IDLE DESIRE 8: THE MAFIA'S HI...

By ImaginationNiAte

879K 33.1K 9.3K

IDLE DESIRE 8: SAMAEL LAZARUS Nangako kay Ilaria ang Kuya Samael niya na kapag dumating siya sa edad na dalaw... More

DISCLAIMER
INTRODUCTION
PROLOGUE
1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
Epilogue
PLEASE TAKE TIME TO READ

KABANATA 55

14.3K 528 163
By ImaginationNiAte

KABANATA 55:

Ilaria POV

          EVERYTHING is ready. I'm nervous, namamawis na rin ang dalawa kong palad dahil sa kaba na nadarama ko. The beautiful and big day has come. Masaya at excited na ako na kinakabahan. Tinignan ko naman ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin bago ako matamis na napangiti.

Oh geez, I'm beautiful!

Today is our wedding day. Maganda rin ang sikat ng araw sa labas at sobrang ganda rin ng gising ko kaninang umaga dahil sa araw na ito na pinakahihintay naming dalawa ni Samael.

I'm wearing my dream back lace wedding gown, my make-up suits me too. I look like an elegant beautiful bride with class. It's simple but it's mesmerizing. It also fits me perfectly so my sexy and beautiful curvy body is clearly visible. Litaw talaga ang kagandahan ko at nagustuhan ko rin ang pagkaka-ayos sa akin ng make-up artist.

Suot ko na rin ang viel ko at bumagay rin sa akin 'yung ayos ng buhok ko. Talagang nakahanda na rin ang lahat. Hindi pa naman lumalaki ang tiyan ko kaya makakapagsuot pa ako ng damit na medyo hapit sa aking katawan.

Hindi na rin ako makapaghintay.

Bumukas ang pinto rito sa kuwartong kinaroroonan ko kaya nilingon ko kung sino ang pumasok. Agad na lumapad ang pagkakangiti ko nang magsipasukan sina Tita Maribel at Nanay.

"Oh my! You're gorgeous, hija!" makatamis na nakangiting turan ni Tita Maribel nang makita niya ako.

Natawa naman ako at nagpasalamat.

They are also ready. Naka-itim sila ng dress. Actually, iyon talaga ang tema na pinili namin ni Samael at nakagawian na rin 'yon sa Lazarus family kapag may isa sa angkan namin ang ikinakasal.

Naka-dress code dapat kaya naman lahat ng mga bridesmaid o mga bisita ay naka-black dress dahil gusto ni Samael na ako lang ang naka-puti sa araw ng kasal namin.

And that's what I want too. This is our dream big day and I really want to be the only one wearing a white wedding gown. Naka-black vest naman ang mga groomsmen habang si Samael ay naka-itim na tuxedo.

Excited na akong makita siya.

Paniguradong maglalaway ang mga babae mamaya once na makita siya. Dang! Ang gwapo kaya niya! Pero sorry na lang ang mga girls, sa 'kin na siya.

"Ready ka na ba, anak?" tanong sa akin ni Nanay.

Nakangiti ko siyang tinanguan, "Opo 'nay. Hindi na nga po ako makapaghintay eh." sagot ko kaya parehas silang natawa ni Tita Maribel.

"By the way, nasa simbahan na pala 'yung mga bisita natin. Tayo na lang ang hinihintay nila kaya maghanda ka na hija, nasa labas na ang gagamitin mong sasakyan." Ani Nanay kaya tumango-tango ako sa kaniya bilang sagot.

"Si Samael po pala?" tanong ko.

Dito kami sa Mansyon niya inayusan pero magkaiba kami ng kwarto. Hindi rin hinahayaan nina Tita Maribel na makita ako ni Samael para raw surprise. Syempre gusto ko rin naman na makita namin ang isa't-isa 'pag nasa simbahan na kami at kapag lalakad na ako sa aisle habang naghihintay siya sa akin sa altar.

Napangiti ako dahil sa wakas ay matutupad na ang dream wedding ko lalo na ang maikasal sa taong mahal ko pero higit naman akong minamahal.

"Kasama niya si Kuya Palermo mo at papunta na rin sila sa simbahan kaya maghanda ka na. Ang Kuya Atticus mo ang magda-drive sa 'yo papuntang simbahan." sagot ni Nanay sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag.

Iilan lang naman ang inimbitahan namin ni Samael, karamihan ay puro mga kamag-anak lang namin at mga malalapit na kaibigan ni Samael. We will not only get married here in the Philippines, we will also have a full wedding in Sicily once na makabalik na kami roon.

At masaya rin ako dahil matiwasay na natapos ang kasal nina Kuya Palermo at Ate Ysabel no'ng isang araw lang. Nauna silang ikinasal kaysa sa amin at doon kami ikakasal ni Samael sa simbahan na pinagkasalan nilang dalawa. I heard that the priest in that church is one of their friends.

Oo, kaibigan nina Samael at Kuya Palermo. Si Father Herschel. Actually ay na-meet ko na siya no'ng binisita namin ang simbahan nitong nakaraang araw lang. According to Samael, they met him at a resto bar called Idle Desire before he became a priest.

Doon din nila nakilala sina Zeev at ang iba pa nilang mga kaibigan. Hindi ko lang alam kung ano ang dahilan ni Father Herschel kung bakit siya pumasok sa pagiging isang pari.

Sa katunayan nga niyan ay gwapo siya, matangkad at matipunong lalaki kagaya nina Samael. Nahihiya lang talaga ako magtanong kay Samael dahil mukhang may alam silang magkakaibigan kung bakit pinili ni Father Herschel na maging isang pari.

Maybe it's because that's what he wants?

'O baka naman may malalim pa siyang dahilan? Ay ewan, mukha namang masaya si Father Herschel sa pagiging pari niya. Mabait nga siya eh, at masaya siya sa paglilingkod sa Diyos.

"I still can't believe you two are getting married," emosyonal na turan ni Tita at bumuntong-hininga kaya tumingin ako sa kaniya.

Bakas ko sa mukha niya na hindi pa rin talaga siya lubos makapaniwala na magpapakasal na kaming dalawa ni Samael at magkaka-baby na rin. Nang sabihin kasi namin sa kaniya ang tungkol sa amin ni Samael ay talagang gulat na gulat siya. Malinaw ko pang natatandaan kung paano nalaglag ang panga niya nang sabihin namin na ikakasal na kami.

The only thing she knew was that Samael and I were not real siblings, that I was adopted. But what she can't quite believe is that we are getting married. Na magkakatuluyan kaming dalawa dahil ang akala niya ay itutuloy lang namin ni Samael ang pagiging magkapatid. But Samael loves me, he wants me while I also fell in love with him. Kaya heto, nauwi ang lahat sa kasalan.

At masaya naman si Tita Maribel para sa amin ni Samael pati na rin ang buong angkan ng Lazarus. Masaya sila sa amin, tinanggap nila ang relasyon namin ni Samael at sinuportahan ang pagmamahalan naming dalawa.

Muli ko namang tinignan ang sarili kong repleksyon sa malaking salamin. Okay na ako sa ayos ko, kuntento na ako kaya tumayo na ako para makaalis na kami dahil baka naiinip na ang mga bisita namin na nasa simbahan na. Pero bigla akong nahilo.

Napahaplos din ako bigla sa tiyan ko nang makaramdam din ako ng gutom. Jusko! Heto na naman tayo. Mukhang umaandar na naman ang cravings ko! Naghahanap ako ng gusto kong kainin na pagkain ngayon.

"Ayos ka lang ba, hija?" tanong ni Nanay sa akin nang mapansin niyang bumalik ako sa pagkakaupo sa silya.

I nodded in response, "Nagugutom lang po ako, 'nay." saad ko.

"Aba, hindi ka ba kumain kanina bago ka ayusan?" nakakunot-noong tanong ni Tita.

"Kumain naman ho, pero nagugutom na naman po ako. Parang gusto kong kumain ng icecream.." sagot ko sa kaniya dahilan para magtinginan silang dalawa sa isa't-isa.

Nagke-crave talaga akong kumain ng ice cream ngayon. Gusto ko ng matamis na tsokolate at ma-creamy. Kaya heto, kumakalam ang aking tiyan sa gutom dahil sa buntis ako at naglilihi. Bukod pa roon ay gusto ko rin kumain ng Bopis na may mainit-init pa na kanin.

Nakakain na kasi ako no'ng nakaraang araw ng gano'n nung araw na sabay kaming nagkaroon ng bridal shower ni Ate Ysabel. Oo, pinagsabay na namin dahil halos magkasunod lang din naman kaming ikakasal.

Simple lang din ang bridal shower namin subalit masaya dahil kasama namin si Maria at si Giovanni, ang kaibigan ni Ate Ysabel na sobrang kalog pero masaya naman silang kasama. Kaya heto, hinahanap-hanap ko ulit ang lasa ng pagkain na kinain namin.

"Ano pa bang gusto mong kainin bukod sa icecream? Magpapabili na lang ako kay Tito Avenido mo.." turan ni Tita pero umiling-iling ako.

"Magpapabili na lang po ako kay Samael, Tita." nakangiti kong sagot kaya napatango na lang siya.

"Oh s'ya, bilisan mo na lang diyan. Bababa na kami para sabihan 'yung iba na magtungo na sa simbahan para walang male-late kapag nagsimula na ang seremonya," ani Nanay kaya nakangiti ko lang siyang tinanguan bilang sagot.

Sinundan ko lang sila ng tingin habang kinuha ko naman agad ang aking cellphone at tinawagan ang aking gwapong mister. Nakakailang ring pa lang ay sinagot naman ni Samael agad ang tawag ko.

"Bakit napatawag ang aking magandang bride? Namiss mo na ba ako agad, wifey ko?" masaya ngunit malumanay niyang bungad na salita sa kabilang linya kaya napa-bungisngis ako ng mahina.

"Nagugutom kasi ako.." parang bata kong sabi sa kaniya.

"Nasaan ka na pala?" tanong ko pa.

"Nagugutom ka? Bakit? Hindi ka ba kumain diyan? Papunta na rin ako sa simbahan kasama sina Palermo." aniya at kahit hindi ko siya nakikita ay nakakatiyak naman ako na magkasalubong na ang kaniyang kilay.

"Kumain naman ako pero nagugutom ulit ako.." sagot ko.

"Okay, fine. Ano bang gusto mong pagkain? Bibilihin ko para sa 'yo bago ako dumiretso sa simbahan," turan niya na nagpangiti sa 'kin ng sobrang tamis.

"Gusto ko ng icecream pero icecream ng Jollibee ah? Lalo na 'yung chocolate sundae twirl na kinain namin ni Ate Ysabel no'ng isang araw bago sila ikinasal ni Kuya Palermo. Pati na rin yung Bopis na pagkain sa 7/11. Iyon ang gusto ko! Bili ka na rin ng siopao," nakangiti at excited kong sabi sa kaniya.

Narinig ko naman sa kabilang linya ang pag-chuckled niya. Oh ghad, kahit ang pagtawa niya ay napaka-manly pakinggan.

"Okay, sige. Bibili ako. 'Yun lang ba?"

"Yup, 'yun lang." I replied, "I'll see you at the church. Ingat ka," dagdag ko bago ako nagpaalam at pinatay na ang tawag.

After ko siyang makausap ay saka ako nagpasyang tumayo na at tinawag ang wedding organizer para sabihing handa na akong lumabas. Tinulungan naman niya ako na hawakan ang likod ng gown ko bago ako lumabas at nagtungo na sa labas ng Mansyon.

Doon ay naabutan ko sina Nanay Dolores, pati na rin ang aking ama na nakahanda na rin ngunit mukhang ako na lang ang kanilang hinihintay. Pati ang mga sasakyan ay nakaparada na rin sa labas.

Napangiti pa ako nang makita ko si Tito Avenido at si Daddy Salvatore na masayang nag-uusap. Masaya ako na magkasundo na silang dalawa at para lang silang magkaibigan na nagkukuwentuhan.

"Wow, what a beautiful bride you are, la mia sorellina!" nakangiting bulalas ni Kuya Atticus sa 'kin nang makita niya ako.

Nag-init ang aking mukha pero nagawa ko pa rin na magpasalamat sa kaniya. Gano'n din sa aking ama na namamangha rin akong binigyan ng compliment.

"Are you ready, hija?" tanong sa akin ni Tito Avenido.

Tumango ako, "Opo, Tito. Handa na po." sagot ko.

"That's great! Let's go, everyone is waiting at the church." aniya at naging hudyat naman iyon para magsisakayan na silang lahat sa kani-kanilang mga sasakyan.

Huminga naman ako ng malalim bago ako sumakay sa sports car ni Kuya Atticus na gagamitin naming sasakyan papuntang simbahan, ang kaniyang mamahalin na puting Ford Mustang.

Wala naman kaming sinayang na minuto at umalis din kami agad para magtungo na sa simbahan. Naka-convoy sa amin ang mga tauhan ni Kuya Atticus para sa proteksyon namin. Saglit ko lang din siyang tinignan nang may inabot siya sa 'kin na isang itim at 'di gaanong kalakihan na box.

"Open it, it's my gift for you." he said without looking at me.

'Yung atensyon niya kasi ay nasa pagmamaneho ng sasakyan. Mas mabuti na rin 'yon kaysa biglang may masamang mangyari kapag hindi siya naka-focus sa pagda-drive.

Kinuha ko naman iyon at binuksan para tignan kung ano ang laman nito. Isang bracelet na kulay gold at mahahalata ko agad na mamahalin ito. Namangha pa ako dahil infinity bracelet ito kung saan mahahalata ko rin na pina-customized ito dahil may naka-engrave na pangalan naming dalawa ni Samael.

"That's a couple bracelet. Ang isa sa 'yo habang ang isa ay kay Samael. Wear it, for sure, Samael is already wearing his bracelet." aniya kaya napangiti ako ng matamis dahil nagustuhan ko itong regalo niya.

"Thank you, Kuya.." sinsero kong pagpapasalamat sa kaniya.

He smiled sweetly, "Always welcome. That infinity bracelet symbolizes eternity, commitment and everlasting love, kaya 'yan ang naisip kong bilihin na regalo para sa inyong dalawa ni Samael. At saka kapatid kita, Ilaria. Babawi kami ni Dad sa lahat ng pagkukulang namin sa 'yo kaya lahat ng gusto mo ay ibibigay namin,"

I smiled widely. Gosh, he's so sweet!

Simula talaga nang malaman ko na magkapatid kami at nakilala ko na ang aking ama ay talagang bumabawi sila agad kahit na hindi naman nila ibigay sa akin ang lahat dahil hindi naman ako 'yung tipo ng babae na maluho. Sapat na sa akin na makilala sila.

Pero nakakatuwa lang din dahil kahit na magkapatid lang kami ni Kuya Atticus sa ama ay tinuturing pa rin niya ako na parang isang tunay na kapatid. Binibigay nila sa akin lahat kahit hindi naman ako nanghihingi. Idagdag pa ang aking ama na bumabawi rin sa lahat ng pagkukulang niya sa 'kin, kahit kay Nanay Dolores ay bumabawi rin siya.

Masasabi ko na maswerte ang babaeng makakatuluyan nitong si Kuya Atticus. Kasi kahit na isa rin siyang Mafia ay mabait siya at may mabuting puso.

Mabuti na nga lang ay nagkasundo na ang dalawang pamilya. Wala nang inggitan na nangyayari sa pamilyang Cardinal at Lazarus. Naging maayos na ang lahat. Nagkasundo na sila at walang gulong nangyayari.

Peace, that's all they want.

The two families that were once rivals and enemies are now united and reconciled. Mabilis pa nga kumalat ang balita sa underworld ang tungkol doon --- na ang Cardinal at Lazarus ay nagkaisa na. And I'm happy because of that.

Paniguradong natatakot na ang iba dahil isa rin ang Cardinal family na mayaman at kinakatakutan sa underworld. For sure ay masaya rin sina Daddy Maximo at Mommy Larisa kung saan man sila naroroon.

Actually, I don't need their money. I'm not fond of excessive luxury. I am also not a materialistic person who wants to buy everything, the only thing I want is their time. 'Yon lang talaga ang gusto kong ibigay nila sa akin lalo na ang aking ama.

Because time is the most precious to me and who we spend it with. Kaya nga tini-treasure ko ang bawat minuto o segundo na kasama ko ang aking pamilya dahil natatakot ako na baka hindi na 'yon maulit pa.

Mabilis lang kasi talaga lumipas ang oras kaya dapat ibigay mo ang oras mo sa taong mahal mo at mahalaga sa buhay mo. You can't buy it but it's important to us. Oras at atensyon lang nila ay kuntento na ako.

Muli akong nagpasalamat kay Kuya Atticus bago ko suotin itong bracelet na bigay niya. It took us a few minutes before we reached our destination. Kitang-kita ko sa labas kung gaano karaming mga bodyguards ang nagbabantay sa labas ng simbahan. Gusto rin kasi ni Samael na i-make sure na walang mangyayaring gulo at magge-gate crash sa araw ng kasal namin.

"He hasn't arrived yet?" rinig kong salita ni Kuya Atticus kaya napatingin ako sa kaniya.

"Who?" I asked.

"Your Mafia husband. He's not here yet. I don't see his car either." he responded before he pulled over his car near the entrance of the church door.

"Ahm, actually tinawagan ko siya kanina sa cellphone para pabilihin ng pagkain." I said.

He quickly looked at me, "Are you having cravings again?"

I nodded to him like a kid.

It's not my fault if I'm hungry. I am pregnant and having a cravings. Hindi naman nila ako masisisi kung naghahanap ako ng gusto kong kainin na pagkain kagaya na lamang ng icecream at Bopis na mabibili lang sa 7/11. Bukod sa affordable na ay masarap pa.

Napansin ko naman sina Tita Maribel na lumapit dito sa amin kaya binaba ko agad ang bintana.

"Wala pa sina Samael at si Palermo." Ani Tita sa amin.

"Baka po natagalan lang sila sa pagbili ng pagkain," turan ko.

"Gano'n ba, hija? Oh s'ya, maghintay na lang muna tayo rito hanggang sa dumating sila lalo na ang groom." sambit naman ni Tito Avenido kaya tumango-tango kami sa kaniya.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang paligid ko, lahat ng mga bisita namin na dadalo ngayon sa kasal namin ay narito na. Inaayos na sila ng wedding organizer kaya ang mga bridesmaid at groomsmen ay nasa labas na para maghanda sa pagpasok at paglakad sa aisle.

Hinintay lang namin na makarating ang aking groom pati si Kuya Palermo dahil silang dalawa ang magkasama. Hindi na rin muna ako pinababa nina Tita Maribel sa sasakyan subalit ten minutes na ang nakakalipas ay wala pa rin sila.

Bakit ang tagal naman yata nilang dumating? Jusko! Late na sila! Magsisimula na rin ang seremonya ng aming kasal.

"Hindi pa rin sila dumarating, sigurado ka ba na pinabili mo lang si Samael ng pagkain?" pagtatanong ni Kuya Atticus sa akin.

Tumango ako, "Pagkain lang naman ang pinapabili ko sa kaniya." sagot ko.

"Eh ba't ang tagal naman yata nila?" he asked habang nakakunot ang kaniyang noo.

Napakibit-balikat naman ako. Kahit ako rin naman ay nagtataka. Hindi ko alam kung bakit ang tagal ni Samael na dumating. Naghanap pa ba sila ng 7/11? Ay ewan. Darating naman siguro 'yon. Hindi siya pu-pwedeng hindi dumating dahil ngayon ang aming kasal.

"Maghintay na lang po muna tayo, parating na rin po ang mga 'yon." sabi ko kina Nanay na nasa labas.

Naghintay lang ulit kami ng ilang minuto hanggang sa napansin namin na may dumating na sasakyan. Ngunit nangunot ang noo ko nang mapansin ko na isa itong jeep. Pero ang higit na ipinagtaka ko kung bakit sina Samael ang bumaba sa jeep na 'yon.

Halos hindi na maipinta ang pagmumukha ng aking groom. Sunod namang bumaba sina Kuya Palermo pati na rin sina Zeev na natatawa sa reaksyon ni Samael. Ano kayang nangyari sa kanila? Nasaan 'yung sasakyan ni Samael?

• • •

Third Person's POV

          "ANONG sabi ng bride mo?" Palermo asked him matapos niyang makausap si Ilaria sa cellphone. Bumalik lang ulit siya sa pagmamaneho at agad nagtungo sa Jollibee para bilihin ang pagkain na gustong kainin ng kaniyang naglilihing misis.

"Nagpapabili ng pagkain si Ilaria. Alam mo na, naglilihi." sagot niya sa kaniyang pinsan.

"Anong pinapahanap sa 'yo? Maselan ba siyang magbuntis?" pagtatanong naman ni Zeev na nakasakay sa backseat ng sasakyan.

Halata niyang naku-curious ang kaniyang kaibigan. Si Zeev, Perseus at Palermo lang ang kasama niya ngayon habang nasa simbahan na ang ilan sa mga kaibigan niya, paniguradong naghihintay na ang mga ito sa kanila.

Wala naman silang kasamang convoy dahil kaya naman nila ang mga sarili nila 'pag may nagtangkang tumambang sa kanila. But he hoped that no one would ambush them.

May their wedding ceremony be peaceful and full of happiness. Iyon lang ang hinihiling ni Samael, na maging okay ang lahat hanggang sa matapos ang seremonya.

"Icecream sa Jollibee, at Bopis naman sa 7/11. That's what my wife wants. Hindi rin naman siya masyadong maselan na magbuntis, but I still take care of her as the Doctor said because she gets tired quickly. Mabilis din siyang magutom at talagang naghahanap siya ng pagkain na gusto niyang kainin.." he answered.

"Parehas lang pala silang dalawa ni Ysabel maglihi, parehas din mabilis magutom." nakangiting sambit ni Palermo kaya napangiti si Samael.

"Because we love our girl. We are just the same, we will give her everything she wants, lalo na ang pagkain na pinaglilihian niya." Samael said.

Ngumiti lang ng matamis si Palermo hanggang sa nakarating sila sa Jollibee. Today is Sunday and it's family day, kaya naman hindi na magtataka si Samael nang makita niyang maraming mga tao sa loob ng Jollibee. Karamihan ay puro pamilya na masayang kumakain sa loob.

He wants that kind of family, lalo na 'yung nakikita niyang pamilya ngayon. 'Yung tipong masaya at sama-sama na kakain. 'Yung magkakasamang lalabas para gumala o kumain. He couldn't wait any longer, na-e-excite na siya na lumabas at makita ang anak nila ni Ilaria.

Hindi na rin siya makapaghintay na mayakap, mahawakan at mabuhat ang kaniyang anak. They still don't know the gender of their child, but he will accept whatever the gender of his child will be.

Ayon din sa Doktor na huma-handle kay Ilaria ay maaaring hindi lang isang bata ang nasa sinapupunan ni Ilaria, they might have twins so he will be even more excited.

Hindi rin naman mahalaga kay Samael kung ilan ang magiging anak nila. Lalaki siya, si Ilaria ang magdadala ng anak nila kaya ayaw niya na mahirapan ang kaniyang misis. Alam naman niya kasi na hindi madali na magdalang-tao ang isang babae. Kaya gusto niya na si Ilaria ang magde-desisyon kung ilan ang gusto niyang anak, as long as kaya niya.

They will carry their child for nine months, they will be the ones to labor and they will be the ones to give birth. Kaya para sa kaniya ay nararapat lang na intindihin ang pagbubuntis ng mga babae.

They should be taken care of and stay by their side. And that's what a real man should do. Love them, take care of them, understand their feelings and be patient. At iyon ang ginagawa niya kay Ilaria, ang manatili sa tabi niya at maging pasensyoso.

Sapat na kay Samael na mabiyayaan sila ng anak. Na maging healthy ang baby nila maski si Ilaria. Iyon lang ang gusto niya. Wala na siyang ibang hihilingin.

Masaya rin siya na si Ilaria ang makakasama niya habambuhay. Siya lang ang babaeng papakasalan niya at nag-iisang babae na papangakuan niya sa harap ng altar na mamahalin niya at hindi niya iiwan hanggang kamatayan.

Pasalamat siya ay may drive thru kaya hindi siya nahirapan. Dumiretso naman sila agad sa 7/11 matapos nilang makabili ng icecream, dinamihan na rin niya para sigurado. Buti na lang ay may nakita sila agad na 7/11 kaya binili na niya agad ang tinutukoy ni Ilaria na Bopis na may kanin.

Isa itong Busog Meal at ready to heat na rin. Napansin niya pa na nagtaka ang lalaking nasa cashier nang makita siya nito. Sabagay ay magtataka talaga ito dahil nakasuot siya ng tuxedo. But he loves Ilaria so he will do everything for her. Ibibigay rin niya ang lahat ng gusto niya.

Matapos niyang mabili lahat ng pagkain ay saka siya sumakay ulit sa kotse niya at nagtungo na sa simbahan.

"Tumawag si Ysabel. Ilaria is already in the church, ikaw na lang daw ang hinihintay nila." Ani Palermo.

"Tell them we're on our way.." utos niya.

Tumango ang kaniyang pinsan at tinext ang asawa nito na papunta na sila sa simbahan. Minadali na niya para hindi sila ma-late. But they were in the middle of the road when his car suddenly stopped. He cursed in his mind. Narinig rin niya na parang may gulong na pumutok banda sa likod ng sasakyan niya.

"What happened? Bakit tayo huminto sa gitna ng kalsada?" takang tanong ni Zeev.

"Isn't it obvious, Zeev? Malamang nasiraan tayo ng sasakyan," naka-poker face na turan ni Perseus.

"I just want to know, you idiot. Malay mo trip lang ni Samael na ihinto sa gitna ng kalsada 'yung mamahaling kotse niya," nakabusangot namang sagot ni Zeev.

Bumuntong-hininga na lang si Samael.

"Wait here," salita niya bago siya bumaba para i-check kung ano ang nangyari sa sasakyan niya.

"Fuck!" malutong niyang mura nang makita niyang may butas ang gulong ng kaniyang sasakyan.

Hindi niya alam kung paano ito nabutas, pero isa lang ang problema niya. Wala siyang nadalang reserbang gulong na puwedeng ipamalit dito. Wala rin silang kasamang mga convoy para maghatid sana sa kanila sa simbahan. Shit! Kung bakit ngayon pa ito nangyari!

"The hell, dude." bulalas ni Zeev na nakasilip sa bintana nang makita rin nito ang nangyari sa gulong.

"Minalas ka pa.." sambit naman ni Perseus.

"We are running out of time, the ceremony will start in a few minutes. Wala ka bang ekstrang gulong diyan?" Palermo na bumaba na rin ng sasakyan.

"Wala akong dala, shit!" may inis niyang sagot.

Ano'ng gagawin niya? Malapit na magsimula ang kasal nila at hindi siya maaaring ma-late. Alangan naman na magpasundo pa sila at hintayin ang ilan sa mga tauhan niya para sunduin sila. Kung bakit ngayon pa siya inatake ng kamalasan!

"Wala tayong choice, alangan naman na magpasundo tayo at maghintay rito. Mag commute na lang tayo kaysa maghintay, at least hindi ka male-late sa kasal niyo ni Ilaria.." sambit ni Zeev na bumaba na rin sa sasakyan niya.

"Zeev is right," tumango-tangong sagot ni Palermo.

"Ang tanong, marunong ba kayong mag-commute?" Perseus asked, "'Wag niyo akong asahan diyan, hindi ako marunong mag-commute." dagdag niya pa.

Isa pa 'yun sa problema nila. Kahit si Samael ay hindi marunong mag-commute. Inis pa siyang napamura nang tignan niya ang paligid ay walang masyadong dumaraan na sasakyan dito kahit taxi man lang. Puro mga jeep at bus lang.

"Ako, marunong ako." nakangiti at tila proud na saad ni Zeev kaya napatingin naman sila sa kaniya.

"Really? Paano?" tanong ni Perseus.

"Tara na, huwag na maraming tanong. Five minutes nang late si Samael. Baka mag-back out pa si Ilaria at maisip niyang huwag na lang ituloy ang kasal nila ni Samael." nakangising pananakot ni Palermo kaya napamura si Samael.

"Ano bang sasakyan natin?" nakakunot-noong katanungan ni Samael habang kinukuha ang ilang mga gamit niya pati ang binili niyang pagkain para kay Ilaria.

"Jeep, mas alam ko kung paano sumakay sa jeep." sagot ni Zeev.

Hindi na sila nagsalita, siniguro ni Samael na naka-lock ang kaniyang kotse at ipapakuha na lang niya ito sa tauhan niya. Agad naman silang pumara ng jeep na ngayon ay padaan. Nakasakay rin naman sila agad habang ang mga pasahero ay napapatingin sa kanilang gawi.

Hindi na rin sila umarte pa, mas mabuting makarating sila agad sa simbahan kaysa ma-late. Natatakot si Samael na baka mag-back out si Ilaria at baka wala na siyang maabutan.

"Why are they looking at us? Mukha ba tayong ngayon lang nakasakay sa jeep?" mahinang tanong ni Perseus sa kanila.

"Oo, dude. Ang ganda kasi ng suot natin tapos ang gwapo ko pa kaya pinagtitinginan nila tayo," sagot ni Zeev.

"Ulol. Tinitignan ka kasi mukha kang unggoy," pang-aasar ni Perseus kaya napailing-iling na lang si Samael sa kakulitan ng dalawa niyang kaibigan na ngayon ay nagsisimulang mag-asaran habang si Palermo naman ay natatawa lamang.

"Saan po kayo bababa, mga sir?" tanong sa kanila ng jeepney driver.

"Sa simbahan ng San Agustin, manong." sagot ni Samael sa matanda.

Tumango lang ito at nag-drive.

He looked around, this was his first time riding a jeep. Mahaba ang upuan sa magkabilang gilid kung saan umuupo ang mga pasahero. Medyo siksikan habang panay naman ang tingin ng mga pasahero sa kanila. Mapababae man o lalaki, matanda o bata.

Ang dalawang naka-school uniform at mukhang highschool student na babae na nakaupo sa tabi ni Perseus ay panay ang tingin sa kanila, halatang kinikilig ang mga ito. Hindi rin nakaligtas kay Samael ang hawak nilang cellphone at palihim silang kinukuhanan ng litrato.

Pinagtaasan naman niya ng kilay ang lalaking nasa harapan niya, nakatingin ito sa pagkain na hawak-hawak niya. Medyo pinagpapawisan na rin siya, subalit ang mahalaga ay makarating sila agad sa simbahan.

"Teka, nagbayad na ba kayo?" Zeev na nakatingin sa kanila.

"Paano ba magbayad? Tignan mo nga, nasa dulo tayo nakaupo tapos ang layo pa ng driver sa 'tin," nakasimangot na sambit ni Perseus.

Tama si Perseus, nasa bandang dulo sila at malayo sa kanila ang driver. Paano sila magbabayad?

"Hay naku, ang dali-dali lang ng problema pinapalaki niyo pa." umiling-iling na saad ni Zeev bago nito nilahad ang palad nito sa kaniyang harapan.

"Pahinging pera, wala akong cash dito." anito sa kaniya.

"Wala rin akong cash," Ani Perseus kaya bumuntong-hininga si Samael.

"Hold it first, be careful. Baka matapon." aniya at inabot kina Zeev at Palermo ang hawak niyang pagkain.

Kung hindi lang sana nabutas ang gulong ng sasakyan niya ay hindi sana magiging hassle ang lahat. Ikakasal na nga lang siya, minalas pa. Mukhang may balat sa puwet ang isa sa mga kaibigan niya.

Kinuha naman niya ang wallet niya sa bulsa niya at kumuha ng pera. Buti ay may cash pa siya pero wala naman siyang barya kaya isang libo ang hinugot niya sa wallet niya.

"Sige na, Perseus. Ikaw na magbayad sa driver. Medyo malapit na tayo sa simbahan," utos ni Zeev sa kaibigan.

"Teka, ba't ako?"

"Aba, para may pakinabang ka naman. Nakikita mo naman na may hawak kami."

Napasimangot naman si Perseus bago nito kunin ang isang libo kay Samael. Kung hindi lang niya kaibigan ang mga ito ay baka una na niyang natadyakan sa bayag si Zeev.

Wala na siyang nagawa pa. Huminga siya ng malalim at tumingin sa driver. Medyo malayo ito sa puwesto niya. Naiilang pa siya sa mga pasaherong kanina pa nakatingin sa kanila. Lalo na 'yung matandang lalaki na nakatingin sa pagkain na binili ni Samael para kay Ilaria.

Humugot si Perseus ng lakas ng loob bago siya nakayukong naglakad papunta sa driver para iabot ang pera. Medyo nahirapan pa siya dahil matangkad siya at medyo masikip dito sa loob ng jeep. Naamoy pa nila ang masangsang na amoy galing sa bayong ng matandang babae kung saan punong-puno rin ito ng mga gulay.

"Manong, bayad ho." mabilis na inabot ni Perseus ang pera sa driver.

"Ay naku sir, wala po kaming panukli sa isang libo." Ani manong sabay kamot sa ulo.

"Sige, keep the change na lang. Hindi naman sa 'kin galing 'yung pera, sa inyo na lang po 'yung sukli. Kabayaran sa kasipagan niyo," sagot niya kaya natutuwang tinanggap ng driver 'yung isang libo.

"Pakibilisan na lang po 'yung pagda-drive, baka po makapatay 'yung kaibigan namin kapag na-late siya sa kasal niya." pahabol pa niyang sabi bago siya bumalik sa upuan niya.

Hindi na lang niya tinignan ang mga pasahero na sinusundan lang siya ng tingin. Nagtaka naman si Perseus nang mapansin niya si Zeev, nakasimangot itong nakatingin sa kaniya.

"What?" he asked.

"Nothing, idiot ka lang talaga. Napaghahalataan kang first time mong sumakay sa jeep," sagot nito kaya nagkasalubong ang kilay niya.

"Bakit? May masama ba sa ginawa ko?"

"Yup, dude. Pinahirapan mo pa sarili mo. Puwede mo namang ipaabot 'yung pera sa mga pasahero," turan nito kaya napakamot siya sa ulo niya.

Hindi niya alam na pu-pwede pala iyon. Kasalanan ba niya kung first time lang niyang sumakay sa jeep at wala siyang alam sa pagko-commute?

Wala na ulit umimik sa kanila. Hinintay na lamang nila na makarating sila sa simbahan bago pa mahuli ang lahat.

"Why is he looking at your food?" Palermo whispered in Samael's ear.

Pinasadahan ulit ng tingin ni Samael ang lalaking nakaupo sa harapan niya. He was still looking at the food he was carrying. Nangunot ang noo niya at mahigpit itong hinawakan. Gusot ang damit na suot ng lalaki.

"Well, mukha naman siyang mabait kahit wala sa hitsura." bulong din ni Zeev sa kaniya kaya nasiko siya ni Perseus.

"Mukhang nagugutom, bigyan mo ng pagkain kahit kaonti lang. Maawa ka naman," pangongonsensya ni Perseus sa kaniya.

"No, pagkain ito ni Ilaria. I bought it for her," matigas niyang turan.

"But it looks like he's hungry. Hindi ka ba naaawa? Mukhang natatakam sa pagkain na hawak mo eh. At saka marami naman 'yang binili mo," Ani Zeev.

"Naaawa ba kayo?" Samael asked.

Tumango naman silang dalawa.

"Eh 'di bilhan niyo ng pagkain." sambit niya kaya muntik nang bumalanghit ng tawa si Palermo.

Hindi naman siya madamot pero sadyang ang pagkain na ito ay binili niya para kay Ilaria lang. Ni hindi nga siya bumili ng pagkain para sa kaniya. Hindi na lang ulit nagsalita ang dalawa at pinili na lamang ng mga ito na manahimik.

Samael looked at that man again, he caught him swallowing saliva as he looked at the food in his hand. He is obviously hungry. Inis siyang bumuntong-hininga bago niya kunin ang isang siopao at inabot 'yon sa lalaki. Paniguradong ganito rin ang gagawin ni Ilaria kapag kasama niya ang misis niya.

"Take it, you might be hungry." he said.

"P-pasensya na, hindi ko maintindihan ang sinabi mo pero s-salamat.." nakayuko nitong sabi at kinuha ang siopao.

Tango lang ang sinagot niya. While his friends were proudly smiling at him. He just gave them a death glare and didn't say a word. Panigurado kasi na aasarin siya ng mga ito kapag nagpaliwanag pa siya.

"Excuse me po?"

Bumaling ang atensyon nila sa dalawang babaeng estudyante. Nakangiti ang mga ito habang hawak ang kanilang cellphone.

"Yes, girls?" nakangiting si Perseus.

"Ang gagwapo niyo po!" turan ng isa.

"Ahm, puwede po bang matanong kung single pa po ba kayo?" kinikilig na tanong naman ng isang babaeng kulot.

"I'm married and I love my wife," Palermo replied proudly and he showed his wedding ring.

Kinuha naman ni Samael ang cellphone niya at pinakita sa dalawang babae ang litrato ni Ilaria na nasa wallpaper ng kaniyang cellphone.

"I'm getting married," Samael's answer was frugal and serious, "And the girl you see on my phone wallpaper is my beautiful and stunning bride. And I'm madly in love with her," he added.

"Fuck, why is she so beautiful? I can't wait to see her in her wedding gown," bulalas pa ni Samael habang nangingislap ang mata niyang nakatingin sa litrato ni Ilaria na nasa phone niya.

"I'm not married but I'm not available either," nakangiting sagot ni Zeev sa dalawang dalaga.

"I'm also not married. I'm handsomely single but not ready to mingle." nakangiti namang sagot ni Perseus kaya natahimik ang dalawang babae.

Matiwasay silang nakarating sa simbahan kaya dali-dali silang bumaba sa jeep. Naabutan naman nila na naghihintay ang lahat sa kanila.

"Ba't natagalan kayo?" bungad na tanong ng Tita Maribel nila sa kanila.

"Bakit din kayo nakasakay sa jeep? Nasaan 'yung kotse mo?" tanong naman ni Wyatt sa kaniya.

"Nasiraan ng gulong si Samael kaya nag-commute na lang kami." sagot ni Palermo.

"Okay, dalian niyo. Magsisimula na ang seremonya." turan ng Tito Avenido niya.

"Inakala pa ni Ilaria na nagbago ang isip mo at hindi ka na makakarating, buti dumating na kayo." natatawang sabi ni Atticus sa kaniya.

"Where is she?" he asked them.

"She is in the car, but she's fine." Atticus replied, "Akin na ito, ibibigay ko lang kay Ilaria." aniya kaya binigay lang niya sa binata ang mga pagkain na binili niya para kay Ilaria.

"Get ready, naglalakad na ang mga bridesmaid at groomsmen sa aisle." Mr. Cardinal said and he nodded in response.

Everyone is already inside the church. He also walked down the aisle until he reached the altar and patiently waited for Ilaria. The gentle, but beautiful slow music played, until he saw his bride at the entrance. It's her turn to walk down the aisle.

Even though she was still at the entrance, he could already see how gorgeous she was in her wedding gown. Nakangiti siyang nakatingin sa kaniya hanggang sa nagsimula na rin siyang maglakad ng dahan-dahan papunta rito sa altar.

Shit, he is lucky to have her!

He is lucky that he has a beautiful bride, who will be his wife and the only one he wants to spend the rest of his life with. Ang babaeng gusto niyang maging ina ng magiging anak niya.

He will be faithful to her. Kailanman ay hindi magbabago ang nararamdaman niya para sa unang babaeng kaniyang minahal --- si Ilaria.

Meeting her was the best thing that happened in his life. His eyes lingered on her beautiful and angelic face. Dang! She was truly the most beautiful bride he had ever seen.

And he can't wait to promise in front of the altar and say I do. He will promise with all his heart that he will love her and be with her till death. He will always admire her, he will make sure that he will be her source of happiness and strength. He will always choose her, listen to everything she says and love her even in the afterlife.

And he will always put family first, they are his only top priority. Hinding-hindi niya kailanman ipagpapalit ang pamilya niya sa iba lalo na ang nag-iisang babaeng bumihag sa puso niya.

#

A/N: Pasensya na sa sobrang mabagal na update. Epilogue na po ang next. At maraming salamat din po sa mga bumati sa 'kin kahapon. Sorry po ulit kung ngayon lang ulit nakapag-UD.

Continue Reading

You'll Also Like

824K 30.5K 49
6: PRIAMOS HIRAYA What will happen if the playboy, wealthy CEO and notorious fuck boy have to pretend to be someone's husband and worst, he also has...
669K 18K 46
Aztic Damein Brunswick Luneburg is a Sniper in MAFIA'S ORGANIZATION. Some people known him as Lightning Axelium. He is a prince, a male ruler of a fi...
434K 11.2K 42
She's half black american and she's an actress. Some people love her because of her pure kindness and some people hate her because of her skin color...
918K 22K 30
Warning: R18 He's dangerous, but he's soft when it comes to her... She's afraid of people, but everything change when he came to her life... Started:...