I Once Became A Part Of That...

By aswiex

559 61 5

Cyianna Jane "Yana" Alcantara is one of the high school students who ruined her high school life because of a... More

IOBAPOTS [DISCLAIMER]
AUTHOR'S NOTE
00
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17

04

13 4 0
By aswiex

Ganda...

Bahagyang lumaki ang mata ko. Hindi ko alam kung anong ire-react ko, or kung anong irereply ko. Ni hindi ko alam kung ano 'yung sinasabihan niyang maganda.

Me: 
Ha? Anong maganda?  | Send | Delete 

Delete...

Me: 
Uh? Thank you?   |Send | Delete 

Delete...

Me: 
Hatdog   |Send |  Delete 

Delete...

Magse-send na sana ako ng message nang biglang may chat na dumating galing sa kaniya.

Yuki Fernandez
Yung ano

Yung sagot mo maganda, hehe

"Alam naman pa lang linawin, eh" bulong ko. Nag-heart react ako sa message niya bago mag-type ng reply.

Me:
Thanks.

Yuki Fernandez
Thanks din.

Hindi ko alam kung anong 'thanks din' ang sinasabi niya pero hindi ko na lang 'yon ni-reply-an at nag-iwan na lang ako ng heart message. Hindi naman kami close para pahabain pa ang usapan namin.

Bunuksan ko ang attach case ko para tingnan ang mga modules na binigay nila. Napangiwi na lang ako nang makitang sobra sa one week na naman ang binigay nila. May summatives pa, 'yung iba naman na module ay nagawa ko na kaya binukod ko na lang. Alam naman na nila 'yan kung nagawa o hindi kung chine-check nila ang mga gawa namin.

Importante ang summative na nandito ngayon kaya inuna ko na siyang sagutan. Wala pa naman akong gagawin, ayoko namang tumulala na lang dito or mag-cellphone na lang habang may nga unfinished activities pa ako.

"Ate kakain na raw!" Katok ni Yesha sa pintuan.

"Sunod ako, wait lang!" Sagot ko. Mamaya na lang ako mag-sasagot, ayaw din kasi ni mommy na hindi kami sabay sabay na kakain. Isa 'yon sa rule dito sa bahay.

Sabay sabay na kaming kumain ng lunch. Hindi namin matawagan si daddy ngayon since midnight palang doon sa Canada at sure na tulog na sila doon. After kumain ay ako na ang naghugas ng plato. Sakto din kasi na kukunin ni mommy ang module ni Yesha sa school nila. Gusto sana ni Yesha na siya na Ang maghugas pero pinaligo ko na lang muna dahil kapag sinumulan na niya 'yung module niya or nag-cellphone na siya ay makakalimutan na naman niyang mag-shower.

After no'n ay pumasok na ako sa kwarto para simulan ang mga gawain ko. Nakita ko pang nagbabasa ng libro si Yesha. Halatang kakatapos lang niya naligo dahil basang basa pa 'yubg buhok niya, hinayaan ko na lang siya at sumalampak na lang sa study table ko para gawin ang mga dapat gawin.

Iyon lang ang nangyari sa mga sumunod na araw at linggo. Gigising, gagawin ang mga activities, magbabasa, a-attend ng online class, kakain, kakausapin si daddy sa gabi, at matutulog. My life is just a cycle. Doon lang umiikot ang bawat araw na lumilipas sa akin. Minsan ay tumatambay dito 'yung tatlo para gumawa ng module, at para takasan ang module nila as well.

"Finally, last module na 'to. Tapos na ang paghihirap ko sa 'yo, kaibigan." Napahinga ng maluwag si Katelyn nang matapos niya ang last module niya. Agad siyang humiga sa sahig para ma-stretch ang likod niya. Sabi ko kasi sa study table ko na lang gumawa dahil mabilis siyang mangawit. She kept in refusing. Hay nako!

"Tagal mo namang magsagot ng module mo, Kate, ikaw na lang kaya ang hinihintay namin." Nilingon ni Irish si Katelyn. Nasa kama kaming tatlo ni Irish at Xyrille habang si Katelyn naman ay nakaupo sa lapag at ginawang mesa ang kama ko, ewan ko ba rito at ayaw sa study table ko gumawa.

"'Yan, sabi ko sa 'yo sa study table ka na lang gumawa, tigas ng ulo mo." Inirapan ko siya nang bumangon siya mula sa pagkakahiga.

"Do you think makakagawa ako diyan?" Tinuro niya ang study table ko. "Eh, na-occupy na ng mga libro mo 'yung space, ayokong masikip 'yung space kaya nag-aaral ako, girl." Sagot niya.

"Eh, 'di ibababa 'yung libro, duh." Sagot ni Xyrille.

"Baka raw kasi matagusan niya 'yung foam sa upuan mo, Yana!" Tawa ni Irish.

"Wtf?!" Sigaw ni Katelyn, kaya napatawa kaming tatlo.

Pinagpahinga muna namin si Katelyn, bago kami umalis ng bahay. Nagpaalam na rin ako kay mommy na sa farm muna kami nila Katelyn. Nag-plano kasi kami kahapon na manood ng sunset and since hindi siya natuloy kahapon dahil tulog sila Irish at Xyrille ngayon namin itutuloy ang panonood ng sunset.

5:00 P.M

"Bilisan mo magpalit ng napkin, Kate. Anong oras na!" Kinatok ni Xyrille si Katelyn sa banyo rito sa kwarto niya.

"Manahimik ka!" Sigaw ni Katelyn. Her voice was muffled because she was inside the bathroom.

Nang lumabas si Katelyn sa banyo ay agad niya kaming tiningnan ng masama. "Masyado niyo na akong inaapi, ha. Isusumbong ko kayo kay kuya!"

"Wala ka naman kuya! Wala ka ngang kapatid, eh!" I hissed.

"Hindi ko naman sinabing kapatid, Isusumbong ko kayo kay kuyang crushicakes ko." Sagot niya.

"Harot mo!" Sagot ni Irish. Pabiro siyang inirapan ni Katelyn habang kami namang tatlo ay napatawa dahil sa irap niya.

Nagpaalam na kami sa parents ni Katelyn na sa farm muna nila kami sa likod ng bahay nila. Maaga raw na umuwi ang daddy ni Kate na Engineer dahil tapos na raw ang ginagawa nilang bahay kung saan mang lugar 'yon kaya nandito sila.

"Pagod na ako!"

"Napakaarte mo, Irish! Nakakailang hakbang ka palang mula sa loob ng bahay nila kate, 'wag kami!" Sagot ni Xyrille.

"I-piggy back mo na kasi ako, Yana!" Tinawag ako ni Irish.

"'Wag ako, Irish. Tigilan mo 'ko sa katamaran mo." Sagot ko.

5:35 P.M

"We're here!" Saad ni kate.

Agad na sumalubong sa amin ang malamig na hangin mula sa farm nila. Nakalimutan ko na namang magdala ng hair tie kaya nililipad din pati ang buhok ko. Medyo naiirita tuloy ako.

"Yana, oh," Tinawag ako ni Irish. Nang nilingon ko siya sa likuran ko ay may hair tie siyang hawak at inaabot iyon sa akin.

Napangiti ako bago naglakad palapit sa kaniya para kunin ang black na hair tie. "Thank you, mwa!"

Napangiwi siya, "Yuck!"

"Guys, upo na kayo rito!" Tinawag kami ni Xyrille. Tapos na kasi nilang ilatag 'yung dinala ni Katelyn na kumot para uupuan namin rito.

Agad kaming pumunta ni Irish doon at umupo.  Nasa gitna ako ni Irish at Katelyn habang katabi naman ni Katelyn si Xyrille.

Wala pang tanim dito sa farm nila. Next month pa raw nila planong lagyan ng tanim. Plano na raw kasi nilang gawing grape farm ito sabi ni Katelyn. Dati kasi ay puro gulay ang narito. Maganda din naman 'yon, tama lang ang laki ng farm nila para maging grape farm maganda din iyon dahil madalang na rin ang grapes na nakikita sa palengke kaya mahal kapag bibili ka. Pwede rin nilang gawing business 'yon.

"Wait," tumayo si Xyrille at kumuha ng malaking bato. Nilagay niya iyon sa likuran namin at pinasandal ang phone niya roon.

"Picture tayo, with sunset." Sagot ni Xyrille sa nga tingin namin. "Lingon na kayo ro'n lalagyan ko lang ng timer."

"Five seconds, ha."

"Ten! Masyadong mabilis 'yung five, tatakbo pa si Xyrille rito, oh." Sagot ko kay Katelyn.

"Oki po, Yukiro." Nginisian ako ni Katelyn, si Irish naman na nasa tabi ko ay narinig kong napatawa. Ewan ko kung narinig ni Xyrille 'yon.

"Che!" Inirapan ko siya.

"Game!" Tumakbo si Xyrille at umupo sa tabi ni Katelyn, kami naman ay inaangat ang mga kamay namin. Nag peace sign ako habang nagbibilang ng ten seconds sa utak ko.

"Okay na ba? Nangawit na ako." Tanong ni Irish.

"Tanga, bakit ka kasi ngumingiti, eh likod natin pini-picture-an?!" Tawa ni Xyrille. Kaya natawa na rin kami kahit si Irish ay tinatawanan ang sarili niyang kalokohan.

Kinuha ni Xyrille ang phone niya sa likod at bumalik sa tabi ni Katelyn.

"Tingin nga!" Kinuha ni Katelyn ang cellphone ni Xyrille. Sunod ko namang tiningnan 'yon,

Maganda 'yong picture kahit nakatalikod kami. Parang anino lang kami sa picture. Naka-peace sign ako habang nakaunat sa taas ang kamay ko. Si Irish naman ay naka-heart sign, nasa niya lang 'yon pero kita naman nang buo sa camera. Si Xyrille ay naka-rock-and-roll sign at nasa gilid niya lang din. Si Katelyn naman ay nakataas ang pointed finger at ipinatong iyon sa magkabilang gilid ng ulo niya para maging parang sungay iyon. Kitang kita ang maganda tanawin sa harap namin. Aesthetic tuloy tingnan.

"Dito naman, para may maganda mukha sa cellphone mo." Saad ni Irish at kinuha ang phone sa akin bago ibalik sa camera app para mag-picture.

"Ayusin mo itsura mo, ha! Baka mag-crack iphone ko." Saad ni Xyrille, inirapan naman siya ni Irish.

Naka-ilang shot din kami bago ibalik ni Irish ang cellphone ni Xyrille. Nang lumubog na ang araw ay isa isa na rin kaming tumayo para maka-uwi na since magdidilim na rin.

Nagpaalam at nagpasalamat na muna kami sa parents ni Katelyn bago umalis sa bahay nila. Ihahatid pa sana kami ni katelyn kaso tumanggi na kami kaya wala na siyang nagawa.

"Hello po, ma." Bati ko kay mommy na nagsasaing sa kusina.

"Oh, tapos na bonding niyong apat?" Tanong ni mommy.

"Ah, opo, pinanood lang po namin 'yung sunset. Madilim na rin po kasi kaya umuwi na kami. Si Yesha po?"

"Nandoon sa kwarto niyo, kung makita mo siyang gumagawa ng module niya, patigilin mo muna, ha. Baka pagod na 'yon kakasulat." Bilin sa akin ni mommy.

"Sige po, ma. Sa kwarto na po muna ako." Sagot ko.

"Tawagin ko na lang kayo for dinner." Sagot ni mommy. Tumango na lang ako bago pumunta sa kwarto.

"Ate!" Masayang tawag sa akin ni Yesha. Nakaupo siya ngayon sa kama niya at binabasa ang module niya.

"Oh? Nagsagot ka ng module mo?" Tanong ko.

"Opo, 'te! Kaso hindi ko pa tapos. Pagod na akong magsulat." Ngumuso siya.

"Ayos lang 'yan, p'wede mo pa 'yan gawin bukas ng umaga. Pahinga ka muna, or tulungan na kita, gusto mo?" Tanong ko.

"Huwag na po, ate! Kaunti na rin lang naman 'yon, eh." Agad niyang agap. Tumango na lang ako dahil hindi ko naman siya mapipilit. Umupo na lang ako sa kama ko at kinuha ang cellphone ko. Agad kong nakita ang message mula sa gc namin sa Shakespeare.

GRADE 9 SHAKESPEARE SY: 2021 - 2022

Ma'am Shaira forwarded a message.
Good evening, kindly announce this through your perspective group chats with your students. We will be having a try-out face to face classes this March 28 (Monday, next week). Region 1 DepEd already approved it and some schools are already doing it. Medyo nalate lang dito sa Pangasinan. After the try-out subukan na rin natin na i-face to face na ang mga bata 'til the end of fourth quarter. Thank you.
😯❤️💗🥰24

A message from the principal, good evening everyone.
️❤️💗21

Half day lang muna ang pasok, dahil try out pa lang naman. Changes of schedule will announced here kapag naglabas na ng bagong schedule.
❤️💗💜18

Gab
Wowers
😯19

Laurence
Gagi akala ko august pa?

Oliver
August yata yung tuloy tuloy na f2f erp, tas try out lang ngayon
❤️5

Trisha
Ma'am totoo po ba yan?? 🥺

Ma'am Shaira
Yes nak.
💗❤️😯14

We're not forcing you to do this, those who only want to join the try-out ang papasok. If you don't want, we don't have anything to do with that.
❤️💗16

Hannah
Ma'am want ko pong mag-f2f
️❤️9

Trisha
(2)
️❤️10

Troy
(3)
️❤️9

Pillow
(4)
️❤️9

Gian
(4)
😆11

Pillow
Ma'am may hindi po marunong magbilang dito
😆😭16

Ma'am Shaira
I'll create a poll, doon nalang kayo mag-vote mga anak para mailista ko na rin kaagad ☺️
❤️💗🤍15

Ma'am Shaira created a poll: who wants to join for the try-out f2f
I want to join
I don't want to join

Harold
Ma'am ano po yung f2f?
😭😆7

Troy
Face to face bro
😆10

Harold
Alam ko, tinanong ko lang para doon sa may mga hindi alam
😭😆❤️15

Sunod sunod ang pagtunog ng messenger ko dahil nagvo-vote na ang nga kaklase ko. Most of them vote to 'I want to join' wala pang nagvo-vote sa ayaw nilang sumama. Should I click 'I don't want to join'?

Napahilamos ako gamit ang palad ko, there's a part of me that I don't want to join but there's a bigger part of me that I want to join. Sa ilang araw na pag-iisip ko tungkol sa face-to-face classes na ito unti-unti ko na ring nare-realize na gusto ko ring i-try ulit. Pero parang palaging may pimipigil sa akin.

I looked again on the poll created by our adviser. 28 people have voted in 'I want to join'. Wala pa ring nagvo-vote sa 'i don't want to join'. I bit my lip and slowly clicked the 'vote'. I hope I would not regret this.

Me:
[You voted 'I want to join' to the poll]

Continue Reading

You'll Also Like

333K 9.3K 70
Everybody knows the Dutton Family but none of them have made a name for themselves quite like the youngest, Mae Evelyn Dutton. She's a force to be re...
175K 351 19
Just a horny girl
59.6K 3.3K 73
When shrivi goes home after a long time. Who doesn't have her parents' love and family's love for some reason. She had support from her grandmother...