"Hoy bawal nga eh!" Magkasalubong ang kilay ni Maeve dahil sumubo ako sa kinakain niyang halo-halo. Yung team kasi nila ang nanalo kaya ayon may dessert siya.
I chuckled na sinabayan ng ngisi. "Bawi lang, kinuha mo cp ko eh."
Tinarayan niya ako. "Magkaiba yun Eloise."
Nasa kubo kami ngayon at kumakain. Si Ms. Villanueva naman ay pinipicturan kami. Parang nanay lang ang peg.
Naibaling ko ang tingin sa katapat na upuan namin. Nakita ko si Tristan na kumakain at nahihirapan sa paghimay ng hipon dahil magkasalubong ang kilay niya habang kagat-kagat ang ibabang labi.
Pinigilan ko ang pagtawa ko para hindi ako mapansin. Tinapik ko naman sa balikat si Lauren na abala sa pag-inom ng iced tea habang nagseselfie.
She mouthed "ano?" kaya nginuso ko si Tristan sa tapat namin.
"Ay bawas pogi points, hindi marunong maghimay ng favorite mong hipon." Natatawang bulong nito.
Binigyan ko siya ng nakakadiring ekspresyon. "Wag ka na nga." Mahinang sabi ko.
Wait kailangan kong makabawi sa epic picture na kinuha niya.
Nilabas ko ang cp sa bulsa ko at saka patagong pinicturan si Tristan. Nag flash yung camera kaya biglang napatingin sila sa akin pati na rin si Tristan. Hindi ko na naitago pa ang cellphone kaya tinignan ko sila awkwardly at marahan na ibinulsa ang phone.
"Ang cute naman pala eh diba Loise?" Pang-aasar ni Lauren sa tabi ko.
Sinamaan ko siya ng tingin. Pagkatapos ay nilingon ko si Tristan na ngayon ay nakatingin sa akin habang nagsusubo.
Tumaas ang gilid ng labi nya habang ngumunguya. Ininom ko naman ang natirang tubig sa baso ko at saka nagpaalam kay ma'am.
"Una na ho ako." Paalam ko sa kaniya at hindi na hinintay pa ang sagot niya.
Nakakahiya naman. Iba na naman iisipin non.
Pagkarating ko sa tapat ng guesthouse ay sarado ang gate.
"Ano ba yan, epal pati gate eh." Sinipa ko yung gate dahil sa inis.
Ayoko na bumalik doon aakyat nalang ako sa gate na toh. Kaya ko naman.
Tinungtong ko ang paa ko sa gate at kumapit sa rehas nito. Medyo may kataasan ang gate kaya naman mahigpit ang pagkakahawak ko dito. Nasa kalahati palang ang naaakyat ko nang biglang may tumawag sa akin.
"Hoy anong ginagawa mo?" Nakakunot noong tanong ni Tristan sa akin.
Hindi ko siya pinansin at inakyat pa ang gate.
"Bumaba ka dyan! Pag ikaw nahulog." Pag-aaya niya sa akin.
"Kaya ko! Hobby ko kaya ang hiking at tree climbing!"
"Tree climbing? Walang ganon!"
"Meron, kaya shoo! Alis na!" Pagtataboy ko sa kaniya nang maakyat ko ang tuktok ng gate.
Lilipat palang sana ako sa kabilang part ay bigla niya nalang itong niyugyog.
"Hoy! Tigilan mo yan! Tristan! Itigil mo yan!"
"Climber ka diba? Kaya mo yan." Niyugyog niya pa ito na lalong nagpatili sa akin.
Hindi ko maiwasang mapamura sa ginagawa niya. Papatayin niya ba 'ko? Anong trip niya?
"Tangina mo! Alam kong may pambayad ka sa libing ko pero wag naman!" Pagmamakaawa ko sa kaniya.
Tumigil naman ito kaya gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko at saka bumaba na sa kabilang part ng gate kaya nasa terrace na ako ngayon.
Pagkababa ko ay nakita ko siyang nagpipigil ng tawa sa labas.
"See? Hindi mo kaya yon." I flipped my hair at him.
Pinalakpakan niya naman ako sarcastically, ofcourse. "Galing."
Naglabas siya ng susi sa bulsa niya at saka binuksan ang gate.
Napanganga nalang ako. May susi pala siya all this time tapos hinayaan niya lang akong umakyat sa gate na 'toh?!
Nauna na siyang pumasok sa loob ng guesthouse and left me there na sinusundan siya ng tingin.
Nakakailan na 'to sakin ah.
Pumasok nalang din ako at pumunta na sa kwarto namin nila Maeve at Lauren. Naglinis muna ako ng sarili at nagpalit sa sando at pajama.
Hindi ko nakita sa bulsa ko ang cellphone kaya hinanap ko ito sa kwarto, at di kalaunan ay sa buong bahay na except sa kwarto nung isa.
Pabalik na ako sa kwarto ko galing sa terrace dahil baka naiwan ko lang sa kubo yung cp ko. Sila Lauren na bahala magbalik.
Nakita ko sa kitchen si Tristan habang nagpapapak ng grapes at nakaupo sa upuan ng counter. May hawak siyang cellphone, clear ang phonecase. Namukhaan ko ito kaya naman lumapit ako sa kaniya as I attempt to get it.
Inilag niya ng mabilis ang kamay na nakahawak sa cellphone ko at tumingin sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ba't nasa iyo yan?"
Sumubo siya ng grape. "Nahulog mo kanina nung nag-ala spiderman ka sa gate. Sinalo ko lang."
"Oh edi akin na." Inabot ko ito pero inilayo niya pa din.
"Ano ba?" Bibigwasan ko 'to.
"Password?"
"Fashword" I mimicked him. "Password mo mukha mo. Akin na nga kasi."
"Ide-delete ko lang yung picture ko."
"Utot mo, di mo pa nga dine-delete yung picture ko sa cellphone mo. Plano mo pang i-keep hanggang sa mawalan ka na ng storage eh."
"Pa'no mo nalaman?" Takang sabi niya.
Bigla akong nahimasmasan. Ay ang bonak, bakit mo sinabi Eloise?
"Eh sinend mo sa gc." Sagot ko nalang at inabot ang cp ko na inilayo niya pa.
Ano ba? Gusto niya ba ng kiss o ano? Joke, char, kimmy.
"Trade, akin na cellphone ko." Kondisyon niya.
"Akin na muna yan."
"Loise? Diba?" Random ng tanong niya ah.
"Pake mo? Akin na, isa." Banta ko sa kaniya.
Umiling siya habang nakangiti. Yung ngiti niya pang inosente pero yung motive hindi eh. Malayo. Kaya mas lalong nakakainis.
"Hay! Kapagod jusko."
Napatingin kaming dalawa sa pinto. Si Lauren nakakapasok lang at naghihikab.
Tumingin ito sa direksyon namin at nagpakita ng nakakalokong ngiti.
"Hay! Grapes na minatamis." Umakyat na ito sa taas.
Kasunod niya ang iba pa naming mga kasamahan na dumiretso na sa kani-kanilang mga kwarto. Hindi na nila kasama si Ms. Villanueva. Baka nagpahinga na din ito sa hotel.
Ibinalik ko ang presensya kay Tristan na wala na sa harapan ko.
Asan na yun? Hay nako, exchange gift pala ito ng cellphone edi sana yung basag nalang ang dinala ko. Nakakainis!