LABYRINTH ACADEMY SEASON II L...

By asrah028

1.8M 37.2K 7.6K

WATCH THE PROMOTIONAL VIDEO. NANDYAN SA SIDE :)) PARENTAL GUIDANCE IS ADVICED. Lilipat na ng school si Tao, d... More

LABYRINTH ACADEMY SEASON II
CHAPTER 1: CHEAP
CHAPTER 2: NEW SCHOOL
CHAPTER 3: BLANK
CHAPTER 4: LIES
CHAPTER 5: HMMM
CHAPTER 6: KIMI GA SUKI
CHAPTER 7:GUMMY BEAR
CHAPTER 8: COMPLICATED
CHAPTER 9: GAME OVER
CHAPTER 10: NO MORE FRIENDSHIP??
CHAPTER 11: WORKING STUDENT
CHAPTER 12: SEARCH IS OVER
CHAPTER 13: HOME
CHAPTER 14: DAMOVES NI DANGER
CHAPTER 15: EXTENDED ANG L.A
CHAPTER 16: REGRETS
CHAPTER 17:ADDICTED
CHAPTER 18:OFFICIAL
CHAPTER 19: MALAPIT NA
CHAPTER 20:PLAYING SAFE
CHAPTER 21:
CHAPTER 23:WAKE UP CALL
CHAPTER 24: SURPRISES
LABYRINTH ACADEMY II:...
FINALE
EPILOGUE
ANNOUNCEMENT TO MY DEAREST.. ESKEPIKS

CHAPTER 22

55.5K 1.4K 507
By asrah028

MARAMING SAMALAT SA LAHAT NG FEEDBACKS :))


CHAPTER 22

After 1 week,

DONALD

Naka gas mask at naka gloves akong pumasok sa room ni Twaylem. May plastic kase na naka harang, para yata maiwasan na madapuan siya ng kahit anong mikrobyo.

Habang pinapanood ko itong mag suklay, hindi ko maiwasang maging emosyonal. Sa bawat pag suklay niya kase, hindi lang isa, dalawa o tatlong hibla ang natatanggal. Kundi maraming buhok.

Konti nalang at makakalbo na siya. And it breaks my heart everytime na nakikita ko siyang ngumingiti.

Yung ngiting parang umiiyak. T_T

''Fifi..'' ngumiti ito.. Ang lalim na ng mga mata nito, at halos wala na siyang kulay.. Kinuha niya yung lipstick at inapply niya ito sa lips niya.

''Maganda na ako diba? Subukan mo lang kumontra at susuntukin kita.'' ngumiti nalang ako dahil, hindi ako sanay na ganito yung sitwasyon niya.

''Donald... Ayoko na dito.. Pakiramdam ko kase pag nandito ako, parang.. Parang mamatay na agad ako.'' mahinahon na itong mag salita. Shet! Bakit ba kailangan ganto yung sapitin ng kaibigan ko??

''Gusto kong lumabas at mamasyal. Gusto ko ng ice cream!''

''Bawal kang mamasyal bakla, kailangan mong mag pagaling.''

''Malakas pa ako, masamang damo ako remember?? Kaya please?? Labas niyo na ako dito.''

''susubukan kong sabihin yan sa doctor mo.. Pero fifi..''

''Gusto kong makita si Tao.''

Nang sabihin niya ang pangalan ni Tao. Parang nasupalpal ako sa mukha, para kasing ang labong pumunta dito si Tao.  Malabong malabo..

''Fifi..'' hinawakan nito ang mga kamay ko.

''Miss ko na siya.'' nang sabihin niya yun, may mga luhang bumagsak galing sa mata niya.

''Gusto ko siyang makita, kahit mag panggap lang siya na mahal niya ako.. Kahit isang araw lang Donald, masaya na ako.''

''Fifi, kung si Tao ang gusto mong makita ngayon. Paano si Danger??''

Maya-maya pa'y biglang pumasok si Danger at lumapit sa amin.

''Huwag kang mag alala, maiintindihan ko.'' tumingin sa akin si Twaylem.

''Mag papanggap lang naman kayo diba? Okay Twaylem.. Kung saan ka masaya, doon na rin ako.''

Naiintindihan ko si Danger, naawa din ako sakanya. Kung agad ka lang sanang dumating Danger, sana hindi siya masasaktan ng ganto.

Pinayagan lumabas si Twaylem, kaya lang 4 na oras lang. 12:45pm na yun, kaya agad kong tinext si Tao. Pumayag naman ito.. After ng 4months, ngayon lang ulit sila mag kikita. I mean, yung magkikita ng mag uusap at mag kakasama. Yung hindi Hello and Goodbye lang.

At sana lang mamatay na si Danita, peste siya. Pag yun nabuhay, kahit masunog pa kaluluwa ko sa impyerno keri lang. Basta maipag higanti ko yung bestfriend ko.

''Ayan fifi, okay na yang damit mo.'' nag pumilit itong isuot yung uniform niya sa L.A.

''Kahit anong mangyare Fifi huwag mong tatanggalin yang bandana sa ulo mo okay? Pag tapos na kayo, itext mo si Danger okaya tawagan mo ako.. Basta Fifi, yung mga bawal sa'yo huwag mong kakainin.'' tumango lang ito at ngumiti.

''Pindutin mo yung number 1. Yan yung number ko..''

''Salamat Fifi.. Salamat Danger...''

''Ahh, may ibibigay pala ako sayo.'' kinuha niya yung sing-sing na ibinigay dati sakanya ni Tao.

''Hindi ko sinunog yan, tinabi ko. Alam ko naman kase na mahalaga sayo yan, kahit na sinaktan ka ng taong nag bigay niyan.'' yinakap nito si Danger.

''Thank you, Danger.''

Nang maihatid na namin si Twaylem sa coffee shop, pagkabalik namin sa kotse. Hindi na napigilan pa ni Danger ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.

''Wala to, titiisin ko tong sakit na to. Basta sumaya lang siya.. Gagawin ko.''

''Fifi, ang swerte ni Twaylem sayo. Sana ikaw na lang yung unang dumating..''

''Gagawin ko lahat, para sakanya. Kahit alam kong sa huli, iiwanan niya din ako at siya ang pipiliin niya.''

TWAYLEM

2pm nasa may isang coffee shop na ako, kinuha ko yung red lipstick ko at nag apply ulit ng panibagong coat. Nag apply din ako ng blush on.

Kinuha ko yung mascara, pero ng subukan kong mag kabit ng konte sa pilik mata ko. Napansin kong iilan nalang yung pilik mata sa talukap ng mata ko. Pero okay, hindi niya naman siguro mapapansin diba??

''Ayan, maganda na ulit ako.'' tumingin tingin ako sa paligid.. At sa di kinalayuan, nakita ko na ito. Mabilis itong nag lakad papunta sa akin. Nang tuluyan na itong makalapit sa akin, umupo siya dun sa tapat ng upuan ko.

''Kamusta kana Yoshida?? Long time no see ahh''

Na miss kita.. Na miss mo rin ba ako??

''Ayos lang naman ako. Nag di-diet kaba?? Bat pumayat ka yata??'' tinignan ko yung katawan ko..

''Oo e, para hindi na ako tawaging sexy'ng baboy nung kapatid ni Danger.''

''Hindi talaga marunong magsinungaling yung batang yun'' napa ngisi nalang ako. Isa pa to e! E kung bigyan ko kaya ng upper cut tong mokong na to? psssh! Hindi naman akao mataba ahh..

''Ahh, Tao.'' may inabot ako dito..

''Ano to??''

''Usb.'' sabay ngiti ko dito..

''Para saan to??''

''Basta, buksan mo nalang pag trip mong buksan. Tara! Pasyal na tayo.'' pumunta kaming 7/11. At kumuha ako ng chocolate bar. Kahit bawal sa akin..

Kailangan ko kaseng mag panggap na okay ako. Na walang sakit.

''Bat kumakain ka ng chocolate?? May problema ka??'' ngumiti lang ako sa tanong niya..

''Wala naman.. Gusto ko lang. Tagal ko rin kaseng hindi kumain ng ganto, diba sabi ko sayo nag di-diet ako.'' tahimik lang kaming dalawa.

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin, inate ako ng matinding ubo. Nag madali akong pumunta sa cr para lang umubo.

Sa bawat pag ubo pakiramdam ko kahit anong oras babawiin na yung buhay ko. Pagtingin ko sa panyo ko.. Puno na ito ng dugo. Sabihin ko na kaya sakanya?? Pero kase ayokong kaawaan niya ako. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng cubicle at nag ayos..

Pinunasan ko yung mukha ko, at palad ko.

Habang tinitignan ko yung sarili ko sa salamin, parang gusto kong kwestsunin yung tao sa taas kung bakit sa lahat ng pwedeng sakit na ibigay niya, bakit ito pa...

Bakit ako pa?? T_T

******

''Pasensya na sa paghihintay..'' pagkadating ko, tumayo na ito sa kinauupuan niya.

''Sabi ni Donald gusto mong magpanggap na mag girlfriend at boyfriend tayong dalawa.'' napalingon agad ako sakanya.

''Pumapayag ka??'' ngumiti ito.

''Oo, pupunta ba ako kung hindi ako pumapayag? Hanggang ngayon pa rin pala.. Makalawang pa rin yang utak mo.'' nang sabihin niya yun nakaramdam ako ng kaunting saya sa puso ko, ngumiti kase ito. Yung ngiting matagal ko ng gustong makita..

'' Sabi din ni Donald gusto mong manood tayo ng sine. Anong gusto mong panoorin??''

''Kahit ano....'' basta kasama kita.

Pagkapasok palang namin sa sinehan, naramdaman ko sa huling pagkakataon na buo ulit ako. Pagkaupo namin, isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya.

Kahit mamatay na ako ngayong oras din, okay na ako.

TAO

Sa totoo lang hindi naman ako nanunood. Pinapakiramdaman ko lang si Twaylem, nung makita ko siya kanina.. Hindi ako makapaniwala na siya na yun. Sobrang payat niya at halos wala na itong kulay.

Tinatanong ko naman kung napano siya, sabi niya anemic lang daw siya kaya ganun.

Pero sa totoo lang kaya pumunta ako, kase gusto ko siyang makita. Miss ko na din siya e.. Napapaisip tuloy ako kung totoo bang may sakit siya, pero sa nakikita ko naman kasi malakas pa siya.

''Tao..''

''Hmm???'' hinawakan nito ang kamay ko ng sobrang higpit.

Kung tatanungin siguro nila ako kung mahal ko pa siya, oo ang isasagot ko. Gusto ko man siyang balikan kaya lang hindi na pwede. Nandyan na si Danger, at sa nakikita ko naman masaya siya sa puder niya. Tsaka mukhang naka pag move on na rin ito, kahit konti lang.

''mahal mo ba si Danita??''

''Oo..'' pero mas mahal kita..

''ang swerte niya sayo..''' mas maswerte si Danger, dahil nasakanya yung babaeng pinaka mamahal ko.

''Tao, huwag ka munang aalis sa tabi ko ha?''  inilapit niya lalo yung mukha niya sa balikat ko. ''kahit kasinungalingan at pag papanggap lang tong ginagawa natin, ikinasasaya ko to.''

Masaya rin naman ako, dahil kasama kita.. Kahit apat na oras lang..

Tahimik lang kaming dalawa, pero kahit hindi niya sabihin.. Nararamdaman ko na umiiyak ito.

I love you Twaylem... Pero ito na yung sa tingin ko ay tama.. Kaya kitang pasayahin, pero alam ko mas kaya kang ingatan ni Danger. Atleast yun, hindi ka niya papaiyakin at sasaktan.. Di tulad ko, na wala ng ginagawa kung hindi paiyakin at saktan ka.

Tsaka apat na buwan na rin yung lumipas, kahit papaano natututunan na kitang kalimutan.Mas mabuti ng pakawalan kita, atleast sa ganitong paraan.. Alam ko iingatan ka niya ng tama.

-----

TWAYLEM

Pumasok kami sa kwarto kung saan naka admit si Danita. Room 149 siya at nasa Room 156 naman yung sakin. Inilipat siya dito sa hospital kung saan ako naka admit. Kakilala daw kase nila yung owner ng hospital na to.

''Tulog siya kaya hindi mo siya makakausap.'' ikinabit ni Tao yung dala niyang mansanan dun sa may basket malapit sa bed ni Danita.

Habang pinapanood ko siyang hawakan yung kamay ni Danita, hindi maiwasang manikip ng dibdib ko. Gusto kong umiyak sa mga oras na yun para masabi sakanya na ang sakit sakit na.

Pero wala na akong karapatan, dahil isa nalang akong nakaraan.

''Tao, kung saka-sakaling nalaman mo na may malalang sakit ako.. Aalagaan mo din ba ako??'' hindi ito lumingon sa akin.

NOW PLAYING: DAHAN BY JIREH LIM

 

 

''Oo siguro aalagaan kita, pero siyempre wala ka namang sakit ngayon, kaya mas kailangang alagaan ko siya.'' napatingin ako sa taas, at hindi na  nakayanan ng mga luha ko dahil tuluyan na silang bumagsak.

'Tao, pag ba nalaman mong may taning na yung buhay ko.. Mag babago ba yung isasagot mo sa akin?? Kase Tao sa totoo lang, naiinggit ako.. pwedeng bumalik kana? Sa akin ka nalang ulit..'

''Mahal mo talaga siya no??'' oo alam ko para akong tanga, alam ko na sinasaktan ko lang yung damdamin ko, pero baka kase masabi niya kahit sa huling pag kakataon..

Mahal niya pa rin ako.

''Hindi ko nga ineexpect na darating yung panahon na matutunan ko rin siyang mahalin. Matutunan ko siyang alagaan at pahalagahan.''

''Tao, paano kung sabihin kong balikan mo ako? Babalik ka pa ba??'' lumingon ito sa akin at ngumiti.

''Hindi naman malayong mangyari yun, pero kase kailangan niya ako ngayon. Malakas ka naman kaya kaya mo na yan.'' sabay ngiti nito sa akin.

'kailangan din kita ngayon, pwedeng kahit magpanggap ka lang na mahal mo ako?? Kahit kasinungalinan lang ulit yung gagawin natin, pwedeng mag panggap ka na mahal mo ako?? Malapit na kase yung deadline ko..'

Lumapit ako dito,

''Hindi pa siya mamamatay.. Matagal pa siyang mabubuhay..'' kumunot ang noo nito.. At bahagya niya akong itinulak

''E ano naman kung hindi pa siya mamatay?! Ang mahalaga nandito ako sa tabi niya. Yun lang yun TAPOS!'' hinawakan niya ako sa braso at lumabas kami ng kwarto ni Danita.

''Twaylem, pwedeng itigil mo na to?? May sakit si Danita. Sapat na ang apat na oras na magkasama tayo. Umuwi kana!!'' pag tataboy nito sa akin.

Bakit ba lagi niya akong pinag tatabuyan?? Bat ang dali lang para sakanya na ipag tabuyan ako?? Ang daya-daya niya..

TAO

''Siguro nga sapat na yung apat na oras na kasama ka, pero kase 2months na lang ang itatagal ko... Kaya hindi sapat yung huling apat na oras na yun na kasama ka.. Pwedeng i extend natin yung apat na oras?? Gusto kase talaga kitang makasama..'' tumigil ako sa paglalakad papalayo sakanya.

''I'm sick..'' dahan dahan akong lumingon sakanya, napa smirk pa.

''Mayaman naman kayo e, kaya ng magulang mo yan. Mag pagaling ka, kahit sa ibang bansa pa. Umuwi kana Twaylem. Baka mamaya kung anao pang mangyare sayo ako pang sisihin.'' cold na pagkasabi ko sakanya.

''Sabi mo nga, hindi agad namamatay yung masamang damo.'' napa look down ito at bahagyang ngumiti.

''Akala ko nga pag masamang damo hindi madaling mamatay. Pero.. Akala ko lang pala yun, kase kahit pala masamang damo.. Dumarating din yung araw na kailangan nilang lumisan...'' nang tumingin ito sa akin biglang bumagsak ang mga luha niya.

''malalanta, lilipas at dahan dahang mamatay...'' bakit ba ganyan ang sinasabi niya? Anong gusto niyang palabasin?? Nag papaawa ba siya?!

''Okay na si Danita diba?? Ligtas na yung buhay niya..''

TWAYLEM

''Oo, stable na ang kalagayan niya. Pero kailangan niya pa rin ako sa tabi niya.. Kailangan nandun lang ako sa tabi niya para gumaling na siya.'' sabay ngiti nito sa akin.

''E paano ako?''

Ngumiti ako sakanya..

''Kaya mo yan, ikaw pa malakas ka diba?? Tsaka hindi mo kagaya si Danita, mahina yung loob mo.. Ikaw yakang yaka mo yan. Sige na kailangan ko ng bumalik sa kwarto ni Danita.. Umuwi kana.''

pagkatapos niyang sabihin yun, pakiramdam ko kahit anong oras mamamatay na ako.

Bukod kase sa sobrang sakit na ng ulo ko at hinang-hina na ang buong katawan ko.. Ang sakit-sakit pa ng puso ko.

''Tao, paano naman ako?? Gusto kong alagaan mo rin ako kahit sa mga huling sandali nalang ng buhay ko....''

''Paano ka?? O kita mo naman, malakas kapa. Kung sinabi mong mamatay kana.. Bakit hindi kapa namamatay? Last week ko pa yatang naririnig na mamatay kana e.. Pero tignan mo, nandyan kapa rin.. Malakas at buhay na buhay.. Huwag kang mag paawa, dahil hindi umuubra sa akin.'' tuloy tuloy lang ang pag-bagsak ng mga luha ko.

''Nandyan naman si Danger..'' tumakbo ako at yinakap siya ng mahigpit na mahigpit.

''Tao, bumalik kana sa akin... Miss...'' ang sakit sakit na..

''na miss...''

''na kita.''

''Twaylem.. Wala na tayong dapat ibalik pa.. Tumigil kana, sinasaktan mo lang yung sarili mo. Huwag ka ng mag pakatanga sa akin, hindi mo ba nararamdaman?! Pinagtatabuyan na kita! Kaya kung pwede lang mawala kana sa paningin ko habang mabait pa ako sayo!'' tuloy tuloy pa rin ang pagbagsak ng mga luha ko.

''Natutunan ko na siyang mahalin. Mag move on kana, nakapag move on na ako.. Masaya na ako, kaya dapat maging masaya ka na rin..''

''Pero bakit hanggang ngayon, kailangan mong iparamdam sa akin na mahalaga ako sayo?? Hindi ako tanga Tao para hindi maramdaman at makita ang mga bagay-bagay na pinag gagawa mo..'' lumingon ito sa akin..

''Tao, sa mga oras na to.. Ano nalang ba ako sa buhay mo?''

''Wala na.. Isa ka nalang magandang nakaraan na ayaw ko ng balikan pa. Sige, mauuna na ako.. Kailangan pang kumain ni Danita.'' kinuha niya yung plastic na nasa tapat ng pinto ng kwarto ni Danita.

 At muling nag lakad papalayo sa akin.

TAO

I didn't mean to say those words to her.. Panahon na rin, para kalimutan niya na ako.. Kase sa ngayon, yun na yung ginagawa ko.. Yung kalimutan siya.

Mahal ko si Twaylem, pero alam ko na mas kaya siyang pasayahin ni Danger. Ayoko man nakikitang umiiyak siya, pero sabi ng puso ko yun yung tama, na pakawalan siya.

Dahil may mga relasyon na kailangan mong isuko. Tsaka lagi kaming nag aaway, nakakapagod na rin yung ganun. Asar! Nakakaasar talaga!

''D*mn i----''

Pagkatalikod ko sakanya, nag sigawan yung mga nurse.

''Miss Flinn!! Miss Flinn!!!'' Pag lingon ko, nabagsak ko yung mga pagkaing nasa plastic. At halos manlumo ako  sa nakita ko, si Twaylem walang malay! Nag madali akong tumakbo papunta sakanya....

''Anong nangyare?! Twaylem! Gumising ka nga!!'' tinapik-tapik ko yung mukha niya pero wala parin itong malay, ng makita ko yung panyo niya, yung kanina niya pa pilit na itinatago sa bag niya. Punong puno ito ng dugo, at sa amga oras na 'to kinabahan ako.

Ano bang problema?? Bakit may dugo? May sakit ba talaga.. Hinde! Wala siyang sakit, okay lang siya...

Nang aktong bubuhatin ko na siya.. Natanggal yung nakatakip sa buhok niya..

At halos maiyak ako ng makita kong, halos wala itong buhok. Anong nangyayare?? Bakit ganito??? Anong nangyayare sayo Twaylem?? :(

''Hoy Twaylem! Anong nangyayare sayo?!'' halos manginig na ang boses ko ng sabihin ko yun.. ''Twaylem, gumising ka nga.. Ayoko ng ganito.. Isa eskepik! Tatamaan ka sa akin makikita mo.''

''Hoy! Eskepik! Walang ganyanan! Huwag ka ngang mag inarte diyan!! Idilat mo yang mga.....'' natigilan ako ng mag salita yung nurse.

''Sir, kailangan po natin siyang ibalik sa kwarto niya'' matara-tarantang sabi ng nurse sa akin.

''ano bang sakit niya?? Bat.. Bat ganito?!'' naramdaman kong may tumulo, akala ko luha lang.. Pero, dugo yun na nanggaling sa ilong niya.

''Sir, may leukemia po ang pasensyente. Kailangan nating magmadaling ibalik siya sa kwarto niya! Baka pag di pa tayo nag madali, maari siyang mamatay.''

Leukemia, hindi ba.. Cancer yun?? P-pero.. Bakit may cancer siya?? Hindi ko maintindihan....... T______T

Continue Reading

You'll Also Like

106M 2.1M 50
Marriage is normally one's happily ever after in the movies, but for Aemie Ferrer-Roswell, it's just the start of a seemingly unending adventure. Can...
4.5M 164K 57
Juariz Bachelors #1 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Si Austine Villaluz ay isang fresh graduate sa kursong general education. He loves kids and would...
2.2M 74.2K 13
Isang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalag...
133K 3.3K 48
Book two of And They Meet Again (ATMA).