you apologize to someone before." Sabi ni Adira at nginitian siya ng nang aasar.

"She did, actually. She apologized to me, one time." Kibit balikat na saad ni Astraea na kasama si Sienna, may dalang gamit para iuwi. Her face screams confidence as she walks towards us. Tumango tango naman si Felicity at ngumisi sa pinsan habang nakaakbay dito.

"Ahh. Nagso-sorry naman pala." Mapang asar na sambit nito kaya naaasar na tinanggal ni Soleil ang akbay nito sa kaniya at nag walk out. Natawa naman ang lahat, including Sidra while shaking her head.

"She's like that when she's shy." Mahina nitong sabi sa akin bago ako alalayan na tumayo dahil since nandito na ang lahat, pwede na kami umalis.

Plano kasi talaga namin na umalis ng sabay sabay dahil balak pa daw nila mag picture for keeps lang ba daw kaya pinatulan na namin. Once in a while lang din kasi kami nagkaroon ng kaibigan na professor, na ma-impluwensya rin na tao.

After din naman namin mag picture taking ay kaniya kaniya na kaming sakay sa sasakyan. Sumakay na rin naman ako sa pinadala na kotse ni Sidra dito sa Batangas. Sumabay lang din kasi ito kila Ate Belle papunta dito dahil pagod daw siya bago makarating sa Batangas kaya ganoon ang nangyari.

In the end, pinadala niya na lang ang kotse niya. Sinabi niya pa sakin na 'yung big bike daw dapat ang ipapadala niya but she feared na baka sumakit lang pang upo ko dahil malayo-layo din ang byahe from Batangas to Manila.

"Are you hungry?" Tanong nito sa gitna ng byahe. Lumingon ako sa kaniya at nakita na sa unahan lang ito nakatingin at focus na focus sa pagda-drive, maaliwalas din ang mukha nito at parang walang bahid ng problema kung titingnan ito.

I smiled at her, "Kind of." Kibit balikat kong saad at kinuha ang kamay nito na nasa hita ko at pinagsiklop iyon. Her face held delight when I do that kaya kagat labi at pigil ang ngiting nag drive ito gamit ang isang kamay.

"You're blushing." Komento ko kaya lalong namula ang pisngi nito that made me pinched it because of her cuteness.

Natawa naman lalo ako ng makita na sumimangot ito before rubbing her cheeks, adorably.

"Stop pinching my cheeks." Nakanguso na saad nito habang magkasalubong ang mga kilay kaya umiling iling akong tumatawa habang nakatingin dito.

"Then, stop being cute." Ganti ko kaya napabusangot ito ng mukha.

"I'm not cute. I'm gorgeous." Mayabang na usal nito sa akin. Nagkatinginan naman muna sa isa't isa bago napahagalpak ng tawa dahil para itong bading kung magsalita kanina.

Well, bading naman talaga siya. Kami pala.

Maya maya ay nakaramdam ako ng pagkaantok dahilan ng aking paghikab kaya tumingin ito sa akin.

"You can sleep, love. I'll just wake you up if may nahanap na ako na restaurant." Sabi nito kaya hindi na ako nag protest at natulog na habang siya ay nagda-drive pa rin.

I kinda feel bad, though. Kung marunong lang ako baka magsagitan kami ng pagda-drive pero kasi hindi ako hinayaan nila Papa na mag drive when I turned 18. Ewan ko ba sa kanila. It's for my own benefit rin naman.

Nang maramdaman na ang pagbigat ng aking talukap ay nagsimula na akong matulog while feeling Sidra's hand on my hand caressing it gently.









We are now eating at TAGGO's. Nadaanan lang daw ito ni Sidra habang tulog ako and dito niya na lang napagpasyahan na kumain dahil mukha naman daw maganda 'yung place which is true. Iilan lang ang mga tao currently dito at napakabait ng crew.

Magkatabi kaming nakaupo habang hinihintay ang in-order namin na pagkain ngayon lang. Medyo marami ata ang na-order namin gutom na rin kasi kami. Hindi kasi kami nag agahan doon sa rest house ni Ma'am dahil busy 'yung marurunong magluto na ayusin mga gamit nila kanina kaya hindi na kami nakapagluto.

"San nga pala 'yung penthouse na sinasabi mo?" I tried to open a topic habang hinihintay namin ang mga in-order. Napaayos ito ng upo sa pagkaka slouch at ngumiti sa akin.

"Sa Taguig lang." Sagot nito, "In Fort Bonifacio, actually." Parang wala lang nito na saad kaya maang na tiningnan ko ito bago mapailing.

Mga mayayaman talaga.

"Ang dami mo naman bahay. Ilan bang pamilya ang balak mo?" Medyo nagbibiro kong saad na ikinatawa niya.

"One happy family from you is enough for me." Ngiti nito na ikinapula ng aking mukha. Inirapan ko na lang siya para maitago ang nararamdaman at iniwas ang tingin. Sakto din naman ang pagdating ng in-order namin kaya agad na kaming kumain.

"After natin puntahan 'yung penthouse, gala muna tayo sa BGC." Pag aaya nito sa akin kaya tiningnan ko ito ng may pagtataka at pagkamaang.

"Hindi ka ba pagod? Ilang oras ka na nagda-drive, Sidra." Pagsesermon ko dito that made her pout. Kung sa iba ay napapangiwi na ako ngayon, hindi.

Sidra just looks so cute doing that.

"I'll never get tired of you." She cheekily said at kinurot ang aking pisngi pero sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Hindi mo ko madadaan sa mga line mong ganan. Tigilan mo 'ko, matulog ka doon sa penthouse mo pagdating natin at mag book na lang ako ng Grab para makauwi—"

"No! I will not let you go to your condo by yourself." Stubborn na saad nito kaya natatawa na tinapik tapik ko ang pisngi nito.

"I'm not a kid anymore, Sidra. I can take care of myself." Natatawa na pagkukumbinsi ko dito pero umiling lang ulit siya na nagpamaang sa akin.

"I know but still, no." I gave her the look that made her sigh, "I trust you but not the people around us. It's dangerous at baka gabihin din tayo sa pag uwi. Traffic daw papunta sa Manila."

"Fine—"

"Or… you can just sleep in our penthouse." Maligaya na pahayag nito na nagpakunot ng aking noo.  Ano daw?

"Ano? Hindi pwede, may pasok ako bukas and… what do you mean by "our"? Hindi ako kasali sa may ari non, 'no!" Saad ko na natatawa pero hindi siya natawa at tiningnan lang ako ng inosente. Nawala ang aking ngiti.

"What?"

"Y-You're actually the o-owner of the penthouse." Kinakabahan na saad nito na ikinakunot ng aking noo.

"What do you mean?" Tanong ko. Napakagat labi na lang siya bagi sabihin ang totoo.

"Sa 'yo ko pinangalan 'yung penthouse— teka lang naman!" Sabi nito pero agad ko na siyang pinaghahampas sa braso when I heard her say that.

"Bakit mo sa akin pinangalan 'yon?! Sidra naman e! Wala akong pambayad don!" Naiinis kong saad pero natawa lang siya at niyakap ako. Pilit naman akong nagpupumiglas pero hindi niya ako hinayaaan. Sinamaan ko na lang siya ng tingin kaya napa buntong hininga ito.

"Pinangalan ko sa 'yo but that doesn't mean ikaw magbabayad. Sa ating dalawa 'yon." Malumanay na saad nito pero hindi pa rin ako kumbinsido sa sinabi nito. Bakit niya need ipangalan sa akin iyon if siya din magbabayad?

"Sidra…" wala na akong masabi kundi ang pangalan niya na lang because of utter disbelief. 

"Come on, love. Just think of it as my birthday gift for you," masuyo nitong sabi sa akin at niyakap ako patagilid. I looked at her, deadpanned.

"November pa birthday ko, Sidra." Sabi ko dito kaya naman napapailing na lang itong nag iwas ng tingin sa akin.

"Ah, basta! That's my birthday gift for you. No more buts!" Demanding na saad nito kaya pinabayaan ko na lang siya. Bahala siya diyan.

Ang hilig niya bumili biglaan ng kung ano ano para sa akin tapos ganon pa kamahal. Buti sana kung nakatulong man ako sa pagbili ng penthouse na 'yon.

Hay nako, Sidra.









Tahimik na bumaba ako ng kotse nang pagbuksan ako nito bago agad na kunin ang aking kamay para pagsiklopin sa isa niyang kamay.

Pagkakita ko palang sa building na nasa harap namin ay alam ko na na grabe ang binayad niya dito just to buy that penthouse.

Nang makita pa lang ng guard ang aking kasama ay nanlalaki ang mata at natataranta na tumayo ito sa kinauupuan at pinagbuksan kami ng pinto.

"Good morning, Ma'am Sidra! Bibisitahin niyo na po ba?" Magiliw na tanong nito kay Sidra, na ikinangiti ng isa habang tumatango.

"Yes, Kuya Alex. Is Mr. Guevarra here? I'm going to need the keys po kasi." Tanong nito sa guard pero umiling lang ito at tinuro ang front desk.

"Wala po si Sir pero sinabi rin po niya sa amin na kung pupunta kayo at may kailangan sa front desk na lang kayo magtanong." Sagot ng guard kaya tumingin si Sidra at agad na pinasalamatan ang guard na sumaludo lang sa kaniya. Napabaling naman ang tingin nito sa akin kaya agad ako nitong nginitian.

"Good morning din po sa inyo, Ma'am!" Binati ko na lang din siya ng mabilis dahil agad na kinuha ni Sidra ang aking kamay at sinama sa kaniya papunta sa front desk.

"Ma'am! Ano pong—"

"I'm gonna need the keys for my penthouse." Agad na sabat nito kaya agad na rin kumilos ang receptionist para kuhanin ang susi.

"Ito po, Ma'am. Mr. Guevarra reprimands us that if you need something just call us po." Nag bow pa ito kaya naman tumango na lang si Sidra at taka na naglakad papalayo.

"Weird." She mumbled but eventually looked at me, excitedly. "You ready, love? You'll like it. I'm sure of it."

Napangiti na lang ako sa nasasaksihan at nagpatinaod na para makapunta na sa  penthouse na sinasabi niya. Ginamit niya nga pala 'yung elevator na sa tingin ko ay mga mataas ang posisyon lang ang nagamit. Gold kasi ang kulay noon at wala din kasi ako nakikita na guest nila na ginagamit itong elevator.

"Are you sure we're allowed to use that eleva—"

"Good morning, Ma'am Sidra!"

Nagulat ako nang bigla na lamang nagbow ang mga empleyado na kanina lang ay nakaupo sa lobby at mukhang namamahinga. 11am na rin kasi baka malapit na ang lunchtime nila.

"Morning." Pagkaway dito ni Sidra at nginitian ang mga ito. I heard some squeals and giggles kaya naman napapailing habang nakangiti na sinundan ko si Sidra na hanggang ngayon ay mukhang good mood pa rin.

Lakas talaga ng appeal ng babaeng 'to. Naiinis ako.

"What were you asking earlier, baby?" Pagbaling nito sa akin. Umiling na lang ako nang marinig ang tanong nito dahil sa narinig na pag singhap ng mga nakarinig sa sinabi niya.

"Alright, come." Sumakay na kami sa elevator as I can still feel everyone's eyes on us or on a certain woman that I am with. Halos sa kaniya kasi talaga nakatingin ang lahat sa tindi ng dating nito.

Pagkasara ay narinig ko ang pag angil nito sa aking tabi na ikinataka ko. Parang kanina ang saya niya habang binabati ang lahat ng nandoon kanina.

"Why?"

"Why are you so attractive kasi?" Parang bata na saad nito na ikinanuot na ng noo ko at natatawa na tiningnan ang nakangusong nitong labi.

"What?" Natatawa kong saad kaya lalo itong sumimangot.

"They're all looking at you with those eyes!"

"What eyes?" I continue to tease her.

"Like they're going to eat you or something!" Pag aalburoto pa nito kaya natawa na ako ng tuluyan dahilan ng paglingon nito sa akin.

"Ganon ka rin naman tumingin." Pagbibigay alam ko dito kaya humalukipkip ito.

"At dapat ako lang ang gumagawa non sa 'yo. Wala silang karapatan!"

"Oo na! Possessive mo masyado." I uttered na sa tingin ko ay hindi niya narinig dahil hindi na ito nagsalita habang papunta na kami sa penthouse niya.

Yes, kaniya 'yon kahit nakapangalan sa akin. Hindi naman ako nagbayad non e.

Maya maya lang din ay nakarating na kami dito. She opens the door using the keys she just got from the receptionist earlier at agad na binuksan iyon.

I was greeted by the small peek of the living room kays tumingin na ako kay Sidra with anticipation.

"Are you not going to come in?" Tanong ko pero nginitian niya lang ako.

"You go first, honey." Malambot ang tinig nito ng sabihin iyon kaya 'di maiwasan ng aking pisngi na mamula sa kilig na dating nito sa akin.

So, I went inside first with her following me. Narinig ko ang pagsara ng pinto makalipas ang ilang hakbang ko sa loob at nakita ko na nga ang loob ng penthouse.

I was in awe when I saw the interior, especially when I saw the window. It is so big na sa tingin ko ay para akong nasa office ng isang CEO.

Agad akong lumapit sa bintana at nakita ang mga nagtatayuan building sa labas at ang mga maliliit na parang langgam na pigura ng tao sa baba. Sa baba ay parang kabilang mundo na sa sobrang layo.

"Wow." Mahinang usal ko before I felt a pair of arms engulfing my waist.

Sidra is hugging me from behind.

"It looks like you like it." Rinig ko ang ngiti sa boses nito kaya tatango tango akong sumagot dito bago siya harapin at ipaikot ang mga braso sa balikat niya.

"I love it, baby." Namamangha ko pa rin na saad at pinagkatitigan ang mukha nito.

"I know you like the view of the town and that's why I bought this because I know… you would like it." Ngiti nito kaya lalo akong napatitig sa mukha niya.

Wala pa rin papantay sa ganda ng pagkatao mo, Sidra mahal.

"And I love you." Usal ko kaya tumitig ito sa aking mata na may halong saya at pagmamahal. Hindi na nito nakayanan at napapisil na lang ito sa ating bewang na nagpaigtad sa akin.

"I love you more, Dione."

She kissed me like there's no tomorrow as we own each other once again that night.















Nandito kami ngayon sa kotse nito. Ihahatid na ako nito doon sa bahay ni Papa dahil doon ako ni Papa pinapadiretso dahil mayroon daw itong mahalaga na sasabihin. Hindi ko nga alam but it seems so urgent, na napapayag niya ako.

Sinabi naman ni Sidra na hihintayin ako nito hanggang matapos ang pag uusap ni Papa para sabay na kami pumunta sa condo building namin. We can spend more time pa daw if ganon na dahilan ng pagtawa ko kanina. Hindi pa rin siya nagsasawa sa mukha ko.

Pinipilit ko nga lang din 'to kanina na mag stay na lang dun sa penthouse niya dahil hapon na rin at kanina pa siya nagda-drive. Alam kong kanina pa siya pagod just by the look on how sleepy her eyes are pero hindi ito nagpatinag at pinilit pa rin talaga na ihatid ako.

"You don't need to wait for me. Umuwi ka na paghatid mo sa akin doon." Matigas kong wika pero nakita ko ang pag iling nito.

"But, baby—"

"You are tired, Sidra Exie. Tingnan mo nga 'yang mata mo. Halos bumagsak na o!" Naiinis kong saad pero nginitian niya lang ako ng pagod.

"I'm fine, love. No need to worry." Usal nito kaya naman napairap na lang ako at hindi na sa kaniya nagkipagsagutan. Ang tigas ng ulo niya.

Maya maya ay nakarating na din kami sa bahay ni Papa. So unusual dahil may isa pang nakaparada na puting Mercedes-Benz sa tapat ng bahay ni Papa at bukas pa ang ilaw sa living room. At this time na mag 10pm I know na tulog na ang kung sino sa bahay.

"Do you guys have a visitor?" Tanong ni Sidra when she also spotted the white car outside. Umiling lang ako at pinagkatitigan ang kotse sa labas.

"Come on, honey." Rinig kong sambit ni Sidra nang pagbuksan ako nito ng pinto ng kotse. Nginitian ko na lang siya at bumaba.

"I'll walk you to your door—"

"Sidra—"

"Last na 'to then I'll go home." Pinal na saad nito kaya wala na akong nagawa kundi sundin ang sinabi nito para parehas na kami makapagpahinga.

Pagod ako sa sinabi niyang exercise na ginawa kanina sa penthouse niya. Akalain niyo 'yon, nabinyagan agad 'yung bahay.

I rang the doorbell and that's when I heard footsteps coming. Tumingin ako kay Sidra ng mataman at nakita na nagkibit balikat lang ito. Pag siya hindi umuwi talaga, malilintikan na siya.

"Pa— Mr. Tuazon…" nanlalaki ang mata na usal ko when Sidra's father greeted me at my Papa's porch.

"Good to see you, the unica hija of Anton Chavez." Nakangisi na saad nito. Napalunok na lang ako at tiningnan si Sidra ng may gulat sa mukha. Kagaya ko din ay ganon din ang itsura ng mukha nito. Mukhang hindi niya rin inaasahan na nandito ang tatay niya.

"Oh and my eldest daughter, Sidra." Pagbigay pansin nito sa anak, umiling ito at tinapik ang balikat ng anak. "Go home and rest, I know you're tired because of driving and what… you guys did." Umismid ito at binigyan ako ng matalim na tingin at ikinayuko ko.

"What are you doing here, Dad?" Horror can be seen on my girlfriend's face as she holds tightly on my hand, not minding if her father's right in front of us.

"Go home, Sidra." Tiim bagang na saad nito pero nagmatigas si Sidra at nanatili sa aking tabi.

"I asked, Dad. What are you doing here?" Her Scottish accent can be heard in her voice while asking her father.

"To tell this family to stay away from us." Venom is laced on Mr. Tuazon's voice. My lips quivered as I heard that before I saw my Dad going in our direction, limping while holding his stomach. Some bruises are visible on her face. Naka office attire pa rin ito at tulad ko mukhang inabangan din ito ni Mr. Tuazon.

"Pa!" Sigaw ko at agad na dinaluhan ito. My eyes are welling with tears as I look at my father, beaten. "What did you do?!"

Akmang susugurin ko na si Mr. Tuazon when I feel my father's hold on me. Tumingin ako dito at nakita na umiling ito sa aking gawi.

Tumayo ito ng tuwid kahit na nahihirapan at tiningnan ng diretso sa mata si Mr. Tuazon.

"Mr. Tuazon. Ito lang ang masasabi ko sa 'yo," hirap na saad nito, "Hindi mo pwedeng diktahan ang mga nararamdaman ng anak mo para lang sa ikakasaya ng buhay at ng kompanya mo." Mataman na saad nito na ikinakuyom ng mga palad ng isa.

"I'm sorry if I didn't accept your proposal to invest in your company just to make my daughter and your daughter separate. I can't take away my daughter's happiness. I'm sorry," nag bow pa ito, "You can leave my house now."

"Pathetic. I know deep down you want them to separate—"

"You heard me. Now, leave bago pa ito matungo sa korte." Malamig na saad ni Papa kaya nagngingitngit na lumapit ito papalapit sa amin habang tinitingnan  ako ng diretso sa mata. I unconsciously took a step back because of fear.

"You," duro nito sa akin, "will never be suitable and perfect for my daughter." Napayuko ako.

"I'm telling you these; stay away from my daughter kung ayaw mo na mas worst pa ang ibibigay ko sa pamilya mo. Understood?" Nangilid ang aking luha sa sinabi nito at pinigilan ang hikbi. This is fucking torturing me!

"Stay away from my daughter from now on because you don't deserve her. Not even a bit."

Her father's words are like a knife, stabbing my chest multiple times causing it to ache and pierce my heart in a most painful way.

Alam ko naman na malaman at malalaman din ng tatay ni Sidra ang kung anong meron sa amin. I just didn't expect it to be this sooner.

Umalis na ito at iniwan kami na sugatan si Papa habang ako ay naiyak sa tabi nito. Nakita ko naman si Sidra na nanatili doon sa may pinto habang nakayuko at nakakuyom ang mga kamao, her tears are welling as well kaya tinawag ko ito.

"Sidra…"

Bumaling ang tingin nito sa akin at para bumalik ang ulirat nitong tumungo sa aming direksyon to get my hand but stop midway when she sees my Papa.

"S-Sir…" usal nito at tumungo sa harap ni Papa.

"Sidra, it's better kung umuwi ka na sa bahay niyo. Madilim na at kita sa 'yo na pagod ka." Malalim ang boses na saad ni Papa kaya tumingin si Sidra dito.

"C-Can I at least treat your wounds?" Nauutal na tanong nito. Akala ko nga ay tatanggapin iyon ni Papa pero umiling lang ito.

"Thanks for the offer pero I can manage, 'nak. Go home and rest." Nginitian ito ni Papa at tinapik ang balikat. I saw how Sidra's lips quivered bago ito mapaluhod sa harap ni Papa while showing both of her hands.

"I'm very sorry, Sir. Sorry." Humihikbi na saad nito at patuloy na humihingi ng pasensya kay Papa. Napaluhod na din ako sa harap nito at hinawakan ang dalawang balikat nito. She started to shake na kasi and it's making me worried.

"Sidra, tayo ka diyan." Utos nito na agad niya naman ginawa habang humihikbi pa rin. Hawal nito ang kamay ko habang nakaharap siya kay Papa.

"You don't need to be sorry. I'm actually thankful to you kasi you make my Dione happy while nalululong na ako sa wealth and business. Hindi ko na nagagagawa ang trabaho ko bilang tatay ni Dione kaya sobra ang pasasalamat ko sa 'yo." Masuyong pahayag ni Papa habang hawak ang braso ni Sidra.

"Thank you for making my daughter happy. I'm counting on you, Sidra. Don't make my daughter cry like I did because…" tumingin si Papa at nginitian ako ng malungkot.

"It was not a sight to see."








Sa huli ay si Sidra pa rin ang naggamot kay Papa kaya natagalan pa ito sa bahay. Buti na lang at kumpleto ang mga first aid kit dito kaya nagamot din agad si Papa.

Dito na nga rin siya pinapatulog ni Papa but she politely declined dahil may aasikasuhin daw siya for her acads. Hindi na rin naman tumutol si Papa at hinayaan na si Sidra.

Ngayon ay kasalukuyan kaming nandito sa labas, sa tapat ng kotse niya. Magkahawak kamay kaming nandito. She was leaning against her car door habang ako ay nasa harap niya lang at malayo ang iniisip.

"I didn't expect that he would be the one that would greet us pagdating dito." Mahina ang boses nang sabihin niya ang nangyari kanina.

Tumingin ako sa kaniya at nakita na nakayuko lang ito habang pinaglalaruan ang aking kamay at daliri. Nagulat ako ng makita ang maluha luhang mata nito at ang lungkot at galit na bumabalot doon.

"I'm sorry that you have to hear those painful words from him…" her voice is hoarse dahil sa kanina pang pag iyak nito. Hindi ko naman mapigilan na yakapin ito na agad niya din ginantihan.

"I-I.. did not expect that he would go this far. I just… I-I didn't know he's capable of hurting your father because I never saw him being violent. I'm sorry."

She choked on her own tears while saying that at wala naman akong masabi kundi, "It's okay." Kahit na hindi okay ang lahat.

"I just wish na sana we didn't read your father's message so that you can't hear those words from him but it's gonna be so selfish of me dahil sinasaktan na pala si Tito dito." She added as I listened to her. Naramdaman ko ang pag ikot ng kamay niya sa aking bewang at hinigpitan ang yakap doon.

"I'm sorry, love. You don't deserve those words." Her face is in my neck, inhaling my scent as if that can calm her down.

"It's fine, Sidra. Masakit 'yung mga sinabi niya but I'm fine, okay? Stop crying now, please?" Nangangatal ang boses ko para lang pigilan ang pag iyak sa harap nito.

I need to appear strong in front of her. Ayoko na nakikita niya akong mahina dahil alam ko na sisisihin niya ang sarili niya.

"I'm sorry, hon."



"It's not your fault." Pagpupumilit ko at hinarap ang mukha nito sa akin, "We'll definitely get through this, right?"

She looked at me, face determined, "Definitely, my love. Anything just for you."

Continue Reading

You'll Also Like

896K 27.1K 54
[ A story of Krystal Guinevere Lawson. ] #1 Secrets remain unfazed until the broken part of keeping it gets revealed. With their past, a connection w...
29.6M 1M 62
(Game Series # 4) Charisse Faith Viste believes in working hard. She does not believe in luck, only hard work. Bata pa lang siya, nasanay na siya na...
41.1K 591 65
Mariella Liwayway San Diego aka "Liway" - 32-year-old assistant vet who loves coffee and hates watching movie. Single si Liway all her life and tinan...
43.9K 1.2K 27
(Montegery International Elite Series 4) **** "Why do you always have to say goodbye?" I asked her when our lips separated. "Because I don't know if...