Mystified Heartstrings (A Col...

By AUTHOR_JUAN

1.8K 130 40

A collaborative novel. More

Author's Note
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Epilogue
Special Chapter

Chapter 10

40 5 6
By AUTHOR_JUAN

Chapter 10

 

Day 55: Sevelanio High (Present)

 

“Freedom of Information was the given topic in the previous year's SA District Level Journalism. Rice Tariffication Law naman sa Division.” Marwin stated while scanning the pages of the notebook containing the articles I wrote.

I can feel my heart pounding loudly inside my chest. I am just waiting for his feedback regarding my work, bakit pakiramdam ko ay nasa trial ako ngayon. He is my mentor, after all, so his opinion matters. Alam kong hindi siya basta-basta, top student siya ng Sevelanio, SSG President, and leader ng journalism team. I have to please him first before I can even call myself worthy of carrying the title of our school.

“Try to improve your handwriting skills,” he commented before diverting his gaze from me. “Parang kinahig ng manok ang calligraphy mo, Dominguez.” I wanted to deny that fact, but he has evidence on his hands. Wala akong kawala.

“How about my article?”

Tumaas ang isa niyang kilay.

“O-okay lang ba? May kailangan pa ba akong baguhin? How is it?” sunod-sunod kong tanong.

His eyes shrank while looking at me.

I bit my lower lip in frustration. Inaabangan ang pagbuka ng bibig niya. Umangat ang gilid ng labi niya. He handed over the notebook to me. Bago siya umalis sa pagkakaupo sa desk. He waved his hands and walked away. Aba bastos!

“Hoy! Parang hindi kinakausap, ah!” angil ko.

“Argh! Keep the noise down!” Venice exclaimed.

I immediately shut my mouth and even covered it with my palm. Tahimik akong tumayo mula sa silyang kinauupuan ko bago sumunod kay Marwin palabas ng silid. Bakit ba ang hilig niyang tumakas?

“Saan ka na naman pupunta?” Tanong ko nang magawa kong sumabay sa paglalakad niya. Hindi siya sumagot at diretso lang ang tingin sa aming unahan. “Did I pass?” I furrowed my brows nang mapansin ko na naman ang pag-ngiti niya. Gosh! Nagiging weird na naman si Marwin. Parang sinapian ng engkanto.

I grabbed the edge of his sleeves and started to swing them in a playful manner to get him to look at me. “Grey! Grey! Grey!” I intentionally raised the volume of my voice para mairita siya sa akin at mapilitang pansinin ako.

“The weather is so nice today,” malumanay niyang sabi. Bahagya siyang tumingala upang silipin ang kalangitan. I doubt that. Masyadong makulimlim at mukhang uulan kaya sigurado akong sinabi niya lang ‘yon para magkunwaring hindi niya ako naririnig. “I wonder if she brought a jacket for herself.” Bulong pa nito na ikinasimangot ko.

I’m obviously the person he’s referring to.

“Grey! Bakit Grey ang apelyido mo?” Saad ko nang maalala kung paano siya nainis noong unang beses ko siyang tawagin gamit ang apelyido niya. These days, parang wala naman nang epekto sa kanya, pero curious pa rin ako.

Isang malapad na ngiti ang ipinaskil ko sa labi ko nang sa wakas ay lingunin niya rin ako.

“Where is your common sense, woman?” banat niya. Imbes na mainis ako sa tanong niya, natawa na lang ako dahil sa ekpresyong ipinakita niya. He looked pissed off in an instant.

“I lost it; hindi ko pa makita eh.” I replied in a mocking tone.

“Why are you following me?” masungit niyang tanong. “We are enemies; hindi mo ba naaalala?”

Mahina akong natawa. “Enemies don’t help each other.” I witnessed how his eyeballs rolled upon hearing my statement. “Beside, you don’t consider me your enemy,” I said confidently na naging dahilan ng pagkalukot ng mukha niya.

“Says who?”

“Your face says everything.” I never thought na magagamit ko rin ang linyahan ni sir Lexus. This is amazing. “If you see me as your nemesis, you shouldn’t have offered yourself to be my mentor.”

Huminto siya sa paglalakad saka humarap sa akin. Maging ako ay natigilan rin at nagulat sa bilis ng kilos niya. I accidentally hauled my gaze toward his eyes and was unconsciously stuck on it. Something tickles from inside my tummy while I continue to meet his baffling stares—kailangan ko na bang uminom ng anti-worm capsule?

“What if…” Nanlaki ang mga mata ko nang unti-unti siyang yumukod para ilapit ang mukha niya sa akin. He always does this sort of thing, but hindi ko magawang masanay. Every time he tends to move closer, my heart begins to thump like crazy. Mahirap huminga at parang nagiging invisible ang mga bagay sa paligid. I wonder why? Miyembro siguro ng kulto si Grey at mayroon siyang kapangyarihang tinatago sa society.

“What if?” pag-uulit ko sa sinabi niya.

“What if nagpapanggap lang akong mabait sayo? What if I have a hidden agenda that would make you feel disappointed in the end?”

I swallowed hard while processing his words in my head.

“H-hindi ako madidismaya.” Pinilit kong ngumiti pa rin. “Hindi naman ako nag-expect ng kahit na ano.” I lied. Sa totoo lang, naniniwala ako sa kanya. Without any reason, I trust this guy. He may not be the nicest person I’ve met, but he is one of a kind. Kaya ka niyang lunurin sa kakaisip kung anong klase ng tao si Marwin Theodore Grey, pero sa huli, ikaw na mismo ang hihinto dahil mas gugustuhin mong samahan siya sa kung sino man siya sa kasalukuyan.

People say he has a bad temper, is dangerous, and is a malevolent creature. But in my eyes, siya lang si Grey is the guy who owns multiple personalities. He can be goofy, cheeky, and serious at times. Mahilig siyang manglait, and he is an expert in pointing out the flaws of others. He enjoys hitting my forehead and threatening me with his simple actions. He can smirk, grin, and even laugh like a devil, but he knows how to smile like a real human.

I’ve been observing him for some time now; he takes steps differently from other normal students. The president of the Supreme Student Government, whose head is full of air, The leader of the journalism team is strict and straightforward with his demands. The top students of Sevelanio have great knowledge of so many things. That is how he is—he appears to be dangerous based on the words of others, but kung sila mismo ang tatayo sa harapan niya, they would feel the same thing I experienced while looking into his green eyes.

“It makes sense,” he said, smiling.

“What makes sense?”

Bahagya siyang lumayo sa akin.

Nag-iwas siya ng tingin bago ibinalik ang paningin sa unahan. He placed his palm on the left side of his chest as he took a deep breath. “I need a doctor’s prescription,” aniya bago nag-umpisang lumakad pasulong. Napakamot ako sa aking noo habang pinagmamasdan ang paglayo niya. Umiiling pa ito na para bang may nais alisin sa isipan niya. Weirdo, nakasinghot na naman siguro ng katol.

Balak ko pa sana siyang sundan nang marinig ko ang pamilyar na tinig mula sa likuran ko. “I warned you before,” mariin nitong sabi na ikinalukot ng mukha ko. I don't really like her.

I let out a heavy sigh before turning around to face her. “What do you want this time? Are you going to teach me to hate that guy?” Pabalang kong tanong na ikinangisi niya.

“I don’t have to teach you.” She trailed off and took a step forward. “You will hate him on your own.” Matapos niyang sabihin iyon, nagpatuloy na siya sa paglalakad at nagawa pang banggain ang balikat ko.

She is referring to the future. I doubt that would ever happen. Iniangat ko ang kamay ko saka tumitig doon. “Hate him?” bulong ko sa sarili saka marahang ngumiti. “Too bad; I think that will be impossible.”

“Sigurado ka bang hindi ka tumitira ng drugs?”

Napaigtad ako nang bigla na lang may bumulong sa tainga ko. Napaatras ako at inis na nilingon ang walanghiyang nagbabalak akong bigyan ng heart attack.

“Vandried!” I yelled.

Ngumisi lang siya saka ipinatong ang kamay niya sa ibabaw ng buhok ko. Like usual, ginulo niya na naman iyon. “Vandreid ha? Walang kuya? Vandreid lang?” He asked na para bang naghahamon ng gulo. I pouted my lips and glared at him.

“Ang pangit mo!” pang-aasar niya pa.

“Mas pangit ka! Kaya walang nagkaka-crush sayo noong elementary tayo kasi nga pangit ka.”

Natawa lang siya sa banat ko.

“Sus, balita ko nga eh crush mo ako, kaya mo ako kinaibigan.”

I scoffed upon hearing what he said. Ilang oxygen tank kaya ang naubos niya ngayong araw?

“Asa! Hindi ako nagkakagusto sa pangit.”

“Joke lang! Ikaw naman, hindi mabiro.” Napakamot siya sa kanyang batok saka naniningkit ang matang ngumiti sa akin. Mabilis siyang lumipat ng puwesto sa tabi ko at walang pasabing ikinawit ang braso niya sa akin. Agad ko siyang nilingon.

What the heck?

“Huy! Baliw ka ba? Lubayan mo nga ako!” saway ko sa kanya, pero mas hinigpitan niya lang ang kapit niya sa braso ko.

“May itatanong kasi ako sayo.” He started to move his feet and drag me along with him towards somewhere around this area.

Natagpuan ko ang sarili ko sa loob ng cafeteria. Napalunok ako nang makita kung gaano karami ang pagkain na nakahain sa harapan ko. It looks like we’re having a feast!

I stretched my hand to reach for a sandwich pero bago ko pa man iyon mahawakan, pinalo ni Van ang kamay ko. Napadaing naman ako saka siya tiningnan ng masama. “Mamaya lang. Sagutin mo muna ‘yung tanong ko.”

Padabog akong umayos ng upo. “Ano ba kasi ‘yun?”

Lumapad ang ngiti niya. “A-ano kasi… Paano ko ba sasabihin?”

Nagsalubong ang mga kilay ko nang makita ang marahang pagkagat niya sa pang-ibabang labi. What happened to him? Para siyang natatae na ewan.

“Ano nga?” muli kong tanong.

“I think I’m in love." My eyes widened after hearing him out.

“With me?” Eksaherado kong tanong bago ituro ang sarili.

Napatanga siya saka nanunuyang tumingin sa akin. “Hindi rin ako nagkakagusto sa pangit. Assuming ka naman masyado.” Nakahinga ako ng maluwag sa isinagot niya, pero hindi ko rin maiwasang mainis. Grabe! Para niya na rin akong sinampal ng katotohanan sa mga banat niya.

“Then sino?” I curiously asked.

“I can describe her as a rude and foul-mouthed woman.” Bahagya siyang tumingala. It was as if he were seeing the face of the woman she likes floating in the air. He’s gone mad.

“I am asking for her name.” Ibinalik niya ang paningin sa akin.

“She’s beautiful.”

“Her name.”

“Ayoko munang sabihin, baka siraan mo pa ako.”

Masyadong malala ang trust issue ng lalaking ‘to. Sarap kutusan, parang hindi kaibigan, eh!

“Ano ba kasi ‘yung itatanong mo?” Sinubukan ko ulit na kumuha ng pagkain pero nahuli niya ako at mabilis na inilayo sa akin ang platong kinalalagyan ‘non. “Bilis na! Nagugutom na ako.”

“Tell me, anong nagugustuhan niyong mga babae sa mga lalaki?”

I gave him a puzzled look. “Bakit ako ang tinatanong mo?”

Napasabunot siya sa kanyang buhok.

“Nagtataka rin ako. Bakit nga ba ikaw ang tinatanong ko?” Sa paraan ng pananalita niya, parang gusto niya akong insultuhin. “Malamang! Babae ka at babae rin ang gusto ko. Alangan namang si Grey ang tanungin ko.” Why is he suddenly mentioning that guy? Geez!

“O siya! Sige na. Eto na, sasagot na nga.”

Umayos siya ng upo at tiim na tumitig sa akin.

“But I just want to remind you na nakadepende pa rin sa tao kung ano ang gusto nila. In my case, sasabihin ko lang sayo kung ano ang madalas makakuha sa atensyon ng babae, para sa akin.”

Napangiti siya ng todo sabay tango ng ilang ulit. Para siyang bata na nag-aabang sa isang mahiwagang kwento.

“Spill the bean.”

“Una, gusto namin ‘yung matulungin, mabait at marunong rumespeto. Pangalawa, dapat malinis sa katawan at organisado sa gamit. Pangatlo…” Sandali akong huminto para mag-isip.

“Ano pa?” Abusado naman ang isang ‘to. Nagmamadali?

“Pangatlo, hindi sinungaling, magaling manuyo, at magandang ngumiti.” Napatango-tango siya. “Kaya ikaw, ayusin mo ‘yang pag-ngiti mo, hindi ‘yung nagmumukha kang mamatay tao.”

Napanguso siya sa sinabi ko.

“Ito pa pala, green flag sa mga lalaking masipag mag-aral, may sense of humor, responsible... Bonus na siguro kung gwapo.”

Napangiti siya nang marinig ang huli kong sinabi.

“Curious ako, ano ‘yung gusto niyong paraan ng panliligaw sa inyo?” dagdag niyang tanong.

Napaisip naman ako. “Well, depende pa rin kasi ‘yan sa babae. Meron kasi na makaluma at gusto ay ‘yung hinaharana pa sa bahay at binibigyan ng tsokolate at bulaklak. Pwedeng online ligawan, pwede rin naman ‘yung hatid-sundo tactic. Pwedeng kaibiganin mo muna para maging close kayo. Pwede kang gumawa ng kanta tungkol sa kanya at iparinig ‘yun sa kanya.”

“Ikaw? Anong gusto mo?”

I smiled. “Gusto ko ‘yung susulatan ako ng love letters.”

“Ang corny mo pala,” mapang-asar niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako para gantihan ang panglalait niya pero sa oras na ibuka ko ang bibig ko, agad niya akong sinubuan ng siopao. “Hmm-nnnn-mmnnn!” Tinawanan niya lang ako nang hindi niya maintindihan ang sinasabi ko.

Kung hindi lang ako naaawa sa buhok niya, kanina ko pa siya kinalbo!

Day 58: Sevelanio High (Present)

 

Monday morning, tinanghali ako ng gising kaya late ako. Mabuti na lang at mabait si manong guard, kaya napakiusapan ko siyang papasukin ako sa loob kahit magsasara na sana siya ng gate. Swerte rin dahil walang nagrorondang SSG officers, kaya malaya akong nakapuslit patungo sa building namin.

Hindi na ako dumaan sa classroom namin at dumiretso na sa opisina ni coach. Kumpleto na sila roon at mukhang ako na lamang ang hinihintay. Maging si coach ay nag-uumpisa na rin sa pagdi-discuss sa unahan, kaya nang kumatok ako sa pinto ay naabala pa siya. Gayunpaman, hindi na siya nagtanong at basta sinenyasan na lang akong pumasok at humanap ng mauupuan.

“Gagi late ka babae,” bulong sa akin ni Farrah matapos kong maupo sa tabi niya.

“Where is Jaimee?” I asked nang hindi ito mamataan.

“Isinama ni sir Lexus, pupunta raw sa Central School para magpasa ng school newspaper, requirements ‘yun para makasali tayo sa contest.”

“Sir Lexus?” Nagtataka kong bulong pabalik.

“Hindi mo pa alam?” I gave her an innocent look. “Si Sir Lexus ang bagong coach nila Jaimee, he took over the news writing in the science news category. ”

Napatango ako sa impormasyong nalaman.

Tumahimik na ako at itinuon na lang ang atensyon kay coach. Nagbibigay lang siya ng update patungkol sa nalalapit na kompetisyon. Kinakamusta niya rin ang ginagawa naming paghahanda. Well, I am doing great since I received guidance from someone.

Since hindi naman ako gaanong interesado sa mga sinasabi ni coach, I grabbed my notebook and held the pen in my right hand. I started taking note of the date today. “Day 58...” I whispered. Iniangat ko ang ballpen matapos isulat ang naturang numero.

I was about to lay the pen on my desk when I suddenly felt dizzy. Napahawak ako sa aking sentido, kaya naman nabitawan ko ang hawak kong ballpen.

“Are you okay?” Nag-aalalang tanong ni Farrah nang mapansin niya ang nangyari.

“O-okay lang ako. Kulang lang siguro sa tulog.” Pilit akong ngumiti sa kanya. Tumango lang siya bago yumuko para pulutin ang nahulog kong ballpen.

“Oh?” Naramdaman ko ang pagkagulat sa boses niya, kaya agad kong ibinaling ang paningin sa kanya. “What is this?” Umayos siya ng upo habang hawak ang maliit na kulay sky blue envelope sa kanang kamay niya. Iniabot niya sa akin ang ballpen ko. “Dear Shi…” Naningkit ang mga mata niya habang pilit iniintindi ang mga letrang nakasulat sa likod ng envelope.

“Shiloah?” Tumingin siya sa akin. “Shiloah, para sayo pala ito eh.” Pasimple siyang ngumiti. “Sinong gago kaya ang mag-iiwan ng letter sa ilalim ng upuan? Hindi hygienic ah,” saad ni Farrah na tila ba nagpaparinig pa.

Iniabot niya sa akin ang letter. “What is this?”

“I think it’s a love letter.” Itinuro niya ang mga nakaguhit na puso sa tabi ng pangalan ko. Napangiwi naman ako nang makita iyon. Parang drawing ng kinder. Pati ‘yung handwriting, wala man lang effort mula sa gumawa.

“Love Letter?”

Continue Reading

You'll Also Like

638K 39.9K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
104K 6.8K 4
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
611K 15.5K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...