CHAPTER 18:OFFICIAL

50.1K 1.1K 181
                                    

Pagpasensyahan niyo na ang author kung sunod sunod ang sad updates. E kase ang dami-daming pumapasok sa utak ko kaya ayun... Sa susunod na update magiging masaya na... :))


Enjoy reading guys.. :)

CHAPTER 18: OFFICIAL

TWAYLEM

11pm na at start na ng pool party, Tao is still here but he's all alone. I asked Kyd kung bakit hindi nila linalapitan si Tao.

At pare-pareho lang ang sagot nila

 Save & Publish

'Wala daw silang kasalanan kaya siya dapat ang mag sorry' matataas ang mga pride ng mga 'to e. Buti nalang nandyan pa si Darth,Kay,Shin at si Friso para samahan siya, pero madalas kasama namin sila..

Kawawa naman siya.

''Hoy fifi, bakit ganyan yung itsura mo??'' bumalik lang ako sa katinuan ng kausapin ako ni Donald.

''Tignan mo si Tao, mukha siyang kawawa..'' liningon niya naman ito..

''Huwag kang mag alala kay Tao, kakausapin din yan ng mga boys. Hindi nila matitiis yan. Master nila yan, remember?'' naka upo lang ito sa may isang corner at nakikinig ng music.

''Twaylem..'' nagulat ako ng biglang hawakan ni Danger yung kamay ko..

''Bakit ba?! Kita mong nag uusap kami ni Donald tas..'' napansin kong bihis na bihis na ito at nakasunod sakanya si Zone.

''Uuwi kayo?!?''

''Oo ate Twaylem, dumating galing sa U.S sina mama e. Pinapauwi kame sa bahay..'' sagot ni Zone sa akin.

''Gusto ko pa sanang mag stay, kaya lang kailangan muna naming umuwi. Bukas punta ka sa bahay, susunduin kita.. Ipapakilala na kita kina mama at papa.'' siniku-siko ako ni Donald..

''Uy, for the first time.. Ipapakilala siya..''

''Shut up!'' pag sisita ko kay Donald.

''Mag swi-swim swim nalang nga ako, baka mamaya sipain mo ako. Paalam papa D!''

''Papa D ka diyan, dun ka nga!'' ng makalayu-layo na ng kaunti si Donald, may binulong sa akin si Danger.

''Huwag kang masyadong mag papagod. Huwag ka ng mag swi-swimming.. Makipag kwentuhan ka nalang, kung hindi mo pa kayang sabihin sakanila ngayon yung tungkol sa kalagayan mo.. Sabihin mo nalang sa susunod, huwag kang mag alala, ba-back-upan kita.'' hinalikan ako nito sa may noo.

''tsaka nalang kita ipag hehele ha? Uuwi na kame, yung bilin ko sayo.. Huwag matigas ang ulo, paalam.. Buko.''

''ha? Buko?? What the pak is buko? You mean, coconut??'' napa hipo ito sa noo niya. ''ang ibig sabihin ng buko. BUhay KO, huwag mong kakalimutan.. Sige na, mauuna na kame.. Love you''

LABYRINTH ACADEMY SEASON II LABYRINTH ACADEMY [TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon