The Devil Beside You (UnGodly...

By La_Empress

238 20 0

UnGodly #1: After graduating high school, Ren moves to the city in hopes of getting into a prestigious univer... More

p r o l o g u e
n o t e
p l a y l i s t
i. the tuoma residence
ii. first night
iii. black umbrella
iv. the photographer
v. eyes on me
vii. someone is in my room
viii. sidekick rookie
ix. a killer on loose
x. new prey
xi.dinner with the tuoma residence
xii. chase down the street
xiii. trust no one
xiv. gone on a saturday
xv. predators on hunt part 1
xvi. the devil's wrath
xvii. the perfect girl
xviii. the girl with red lips
xix. two-faced bitches
xx. lust and confused
xxi. When the Sheep becomes the Wolf
xxii. everything before disaster
xxiii. captured
xxiv. where is riko?
xxv. first night in hell
xxvi. the will to survive
xxvii. run riko run!

vi. another missing case

6 0 0
By La_Empress


Being in the same room with a man is all right for me, but being inside their own bedroom is too much for me to handle. My fingers couldn't stay still as I stand beside his bed while Ryu searches for some blankets on his huge cabinet. Sa katunayan, okay nga lang sakin na matulog sa sahig ngunit nagpupumilit siyang sa kama niya ako matulog. Pakiramdam ko ang dami-dami kong atraso sa kanya dahil una, dinistorbo ko ang gabi niya at pangalawa, kailangan niyang ibigay ang higaan para sakin. Isa pa, pinag timpla pa nga niya ako ng kape kanina. He used the same brand as Auntie Jo.

"Will you be alright with this blanket?" He showed me one that has some clouds design on it.

"Everything is fine for me." nahihiya kong sagot.

Inayos niya ulit ang kama to the point na nakakahiya tuloy higaan. Parang plinantsa sa linis eh, walang kunot sa kahit saang sulok. 

"I still think it would be better if I just sleep on the ground." giit ko matapos niyang ayusin ang kama. 

He sighed once more, "You're in my room, I was the one who volunteered to let you stay for tonight so technically, you are my guest." tsaka binigay niya sakin ang kumot. Hindi na ako nakipagtalo pa dahil mukhang ayaw din niyang magpatalo.

"And besides, who would let a woman sleep on the ground when there's a bed?" He shakes his head as he went outside. Well, that statement took a breath of relief from me.

Huminto siya sa may pintuan. 

"I hope my bed is warm enough to comfort all your worries. If you don't feel comfortable or if you have any problems, do not hesitate to call me. Nasa couch lang ako." Huminto siya saglit, nag-iisip kung ano ang susunod na sasabihin. 

"Uhm. Goodnight, Ren." I know it was awkward for him to say that.

"G-goodnight din." Mas dinagdagan ko ang awkwardness sa atmosphere.

He pursed his lips into a smile and raised his brows before shutting the door behind him. Then the room fell silent, and I remained standing as I processed what had just happened in a span of approximately two hours. 

Maingat akong humiga sa kama, sinusubukang hindi lumikha ng kunot. Tsaka napatitig na lamang ako sa puting kisame, nakabalot ang buong katawan ng kumot. Pinilit kong pagtuonan ng pansin ang nangyari kanina kung saan hinabol ako ni Bundy sa hallway. Ayon kay Ryu, wala raw siyang nakitang ni aninong humahabol sakin. He was dumbfounded when I knocked on his door, looking like a petrified child.

Possible kayang guni-guni ko lang iyon? Na hindi talaga ako hinabol ni Bundy?

Was I just paranoid?

No, it happened!

How could my mind create such realistic scenario if it was just in my head? It certainly felt real, even the fear that strike down my spine. I know I wasn't imagining it!

What should I do when I wake up tomorrow? Mag su-sumbong ba ako kay Auntie Jo? 

Siguradong tatanggi lang si Bundy sa akusa ko, lalo na't hindi siya nahagilap ni Ryu kagabi. Ryu could be my only witness if he had just seen him. Baka iisipin ni Auntie Jo na nagsisimula ako ng gulo sa apartment niya. Hindi pwedeng samantalahin ko ang kabaitan niya. Ayaw kong mainis siya sakin.

* * * * *

Pinukaw ako ng liwanag na sumisilip sa bintana. Pakurap-kurap akong inadjust ang mata sa matinding liwanag. Tsaka nag-unat at humikab na animo'y ito ang pinakamaayos at pinakamasarap na tulog ko magmula nung lumipat ako sa Osaka.

I pause for a brief second, staring at the ceiling that looks quite clean compared to last time I seen it.

I just noticed that my bed became bigger and more comfortable to lay down.

When I look around the room, ngayon ko lang napagtanto hindi pala ako natulog sa silid ko. That's when I almost leap out from the bed in panic. I almost forgot, sa sarap ng pagkakatulog ko malapit ko nang kalimutan na nasa room pala ako ni Ryu. 

And I made a mess on his bed. It's all wrinkled.

Lumingon ako sa pintuan saglit, iniisip kung ano kaya ang ginagawa niya. Is he awake? Is he waiting for me to get up? Or what if he's still asleep, should I wake him up to bid goodbye or just let him rest? Ewan ko!

Instead, inayos ko nalang ang kama. I'm making sure that it's as organized and clean as it was. One thing I noticed is he's a perfectionist since, I guess, he's a doctor.

Good thing may one hour pa ako bago magsimula ang klase. Also, absent si Miss Suzi dahil nagpa-check up siya kaya ilang oras pa ang vacant time namin.

Inayos ko muna ang sarili sa salamin, sinisiguradong walang muta sa mata ko at walang natuyong laway sa gilid ng labi. 

Maingat kong binuksan ang pintuan na halos hindi na ako humihinga upang hindi lang ito maglikha ng ingay. I'm afraid I might wake him up if he's still asleep.

Then I close the door very slowly. 

Na-realize kong nagmukha akong tanga sa ginawa dahil wala naman palang tao sa sala.

The couch, where I assumed Ryu could still be sleeping, is empty. His pillows and blankets were all neatly stacked to the side. I couldn't hear any noise, so I took a glimpse of his kitchen and found no one there.

But I discovered a sticky note on the center table.

"I'm sorry I have to leave early. I'm working." basa ko sa nakasulat. Napatango-tango sa napagtanto. Of couse, he's a doctor and doctors have a lot of works to do even early in the morning.

I did my routine in my room, preparing for another torture at school. Pinalitan ko ng band aid ang sugat sa aking paa na hindi pa rin naghihilom. Napapangiwi ako sa hapdi nang tanggalin ang lumang band aid, nadadala kasi ang laman at nagdudurugo ito.

Nadatnan ko si Auntie Jo sa kusina na nagluluto ng kung anong putahe. She was humming a tune as she skillfully sliced the onion. Tinignan ko rin ang kwarto niya, nakaawang ng kunti ang pintuan kaya't nakita ko ang kawawa niyang asawa sa loob na nakahiga sa sahig.

"Iha, gusto mo bang mag baon nito?" 

I jerked in surprise when I heard Auntie Jo's voice. Napakamagulatin ko talaga.

Lumapit ako sa kanya upang tignan kung ano ang niluluto. It looks like some soup. "Y-yeah, kung maaari po." ngiti ko sa kanya.

Humagikhik naman siya, "Ano ka ba iha. Oo naman, kaya nga kita tinanong. May pasok ka ngayon diba? Malapit na 'tong maluto, mga 10 minutes." She's holding the ladle like it's a wand.

"Ayos lang po, matagal pa naman magsimula ang klase ko."

"Mabuti naman kung ganun. Siya nga pala iha, may habilin si Ryu sakin. Maaga siyang pumasok sa trabaho dahil may naka-scheduled siyang appointment ngayon." 

So alam ni Auntie Jo na natulog ako sa silid ni Ryu kagabi?

Mukhang nabasa niya ang ekspresyon ko kaya humagikhik siya ulit, "He told me that you didn't feel safe in your room kaya't pinatulog ka niya sa kwarto niya. Huwag kang mag-aalala iha, mabait ang batang iyon at hinding-hindi gagawa ng katarantaduhan." pabiro niyang dinaplis ang sandok sa braso ko.

Ryu didn't tell her the exact details. Most likely because he wants me to personally inform Auntie Jo about it.

"Uh Auntie Jo, can I ask you something?" I gathered the courage to asks. May tanong kasing bumabagabag sa isipan ko mag mula kahapon.

"Ano iyon iha?"

"Huwag niyo sana masamain, ngunit bakit dito pa rin nakatira si Ryu? Hindi ba't mayaman siya dahil sa propesyon niya? Marami namang condo rito. " naikagat ko ang labi nang itanong iyon. 

Napakurap siya ng dalawang beses bago sumagot. 

"Katulad ng sinabe ko kahapon, magkaparehas kayo ng pinagdaanan. Napadpad siya sa apartment ko, naghahanap ng murang mauupahan. Mag-isa na lamang siya sa buhay matapos pumanaw ng kanyang magulang sa isang sunog. Naaawa ako sa kalagayan niya kaya't pinatuloy ko ng libre hangga't sa makahanap siya ng part time job. " kwento niya habang hinahalo-halo ang mga putahe sa kaserola.

"Akala ko nga'y aalis siya pagkatapos grumaduate ngunit nagulat ako dahil nais pa raw niyang manatili. Naisip ko na marahil ay wala siyang mga magulang at tinuring na niya ako bilang isa. Ewan ko rin ba sa batang iyon, hindi masyadong pala kwento sa buhay niya kaya hindi ako sigurado kung ano nga ba talaga ang totoong rason. Sa pagkakaalam ko ay may apartment naman siya sa Tokyo kung saan siya palaging nag ta-trabaho. " huminto siya pagkatapos ay tumingin sakin.

"Alam mo ba iha, hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit hindi pa siya nag-aasawa. Hay, nasa tamang edad naman siya. " umiling-iling siya pagkuwa'y nagpatuloy sa paghahalo.

Madaldal talaga itong si Auntie Jo. Baka kung saan pa mapunta ang kwento niya kaya hindi na ako nagtanong pa hangga't sa maluto ang putahe.

* * * * *

Naabutan ko sina Kei at Riko na masinsinang nag-uusap sa canteen. Walang masyadong tao dahil class hours. Absent si Miss Suzi kaya kami lang ang nandito. Bumili muna ako ng onigiri at umupo sa table nila. 

I heard they're talking about my 'supposed-to-be' seatmate, I guess her name is Sheina. Hanggang ngayon wala kaming balita sa kanya, even Miss Suzi doesn't have any idea where she is.

"Nag ba-bakasyon ba siya kaya hindi pa nagpapakita sa klase?" tanong ko.

Sabay silang lumingon sakin na gulat ang mukha, "She's gone!" they said in unison na siyang nagpagulat sa umaga ko. 

I couldn't quite figure out if anong klaseng 'gone' ang pinapahiwatig nila. Did she migrate? Went to other school? Or . . . died?

Nakuha ni Riko ang nagtatakang ekspresyon sa aking mukha, "Didn't you read it on the social media?" Umiling ako, pa'no ako makakapag browse sa social media gayung kay hina ng signal sa apartment.

"Pinag-uusapan kaya ito ng batch natin. Anyway, may nakakita raw kay Sheina noong first day of school ngunit hindi siya pumasok dahil who knows kung bakit."

Sumingit naman si Riko at inilapit ang mukha, "Hula namin ay dahil sa mga bullies." 

Natigilan ako nang banggitin niya ang salitang iyon.

"Teka muna girl, " Kei pushed Riko's face na nakaharang. "The bullies will be tackled later on, wait ka lang!"

She composed herself as if she's reporting a news, "So as I said, Sheina actually went to school on first day kung saan umulan pagkatapos ng klase. Iyan ang huling pagkakataon na may nakakita sa kanya. You know what's stranger? Even her parents doesn't have any idea where she is! Ayon sa kanila, matagal na raw naglayas si Sheina ilang buwan na ang nakalipas. Basically, she cut ties with her parents whom many believed are abusive. To conclude the tsismis, nawawala siya." parang may invisible na creepy sound effects sa background dahil sa pagkakasalaysay niya.

"Baka nag layas na talaga. I mean, lumipat na sa ibang syudad o sa ibang bansa. Binanggit niyo nga na may nang bu-bully sa kanya. She's probably done with everything. " 

The word 'gone' could mean a lot of things. Someone like Sheina who has an alleged abusive parents and a victim of bullying, hindi ako magtataka kung lumayas siya sa syudad na ito. That is also one meaning of 'gone'.

"May point ka Ren, 'yan nga rin ang iniisip ng ilan. Poor Sheina suffered so much throughout her high school years dahil sa mga bullies na iyon. Plus, sa parents pa niya. Kaya't may possibilidad na tuluyan niyang nilisan ang syudad na ito at nawala na parang bola. But there is another theory hovering around." tsaka siniko ni Kei si Riko na kanina pa nakatuon ang atensyon sa kinakain ko.

"Oh, it's my turn na?"

Tumikhim muna siya bago nagsalita, "Meron ding usap-usapan na baka na-kidnap daw si Sheina ng serial killer. That theory was so scary and alarming, it captured my father's attention. Gusto nga niya akong ilipat sa ibang bansa dahil dyan. " para siyang naiiyak habang nagsasalita.

Mas lalo akong naguluhan nang masali sa usapan ang serial killer.

"I'm confused. There's a serial killer here?"

Kei nodded twice, "You haven't heard that news either? It's literally on TV every day."

"Ah kasi hindi ako nanunuod ng TV." napakamot ako sa ulo. Paanong hindi ko alam ang balitang iyon? Probably because I've been focusing on my life problems that I forgot to check what's happening in our country.

"Alam mo ba Ren? Nitong mga nagdaang buwan, napansin nila na may nawawalang teenagers. At first, they thought it was just coincidence. Until, they start to notice a pattern of the missing people. Most of them are female. As the police suspected, there's a serial killer roaming around the city of Osaka and now, he's in our town!" 

Tila nawalan ako ng gana sa aking narinig. 

"At first akala namin biro lang ito ng mga tao sa social media. Ginawan pa nga ng memes eh. Ngunit dumadami na ang mga nawawalang teenagers, hindi na siya nakakatuwa." dagdag ni Riko, makikita mo ang takot sa kanyang mga mata.

"Kaya Ren, mag-ingat ka palagi. Mas mabuti pa nga na sumabay ka nalang sa'min umuwi para ligtas ka naming maihatid sa bahay mo. " I deeply appreciate Kei's generosity, but I can't let them know that I live in a scrappy apartment. Nakakahiya.

"Oo nga Ren, " sang-ayon naman ni Riko. "Tsaka kakainin mo pa ba 'yan?" 

Napailing si Kei nang ibigay ko ang onigiri sa kawawang bata na katabi niya. 

With a rumored serial killer in our city who seemed fond of young girls, I should be extra careful, especially since I always go home late at night from a part-time job.

And where exactly is Sheina Taguchi? Totoo ba talagang kinidnap siya ng sinasabing killer? Ligtas kaya siya ngayon? I hope so.

* * * * *

Sinabayan ko sina Riko at Kei sa waiting shed nang magsi-uwian na. For some reason, hindi ako ginambala ng demonyitang si Sara at mga minions niya. Oo nga pala, naisip ko na what if sila rin ang bullies na tinutukoy nina Kei na nang-aabuso kay Sheina since they're in the same batch?

Napansin ko na dumadami na ang mga studyante na nagpapasundo, even college students like us. I guess the rumored killer roaming around the city has been taken seriously by the people here.

"There's your car. " huminto sa aming harapan ang isang itim na BMW. 

"Are you really sure na hindi ka sasabay sa'min? Sige na, ihahatid kita. Insakto pa naman ang gas namin, right manong?" Riko insisted on taking me with them. 

"Nakikisabay nga lang din ako kay Riko, kaya halika na. Delikado na umuwing mag-isa ngayon." parang kakaladkarin ako ni Kei kakahila ng kamay ko.

"I'm fine, seriously. Malapit lang naman ang bahay ko, walking distance lang. Tsaka may dadaanan muna ako saglit. "

Walang magawa ang dalawa kundi pumayag. May trabaho pa ako sa coffee shop ni sir Itsuki kaya't hindi ako makakauwi ng maaga.

"Text mo kami 'pag nakauwi ka na. Add kita sa group chat namin. " sabay kaway ni Riko sa bintana.

Kumaway ako pabalik, "Of course. Update ko kayo kaagad. " 

"Turn your phone into 'do not disturb' because Riko won't definitely leave you alone. " pahabol ni Kei nang umandar na ang sasakyan. 

Napangiti na lamang ako habang pinapanuod ang sasakyan hangga't sa maglaho ito sa aking paningin. 

Tulad ng sasakyan ni Riko, kaagad ding naglaho ang aking ngiti nang huminto ang isang sasakyan sa aking harapan sakay nito ang limang bu-bwit sa buhay ko.

The window rolled down and Sara's bright red lips almost blinded my poor eyes. Naka-angat na naman ang gilid ng labi niya.

"Want to hop in, province girl?" pinagtatawanan ako ng mga kaibigan niya kahit wala namang nakakatawa.

"Tignan mo 'yung ulo kung may andyan pa rin yung bukol. " halakhak ni Akira.

I ignored them and began to walk as if I didn't see or heard anyone. 

"All of my puppets are always like this. Bakit ba sila palaging umaaktong bingi?" as I expected, sinundan nila ako.

"Should we figure out where she lives?" rinig kong tanong ni Daisy.

"Walang sapat na gas para dyan." I heard Ichiro replied, he's the one driving the car.

"Diba't sinabe ko sa'yo kanina na magpa gas ka?" Kaito, who is seated next to him, was furious.

"You didn't give me any money dude. "

"Aba gamitin mo 'yung pera na binigay ko kahapon! Tarantado talaga nito. "

I secretly heaved a sigh when they start arguing with each other. 

"Ugh, they're at it again. " I could imagine Akira rolling her eyes.

"Guys, don't be such a pity in front of another pity. " sita ni Sara sa kanila kaya't nagsitahimik ang dalawa. "Hey province girl, you should hang out with us next time. Have some fun, make friends. It's gonna be great, don't you think so?" Her squeaking voice doesn't sound inviting at all, rather a threat.

Baka nais nila akong isama upang may pagtatawanan at pagpapahirapan kamo. 

I glanced at them once more. 

"All of you has the same eyes. I like it when it showed nothing but fear. " She starts giggling annoyingly.

"Let's go sa tambayan. " 

Pinaharurot bigla ang sasakyan kaya't nalanghap ko tuloy ang makapal na usok. Napamura ako sa inis. Kailan ba ang mga iyon mawawala sa buhay ko?

Mag-isa kong tinatahak ang daan papunta sa coffee shop, mahigpit ang pagkakahawak sa strap ng aking bag at malalaki ang hakbang. Dahil sa narinig kong balita mula kay Kei, nagiging paranoid tuloy ako. Baka mamaya maging biktima rin ako.

May nadaanan akong police na nagpapahinga sa labas ng kanyang sasakyan, kumakain ng donut. Insaktong napatingin siya sakin nang dumaan ako.

"Hey kid, maingat ka sa paglalakad. Sa bahay ang uwi ha? Naku, mag-isa ka pa naman. Madami ang masasamang tao na pakalat-kalat sa syudad. " 

Tinanguan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad.

* * * * *

T H I R D   P E R S O N


Isa ang Osaka sa syudad na matatawag mong ligtas at walang gulo. Kahit sa lawak nito, bihira ka lang makakarinig ng karumal dumal na balita. Pano ba naman, puro trabaho ang inaatupag ng mga tao. Halos walang oras para sa pamilya at sa sarili . . . sa krimen pa kaya?

Kaya't isang napakalaking problema para sa mga awtoridad ang usap-usapan na may misteryosong tao na kumikidnap ng mga kabataan. Nagsimula ito sa isang liblib na probinsya ng Japan hangga't sa unti-unting lumaganap sa iba't-ibang parte ng bansa na parang virus.

"Where could all the missing people go?"

Malalim ang iniisip ng isang pulis na syang naka-toka sa malaking kaso. Pasan-pasan ang mabigat na problema at nakatali sa paa ang libo-libong tanong na nagpapahirap lalo sa kanya.

Nakaupo siya sa swivel chair, nakapatong ang paa sa desk, habang tinatakpan ng papel ang mukha para makapag-isip ng mabuti.

Patuloy ang iba niyang colleagues sa pag se-serbisyo, siya naman ay patuloy lang sa pag-ubos ng kape. Tatlong baso na ata ang nainom niya ngunit hindi pa rin umuusad ang kaso.

"Sir? Sir Guts, may bagong balita. " 

Dumating ang isa pang pulis na may bitbit na folder.

Ngunit hindi kumibo ang huli.

Napakamot sa ulo ang pulis at mas nilakasan ang boses. "Sir Guts?"

"Tulog ba siya?" napatanong siya sa sarili. Nang bigo niyang makuha ang atensyon nito, lakas-loob niyang sinilip ang mukha.

Laking gulat niya nang makitang nakatitig sa kanya ang mga mata nito, matalim at nag-aapoy.

"Kanina ka pa, ano ba ha?! Kita mong nag-iisip ako rito!" Hinampas ng papel ng nagngangalang Guts ang kawawang pulis na napag-utusan lang. Pumutok na naman ang bulkan. Sanay na ang ibang pulis sa nakikita kaya't hindi nila ito pinagtuonan ng pansin. May araw bang hindi nag-aapoy sa galit si Guts?

"Sabi ko dalhan mo ako ng kape, eh ano 'to? Ba't problema ang binigay mo?" Napatingala na lamang siya pagkuwa'y kinuha ang folder upang basahin ito.

"Sir—"

"Alam ko, another missing case. " Sa dami ng kanyang natatanggap magmula nitong nagdaang buwan, tila nagkakaroon siya ng instinct kung kailan siya makakatanggap ng ganito. 

"Alam mo pala sir, balik na po ako sa pwesto. " mahinang sambit ng kawawang pulis. 

"May binubulong-bulong pa ang batang 'yun. Hoy yung kape ko!" sigaw niya rito ngunit naka-akyat na ito sa hagdanan.

Buntong-hininga siyang umupo sa swivel chair at binuklat sa pangalawang pahina ang laman ng folder kung saan bumungad ang information tungkol sa pagkawala ng dalagitang si Sheina Taguchi.

Mapapansin mo ang lungkot sa mga mata ng dalaga na animo'y pinagsakluban ng langit at lupa. Kung titignan ng maigi ang litrato, makikita mo ang munting pasa sa kanyang leeg at gilid ng labi. Bagama't hindi nito natatakpan ang kagandahan niya.

Name: Sheina Taguchi

Age: 19 years old

Sex: Female

Parents: Kousei Taguchi and Aimi Taguchi

Address: Neyagawa, Osaka

Background:

- Studying at Eden University as a working scholar
- Has an abusive parents, left home five months ago
- No records of where she lived or who's supporting her
- First reported missing by Suzi Watanabe on July 19th


Binasa niya ng paulit-ulit ang lahat ng impormasyon patungkol kay Sheina. Mas lalo lamang siyang naguguluhan sa bawat reports na natatanggap. Pakiramdam niya'y nakikipaghabulan siya sa isang anino. Habang hinahabol niya ito, mas lalo siyang lumalapit sa dilim. Walang ni katiting na impormasyon patungkol sa suspect.

Kinuha niya ang picture ni Sheina mula sa folder at idinikit ito sa corkboard kung saan punong-puno ito ng kung anu-anong litrato at impormasyon patungkol sa mga biktama na possibleng makapagturo sa katangian ng taong ilang buwan na niyang hinahanap.

* * * * *

- E N D   O F   C H A P T E R  6 -

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 119 31
Matapos ang gulo na ginawa ni Carmilla sa Royal Bloods hindi pa rin natatapos doon ang lahat. Iyon ang alam ni Alucard kaya naman para sa isang nalal...
82.5M 2.4M 73
Erityian Tribes Series, Book #1 || Not your ordinary detective story.
29.8M 989K 68
Erityian Tribes Series, Book #2 || A story of forbidden love and friendship, betrayals and sacrifices.
1.2K 230 59
"Do you want to follow me silently or do you want me to make a big fuss about it as well? But if you really want to stir things up, just go ahead. It...