She Owns My Lips || (Complete...

Par shaitamad

10.9K 294 4

University Series #01: Charlotte Grace Reyes & Flair Keyne Ross "She's the girl who own my lips." ©shaitamad... Plus

She Own My Lips
Simula
Episode 1
Episode 2
Episode 3
Episode 4
Episode 5
Episode 6
Episode 7
Episode 8
Episode 9
Episode 10
Episode 11
Episode 12
Episode 13
Episode 14
Episode 15
Episode 16
Episode 17
Episode 18
Episode 19
Episode 20
Episode 21
Episode 22
CHARACTERS
Episode 23
Episode 25
Episode 26
Episode 27
Episode 28
Episode 29
Episode 30
Episode 31
Episode 32
Episode 33
Episode 34
Episode 35
Episode 36
Episode 37
Episode 38
Episode 39
Epilogue

Episode 24

131 5 0
Par shaitamad

Episode 24:


CHARLOTTE




"D-dito ka matutulog?" Gulat na tanong niya sa akin. Matamis na ngiti ang isinagot ko sa kaniya.



"Bakit masama bang matulog rito?" Tanong ko sa kaniya.



"H-hindi naman pero..." Lumipat ang tingin niya kay Peach na nakamasid lang sa amin habang kumakain ng pizza. "Ayaw mo bang natulog kay Peach?" Umiling ako.


"Ayaw ko. Malikot sa kama ’yan, gusto ko rito sa apartment mo. Nagsabi naman na ako kay Dad na matutulog ako sa bahay ng nililigawan ko." Mahinahong saad ko dahilan upang mapaiwas siya ng tingin. Namumula na naman siya.



"Lord, kunin niyo na po itong dalawang lovebirds na naghaharutan sa harapan ko. Wala silang galang sa pagkain." Matabang na saad ni Peach.



"Bakit ba kasi hindi ka pa umuwi sa bahay niyo?" Nangunot ang noo ni Flair. "May pasok ka pa bukas ’di ba?" Inirapan ako ni Peach.



"For your information pare-pareho lang tayong may mga klase bukas. Kayo nga itong binulabog ako sa bahay ko eh. Gagawin niyo lang pala akong third wheel. Makaalis na nga." Tumayo na siya’t isinara ang kahon ng pizza bago iyon binitbit. "Akin na ’to tutal busog na busog naman na kayong dalawa ng mga salita niyo," saad niya bago naglakad palabas ng apartment ni Flair.



Nang tumunog ang pintuan ay nagkatinginan kami ni Flair at sabay na natawa. Tumayo ako’t umupo sa tabi niya bago ngumuso. Papa-cute muna ako para pumayag siya na dito na ako matulog.



"Please, behave lang ako." Nangunot na naman ang noo niya.



"Hindi naman ata ikaw si Charlotte." Tumaas ang kilay ko. "Ang clingy mo. Baka mamaya sa una ka lang magaling tulad ng mga lalaki." Mabilis akong umiling.



"Magaling ako hindi lang sa una." I perverted said. Umiwas siya ng tingin.



"S-shut up." Halos magkabuhol buhol na ang dila niya. Natawa ako ng bahagya. She's so adorable. Bakit nga ba ganito ako ka-clingy ngayon na hindi ko naman dapat ginagawa? Hindi ko rin alam, ang alam ko lang ay magiging akin na rin siya. Not now but soon.



Sa huli sumuko rin siya at pumayag na dito matulog sa apartment niya. Binalingan ko siya, tuwid na tuwid si Flair habang nakalagay ang isang kamay sa dibdib kaya tumagilid ako paharap sa kanya.


"Malawak naman itong kama mo isa pa wala naman akong gagawing masama sa ’yo." Tumingin siya sa akin at bahagyang kumibot ang labi.



"Talaga?" Ngumiti ako’t tinanguan siya.



I pouted, "Bakit parang iniisip mo na may gagawin akong masama sa iyo?" Naging malikot ang mga mata niya’t muling tumingin sa kisame.



"H-hindi naman sa ganoon, naninibago lang ako." I smiled and moved closer. "Dati kasi hindi ka pa noon nanliligaw sa akin." Hinawakan ko ang pisngi niya't niyakap siya. She froze. Naririnig ko rin ang malakas na pagtibok ng kanyang puso.


Gaano kaya kalakas ang epekto ng presensya ko sa kanya? Mabilis din ang tibok ng aking puso ngayon, tulad noon. Siya naman palagi ang dahilan. Paano nga ba nagsimula?



"Ako ata ang unang nahulog sa ating dalawa." Napatunghay ako. She bit her lower lip.



God, I want to bit your lips too.


"Hmm?"


"Akala ko kasi naglalaro ka lang. Isa pa si Wil, he's courting you right? Ano ang laban ko sa lalaki? And last time I checked, straight pa ako." I chuckled.



"Straight pa rin naman ako." Nakita ko ang pag ikot ng mga mata niya. "Sa iyo lang naman ako lumiko."  Muling umiwas siya ng tingin. Kinikilig na naman siya.


Sinapo ko ang kanyang mukha at hinalikan sa labi. Matagal ring magkadikit ang mga labi namin bago ko pinutol ang halik namin. Pinagdait ko ang mga noo namin at marahan siyang hinalikan sa ilong.


Fuck you, self!



"You're too clingy, Charlotte." She whispered.

"Sa'yo kang naman ako ganito." She smiled. "Malakas ka sa akin."

"Halata ko nga."






FLAIR






Bumangon ako't lumabas ng kwarto dahil wala si Charlotte sa tabi ko. Kung umalis siya bakit hindi siya nagpaalam sa akin? Natigilan ako sa pag iisip ng makita ko siyang nakatalikod habang may kung anong ginagawa sa kitchen.



Oh, she's cooking? Napataas ng bahagya ang aking kilay noong bigla siyang mag sway. She's dancing while cooking. I like it. She's cute while doing that thing.


"Uhurmm..."piking tikhim ko dahilan upang mapalingon siya sa akin. Lumingon siya't ngumiti.



"Goodmorning." She greeted.


"Good morning, Charlotte."


"How's your sleep?" Patuloy niyang tanong habang inilalagay sa plato ’yong niluto niya.


"Fine. How about yours?" Ngumiti siya sa akin.


"Maganda naman ’yong tulog at gising ko kasi ikaw una kong nakita." Napaiwas ako ng tingin. Kinikilig ako. "Ako lang ito, Flair. Ako lang ito." Nilapitan niya ako’t hinawakan sa bewang bago hinalikan sa noo.


"Wala naman akong sinabi na hindi ikaw ’yan." Pilosopong sabi ko dahilan upang lumayo siya sa akin at sumimangot. "Always wear your smile, dear. " Hinalikan ko siya sa pisngi at pumunta na sa breakfast na nakahain. "Housewife material." Ngising saad ko bago siya tiningnan.


"Galing na nga pala ako sa bahay, kumuha ako ng gamit." Natigilan ako. Gano'n kabilis? Ibig sabihin maaga siyang nagising? Natulog pa ba ang isang 'to? Gamit?

"Ha?"

"Dito na muna ako titira." Nalaglag naman ang panga ko.

"A-ano?" She genuinely smiled at me bago umupo sa tapat ko.

"I said, dito na muna ako titira."

"Paano ang daddy mo?"

"Pumayag naman si Daddy," saad niya.



Ano na naman bang plano nitong babae na ito? Biglaan palagi ang pagdedesisyon, sana okay lang siya. Nahawi ko ang aking buhok. Ako ang nai-stress sa mga ginagawa niya.

"Biglaan ka palagi." Mahinang sambit ko.


"Bakit ayaw mo ba?" Kumunot ang noo niya. Umiling ako.

"Hindi sa ayaw pero pabigla-bigla naman ’yang desisyon mo."  Ngumuso siya. Palagi na niyang ginagawa ang bagay na 'yon, oo bagay sa kanya pero...bagay nga. Ang cute niya.



"Ayaw mo no’n? Baka bigla na lang kitang pakasalan." She grinned. Napasinghap naman ako sa sinasabi niya. Pakasalan?




"Ang bata pa na'tin para magpakasal."



Baka hindi kasal ang mangyari. Baka isang bigla na lang mawala ’yang nararamdaman mo sa akin.



"I won't force you naman to marry me e." Tumaas ang kilay ko. Conyo yarn?  "Hihintayin kita and igagalang ko ang desisyon mo. Dito lang ako titira kasi...gusto ko. Para malapit sa school and para mabantayan kita." Napailing na lang ako.




"Bantayan." Hindi naman nanganganib ang buhay ko para bantayan niya.


"And also si Peach. Alam naman na’ting pareho na nanganganib siya, malapit na siyang ikasal kaya mas magiging lapitin siya ng disgrasya." Sabagay tama naman si Charlotte.



Kaya nga kami ipinagkasundo noon para mabantayan ng maayos si Peach. Hindi ko alam ang kwento at ang tanging alam ko lamang ay kailangan siyang maging ligtas. Siguro dahil na rin kay Great Solomon. Makapangyarihang tao ang lolo ni Peach, siya rin ang taga-pagmana nito kaya siguro masyadong komplikado. Kaya lang hindi naman siguro tama na ipakasal na lang siya sa kung sino para lang maligtas siya. Ang lalaking ’yon ba ang makakapagligtas kay Peach sa kapahamakan?




"Kailangan ba siyang ikasal para mailigtas? Kailangan niya ba talagang pakasalan ang lalaking ’yon?" Kumunot ang noo niya.


"Sino bang nagsabi na lalaki ang pakakasalan niya?" Napaawang ang labi ko.


"Ha? Hindi ba?"


"Babae ang pakakasalan ni Peach, Flair. Isang Salvador. Si Venice Rhegis Salvador."



Salvador?

_________________________________

:)

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

5.6K 288 14
"Mom, What?!" "I'm getting married baby, come home anak, makikilala mo na ang bagong family mo" What the actual fuck? (SLOW UPDATE)
44.3K 2.1K 61
Life is full of lies so just deal with it! DOORMATE BUDDIES 💙 hotburnn_
20.1K 42 30
Enjoy reading!! (credit to the rightful owner)
184K 3.8K 48
That Girl Is Mine(Santillan Series #2) [COMPLETED] "Shut up your mouth and mark this words THAT GIRL IS MINE"-Haidee "I'm not kid anymore,tsk!"-Ely...