The Thousand Of Ways (Reclam...

By Bubblemiiint

844 139 0

A COLLABORATION SERIES [ONGOING] Love. Endurance. Sacrifice. This is how Aifha Saavedra feels about her love... More

Reclamation Series
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28

Chapter 10

19 4 0
By Bubblemiiint

Chapter 10

"Nakapagreview ka na ba Aifha?"napatigil ako kinakain ko na bigla akong tanungin ni Erich.

"Hindi pa ,balak ko pa sa sabado."tipid na sagot ko. Next week na kasi ang prelim exam namin kaya ako naman ay sa sabado ang balak kong magreview para di gaano sagabal sa schedule ko.

"Ganon? Ako di ko alam kung may balak ako magreview ,"nagkibit balikat siya kaya marahan akong natawa ,"But anyway ,kailan ko ba ulit makikita si Terrence slash manliligaw mo?"

Napag alaman na rin ni Erich na si Terrence nga yung nanliligaw sa akin. Nung una ,nagtatampo siya sa akin dahil di ko daw sinasabi sa kanya na yung palaging naghahatid sundo sa akin ay manliligaw ko na pala yon at di na neighborhood.

"Di ko alam ,busy masyado siya sa study niya kaya ilang araw na rin niya ako nakakaligtaan maghatid sundo sa akin ,"saad ko sa kanya ,"Tsaka ,bakit ka bang curious sa kanya? At gusto mo pa siyang kilalanin ng maayos?"

She rolled my eyes ,"Siyempre ,kaibigan kaya kita! Kaya gusto ko kilalanin yang Terrence Allejo na yan kung deserve ba talaga siya para sagutin mo!"

Napaisip ako. Kailangan ba talagang ipakilala mo sa ibang tao ang manliligaw mo parang masabi kung deserved ba siya para sagutin?

"Alam mo kasi Aifha ,maraming lalaki kasi diyan na sa una lang magaling ,"sabi niya habang nagpapatuloy na kami maglakad ,"Kapag pinakilala nila ang sarili sa mga babaeng nagugustuhan nila ay mabuti pag uugali ang pinapakilala nila ,mag effort sila sa una hangga't mapasagot nila yung nagugustuhan nilang babae. Pero kapag tumagal na doon lumalabas ang tunay na ugali nila kumbaga doon mo malalaman kung redflag ba ang lalaki o hindi."

Sa haba ng mga sinabi ni Erich ay napanganga ako. Wow ,halatang may galit siya sa mga lalaki ah?

"Ilang beses na ako nakaranas ng ganyan naku ,mga nagiging boyfriend ko talaga Aifha sa una lang magaling ,sa una lang maeffort ,sa una lang mabait pero in the end mga redflag naman ang lahat at ang mas malala pa mga cheater pa ang walang hiya!"gigil na sabi ni Erich kaya di ko napigilan na tumawa dahil talagang dinadamdam niya talaga yung mga sinasabi niya.

"Maayos namang maniligaw si Terrence ,"I assured her ,"Base sa kinukwento niya sa akin ay wala siyang history ng pagiging cheater. In fact ,nagkaroon siya ng long time girlfriend-parang college days pa lang niya naging girlfriend na niya yon. Kaso nga lang naghiwalay sila dahil nagcheat yung girlfriend niya."

"Oh really? Ang saklap naman nun!"

I nodded my head ,"Yeah ,nung pumasok siya ng med school doon na siya di nagkaroon ng oras talaga sa ex girlfriend niya."

"Grabe naman pala yung nangyari sa past relationship niya noh? Akala ko palaging perfect ang relationship kapag nagtatagal."

Akala ko din. Pero doon ako nagkakamali dahil kahit gaano pa kayo katagal kung isa sa inyo ay magsasawa talagang bibitiw talaga sa isang relasyon.

Di ko alam kung bakit may mga cheater pa rin na ang lakas ng loob para humingi ng tawad na parang di nila sinasadya na nagloko sila sa taong mahal nila. Ewan ko ba.

"Basta Aifha susuportahan kita sa kung ano man ang maging desisyon mo ,"humarap siya sa akin at hinawakan niya ang palad ko ,"I know that Terrence is a good man. Kaya nagtitiwala ako sa manliligaw mo na di ka n'ya hahayang masaktan kahit anong mangyari ,kahit di ko pa gaano siya nakikilala ng lubusan alam ko naman na mabait siyang tao."

I smiled to her. Makikilala mo rin si Terrence at masasabi ko sayong di niyo siya mabibigo kapag nakilala niyo ng lubusan.

Natapos ang kwentuhan namin na tungkol kay Terrence kaya dumiretso na kami sa classes namin. Nang maglast period na nga ay halos inaantok na ako dahil inabot na kami ng alas otso ng gabi dito kaya nung nagdismiss na ang klase ay di ko na nagawang magpaalam kay Erich dahil parang pagod na pagod ako buong araw.

Thankfully ,may nakita akong taxi kaya agad akong nagsenyas para sumakay. Mabuti at di gaano traffic kaya mabilis lang din ako nakarating sa condo ko. Pagkarating ko sa condo ko binuksan ko na yon at di na ako nakarating sa kwarto ko dahil hiniga ko na ang sarili ko sa sofa.

Ang sarap magpahinga.

Nang ipinikit ko na ang mata ko ay doon na ako nakatulog ng mahimbing.

Kinabukasan ay naging normal naman ang takbo ng buhay ko ,nagkaroon kami ng vacant time ni Erich kaya nag aya na naman siya na magcoffee shop kami kaya ako naman ay pumayag dahil ang boring naman sa loob ng Dream High lalo na't wala naman akong gagawin doon sa mismong vacant time.

Pero sa di inaasahan ay nakita ko doon si Terrence sa sulok na nakaupo kung saan doon napili ni Erich na coffee shop na pwede naming pagtambayan. Kasama ni Terrence ang kaibigan niyang si Claude at mukhang tutok na tutok ang kanilang mga mata sa laptop nila.

Busy sila ah?

"Ano sayo beh?"lumingon sa akin si Erich habang may hawak hawak na menu.

"Kahit ano na lang. May lalapitan lang ako ah?"sabi ko sa kanya kaya napakunot ang kanyang noo-pero kalaunan ay tumango na lang siya at lumapit na siya sa counter.

Samantalang ako ay lumapit banda sa pwesto nina Terrence at Claude. Nang makalapit ako ay parehas sila di man lang ako tinapunan ng mga tingin. Ang abala naman nila sa pag aaral at di man nila nagawang tumingin kung sino yung taong lumalapit sa pwesto nila?

"Ang sakit sa ulo naman 'tong tanginang subject ni Prof Geronimo ,sarap i-drop tong subject niya nakakainis!"bulyaw ni Claude habang ang mga mata niya ay nakatutok pa rin sa laptop niya.

Tumawa si Terrence ,"Sabi ko naman sayo wag mo akong sundan sa medschool-"di na natuloy ang sinasabi ni Terrence na aksidenteng tumingala ang kanyang mga mata patungo sa akin. Nakanganga siya habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa ,"Aifha..."

"Pinagsasabi mong Aifha? baliw ka ba-"napatigil din sa pagsasalita ni Claude na napatingin din siya sa akin kaya tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

Ano bang problema nitong dalawa?

"W-what are you d-doing here Yenniz?"Terrence asked me while not taking his eyes off me.

"Me? of course magcocoffe dito! Kasama ko ang kaibigan ko ,kayo ano ginagawa niyo dito?"tanong ko sa kanya kaya parehas silang nagkatitigan.

"Uhm ,nag aaral Aifha. "Claude smiled shyly ,"Hindi naman siguro kayo nag usap nitong kaibigan ko noh para gawin niyo akong thirdwheel?"

I blinked my eyes twice. Ano?

"N-no Claude ,"I chuckled ,"Di ko nga alam dito rin pala kayo. Malay ko ba."

Nakataas ang kilay ni Claude at maya't maya ay tumawa siya kaya kumunot ang aking noo. Parang baliw talaga siya.

"I'm just joking Aifha ,ang seryoso mo masyado! Mabuti pa dito na lang kayo umupo ng kaibigan mo ,maluwag naman itong upuan-"

"Aifha ,nandito ka lang pala kanina pa kaya kita hinahanap sa mga upuan!"bulyaw agad sa akin ni Erich habang palapit siya sa amin ,"Ito ba yung nilalapitan-OMG Terrence Allejo?"

He raised his eyebrow. Napatingin sa akin si Terrence na parang sinasabi niyang kung sino itong katabi ko ngayon.

"I swear ikaw si Terrence Allejo! Di ko pa masyadong nakikilala ang manliligaw ni Aifha ngayon pero sa tingin ko ikaw talaga yon!"sabi pa ni Aifha kaya mas lalong kumunot ang noo ni Terrence ,"Ang pogi mo pala sa personal!"

He smiled ,"Uh thank you for compliment."

Sinuway ko si Erich ,"Wag ka ngang maingay diyan."

Pero di niya ako pinansin bagkus tumingin ulit siya kay Terrence at di talaga maalis ang ngiti sa mga labi niya.

"Ako pala si Erich ,kaibigan ni Aifha ,"pagpapakilala niya kay Terrence.

"I know you ,"simpleng sagot ni Terrence ,"Madalas kang naikukwento sa akin ni Aifha kapag nagkakasama kami."

"Oh really? Sana di niya ako binabacstab ah!"pabirong sabi niya kaya di ko napigilang matawa.

"Ofcourse not ,puring puri ka nga ni Aifha sa akin ,"he said sweetly ,"But anyway ,dito na kayo pumwesto samin dahil malaki pa naman pwesto kasya pa naman."

Sasagot na sana ako na biglang magsalita si Erich ,"Sure why not."

Umupo na si Erich sa tapat ni Claude at bg gaga nakipagkilala din kay Claude. Napataas ang kilay ko dahil parang nilalandi niya yung kaibigan ni Terrence! Ito talagang babaeng 'to lahat na lang!

"Upo ka na Yen ,"he smiled widely ,"Mahirap yan kung nakatayo ka lang diyan."

Umupo din ako agad sa tapat niya. Habang hinihintay ko ang coffee na inorder ni Erich ay nag uusap din kaming dalawa ni Terrence. Tinigil muna nilang dalawa ang ginagawa nila para mag usap habang hinihintay namin ang order namin. May sariling mundo din si Erich at Claude and I swear ,ang daming kwento ng kaibigan ko at habang si Claude ay nakikinig lang ng mabuti.

"Mabuti at nagkita din tayo ,"sabi ni Terrence sa akin ,"Ilang weeks na talaga tayong hindi nagkikita at ito ay nagkita na ulit. "

"Ako din akala ko sa susunod na linggo pa tayo magkikita buti at iisang lugar lang pala tayo maglalandas ,"I said softly ,"Sana ayos ka lang sa ilang araw na di kita nakakamusta."

He smiled ,"I'm okay Aifha. Umattend ako ng family reunion kahapon kaya di ako dumiretso kagabi sa condo."

Oh I see.. yon pala ang dahilan.

"How about you? Ayos ka na ba ngayon?"he asked me.

I nodded ,"Oo ,pinaghahandaan ko na yung prelim exam next week kaya another stress naman 'to para sa akin pero keri lang."

"You can do it ,"he winked his eyes ,"Pagkatapos ng exam mo pwede bang i-date kita?"

Napatigil ako sa sinabi niya. Date as in date?! Nakakabigla naman siya!

"Alam mo namang ilang weeks na tayo di talaga nagkakasama at gusto kita ulit masolo yung tayong dalawa lang ,yung walang sagabal?"he pouted his lips ,"Pwede ba yun Yen?"

"Nakakpressured ka naman ,"I chuckled ,"Pero sige papayag ako basta ba tuparin mo yang pangako mo after ng exam ko!"

"Hmm I can't break my promise Yenniz! Pangako yan!"

Hmm ,I guess kailangan kong maghanda sa paparating naming date after ng exam ko!

Saktong dumating na yung order ni Erich kaya naputol ang kwentuhan. Mahigit 2 hours din kami nandoon sa coffee shop na yon at ang ginawa lang namin apat doon ay ang magkwentuhan. Inusisa din ni Erich si Terrence tungkol sa panliligaw niya sa akin at itong kaibigan ko daig pa siya ng nanay ko kung makatanong kay Terrence!

"Sure ka ba talaga sa bestfriend ko ha? Baka ikaw eme eme lang yang sinasabi mo!"saad ni Erich.

"I'm serious to your bestfriend. Well I'm not a perfect man but I'll try to do my best to make her happy."he answered ,"Wala sa history ko ang pagiging cheater kaya malabong malabo na gawin ko yon kay Aifha."

Dahil sa sagot ni Terrence ay nakita ko sa mukha ni Erich na convince na convince na siya na seryoso talaga sa akin si Terrence. Totoo naman na seryoso sa akin si Terrence dahil lahat ginagawa niya para maging best siya para sa akin at palagi niyang pinapasaya lalo na't kapag dinadalaw ako ng kalungkutan.

Past 3:30 PM na naisipan na namin na umalis ng coffee shop. Sabi pa nila na sila na ang bahala para bumalik kami sa Dream high pero sinabi ko naman na may 1 hour pa kami natitira sa vacant time namin dahil yung coffee shop naman na ito ay medyo malapit din naman sa Dream High kaya nag aya muna kami na pumunta sa parke.

Nang makapunta kami ay marami-rami din na bata ang nandito na naglalaro na may mga kasamang mga yaya nila. Humiwalay samin sina Claude at Erich dahil di ko alam bakit nagsasarili na naman sila ngayon at pati sa parke ay kailangan silang dalawa lang?

Kakakilala lang naman nila ngayon di mapaghiwalay?!

"Di ko talaga inaasahan na magkikita tayo ,"he chuckled while holding my hand ,"Balak ko sana dumaan sayo mamaya sa condo mo dahil may naisip ulit ako pwedeng lutuin para sayo."

Nagulat ako ,"Oh really?"

He nodded ,"Oo ,kaso nagkita na tayo kaya next week ko na lang lulutuin dahil yung date na gusto balak ko sana sa condo ko gawin."

Kumunot ang noo ko. First time yon ah? Date sa loob lang ng condo?

"It's just a simple date Yenniz ,"he sighed then he looking at me ,"Gusto ko kasi na magkaroon tayo ng bonding kahit sa loob lang ng condo ko. Alam ko naman na di pa tayo official pero..gusto ko maging memorable kahit papano yung date natin kahit sa loob lang ng condo ko."

I chuckled ,"Kakaiba man yang lugar kung san mo ako idadate pero...mas okay na rin yon para bawas gastos din kung sakali. Gagastos ka pa kasi kung sa labas tayo kakain."

It's true ,mas simple yung gusto ni Terrence. Nasa condo lang kami at marami kaming bonding na pwedeng gawin! Mas okay yon kaysa gumastos siya sa labas para mai-date lang ako.

After all ,kahit san man niya ako dalhin ay ayos lang sa akin. Di naman ako nagrereklamo.

"Mahal kita Yenniz ,"he smiled to me then I bit my lower lip ,"Araw araw ko ipaparamdam sayo kung gaano kita kamahal kahit minsan busy ako."

I chuckled softly. Wow ,di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Mahirap naman magbitiw ng isang salita kung di ko naman pinag iisipan.

Nakatingin pa rin ako sa kanya at ganun din siya sa akin—na parang may hinihintay siyang sagot sa akin kaya ngumiti ako ng tipid sa kanya.

"Terrence, I can't even say that I love you right now because I still know you well, but you will always remember how important you are to me. I'm glad I met you and you chose to like me."I smile a bit.

He smiled to me ,"Di mo naman kailangan sagutin ako pabalik dahil alam ko naman na kinikilala mo pa ako ng mabuti. Basta nandito lang ako palagi para sayo."

Sana magawa kong masabi sa kanya ang katagang yon kapag alam kong sigurado na ako.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 102K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
13.1K 960 56
(n.) 'someone who loves darkness & nights' An insomniac detective stressing over life and a mute girl occupying the orphanage behind, the simple enco...
14.9K 276 10
⚠️All art work and pictures are not mine.⚠️ Just a book were I write reader inserts for sexy men and women. Come in and join me with some tea and Cro...
31.9K 619 13
Hey guys this is my first story so pls don't judge any way Y/N is a strange girl that's because she's a monster she has 3 friends Arachnid,Grills and...