The Mischievous Princess

By Azaleandrei

320 51 2

Princess Zephaniah Axerylle Czerenaldi Sapphire just wants a normal life despite having an almost perfect lif... More

AUTHOR'S NOTE
CHARACTERS:
THE MISCHIEVOUS PRINCESS
•I•
•II•
•III•
•IV•
•V•
•VI•
•VII•
•VIII•
•IX•
•X•
•XI•
•XII•
•XIII•
•XV•
•XVI•
•XVII•
•XVIII•
•XIX•
•XX•
•XXI•
•XXII•
•XXIII•
•XIV•
•XXV•

•XIV•

2 2 0
By Azaleandrei

THE MISCHIEVOUS PRINCESS

Chapter Fourteen: Princess Zephaniah

Uwian,

Patungo kami sa parking lot. Kasama ko sila Trev at Nix.

Sila Vien, Khylie, at Stefan ay pinatawag sa Dean's office dahil may sasabihin daw ang Dean sa kanila.

Habang sila Blake, Kai at Seb ay nasa Student's Council Room dahil may inutos si Nix sa mga ito. Miyembro kasi sila ng students council, at si Nix nga ang President nito.

"Maaga pa, uuwi na kaagad tayo?" tanong ni Trev,

lumingon naman ako kay Nix at hinintay ang sagot nya,

"I'm tired" sagot nito,

"Ikaw Xy? baling ni Trev sakin, malawak ang ngiti nito,

"Hmm, wala naman din akong gagawin sa bahay. Ah! alam ko na! samahan mo na lang ako na bumili ng cellphone Trev, saan nga ba nakakabili nun?" sabi ko dito, nakatingala ako dahil ang tangkad nya masyado,

Gusto ko na rin kasi na magkaroon ng cellphone para naman mapag-aralan ko na kung paano ito gamitin, kapag okay na ang lahat at babalik ako sa palasyo ay bibilhan ko rin si Lily ng cellphone,

"Sa mall meron nun, I'll go with you. Ako na rin ang pipili ng magandang brand para sayo" Trev said then winked at me,

"Sasama ako" napalingon naman kami kay Nix, ngunit pagkakita namin sa kanya ay naglalakad na sya patungo sa sasakyan ni Trev,

tsk, akala ko ba ay pagod sya? ang gulo talaga ng isip nya.

"Tara na" inalalayan ako ni Trev papasok ng sasakyan nya at pinagbuksan ako nito ng pinto.

Habang umaandar ang sasakyan ay bigla kong naalala sa palasyo,

Kamusta na kaya si Xavier?

si Ina?

Hinahanap kaya nila ako?

ano kayang ginagawa ni Lily ngayon?

tiyak kong nalulungkot ngayon si Lily at si Xavier lalong lalo na si Ina,

how about my father? pinahahanap na nya kaya ako ngayon? o wala syang pakialam kung ano man ang mangyari sakin?

I missed everyone in the palace except my Father who had been the puppeteer of my life,

kinakabahan ako dahil tila tahimik ang aking Ama, dapat ngayon ay nagpapadala na sya ng mga kawal upang hanapin ako,

Knowing him, ayaw na ayaw nya na nasasalungat ang mga desisyon nya.

Sigurado ako na galit na galit na sa akin 'yun dahil hindi ko sinunod ang gusto nya na magpakasal sa isang Prinsipe.

Ano kaya ang iniisip ni Ama? Ano ang mga plano nya?

"Xyrelle? are you still there?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses ni Trev,

"Y-yes, ano nga ang iyong sinasabi?" tanong ko,

"Are you alright?" si Nix, seryoso syang nakatingin sa akin,

Batid kong nais din lumingon sa akin ni Trev ngunit mas tinuon nya ang atensyon sa pagmamaneho,

"Yes I'm alright, ano nga ulit ang iyong sinasabi Trev?"

Napakamot sa ulo si Trev,

"Akala ko nakikinig ka, sabi ko may mga masasarap na kainan sa mall. Libre ko ulit, dahil kuripot 'tong si Nix.. Pero bago tayo pumunta sa mall, may dadaanan lang ako saglit sa may public market" pag-uulit nya sa sinabi nya kanina,

Ang public market daw ay parang mall din ngunit wala itong aircon, maingay, at medyo hindi raw maganda ang amoy sa loob kaya naman iniwan nya kami ni Nix sa sasakyan,

Pinagmasdan ko ang sinasabi nyang public market, nakahilera ang mga nagtitinda ng isda, karne, at mga gulay, sa kabilang side naman ay mayroon din na nagtitinda ng mga damit, tsinelas, at kung anu-ano pa.

Maya-maya ay nagulat ako nang makakita ng dalawang kawal na tila galit na kinakausap ang ale na nagtitinda ng isda, tinaob nila ang paninda nito at walang nagawa ang kawawang ale. Umiyak lamang ito at lumuhod sa harapan nung dalawang kawal, walang gustong tumulong sa ale dahil sa takot nila kaya naman wala silang nagawa kundi ang tingnan ang kawawang ale nang may awa sa kanilang mga mata.

Gusto kong bumaba at tulungan ang ale ngunit paano kapag nakilala ako ng mga kawal na 'yun?

"Anong ginagawa nila?" tanong ko kay Nix na nanonood din, nakakunot ang noo nito at tila hindi rin nagugustuhan ang nakikita,

Hindi nya ako nasagot dahil dumating na si Trev,

"May mga kawal na naman mula sa Deluxe Palace ang nanggugulo dito" wika ni Trev pagpasok,

Deluxe Palace?

"Fuck I knew it" mahinang wika ni Nix, nakakuyom ang kamao nito at dali-daling lumabas ng sasakyan,

"Saan ang punta nun?" tanong ko kay Trev pero nagkibit-balikat lang sya kaya naman pinanood ko na lang si Nix na lumapit doon sa mga kawal na nanggugulo,

Tinulungan nyang tumayo ang ale at hinarap ang mga kawal na mga nakapula. Tiyak ko rin na hindi namin kawal ang mga ito dahil asul ang suot ng mga kawal sa aming palasyo.

May sinabi si Nix sa mga ito ngunit hindi namin marinig dahil nasa loob kami ng sasakyan,

Tila natakot naman ang dalawang kawal sa kanya at bigla itong kumaripas ng takbo papaalis,

Nang makaalis ang mga kawal ay nagtulong-tulong ang mga tao upang ayusin ang tindahan ng kawawang ale, pagtapos itong kausapin ni Nix ay bumalik na si Nix sa sasakyan,

"What happened?" tanong ni Trev,

"Nothing, I just told them that our King is on his way to kill them kaya natakot sila" ayun lamang at hindi na ulit sya umusap, halata sa kanyang mukha na malalim ang kanyang iniisip,

Teka? tama ba ang sinabi nya? bababa ang Hari?

"Totoo ba ang iyong sinasabi? King Arthur is on his way here?" tanong ko kay Nix,

"Ofcourse not, sinabi ko lang 'yun para paalisin sila"

Kinabahan ako nang matindi, hindi naman pala totoo.

"Bakit nanggugulo ang mga 'yun? at paano sila nakapasok sa ating bayan?" tanong ko pa,

Naalala ko na ang Deluxe Town, ito ay ang kalaban naming bayan. Masasama ang mga tao rito, ayon sa aking Ina ay delikado raw ang mga tao sa bayan na ito.

"Limang buwan na nung huli silang manggulo dito sa bayan natin, at ngayon lang naulit. Bakit kaya?" wika ni Trev,

"Ang ibig mong sabihin ay hindi lamang ito ang unang pagkakataon na nanggulo sila dito sa bayan natin?" tanong ko,

tumango naman sya at pinaandar na muli ang sasakyan,

"Madalas talagang manggulo sa iba't ibang bayan ang Deluxe, hanggang ngayon kasi ay hindi nila matanggap na sa apat na bayan sa bansang QurseRoyal ay nananatili silang nasa baba sa larangan ng ekonomiya at iba pang mga bagay. They can't accept the fact that they are all losers and good for nothing, palibhasa ay puro gulo ang nasa isip nila. Maging ang Hari at Reyna nila ay mga halang ang bituka at handang pumatay para lang sa pera at kapangyarihan at isa ang bayan ng Sapphire sa gusto nilang guluhin at sakupin, buti na lang talaga at magaling ang ating Hari at Reyna at hindi sila pumapayag na masakop tayo ng mga Deluxe na 'yan" kwento ni Trev,

QUERSEROYAL COUNTRY

A country that is divided into four Monarchial Towns namely; The Sapphire Town, The DeLuxe
Town, The  Cordovia Town, and The 
Walterov Town.

Magkakampi ang tatlong bayan laban sa mga Deluxe, kaya naman hindi ito nagtatagumpay sa pagsakop sa alin mang bayan.

Gusto kasi ng Deluxe Town na masolo ang buong bansa at maipakalat ang kasamaan nila.

Kinuwento sa akin ni Ina ang tungkol dito nung bata pa ako kaya alam ko ang tungkol dito...

Nakarating kami sa mall nang mabilis lang dahil malapit lang naman ito sa public market na pinanggalingan namin.

Pagkababa ay niyaya muna kami ni Trev na kumain dahil gutom na gutom na daw talaga sya.

Pizza ang kinain namin at ngayon ko lamang ito natikman, walang sineserve na ganito sa palasyo dahil madalas ay gulay at prutas ang pagkain namin doon.

Naubos ko ang isang box dahil talagang nagustuhan ko ang lasa nito, kaya nga busog na busog na ako.

"Ang takaw mo pala Xyrelle HAHAHAHA imagine? naubos mo ang isang box?" Trev said,

"Ngayon lang kasi ako nakakain nito" I pouted,

"Talaga?" tila namamanghang tanong no Trev,

"Oo, at napakasarap pala nito!" natutuwang komento ko,

I saw Nix smiled a little bit at bigla ring binawi,

Kuripot sa ngiti!

"Don't worry, babalik tayo dito bukas" Trev said,

"Really? isama natin sila Vien!" I excitedly uttered, tiyak na magiging masaya kami kapag kumpleto ang buong royal class.

Matapos magpahinga sa pagkain ay nagtungo na kami sa bilihan ng mga cellphone, hinayaan ko na lang sila Nix at Trev ang pumili dahil mas alam naman nila 'yun.

After a few minutes ay may napili na sila, at may pinapirmahan din sakin bago ko iyon bayaran at makuha.

Sabi ni Trev ay tuturuan nya raw ako bukas kung paano ito gamitin, nagulat nga rin ako nang sabihin ni Nix na sya na raw ang magtuturo sa akin. Kaya sinabi ko na lang na pwede naman nila akong turuan na dalawa para lahat ay masaya.

"Hindi na pala kita tuturuan, tsk I'll just waste my time" sinabi 'yun ni Nix pagbalik namin sa sasakyan ni Trev,

I just ignored him dahil alam ko naman na pabago-bago talaga ang isip nya.

Hirap intindihin, hmmp!




Continue Reading

You'll Also Like

15.1M 558K 56
Prince of Werewolf's, Alto August Nolan has been searching for his life mate for years, traveling all around the world. The 'Dark' prince soon gives...
32.7K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
478K 14.2K 92
"It is not because she has high standards or expectations. It is not because she is an idol, famous and has a title. It is because I did something th...
290K 9K 61
He only knew he loved her when he let her go...