Dopamine Rush

By imaginator_t1eo

2.7K 90 11

"Iz bakit?" He asked. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang hinanakit, pilit niya mang itago. "Bakit mo nagawa... More

i.
PROLOGUE.
ii.
iii.
1- IF THE SHOE DOESN'T FIT, DON'T WEAR IT.
2- EH?
3- THE CHAOS HAS ARRIVED.
4- DISTURBING PEACE JUST TO MAKE A MESS.
5- DEFYING CUPID.
6- THE PROCESS; LOVE IN PROGRESS.
7- SWEETEST TACHYCARDIA.
8- TRIAL AND ERROR.
9- HARD LAUNCH.
10- DOPAMINE RUSH.
11- BITTERSWEET.
12- 365 DAYS OF US.
13- PILLAR OF STRENGTH.
15 - THAWED.
16- ALGIA: In a World of Hurt
17- SILENT SCREAMS, LOUD PAIN.
18- PAINFUL FINALE.
19- MAKE ME REGRET.
20 - AGAINST THE ODDS.
21- LOVE: THE SECOND TIME AROUND.
22 - WHEN DREAMS BECOME A PERSON.
23 - TO DREAM AGAIN.
24 - WHEN TIME DISAGREES..
25 - IN THE MIDST OF HIS HECTIC LIFE.
26- WHY DOES IT HAS TO BE ME?
27 - JOSH.

14- COMING HOME.

25 3 0
By imaginator_t1eo

∆Count Me In by Dova Cameron

Everytime by Chen ft. punch

Disclaimer: do not own the rights for this videos. They all belong to their rightful owner. No copyright infringement intended._________________________________________


"CONGRATULATIONS, IMPERIAL FAM!!!" Sabay-sabay nilang sigaw pagkabukas ni Papa ng pintuan, kasabay ng pagpapaputok ng dalawang party poppers sa magkabilang sides ng pinto.

Kitang-kita ang gulat at ang nangingibabaw na tuwa sa mukha ng mga magulang ko nang malaman nila ang magandang balita.

To God be the highest glory.

"Congratulations, 'nak." Tuwang-tuwa na pagyakap sa akin ni Mama.

"Congrats, Ma." Yakap ko pabalik. "Dahil sa inyo ang lahat ng ito, kaya para sa inyo 'to."

"Kain na kayo, Mommy Mia!" Biglang epal ni Avril at saka inagaw mula sa akin si Mama.

Pagkatapos bumati sa mga bisita ay diretso si Papa sa kwarto nila upang magbihis. Agad akong nagtimpla ng kape at saka dinala ito sa kwarto nila. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa maliit na sofa habang nanonood ng basketball replay.

"Pa, hindi ka kakain?" Tanong ko habang inaabot ang kape.

"Mamaya na, pagod pa ako." Sagot nito habang sumisimsim sa ibinigay kong isang tasa ng kape.

Umupo ako sa tabi nito at saka ito inakbayan.

"Pa, registered nurse na ako." I said, smiling proud.

"Edi congrats." Biro nito.

I pouted.

"Galing ko 'no?" Pagyayabang ko.

"E 'di ikaw na, the best ka." Biro pa nito.

"Huwag ka na magtampo. Ikaw din naman ah.." Panunudyo ko habang sinundot-sundot ang tagiliran niya.

"Tumigil ka, Iz. Matatapon 'tong kape." Saway nito.

Sandali kaming natahimik. Pinanood ko siya habang seryosong nanonood.

"Sobrang galing mo, Pa. Naka-pa RN ka na!" I said out of nowhere. Muli ko siyang inakbayan at saka kinurot ang pisngi. "Nagawa natin.."

"Masaya ako dahil may tyansa ka na para makaahon sa kahirapan, Iz. Nawala lahat ng naipon kong pagod sa loob ng ilang taon." He said. "Iyan lang ang maipapamana ko sayo, Iz."

Ipinanganak ako sa mahirap na pamilya na ang tanging maipagmamalaki ko ay ang pagkakaroon ng mga magulang na sobrang sipag maghanap buhay.

"Salamat, Pa.. sa pagpapaaral sa akin at sa pag-gapang hanggang sa makapagtapos ako sa napakagastos at napakamahal na pag-nu-nursing kong 'to." I said, placing my head on his lean shoulder. "Wag ka na masyadong magpapagod. Ako naman, Pa. Ako naman ang bahala sa inyo ni Mama."

Kinaumagahan ay bumisita ako kay Tita Carla. Malayo pa lang ako ay napakalawak na ng ngiti nito.

"Tita.." Bati ko at saka sinalubong ang nakabuka nitong mga braso.

"Congratulations, Iz. I am so proud of you." She smiled, happily.

"Thank you so much, Tita. I will forever be grateful to you." I said as I slightly squeezes her hand.

Bahagya niya akong tinitigan habang ngingiti-ngiti.

"My daughter-in-law's already a registered nurse. I am so happy." She said, tucking few strands of hair behind my ear. "I'm so proud of my son for choosing someone like you, Iz."

____________________________________________

Hindi porket nakapagtapos ka na at may lisensya ka na ay okay na. Hindi ganon ang reyalidad. In fact, nagsisimula pa lang ang lahat. Mas nakakapagod.. mas mahirap.

Ako, sinimulan ko ang panibagong taon sa pagiging volunteer sa iba't ibang organizations, at sa pag-join sa iba't ibang seminars and trainings.

At ngayong araw ay iba sa mga nakalipas naming volunteer works na umiikot lang sa medical missions or volunteer para sa isang delikadong events. Unang araw namin ngayon sa pag-responde sa isang lugar na niyanig ng isang napakalakas na lindol. Halos libo-libo ang mga sugatan kaya abala kaming lahat sa paggagamot sa mga biktima. Napakaraming dugo, napakaraming umiiyak ng tulong, at humihingi ng saklolo. Sa sobrang dami nila ay wala na kaming oras para magpahinga.

"Nurse Iz.." Tawag sa akin ng kung sino.

Lumingon ako upang tingnan kung sino ang tumawag sa akin.

"Nurse Joy!" Gulat kong bulalas nang malingunan ang napakagandang babae.

Apat na taon na siyang nurse. Napakaganda at napakabait pa. Pamilya nila ang head ng mga medical mission na lagi kong pinag-vo-volunteer-an.

"It's already 4 PM and I heard, you haven't even had a snack." Nakangiti nitong saad at tumawag ng isa pang nurse para pumalit saakin, pagkatapos ay inaya ako sa tent namin. "Mas marami na ang mga v olunteers at mas kaunti na lang din ang gagamutin, ipaubaya na muna natin sila sa iba."

"Thank you." Nakangiti kong tanggap sa inabot nitong pagkain at saka umupo para magpahinga. Bigla kong naramdaman ang pagod at sakit ng likod. Ngayon ko lang din na-realized na nagugutom na pala ako.

"Kapagod 'no?" Biglang sabi nito habang nag-stretched ng kanyang mga binti.

"Sobra.." Nakangiti kong tango habang nakatingin sa abalang kapaligiran. "Pero sobrang heartwarming din."

Napatingin ito sa akin at saka satisfied na tumango.

"Not everyone will understand how satisfying it is to be a volunteer. I mean, being able to render care as well as service and not expecting a salary in return is so rewarding." She smiled. "Their big smile is the best reward for me. Masaya ako dahil bago ako mag-aalaga ng mga canadians ay nakapagbigay muna ako ng service sa mga Pinoy."

"Nabalitaan ko nga, nakatanggap ka na daw ng tawag mula sa Canada." Masaya kong sabi. "Congratulations, Nurse Joy."

"Thank you." Nakangiti nitong sabi habang pinagmamasdan akong kumain. "Iz, may papasukan ka na bang hospital?"

"Kakapasa ko pa lang po ng mga requirements ko sa ilang hospital, nawili kasi ako sa pag-v-volunteer e." Natatawa kong sagot.

"I'm sure matatanggap ka sa kahit alin na malalaking hospital. So I am embarrassed to open this topic because If I remember it correctly, your name can be found in the topnotchers list, pero sasabihin ko pa rin." Nahihiya nitong saad. "Kasi Iz, I have a job to offer, you want to hear it? Perhaps, you want to consider the offer."

"Job offer?" Interesado kong tanong. "Sige po, let's hear it."

Nagliwanag ang mukha nito.

"My ninong's son has health condition. Their private nurse will be on-leave for two months, so they ask me to be the temporary nurse for their son. I said yes without hesitation kasi my flight to Canada will be April next year pa naman." She said. "Kaya lang, my flight was rescheduled a little bit early. I'll be leaving for Canada this November na, so naghahanap ako ng kapalit."

"Clarification.." Taas ko ng kamay. "Naghahanap ng kapalit, as in, naghahanap ng mga mag-a-apply, right?"

"No. Once you said yes, you'll go their and be the private nurse for two months." She replied.

"Huh? Sigurado ka ba sakin, Nurse Joy?" Natatawa kong tanong.

"Of course. I've witnessed your skills. You're very much qualified. At isa pa, the salary is really high so hindi ako kukuha ng basta-basta lang. Iz, their family has a high position in Asian hospital and medical centre. After all, this is a great opportunity right?" She said wiggling her eyebrows. "Shall I introduce you to them?"

Pinag-isipan ko iyon ng mabuti. Tertiary hospital kasi ang goal ko, pero hindi na rin masama. Isa pa, sabi nila, hindi daw maganda na mag-decline sa pinaka-unang trabahong iaalok sayo.

"ATE IZ, ANG SEXY MO!!" Salubong na tili ni Des pagkarating ko sa resort na sinabi nito.

May overnight party ang group 3, kaya naman iniwan ko na muna sa bahay ang mga iisipin. May isang linggo pa naman ako bago mag-decide e.

"PARA SA GROUP 3!!" May kalakasang sabi ni Lexie at saka itinaas ang hawak nitong bote ng alak.

"From student nurses to registered nurses!" Taas din ni Rissa ng hawak niyang bote.

Nagkatinginan kaming lahat and in an instant, our minds get the signal.

"SLAAAAY!" Sabay-sabay naming sigaw at saka nag tabi-tabi ang hawak naming mga bote.

Ginugol namin ang oras sa pag-inom sa dalampasigan habang tuloy sa pag-liyab ang ginawa naming maliit na bonfire.

"I'm proud of us, guys." Nakangiti kong sabi. "We made it this far. Look at us now, we're having our first overnight swimming as registered nurses."

"Take note, our first and probably the last." Sabat ni Sia.

Sabay-sabay tuloy kaming napalingon sa kanya. Agad naman nitong i-nginuso si Des.

"I was petitioned by my Auntie. Sa Australia na ako titira." Malungkot na sabi ni Des. "Hindi ko alam kung kailan uli ako makakabalik dito sa Pilipinas."

Ang inaakala kong reunion ay isa palang farewell party.

"Huuuuy! Guys, nandito tayo para magsaya.. so let's partyyyyyy!!!" Basag ni Ron sa malungkot na atmosphere at saka tumayo para sumayaw sa napakalakas na tugtuging nagmumula sa dance festival sa di-kalayuan.

"Yes. Let's party!!!" Segunda ni Zelle at sinamahan sa pagsayaw si Ron.

Parang batang bumungisngis si Lexie at saka hinila sila Rissa, Des, at Sia sa gitna. Wala na itong nagawa sa kakulitan nila at maging si Thea ay napasayaw na din.

Hindi ko napigilang tumawa habang pinapanood ang kalokohan nila.

"Oh? Anong nangyari sa mga 'yan?" Biglang tanong ng kakarating lang na si Hash, dala-dala ang kinuha nitong karagdagang alak at pagkain.

"Wala, patapon na ang buhay ng mga 'yan." Tawa ko at saka tumingin sa kausap. Kumunot ang noo ko nang makita ang lalim ng titig nito saakin.

Tumikhim ito at saka umiwas ng tingin.

"Hindi pala bagay sayo ang nakatawa 'no?" Biglang sabi nito.

Kumunot tuloy noo ko.

"May gusto ka ba sakin, Hash?" Biro ko at saka biglang ilinapit sa kanya ang sariling mukha.

Sumeryoso ito at saka nakipag titigan sa akin.

"Wala na 'no." Ngisi nito at saka lumayo sa akin. "Na-realized ko kasi na masyado akong gwapo para sayo."

Napailing na lang ako at natatawang pinanood ang lalaki na kumuha ng beer at nakisayaw sa mga lasing naming kaibigan. Masaya ko lang silang pinagmasdan.

"I guess this is goodbye.." Malungkot kong ngiti. "But at least it's a happy one."

Sa susunod na buwan ay magsisimula ng mag-trabaho si Rissa, Ron, at Lexie sa pinakasikat na ospital sa Cebu. Si Sia naman ay lilipad na din papuntang New Zealand para maging nurse sa Derma Clinic ng Tita niya doon. Nalalapit na din ang training nila Zelle at Hash upang maging ganap na mga military nurse. At si Thea, kasalukuyan siyang nagtatrabaho sa Cardinal Santos Medical Center.

"Parang kailan lang.." Napapangiti kong iling at inubos ang laman ng hawak na bote bago tumayo upang muling kumuha ng panibago, pagkatapos ay napag desisyunang makisayaw sa kalokohan nila.

"Mamimiss ko kayong lahat, mga anteh!" Saad ni Ron sa kalagitnaan ng group hug namin.

"Guys, alam niyo naman na bukod kay Avril ay wala akong ibang kaibigan di ba, and yet you still have the guts to leave me." Biro ko.

"Anteh naman!" Sagot ni Thea.

"I guess It's time to face our own realities and walk separate ways. But still, I'm rooting for the success of each and everyone of you. Thank you for the friendship, group 3. I will miss us." Naluluha kong sabi. "Ingat kayo palagi."

Until our paths crossed again.

____________________________________________

Tuloy-tuloy lang ang paglipas ng panahon sa bawat ikot ng mundo. Walang hinto ang paulit-ulit na pag-ikot ang oras, at katulad ng mga kamay ng orasan, patuloy lang.

Tulad na lang nitong relasyon namin ni Carlo. Kahit minsan ay hindi kami nagkakaintindihan, minsan dumarating sa puntong bigla kaming nagkakainitan, kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita sa personal, patuloy lang.

Patuloy na namimiss ang isa't isa, patuloy na iniintindi ang bawat isa, patuloy lang sa paghihintay na dumating yung araw na muli kaming magkikita at magkakasama.. patuloy lang hanggang sa dumating 'yung araw na hindi na namin kayang matiis ang pagkamiss at pananabik na muling mayakap ang isat-isa.

[Happy third anniversary, Iz.] Malambing nitong bati, the very moment he answered my audio call.

"Tumawag ako kaninang umaga ng maraming beses, pero wala kang sinagot kahit isa sa mga tawag ko. Carlo, nag-pa-pa-miss ka ba?" Nakangiti kong tanong, ginagaya ang minsang sinabi niya. "Utang na loob, tama na. Yung pagka-miss ko sayo, umaapaw na."

[Mas lalo naman ako.] He chuckled.

"Nasa bahay ka na?" Tanong ko.

[Wala pa.] Sagot naman nito.

"Carlo, uwi na." Malambing kong sabi.

[Uuwi na.] Tawa nito.

Narinig ko ang pag-andar ng makina ng sasakyan niya.

"Tama 'yan. Umuwi ka na dahil hindi na ako makapaghintay na.. makita ka.. uli." Seryoso kong sagot.

[Hey, stop fooling around. I'm tired, I might fall for that.] He said, strictly. Then, he sighed. [Even though I know that you're referring to facetime, I'm still overthinking here.]

"Am I referring to facetime? You think so, Carlo?" Makahulugan kong tanong.

[What do you mean by that, Yllizandra?] Seryoso nitong tanong.

"Wait until you come home to see what I mean." I smirked. "You'll soon know what Im talking about, Carlo."

Then, I ended the call.

Masaya kong hinintay ang pag-uwi niya at ganon na lang ang ngiti ko nang marinig ang ugong ng kotse nito sa labas. Nang tuluyang makapasok ay hindi nito nagawang dumiretso sa parking dahil may ibang kotseng nakaparada doon. Mas lumawak ang pagngiti ko nang makita ang pag kunot ng noo nito.

Natatawa kong kinuha ang sariling cellphone at tinawagan siya.

[Hello, Iz..]

Bumaba ito ng kotse niya at humakbang patungo sa kotseng umagaw sa parking space niya. Ngunit sa paghakbang niya ay siya namang pagkamatay ng lahat ng ilaw sa buong residence nila na para bang naapakan niya ang switch ng kuryente.

Napapangiti kong ipinikit ang sariling mga mata nang marinig ang pag-play ng pinili kong kanta para sa kanya.

🎶 If I'm the sun then you're the moon
If you're the words then I'm the tune yeah 🎶

"Tumawag ako para sabihing.. Carlo, ganyan kadilim ang mundo ko bago ka dumating sa buhay ko." Seryoso kong sabi sa kanya.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa mula sa kabilang linya.

🎶 If you're the heart then I'm the beat
Somehow together we're complete yeah 🎶

"Tapos bigla kang dumating. At sa pagdating mo, masyado akong nasilaw sa liwanag na dala mo." Muli kong sabi.

Awtomatikong bumukas ang tail light ng sasakyan kaya naman ay bigla itong napapikit at na-i-iwas ang mukha dahil sa liwanag na doon ay diretsong tumatama.

🎶There are times my world is crumbling and the rain is crashing down
But everywhere you are the sun comes out🎶

"Carlo, open your eyes.." Bulong ko.

At kasabay nang pagbukas niya ng kanyang mga mata ay siya ring sabay-sabay na pagbubukas ng mga fairy lights at string lights na paligid niya.

🎶Even when you're gone, I feel you close. You'll always be the one I love the most. You're in my heart, on my mind, you are underneath my skin. And anywhere, anytime, that you need anything.. Count me in.🎶

Dahan-dahan siyang umikot upang tingnan ang kanyang napakagandang kapaligiran. At nang tuluyang sumilay ang ngiti niya, ang paligid ay mas lalo pang gumanda.

"Ganyan nga. Tingnan mo kung paano mo binigyang kulay ang mundo ko, Carlo." I smiled. "You came and suddenly, the world became this beautiful. It becomes romantic, magical, enchanted."

🎶Cause we're two halves of the same new heart that beats to our own drum🎶

Unti-unting bumukas ang bumper ng sasakyan na punong-puno ng lobo at mga letrang 'happy anniversary' ang kabuuan.

🎶You're the shadow always by my side
One that sometimes knows me better than I know myself🎶

Sa gitna ay nakaupo ang poging si Loiz, nakasuot rito ang isang relo na kapareha ng soot ko, sa magkabilaan naman ay nakapwesto ang isang cake, at isang wine.

[Iz.. Tell me. W-Where are you?] Nakayuko nitong tanong.

🎶And I wish that you were here with me tonight🎶

"Nasa likod mo." Ngiti ko. "Turn around and look at me, Carlo."

Rinig na rinig ko ang bahagya niyang pagsinghap. Hanggang sa dahan-dahan siyang umikot paharap saakin. Agad kong sinalubong ang pares ng naluluha niyang mga mata.

"Happy Anniversary, chief. I love you so much." Naglalambing kong bulong.

Natawa ito ng mahina at napapangiti ng umiling. Pansamantala nitong ibinaba ang sariling cellphone at tumalikod ito sa akin upang bumuntong hininga, bago muling humarap saakin at tiningnan ako gamit ang namumula niyang mga mata. Muli itong natawa ng mahina at saka bumuntong hiningang muli, pagkatapos ay muling itinapat sa sariling tainga ang cellphone na hawak niya.

[Right now, I really wanted to pull you out of this ipad because I really want to hug you so bad.] He whispered getting the ipad from his friend, Ken, who's probably standing in front of him. Then he look at me helplessly with those bloodshot eyes. Sadness and frustration was written all over his face. [I miss you so much. I wish you were here with me. Happy Anniversary.]

Pagkatapos naming mag-usap ng ilang saglit ay pinutol na muna namin ang tawag at hinayaang magka-usap ang magkaibigan. Pagkalipas ng ilang saglit ay muli itong tumawag.

[Nandito ako sa baba, pinagmamasdan 'tong frontyard namin. Sobrang ganda nitong pagkaka-disenyo ni Ken at Lirah..] Bungad nito at saka bumuntong hininga. [Pero mas maganda sana kung nandito ka.. kung katabi kita.]

Bumuntong hininga na lang din ako.

"Umalis na ba si Ken?" I asked.

[Yeah.] He tsked. [I told him to stay for the night because we have a lot of catching up but he refused and after drinking up his fourth bottle of beer, umalis na siya.]

"Alam mo namang nagmamaneho 'yong tao, pinainom mo ng marami." Iling ko.

[Wag mo akong pagalitan. I drank five and I'm not sure if that was really his fourth or his third. Dinaya niya ako.] Parang bata nitong sabi. [Oo nga pala.. palalampasin ko na sana, but since inaaway mo ako, aawayin na din kita.]

"Pinagsasasabi mo, Carlo? Lasing ka ba?"

[Hoy Iz, bakit mo naman ipinadala dito si Loiz? Ayaw mo na ba sa batang 'to? Hindi mo siya pwedeng ayawan.] Naiinis nitong sabi na ikinatawa ko. [You can't just give him to anyone, neither let somebody touch or hug him apart from you. He can't be kiss by someone either.]

"And why is that?" I asked.

[Because he's yours! And he's a piece of me, Iz.] Seryoso nitong saad. [He's tasked to keep you company, to give you comfort, and so that you have at least a piece of me to hug when you're really sad.]

His sweetness and thoughtfulness got me smiling big.

"Bakit ko pagt'yat'yagaan si Loiz if I could just hug you instead?" Seryoso kong tanong.

Natahimik ito at saka bumuntong hininga.

[Please stop, Iz. Stop making me miss you even more.] He said, and sighed again. He sighed a lot when he's frustrated. [Every night, I am fighting this urge to get my car keys and take the 12 hours drive just to see you.]

Maybe it's because of the beer he drank or maybe he's really sad.

[Alam mo namang ikaw ang takbuhan ko when I'm too stressed, consumed, and drained, 'di ba? At kapag dumadating 'yong mga panahong ganon, wala akong matakbuhan.] Mabigat nitong sabi. [What frustrate me the most is the fact that I can't run to you even though I wanted to. I can't do anything but to wish and hope na sana..]

Bigla akong napaharap sa pinto nang bigla itong bumukas. Kasabay nang pagbukas ng pintuan ay siya namang pagkamatay ng ilaw.

Pareho kaming natigilan.

Unti-unting bumukas ang maliliit na ilaw, sinasabayan ng napakagandang ritmo na umalingawngaw sa loob ng kwarto. Sa tapat ng pintuan ay bigla siyang natigilan. Madiin ang pagkakahawak nito sa doorknob.

Nakatulala lang ito sa soot kong sapatos, hanggang sa nagkaroon na ito ng lakas upang unti-unting iangat ang kanyang tingin pataas sa laylayan ng soot kong bestida. Pataas sa aking katawan, sa aking labi, hanggang sa marating ng kanyang mga tingin ang mga mata kong naghihintay lamang ha salubungin niya ng tingin.

🎶Oh every time i see you
Looking right into your eyes I find the answers to all of my prayers.
It's always been you.. You're the only destiny. Whose hand I will hold on to till the end 🎶

[..andito ka.] Tila nanghihina nitong patuloy sa naputol niyang sinasabi.

His eyes glistened.

Matunong itong ngumisi habang nakatingala sa kisame. He swallowed simultaneously, probably getting rid of the lump in his throat, then sighed as he tries to blink those tears away.

"Andito ka." Hindi makapaniwala nitong sabi at ibinulsa ang kamay niyang may hawak ng telepono habang matamang nakatingin sa akin na tila ba mawawala ako kapag kumurap siya.

At ganun din ang nararamdaman ko. Napako ang mga tingin ko sa gwapo niyang mukha. Even though his hair is messy, his eyes are bloodshot, and his nose and cheeks are red, I'm still into it.

"Nandito ako para sabihing.." I paused as I swallowed the lump in my throat and control my runny nose. "..hindi na talaga kinaya ng audio call at facetime 'tong pagka-miss na nararamdaman ko sayo, chief."

Tears pooled in my eyes, and my vision got blurry. At nang simulan niyang tawirin ang ilang hakbang pagitan namin.. my heart rate increased and thereupon my tears started to streak down my cheeks.

Carlo's warm body met mine, his arms was tightly wrapped over my shape pulling me impossibly close against his.

"After three years.. finally, Iz." He whispered.

I rests my head against his chest, enjoying his warmth, inhaling his scent, and listening to the rhythm of his heart that beats for me. I closed my eyes when slowly, he started to sway with the music.

🎶oh i can't live without you,
you mean the whole world to me
there's no way i would try to let you go.
it's always been you
you're the only destiny
Whose hand I will hold on to till the end.🎶

Tonight.. I am at my happiest moment of my life, because the long lost piece of my heart has returned. 

This feels like coming home. In his arms, I'm home.

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
933K 83.9K 39
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...