That Dangerous Girl Is Mine

By MsAuthorney

13.5K 518 5

"I still love him even he hurt me" Plagiarism is a crime so dont copy my story.. __MsAuthorney__ Started: Jan... More

♥️That Dangerous Girl Is Mine♥️
♥️Chapter 1♥️
♥️Chapter 2♥️
♥️Chapter 3♥️
♥️Chapter 4♥️
♥️Chapter 5♥️
♥️Chapter 6♥️
♥️Chapter 7♥️
♥️Chapter 8♥️
♥️Chapter 9♥️
♥️Chapter 10♥️
♥️Chapter 11♥️
♥️Chapter 12♥️
♥️Chapter 13♥️
♥️Chapter 14♥️
♥️Chapter 15♥️
♥️Chapter 16♥️
♥️Chapter 17♥️
♥️Chapter 18♥️
♥️Chapter 19♥️
♥️Chapter 20♥️
♥️Chapter 21♥️
♥️Chapter 22♥️
♥️Chapter 23♥️
♥️Chapter 24♥️
♥️Chapter 26♥️
♥️Chapter 27♥️
♥️Chapter 28♥️
♥️Chapter 29♥️
♥️Chapter 30♥️
♥️Chapter 31♥️
♥️Chapter 32♥️
♥️Chapter 33♥️
♥️Chapter 34♥️
♥️Chapter 35♥️
♥️Chapter 36♥️
♥️Chapter 37♥️
♥️Chapter 38♥️
♥️Chapter 39♥️
♥️Chapter 40♥️
♥️Chapter 41♥️
♥️Chapter 42♥️
♥️Chapter 43♥️
♥️Chapter 44♥️
♥️Chapter 45♥️
♥️Chapter 46♥️
♥️Chapter 47♥️
♥️Chapter 48 (Special Chapter)♥️

♥️Chapter 25♥️

191 7 0
By MsAuthorney

Nandito ako sa Company ngayon dahil sa mga kailangang tapusin at kakagaling ko lang sa University, isang linggo na ang nakakaraan ng may mangyari sa pagitan namin ni Andrew at hindi ko pa siya nakikita simula nun

"Hello Dan nasaan ka?" si Carlo sa kabilang linya

"Nasa company ako ngayon bakit?" ako

"Dan alam ko na kung sino ang may ari ng itim na kotseng iyon" si Carlo

"Ano? Sino?" tanong ko at napatayo

"Si Uno Guererro" saad niya na bigla nalang ikinakuyom ng kamao ko

"Sinasabi ko na nga ba eh siya ang may kasalanan" galit na galit kung saad

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong niya

"Sugurin na natin siya ngayon mismo, hindi ko na ito papalampasin pa" saad ko

"Ipapahanda ko na ang mga tao natin" siya

"Sige" ako at pinatay ko na ang tawag

Binaba ko ang phone ko tsaka lumapit ako sa drawer at inilabas ang baril na itinatago ko sakto rin na pumasok si Tito

"Ma-..." naputol ang sasabihin niya ng mapatingin siya sa hawak ko

"Where are you going Marie?" kinakabahang tanong ni Tito

"Papatayin ko si Guererro dahil pinatay niya si Nanay Yolly, pag babayarin ko siya" at naglakad na ako palabas ng pinto pero hinawakan ni Tito ang braso ko

"Marie" tiningnan ko ang kamay niyang nasa braso ko kaya binitawan ito ni Tito

Ayuko kasi sa lahat ang piniligilan ako lalo na kapag galit na ang umiiral sa akin kahit kapamilya ko pa

"Gagawin ko to Tito" ako at umalis na

Sumakay ako ng kotse at nakasunod ako sa tatlong van sakay ang mga tauhan ko at sina Gino

"Ms. Ventura sa mismong mansiyon ba tayo ni Guererro?" tanong ni Gino

"Yes Gino" ako

Hanggang sa narating na namin ang mismong bahay ni Guererro pero hinarang kami ng mga gwardiya

"Bawal kayong pumasok dito" sabi ng gwardiya

"Si Guererro nasaan?" ako

"Wala siya dito at isa pa bawal kayong pumasok, tresspassing kayo"

"Edi ilabas niyo si Guererro" ako

"Wala siya dito"

"Huwag mo akong pinag lololoko" ako

"Wala nga dito si Mr. Guererro" at tinutukan niya ako ng baril

Itinutok din lahat ng tauhan ko ang baril na hawak nila sa dalawang gwardiya na nasa harap namin

"Sige ituloy mo" utos ko pero hindi niya ginawa at  ibinaba niya ang baril

"Umalis si Mr. Guererro" sabi niya ulit

"Halughugin niyo ang buong bahay" utos ko

Tinutukan ng iba kung tauhan ang dalawang gwardiya kaya nakapasok kami sa bahay, hinanap namin sa bawat sulok ng bahay pero walang tao dito

"Wala po Ms." si Gino

"Lumikas na siya dahil alam niyang susugurin ko siya" ako

"Ano pong gagawin natin?" Gino

"Pasabugin niyo ang bahay na ito at patayin niyo yung dalawang gwardiya" utos ko

"Opo"

Pinatay na nila ang dalawang gwardiya at pinasabog ang bahay ni Guererro bago kami umalis dun

"Pasabugin niyo ang companiya ni Guererro, siguraduhin niyo lang na walang masasaktan na inosente" utos ko

"Opo Ms." Gino

Nakapwesto ako sa malayo habang nilalagyan nila ng mga bomba ang loob ng building

"Alam kung mangingitngit ka sa galit dahil sa ginagawa ko sa mga properties mo" saad ko

"Okay na po ang lahat Ms. Ventura" si Gino

"Lumayo na muna kayo tsaka niyo pasabugin" ako

"Copy Ms" at sunod sunod na ngang sumabog ang mga bomba

Umalis na nga ako papunta na ako ngayon sa hide out namin dahil tinawagan ako ni Carlo at may sasabihin daw siya sakin

"Kamusta? Nahanap mo ba kung nasaan siya?" tanong ko

"Lahat ng mga lugar na maaaring puntahan ni Guererro ay wala siyang bakas ni isa" siya

"Nagtatago na siya dahil alam niyang hindi ko siya titigilan hanggang hindi ko siya napapatay" ako

"Natrace ko na rin ang nag text sayo ng may treats, kay Guererro din yun galing" si Carla

"Pagbabayaran niya lahat ng kasalanan niya sakin" ako

"At isa pa kasabwat niya rin si Mr. Agusto sinadya ni Mr. Agusto na nakawan ka at ang ibang pera ay napupunta kay Guererro" dagdag niya pa

"Marami rami akong sisingilin sa kaniya" ako

Biglang nag ring ang phone ko tumatawag si kuya Deon at naalala kung may interview pala si Dad sa harap ng media at gusto niyang pumunta ako

"Nasaan ka na?"

"Papunta na ako" ako

"Dalian mo hinahanap ka na ni Dad"

"Yeah Im on my way" ako at umalis na

Pina andar ko na ang kotse ko papunta sa venue at naabutan kung nag sasalita na si Daddy, kumaway ako para maagaw ko ang atensiyon niya at yun nga nakita nga ako ni Dad

"Kanina ka pa hinihintay ni Daddy" si kuya na tumabi sakin

"Sorry may inasikaso lang ako" saad ko

Nang bigla nalang may pumutok na baril at pinayuko ako agad ni kuya Dylan, kinuha ko ang baril ko tsaka ito kinasa

"Daddy"

"Mr. Ventura" saad ng mga media kaya napatingin ako sa stage, nakahandusay si Dad at duguan ito

"Daddy" at agad akong lumapit kay Dad, malapit sa puso ang tama niya

"Who did this?" Kuya Dylan

"Hindi ko alam" kuya Deon

"Tumawag ka na ng ambulansiya" kuya Denver

Tumayo ako at naglakad palabas sa hall, nandito pa ang tarantadong may gawa nito kay Dad. May nakita akong lalaking naka bonet at naka suot ng itim na damit tumatakbo palayo kaya sinundan ko siya at hinabol

"Hoy gag* ka" ako kaya napatigil siya sa pag takbo

Binaril niya ang pwesto ko at tumakbo na ulit ito paakyat sa hagdan, hinabol ko siya habang binabaril rin sumakay ako sa elevator dahil alam kung sa rooftop siya pupunta. Pagkarating ko nga ay wala pa siya pero after a minute ay dumating na nga ito at hinihingal kakatakbo sa hagdan

"Nakakapagod ba? Bakit ka kasi naghagdan" saad ko at tinutok ang baril sa kaniya

"Wala kang pakialam" saad niya

Tinabing niya yung kamay ko kaya nabitawan ko ang baril at sinipa ako sa tiyan, inambahan ko siya ng suntok sa mukha at siniko ang kaniyang tagiliran. Sinugod niya ako ng suntok at sipa buti nalang naiwasan ko ang mga ito, sinipa ko yung tuhod niya ng paulit ulit kaya napaluhod ito at hinead lock ko siya

"Bitawan mo ako" pag pupumiglas niya

Siniko niya ang mukha ko at tumama ito sa gilid ng labi ko at inapakan niya pa ang  paa ko kaya nakawala siya sa akin, tatakbo na sana siya ng mahawakan ko ang bonet niya at matanggal ito

"Nico" ako kahit naka talikod ay kilala ko siya

Dahan dahan siyang humarap sa akin at doon ko nga nakumpirma na si Nico nga, ang best friend ko

"Ikaw? Ikaw ang bumaril kay Daddy?" tanong ko at tiningnan siya na hindi makapaniwala

"Oo ako nga" at tumango pa siya ng ilang ulit
Itinulak ko siya palayo tsaka ko dinampot ang baril ko at itinutok ito sa kaniya, hindi ko macontrol ang panginginig ng kamay ko

"Ano bang kasalanan ko sayo Nico?" Galit kung tanong sa kaniya

"Wala" maikli niyang sagot

"Anong wala?" ako

"Dahil sa pera Danica, kailangan ko ng pera para mapagamot si lola dahil nasa hospital siya" walang emosiyon niyang sagot

"Marami namang paraan Nico" ako

"Ito lang ang mabilis na paraan Danica madali magka pera" siya

"Sabihin mo sakin, sino ang nagutos sayo na barilin si Daddy? " nanginginig kung tanong sa kaniya

"Sasabihin ko sayo tutal hindi ako sigurado kung mabubuhay pa ako, baka tuloyan mo ako o patayin nila ako, si Mr. Uno Guererro at si Mr. Ivan Montero ang nagutos sakin na patayin si Mr. Ventura" siya

"Pati si Mr. Ivan Montero?" ako

"Oo at alam mo bang niloloko ka rin ni Andrew Montero, hindi ka talaga niya totoong mahal at ginagamit ka lang para makapag higanti sila sa ama mo parte yun ng plano nila" siya

"Gag* ka ba? Hindi yan totoo, hindi yan magagawa ni Andrew" ako

"Bahala ka Dan kung ayaw mong maniwala basta totoo ang sinasabi ko, hindi lahat ng taong nakapaligid sayo ay mapagkakatuwalaan mo" siya

"Sinungaling ka" galit kung sabi sa kaniya

"Hindi ako nag sisinungaling, alam kung mahal na mahal mo siya kaya hindi ka naniniwala, tama ako diba?" siya

"Tama na" sigaw ko at itinapat sa ulo niya ang baril

"Sige ituloy mo, okay lang sakin may kasalanan din naman ako sayo" kalmado niyang sabi

"Ahhh" sigaw ko at pinatamaan siya sa balikat niya

"Ahh aray" daing niya

Nangingilid ang luha ko sa tagal kung naging best friend siya, hindi ko inaasahan na magagawa niya ang bagay na ito

"Umalis ka na baka magbago pa isip ko tuluyan na kita" ako at iniwan ko na siya

Narating ko ang hospital kung saan dinala si Daddy, paglabas ko ng kotse ay lumapit sa akin ang mga media buti nalang nandito ang ibang tauhan ni Daddy at hinaharangan sila

"Ms. Ventura ano po ang masasabi niyo sa nangyari sa inyong ama?"

"May lead na po ba kayo kung sino ang may gawa nito?"

"Kamusta po ang lagay ni Mr. Dominique Ventura?"

Pero wala akong sinagot kahit isang tanong man lang sa kanila at dirediretso lang sa pag lalakad

"Hayaan niyo muna ang pamilya nila kung maaari" saad ng gwardiya sa hospital

Hanggang sa narating ko nga ang room kung nasaan si Daddy at nandito sa labas sina kuya pati na mga kaibigan nila at mga kaibigan ko pero wala ang tao na inaasahan ko

"Dan" sila kuya

"Hows Dad?" tanong ko at sinilip siya sa may pinto

"Kakatapos lang operahan si Dad and unconcious pa" si kuya Deon

"Nahanap mo ba ang bumaril kay Dad?" Kuya Denver

"Yeah nakalaban ko rin" ako

"Sino nakita mo ba ang mukha niya?" Kuya Dylan

"No kuya, nakatakas siya pero may tama ito sa balikat" saad ko

"Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo bukod diyan sa pasa na nasa labi mo?" Leonel, tumango lang ako

"Nalaman ko na kung sino ang pumatay kay Nanay Yolly si Uno Guererro" saad ko

"What?" sila

"Nagtatago na siya ngayon kaya inutusan ko ang mga tauhan ko na pasabugin ang mansiyon at companiya nito" ako

"Bakit hindi mo kami sinabihan?" Kuya Deon na galit

"Kaya ko ang sarili ko" saad ko

"Palagi mo nalang sinasabi na kaya mo ang sarili mo, pano kung may nangyari sayong masama" si kuya Deon at masama akong tiningnan

"Wala naman nangyari saking masama" ako

"Ang tigas ng ulo mo" saad niya

"Siya rin ba ang may gawa kaya nabaril si Daddy?" Kuya Dylan

"Hindi ko pa sigurado pero ramdam kung oo" ako, kailangan ko pang siguraduhin na totoo lahat ng sinabi ni Nico at yung kay Andrew

"Bakit pati si Mr. Montero, anong galit niya sa pamilya namin at kay Dad? May posibilidad kayang nasa kanila din si Mommy? Alam kaya ito lahat ni Andrew at nag sisinungaling siya sakin?" tanong na gumugulo sa isipan ko at biglang ikinatulo ng luha ko

"Dan" sina Lara at niyakap ako

"Pakatatag ka lang girl, nandito lang kami para sayo" Jerry

"Thank you guiz" ako

Tumayo ulit ako at sinilip ulit si Dad na walang malay na nakahiga sa hospital bed

"Igaganti kita Daddy pangako yan" saad ko at pinunasan ang mga luha sa pisnge ko

Continue Reading

You'll Also Like

5.9K 173 13
Grace Gresley is a 17 year old girl in her last year of school. She is reserved, quiet, and kind. She doesn't like socialising with new people and pr...
50K 783 32
Akemi was thrown out of her auntie's house so she traveled to Manila to apply as a maid to a very handsome and successful man and she got unexpectedl...
40.1K 2.2K 20
✩♬ ₊˚.🎧⋆☾⋆⁺₊✧ ✩♬ ₊˚.🎧⋆☾⋆⁺₊✧ ✩ "Fight me, mismatched hair!" "Huh?! Who the hell are you calling mismatched, dumbass?!" "Shut up, Sumika and fight me...
2.1K 374 13
Meriana Gyrin West have a blissful marriage, but the blissful marriage end, when her husband meet someone that make her leave and Hide their son. FLU...