How To Be The Villain (Comple...

By Vis-beyan28

23.7K 862 34

Esme Perez loves reading novels. Her favorite book is 'The Greatest Magic User'. One day as she reads the boo... More

Prologo
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Epilogo

Kabanata 17

414 17 1
By Vis-beyan28

______________________________________

Silas Orzon Zamora
______________________________________


MULA sa malayo ay natanaw ko ang mga kalalakihang natutulog sa tabi ng daan.

May apoy sa gilid na nagbibigay ng init sa gitna ng malamig na gabi. Ang kalesa ay nakaparada naman sa kaliwa katabi nito ang kariton habang ang dalawang kabayo ay nakatali sa magkabilang puno at natutulog din.

Alas dies na ng gabi nang makarating ako rito. Kasalukuyan akong nakatago sa puno kung saan nasa kabilang daan ako.

Matapos ko silang mapagmasdan ay muli ako nagtago at sinuot ang itim na maskara sa bibig. Inayos ko ang takip saking ulo (hoodie) na robang mahaba at itim tsaka tinali nang mahigpit saking bewang ang lagayan ng espada ko.

Huminga ako ng malalim.

Bagama't hindi ako tiwala sa plano ni yael ay kailangan kong isipin na lamang na para sa ikabubuti ito ng mga nilalang na kailangan ng tulong.

Mabilis akong lumabas atsaka tumakbo sa pwesto nila. Maingay ang mga bawat galaw ko na natungo sa kalesa. Ang mga gamit na nakita ko sa loob ay pinaghahablot ko dahilan para maglikha yun ng ingay at magising ang isang lalake.

"Magnanakaw!"- sigaw nito ng makita ako.

Dahil dun ay nagising ang mga kasamahan niya. Bale pito sila at may dala pang kutsilyo na armas.

Mahigpit kong binitbit ang mga gamit nila at maliksing tumakbo papasok ng kagubatan.

"Habulin niyo sila!"- sigawan nila at kapagkuwa'y nakarinig ako ng mabibilis na yabag na humahabol sakin.

"Ang una nating hakbang ay kailangan nating kuhanin ang kanilang atensyon at ilayo sila sa kanilang lungga."- nakangising paliwanag ni yael habang nakapandekwatro sa loob ng kalesa.

"Bakit hindi na lang natin sila sugudin?"- tanong ni caden.

"Kapag ginawa natin yun maaari tayong magsanhi ng kaguluhan. Baka may mangyaring hindi natin inaasahan na maaaring magbigay sa atin ng problema pag nagkataon. Kung kaya't hangga't maaari umiwas tayo sa ganung sitwasyon."- rason niya at humalukipkip.

"Kung ganun, sinong gagawa ng hakbang na yun?"- tanong ko habang nililinisan ang espada ko.

"Ikaw."- deretso niyang sagot sabay turo sakin.

"Bakit ako?"- taka kong tanong.

"Sino bang mas mabilis dito? Malamang ikaw. Sa hakbang na ito, ipahalata mong magnanakaw ka. Kapag nangyari yun malamang hahabulin ka nila."- ngiti niya.

"Ngunit ayokong magnakaw?"- angil ko.

"At dahil alam kong sasabihin mo yan, habang tumatakbo ka sa loob ng kagubatan ay gagamitin mo ang mahika mo at dadalhin ang kagamitan nila muli sa kalesa. Sa simula ng iyong pagtakbo mayron kang isang minuto para gawin iyon."

"Bakit kailangan pa akong maghintay ng isang minuto para gawin yun?"

"Dahil paniguradong may mananatili sa kanila na magbabantay. Hindi pwedeng iwanan na lang nila ang mga nilalang, hindi ba?"- taas kilay niyang saad.

"Kung kaya't bibigyan kita ng isang minuto. Kung sakaling malaman nila na nanduon na ang mga gamit nila sa kalesa, mabubulilyaso tayo."

"Ano naman ang gagawin niyong dalawa?"- tanong ko.

"Ang ikalawang hakbang ay patulugin ang matitira sa lungga nila. At ikaw ang gagawa nun."- turo niya kay caden.

"Pagkatapos naming pakawalan ang mga nilalang ay bibigyan ka namin ng senyales. At kapag nangyari yun ay bumalik ka dito mismo sa pwesto natin."- lingon ni yael sa akin.

Dapat magtagumpay ang planong ito dahil kung hindi ay mananagot sakin ang yael na yun.


______________________________________

Yael Thiago Esquivel
______________________________________


Sinenyasan ko si caden na medyo malayo sa akin nang makitang nagsitakbuhan ang limang kalalakihan papasok ng kagubatan para habulin si silas.

Tama nga ang hinala kong may mananatili dito at magbabantay.

"Kung minamalas ka nga naman oo. Ngayong araw pa tayo nanakawan."- inis na dabog ng dalawang lalaki na nanatili.

Medyo malayo kami ni caden sa isa't-isa kung kaya't sinenyasan ko itong magsimula na.

Nanatiling walang emosyon ang mukha nito nang tumalon ito mula sa sanga ng puno.

Nagulat ako dalawang lalake sa narinig at napalingon sila kay caden na nakasuot ng robang itim na may hoodie atsaka maskara sa bibig.

"Sino ka?!"- sigaw nila at nilabas ang mga kutsilyo sa bulsa.

Gamit ang kaniyang kapangyarihan ay gumawa siya ng bilog na bubble ngunit mas matibay yun. Yun din ang ginamit niyang pangsalo sakin sa ere nuong umatake ang mga alupihan sa bayan namin.

Kinulong niya ang dalawang lalake sa loob ng bola at kinontrol ito papuntang ere.

"Pakawalan mo kami dito!"- sigawan nila habang pilit na winawasak ang bilog.

Sinimulan niyang kulogin ang bilog dahilan para mahilo ang dalawa.

Habang nangyayari yun ay nagsimula na akong lumabas sa pinagtataguan ko.

Nagtungo ako sa kalesa at tinignan kung naibalik na ni silas ang mga gamit. Nang makita kong nanduon ang mga gamit nila ay hinanap ko ang potion na makapagbabalik ng lakas ng mga nilalang.

Napangisi ako ng may nakita akong kakaibang kahon. Binuksan ko yun at nakita ang isang bote na naglalaman ng kulay berdeng likido.

"Ngunit papaano nila nadukot ang mga iba't-ibang uri ng nilalang? Hindi ba't may kakaibang lakas at kakayahan ang mga nilalang? Paano na lamang sila nakuha kung ang mga tao ay mahihina?"- takang tanong ni caden.

"Tama ka mas malakas ang mga nilalang kaysa sa mga tao. Ngunit may mga paraan para pahinain ang kakayahan at lakas ng mga nilalang. Isa itong gayuma na maaring ipainom o mas madali, ipaamoy sa mga nilalang. Kapag nangyari yun ay magiging mahina sila at hindi makakalaban. Nagtataka kayo siguro kung bakit hindi na lang sila tumakas. Iyon ay dahil may nalanghap o nainom silang gayuma."- paliwanag ko na ikinagulat nila.

At dahil kailangan nating ibalik ang lakas nila para tuluyan silang makatakas, kailangan ko ang potion na to.

"Tapos ka na diyan?"- lingon ko kay caden.

"Mukhang wala na silang malay."- tugon niya at binaba ang bilog . Nang mawala ng kapangyarihan niya ay napahiga sa lupa ang dalawang lalaki na nawalan na ng malay at may bula na sa bibig.

"Tsk. Sabi ng huwag masyadong pahirapan sila."- reklamo ko at bumuntong hininga.

"Sigurado ka bang buhay pa ang mga yan?"- paniniguro ko at naglakad papalapit sa kariton.

"Tsk. Kung bakit kase ang hihina niyong mga tao."- komento niya at pinagpag ang dalawang kamay.

Aba't kami pa ang may kasalanan?

Pagbukas ko ng kariton ay tumambad sa akin ang mga nakahigang nilalang. May mga lobo, soro (fox), serena na nasa human form, ibon, kuneho, at iba pang kakaibang nilalang na ngayon ko lang nakita.

Tumikhim ako habang isa-isa silang nagigising.

"S-sino ka?"- tanong nung babaeng serena.

Tinignan ko lang siya atsaka binasag ang bote sa loob ng kariton. Nagulat silang lahat ng bumuhos ang likido at umalingawngaw ang amoy nito.

"May limang minuto kayo para tumakas dito."- anunsyo ko at sumandal sa labasan ng kariton.

"A-anong nangyayari?"- tanong nila.

"Pakiramdam ko bumalik ang lakas ko."- saad nila habang pinagmamasdan ang sarili.

Sinubukan pang suntukin nung lobo yung kariton dahilan para mabutas ito.

Napabuntong hininga na lang ako.

"Bumalik na nga!"- nagugulat nilang saad.

"H-hindi namin alam ang iyong motibo ngunit maraming salamat ginoo."- yumuko sila sa akin ng isa-isa silang lumabas ng kariton.

"Wala yun. Maaari na kayong umalis dahil babalik na sila."- winagayway ko pa ang kamay na parang tinataboy sila.

"Caden, bigyan mo na ng senyales si silas."

Sumipol naman ito ng malakas. Sapat na para marinig ni silas na nasa loob ng kagubatan.

"Ano pang ginagawa niyo? Gusto niyo bang mahuli muli?"- lingon ko sa kanila ng hindi pa sila kumikilos.

"A-aalis na kami. Maraming salamat muli, ginoo."- yumuko silang lahat at isa-isa ng nagtakbuhan at nag liparan.

"Umalis na tayo dito."- maya-maya'y sabi ko at tumakbo na din kami ni caden.




~ vis-beyan28
MelancholyMe

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 81.1K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
975K 57.2K 57
Rebirth of an assassin. Birth of the heaven-sent princess. Rise of the supreme goddess. Rise of Dawn. ***
Alive By lxch

Fanfiction

788 125 42
A 19 year old girl finds herself in the middle of an apocalypse alone, but she came across some new people in Tiere De VaƱez, will she survive until...
100K 5.1K 55
No one knew her name nor her face. The only identity she had is that she is the adopted daughter of the Zaragoza and the person behind the success of...